SP: Crosoft's Confession (Part 30)
"CAMBRIA!"
Napabalikwas ako ng bangon. Halos habol ang hininga. Naipikit ko ang mga mata para pakalmahin ang sarili. Pero mabilis naman na bumalik sa isipan ko ang masamang panaginip.
Pagtingin ko sa tabi ko wala si Cam. Maliwanag na pero malakas ang buhos ng ulan sa labas. Bumalik ang kaba ko. Na saan si Cam?
Mabilis na bumaba ako ng kama at lumabas ng kwarto.
"Cam?!" sigaw ko. "Cam?!"
Sinilip ko ang mga kwarto ng mga anak namin pero wala naman doon si Cam at tulog pa ang mga bata. Bumaba ako at hinanap siya sa kusina, sa likod bahay at sa sala pero ni anino ni Cam 'di ko makita. Na saan na ba siya?
Lumabas ako ng bahay. Hindi alintana ang malakas na buhos ng ulan. Basang-basa na ako nang makalabas ako sa gate.
"Cam!" sigaw ko. "Cam naman!"
Lakad-takbo ang ginawa ko. Sobra talaga akong kinakabahan. Paano kung magkatotoo 'yong panaginip ko. Dios ko! Huwag naman sana. Kung bakit kasi nawawala ng lang ng bigla ang 'sang 'yon.
"Baliw ka talaga! Kapag nakita kita titirisin ko talaaga ng pinung-pino 'yang balat mo."
Langyang buhay naman 'to oh. Ang drama, ha? Oo na! Sige na! Kakausapin ko na ang tatay ko. Makikipagbati na ako makita ko lang na naligtas si Cam. Dios ko, parang awa n'yo na.
Hindi ko naman mapigilan ang mga luha ko. Na trauma na talaga ako doon sa paniginip ko. Pack juice! Lord naman, huwag naman kayong magbiro ng ganito. Ayoko talaga nito!
"Hoy!"
Bigla akong napalingon.
Natigilan ako nang makita si Cam. Parang biglang nawala lahat ng pag-aalala ko sa kanya at napalitan 'yon ng saya. But still, I couldn't help myself from crying. Pack juice! Kinabahan talaga ako doon!
"Cam!" I run to her and hug her tight. "Cam!" I sobbed.
"C-Crosoft?" akmang itutulak niya ko pero pinigilan ko siya. Iyak parin ako nang iyak. Shet naman oh! Ang hirap magmahal. "Crosoft bakit basang-basa ka?"
"Malamang umuulan," nagawa ko pang magbiro sa kabila ng kaba at takot ko.
"Crosoft, ha?" bahagya niyang inilayo ang katawan saken para matignan ako sa mga mata. Bumakas ang pag-alala sa mukha niya. Mabilis na hinawakan niya ang magkabila kong mukha. "Oh, bakit umiiyak ka?"
"A-Akala ko..." I sobbed. "Akala ko kasi iiwan mo na ako." Napayuko ako.
Bumigay lahat ng kinikimkim kong takot at kaba at tuluyan na nga akong humagulgol. Gumalaw ang mga balikat ko sa sobrang pag-iyak. Pack juice! Ayoko talaga ng ganitong biro eh. Nakakaasar!
Naramdaman ko ang pagyakap niya saken.
"Ano ka ba," hinagod niya ang likod ko. "Hindi kita iiwan."
"H-Huwag mo 'kong iiwan, ha?" iyak ko parin.
"Sorry," aniya. "Sana pala nag-iwan ako ng sulat. Hindi ko naman alam na napa-praning ka na pala lately."
"Cam naman eh!"
"Oo na! Umuwi na tayo."
TITIG na titig ako kay Cam. Para kasing kapag kumurap ako bigla na lang siyang mawala sa paningin ko.
"Hoy Crosoft matunaw ako!" sita niya saken habang tinutuyo ang buhok niya gamit ng tuwalya. "Tigilan mo na 'yan. 'Di ako mawawala." Masuyo niyang tinapik ang pisngi ko.
Hinawakan ko naman sa magkabilang dulo ang tuwalyang ipinatong niya sa ulo para hilahin siya palapit saken. Napanguso siya. Natawa lang ako.
"At nakuha mo pa talagang magpa-cute na bruha ka, ha?"
"Bruha ako, ha?" inis na balik niya saken.
"Oo, bruha ka dahil pinag-alala mo ako. Alam mo ba kung gaano ako nag-alala sayo na babae ka? Kay aga-aga gumagala ka na? Paano kung makasulubong ka ng mga patay gutom na mga aso? Ang lakas ng loob mo eh takot ka sa mga aso! Hay naku! Kung bakit kasi minahal pa kita."
"So nagsisisi ka na, ganun?"
"May sinabi ba ako? Wala, diba? At saka," binitiwan ko na ang tuwalya. Hinuli ko ang mga mata niya. "At saka..."
"At saka ano?"
"At saka, mahal lang talaga kita kaya 'di ko maiwasang mag-alala sayo."
Sumilay naman ang ngiti sa mukha niya. Napangiti naman ako kaya hinila ko siya sa tabi ko at inakbayan. Sumandal naman siya sa balikat ko.
"Ang OA mo, ha?" basag niya. "Ang aga-aga pinapakilig mo ko."
"Inborn eh," bahagya akong natawa. Humugot ako nang malalim na hininga bago ulit nagsalita. "Nanaginip ako."
"Kaya ba ganoon na lang ang takot mo kanina?"
"Natakot ako, akala ko totoo na 'yon."
"Ano bang napaginipan mo at na praning ka nang sobra?"
"Well, nalaman ko na sinadya mong pumunta tayo kina Mommy para bisitahin siya. It turned out that you were just doing my Mom a favor para magkita kami ng Daddy ko. Nagalit ako. Nasaktan. I felt betrayed. Kaya sa sobrang galit ko napagsalitaan kita ng masama. Nasaktan ka kaya umalis ka. Hinabol kita pero huli na ang lahat dahil nabangga na ang sasakyan mo sa gilid ng daan. You were lifeless when I carried you and then you just... "
"Wow!"
Marahas na naibaling ko ang tingin ko kay Cam. "Anong wow doon? Mamatay ka na nga wow parin?" kaasar din 'to eh.
"Ano ka ba Crosoft. Para nga 'yong eksena sa pelikula. 'Yong masama ang loob ng bidang babae pagkatapos nilang magkaroon ng matinding away nung bidang lalaki. Tapos maghahabulan sila sa daan at sasalpok ang kotse ng babae. Tapos matitigilan ang bidang lalaki at parang pelikulang magpi-play sa isipan niya ang mga masasayang moments nila ng bidang babae. Tapos, biglang manghihina ang lalaki at iiyak nang makita nito ang duguan at halos wala ng buhay na itsura ng bidang babae. Tapos may mga pabulong na linya ng I love you at I'm sor –" mabilis na pinasakan ko ng tuwalya ang bibig ni Cam.
"Tama na! Nobela na 'yan eh."
'Tong babaeng 'to panira ng moment. Damang-dama ko na eh. Nagsisi na nga ang tao. Nasampal na nang katotohanan tapos ang reaction niya lang WOW? Sarap sabunutan nito kung 'di ko lang mahal.
Natawa lang si Cam. "Ano ka ba, chill ka nga lang. Panaginip lang 'yon. Baka epekto lang 'yan ng mga teleseryeng pinagka-cameo-han mo nitong mga nakaraang araw. Ayaw mo kasi magpahinga. Kahit na may regular game show at reality show ka naman."
"Aish, dami mo pang sinasabi. Dapat pa nga ma touched ka dahil takot akong mawala ka."
"Crosoft, matagal ko nang alam na takot kang mawala ako. Inaaway at sinisiraan mo kaya ang mga lalaking lumalapit saken. Si Alt lang kaya ang naging-BFF mo pagkatapos."
"Buti alam mo,"
"Hay naku!" niyakap niya ako. "Huwag ng magalit ang baby ko. Ito oh buhay na buhay ako. Kayakap mo. Huwag mo ng isipin 'yon."
"Dapat kasi nagpaalam ka. Saan ka ba galing at basang-basa ka?"
"Eh kasi nga maaga akong nagising kaya naglakad-lakad ako, jogging ganun sa labas, sabi ko, mga 20 minutes lang kasi mukhang uulan. Kaya lang, nagutom ako kaya dumiretso na ako sa 7Eleven sa labas ng village at kumain. Tapos nang isusubo ko na 'yong sandwich hotdog nakita ko 'yong matandang babae sa labas na mukhang 'di pa kumakain. Naawa ako kaya lumabas na lang ako at binigay 'yong mga binili ko. 'Di din kasi ako nagdala ng extra money tapos hayon biglang umulan."
"Nabasa ka," putol ko.
"Oo, nabasa ako, tapos naalala ko kailangan ko na palang umuwi dahil wala sila Manang ngayon kaya nag-desisyon akong bumalik sa bahay total basa naman na ako. Ta's 'yon, nagtaka ako dahil sigaw ka nang sigaw sa daan akala ko na paano ka? Sabi ko, ana 'yon may shooting, ganun? Naloka ako kaya tinakbo na kita. Ta's bigla, bigla, ganito 'yon Crosoft oh."
Tinapik-tapik niya pa balikat ko para lang ipakita ang demo niya sa eksena. Remind me myself that I married a writer-slush-director na baliw.
"Natigilan ka. Tapos nagkatitigan tayo. Kitang-kita sa mga mata mo ang lungkot, saya, at kaba. Gusto mo kong yakapin pero 'di mo pa ginagawa at baka bigla na lang akong mawala sa paningin mo. Napaiyak ka na lang bigla dahil totoo nga ako at patakbo mo akong niyakap. At take note, sosyal ang eksena dahil may ulan." Nakangiting pinagdaop niya ang mga kamay na para bang blockbuster ang kwento niya. "The end!"
Sayang-saya ka pa ah?
"Wow, detailed na detailed. Ano, may season 2 pa 'yan?"
Humagikhik siya. "Baliw, 'yon lang. 'To naman."
"Hindi eh, parang may balak ka."
"Wala na nga, pinapatawa lang kita." Tinitigan ko lang ulit si Cam. Kumunot naman ang noo niya saken. "Oh, ano na naman 'yan Crosoft?"
"You missed your job."
"Huh?"
"Alam kong nami-miss mo ang trabaho mo. I can see it on your face." Hinawakan ko ang kamay niya. "Alam ko kapag galit ka, o kung masaya ka, kapag may bumabagabag sayo o may problema ka."
"Nag-a-adjust pa lang naman ako." Amin niya at mapait siyang ngumiti. "Saka wala naman akong pinagsisihan sa desisyon ko. I love my job but I love my family more." Masuyo niyang pinisil ang kamay ko. "There's nothing I can't do for my kids and for you."
Napangiti ako. Damang-dama eh. Dinala ko sa mga labi ang kamay niya at hinalikan ang likod ng kamay niya. "Thank you."
MALUNGKOT at bagsak ang mga balikat na lumabas si Cam sa silid ng nanay niya. Mabilis ko naman siyang nilapitan. Naawa ako nang umiyak na lang siya bigla. Niyakap ko siya at hinagod ang likod niya.
Sinamahan ko siyang puntahan ang nanay niya sa ospital. Gaya ng pangako ko sa kanya 'di na ako pumasok sa kwarto ng nanay niya dahil alam kong ayaw 'din akong makita ni Tita Lucida.
"Sorry," kumalas siya ng yakap at mabilis na pinahid ang mga luha sa mga mata niya. Kumunot naman ang noo ko nang ngumiti siya. Alam ko kasing 'di naman 'yon umabot sa puso niya. "Umuwi na tayo."
Pero pinilit kong ngumiti para gumaan man lang ang pakiramdam ni Cam. Kung may isang bagay man na ayokong makita ay 'yon ay malungkot at nasasaktan siya. Nasasaktan din ako.
Masayang inakbayan ko siya. "Anong gusto mong i-take out natin?" Masigla kong tanong. "'Yong mga favorite ng mga bata para masaya."
"Kahit ano na lang," tipid na sagot niya saken.
"Hmm, wala namang kahit ano na lang eh. Oh sige, mag-isip ka muna. Mauna ka na sa kotse at magsi-cr lang muna ako."
Tumango si Cam.
Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat saka ko siya pinihit paharap saken. Ibinaba ko ang mukha sa mukha niya. Nagbilang muna ako sa isip para tama naman 'yong masabi ko.
"Ten years, Cam. Nagawa mo akong hintayin ng 10 years kahit na alam nating pareho na malabong mahalin kita dahil pareho tayo ng colors."
Kumunot lang ang noo niya. "Ano na naman 'yan Crosoft?"
"Sinasabi ko lang, kasi, alam ko 'di naman nagbago ang Cambria na nakilala ko 16 years ago. You're still the same kind hearted woman who's willing to sacrifice everything for the person she loves. Trust me, you'll mother will realized how lucky she is to have you – to have her own Cambria Velasco."
"Crosoft naman, pinapaiiyak mo na naman ako."
"Hindi kita pinapaiyak. Sinasabi ko lang. At kahit na hindi ko sabihin ay alam kong gagawin mo parin. Alam kong hindi mo susukuan ang nanay mo."
Nakangiting umiling si Cam.
Napangiti ako. Umayos ako ng tayo. "That's my girl." Ako na mismo ang nagpunas ng mga luha niya. "Mauna ka na at medyo," I grimaced in pain na para bang jebs na jebs na talaga ako. "Masama yata ikot ng digestive system ko." Pero jowk lang. "Cr muna ako."
Natawa siya. "'Di mo na ba talaga 'yan matitiis?"
Jebs na jebs na tumango ako.
"Sure ka, ha? Walang private restroom dito."
"Sure na, mabilis lang naman 'to."
Alanganing tinalikuran ako ni Cam. Parang aalis na hindi. "Sure ka, ha? Kasi, mauuna na talaga ko."
"Oo nga sabi ay ang kulit! Go ka na!"
Pero para 'di mahalata umakto akong umalis na para dumiretso na si Cam. Nang tuluyan na nga siyang mawala ay bumalik ako doon sa dating puwesto ko kanina. Sa labas ng kwarto ng nanay ni Cam.
Humugot ako nang malalim na hininga nang nasa harap na ako ng pintuan. Kung hindi ako itatapon ng nanay ni Cam sa bintana ay baka makausap ko pa ng maayos si Tita Lucida. Pero kung hindi, magpapa-nobena ako bukas na bukas din. But let's just hope she'll listen to me this time.
Pack juice! Kinakabahan ako. Pero kailangan kong gawin 'to. Kailangan kong kausapin si Tita. Kailangan na dahil wala pa kaming moment sa kwentong 'to. Chos! 'Di joke lang. But seriously, kinakabahan talaga ako.
Crosoft, relaks lang. Isipin mo na lang ikaw si Marimar at kakausapin mo lang si Senyora Santibanez para makuha ang isang latang corned beeg. Fighting!
Kumatok na ako.
"Sino 'yan?"
"Si Crosoft po,"
"Pasok ka,"
Tahimik ang buong paligid nang pumasok ako. Seryosong bagay naman ang gusto kong sabihin kaya pinaseryoso ko rin ang mukha. Pero hindi ko maiwasang titigan ang nanay ni Cam. Ang layo na nang itsura niya noon sa ngayon. Bakas na ang pagod at katandaan sa mukha ni Tita Lucida. Pero kung may isang bagay man ang hindi nagbago rito ay 'yong kamukhang-kamukha talaga ni Tita si Cam.
Kahit noon pa. 'To lang si Cambria ang nega kaya iniisip niya lagi na pangit siya. Chubby lang naman siya ng konti pero namana din naman niya ang ganda ng nanay niya. Minurder niya lang talaga.
"May sasabihin ka?" basag ng nanay ni Cam.
I cleared my throat first saka ako nagsalita. "Alam ko po na galit kayo saken." Simula ko. "Na hindi n'yo ako gusto para sa anak n'yo dahil nga ganito ako. Kahit ganun paman po ay malaki parin ang respeto ko sa inyo dahil kayo ang ina ng asawa ko at ng taong mahal ko. Alam ko po na marami rin akong pagkukulang sa inyo. Na hindi ako gumawa ng paraan para magustuhan n'yo ko. Hinayaan ko lang ang maling paniniwala n'yo sa akin. Kaya ho siguro, inisip n'yo na ako ang dahilan kung bakit sinuway kayo ng anak n'yo."
"Kaya nandito po ako para humingi ng paumanhin sa lahat ng mga nagawa kong pagkakamali sa inyo."
"Pinadala ka ba dito ni Cambria?"
"Wala pong alam si Cam na kakausapin ko kayo. Pinauna ko lang siya pero 'di ko sinabing kakausapin ko kayo."
"Tapatin mo nga ako Crosoft, ano ba talaga ang gusto mo?"
"Gusto ko hong itigil n'yo na ho ang pagpapahirap n'yo kay Cam. Alam ko ho na mahal nyo ang anak n'yo. Kung ano man po ang pumipigil sa inyo na tiisin siya ay sana kalimutan n'yo na dahil lahat ng mga 'yon ay kinalimutan na ni Cambria. Gusto ko hong malaman n'yo na ang anak n'yo ay mahal na mahal kayo. Na handa siyang pagsilbihan kayo kahit na itinataboy n'yo siya. Kasi nga ang babaeng 'yon walang kilalang galit at lalong lalo na, na ang gusto niya lang simula noon ay mahalin n'yo din siya."
"Sa totoo lang, napaka-swerte nga natin dahil may Cambria tayo. May Cambria na magmamahal sa atin kahit na ilang beses natin siyang nasasaktan. May Cambria na laging nagpapatawad kahit na ilang beses natin siyang nagawan ng mali. May Cambria na handa tayong hintayin at alagaan. Sana naman ho, ma realized n'yo kung gaano kayo ka swerte sa anak n'yo."
Sinubukan kong huwag lumapit kay Tita Lucida nang magsimula siyang umiyak. Wala naman talaga sa plano ko ang paiyakin siya. Gusto ko lang sabihin ang nararamdaman ko. Ayoko ng makitang malungkot ang asawa ko dahil sa nanay niya. At higit sa lahat gusto ko na magkabati na sila.
"Ako nga ho, hindi ko man lang magawang puntahan at patawarin ang tatay ko kahit na siya na mismo ang lumalapit saken. Kaya ma swerte kayo, kasi handa kayong puntahan ng anak n'yo kahit 'di n'yo pa sabihin. Ganoon kayo kamahal ng anak n'yo."
"I'm sorry, kung may nasabi man akong masama pero sana maintindihan n'yo rin ako. Asawa ako ng anak n'yo at hindi ko ho kayang makitang malungkot siya dahil itinataboy siya ng nanay niya."
"At salamat, dahil pinanganak n'yo ang isang Cambria."
"OKAY! Pinatawag ko kayong lahat dahil may sasabihin ako." Masayang anunsyo ko nang ma kompleto kami sa sala. "Kompleto na ba lahat? Head count mo na tayo."
"Ano na naman 'to Crosoft," reklamo ni Cam. "Para naman tayong magfi-fieldtrip."
"Ano ka ba, kailangan complete tayo dahil the family that is complete is complete."
Natawa lang si Cam. "Baliw ka talaga kahit kailan!"
"Matagal na, simula pa ng panahon ng mga bato." Natawa naman ang mga anak nila. "Okay, headcount, Danah!"
"Pretty!" may kindat pang sagot ng anak.
"Font!"
"Daddy ayoko na ng crayons. Bili mo ko ng water color."
"Hmm, sige, kulayan natin ang tubig bukas, anak."
"Daddy naman eh!"
Kinindatan niya lang ang anak. "Okay, Print and Paper!"
"Present!" masiglang sigaw ng dalawa.
"And lastly, my beautiful wife!"
"Eww Daddy, may favoritism."
"Tsk, tumahimik kayo." Malapad na nginitian ko ang asawa ko. "Oh Mahal, tinawag na kita."
"Mukha mo Crosoft!" natatawang binato niya ko ng throw pillow na nasalo ko naman. "Ano ba kasi sasabihin mo."
"Okay, sasabihin ko lang na, tuloy na tuloy na tayo sa Lola Dristina n'yo ngayong linggo. Kaya lang, baka magulat kayo na hindi lang ang lola n'yo ang makita n'yo doon."
"May multo doon, Daddy?" bigla namang tumakbo at yumakap si Font kay Cam. "Mommy, huwag na lang tayo tumuloy."
"Ano ka ba Font," ni Cam. "Ilang beses na tayong pumupunta doon. Walang multo."
"Tama ang Mommy mo Font. Ang ibig ko lang sabihin ay, nandoon din ang Lolo Bill n'yo."
"Si Lolo Bill?" ni Danah. "'Yong Papa n'yo po Daddy?"
Tumango ako. Pagtingin ko kay Cam bakas ang pagkagulat sa mga mata niya. Nginitian ko lang siya. "I called your grandma earlier. Nandoon ang Lolo n'yo kaya magpakilala kayo ng maayos at huwag masyadong maglilikot dahil may sakit ang lolo n'yo. Okay ba?"
"Okay po!"
3 Months Later
"Hanggang ngayon nagtataka parin ako kung bakit 'di kita nakitang umiyak sa burol na ang tatay mo. Siguro naging maganda ang pag-uusap n'yo ni Papa?"
Napangiti ako. "Siguro dahil alam kung masaya na siya. Okay na kami at alam ko na panatag siyang umalis. Isa lang naman ang hiling niya. Ang patawarin namin siya ni Hanz." Sagot ko.
Sinamahan ako ni Cam na dalawin ang puntod ni Dad. Tatlong buwan na rin ang lumipas simula nang pumanaw siya.
"Hindi naman talaga pala ako galit sa tatay ko. Nasayangan lang ako sa mga oras na dapat in-enjoy namin pareho. Tama ka, pride ko lang talaga ang pumipigil saken. Kung hindi ko binaba 'yon 'di ko malalaman na mahal pala talaga ako ni Dad."
"Wala naman kasing ama o ina na hindi mahal ang mga anak nila. Siguro, may malalim lang talaga silang dahilan kung bakit napapabayaan nila tayo o naitutulak palayo."
Inakbayan ko si Cam. Nakangiting naingat niya ang mukha saken.
"Hinihintay mo parin ba ang nanay mo?"
Tumango siya. "Kahit naman na hindi parin ako tanggapin ni Mama ay okay lang. Makita ko lang siyang magaling na, masaya na ako doon."
Kasalukuyang nagpapagamot ang nanay ni Cam sa America. Kinausap ako ni Tita Lucida bago siya umalis. Hindi ko nga lang sinabi kay Cam dahil 'yon ang pangako ko kay Tita. Hinayaan na rin niya akong tawagin siyang Mama na sobrang kinatuwa ko. Magpapagaling daw siya at sa pagbabalik niya sisiguraduhin niyang babawi siya kay Cam.
"Tama,"
Naingat ko ang tingin sa asul na langit at napangiti. Naalala ko bigla ang huling sinabi ni Dad saken.
"Sana ay 'di mo nakalimutan ang mga panahon kung saan masaya tayong nagkasama, kayo ng Mama mo. Araw-araw naalala kita pero dahil sa malaking kasalanan ko sa inyo ng Mama mo ay naisip ko na magpakalayo-layo na lang. Tiniis kong maging masama sa paningin mo dahil naging duwag ako... and I regretted it so much, anak."
"Pero huwag mong isipin na hindi kita tanggap. Alam ko simula pa lang kung ano ka na talaga. Iniisip ko noon na baka kasalanan ko lahat dahil masyado akong supportive sayo sa pagsasayaw mo ng Rosalinda at Marimar noong bata ka. Masyado akong naaliw sa kakulitan mo't pinapaulit-ulit ko na sayo ang sayaw. Akala ko natuluyan ka na pero inborn mo na pala 'yon, Anak."
Hindi ko mapigilan ang matawa sa kabila ng pag-iyak ko. Inabot ni Dad ang kamay ko at mahigpit na hinawakan 'yon.
"Tanggap kita, kahit ano ka pa." Nakangiting tinapik niya ang mukha ko. "Anak kita eh."
Grabeh siya!
Pinigilan kong huwag maluha. Sa tuwing naalala ko 'yon ay natatawa ako na naiiyak. Ewan! Matagal na pala niyang alam 'di man lang ako in-inform ng maaga. Natawa ako sa isip. I will surely missed him. Pero ayokong panghinayangan ang mga oras na nawala sa amin. I will only focus to the good memories we have.
Mananatiling masaya ang mga alalala ni Dad sa puso ko.
Bigla namang bumitaw si Cam nang tumunog ang cell phone niya. Matamang tinignan ko lang siya sa tabi ko.
"Misty bakit?" bigla namang nanlaki ang mga mata ni Cam pero dali din 'yong napalitan ng saya. Malaki ang ngiti na binalingan niya ako. "Talaga?!" naluluha ang mga mata niya. "T-Talaga ba?" gumaralgal ang boses niya. "G-Gusto akong makita ni Mama?"
Napangiti ako at pinahid ang mga luha sa mga mata ni Cam.
"Sige! Sige! Papunta na kami diyan. Salamat!" Bigla-bigla ay niyakap ako ni Cam. "Crosoft gusto akong makita ni Mama!" She sobbed pero ando'n parin ang saya sa boses niya.
"Sabi ko sayo eh!"
"Ang saya ko!"
FINALLY NA UPDATE KO NA RIN!
Anyway, may Epilogue pa tapos END na. I hope you enjoy Crosoft and Cam's story. Nga pala, pinalitan ko na 'yong title pero sana no violent reactions. And after the EPILOGUE may announcement ako for the SELPUB BOOK ng MY CROSOFT! Doon ko na lang sasabihin ang details para sa malapit ng 1Million Reads ng CAMSOFT! Sana marami ang um-order ng SELFPUB book! Chos! Comment na kayo dali haha! Love lots! If ever, all books will have a signed copy and a message from me. Thank You Po!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro