Chapter 3
Jack's P.O.V.
Hindi ako makatulog sa kakaisip sa babae sa panaginip ko. Mabuti nalang walang klase bukas.
Hahanapin ko ba siya? Para naman sa ano? Mamahalin din kaya niya ako? Ilan kaya kaming taon na magkasama? Paano kami magkikita ? Anong gagawin ko kung magkita na kami? Mamimiss niya ba ako? Magseselos din kaya siya kung may kasama akong babae? May forever na ba sa kanya?
Yan ang nga tanong na nasa isip ko. I swear kalahati palang yan. Parang 20% out of 100% sa mga tanong sa utak ko.
Sa pagpatak ng 12:00 am nakaramdam na ako ng antok at nakatulog na.
Gumising ako ng nakatayo sa ibabaw ng kahoy. Nagulat ako sa suot ko dahil parang suot ito ng mga explorer. Natanaw ko ang magandang view dito. Maraming puno at maingay dahil sa mga huni ng mga hayop.
Nahagip ng mata ko ang isang babaeng hinahabol ng elepante. Dali-dali akong umakyat pababa at hinabol sila para tulungan ang babae.
Kung saan-saan sila pumunta. Hindi ko alam kung nangangalay ba ang mga paa nila sa kakatakbo. Pero napansin ko na ang babaeng yun ay ang parehong babaeng nasa panaginip ko kagabi.
Ano naman ang ginagawa niya dito? Hmm. Tinawag ko siya pero hindi siya lumingon. Tumakbo ako papunta sa kanya pero hindi ko namanlayan na nakatapak pala ako sa quicksand.
Ang bobo talaga ng english. Tawagin ba namang quicksand kung mabagal ito. Humanap ako ng mga vines pero huli na ko. Nasa beywang ko na ang sand at hindi nako makakaalis. Ilang minuto ang lumipas at hindi pa din ako makaalis.
Gumising ako ng may kaba sa dibdib dahil sa nalunod ako sa quicksand. Mabuti nalang at panaginip lang yun. Humanda na lang ako para pumasok sa school.
Nang makarating ako, hinintay ko si Krit. Hahaha. Ako naman ang maaga ngayon. Nadatnan ko si Nataela na straight na ang buhok. Naku. Nagpa-rebond siguro.
Wtf. Akala ko siya yung girl eh. Awtsu. Hindi pala, liligawan ko pa nga sana siya. Nang makarating si Krit. Kinwento ko sakanya ang nakita ko.
"Saklap nun, Jack. Hahahaha. Kawawa ka naman. Di bale, dadating din ang araw na makita mo siya."
"Sana hindi na lang eh. Magpapadre nalang ako. Hahaha."
"Gago. Di ako magkakanephew at magkakaniece niyan eh."
"Psh. Di naman kita kadugo. Hahaha."
"Eh bawal ba? To talaga oh. O baka naman naubos mo ang shabu na nilagay ko sa pakete mga candies?"
"Hahaha. Meron pala?"
"Gago! Naniwala naman. Hahaha. Tara na pumasok na tayo."
Pumasok kami sa klase at ganun padin. Same routine. Pasimple kong nilabas ang aking earphones at sinasak sa tenga ko. Ganito ako kapag naboboring ako sa klase.
Nang matapos ang klase namin, nagpaalam na kami sa aming teacher at lumabas sa pintuan. Kasama ko ulit si Krit. Since maagang natapos ang klase. Magpapasama ako kay Krit na mangchicks sa Mall na malapit sa school namin. Di naman siya lesbian ah.
"Ayun, Jack. Tingnan mo ang babae sa harap ng Jollibee."
"Hmm. Bakit ba lahat ng babaeng nakikita ko may kulot na buhok tas puti na balat? Nahahallucinate na talaga ako sa dream ko."
"Kaya nga, hinahanap eh. Puntahan mo na tas hingin mo ang number. Pagkatapos, sampalin mo at i-karate chop mo ang kanyang leeg at saksakin mo ang dibdib."
"Gaga. Ano to, Hunger Games? Wait nainom mo ba ang maintenance mo?"
"Ay, nakalimutan ko. Wait, meron ba akong maintenance?"
Hahaha. Para na kaming mga baliw dito na tumakas mula sa mental hospital.
Ginawa ko ang sinabi ni Krit maliban lang sa murder part. At binigay naman ng magandang babae ang kanyang cellphone number. Swerte ko. Hahaha.
Pagkatapos nun, umuwi na kami ni Krit ng makalipas ang 10 minuto ay tinext ko yung babae.
Me: Hi :)
Girl: Sino 'to?
Me: Si Bossing. Oh ano, deal or no deal?
Girl: Huh? Sino ba talaga to?
Me: Hahaha. Edi yung lalaking nameet mo sa Mall.
Girl: Ganun ba?
Me: Oo, pwede ba tayong magkita?
Nag-antay ako ng 5 minuto bago ko siya tinawagan. Sinagot niya naman.
Girl: The number you have dialed is not available, please try again after a thousand years.
Psh. Maldita pala tong babaeng to. Sayang, kala ko naman siya ang babaeng nasa panaginip ko. Psh.
Dinelete ko na ang number sa cellphone ko ng makatanggap ako ng tawag from an unknown number.
Unknown: Hello po !
Me: Sino 'to?
Unknown: Ahh.. Ehh..
Me: Hello, Ah-Eh
Unknown: Hahaha. Ano ka ba! Yan tuloy minahal kita. Hihihi
Me: Whut? Hindi po ko binibenta.
Unknown: Hihihi. Nevermind. Pwede pong magkita tayo?
Pinilit ko ang boses ko na maging boses babae bago niya akong tinawagan.
Me: The number you have dialed is not available, please try again later. Toot-toot-toot
Pagkatapos nun, dumiretso na ko sa aking kama para tumulog. Ang tahimik ng gabing ito. Parang nafefeel kong may nakatingin sa akin. Hmm.
Inisip ko ang nagyari kanina. Tama pala sila. Kung anong gagawin ng sa kapwa mo sayo, yan din ang gagawin mo sa kapwa mo. Yan tuloy nakonsensya ako.
Nakatulog nalang ako sa kakaisip kung sino ang babaeng yun.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro