SP: Crosoft's Confession (Part 7)
Monday
Saan ka? – Cam
Gumgwa ng proj sa Lit wid clazmts – Crosoft
Ok – Cam
"Cros!" napalingon ako sa tumawag saken.
"Oy, Rea. Bakit?"
"Nakuha ko na score natin sa project natin sa Lit. Guess what? 1.5, ayos ba?"
"Naks! Galing talaga natin."
"Anyway, saan ka na after this?"
"Ahm, uuwi na siguro."
"Okay, una na lang ako. Bye."
I waved back ang said my goodbye. I look at my phone again. Hindi na ulit nag-text si Cam. I sighed. Ibinalik ko na lang ang cell phone sa bulsa.
Tuesday
"Oh shuks!" mabilis na nagtago ako sa gilid. Sana talaga hindi ako nakita ni Cam. Sinilip ko siya ulit. Napalinga-linga siya sa buong paligid. I grimaced. Hanggang kailan ba ganito ang drama naming dalawa? Bakit ba kasi ako umiiwas? Kasi para sanayin siya na wala ka? Ah okay. "Aish."
"Oy Crosoft,"
"Tang na juice naman Essera!" nagulat na naman ako. "Nakakagulat ka naman."
"Anyaree sayo?" sumilip siya sa kanan ko. "Nandoon lang si Cam ah. Ayaw mo puntahan?"
"Huh? Si Cam? A-Ano... nagkausap na kami kanina. Actually, pabalik na ako sa classroom ko. S-Sige, bye."
"Eh?"
"Anyway, nice shade of lipstick. Bagay sayo."
"T-Thanks, inutang ko lang 'to sa Avon."
"Wow! Sige bye."
Nagmadali na akong umalis. Phew! Bakit ba kasi naisip ko pang layuan si Cam. Aish! Ewan ko sayo Crosoft. Nababaliw ka na!
Wednesday
Sorry Cam, been busy for 3 days :( -Crosoft
Ok – Cam
Napaayos ako ng higa sa kama. Mukhang masama na ang loob ni Cam saken.
Galit kba? – Crosoft
No –Cam
Glit ka eh, sori na. Treat kta bukas sa canteen –Crosoft
Busy ako... lunch date... with Minus. Sori –Cam
Who's Minus? Napaisip ako bigla. Oh shuks! Ang isang kakilala pala 'yon ni Jeymes. Speaking of that, kumusta na kaya ang mga dates ni Cam? Tatanongin ko ba? O hindi? Baka mainis lang saken kasi tsismosa lang ang peg. Pero... okay naman siguro... magkaibigan naman kami.
How's your dates so far?
No. Panget! Baka isipin pa ni Cam na ang dates lang niya ang iniisip ko. Erase.
How's your life? – Crosoft
If u want to ask bwt mg dates... der fine. I enjyed most of it. Want 2 know more?- Cam
Kaloka! Nabasa parin niya isip ko? Mabilis na nag-reply agad ako.
Ikw ang knakamusta q, d cla. Oks ka lang? – Crosoft
Halata ka na! Ewan q sayo. Kpg gsto mo na aqng makta tsika q sayo. Kng ayaw mo taguan mo pa ako. Dyan ka magaling eh. – Cam
Mabilis na tinawagan ko si Cam.
"Wow! May load." Pabalang na bungad agad ni Cam saken. "Napatawag ka?"
"Masamang tumawag?" may taray ko ring sagot.
"May sasabihin ka?"
"Galit ka saken 'no?"
"Hindi nga sabi. Bakit naman ako magagalit sayo." May inis sa boses ni Cam na 'di ko gusto. Halata naman kasi na naiinis siya saken pero ayaw pang umamin. "At saka wala namang dahilan para magalit ako sayo."
"Sa boses mo parang sakim na sakim ka na saken."
"Imahinasyon mo lang 'yon."
"Bakit ayaw mong sabihing galit ka saken." Naiinis na rin ako. Busit!
"Eh ano ba sayo?! Pakialam mo kung ganito boses ko?" pinagtaasan niya ako ng boses. Napamaang ako. Kita mo na, galit siya saken pero ayaw umamin. "Ibaba ko na nga 'to."
"Cam, mag-usap nga tayo."
"Ano pa bang pag-uusapan natin? Busy ka. Busy ako sa mga LALAKING gusto mong i-date ko. Wala tayong oras na magkita. 'Yon na 'yon. May problema ba?"
"You're not okay."
"Okay nga lang ako. Huwag mo na nga lang akong alalahanin. Hindi mo naman ako girlfriend na dapat kinakamusta mo araw-araw. You should pay more attention to your life. I can handle myself on my own. Hindi kita kailangan."
"Cambria," seryoso ko ng tawag sa kanya. Hindi ko na gusto ang tuno ng pananalita niya. "Cambria Velasco ayoko niyang sinasabi mo."
"Pwede ba Crosoft, spare me. Wala ako sa mood makipag-usap sayo ngayon."
"Fine! Wala din akong ganang kausapin ka ngayon. Bahala ka sa buhay mo! Mag-isa ka! Mag-emo ka! Maglaslas ka! Tumalon ka sa building! Magpa-abduct ka kay Kokey! O mag-wish ka sa balon ni Sadaku wala akong paki!" End Call.
Asar! Ako na nga ang nangungumusta ako pa 'tong masama? De magalit! Magalit ka saken. De wala akong po-problemahin. Wala akong iisipin. Wala akong pagtataguan. Wala akong tatawaging Cam. Busit!
Thursday
Nagkasalubong kami ni Cambria sa hallway. Saglit lang naming tinignan ang isa't isa. Hindi kami nagpansinan pagkatapos. Bahala siya sa buhay niya. Turned out papasok rin siya sa office ng CAS. Same to me. Dimiretso ako sa mga working students para i-inquire si Miss Kromina for my last minute submission of my Final summer project in Economics.
"Miss nandiyan ba si Miss Kromina?" tanong ko.
"Wait lang, ha, check mo muna."
"Okay," the girl in charged excused herself.
Hindi ko naman maiwasang marinig ang pinag-uusapan nila Cam at nung isa na kaklase niya yata na working scholar/student din sa school. 'de ko alam. Pamilyar mukha niya 'di ko lang maalala.
"Bria, ok ka lang ba?"
"Shs, huwag kang maingay Tina." Tumaas naman ang kilay ko. Anong itinatago ni Cam saken. "Please, huwag na lang nating pag-usapan 'yon."
"Sorry, pero Bria, mag-ingat ka naman. Muntik ka na doon eh. Buti na lang nakita ka namin ni Kristian. Baka napahamak ka na."
"Oo nga eh, 'di ko naman alam na ganun ang mangyayari."
"Sige, basta sa susunod, ha."
"Alam ko, salamat."
"Oo ito na, naiwan mo noong isang araw. Eh yang kamay mo, okay na ba?" mabilis pero pasimpleng tinignan ko ang isang kamay niya. May benda 'yon. Shock. Bakit 'di ko 'yon napansin kanina. Mabilis na itinago ni Cam ang naka-bendang kamay.
"Okay na 'to," nakangiting sagot ni Cam.
Just what in the world is happening on Cam? Hindi naman siguro 'yan related sa mga dates niya? Nahulog ako sa pag-iisip. Imposible naman 'yon. Sabi naman ni Jeymes mababait ang mga 'yon. Sumimplang lang siguro sa Cyber na 'yon. I shook my head to erase the idea.
Pasimpleng tinigan ko muli si Cam.
"Oh, si Crosoft pala 'yan oh." Tawag saken nung kausap ni Cam.
Mabilis na iniwas ko ang tingin sa babae. Sakto namang bumalik na ulit ang babae na kausap ko kanina.
"Iwan mo na lang saken. Ako na ang maglalagay sa table ni Ma'am."
"Okay, salamat."
Mabilis na inabot ko sa babae ang five pages stapled bondpapers. As for them, tipid lang na ngiti ang ibinigay ko kina Cambria at nung babae bago ako umalis. Pesteng pride!
MALL
Hmm... ano kaya 'yong pinag-uusapan nila Cam kanina? Naalala ko ulit ang naka-bendang kamay ni Cam. And what happened to her hand?
You should pay more attention to your life. I can handle myself on my own. Hindi kita kailangan.
Hindi kita kailangan!
Hindi kita kailangan!
Ay busit!
"Hindi ko rin siya kailangan! Mukha niya!" Natigilan naman ako. Halos lahat nakatingin saken. Pack juice! Nakakahiya. Itinaas ko ang hood ng jacket ko at tahimik na naglakad ulit. Kunwari 'di ako tao. "Aish, ikaw talagang babae ka. Nai-i-stress ako sayo."
Napadaan ako sa department store. Sa kids and women's section. May nakita akong naka-display na pambatang designs ng underwear. Hindi ko maiwasang matawa. Naalala ko 'yong sinabi ko kay Cam na bibilhan ko siya ng isang pack ng panty. Ang manyak lang pakinggan sa lalaki 'yon pero karey lang dahil 'di naman ako straight.
Naaliw ako sa pagtingin-tingin sa mga designs. May power puff girls, totally spice, bratz, Barbie, at Hello Kitty designs. Kaso maliliit ang size. Alangan naman bilhin ko 'yon para kay Cam. Upakan ako nun lalo.
"Para sa kapatid mo, sir?" tanong saken bigla ng sales lady.
"Hindi para saken. May ben 10 kayo?"
Gulat na napanga-nga ang sales lady saken. Pati 'yong kasabayan ko nandoon napatingin saken.
"Eh?"
Natawa naman ako. "De, joke lang."
Hindi mo alam kung matatawa o iiyak ang sales lady eh. Sa gwapo ko ba naman? Ang hirap lang paniwalaan na gusto ko ring mag panty ng Ben 10. In children's size. Kitams, katakot lang i-imagine.
"Miss may mga cute designs ba kayo ng mga gan'to?" turo ko sa mga kids underwear na naka-display. "'Yong para sa mga dalaga na."
Lalo lang tuloy akong tinignan ng mga babae na nandoon. Baka isipin manyak ako. Anyway, paki ko ba. Bumili sila ng panty sa sarili nila.
"Para po sa kapatid n'yo?"
Napangiti ako. Naala ko ang mukha ni Cam.
"Hindi para sa Cam ko." Sagot ko.
"Ho?"
"Meron ba kayo?"
"Ahm, ano po, nasa Women's Lingerie section. May mga cartoon designs po kami doon."
"Ganun ba? Sige, salamat."
Ano kaya magandang design? Pooh o Mickey Mouse? Hindi ko ulit mapigilan ang matawa. Baka may Lion King din o kaya o Ben 10. Uupakan talaga ako ng babaeng 'yon kapag binigay ko 'to sa kanya.
Langya! Nakaka-miss din pala ang bruhang 'yon.
Makikipag-bati na nga lang ako.
Bukas.
Bukas na lang. Inis pa 'yon saken eh. Baka okay na mood nun bukas kapag binigay ko regalo sa kanya.
FRIDAY
Magkasama kami ni Jeymes. Nakita ko si Cam kanina pero ngayon 'di ko na siya makita. I wonder kung na saan na siya? Bigla na lang na wala. Last day na rin ng summer class kaya medyo madalang na lang ang mga estudyante. Karamihan natapos na kahapon.
"Jeymes, matanong ko lang."
"Ano?"
"You sure walang issues of violence and aggression ang mga pinapakilala natin kay Cam?" hindi talaga ako mapakali at matahimik. Sinubukan ko nang huwag na 'yon bigyan ng atensyon pero 'di ko magawa. "Baka kasi..."
"Hmm, they're fine. Kilala ko sila. At saka I trust my colleagues' friends na 'yong iba sa pinakilala natin kay Cambria ay mabait talaga. Why?"
"Para kasing may itinatago saken si Cam –"
"Baka naman hindi 'yon related sa mga ka-date niya. Baka iba?"
"I don't know..." pero ewan. Hindi ako mapakali ngayong araw na 'to.
"Anyway, hindi ka ba sasama samin sa Singapore?"
"Huh?" hindi ko narinig.
"Mom and Dad is okay with you coming with us. Ayaw mo ba talaga?"
I shook my head. "No, uuwi muna ako samen. Baka kalbohin na akong mommy ko kapag 'di na naman ako uuwi." I chuckled. "I'll just spend some quality time with Mom for the remaining days of summer vacay. You just enjoy yourself there."
"Tita Dris would be fine if you come –"
"Jeymes," hinawakan ko ang kamay niya. "Sumama naman ako last summer sa vacation n'yo ng pamilya n'yo baka isipin pa nila Tito at Tita na sobrang clingy ko na sayo. Huwag mo na akong aalalahanin. Mag-enjoy ka na lang kasama ng pamilya mo."
"Fine," he sighed in defeat. I kissed him on his forehead. "Guilt." Akusa niya.
I laughed. "Hindi! Baliw. Ingat ka na lang sa byahe n'yo."
"Anyway, speaking of that, mauuna na ako. Ngayong gabi ang flight namin, so I need to go."
"Okay, bye."
"Bye. Love you."
I just smiled.
"I said I love you."
"Huh?"
"Wala ka man lang bang sasabihin saken Crosoft?"
"Ah!" nakalimutan ko. "Sorry, ingat ka."
"Tsk, huwag na nga lang."
Condo
Nakauwi na ako sa pad pero hindi ko parin nakikita si Cam. Nalibot ko na nga ang buong campus kanina pero nowhere to be seen parin. Dumaan ako sa coffee shop na pinagtatrabahuan niya wala rin. Hindi daw pumasok. Tumawag ako sa bahay nila Cam sabi naman ni Misty wala daw ang panget niyang kapatid.
Kanina ko pa tini-text at tinatawagan pero out of reach at walang reply. Kanina pa ako uneasy. Simula pa kanina. Hindi ko alam kung bakit. Pero masama talaga ang pakiramdam ko. Para bang may mangyayari na 'di ko alam.
Bumuhos naman ang malakas na ulan sa labas.
Nabaling ang tingin ko sa labas.
"Na saan na kaya si Cam?"
It's already 8 pm. Saan naman kaya 'yon pumunta? Bigla namang nag-ring ang cell phone ko. Mabilis na kinuha ko ang cell phone sa itaas ng coffee table. Shock. Mabilis na in-accept ko ang call ni Cam.
"Cam saan ka na bang bruha ka?!"
"Crosoft!!" sigaw ni Cam. Bigla akong kinabahan. "Crosoft tulungan mo ko! Bitiwan mo ko! Ano ba?! Bitiwan mo kooo! Crosoft..." iyak ni Cam sa kabilang linya. "Crosoft tulungan mo ko!"
"Cam! Cam! Na saan ka ba?"
"Tulong! Bitiwan mo sabi ako eh! Ano ba! Huwag!"
"Huwag ka ng magpumiglas pa Cambria." Boses ng isang lalaki. Napadiin ang hawak ko sa cell phone. "Alam ko namang gusto mo rin 'to."
"Huwaaaag!! Please... huwaag!"
"Pucha! Bitiwan mo si Cambria!"
"Alam mo Cambria wala ka namang mapapala sa baklang 'yon. Dito ka nalang saken... araw-araw langit ang matitikman mo... hmmm... like that... ha?"
"Bitiwan mo ko! Crosoft! Crosoft tulungan mo ko!"
"Puchang lalaki ka! Bitiwan mo si Cam! Papatayin kita."
"Patayin mo nga 'yang cell phone mo Cambria istorbo!"
Toot... toot... End Call.
"Peste!" I dialed the number back. Pero wala ng sumasagot. "Langya! Mapapatay ko talaga ang lalaking 'yon!"
Mabilis ang mga kilos na lumabas ako ng bahay. Huwag na huwag kong makikita ang lalaking 'yon dahil makakapatay ako ng hayop!
Ang tagal kong 'di nakapag-UD haha. Enjoy! Ano kaya nangyari kay Cam? at kailan kaya ako mag-a-update? ABANGAN! Who's up for dedication? Top five long comments will have dedication. Ayos ba? Thank You! Mwaah! <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro