SP: Crosoft's Confession (Part 4)
Uwi kba ngyon? – Jeymes <3
Yup, pero gagabihin kmi. Why? – Crosoft
Nothing, ok. Ingat nlng. Love u. – Jeymes <3
That's weird. I shook my head. Wala lang siguro 'yon. Magri-reply sana ako nang makita ko si Cam na may kausap na lalaki. Tsk, bakit ba lapitin ng lalaki ang 'sang 'to? Ibinulsa ko na lang ang cell phone bago nag-martsa palapit sa dalawa.
"Kailan naman balik mo ng Cebu Excel?"
"Sa makalawa pa, I was planning to transfer in a university here in Manila. Actually, nag-inquire na ako bago ako sumama sa outing nila ate."
"Saang university?"
"Sa UP,"
"Right! Matalino ka nga pala. I'm sure nakapasa ka. Naks."
"Hindi naman,"
Hindi naman. Sino na naman 'tong Excel na 'to? Pinasadahan ko siya ng tingin. Fine, he's cute. Kahit na hindi nakangiti ay parang nakangiti ang mga mata niya. He was tall and tone. Hindi kaputian pero okay na rin ang tan.
"Ahem," I cleared my throat.
"Oh, Crosoft," pansin saken ni Cam. Buti naman napansin mo na ako. "Ahm, Excel, si Crosoft, kaibigan ko."
"Hi," he extended his hand to me. "I'm Excel. Kaibigan ako ni Cambria sa Cebu."
"Crosoft," tinanggap ko ang pakikipag-kamay niya. I eyed him. Hindi na nga matanggal. Mukha namang mabait. Pero ayoko sa 'sang 'to. Ibinaba ko na ang kamay. Pero hindi ang tingin.
"Ah, eh," hinawakan naman ni Cam ang isang braso ko. "Mauuna na kami Excel. Baka hinahanap ka na rin nila Ate Skype. Uuwi na rin kami mamaya."
"Yup, I almost forgot. Text na lang kita."
"Okay, text na lang tayo."
Hinila na ako ni Cam pero hindi ko parin inaalis ang tingin sa lalaking 'yon. I have a bad feeling. Very bad. Bigla naman akong binatukan ni Cam.
"Pack juice!" I hissed at her. "Bakit ba?"
"Crosoft kung type mo si Excel huwag ka namang pahalata." Tumigil kami sa paglalakad. "Aba'y tinalo mo pa ang master glue sa lagkit ng tingin mo doon sa tao. Matunay 'yon sa titig mo."
"Bakit 'di ko alam na may iba ka pang lalaki bukod sa akin? Noong una si B ngayon si E naman. May balak ka bang ubosin ang alpabeto?"
"Crosoft," namayway siya. "Unang-una, bakla ka. Pangalawa, ano bang masama kung may mga kaibigan din akong lalaki?"
"Lalaki din ako!" ano daw?
"Oo, babaeng na trap sa katawan ng isang gwapong lalaki."
"Pero lalaki rin ako."
"Bakla ka."
"Pogay ako. Okay, pogay."
"Bakla ka parin. Period. Kumain na nga lang tayo. Baka ma traffic pa tayo sa daan." Hinila na niya ulit ako. This time, sira na talaga ang mood ko. "Huwag kang nakabusangot nakaka-stress 'yan ng intestine."
Tahimik lang ako habang kumakain kami sa resto na cottage inspired na 'yon sa resort. Wala akong balak na kausapin siya dahil wala parin ako sa mood. Kahit na masarap ang kinakain kong friend chicken.
"Wala ka ba talagang balak na kausapin ako?" basag niya. Deadma. "Crosoft para ka talagang bata. Para lang sinabi kong 'di ka lalaki. Alam mo ang labo mo rin. Ikaw lang ang bakla na nagagalit kapag sinasabing bakla."
Deadma.
"Ano na namang issue mo ngayon?"
"Wala,"
"Okay," she held a sighed. "I'm sorry. Sorry na. Pogay ka na. Tignan mo nga ako. Asar ka naman eh."Inangat ko ang tingin sa kanya. Cam smiled, then laughed. Napasimangot naman ako. Hindi parin ako natutuwa sayo. "Ang OA mo talaga, eh, kahit kailan. Ang tayog mo dae. Oo na, sasabihin ko na sayo 'to."
"Ang ano?"
"Crosoft D'cruze, kesho lalaki ka o bakla na pogay nag-iisa ka lang sa buhay ko, okay? Ikaw parin ang pipiliin ko." I can't help but smile. Touch ako. "Syempre, ikaw lang naman ang ultimate bestfriend ko in the whole wide world. And I love you."
"Mahal din naman kita."
She was speechless. I love seeing her taken aback. Ang cute lang! At saka, mahal ko naman talaga siya... she's my Cam. My one and only Cam.
"Tsk," react niya. "Mahal mo lang ako dahil ako ang bumubuhay sayo ngayon. Aish, kumain ka na diyan."
Natawa lang ako. "Baliw!"
"Mas baliw ka!"
Paused.
"Cam, may naisip ako bigla."
"Ano na naman?" pinukol niya ako ng naghihinalang tingin. Ngumisi lang ako. "Ano kasi, may nakita akong ice cream house malapit sa resort kanina."
"Wala na akong pera," sagot niya agad.
"Kaya nga," I leaned on the table. "May nakita akong sign. May promo sila. Kasi nga May, diba? So Mother's Month. May pa-early Mother's day sila ngayon."
Tinaasan niya ako ng kilay. "Mukha ba akong nanay mo?"
Natawa ako. "Baliw, may utak ka ba? Where's your brain. Pakinahap minsan." She rolled her eyes. "Cam,"
"Ano?!"
"Feel your stomach."
Kumunot ang noo niya. "Bakit?"
"Basta," tumayo ako at inilipat palapit ang upuan ko sa tabi niya. Kinuha ko ang isang kamay niya para maipatong 'yon sa tiyan niya. "Ano?"
"Anong meron?"
"Nandiyan na ba si Jun-Jun?"
Napapikit ako nang maibuga ni Cam ang kinain sa mukha ko. Sh*t na buhay 'to oh. Inabot ko ang tissue at pinampunas 'yon sa mukha.
"Sorry," hinging paumanhin niya saken. Tinulungan niya akong alisin ang mga mismis sa mukha ko. "Ikaw naman kasi. Puro ka biro."
"Hindi naman ako nagbibiro. Seryoso ako nang sabihin kong gusto kung kumain ng ice cream."
"Eh, ano 'yong Jun-Jun?"
"Cambria, na gets mo ba? Dahil nga malapit na ang Mother's Day may promo sila na free one ice giant halo-halo with ice cream. Malaki 'yon." Inabot ko ang maliit na bowl. "Mas malaki pa dito. Mga sampung gan'to o lima. Basta malaki. Ang original price nun 450, pero kapag Mommy ang bibili 150 na lang. Akin singkwenta, sayo ang isang daan – langya!" Binatukan naman ako ni Cam. "Ano ba naman?! Brutal, mo ah."
"Paano mo naman mapapaniwala na Mommy na ako, aber?"
"Akong bahala sayo." I winked. "Anong gusto mong flavor, babe?"
"Shut up Crosoft!"
"May script na ako sa isip."
"Kailan ka pa naging writer?"
Ngumisi lang ako.
Ice Giants 'Ice Cream House'
Mahigpit ang pagkaka-akbay ko kay Cam. Medyo inis parin siya sa akin. Lalo na nang pagbihisin ko siya ng dress. Pinilit ko pa siyang lagyan ng umbok ang puson niya. Mga apat na damit lang naman na isinilid ko sa isang supot na mahigpit na pinalibutan ng bandage na nabili ko kanina.
Salamat at malusog ngayon si Cam. Mukhang 'di stress. Payat kasi niya noong isang buwan. Ngayon nahiyang yata. Nasubraan sa Nido. Inferness, bagay pala sa babaeng 'to ang magbuntis.
Nakahanap ako ng vacant table. Maingat na inalalayan ko si Cam. Naks, ansabe ng ulirang asawa sa akin. Itatakwil na talaga ako ng mga Ibong Adarna nito. Pero mamaya ko na 'yan iisipin dahil masarap 'yong ice giant halo-halo with ice cream nila.
"Ang sikip," reklamo ni Cam. Inilapit niya ang mukha sa akin. "Paano ako makakain nito? Baka isang kutsara lang pumutok na 'tong tiyan ko."
"Chill ka lang diyan, babawasan natin 'yan mamaya." Namataan kong papalapit na ang isang crew na naka sailor uniform. "Stay put ka lang diyan. Haplosin mo naman 'yang tiyan mo. Baka isipin ni Jun-Jun 'di mo siya love." I chuckled.
She made a face. "Ewan ko sayo."
"Hi, Ma'am and Sir." Inabot niya sa amin ang dalawang menu. "May promo po kami ngayon."
Kunwari 'di ko alam. Gulat mode. "Oh, really?"
Ito na mismo ang nagbuklat ng menu. "Opo, sir, if you order the ice giant halo-halo special you can avail it for only 150 pesos. Ang original price po niyan ay 450. At since, soon to be mommy na po ang asawa n'yo." Nginitian ng crew si Cam.
I suppressed a smile. Medyo awkward kasi ang pagtango at pag-ngiti ni Cam. Parang may halong sabing 'mommy ako! huwag kang ano diyan.' Napansin rin ng crew ang suot na sing-sing naming dalawa. Nabili lang naming din 'to sa souvenir shop. Buy one take one lang.
"Kasali na po siya sa promo namin."
I glanced at her. "What about you, honey? Gusto mo ba?"
Matamis naman na nginitian ako ni Cam. Kahit alam kung gusto na niya akong sipain palabas. Of course, ako lang ang nakakakita sa hidden thoughts niya.
"Sure," she nodded cheerfully. Pero alam kong sa likod ng isip niyang si Cam sinasabi na niyang papatayin kita mamaya. Gago kang bakla ka! "Saka isang box ng donut." Pinanlakihan ko siya ng mata. Sino magbabayad niyan?
Sabi naman ng tingin niya. Ako! Tumahimik ka!
Okay, ibinalik ko na sa crew ang menu. "I guess, that's all."
"Padagdag ng milk tea." Sabat ni Cam. Seriously? "Kulang pa kasi sa ASAWA ko ang isang baldeng halo-halo." Matamis na matamis ang pag-ngiti niya sa akin. Nakakakaba na nga eh. Parang Chukie pre-debut bago maging super sayan. "Diba, honey?"
"O-Oo honey, kung 'yan ang gusto mo." Binalingan ko ulit ang crew. "Dagdagan mo na lang rin ng milk tea. Salamat."
"Sige po," umalis na ang crew.
Lumipat ako ng upo sa tabi niya. "What was that for?"
"Mahal ko," in full sarcastic mode. "Kung ipapa-share mo pa sa akin ang giant halo-halo makakaanak ako ng 'di oras. Kaya, i-enjoy mo ang biyayang ibibigay ni Jun-Jun sayo. Magsawa ka." She cupped my face. "Pakabusog ka mahal ko."
Natawa naman ako. 'La lang, 'di ko alam.
"Oh, bakit?" taas kilay na tanong ni Cam.
"Feel na feel ko ang tawag mo saken. Parang may hugot eh."
Ibinato naman ni Cam saken ang tissue. "Tumahimik ka Crosoft."
Habang inuubos mag-isa ang giant halo-halo ay 'di ko naman maiwasang mapansin si Cam. Kanina pa siya tahimik. Panay ang tingin sa buong paligid. I sighed. Siguro naalala na naman niya ang mama niya. Halos kasi sa customer ay mukhang nag-early Mother's Day.
"Crosoft," baling niya saken.
"Ano?"
"Kapag ba Mother's Day lumalabas kayo ni Tita Dris?"
"Oo, si Mommy pa nga ang nagyayaya. Siya din gumagastos." Natawa naman ako. Just to lighten the mood. "Alam mo naman ako."
Napasimangot si Cam. "'Yan ka, ma swerte ka nga. Kasi mahal na mahal ka ni Tita Dris. Kaya dapat ilibre mo siya ng bongga. Huwag 'yong nagpapapilit ka pa."
"Oo na, oo na... ako na ang mali. Puputi ba si Dora kapag nagbagong buhay ako?"
Pero mukhang 'di naman 'yon narinig. Nahulog na naman siya sa malalim na pag-iisip. Minsan gusto ko nang kilayan at kalbuhin ang nanay niya. Hindi ko alam kung bakit ang sama-sama ng turing niya kay Cam. Eh, kung ikukumpara mas mabait pa siya kaysa doon sa spoiled na Misty.
"Sa tuwing niyaya ko si Mama ayaw niyang sumama sa akin." Basag niya. "Lagi siyang may rason. Kahit na 'di niya sabihin alam ko naman na ayaw niyang makasama ako. Nasasaktan parin ako kahit na lagi naman niya 'yong ginagawa. Kaya minsan.... Ibinibigay ko na lang ang pera kay Misty. Para naman may... magastos sila kapag umaalis sila."
A tear fell from her eyes. Iyakin talaga 'to eh. Basta nanay na niya ang napag-uusapan. Malakas lang siya tignan. Pero kapag napag-uusapan na ang nanay niya ay umiiyak na lang siya bigla.
Tulad ngayon. Hindi na napigilan ni Cam ang umiyak. Ako naman 'to nagpapa-panic na. Nakatingin na kasi halos lahat sa amin. Minsan talaga Cambria nakaka-stress ka ng kuko. Iniwan ko ang kinakain at lumipat ulit sa tabi niya. Niyakap ko siya.
"Cam, tahan na. Diba, sinabi ko na sayong huwag mong iyakan ang nanay mo."
"H-Hindi ko mapigilan eh," she sobbed.
"Iyakan mo sila kapag namatay na sila. Kung buhay pa huwag muna." I tapped her back. "Huwag ka ng umiyak. Iniisip na nila na inaaway kita. Mabawi pa sa akin ang giant halo-halo ko. Pinaghirapan pa naman natin ang paggawa kay Jun-Jun."
Finally, Cam laughed.
"Sir, okay lang po ba si Ma'am?" tanong nang kakalapit na crew.
"She's okay. Na overwhelm lang siya."
"Ho?"
"First time niya kasing mag milk tea. It's a dream come true – aw!" Langya! Ang sakit mangurot ng bruha. Kurutin ba naman ako. "Honey, ang sakit nun."
Since her face was buried on my neck 'di nakikita ng crew ang paghagikhik ni Cam. Aish! Bakit ba mahal na mahal ko ang bruhang 'to?
"Hon, huwag dito. Sa bahay na natin gawin ang kambal ni Jun-Jun. Si nene, diba?"
On their way home
Hanggang kanto lang ako pinayagan ni Cam na ihatid siya. Lalabas kasi ang tinatagong sungay ng nanay niya kapag nakita ako. Insecure 'yon sa gift of beauty ko.
"Thanks for the weekend," basag ni Cam.
"Ano ka ba, dapat pa nga ako ang magpasalamat. You spent a lot. Tsk, hayan tuloy tinubuan na ako ng hiya." I chuckled. "Bili mo 'ko ng shave."
"Baliw!"
"Oo nga pala, wala ako ng dalawang araw."
"Bakit?"
"May photoshoot stint ako sa Subic bukas at sa Tuesday. Wednesday na ako makakapasok. Mami-miss mo 'ko?"
"Hindi ah! Sawa na ako sa pagmumukha mo."
"Ay ang hard!"
"Magsu-subic ka pala sumama ka pa saken mag-beach."
"Syempre naman, kailan ba ako humindi sa isang Cambria Velasco."
"Wow! Sige na, mauuna ka na."
"Magta-taxi ako. Kaya mauna ka na."
"Okay," akmang tatalikuran na niya ako nang hawakan ko ang isang kamay niya. Mabilis na niyakap ko siya. Uso to sa Korean Drama eh. "O-Oh bakit?"
"Cambria Velasco kailan mo pa nalimutang yakapin ako pagkatapos nating magpaalam."
"Ah, sorry." She hugged me tight. She was about to pull away when I held her tighter. "C-Crosoft?"
"Hoy bruha, dalawang araw akong mawawala. Huwag na huwag kong maririnig na umiiyak ka na naman dahil sa nanay mong pinaglihi kay chuckie. Kung ayaw mong ipa-blotter ko na 'yang nanay mo."
Cam chuckled. "Baliw!" she tapped my back. "Hindi."
Ako na mismo ang kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya. "I-check mo na lang instagram ko kung mami-miss mo 'ko."
She nodded.
"Like mo status ko bukas."
"Hindi ako maiinggit."
"Iinggitin kita hanggang sa mag-comment ka."
"Try me,"
"Ingatan mo si Jun-Jun, ha." She was taken aback when I bowed down para ilapit ang tainga ko sa tiyan niya. "Pinaghirapan natin 'yan. Pinagpawisan din tayo diyan." I chuckled.
Cam pushed me away. Natawa lang ako lalo.
"Ewan ko sayong bakla ka! Umuwi ka na nga."
"Uuwi na ako."
"Sige na bye," tinalikuran na ako ni Cam.
Napangiti ako sa sarili. Wala lang trip. Nang masigurong malayo na si Cam saka lang ako pumara ng taxi.
Suddenly, my phone vibrate. Nag-text si Mommy.
Nak! Kmsta ng surprise ni Jeymes? Knilig kba?
Natigilan ako. Anong surprise? Binasa ko ang kasunod na message.
Enjoy ur day! Happy monthsary 4 the both of u! luv u, mwaah! – Mom
Nak nang! Mabilis na tinignan ko ang date sa cell phone. May 7. Oh sh*t! Paanong nakalimutan ko ang monthsary namin ni Jeymes?
Another message.
Text me as soon as u get home. Ingat ka! – Cam
OMG. 'Di na 'to maganda.
Ano 'tuloy parin natin? Ginawa ko na yata 'tong prequel ng OSC eh. But anyway, thanks for the comments and votes guys. Sobrang na overwhelm ako sa pagmamahal nyong uber-uber kay Crosoft. Ngayon ko lang nalaman na si Crosoft pala ang pinakagusto n'yong baklang bida sa isang story. Naks, ansabee? I've read all your comments. This time, comment the lines you like in this chap. And why. Para naman masaya. Love lots! Hope yah enjoy! Ano, tuloy parin natin 'to? HAHA <3 <3 #CamSoft #CrosoftFeels #ILoveCrosoft
Ps: I made a poster for CamSoft. Wala lang trip... kinikilig ako eeiii! /Le nag-walling with sound effects. Again thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro