SP: Crosoft's Confession (Part 3)
In Their Room
"Cam huwag ka munang matulog."
"Matutulog na ako," nakapikit na sagot niya saken. "Bahala ka sa buhay mo."
"Hindi ako makatulog... baka magaya tayo doon sa Long Weekend na palabas. Baka masapian ka na lang diyan bigla at umala-balerina na naka-drugs." Tinalikuran niya ako bigla. "Cam naman harapin mo 'ko."
"Matulog ka na Crosoft. At saka, 'di ako marunong mag-ballet."
"Hindi nga ako makatulog."
Hindi rin nakatiis sa akin si Cam. Bumaling siya muli sa akin. Nagkatinginan kaming dalawa. Kahit na madilim ang buong paligid kitang-kita ko parin ang pag-shift ng annoyance sa mga mata niya. Hindi na gaanong annoyed sa akin. Pero bakas parin ang antok na may halong asar sa mga mata niya.
Itinaas ko ang isang kamay at nag-peace sign. "Peace."
She crossed her arms over her chest. Nakahiga kami patagilid. Magkaharap sa isa't isa. In the end, natawa lang din sa akin si Cam. Galing ko talaga.
"Buong gabi lang ba tayo magtititigan?" she asked.
"Bukas hubad na ako." Tinaasan niya ako ng isang kilay. "Iba kasi titig mo. Parang hinuhubaran mo ako. Ang intense."
"Ha-Ha," she laughed sarcastically. But, bigla namang nagbago ang mood na naman niya. Inilapit ni Cam ang mukha saken. "Pero 'di nga, may sasabihin ako sayo." Kinabahan naman ako bigla. Nakakatakot kasi ang pabulong na pag-sasalita niya.
"What?"
"Alam mo ba kung bakit 'dito ko napiling pumunta?"
"Magtatanong ba ako kung alam ko. Bangs gusto mo?"
"Aish, basta, gusto ko ang feels ng kwarto at lugar na 'to."
"Bakit nga ba?"
"Alam mo kasi Crosoft... sabi nila haunted daw ang room na 'to -"
"Peste! Mag-impake na tayo." Pero bago paman ako makatayo ay nahawakan na agad ni Cam ang paa ko. Namudmod tuloy ang mukha ko sa kama. Sh*t my precious face. "Cambria Velasco!"
"Ano ba Crosoft!" pabulong na sigaw niya. "Huwag ka ngang magpahalata. Baka mapansin ka pa ng babaeng nagpapakita sa kwartong 'to."
"Sh*t Cam! Bakit dito pa tayo nag-check-in?" nanginginig na ang tuhod ko dito. 'Langya! Nagsimula namang kumabog ng malakas ang puso ko sa kaba. Baka nagtatago lang sa kung saan ang babaeng sinasabi nitong si Cam. Damn it! Naalala ko na naman 'yong babaeng nasapian. Di nato maganda.
Kumulog. Kasabay nun ang pagpatay ng kuryente. 'Langya! Ang ganda-ganda ng panahon kanina pero talo pang may bagyo.
"Kasi gusto kong i-check kung totoo nga. Ang gandang experience kaya nun."
"Sayo, oo. Sa akin, hindi -" nagulat naman kaming pareho nang biglang bumukas ang down to ceiling na bintana. Mas nakakatakot 'yon dahil nililipad na nang malakas na hangin ang puting kurtina. Peste! 'Di na talaga 'to maganda.
"Teka lang, isasara ko - " napatili naman si Cam nang bigla ko siyang daganan. Kung mamatay kami ngayong gabi mas mabuti pang magpakalalaki na ako. Este, mali. Sa mga ganitong eksena isa lang sa amin ang mabubuhay ni Cambria. I have a feeling na 'di ako 'yon. "Crosoft!" tili niya.
"Cam..." seryosong tawag ko sa kanya. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya sa itaas ng ulo niya. "Gawin na natin."
"Ang ano?!" hysterical na tanong niya. Pilit na kumakawala sa hawak ko. "Crosoft, ha? 'Di ka na nakakatuwa? Nasasanabin ka ba?" Hindi ako sumagot. Seryoso talaga ako. "Shokoy ba? Lalaki? Gwapo?"
"Cam, alam kong isa lang sa atin ang mabubuhay."
"Huh?"
"Mapapatunayan 'yon sa Feng Shui. Kaya, bago paman ako mamatay. Gumawa muna tayo ng mini me ko. At least naman 'di mapuputol ang maganda naming lahi."
"Baliw ka ba?!"
"Cambria seryoso ako. Alam mo kasi, kapag horror na made in the Philippines laging babae ang natitira. Hindi ko alam kung bakit. Baka bitter ang writer. Kaya, mas mabuti nang gawin na natin ng maaga si Jun-Jun."
"Crosoft, ha?! Ang OA mo. Nabukas lang ang bintana, lalaki ka na agad? Wow! Bitiwan mo na nga ako. Nagbibiro lang naman ako kanina. Walang multo dito."
"Sure?"
"Oo nga! Ay ang kulit."
Ngumisi ako. Relief at the same time. Pero okay na rin sa akin ang idea na 'yon. But since she made fun of me. Hindi ako papayag na walang ganti. Tignan natin kung 'di ka kiligin sa akin.
I ignored her. Sinimulan ko ang pagtanggal ng mga butones sa polo ko. Habang ginagawa ko 'yon hinihintay kong mag-react siya and she did. Okay, Crosoft huwag kang tumawa. Dahil Cam, hindi matatapos ang gabing 'to na 'di ako nakakaganti sayo.
"C-Crosoft... a-ano na naman 'yan?"
I ignored her. Nang makalas na lahat ng butones sa polo ko I didn't take it off yet. Ibinaba ko ang mukha sa mukha niya. Hinuli ko ang tingin niya. I smirked. I tilted my head so I can move myself closer to her ear. Pinadaan ko naman ang isang kamay sa leeg niya hanggang pababa.
"Cam," I whispered. Supressing a smile.
"C-Crosoft 'di na 'to maganda."
"Alam mo ba ang pinaka ayaw ko sa lahat?"
"A-Ano?"
"Six, Three, Two, Two."
"Huh?"
"Making fun of me," ibinalik ko ang tingin sa kanya. Napansin ko agad ang paglunok niya. Ilang beses na napakurap-kurap siya. "Kaya..." slowly, binaba ko ang mukha sa kanya nang hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya.
"C-Crosoft pag-usapan natin 'to..."
"Let's do it on bed, honey." I lifted her chin. Habang ang isang kamay ay nakahawak sa isang kamay niya sa gilid. Trapping her. Wala ka ng kawala sa akin ngayon Cambria. "Make love to me..." I trailed off. Gahibla na lang ang layo ng mga labi namin sa isa't isa. Nang ipikit ni Cam ang mga mata ay nagbilang muna ako ng tatlo bago ko siya -
"Cam..." Three! Kiniliti ko naman siya bigla.
"CROSOFT!" tili niya.
"Now, who's the better lier?!" Hindi ko siya tinigilan. Tawa, reklamo naman ang tanging nagawa niya. Ako naman 'tong feeling winner tawang-tawa. Hindi siya makaganti kasi alam ko kung saan ang kiliti niya. "Sabi ko naman sayo kapag ako pinagkatuwaan mo gagantihan talaga kita."
"T-Tama na... huwag... langya Crosoft! Ang sakit na ng tiyan ko." She said between laughs. "Crosoft naman eh! Haha."
"Matuto ka na!"
"O-Oo na... please... haha... tama na... haha..."
"Uulit ka pa?"
"Hindi na! 'langya! Haha, tama na kasi."
Tinigil ko na. Kawawa na kasi ang position niya. Natawa lang ako.
Napagod na rin ako kaya pabagsak na nahiga ako ulit sa tabi niya. Totally ignoring the bad weather outside. Damn, hiningal ako doon ah.
"Peste ka talaga eh." Hinihingal na sabi sa akin ni Cam. Nagkatinginan kaming dalawa. We burst out laughing. "Ulitin mo pa 'yon at mawawalan ka ng bestfriend."
Natawa lang ako. "Nakakapagod."
"Mukhang nawala naman ang takot mo."
"Wow! Nawala nga. Bongga!"
"Pwede na tayong matulog?" sakto namang nag-on ulit ang aircon at umilaw muli ang isang lamp. Bago paman ako makapag-salita ay bumangon muna si Cam para isara ang bintana. Saka siya bumalik. Hinila niya ako pabangon ng kama. "Hoy babaeng na trap sa katawan ng lalaki. Isara mo na 'yang nakahantad mong katawan kung ayaw mong magkapolmonya."
"Wala ng lakas ang mga kamay ko. Napagod sa kakikiliti ko sayo." Ngumisi ako.
"Hay naku! Kahit kailan ang tamad mo." Paluhod na naupo si Cam sa itaas ng kama. Marahas na hinila ang polo ko. Muntik pa akong sakalin sa paghila niya sa damit ko. I didn't mind. Napapangiti lang ako. Ewan ko, I like seeing her annoyed. "Huwag mo akong ngitian." Sabi niya kahit na hindi nakatingin sa akin. Busy siya sa pagsara ng mga butones sa damit ko.
"Cam,"
"Ano?"
"Cam,"
"Ano?"
"Cam,"
"Ano nga?!" this time inangat na niya ang tingin sa akin. Bakit ba amuse na amuse ako sa babaeng 'to? Kay Cam lang talaga ako hindi nasusuka at nandidiri kapag inaasar ko siya. Abnormal na yata ako. Itatakwil ako ng mga bakla kapag nalaman nila 'tong iniisip ko. Such a disgrace!
"Patulugin mo muna ako." Nauna akong nahiga. Nang hindi parin na gets ang sinabi ko ay hinila ko pahiga sa tabi ko si Cam. "Bago ka matulog kailangan tulog na ako."
Napamaang siya. "Ano ka, baby?"
"Oo, baby mo. Kaya patulugin mo na ang baby mo." Niyakap ko pa siya. Gustong-gusto ko talaga siyang yakapin. Hindi kasi kalansay ang nayayakap ko. Thanks for her baby fats nagka-unan ako. And I like her smell. Matamis. Sana 'di nakaka-diabetes. I-pray natin 'yan.
"Ewan ko sayo Crosoft."
Ilang segundo kaming natahimik.
"Cam..."
"Hmmm..."
"Inaantok na ako."
"'De matulog ka na."
"Kantahan mo 'ko."
"Ang dami mong request."
"Sige na,"
"Ano naman kakantahin ko?"
"Theme song ng huling koreanovelang pinanood mo. Pero 'yong dubbed version na ha. Huwag kang mag-Korean 'di ka maiintindihan ng utak ko."
Natawa naman siya. That made me smile. Bakit ba gusto kong ako lang ang inaalagaan ni Cam? Ayoko ang idea na meron siyang ibang inaalagaan bukod sa akin. Masasapak ko talaga si Jollibee pag nagkataon.
She started humming.
Isang bagay rin na gustong-gusto ko. Ang marinig ang boses ni Cam. Pwede na ring panlaban kay Taylor Swift.
"I remember the first day," she started. "When love just came to me. It was the time when I met you. It was love at first sight.When I got to know you better.I know for sure it's more than that I'm singing..."
♪♪ Oh boy, I love you so
And I will never let you go
'Cause you mean everything to me
I just wanna let you to hold me in your arms
Forever I love you so
And I will never let you go
'Cause you know
You're everything I want
Everything I need
Everything to me ♪♪
You're also everything to me Cam.
To be continued...
Ano tuloy parin natin? Haha, comment if yes, and why? Thanks for the votes and comments. These special chaps are for fun only at dahil nakaka-miss din naman ang CamSoft feels. Nakakatuwang isipin na marami parin ang nag-aabang ng mga parts ng special chaps na 'to. Haha Truly, hindi parin tayo maka-move-on sa CamSoft. Love lots guys! I'll update soon!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro