SP: Crosoft's Confession (Part 8)
You can play the song if you like. 'Yan kasi pinakinggan ko habang isinusulat ko 'tong chap na 'to. Sige, basa na kayo. :D
VIII
Hindi na ako mapakali sa taxi pa lang. Every seconds of it were hell. Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Cam. Hindi ko alam kung ano pang kahayopan ang ginawa ng lalaking 'yon.
"Manong, pakibilisan lang. Please lang po."
"Pasensiya na talaga hijo, masyadong malakas ang ulan. Baka ma-aksidente pa tayo."
Itinuon kong muli ang atensyon sa cell phone. Ilang ulit ko nang tinatawagan ang number ni Cam pero wala na talagang sumasagot. Peste! Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya. Kasanalan ko 'to eh! Langya naman kasi!
Biglang huminto ang taxi.
"Manong bakit po tayo huminto?"
"Naku, baha na ang daan. Sorry hijo, pero hanggang dito lang ako pwede. Pasensiya na."
Hindi na ako nagdalawang isip pa. Inabot ko ang bayad saka mabalis na lumabas ng taxi. Basa agad ako ng ulan. May namataan akong waiting shed sa tabi. Tinakbo ko 'yon bago paman mabasa ng tuluyan ang cell phone ko. I still need my phone to locate Cam. Busit namang baha! Bakit ngayon pa umulan.
Nagpasilong ako.
I check my phone. Buti na lang at naka-on ang GPS ni Cam. Kaya na locate ko agad kung na saan siya. Saan ba 'to? Iginala ko ang tingin sa buong paligid. Masyadong malakas ang ulan na mahirap nang makita ang daan. Tignan ko muli ang map ng GPS. Malapit lang ako sa Motel na tinutukoy sa Map.
"Shit!" deadbat na ako. "Aish! Bahala na nga."
Sumulong ako sa malakas na ulan. Lakad-takbo ang ginawa ko habang tinitignan ang mga establishments na nadadaanan ko. Sa bawat segundo at minuto na 'yon ay na kay Cam ang isip ko. Sana talaga ligtas siya. Oh God!
"Cam!" sigaw ko. Kahit na malabong marinig niya ako. "Cam!"
Naiiyak ako na iwan. Natatakot akong 'di siya makita. Langya ka naman kasi Crosoft! Ang OA mo kasi. Bakit ba kasi big deal sayo na mahal ka ni Cam? Wala naman siyang hinihinging kapalit sayo. Kasalanan mo 'to!
"C-Cam?" natigilan ako.
That motel. S-Si Cam. Hindi na ako nagdalawang isip na pasukin ang motel na 'yon. Mabilis na lumapit ako sa counter pagkapasok ko pa lang. Hindi ko alintana ang basang-basang ayos. Tumutulo na ang damit at buhok ko sa sahig. But didn't matter to me anymore.
"Miss, nandito ba si Cam?"
"S-Sir..." Pero hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ng babae. Dumiretso na ako sa elevator. "Sir! Bawal po kayong umakyat! Guard!"
Nahawakan agad ako ng isang guard. I was furious enough to jerked away from his grasp. Malakas na itinulak ko ang guard. Mabilis na pumasok ako sa elevator. Bago paman makatayo ang guard ay sumara na ang elevator.
Maliit lang ang motel na 'yon. Pero wala rin akong idea kung saan sa mga kwartong 'yon si Cam. Lakad-takbo ang ginawa ko sa mga palapag. Binubuksan ko ang mga pinto.
"Cam! Cam si Crosoft 'to!" sigaw ko. Binuksan ko ang isang pinto.
"Shit! Ano ba?!"
"Sorry." Isinara ko ulit.
"Cambria na saan ka na ba?!"
Paakyat na ako ng third floor. Mabilis parin ang mga kilos ko. May napansin akong kakaibang ingay sa isa sa mga kwarto na nadoon.
"Cam!" nasa harap na ako ng silid. "Cam!" sigaw kong muli.
Sinubukan kong buksan ang pinto pero hindi ko magawa. I keep on pushing pero ayaw talaga. "Cam!"
"Bitiwan mo ko!!" iyak nang nasa loob. Lalo lang akong kinabahan. Boses 'yon ni Cam. Hindi ako pwedeng magkamali. "Bitiwan mo kooo! Tama na!"
"Cam!" binalya ko na ang pinto. "Peste! Tang'na! Bakit ayaw mong mabuksan! Cam! Cam!" Paulit-ulit na balya ko sa pinto. "Peste! Buksan mo 'to!"
"Hayun siya!" sigaw ng babae kanina sa baba. Kasama niya ang guard. Ako na mismo ang sumalubong sa kanila.
"Ano? Ikukulong n'yo ko? Pucha naman! May masamang nangyayari sa kwarto na 'yon pero wala parin kayong ginagawa!" sigaw ko na kinatigil ng dalawa. "Tang'na! Gusto n'yo pa talaga ako mag-mura sa harap n'yo? Kapag may masamang nangyari kay Cam sisigurihon ko na masisira 'tong negosyo n'yo! Lahat kayo mabubulok sa kulungan!" Marahas na naisuklay ko sa inis ang kamay sa buhok. "Langya naman! Buksan n'yo 'yon!"
"Jose, sige na."
Mabilis na binalya ng guard ang pinto. I immediately went inside. Naabutan kong sinusubukang balyahin ng isang lalaki ang isang pinto sa loob. Naigala ko ang tingin sa loob. Magulo ang buong silid. Pero wala si Cam.
"Langya! Lumabas ka diyan!" sigaw ng lalaki.
Biglang nag-dilim ang buong paningin. Walang sabi-sabing hinablot ko ang malaking vase na nakita ko at inihampas 'yon sa ulo ng lalaki. Nahandusay agad siya sa sahig.
"Oh shit!" daing ng lalaki.
Hindi pa ako nakuntinto hinila ko pa siya sa gilid at binalya sa pader. Hindi ko kilala ang lalaki pero alam kong isa 'yon sa mga lalaking ipinakilala ni Jeymes kay Cam. Lalo lang umapaw ang galit ko. Ang gagong 'to! Tumingkayad ako para maharap ang lalaki na nakasalampak na sa sahig.
Inipit ko ang braso ko sa leeg niya. Wala akong paki kung 'di siya makahinga o dumudugo na ang ulo niya. He deserved it anyway.
"Hoy gago! Sinong may sabing bastusin mo ng ganito si Cam?"
"Gago ka rin! Bakla ka naman!" he spite.
"Eh gago ka pala!" Inuntog ko ng malakas ang ulo niya sa pader. "Eh ano kung bakla ako?! Mabubuhay ka ba kapag pinatay kita ngayon?! Ha!" Madiin ang pagsambunot ko sa buhok niya. "Umayos kang gago ka!"
"Sir, tama na ho 'yan. Kami na ang bahala sa kanya."
"Pasalamat ka at wala pa sa to-do-list ng buhay ko ang pumapatay ng lalaking umaaktong hayop! Thank me in your prayers." Marahas na binitiwan ko na siya.
Tumayo na ako. Pagtingin ko sa pinto na binalya ng lalaki kanina ay nakabukas na 'yon. Napatingin ako sa babae.
"May lumabas ba na babae kanina?"
"Oo,"
"Tsk," mabilis na lumabas ako ng kwarto na 'yon.
Saan na naman kaya nagpunta si Cam?
Malakas parin ang buhos ng ulan nang makalabas ako. Napatingin ako sa kaliwat'kanan. Wala akong masyadong makita dahil sa malakas na ulan. Saan ba dumaan si Cam?
Nag-desisyon akong balikan ang dinaanan ko kanina.
"Cam!" sigaw ko. "Langya naman Cam oh! Maghahanapan na naman ba tayo?! Cambria!" sigaw lang ako ng sigaw. "Cambria! Lumabas ka na diyan! Pack juice naman eh! Cam!"
Tumigil ako. Hinihingal na iginala ko ang tingin sa buong paligid. "Cambria si Crosoft 'to!" sigaw ko ng ubod na lakas. "Please lang naman, magpakita ka na." Hindi ko na mapigilan ang kanina ko pa kinikimkim na asar, galit, kaba, at takot. Kusa nalang tumulo ang mga luha ko. Busit naman kasi!
Kahit kailan talaga nai-i-stress ako sayong babae ka.
I was about to go when I saw a familiar figure not far from me. Nakaupo siya sa gilid. Yakap-yakap niya ang mga binti. Nakayupyop ang mukha sa mga binti niya.
"Cam?" I called. "Cam!"
Naingat niya ang tingin saken. Sakabila ng ulan ay kapansin-pansin parin ang pamumula ng mga mata niya sa pag-iyak. Hindi ko mapigilang maawa at magalit sa sarili ko. Isa sa mga ayaw ko ay makitang umiiyak si Cam. Pero laging ako naman ang dahilan ng pag-iyak niya.
"Crosoft!" napasinghap ako nang bigla niya akong yakapin. She buried her face on my chest. "Crosoft," she sobbed. "A-Ayaw mo na ba... ayaw mo na ba talaga saken?"
"C-Cam?"
"I-Iniiwasan mo ko... 'di ko... 'di ko alam kung bakit? A-Ayaw mo na ba s-saken? Nagsasawa ka na bang makasama ako lagi? S-Sagabal na ba... na ba ako sa buhay mo? C-Crosoft, sabihin mo lang saken... o-okay lang naman eh. Maiintindihan ko. Basta sabihin mo lang saken... kasi ang sakit... ang sakit na 'di ko man lang alam kung bakit nilalayuan mo na ako."
"Cam..."
"Please, sabihan mo naman ako na hindi na kita pwedeng makasama. Para naman alam ko."
Humigpit ang pagyakap ko sa kanya. "Baliw ka talaga! Sino bang may sabi sayong sawa na ako sayo? Ibabalik ko talaga ang death penalty at siya ang una kong isasalang sa electric chair. Aish. Kaya makinig ka saken. Hinding-hindi 'yon mangyayari. Nandito lang ako sa tabi mong gaga ka. Ang OA na natin. Sa ulanan pa talaga?" Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. I cupped her face. "Cam," hinuli ko ang tingin niya. "Alam mo bang muntik na akong mamatay sa kaba sa paghahanap sayo?"
"S-Sorry,"
"Pucha naman!" niyakap ko siya ulit. "Huwag mo na akong pakabahin ng ganun ulit."
"Sorry..."
"Umuwi na tayo." Bigla nalang nawalan ng lakas si Cam. "Cam?" pagsilip ko nawalan na siya ng malay. Mabilis na sinipat ko ang noo niya. "Cam!" Inaapoy siya ng lagnat.
....
Inuwi ko sa condo si Cam. Malalim na ang gabi at hindi parin tumitila ang ulan. And bringing her home to her parents wouldn't be a good idea. Saka na niya kakausapin si Cam at mukhang shock parin siya sa mga nangyari. Thank God, wala namang nangyaring masama sa kanya. Mga konting galos lang. Mapapatay niya talaga ang lalaking 'yon kung natuloy ang balak ng hayop na 'yon.
Sinipat kong muli ang noo niya. Mainit parin. Pero hindi na kasing init kanina. Itinabi ko na sa bedside table ang basin at basang bimpo. Naupo ako sa gilid ng kama. Akmang itataas ko ang kumot nang hawakan ni Cam ang kamay ko.
"C-Crosoft..." mahinang bulong niya.
"Cam," hinawakan ko ang kamay niya. "Magpahinga ka muna."
"Huwag... huwag mo kong iiwan..."
Tumabi ako sa kanya sa kama. Pinaunan ko ang isang braso sa kanya. I made her snuggled closer to me. Payakap na magkatabi kami.
"Hindi na, dito lang ako." Ibinaba ko ang mukha para halikan siya sa noo.
I saw her smile kahit na nakapikit. "Kantahan mo ko."
"Akala ko ba tulog ka na?"
"Malapit na... sige na... kantahan mo na ako."
"Eh baka 'di na tumila ang ulan." I chuckled. "Sige ka, 'di ka na makakauwi sa inyo."
"Huwag na nga lang," mahinang natawa siya.
"Oy, wala ng bawian. Sabi mo kumanta ako. Ito na, kakanta na ako." Napansin ko naman na malalim na ang paghinga niya. Hindi ko tuloy mapigilang ang mahinang matawa. "Talaga naman eh. Ang bastos talaga ng babaeng 'to. Ganun ba talaga kasama boses ko?"
Oh well, ipinikit ko na lang ang mga mata.
You're really something Cambria Velasco. Ang hirap mong alisin sa sistema ko. At wala akong balak na alisin ka. I yawn. Peste! Naka-mightybond ka yata eh. De na maalis. Natawa ako sa isip. Ayoko ng mag-mura.
....
Malakas ang music sa buong bahay. Ganito talaga ako kapag umaga. Nagpapatugtog ng mga love songs. Ansabee?
♪♪... All I hear is raindrops, falling on the rooftop
Oh baby, tell me why'd you have to go
'Cause this pain I feel, won't go away
And today I'm officially missing you... ♪♪
Umuulan parin sa labas pero hindi na gaanong malakas. Baka tumila na rin 'yan mamaya. Ito naman ako, pinagluluto ng noodles si Cam. Gusto ko sanang magluto ng lugaw pero naubusan ako ng kanin. Napalakas yata kain ko nitong nakaraang araw. Makapag-grocery nga kapag feel ko na.
Sinabayan ko naman ang music. "Ooh, can't nobody do it like you... Said every little thing you do, hey, baby... Said it stays on my mind... And I-I'm officially..." Ganda talaga ng boses ko! Naks. Sinabayan ko pa 'yong sayaw.
"Crosoft?"
"Tang na juice! Aish.Tsk." Napaso ako. Dinala ko ang napasong daliri sa bibig bago nilingon si Cam. Langya. Natigilan lang ako. De nato maganda.
Pinasuot ko sa kanya kagabi ang sobrang maluwang ko na T-shirt. Umabot pa 'yon hanggang itaas lang ng binti niya. Magulo ang nakalugay na buhok niya. Bakit ang gandang tignan ni Cam sa ganoong ayos lalo na't nakayapak lang.
♪♪... Looking in your eyes I see a paradise
This world that I found is too good to be true
Standing here beside you, want so much to give you
This love in my heart that I'm feeling for you... ♪♪
Seriously? Ang OA ng timing ng kanta. Lunok. Tumahimik ka Crosoft bakla ka. Huwag kang umaktong tomboy. Langya! Ang tang na juice! Ayoko na 'tong i-share ang iniisip ko. SPG na masyado. Shsh. Nababaliw na ako.
♪♪...Let 'em say we're crazy, don't care 'bout that
Put your hand in my hand baby, don't ever look back...♪♪
Nababaliw na ako.
"Wait," itinaas ko ang isang kamay. Dumiretso ako sa ref at ipinasok ang ulo ko doon.
"Hoy Crosoft anyaree sayo?"
"Ang init - este hinahanap ko 'yong pinalamig kong isda. Nawawala baka lumayas na."
Hinila ako ni Cam palayo sa ref. Siya na mismo ang nagsara nun. Tinaasan niya ako ng isang kilay.
"Naka-druga ka ba ngayon?"
"Hindi," umiling ako. Hindi ko naman maiwasang tignan 'yong sugat sa gilid ng labi niya. Wait. May sugat siya. Mabilis na hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. "May sugat ka sa labi? Saan mo 'yan nakuha."
Cam touch the side of her lip. "Sa kuko siguro... di ko alam."
"Did he kissed you?"
"Huh?"
"Hinalikan ka ba niya?"
"Hindi!" inalis niya ang nakahawak kong kamay sa balikat niya. "Nanlaban ako. Teka, ano ba 'yang niluluto mo?" Akmang lalagpasan niya ako nang mahawakan ko siya sa siko. Napatingin siya saken. "Bakit?"
"Ano bang nangyari?"
"Ayokong pag-usapan."
Hinila ko ang tag ng damit niya sa likod. "Mag-usap tayo."
"Crosoft naman eh!"
"Huwag ka na ngang maglihim saken Cambria. Naasar ako sa ka-OA-han mo nitong nakaraang araw. Naii-stress ako ng bongga."
"Sino sa tingin mo ang mas OA sa ating dalawa?"
"Fine, alam kong may kasalanan ako. Sorry na." Niyakap ko siya. I felt her stiffen. Pero niyakap ko lang siya. "Sorry na."
"Gusto kong umiyak."
"Okay lang, iyakan mo lang 'tong bagong bili kong damit."
Natawa lang siya. But a moment later naramdaman ko na ang pag-alog ng mga balikat niya. Lalo ko lang hinigpitan ang pagyakap ko sa kanya.
"Shshs..."
"Akala ko 'di mo na ako mahahanap..."
♪♪...When she cries at night
And she doesn't think that I can hear her
She tries to hide
All the fear she feels inside
So I pray this time
I can be the man that she deserves
'Cause I die a little each time
When she cries...♪♪
Nag-iba na naman ang music. 'Yong totoo? Anyway, focus Crosoft. Makikinig na ulit ako. Pero 'di nga... parang ang galing tumayming ng music.
"Takot na takot ako... akala ko 'di ka na dadating."
"Kalimutan mo na 'yon." Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. Kanina ko pa talaga gustong gawin 'to. Kahit na medyo weird lang. Ewan ko na talaga. Wala na akong naiintindihan. Bahala na nga. For now, gusto ko lang pagaanin ang nararamdaman ni Cam ngayon. Kaya gagawin ko 'to. I cupped her face again and wiped away the tears on her face. "Dae, minsan lang 'to kaya huwag mo 'tong kakalimutan."
"Huh?"
Hinuli ko ang tingin niya. "Palitan natin 'yong masamang alaalala mo ng maganda na medyo masama." Napa-isip ako bigla. Ano 'yon?
"Huh?"
"Hold still,"
♪♪... Pikit mata
Nagtatanong
Anong sagot sa bakit
Pikit mata
Lumuluha
Di maintindihan puno ng pait
Parang walang nakikinig
Dyan ka nagkakamali...♪♪
Binaba ko ang mukha sa mukha niya. She was about to stepped back, but I held her still.
"I told you to hold still."
"C-Crosoft? A-Anong gagawin mo?"
"Shsh," hinapit ko siya palapit sa katawan ko. Maingat na isinandal ko siya sa katawan ng ref. Napahawak siya sa mga balikat ko. I smirked. I sometimes find myself weird. Kapag kasi si Cam... parang it's okay to do this. But who cares. "Kalimutan mo 'yong nangyari kagabi."
Sobrang lapit na nang mga mukha namin. The tip of our noses touched. Napadaos-dos naman si Cam, but I pulled her up again. Ay ang kulet!
"Crosoft nasasaniban ka na. Masama 'yan."
♪♪...Lapit sa akin
At huwag matakot ka
Papawiin ang luha
Ulan ay titila na
Kahit sabihin mo na
Di na kaya
Araw ay sisikat
May bagong liwanag
Di ka nagiisa...♪♪
"Crosoft, lalo lang akong matu-trauma sayong loko ka."
I chuckled. "Okay," saka ko ibinaba ang labi sa labi niya. Pero 'di ko pa nilapat. Pinakiramdaman ko muna si Cam. Hindi na nga humihinga. Hay naku! Ang cute talaga ng babaeng 'to.
And without any second thoughts I kiss... the side of her lips.
Hindi ko alam ang sasabihin. Maybe, more CamSoft feels? I guess? Who wants more? Ang haba na ng Special Chaps ni Crosoft. Ilang hours ba ang plano niyang i-record ang confession niya? May planong mag-produce ng movie? Anyway, hope ya'll enjoy. This chap is dedicated. Hope to read your long and wonderful comments. Thanks!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro