SP: Crosoft's Confession (Part 9)
And without any second thoughts I kiss... the side of her lips.
There was a long pause. Neither of us didn't move even just a bit. It was like the world stop for a moment and neither of us care... or so I thought.
"Bakla ka!" itinulak ako ni Cam. Pinihit paharap sa ref saka inipit sa likuran ko ang dalawang kamay. Langya! Ang lakas ng babaeng 'to! My precious face! "Manyak ka talaga eh!"
"Baliw ka!" sigaw ko kahit na nahihirap sa posisyon ko. Ang sakit pa ng cheeks ko na nakadikit ng sobra sa malamig na katawan ng litseng ref. "Dapat pa nga magpasalamat ka saken dahil minanyakan kita. Hoy! Di lahat ng bakla marunong mang-harass ng babae – Ouch! Syet! Tang na juice!" namilipit ako sa sobrang sakit nang pagkakahawak niya sa dalawang kamay ko sa likod. "Peste ka talaga eh! Bitiwan mo na nga ako."
"Woah! I can't believe this." Napabuga ng hangin si Cam. "Crosooooft!" tili niya sabay sambunot sa buhok ko. Oh no! Not my hair. "Kakainis kaaa!"
Mabilis na hinuli ko ang mga kamay niya. Sumusobra na 'to eh. "Hoy! Ang OA mo. Rape-in kita diyan eh. Busit ka!" Hinawakan ko si Cam sa magkabilang balikat niya saka pinagpilit ang position namin.
"Crosoft!" tili na naman niya. Ay ang ingay talaga!
Deadma. Itinaas ko ang dalawang kamay niya para 'di ako mahirapan pero ang bubwit nagawa akong balyahin. I grimaced when she pushed me. Buti na lang talaga mabilis ako kaya nahuli ko siya kaagad. This time tawa lang ako ng tawa nang ma-corner ko siya sa sink counter.
"Gotcha!"
"Ouch," napangiwi si Cam. Masakit siguro ang pagkakatama ng likod niya sa sink counter. I just smirk while she was throwing dead glares at me. "Bitiwan mo kooo!"
"A.Yaw.Ko," nakangising umiling ako. Kasabay nun ang pagtaas-baba ng mga kilay ko. Mukhang na gets na niya ang susunod na gagawin ko kaya nanlaki ang mga mata niya.
"Oh shuks! Crosoooft!"As if on cue pinihit ko ang gripo sabay hawak ng ulo ni Cam. "Crosoft peste ka talaga eh!" itinapat ko ang ulo niya pagkatapos kong pihitin patalikod saken para ang likurang bahagi lang ng ulo niya ang mabasa.
"Oh, ano? Sino sa tingin ang mas malakas sa atin?!"
"Baliw ka!" inis na sigaw niya. "Baka nakakalimutan mong kagagaling ko lang sa sakit."
Natigilan ako. "Syet!" mabilis na pinatay ko ang tubig. I was about to help her out nang bigla nalang na nagkapalit kami ng posisyon. Ang walangya! "Hoy Velasco kakaligo ko lang!" Napahawak ako sa counter nang idiin niya ako sa sink. Pack juice!
"Oh, ano? Sino sa tingin mo ang mas matalino sa atin?!"
"C-Cambria Velasco! Patay ka talaga saken kapag binasa mo ako!"
"Okay! 'Di na,"
"Really?" this time may naaninag na akong ilaw sa precious hair ko. Lilingonin ko sana siya nang mag-salita ulit si Cam.
"Ops! Huwag kang gagalaw."
"Bakit?"
"Basta! Diyan ka lang. Huwag kang lilingon hanggat hindi ko sinasabi. Kapag ginawa mo 'yan bubble gum ang ilalagay ko sa buhok mong gago ka!"
"Oo na! Oo na! Ang daming arte eh."
I did what she instructed. Hindi ako gumalaw. Naramdaman ko ang pag-alis niya sa likod ko. Pinakiramdaman ko naman ang mga naririnig kong kilos at yabag na nililikha ni Cam. Parang binuksan niya ang ref at may kinuha doon. Hindi ko nga lang alam kung ano 'yon. Then I felt her walked near the table. May kung anong ginawa siya doon. A moment after narinig ko naman ang paglipat ng ilang ice cubes sa kung saan.
Sisilip sana ako nang -
"Oh! Huwag kang sumilip."
"Ano ba 'yang ginagawa mo?"
"Nauuhaw ako –" sisilip ulit sana ako. "Sabing huwag sumilip!"
"Habang buhay mo ba akong ipapaharap sa lababo? Ang hard mo saken ah."
"Wait ka lang diyan! 'Yan! Ang lamig at ang tamis pa!"
"Pahinge ako,"
"Wait lang,"
Naramdaman ko ulit ang presensiya niya sa likod ko.
"Ano na-"
"Heto na!"
"Oh shit! Mother of munchkins!" kulang na lang ay tawagin ko na rin ang buong squad ng mga espiritu sa sobrang lamig ng ibinuhos niya saken. "Peste!" Nanginig ako sa lamig. Sisiponin pa yata ako. Nangangatog mga ngipin ko. Hinarap ko si Cam na ngising-ngisi lang. "Velasco!"
She stick her tongue at me.
Teka, bakit ang tamis. Dinilaan ko ang labi. Lasang pepsi? Nabaling naman ang atensyon ko sa walang laman na 2 liter na Pepsi sa itaas ng table. Plus hawak-hawak pa ni Cam ang isang pitsel na may natitira paring pepsi.
"At talagang inimbak ko pang Pepsi ang ginamit mo?!"
"Eh sabi mo love mo ang Pepsi? Hayan, ang sweet mo na."
"Ah ganun?"
Babawi ako. Kailangan kong bumawi. Kahit na nangangatog pa ako sa lamig ay naghanap ako nang kung anong maipambabasa ko sa kanya. Hayon, ang thermos. Mabilis na kinuha ko 'yon.
"Langya Crosoft huwag 'yang thermos!"
"Bakit?" nakangisi kong tanong.
Napaatras naman siya nang lumapit ako. "C-Crosoft huwag 'yan please. Ahm, ano, ito na lang." Itinaas niya ang hawak na pitsel. "Ito na lang oh. Okay lang saken. Ubusin na lang natin, okay?"
"Takbo na Cam,"
"Eh?"
"Tumakbo ka na hanggat kaya mo," this time mas naging seryoso ako. Total poker face. "Takbo..."
"C-Crosoft?"
"I said run!"
"Langya! Oo na!" tinalikuran na ako ni Cam at nagtatakbo na. Buti na lang ini-lock ko ang secret lock ng pinto. Hindi siya makakalabas. Haha!
Natawa naman ako. Iniwan ko ang thermos sa kusina at hinabol si Cam. Hindi alintana ang lagkit sa mukha at balat ko. Wala lang, natutuwa ako sa naisip ko.
"Cambria!"
"Knaa!" narinig ko pang tili niya. Pero dali ring nawala.
"Cam, alam kong nandiyan ka lang." Sinubukan kong ibahin ang boses. Alam mo 'yong sa mga hide and seek na horror movies. Mga ganung type na boses. Alam ko namang nasa likod lang 'yang sofa si Cam. "Hindi mo ako matataguan habang buhay... dahil walang forever." May ganun?
Silence. I walk in tiptoe hanggang sa makaikot ako sa gilid. May single couch doon. Mabilis ako na nakatago nang mapatingin siya sa gawi ko. Takte! Ang lagkit ko na talaga. Yakap-yakap pa ni Cam ang pitsel. Sumilip ito mula sa puwesto niya. Napakunot-noo siya nang mapansing walang ako.
Hinintay kong tumayo siya para maagaw ko ang hawak na pitsel niya. At nang gawin niya 'yon mabilis pa sa kidlat na sumugod ako pero dahil medyo shunga ang kuya n'yo nabuhol yata ang mga paa ko kaya nadamba ko na tuloy si Cam nang mawala ang panimbang ko. Pareho kaming nahiga sa sahig. At tuluyan na ngang nabuhos ang natirang pepsi sa mukha ni Cam. Napasinghap siya sa lamig.
"Crosoft!" tili niya. "Woah! Ang lamig!"
"Pero matamis," I licked a part of her skin on her jaw. Lalo lang akong natawa nang napasinghap siya sa ginawa ko. Inulit ko pa 'yon. Pababa naman sa leeg niya. Nagpumiglas siya but I held her tighter.
"Kadiri ka Crosoft!" sinabunutan niya ako. I stop teasing her. Ang sakit talaga sumambunot ng babaeng 'to. Tagos hanggang anit. "Yuck! Yuck! Yuck!"
"Ay ang Oa. Hoy, parang 'di mo naman feel."
"Yuck mo!"
"Ang tamis mo kaya. Tikman mo sarili mo."
"Ang ew mo!"
"Hoy, wala akong sinasabing bastos."
"Yuck! Yuck!"
"OA! OA! Tikman kita diyan eh."
Her eyes squinted. I eyed her sudden change of expression. May balak ang 'sang 'to. And to answer my suspicion she wrapped her arms around my neck. Nagulat pa ako nang ilapit niya ng sobra ang mukha sa mukha ko. Minsan talaga 'tong si Cam natural flirt and seductive. Nadadala ako sa mga mata niya eh. Busit! 'Di na talaga 'to maganda. Promise!
"Total, gusto mo naman akong tikman." She seductively whispered. Litse! "Pwede sigurong ikaw nalang ang tikman ko?" She winked. Langya! Parang nabubuhay si Jun-Jun. Tigil na 'to! Hindi! Hindi! Sa lamig lang 'to.
Nagulat pa ako lalo nang hilahin niya ang kwelyo ng damit ko.
"Ano, gusto mo?" she whispered on my ear.
"Woah! Kadiri! Kadiri!" Parang na baliw bigla na parang kinagat ako ng maraming langgam na tumayo ako. Nagtatakbo ako. At sa kabaliwan ko ay tumama pa ang mukha ko sa nakaharang na post papunta sa kusina. De handusay ako sa sahig. Napangiwi ako. "Litse ka talagang babae ka!" sigaw ko. "Mapapatay talaga kita."
Narinig ko lang ang malutong na tawa ni Cam.
Oy, bakit ang daming stars? Wala, nababaliw na ako.
...
"Magbihis ka," utos ko kay Cam.
Pinagtaasan lang niya ako ng kilay. Pinasadahan namin ang isa't isa ng tingin. Mukha kaming pinag-tripan sa isang soft drinks commercial. Malagkit. Basang-basa ang buhok. Madungis... in a good way.
"Aish," she rolled her eyes before walking away. Papunta sa banyo. "Maliligo ako. Paggamit ng heater mo."
"Hoy! Huwag mong galawin ang mga bagong damit ko, ha? May tag pa 'yon."
"Oo na! Ang yaman mo eh."
Natawa lang ako. Pumasok na rin ako sa kwarto. May isang banyo doon. Doon na lang ako maliligo. ULIT. Pero naaliw naman ako. Ang rumi naman ng kusina. Buti nalang nakapag-handa ako ng maaga.
Mabilis lang naman akong natapos sa pagligo. Tinutuyo ko na rin ang basang buhok habang nakatingin sa salamin. Naka-boxers lang ako.
"Ang gwapo ko talaga," I winked on my reflection.
"Ay palaka!" nagulantang naman ako nang makita si Cam na nakatapis lang ng roba sa hamba ng pinto. Natutop niya ang mga kamay sa bibig.
"Oh, anong issue mo?" casual na sagot ko.
"Busit ka! Di mo naman sinabi nakahubad ka pa?"
"Dae, kumatok ka sana."
"Aish," itinirik lang ni Cam ang mga mata. "Ewan ko sayo!" Hindi na niya ako pinansin at dumiritso na sa closet ko. "Naiwan ko 'yong damit mo." Pabagsak na paalam niya saken.
Tinignan ko naman ang kabuuan niya mula sa salamin. Heto na naman ako. I shook my head. Inalis ko ang tingin at inabala ang sarili sa pag-bibilang ng ten little Indian boys. Pero lagi talagang sumasagi sa isip ko kung ano kayang makikita ko kapag inalis ko 'yong tuwalya.
Aish! Malamang dalawang chocolate hills. Pero dahil maputi si Cam. Two vanilla hills. Litse! Ayoko na talaga 'tong mga iniisip ko.
"At saka lilinawin ko lang sayo 'to dae," nilingon niya ako. "Hindi kita tinitignan kapag rumarampa kang naka-boxers lang. And seriously? Andrama ng ..." bumaba ang tingin niya pero hindi yata karey kaya itinaas nalang ulit. "Andrama niyang Ben 10 mong boxers? Kaloka ka!" Napailing-iling na lang si Cam saken.
Maganda naman ah. Wholesome ang designs. Maraming aliens. Oh, and speaking of that. May naalala ako. Naglakad ako palapit sa kanya. Binuksan ko ang ibabang drawer ng closet at kinuha ko ang regalo ko dapat kay Cam.
"Pack juice!" napasinghap si Cam. Natawa lang ako. Lalo lang namula ang pisngi niya. "Itago mo nga 'yan." Kukunin niya sana saken ang naka-transparent bag na set ng cartoon underwears na binili ko para sa kanya pero mabilis ko 'yong naitaas. "Crosoft!" she hissed in embarrassment.
"Alam mo bang binili ko talaga 'to para sayo."
"Manyak ka talaga eh! Manyak na bakla."
"Hoy, dae, assume ka. Dapat pa nga magpasalamat kay dahil binilhan ka ng isang Crosoft D'cruze ng isang set ng panty. Pasalamat ka 'di boxers binili ko sayo."
"Ay ewan ko sayo! Akin na 'yan."
"Uh-oh, syempre dapat magpasalamat ka muna."
"SALAMAT!" pabagsak na sagot niya.
"Ay ang taray. I-selfie ko kaya 'to saka ko i-po-post sa wall ko para maloka ang nanay mo. Tapos ang caption: Panties for my Cam. Hashtag, so manyak and I like it. Oh, diba? Makakapatay ang MTRCB ng baklang-gwapo?"
"Ang eww ng caption mo."
"Oy, maganda 'yon. Sisikat ka bigla. Gagawan ka nila ng memes. Mukha mo saka 'yong mga panty. Tapos i-gi-guest ka na sa Oprah o 'di kaya sa Ellen kapag 'di pa nila naisipang mag-final season. Oh, diba? Peymus."
Natawa lang si Cam. "Baliw ka! Pero salamat. Mukhang feel na feel mo naman ang pagbili ng mga 'yan." Ininguso niya ang hawak ko. Ibinaba ko naman ang kamay saka 'yon inabot sa kanya. "Thanks, Crosoft."
"Naks, ikaw pa."
"Gusto mo ng isa? Bigay ko sayo."
"Bruha ka! 'Di makakahinga ang jun-jun ko niyan."
"Ang eww mo talaga!"
Natawa lang ako. "Magbihis ka na." Ako na mismo ang lumabas sa kwarto.
...
Habang 'di ko malunok-lunok ang pagkain ko 'to namang si Cambria akala mo 'di pinakain ng isang siglo. Mainit at umuusok pa ang noodles na niluto ko kanina pero mukhang mauubos na niya 'yon mamaya... hindi, ngayon na talaga. Wow! Heat proof ang dila mo?
"May bukas pa po?" tanging na sabi ko. "Baka pwedeng hinay-hinay lang?"
"Gutom ako eh," hindi pa 'yon malinaw dahil ngumonguya pa.
"Anyway, sino ba sa mga gagong 'yon ang kagabi? Si Minus ba 'yon?"
"Hindi," umiling siya.
"Hindi? Si Add?" umiling ulit siya. Hula pa ako. "Si Divide? Multiply? Statistic? Squreroot?" Pero puro iling lang naman nakuha ko sa kanya. "Ay gaga! Sino ba kasi?!" Hindi ko naman saulo lahat ang anim na 'yon.
Nilunok muna niya ang kinakain. "Baliw ka ba? Ano bang klaseng mga pangalan 'yan, ha?" singhal niya saken. Tsk. "Hindi. Si Par 'yon. Si Divid mabait 'yon kaso ayaw niyang manligaw kasi may fear sa girls. Si Mult naman hambog. Hindi lang blackboard ang pasan-pasan nun pati canteen. Si Stat naman, okay lang. Kaso medyo manyak. Pero at least naman madaling patulugin. Kaya hayon, sinuntok ko."
"Wait, 'yon ba 'yong pinag-uusapan n'yo sa CAS office?"
She nodded. "Kaasar eh! Pinayagan ko na ngang uminom manghahalik pa. Kaya sinuntok ko. Di ko naman aakalain na ang tigas pala ng mukha niya. Buti na lang nakita ako nila Tina at Kristian. Kaya natulungan nila akong gulpuhin si Stat. Si Adshawn naman 'di ako sinipot. Bago ko nakilala si Par, si Subshawn naman ang nagpakita. Sub daw siya ni Adshawn. At Kambal daw ni Adshawn... nawindang naman ako kasi bakla pala si Subshawn. Pumunta lang siya para magpa-advice at para sabihing identical twin sila ni Adshawn. Medyo malabo, pero karey na rin."
Malabo nga.
"So what happened to Par?" tanong ko.
"Noong una talaga mabait naman siya. Nakilala ko siya after Cyber. Okay naman. Akala ko sa anim siya lang 'yong okay. Kaya pumayag ako nang alokin niya ako ng date noong Friday. Kasi naisip ko. Tama ka. Siguro kailangan ko lang talaga ng panahon para bigyan ang sarili ko ng pagkakataong makakilala ng ibang taong kaya naman akong unawain at mahalin. Naisip ko, na baka may isa sa mga 'yon ang makakaintindi saken." She sighed. "Turned out, may galit pala sayo si Par. Ginamit niya lang ako. Kainis!"
"May galit siya saken? Sa bait kong 'to may hater ako?"
"Baliw! Hindi ka naman anghel na gago ka."
"Ano bang totoong pangalan niyang si Par?"
"Parameter Agoncillo, kaibigan sa kaibigan, sa kaibigan ni Jeymes."
"Parameter? Langya!" Seriously? "Naalala ko siya. Anak siya ng Math teacher ko noong high school. Naalala parin niya ako?"
"Ano bang ginawa mo sa kanya?! Ang lalim ng hugot niya sayo eh."
"Aish, binigay ko 'yong test paper niya kay Fil na matalino sa math. Kaso 'di ko naman alam na Type B ang sinagutan ni Fil noon at type A pala ang test paper niya. Copy-paste, ganun. Ako kasi nakapagitan sa seat arrangement namin that time kaya ako ang bridge of answers nila. Hayon, salpok grades niya. Extended tuloy siya sa high school. Busit! Mahirap bang mag-move on sa planeta niya? Kaloka."
"Hay naku! Hindi lang naman 'yon. May nakita akong drugs sa kotse niya. Noong subukan kong umalis sa kotse niya saka naman niya pinaharurot ang kotse niya. Wala akong magawa kasi natakot rin ako."
"Buti nalang talaga walang masamang nangyari sayo."
"Kaya nga," kumain na ulit siya.
"Cam,"
"Hmm?"
"I think, it's a sign."
"Sign ng ano?"
"Na hindi ka makakapag-asawa."
"Manghuhula ka ba? Aish. Nega mo masyado. Makakapag-asawa ako. Hindi pa lang ngayon. Pero in the future, oo."
"Paano kung wala talaga."
"Magpapa-buntis ako."
"Kanino?"
"Kahit sino basta gwapo."
"Kahit saken?"
"Huwag sayo."
"Bakit naman?"
"Basta."
"Bakit nga?"
"Ay ang kulit. Kumain ka na nga."
"Sagutin mo muna ako. Bakit nga?"
"Kasi bakla ka."
"Eh ano naman? Bakit 'di ko ba kayang gumawa ng mini me?"
"Bakla ka parin!"
"Ewan ko sayo! Gawin mo 'yang ringtone 'yang sagot mo! Busit!" Tinawanan lang ako ni Cam. Baliw! May nakakatawa ba sa sinabi ko? "Patay gutom. Hala, sige, magpataba ka hampaslupa."
"Opo madame,"
"Aish." Tinitigan ko lang siya habang sarap na sarap sa pagkain. Hindi ko na naman maiwasang isipin ang posibilidad na dadating ang panahon kung saan may kanya-kanya na kaming buhay. Lahat ng 'to mawawala... at mananatiling alalala na lang.
Cam would never be mine alone.
At sa panahon na 'yon alam ko na ang magiging hashtag ko kapag naalala ko ang mga moments namin. #Huhubells and #Throwback
"Hoy!" she snapped me out from my reverie.
"Huh?"
"Anyaree sayo?"
"Wala, may iniisip lang ako."
"Ano?"
"Wala."
"Ano nga?!"
"Ikaw,"
Pause.
"Wey?"
"Pack juice ka talaga Cam! Sinabi ko na nga ayaw mo pa maniwala. Aish. Ewan ko sayo. Abnormal ka."
"Ay ang harsh. Ikaw din kaya iniisip ko habang kumakain."
Bigla akong nabuhayan. "Talaga?" nakangiti kong tanong.
"Oo," bumaba naman ang tingin niya sa bowl ko. "Iniisip ko kung mauubos mo ba ang noodles mo na 'yan." Langya!
Itinulak ko ang bowl sa kanya. "Hala, ubusin mo!"
"Wow! Salamat."
Patay gutom!
"May sobra pa doon sa kusina baka gusto mo na ring ubusin 'yon?"
"Mamaya."
"Baka gusto mong kainin na rin ang buong ref ko?"
"Mamaya, este! Hindi ah!" She made a face.
Natawa naman ako. "Nahiya ka pa eh. Sige na, pwede mo naring kainin ang buong bulding. Feeling ko anay ka noong nakaraang buhay eh."
"Pack juice mo!"
Hi! Napansin ko lang marami na ang nagsisilabasang CamSoft fans na silent readers dati haha. Sige na, labas na kayo lahat para masaya. Anyway, sana nagustuhan nyo ang UD ko ngayon na hinihintay nyo lage na napapamura na lang kayo sa sobrang excitement haha Love you Camsofters.
Ps: Feeler ako kaya I made a shirt design of camsoft. The chibis are not mine. I just change some colors and designs para magmukhang bago. Hindi ako marunong gumawa ng chibi sa photoshop wala ako nung tablet for drawing eh. XD I'll probably print the text design for fun haha at kapag meron ng official chibi soon. Wala na share ko lang naman ang kabaliwan ko! #Abnormal #CamSoftFeels
Comments?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro