SP: Crosoft's Confession (Part 6)
"Marami akong kaibigan na mababait. You can start with a friendly date."
"I-I'm not really sure-"
"Crosoft, it's for her best. If you do this mabilis siyang makaka-move on."
I sighed. "I-I don't know."
Ilang beses ko nang pinag-iisipan ang suggestion ni Jeymes. Mas mabuti rin siguro for Cam to fall in love with someone. I know for a fact that I'm gay. Yes, siguro in a way may times na nagkakagusto ako sa babae. Pero alam ko paghanga lang 'yon. There is a big difference between like and love.
I love Cam. Pero hindi ko alam kung magagawa ko nga bang mahalin pa siya ng higit pa. Baka masyado lang akong protective sa kanya kaya ganito ako umakto. The better way to solve this is to help her find someone that would love her more than she could ever have. At hindi ko 'yon kayang ibigay sa kanya.
My heart only belongs to Jeymes.
I called Cam.
"Hello?"
"Cam, are you free this Saturday? Alam ko day off mo 'yan."
"Bakit?"
"Free ka ba?"
"Kakasabi mo lang day off ko, diba? Malamang libre ako."
Aish! Kahit kailan ang babaeng 'to. "Reserved mo na 'yan. May date ka."
"Huh?"
"Let's meet at Mr. J's."
"Hey, wait! Na saan ka ba ngayon?"
"Nasa pad ko, gumagawa ng assignment."
"Kailan ka pa gumagawa ng assignment?"
"Ngayon lang, feel ko eh."
Natawa si Cam. "Fine, ipaglaban mo 'yan. Ibaba ko na. Pinapatapon pa saken ni Mama ang mga basura sa labas." Naku! Ginagawa na namang katulong ng nanay niya. Kung hindi lang 'yon matanda. Inahit ko na lahat ang kilay nun.
"Sa susunod mag-recycle kamo sila. Gawin nilang damit 'yang mga basura nila at nang magkasilbi naman sila sa bansang 'to. Nakaka-stress."
She chuckled. "As if? ... Ano ba Cambria?! Kailan mo ba 'yan itatapon? Next year? Nangangamoy na! Nak ka talaga ng puny'tang bwesit! Ang kupad mo! ... Opo Mama! Itatapon na po. Crosoft, ibaba ko na. Kita na lang tayo bukas. Bye."
Toot... toot... toot... end call.
I sighed.
"It's for the best..."
Tama lang 'to.
SATURDAY
Nasa bahay lang ako. Parang tanga. Nakatunga-nga sa loob ng kwarto. Panay ang tingin sa orasan. It's already 6 pm. I'm pretty sure nagkita na sila Cam at ni Cyber. Ang kaibigan ni Jeymes sa ibang university. Mukha namang mabait si Cyber. May istura. Kahit na 'di naman kasing gwapo ko, okay na rin. Basta mabait. Karey na rin.
Kilala ko rin naman si Jeymes. Hindi naman 'yon magkaka-kaibigan ng mga taong 'di tao kumilos. Sana nga lang 'di ako lechonin ni Cam. Sabi ko pa naman sa kanya na kami ang magdi-date. I sighed.
"Ano na kaya ang ginagawa nila?" tingin ulit sa orasan. "Nagugutom na ako." Inabot ko ang cell phone ko. Shock. 10 missed calls from Cam. Napalunok ako. Naingat ko ang tingin. "Crosoft huwag kang mag-reply. Huwag kang mag-reply." Hindi ko na pinansin ang missed calls at mabilis na i-denial ang numero ng pizza hut. Ikakain ko na lang 'to.
One hour had passed.
Hindi parin ako mapakali. Ano na kayang ginagawa nila? Ah ewan. Sisilip lang ako saglit. Mabilis ang mga kilos na lumabas na ako ng pad. Hindi naman ako inabot ng isang oras para makarating sa Mr. J. Total malapit lang naman 'yon sa pad ko. Nilakad ko na lang.
Mula sa salamin na bintana ng Mr. J ay sinilip ko sila Cam. Para na akong tanga doon. Panay na rin ang tingin saken ng machong guard. Naasar na nga ako. Ang sama makatingin. Taas-kilay. Ka member yata 'to ng nanay ni Cam. Taas-Kilay Gang.
Napuno ako. Hinarap ko si Machong guard. Syempre barako ang tindig para astig.
"Kuya, may problema ka ba saken?" seryosong tanong ko.
"Papasok ka ba?"
"Walang pasok ngayon." I said casually. Pasimpleng silip sa loob. "Sabado." Kumunot lang noo ni machong guard. "Anyway, may pumasok ba na babae dito? Rosy cheeks, maputi, pink lips, 5'2'' ang tangkad, mukhang mabait, cute at –"
"Totoy kung maghahanap ka na rin lang sa drim gerl mo hindi mo siya mahahanap dito."
"Drim gerl? You mean, dream girl?" Ansabee?
"Sabi ko nga. Ang mabuti pa magpalit ka muna sa bahay n'yo ng damit saka kumain sa loob." Napatingin ako sa suot kong damit. Langya! "Kakagising mo pa lang yata eh."
Tsk, nakapajamas ako. Naka bunny slippers pa. 'Di pa ako nagdala ng unan. Nahiya pa ako eh. Hindi ko man lang napansin ang suot ko. Kaya pala pinagtitinginan ako ng mga tao. Talaga naman.
"Sige – " natigilan ako nang biglang dumaan sa harap ko ang isang babae na naka all red mula ulo hanggang paa. Wow! Ruby ikaw ba 'yan? Taray! Nakataas-kilay din. Parang naka-vacum ang lips. Red plucks! Hindi man lang nag-hi kay machong guard. Mukhang wala sa mood ang 'sang 'yon ah. "Machong guard, gutom yata ang 'sang 'yon."
Sinundan namin ng tingin ang babae hanggang sa makapasok. Huminto siya na para bang may hinahanap.
"Masama feeling ko dito."
"Bakit naman?"
"Nandiyan kasi boyfriend niya. Regular customers namin sila dito."
"Anyaree kay boyfriend?" hayun na hanap na ng babae ang lalaki. Wait, parang pamilyar saken ang lalaki kaso biglang tumalikod. Hayun, wapak, sampal. "Ouch," kawawa. Namamangka kasi sa dalawang ilog.
"May ka date na babae. Cute. Pink cheeks."
"Lakas ng radar ah." Natigilan naman ako. "Wait! Cute? Pink cheeks?" To answer it all biglang nag-appear bigla si Cam. Gulat. Si Cam naman ang binalingan ng nagwa-wild na babae. "Pack juice!" mabilis na pumasok ako sa loob.
She was about to slap Cam. At kailangang pigilan ko siya. At sa sobrang pagmamadali ko na out of balance pa ako nang papalapit na ako sa kanila. Napasinghap ang lahat nang mapunit ang ibabang bahagi ng red dress ni girl in red. Wala kasi akong ibang nahawakan. Kaya 'don ako nakahawak sa dress niya.
Sh*t pati panty red. Katakot! May hello kitty design pa.
"Oh my gosh!" tili ng babae. Mabilis naman na hinila ni Cam ang table cloth para ibigay sa babae. "Oh my gosh! Oh my gosh!" Hysterical na siya. Habang ibinabalabal ni Cyber ang table cloth sa ibabang bahagi ng babae.
"Sorry," nakangiwing inalalayan ako ni Cam. Nakadagdag lang sa inis ng babae ang tawanan ng tao. "Ano kasi... nadulas ako... bakit ba kasi ang cheap ng damit mo?"
"Crosoft!" sita saken ni Cam.
"What?! Cheap ang damit ko?!" pinanlakihan ako ng mata ng babae. Akmang susugurin niya ako nang mahawakan siya ni Cyber. "Eh wala pa nga 'to sa bunny slippers mo!" singhal niya saken. "Poor ka yata eh!"
Napamaang ako. Wow! "Hoy!" siga mode ako. Pero naging mabait agad. Ang sakit ng kurot ni Cam sa tagiliran ko eh. Syet! "Hindi ako four."
"Bobo!"
"Mina tama na. Umalis na lang tayo."
"Mamaya na nga! Hindi pa tayo tapos."
Napasinghap si Cam nang bigla siyang hawakan sa braso ni girl in red. Nainis naman ako kaya inalis ko agad ang kamay ni girl in red sa kanya. No one touches my Cam like that!
"Sino ka ba, ha?!"
"Sino ako? Sino ako?" I held a sighed. "Wow! Sino ba ako?" Binalingan ko si Cam na panay na ang kagat sa kuko. "Sino ka? Gilfriend ba kita?"
"Eh?"
"Kung oo, takbo na!" I grabbed her wrist at mabilis na hinila ko na siya palabas ng resto na 'yon.
"Crosoft!"
"Tumakbo ka lang!"
"Baliw ka talaga!"
7Eleven
Tahimik na nakaupo sa gutter sa labas ng 7Eleven. May dalawang big gulp na nakapagitan sa aming dalawa. Hindi ko alam. Baka inis si Cam saken. Pagkatapos naming takasan ang dalawang 'yon ay napadpad kami sa 7Eleven. Ang pag-asa ng mga nawawalan ng pag-asang makakita ng Shell o Petron at tumatakbo sa kawalan dahil nadukotan. Ano raw?
Crosoft nababaliw ka na.
I grabbed my bottle of gulp. "I like Pepsi." Deadma. "They're sweet. Kapag sobrang pait na nang buhay mo. Kailangan mo ng 'sang bagay na magpapatamis sa mapait mong buhay. Kaya the best ang Pepsi. Gusto mo?" Alok ko sa kanya.
Cam glanced at me. "Ire-reto mo na nga lang ako sa iba doon pa sa may sabit. Seriously?! You even lied to me Crosoft. Nakakahiya. Ano na lang ang sasabihin ng tao sa akin?"
"I'm sorry, hindi ko naman alam na magazine pala siya."
"Huh?"
"Playboy magazine. Gets?"
"Push mo 'yan," natawa si Cam. "Ewan ko sayo."
"Sorry talaga, kung alam ko lang na playboy 'yon 'di sana binigay ko na lang sana ang 'tong pink bunny slippers ko." I winked at her. "Alam mo na, ipapalaganap ko ang aming lahi."
"Huwag! Kapag ginawa mo 'yon wala nang matitira sa amin."
"Right,"
Ilang segundo kaming natahimik pareho.
"You have a problem?" basag niya.
"Huh?"
I saw her bit her lower lip. "I think he doesn't really like me."
"Cam?"
May ngiting bumaling siya saken. Pero hindi naman 'yon umabot sa mga mata niya. And I didn't understand what she had said earlier.
"So, ilang lalaki pa ang ipapa-blind date mo saken?"
Napangiwi ako. "The truth is..."
"How many?"
"I got five more."
"Wow!"
"Look, Cam... It's not what you think of –"
"Mga ex mo ba sila?"
"Of course not! Jeyme's my first."
"And your last." Nagkatinginan kaming dalawa. "You really love him, don't you?"
"Yes," she immediately looked away. Inatake naman ako ng guilt. Alam kong nasasaktan siya. At kahit na ayokong nasasaktan si Cam wala naman akong magawa. It's me. I am gay. I don't know if I can love her in a way that she want. "Don't you wanna fall in love Cam?"
Inangat ni Cam ang tingin sa madilim na kalangitan.
"One day, I'll marry someone who loves me. Magkakaroon kami ng maraming-maraming anak. Aalagaan ko siya. Mamahalin ng sobra-sobra. Magiging masaya kami araw-araw. At kapag may problema sabay namin 'yong susolusyonan."
"Ang swerte naman niya."
She smiled. "I wonder where in the world he is."
"Paano kung bigla na lang siyang dumating ngayon sa harap mo?"
"Huwag muna ngayon. Hindi ko pa siya kayang mahalin ng buong-buo."
"Cam?" She smiled bitterly. It pained me more looking at her like that. But it's better this way. I'm sorry Cam. "Alam mo, kung sino man 'yang hayop na mahal mo kalimutan mo na siya. He doesn't deserved you. You deserve someone who can truly love you. Someone na hindi ka kailanman sasaktan. Kalimutan mo na lang siya."
"Ang sakit pala," natatawang sabi ni Cam. Bakas ang sakit sa mga mata niya nang tignan niya ako. "Ang sakit pala Crosoft. Ang sakit pakinggan kapag galing sayo."
"Cam," ang sama na talaga ng pakiramdam ko.
Hindi ko talaga kayang nakikita siyang nasasaktan at nalulungkot. I'm sorry Cam. This is the best thing for us. It's way better if we stay friends. I belong to Jeymes. I have to be true to myself.
"Iba pala talaga kapag si bestfriend na ang nag-advice," lalo lang natawa si Cam. Kahit na alam kong nasasaktan siya. "Iba ang hugot! Ang lalim."
"Syempre naman!" sinubukan kong umakto na wala lang. "Ang tunay na kaibigan isasampal sayo ang katotohanan. Para matauhan. Para matutoto. Ang tunay na kaibigan mas gugustuhing masaktan ang pinakamamahal niyang kaibigan kaysa ang patuloy na pasayahin ito sa kasinungalingan."
"Oo na! Oo na! Ibigay ko sayo ang free sched ko. Set me up to any boy you like for me. Baka isa sa kanila ang THE ONE for me."
"Sure?"
"Yup, pero kung wala parin akong magustuhan sa kanila. Let's stop everything."
"Okay, deal."
"Anyway, nice bunny slippers."
"Thanks, you look lovely. Pinaghandaan mo talaga ang date natin ah. Naka-dress ka pa."
Cam rolled her eyes. "Shut up!"
"But seriously, mukhang hindi ako makakatulog nito."
"Bakit naman?"
"Yong panty talaga niya na may hello kitty designs." Kinalibutan ako sa tuwing naalala ko 'yon. "Nakakakilabot."
Natawa si Cam. "That scene was epic!"
"Huwag mong sabihing may hello kitty design din 'yang ano mo."
This time, binigyan ako ng nakakalokong ngiti ni Cam. She moved closer. And closer. And closer 'till I can feel her hot breathe fanning near my ear. "Gusto mo makita?" May landing bulong niya saken.
Napalayo ako bigla.
"Di nga?"
"Baliw!" sabay batok saken. Aw! Talaga naman. Napaka-brutal ng bruhilda na 'to. "Umuwi na nga tayo." Tumayo na siya. Sumunod naman ako sa kanya. Umagapay ako sa kanya.
"Cam, ano gusto mong design? Spongebob? Power Puff Girls? Hello Kitty? Dora? O Ben Ten?"
"Huh?"
"Bilhan kita ng isang pack ng panty."
"Alam mo," binatukan niya ulit ako. Syet! "Aish! Ewan ko sayo." She stormed away. "Umuwi ka mag-isa!"
Natawa lang ako. "Oy hintay! Wala akong pamasahe!"
"Maglakad ka gago!"
"Ay ang hard!"
You guys are amazing! haha love lots! XD #CamSoft #CrosoftCrisis #CambriaHoldOn Thanks for the votes and comments. It all means a lot to me. This story will stop when? Kailan n'yo gusto? haha <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro