SP: Crosoft's Last Confession
NAGISING ako sa malakas na kulog sa labas. Madilim ang buong silid at mukhang nakapatay ang aircon pero malamig parin dahil sa malakas na buhos ng ulan sa labas.
"Cam?" doon naman ako natauhan. Wala si Cam sa tabi ko. "Cam?" iginala ko ang tingin sa buong paligid. Nagri-reflect ang shadow ng mga sangay ng puno sa pader sa tuwing kukulog.
Pero pack juice talaga wala talaga si Cam. Sinubukan kong buksan ang lamp shade sa side table pero 'di 'yon gumana. Naloko na at mukhang nawalan pa kami ng kuryente. Marahas na napabuntong-hininga ako saka bumaba ng kama at tinungo ang nakaawang na na pinto.
Nahilot ko ang noo ko habang nakahawak sa seradura ng pinto nang biglang may dumaan sa harap ko pagbukas na pagbukas ko ng pinto. Shet! Napalunok ako sa gulat. Madilim ang pasilyo at langya may dumaan talaga kanina.
"Pack juice ayoko ng ganitong biro." Takot at halos pabulong ko ng sabi.
Tila nabuhay naman ang dugo ko sa pangyayaring 'yon lalo na't tinaasan ako ng mga balahibo sa batok. Nagulat naman ako sa malakas na pagkulog. Shet! Pinakiramdaman ko na ang buong paligid. Buti na lang at nadampot ko pa 'tong cell phone ko. Ginamit ko 'yong ilaw sa dinadaanan ko.
"Cam?" tawag ko. "Cam na saan ka? – Shet!"
Panay ang pagkulog at langya ang dilim ng buong paligid.
Napamura na naman ako nang maramdaman kong may dumaan sa likod. Pack juice! Biruin n'yo na ang lasing huwag lang ang bagong gising. Langya! Ayoko talaga ng mga ganitong biro. Nakakamatay ng pag-asang mabuhay.
"Cam! Pack juice saan ka na ba?"
Bigla-bigla ay may narinig akong mga mahihinang yabag mula sa hagdan. Napalunok ako. Lord, huwag n'yo namang i-paranormal 'tong bahay namin. Pinag-ipunan ko 'to. 'Yong takot ko abot na bumbunan nang lumakas lang ang mga yabag na parang papunta 'yon sa akin.
"Shet!"
Mabilis na tinungo ko ang kwarto ng mga anak namin. Pero 'di ko naman mabuksan ang mga pinto. Naka-lock! Pinipilit kong buksan dahil papalapit na talaga saken 'yong mga yabag. Litse! Tatakasan na yata ako ng bait dito. Pinagdadabog ko na ang pinto at pinagsisipa.
"Bumukas ka! Bumukas! Font! Danah! Buksan n'yo 'to!"
Naiiyak na ako sa takot dahil sa pesteng mga yabag na 'yon na walang katapusan 'di naman one hundred steps ang hagdan namin. OA naman masyado ang multo. Shet!
Lumipat ako sa kwarto ng kambal.
"Print! Paper! Buksan n'yo to! Shet! Ba't ba naka lock ang mga 'to?"
Palakas nang palakas ang yabag na para bang nasa malapit na siya. Tumigil yata ang tibok ng puso ko. Bigla akong nanlamig. Nanginginig na mga kamay ko. Bigla-bigla ay nawala ang mga yabag.
Pinakiramdaman ko ang buong paligid. Madilim at ang malakas na buhos lang ng ulan ang tanging naririnig ko. 'Yong moment na rinig na rinig mo na pati paghinga ng kaluluwa mo sa sobrang takot. Jus ko!
Pero bakit malakas ang pakiramdam ko na nasa malapit lang siya. Dios ko! Mamatay na yata ako sa takot.
Cambria asaan ka na ba?!
Kinabahan ako ulit nang bumalik ang mga yabag. At sa tingin ko nasa likod ko na siya. Dios ko! Gisingin n'yo na ako kung panaginip lang ito at 'di ko na talaga kaya. Naririnig ko na ang malalim na paghinga niya. 'To 'yong mga sound effects na naririnig ko sa mga horror movies. Shet!
Bigla-bigla ay nagulat ako sa pagyakap niya mula sa likod – tang'na this mukhang pinagnanasaan pa ako ng multo. Nagsimula na akong magdasal ng Our Father at Hail Mary. Jus ko kung makayakap saken ang multong 'to ang higpit-higpit pa. Kung 'di lang sa maputla at may dugo niyang kamay – langya this!
Tatakutin na nga ako mamanyakan pa ako.
Naramdaman ko ang paglapit ng mukha niya sa may tainga ko na lalong nagpataas ng mga buhok ko sa batok.
"Five, plus, Eight, plus, Seven, equals?" bulong niya saken na kinagulat ko.
Pero 'di nga, baka mahilig talaga sa math si ghost at ito ang last mission n'ya. Okay, wait, count ko muna. Nagbilang ako saglit.
"Twenty!"
"Mali," bulong parin niya. "Happy Birthday Crosoft."
"Eh?"
Nag-loading ako. Wait lang! Wait lang! Shet! Doon lang ako natauhan nang marinig ko ang malakas na pagtawa ni Cam. Para yata akong nalanta na ewan. Napakurap-kurap ako. Pack juice naisahan ako!
"Cambria Velasco D'Cruze!" sigaw ko sabay lingon sa kanya.
Nagulat naman ako nang biglang nabuhay ang ilaw at nagsiputukan ang mga party poppers.
"Happy Birthday Daddy!"
Sigaw ng mga anak nila na naka horror costume ding katulad ni Cam. Okay, mukha akong OP. Natawa na lang ako sa halip na maasar. Pero 'yong tawa ko biglang napalitan ng iyak-tawa sabay higa sa sahig. Jus ko! Ang puso ko!
"Daddy!" sabay-sabay na dinaluhan ako ng mga anak namin.
"Mga baliw kayo 'di n'yo man lang ako na inform na may theme pala ang birthday ko." Iyak ko. "Nakakahiya naman sa costume ninyo."
"Crosoft," tatawa-tawa paring naupo sa may uluhan ko si Cam. "'To naman! 'Di ka man lang na touch sa surprise namin sayo ng mga bata?"
"Ma touch? Gaga 'to! Muntik ko na ngang ikamatay 'tong surprise n'yo saken. Langya! Akala ko talaga mari-rape na ako ng white lady." Umayos ako ng upo sa tabi niya. Pinaningkitan ko ng mata si Cam nang balingan ko. "Nakaka-bwesit na ewan haha." Pero sa huli ay natawa na lang ako sa naging reaksyon ko kanina.
"Daddy Happy Birthday!" ulit ng mga anak namin sabay yakap saken.
Niyakap ko ang mga anak. "Salamat! Mga bubwit kayo pinagloloko n'yo ko." Pinanggigilan ko silang kilitiin.
"Daddy tama na!"
"Hahaha!"
"Nakikiliti ako Daddy!"
"Oh siya, tigilan n'yo na 'yan. Kumain na tayo sa ibaba."
Inangat ko ang mukha kay Cam na nakatayo na. Nakaipit sa mga braso ko sina Font at Print. "Kakain tayo ng madaling araw?" 'Yong dalawa naman nakakapit sa leeg at braso ko.
"Oo, early breakfast."
"Cool! Early breakfast sa gitna ng nag-aamok na panahon."
"Haha, oo, kaya bumaba na tayo."
I SAT on the window seat in our room. Umuulan parin sa labas nang tumingin ako mula sa bintana. Bigla akong napangiti. Pinagmasdan ko ang mga litrato na hawak ko. God, hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa nalaman ko.
Bumukas ang pinto kaya madali kong itinago ang mga pictures.
May ngiti na tinignan ko siya habang papalapit si Cam saken. May dala-dala itong dalawang umuusok na mug.
"Pahawak muna," inabot niya saken ang dalawang mug saka nito inalis ang tuwalya sa buhok. Titig na titig naman ako sa kanya. 'Yong tingin na napapangiti na parang tanga. Pack juice! 'Di ko talaga mapigilan. Kumunot ang noo nito habang tinutuyo ang basang buhok ng tuwalya. "An aga-aga nababaliw ka naman diyan?"
"Gwapo mo kasi eh," I grin.
Napangiti siya. "Maganda ako! Mas maganda pa sayo." She stick her tongue out at me.
Itinabi ko muna ang dalawang mug. "Halika nga dito." Inabot ko ang dalawang kamay niya at hinila siya palapit saken para yakapin sa beywang. Iniangat ko ang mukha sa kanya. "I love you." Nakangiti kong sabi.
"Chosero mo!" lumipat ito ng upo sa tapat niya. Nag-indian seat siya at isinandal ang likod sa pader bago inabot ang mug nito. Malaki talaga ang window seat namin kaya kasya kami kung trip mag-moment. Chos! "Pero alam ko." But I saw her smile while sipping on her mug.
Napangiti ako. Inabot ko ang sariling mug at sinimsim ang laman nun para lang mapamura. "Pack juice!" Nakangiwing tinignan ko si Cam. "Ang init!" Napaso pa ang dila ko.
"Baliw! Umuusok nga 'di mainit talaga. Hay naku!"
"Kiss mo na lang ako para mawala ang sakit."
"Anong konek? Ayoko nga."
"Arte mo na ngayon, ha? Sawa ka na sa mga halik ko?"
"Tigilan mo nga ako Crosoft. Umayos ka." Tinaasan niya ako ng kilay. "Ang lamig-lamig ng panahon."
"Birthday ko naman eh. Gift mo na lang saken." I grin. "Dapat maging slave kita buong araw." Mapang-akit ang ibinigay kong tingin sa kanya. Pero ang bruha tinaasan lang ulit sako ng kilay. Napabuga ako ng hangin. "Ay ewan ko sayo! Ang lamig na nga ng panahon ang lamig pa ng turing mo saken. Parang 'di mo ako asawa eh."
"Umayos ka kasi."
"Hindi ako maayos. Magulo ang pag-iisip ko. Magulo ang buhay ko. Sa sobrang gulo pati buhay mo ginulo ko nang mahalin kita." Napamaang siya. Natawa naman ako. "Chos!" Dagdag ko pagkatapos.
"Ay grabeh," napapailing-iling si Cam. "Oo 'te ginulo mo buhay ko. Sa sobrang pagragasa mo dumiretso ka dito oh." Itinuro niya ang puso. "Sa puso ko." This time ako naman ang napamaang – speechless. "Chos!" Kindat niya pagkatapos.
Natawa na lang ako.
"Akala mo, ha? Marunong na ako niyang mga the moves mo."
"Naks! Natututo na ang mister ko ah."
She smiled and shrugged proudly.
"Maiba ako Cam," pag-iiba ko. "Naniniwala ka ba sa tadhana?"
"Oo, simula nang makilala kita." Tumawa naman siya bigla.
"Gaga, seryoso ako." But still, 'di ko parin napigilan ang mapangiti. "I mean, seriously, bilang isang writer o bilang isang ikaw. You believe in destiny?"
"Oo naman, lahat naman siguro tayo. Alam mo 'yong minsan imposible pero nangyayari parin? 'Yong mga bagay na mahirap ipaliwanang kung bakit may mga tao tayong nakikilala out of nowhere na parang coincidence pero 'di naman pala. Bakit mo naman na tanong?"
"May naalala lang ako."
"Ah," tumango-tango si Cam.
"Next question, ano 'yong pinaka-memorable na nangyari sayo noong bata ka pa? May nakilala ka ba? O Naging Darna ka ba noon? Mga ganun."
Napangiti si Cam. "Hindi ako naging Darna pero may isang batang lalaki akong nakilala noon."
Umakto akong nagsi-selos. "At talagang 'di ka nauubusan ng lalaki kahit noong bata ka pa, noh? Lakas ng landi appeal mo ah."
Natawa siya. "Baliw! Hindi! 5th birthday ko 'yon. May isang masungit na bata na binigyan ako ng bobot candy."
"Bobot? Cheap niya ah."
"Oy 'di kaya. 'Yon ang sikat na candy noon. I wonder, kumusta na kaya ang supladong 'yon."
"Pagnakilala mo ba 'yong si Bobot Boy papalitan muna ako?"
"OA nito, 'di sana kung kami ang nakatadhana nun matagal na sana kami ulit nagkita kaso 'di naman, diba? Ikaw ang ibinigay saken."
"Bolera mo talaga eh, kaya nga asang-asa ako sa mga pambobola mo saken."
"Mana lang ako sayo."
"Ako din, may nakilala rin ako noong bata ako."
"Talaga? Sino?"
"'Di ko kilala eh. Basta pangit 'yong babae na 'yon. Nakakadiri."
"Ay grabeh siya oh! Gandang-ganda ka sa sarili mo eh, noh? Tsk." Hindi ko na pinatulan ang reaksyon ni Cam. Hinuli ko lang ang tingin niya. "Oh bakit?"
"I have one last confession."
"H-Huh?"
December of 2001
"Mommy! Mommy! Gusto ko doon sa airplane-airplane ride." Hinila na ni Crosoft ang mommy niya papunta sa gusto nitong ride. "Sige na Mommy!"
"Oo na, baby. Teka lang, hintayin lang natin ang Daddy mo." Pero hindi siya nagpaawat at nauna na siya doon sa ride. "Crosoft, baby!" sigaw ng Mommy niya.
Dire-diretso lang siya doon sa ride. Naghintay siyang tumigil sa pag-andar nun dahil may nakasakay pang batang babae na may hawak na happy birthday balloon. Naabutan na siya ng Mommy niya.
"Baby naman," tumingkayad ang mommy niya sa harap niya. Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya. "Huwag kang basta-basta tumatakbo. Baka mawala ka."
"Eh Mommy, I want to ride that airplane." Turo niya sa ride. "Matagal pa ba siya?" Nilingon niya ang batang babae.
"Kapag tapos na lang turn niya baby saka tayo sumakay diyan, okay?" Tumango na lang siya. "Ay wait lang, baby, puntahan ko muna Daddy mo. Wala na pala tayong coins. Dito ka lang, ha? Huwag kang umalis." Tumango ulit siya.
Umalis na ang mommy niya.
Mayamaya ay tumigil na rin sa pag-andar ang ride pero 'yong batang babae hindi parin bumababa sa itaas ng airplane. Napasimangot na si Crosoft.
"Hoy bata!" sigaw niya sa batang babae. "You're done na ah! Bakit 'di ka pa umaalis? Turn ko na."
"Hindi ako pwedeng umalis dito."
"Pero tapos na ang time mo. Ako naman."
"Hindi nga ako pwedeng umalis dito." Mangiyak-ngiyak na ulit ng batang babae. "Pwede ba huwag kang makulit!" singhot nito.
"Ako naman!" 'di parin siya sumusuko. "Wala ka naman yatang coins eh."
"Ang kulit mo rin eh!"
"Baby," nakabalik na ang Mommy at Daddy ni Crosoft. "Anong nangyayari?"
Itinuro niya ang batang babae. "Eh kasi ayaw niya po umalis. Tapos na po time niya dapat bumaba na siya. Mommy, kausapin mo nga po siya."
"Hija," si Daddy. "May hinihintay ka ba? Where's your parents?"
"Sabi ni Papa hintayin ko lang po sila dito. Huwag daw po ako umalis. Kapag daw po umalis ako 'di ko na sila makikita." Naiiyak na sabi nito.
Binalingan si Crosoft ng ama niya. "Anak, sa ibang ride ka na lang. Madami pa naman oh. Choose ka na lang ng iba."
Naipadyak ni Crosoft ang mga paa sa inis. "Ayoko! I want this ride! Paalisin n'yo po siya!"
"Baby," alo ng Mommy niya. "Sa ibang ride na lang."
"Ayoko nga po Mommy! Dito lang ako." Crosoft glared at the girl. "Kaya umalis ka na diyan!"
"Anak, stop that. Huwag kang makipag-away." Sita ng mommy ni Crosoft.
"Bueno, since makulit ka talaga." Binalingan ng ama ni Crosoft ang batang babae. "Hija, okay lang ba na share na lang kayo ng seat ng anak ko?"
"S-Share?"
"Oo, share na lang kayo. Kasya naman kayong dalawa diyan."
"Ayoko po Daddy! Gusto ko po ako lang!"
"Huwag ng makulit. Sige ka, 'di ka makakasakay kung 'di kayo share."
"Hmmp!"
"Okay lang ba, hija?" tumango ang batang babae. "Sige na baby, umakyat ka na doon."
"Hmmp! Sige na nga!" Masama parin ang tingin ni Crosoft sa batang babae. Gusto niyang itulak ito pero alam niyang mapapagalitan lang siya ng Mommy at Daddy niya. Kaya 'di niya na lang ginawa.
Tinulungan siyang maka-akyat ng Daddy niya sa airplane ride.
"Selfish!" aniya doon sa babae.
"Bad ka naman!"
"Oh, oh, tama na 'yan. Smile na kayong dalawa."
"Hayan, ihuhulog ko na ang coin."
Nagsimulang umatras-abante ang airplane ride. Enjoy na enjoy siya pero ang katabing bata niya ay 'di man lang ngumingiti. Panay pa ang tingin sa buong paligid. Hindi maiwasan ni Crosoft na tignan ulit ang nakasulat sa balloon nito.
Seryoso ang tingin na binalingan niya ang batang babae.
"Pst,"
"Ano?!"
"Birthday mo ba?"
"Oo, eh ano naman sayo?"
Napasimangot siya. "Birthday mo naman pala bakit sad face ka? Diba, kapag birthday dapat masaya? Ngumiti ka naman."
Naglapat lang ang mga labi nito. "Ano bang pakialam mo?"
"Birthday mo kasi. Dapat masaya ka. Ngiti na!"
"Ayoko."
"Magsma-smile ka ba o itutulak kita dito?"
"Bakit ba ang bad mo?" mangiyak-ngiyak na nitong tanong. "Iniwan na nga ako nila Mama at Papa inaaway mo pa ako."
"'Di kita inaaway. Huwag kang umiyak. Oh ito," kinuha ni Crosoft ang limang bobot candy sa harap ng bulsa ng jumper niya at inabot 'yon sa babae. "'Yan, regalo ko na lang sayo. Five 'yan, ha."
Napatitig lang sa kanya ang batang babae.
Ngumiti na si Crosoft. "Hindi ako bad. Saka, kainin mo 'yan. Five candies means." Hinawakan niya ang kamay nito kung saan nandoon ang mga candies. Isa-isa niya 'yong itinuro. "Happy. Birthday. To. You. Exlamation point. Equals. Five Bobot candies." Pero nakakatitig lang talaga ito sa kanya. "Wala man lang bang thank you?"
"S-Salamat."
He messed her hair.
"Huwag ka ng sad diyan. Nag-promise naman parents mo na babalikan ka, diba?" She nodded. "Then, wait ka lang. Basta huwag kang umalis dito hanggang sa dumating sila. Okay ba?" Tumango ulit ito.
"Anak, smile ka."
Sabay na napatingin sila Crosoft at nung batang babae sa Mommy niya. Mabilis na kinunan sila nito ng litrato.
Binalingan ulit ni Crosoft ang batang babae.
"Happy Birthday," nakangiting bati niya rito.
"Salamat."
NAALIW siya sa itsura ni Cam. Halatang inaalala nito ang tagpong 'yon. Kahit naman ako nang maalala 'yon 'di talaga ako makapaniwala. Langya! Siya pala 'yong mataray na batang babae na nakilala ko noon.
"W-Wait, paanong nangyari 'yon? I mean, ikaw 'yon?" Hindi makapaniwalang tanong ni Cam. "God, ikaw talaga 'yon?! Crosoft, huwag ka ngang magbiro."
"Ako 'yon, baliw!" Ipinakita ko sa kanya ang mga pictures. Lalo lang nanlaki ang mga mata niya. Napapangiti na 'di makapaniwala na tinignan niya ako at ang mga larawan.
"My gosh! Ako nga ang batang 'yan!"
"Alam ko, kinumpirma ko sa Mama mo. Hindi kasi talaga ako sure kasi nga boy cut ang buhok mo dito saka pamatay din ang bangs mo. Doon kasi sa mga throwback pictures mo mahaba ang buhok mo at walang bangs. Wala ka namang pinakita saken na ganyan ang istura mo."
Natawa si Cam. "Oo, kasi nga ang pangit ng gupit ko diyan kaya 'di talaga ako nagpapakuha ng picture. Wow! Grabeh! Ikaw pala si Bobot Boy." Naglapat ang mga labi niya at napakunot-noo. "Tsk, kaya pala pamilyar 'yong ibang baby pictures mo saken kasi nga may kamukha ka. 'Di ko nga lang maalala noon kasi nga ang bata ko pa. Ang naalala ko lang may masungit na bata na binigyan ako ng candy at pinapaalis ako sa ride."
"Bobo ka kasi."
Pinukol niya ako ng masamang tingin. "Kahit noong bata ka napaka-bully mo na saken. Tumanda ka na't naging asawa ko ganun ka parin."
"Eh ganoon talaga," I shrugged and grinned at her. "Anyway, hindi ko alam kung pinagkakatuwaan tayo ng tadhana pero mukhang ginawa na yata niya akong birthday angel mo simula pa noon."
"At ikaw ang laging nandoon kapag malungkot ako birthday ko."
"Kung hindi pa 'to ibinigay saken ni Dad 'di ko pa maalalang hanapin ang masungit na batang 'yon na ang buhok inspired sa takip ng suka." Natawa ako. "Langya! Ang pangit mo talaga nun Cam – aw!" pinatid niya naman ako bigla.
"Grabeh siya oh!"
"Who would have thought na ang batang 'yon ay makikilala ko ulit at mamahalin ko nang sobra-sobra?"
"Tsk, sayang!" palatak ni Cam. "Di natin nasama sa movie."
"Wow! 'Yong movie talaga ang concern mo? Wala ka man lang reaksyon sa sinabi ko." Kabanas din 'tong babaeng 'to minsan.
"Pero 'di nga, Mahal. Kahit pala noong bata ka mahilig ka na sa mga equals-equals, noh? Ba't 'di ka nag-accounting?"
"Pag-nag-accounting ako 'di mo ako makikilala."
"Sabagay,"
"Sa bobo mo ba naman sa Math, tsk."
"Hala, grabeh ka talaga! Ako na naman nakita mo."
"Ikaw lang naman talaga ang nakikita ko." He have her his boyish smile. 'Yong gustong-gusto talaga ni Cam. "Ikaw lang Cam."
"Happy Birthday!" sigaw nito bigla sabay tawa.
"Ikaw talaga," bigla-bigla ay isinandal ko ang isang palad sa pader ng gilid ng mukha nito. Nagulat siya sa ginawa ko kaya napasandal lalo si Cam sa pader. Inilapit ko ang mukha sa kanya. Sabay angat ng isang daliri para haplosin ang labi niya. Napangiti ako. "Total, tulog pa naman na ang mga bata pwede ko bang buksan ang regalo mo saken."
Nagsalubong ang mga kilay ni Cam. "May regalo ako pero mamaya pa 'yon huwag kang excited."
"I'm not referring to a thing, Honey. Ikaw ang tinutukoy ko."
"Wait, parang familiar?"
"Birthday ko ngayon. Kung ikaw din naman pala ang ibibigay nila sa akin. Pwede bang," I trailed off, not tearing my eyes on her I leaned closer, so close na konting galaw maglalapat na ang mga labi namin. "Sa kwarto na lang kita buksan."
"Crosoft!"
Natawa pa ako bago ko siya hinalikan sa mga labi. Hard yet with passion did I took her mouth, devouring the sweetness of her lips. Kung paanong nakaka-adik ang mga labi ni Cam ewan ko na lang talaga at hinahanap-hanap ko 'yon kahit saan. Damn, lakas talaga ng kapangyarihan ng babaeng 'to.
Iniyakap niya ang mga braso sa leeg ko. Kissing me back with the same passion. The same love. The same emotions. God, how I love this woman.
My wife. My bestfriend. My Cam.
I wasn't given a pefect family nor given a perfect life. Oo naliligo ako sa pera 'di naman ako pinasaya ng mga lecheng 'yon. May mga bagay talaga dito sa mundo na hindi nabibili ng pera. Ilan sa mga 'yon ang pagmamahal, pagtanggap, pang-unawa, pagpapatawad at ang Panginoon.
I regretted so many things in my life. I've wasted a lot of chances. Oo, naging malandi ako – well, lagi naman pero minsan ang paglandi ng wala sa tamang oras nakakatulong rin ng slight. If you know what I mean? Haha.
But I'm blessed.
So much blessed by God dahil ibinigay NIYA saken ang isang Cambria Velasco na kahit ilang beses kong ginago at pinaiyak minahal parin ako nang bongga at walang ka echosan – giving me a happy family with our four children.
Kumulas kami sa isa't isa saka ko siya hinalikan sa noo.
"One. Plus. Four. Plus. Three. Plus. Three. Times Two. Plus. Three. Plus. Four. Plus Three. Equals?"
"Ang rami naman niyan."
I chuckled. "Hulaan mo."
"I love you pero 'di ko alam kung anong meron sa times two."
"I love you. You. You. And Only You."
"Five. Three. Four. Seven."
"Hmm?"
"Mahal din kita Crosoft."
"Ahh," napangiti ako. "Copy paste, delete, type Cam ko."
Naitulak niya ako nang bahagya. Kumunot ang noo ni Cam. "Ano namang pauso 'yan Crosoft? Ang dami na niyan, ha?"
"Silly, it means. Mahal din kita Cam ko. I copied mahal din kita, deleted Crosoft and type Cam ko. 'Yon, 'yon!"
"Tsk, ikaw talaga!" niyakap ko siya. "Puro ka na lang kalokohan. Pero ang sweet! Kaya mahal na mahal kita."
"Mas mahal kita kapag nabuksan na kita – aw" natawa lang ako sa pagkurot niya sa tagiliran ko. "Oy joke lang! 'To namang Mahal ko napaka-conservative." Nanggigil ako sa pagyakap sa kanya. "Naku! Naku! Nanggigil ako sayo talaga!"
"Haha!"
MASAYANG tinitigan ko lang ang mga bisita namin. Nasa pool area kami ng bahay. Hindi naman bongga ang celebration since kami-kami lang naman. Pamilya ko. Pamilya ni Cam. Kapatid ko na si Hanzel at asawa niya na si Grethel with their twins Milko and Milky. Sila Alt at Scroll at ang mga anak nila na nakikipaglaro kina Danah doon sa pool.
"Ngiting-ngiti ang birthday girl ah." Siko sa kanya ni Alt nang lumapit siya saken. "Ganda ba ng buong araw mo?"
"Kapag sinabi ko maiinggit ka lang." I chuckled.
"Hay naku! Alam kong naglampungan lang kayo buong araw. Huwag kang mag-alala. May Scroll naman ako kaya 'di ako maiinggit kahit mag-honeymoon pa kayo."
"Naks! Parang 'di tayo muntik nang magpatayan noon dahil kay Cam. Ikaw pa nga 'to nagpapaka-martyr sa ating dalawa. Buti 'di ka binaril sa Luneta, noh?"
"Ulol!"
Natawa ako. "Mabagsik talaga ang dugo ng baliw mong asawa. Napa-ibig ka eh."
"I love my wife," nakangiti niyang baling saken. "So much."
"Mahal ko din ang asawa ko. Sobra. Sobra."
"Happy Birthday," he cleanched his hand for a fistbump pero sa halip na gayahin si Alt ay itinaas ko lang isang kamay. Nakuha naman agad niya ang gusto kong gawin kaya natawa ito. "Tsk, ewan ko sayo." Napapailing-iling pa siya bago nakipag-high five sa kanya. "Apir!"
"Apir!"
Nagtawanan silang dalawa.
"Pabebe masyado."
"Excuse lang, ha? Puntahan ko muna si Cam."
"Sure, I saw her went inside."
"Thanks,"
Pumasok ako sa loob. Nakita ko si Cam sa kusina at may kung anong ginagawa doon. Inihilig ko ang katawan sa hamba ng pintuan ng kusina. I crossed my arms over my chest.
"Psst,"
"Tang na juice!" bigla niya akong nilingon. Natutop niya ang dibdib saka ako binigyan ng death glare. Natawa lang ako. "Kaasar ka talaga!"
Lumapit ako sa kanya. "Ano 'yan, ha?" sinilip ko ang ginagawa niya mula sa likod niya. "Mukhang matabang omelette."
"Umo rice 'yan!"
"Ay talaga? Parang familiar. Sino nga nagturo sa'yo niyan?" Ibinaba ko ang mukha para magka-eye-level na kami. "Parang ako yata." I smirk.
"Oo na!" ngumiti siya. "Ikaw na ang magaling."
Ikinulong ko siya sa mga braso nang isandal ko ang dalawang kamay sa kitchen counter kung saan si Cam nakasandal.
Nagulat naman ako nang biglang inangat ni Cam ang isang plato ng umo rice sa pagitan namin. Natawa ako. Pag-angat ko ng tingin sa kanya nakangiti si Cam.
"Lagi na lang ako ang pinagsisilbihan mo." Basag niya. "Lagi na lang ikaw ang nagsu-surprise saken. Nandiyan ka lang lagi sa tabi ko. Inaalagaan ako. Laging nagpapasensiya kahit na alam ko minsan sumusobra na ako. Alam kong bumabawi ka sa mga panahon na wala ka. Pero, Crosoft, gusto kong malaman mo na sobrang na appreciate ko lahat ng mga ginagawa mo salen at sa mga anak natin. Kaya, kahit na ano pang sabihin nilang masama sayo hindi ako naapektuhan dahil alam ko kung ano ang totoo... alam din ng mga anak mo kung gaano mo kami kamahal."
Napangiti ako.
Totoo.
Galing sa puso.
"Gawa tayo ng sequal tapos isama natin 'yang linya mo." I joked. "Aw!" Lumakas lang ang tawa ko nang paluin niya ako sa braso.
"Ano ka ba seryoso ako!"
"Alam ko, akin na 'yan." Kinuha ko sa kanya ang plato at itinabi muna 'yon. Niyakap ko siya. "Ganoon din naman ako sayo. Napaka-swerte ko dahil may isang Cambria na willing makipagpatayan sa lahat ng mga gwapong lalaki para sa isang naglalanding sereyna na pangalan ay Crosoft. Hindi man ako 'yong typical na prince charming dahil nga medyo nadulas ako at napa 'aw!'" Natawa kaming pareho ni Cam nang bahagya akong tumili doon sa huling sinabi ko. "Kahit na sinasabi nilang imposible na magmahal ang isang bakla sa isang babae o sabihin man nilang BI ako. Isa lang naman ang sagot ko diyan. Na mga gaga sila at puro sila chismis saken. Inggit sila na may love life ako sila wala."
"Baliw!"
I chuckled. "Pero, alam mo Cam. Kahit na ganito ako. Ikaw ang pinili ko. Ikaw ang pinili ng puso ko." Bahagya kong inilayo ang mukha para matignan ang magandang mukha ng aking asawa. "Haba kasi ng hair mo eh."
"Hindi, dasal lang, dasal lang talaga." Inihilig niya ang ulo sa dibdib ko. Naramdaman ko ang mahigpit na pagyakap niya saken. "Mahal na mahal talaga kitang gaga ka."
"Alam ko," natawa ako. "Mahal na mahal din naman kita."
Sakto namang pagbaba ko nang tingin sa kanya ay naingat na nito ang mukha. Ibinaba ko pa ang mukha para mahalikan siya sa mga labi. Slowly. Hanggang sa maramdamn ko na ang labi niya nang –
"Daddy!"
Halos sabay kaming kumalas sa isa't isa. Langya! Tumama pa ang likod ko sa mesa. Aw! Naku naman! 'To 'yong hirap sa mga anak.
"Font, baby." Tawag ni Cam sa anak nila.
Nakasimangot si Font at basang-basa pa. Aish! Talaga naman.
"Anak," simula ko. "Mahal kita pero bakit ba lagi ka na lang pamatay moments samen ng Mommy mo?"
"Crosoft," pinandilatan siya ni Cam.
"Eh kasi Daddy tinusok ni Margin 'yong mickey mouse kong salbabida. Ang sama talaga ng unggoy na 'yon." Tukoy niya sa bunsong anak ni Alt. Natutop ko ang noo. "Daddy, itulak n'yo nga 'yon si Margin sa pool." Hinatak na silang dalawa ni Cam ni Font. "Sama ka na rin Mommy!"
Wala kaming nagawa kung 'di ang magpahatak sa anak namin.
Pagdating na pagdating namin sa pool area ay binati kami ng putok ng party poppers at biglang nabasa kaming dalawa ni Cam nang itutok samen ang mga water hose. Malakas na napasinghap si Cam dahil nga sobrang lamig nung tubig. Shet!
Niyakap ko naman siya agad. Naingat ni Cam ang tingin saken. Nah, I just wink at her and smile. "I like warm hugs." Bulong ko sa kanya.
"Happy Birthday to you!" nagsimula silang kumanta. "Happy Birthday! Happy Birthday! Happy Birthday to you!"
"Happy Birthday Crosoft!"
"Happy Birthday Daddy!"
Sa huli ay natawa lang kaming pareho ni Cam. Langya! Ang sarap talaga man-trip ng pamilya nila. Pagbaling ko sa anak na si Font ay bigla siyang sumayaw na parang ewan. May pahabol pang kindat at nag-peace sign sabay takbo at talon sa pool. Ang batang 'yon!
Napangiti ako.
Sighs.
I'm so blessed.
Naiangat ko ang tingin sa langit.
At alam kong masaya din si Dad sa langit na makita akong masaya. Ibinalik ko ang tingin kay Cam na nasa tabi ko. Natunaw ako sa ngiti niya. Naks! Ang swerte ko talaga.
"I have a question, Cam."
"Sure, basta huwag lang Math, karey ko 'yan." Inakbayan ko siya. "Ano ba 'yon?" Iniyakap naman niya ang isang braso sa beywang ko.
"Will you stop loving a guy because he is gay?"
Sumilay ang isang matamis na ngiti niya sa mukha.
"No," umiling siya. "Habang may buhay may pag-asa." She winked at me.
Natawa lang ako. "Very Good. I love your answer, My Cam."
Ibinaba ko ang mukha para halikan siya sa mga labi.
Slowly.
Passionately.
And with all my heart.
There are so many kinds of love. Ours was different and weird but it would always feels right. It would always be right... lalo na kapag kasama mo ang taong mahal mo at totoong nagmamahal sayo.
Mangingiming manlaban ang mga kontribida sa buhay. Makapangyarihan ang pagmamahal n'yo sa isa't isa. Always remember, you got each other's back. Kahit ano pa 'yan... kerey bells lang 'yan!
8 X 1= 8 plus exclamation point.
Translation: Fighting!
THE END
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro