Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SP: Crosoft's Confession (Part 5)

"Hoy Bruha!"

"Hoy ka rin!"

I laughed. Kausap ko sa cell phone si Cambria. Nakasalampak ako sa itaas ng kama habang nakaharap sa laptop.

"Anong ganap sayo? 'Di ka man lang nag-like sa status ko. Pati sa IG no seen ka rin. Anyare sa buhay mo?"

"Baka may trabaho at nag-aaral ako. Kumusta naman buhay mo diyan? Mukhang hiyang na hiyang ka sa Nido diyan ah."

"Oo, ano gusto mo dalhan kita diyan ng dalawang lata?"

Natawa si Cam. "Baliw! Huwag na. Marami pa akong stock dito."

"Nga pala," inipit ko ang phone sa balikat habang nagta-type ng bagong status sa facebook. "Kumain ka na ba?"

"Hindi pa."

"Tama lang 'yan, taba mo na eh." I chuckled. Posted. Umayos ako ng upo. "Diet ka rin minsan, girl."

"Mukha mo! Pagbalik mo 'di mo na ako makikita."

Natawa lang ako. "Sabi ko naman sayo huwag pasobra sa Nido."

"Kahit na, 'no?" kahit na 'di ko siya nakikita na i-imagine ko pa rin ang pag-nguso at pagsimangot niya sa isip. I bet, humahanap na 'yon ng salamin para tignan ang sarili. "Saka, 'di naman ako ganoon ka taba. Lumubo lang pisngi ko. Pero sabi naman nila cute daw. Blooming na daw ako tignan ngayon. 'Di na mukhang stress."

"Aysus! Naniwala ka naman agad?"

"Panira ka talaga ng moment eh. Hay naku! Kung wala ka naman lang magandang sasabihin saken matulog ka na lang ng maaga."

"Nasa bahay ka na ba?" natatawang pag-iiba ko.

"Nasa coffee shop palang ako. Pero paalis na rin ako. Bakit?"

"Like mo ang status ko."

"Ay ang baklang 'to! Dae, ila-like ko lahat ng post mo pag-uwi ko."

"Like mo nga sabi, ang kulit. Ilang beses ka bang inire ng nanay mo? Dali na. May free wifi naman kayo diyan."

"Langya! Ang demanding."

I chuckled. "Dali na! I'll wait. Call me back."

End call.


Crosoft D'cruze

1minute ago

I missed you!

Like. Comment. Share


After 2 minutes nag-call back si Cam.

"Ano?"

"I missed you -"

"I missed you too."

"Crosoft!" natawa lang ako. "Ang OA mo! Pina-like mo ako sa I missed you mo na status. Pemhooor!" Teka, mukhang 'di yata ako narinig kanina.

"Wait, narinig mo ba ang sinabi ko kanina?"

"Oo,"

"Bakit 'di ka nag-react?"

"Nag-react ako. Ang haba nga ng ni react ko."

Hay naku! Ang babaeng 'to. "Cam, wala man lang I missed you diyan?" I mimicked her voice. "Crosoft I miss you! Mwah! Mwah! Tsup! Tsup!"

"Kamukha ko ba si Bossing?"

"Huh?"

"Ewan ko sayo! Ibaba ko na 'to."

"Wait –"

End Call.

Aish! Seriously Cambria? Asar na ibinato ko ang cell phone. Ano bang issue nung babaeng 'yon? Pero teka lang... naalala ko. Bago nga pala ang Iphone ko. Pack juice! Mabilis na bumaba ako kama at kinuha ang precious phone. Sayang 'din 'to!

Si Cambria kasi! Ay ewan!

New Message: Jeymes <3

May message si Jeymes? I opened my inbox.

Dnt forget our dinner date on wed. Be waiting in ur pad. Love you! – Jeymes <3

I grimaced. I almost forgot. Presence of mind Crosoft! Kailangan mong mag-spend time kay Jeymes.

New Message: Cam

Pauwi na q! Dnt wori! Ksma q si Excel. Rmember him? Ingat ka dyan. Mwah! Mwah! Tsup! Tsup! Psalubong q pg-uwi, ha! Hihi XD – Cam

"Peste!"

Mabilis na nag-reply agad ako.

Who u? – Crosoft


Wednesday: Dinner Date

 

"You're spacing out Cros," basag ni Jeymes.

"Huh?"

"Ano bang nangyayari sayo?"

I smiled. Umayos ka Crosoft! "Ah, wala. Sa pagod lang siguro."

"You should have thought that before going with Cam the other weekend. May stint ka pala ng dalawang araw sa Subic pero gumala ka pa."

I always thought Jeymes as one of a kind. Aside from his looks. Isa sa mga nagustuhan ko sa kanya ang pagiging-responsible niya sa lahat ng bagay. He's sweet kapag kami lang dalawa. He never was a fan of public affection. We were proud to be in a relationship... at least for the last two years. Ngayon kasi, medyo may nag-iba na sa kanya. I don't know. Minsan 'di ko na siya maintindihan.

I tried to understand him. Pero kaming busy. Kahit na ganun, tina-try ko naman ang gumawa ng mga bagay na magpapasaya sa kanya. May mga times lang na naiisip ko na kung ano pa ang minahal ko sa kanya? O kung, mahal ko pa ba siya? Lutang ako lagi sa pag-iisip sa mga pagbabagong nangyayari sa akin. It's weird.

"Huwag na nating isali si Cam dito."

"For pete' sake Crosoft," hinuli niya ang tingin ko. "Give her a life."

"W-What do you mean?" may nahimigan akong sa boses niya 'di ko gusto. "Sa tono ng pananalita mo parang sinasabi mong pabigat si Cam." Seryoso kong sabi.

"I'm not saying that –"

"Jeymes, hindi kita ini-obliga na samahan at bantayan si Cambria  lage kapag wala ako. Kung hinihingi ko man sayo ang mga favors na ganun 'yon ay dahil ay may mga oras na 'di siya okay. Hindi ako mapapalagay kapag 'di ko siya nakikitang okay lalo ka kapag wala ako. You don't know her well. May mga bagay kang hindi alam sa kanya."

"But I'm your boyfriend!"

"Yes, boyfriend kita. Pero sana naman, huwag mo namang ipamukha sa harap ko na pabigat saken si Cambria. You're important to me Jeymes. Pareho kayong importante sa buhay ko. Oo, may mga pagkukulang ako sayo bilang boyfriend mo. Alam ko 'yon. Kaya nga bumabawi ako sayo. Pero sa tuwing bumabawi ako sayo lage mo na lang isinisingit si Cambria."

"Because sometimes... it feels like..." hinuli niya ang tingin ko. "She's more important than me."

Kinalma ko ang sarili ko. I reached for Jeymes hand. "I'm sorry."

"I understand. Mas na una naman talaga si Cambria."

"Jeymes,"

"Forget it Crosoft." Jeymes smiled. "It's my fault. I'm sorry."

"Jeymes," I sighed. "Alam kong nagiging-unfair na ako sayo. Iniisip ko na maiintindihan mo naman. I just can't... hindi ko lang kayang pabayaan si Cam. Kapag may nangyaring masama sa kanya... bakahindi ko mapapatawad ang sarili ko."

"She's really important,"

"Yes," I nodded. "Para ko na rin siyang kapatid. I just want the best for her."

"Pero Crosoft, hindi habang buhay nandiyan ka sa tabi niya. You have your life. We have our life." He gently squeezed my hand. Naingat ko ang tingin kay Jeymes. "If this goes on... darating ang panahon na ikukulong mo ang sarili mo sa buhay niya dahil sa patuloy mong pagpaparamdam sa kanya na 'di ka kailanman mawawala sa buhay niya."

"What do you mean?"

"Give her sometime alone."

"I can't do that –"

"At least, let her meet someone na pwede niyang makasama o 'di kaya mahalin. Someone, you can trust her heart to. Somehow, kapag nakilala niya ang taong tunay na magmamahal sa kanya hindi na gaanong mabigat sa loob mo kapag kailangan mo ng umalis."

Parang may kung anong mabigat na bumara sa lalamunan ko nang marinig 'yon. Hindi ko alam kung bakit mabigat para sa aking isipin na makitang nagmamahal na ng iba si Cam. Kahit na alam kong may gusto sa akin si Cambria hindi ko naman 'yon pinagtutuonan ng pansin. Her feelings for me would eventually fade. But the thought it now seems... too painful.

"If you really love her Crosoft. Do what's best for her."Naingat ko ang tingin kay Jeymes. Para bang may alam siya na 'di niya pa sinasabi saken. "Yes, alam ko. Hindi ako manhid para 'di mapansin na gusto ka ni Cambria. And please, huwag muna siyang paasahin pa. It's the least that you can do for her. Trust me."

"Jeymes?"

"Don't worry, I'll help you."

It's the best thing for her...

 

Outside Study Lounge


Naabutan kong nakayopyop sa table bench si Cam. Hindi ko alam kung tulog o nagtutulog-tulugan lang. Natigilan ako. Huwag mong sabihing puyat na naman ang 'sang 'to? Tahimik na naupo ako sa tabi niya. Isinandal ko ang likod sa table. I squinted my eyes as I tilted my head. Anlaboo. 'Di man lang niya na feel ang presence ng kagwapohan ko.

I change my position. This time nakaharap na ako sa table. Sinubukan kong alisin ang mga buhok na tumabing sa mukha niya. Tulog nga ang bruha. Himala 'di nag-aaral. Hindi ko alam kung bakit iba ang epekto saken ng maamo niyang natutulog na mukha. Pink cheeks plus rosy lips. Medyo nakakadiring pakinggan pero... parang sinasabi ng mga labi niyang halikan ko siya.

'De na 'to maganda!

Nakapag-lunch na ba ako? I shook my head. Crosoft, bakla ka. Please lang, don't kiss any girl. Napatitig ulit ako sa mga labi niya. Nak ng beauty queen! Para kasing matamis tikman. My ghad!

"There you see her. Sitting there across the way. She don't got a lot to say... But there's something about her..." huh? Natigilan ako. Saan naman galing ang kumakantang 'yon. Bakit parang ang lapit lang? "And you don't know why... But you're dying to try... You wanna kiss the girl."

Nagpatuloy parin ang kantang 'yon.

♪♪ Sha-la-la-la-la-la 

Don't be scared 

You got the mood prepared 

Go on and kiss the girl ♪♪♪

Ewan 'di ko alam! Busit ka Cam may magic ang lip shiner mo! Hindi na talaga 'to maganda. Wait! Bakit bumaba ng kusa ang mukha ko sa kanya. Oh no! Witch craft! Witch craft! Seriously, Crosoft?! I was about to close my eyes...

♪♪Sha-la-la-la-la-la 

Don't stop now 

Don't try to hide it how 

You wanna kiss the girl ♪♪♪

Wait! Sandali lang! Bagkus!

I glanced on my right.

"Sha-la-la-la-la-la –"

"Sino ka?!" sigaw ko.

Napa-O sign ang bibig ng lalaki na mukhang donut na ewan na parang Kpop. Ansabe ng bangs niyang hanggang itaas ng kilay niya. Parang ang awkward lang ng gumupit sa kanya. Hindi naman sa pan-i-insulto.

May hawak siyang guitara.

Last comment. Kapag na inlove si Humpty Dumpty kay Dora pwede nilang i-adopt ang 'sang 'to. Inferness maganda ang boses ni koyaa.

"E-Extra lang po ako dito," ngayon naman kaboses ni Damulag. Nai-stress ako. Kapag kumakanta ang ganda ng boses. Kapag nag-salita anime. Wow!

"Huh?"

"Extra na estudyante. Sige, bye." Umalis bigla.

"Antreep ng 'sang 'yon?"

Napakamot ako sa noo. Nabaling naman ang atensyon ko nang marinig kong parang gumalaw na si Cam. Nakaangat na nga ang mukha niya. Pero nakapikit parin. Sinilip ko ang mukha niya. Lutang pa yata.

"Okay ka lang ba?" tanong ko.

"Ang sakit ng mga mata ko." She made a face.

"Hay naku! 'Diba sabi ko magpa-check-up ka na. Baka may stigma na 'yang mata mo. Sige, magpuyat ka pa sa pagsusulat ng mga multo-multo." I straddled on my seat. Hinawakan ko naman ang magkabilang balikat ni Cam. "Magpa-check up ka na kung ayaw mong ako mismo ang bumulag diyan sa mga mata mo."

Her shoulders dropped. "Ay ang hard!"

Kinuha ko sa bag ang salamin ko. Black rimmed ang design nun. Hindi naman masyadong malaki ang grado nun kaya pwede na rin siguro 'yon. Para lang mawala ang pananakit ng mga mata niya.

"Kanina ka pa ba?" tanong niya.

"Bago lang."

Pinasuot ko sa kanya ang salamin.

"Ang weird... parang may narinig akong kumakanta kanina."

"Wala 'yon," inayos ko ang magulo niyang buhok. "Kahit kailan napakaburara mo sa sarili. Mag-ayos ka nga minsan. Open your eyes."

Bumungis-ngis lang si Cam. Talaga naman ang babaeng 'to! Pa cute!

"Thanks," she touched the side of the glasses. "Saka na ako bibili ng ganto kapag naka ipon na ako. Sa ngayon kasi, 'di naman laging sumasakit ang mga mata ko. Masakit kasi ulo ko kanina. Kapag ganun, sumasabay ang mga mata ko."

"Suklay," Mabilis na kinuha ni Cam ang suklay sa bag niya. "Turn around." Mabilis na tumalikod si Cam. She curled her legs up to her chest and wrapped her arms around it. I started combing her messy hair. "Ba't ang dami mong dandruff?!" reklamo ko.

"Nagpalit na ako ng shampoo. Soon mawawala na 'yan." She chuckled. "Huwag kang OA."

"Cam,"

"Hmm?"

Ah ewan! Saka ko na nga 'yon iisipin.

"Wala, sabi ko ang pangit mo."

"Pangalawa sayo."



Tuloy parin natin? Parang 'di nato special Chap eh. Parang story na 'to before OSC eh. Kaiba lang, si Crosoft ang nagku-kwento. Thanks sa mga nagko-comment ng matataaas at nag-vo-vote. Hindi ko man ma replyan lahat, dito na lang! Sana 'di kayo mag-sawa na mag-comment!

Here's your chance. Kung classmate kayo ni Crosoft anong advice nyo sa kanya. At kung classmate kayo ni Jeymes at Cambria ano ang sasabihin nyo sa kanila. Hope to read all your cheerful comments later. Mwaah!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro