SP: Crosoft's Confession (Part 29)
"HANZ," sagot ko sa cell phone, switching it to loud speak mode dahil nagda-drive pa ako. "Bakit?"
"You heard about Dad?"
"Oo, nabanggit saken ni Mommy." Casual ko lang na sagot. Hindi agad sumagot si Hanzel kaya inunahan ko na. "Look Hanz, kung gusto mong puntahan si Dad, go. Hindi naman kita pipigilan."
"Hindi mo ba talaga pupuntahan si Dad? He's dying, kuya. He wanted to see us. He wanted to talk to us."
Marahas na napabuga ako ng hangin. "Kung kailan siya mamatay saka siya hihingi ng patawad sa atin? Sa dami ng mga kagagohang ginawa niya sa mga nanay natin? He surely has the balls to beg for our forgiveness? Wala siyang kwentang ama." May diin at puno ng galit ang huling binitawan kong salita. "He doesn't deserved it Hanz, not even a single bit."
"I know," I heard him sighed. "But think about it first, kuya. We also deserved and explanation from him."
"Para saan pa?!" humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. "Huli na ang lahat. Madami na ang nasaktan."
"Just think about it."
Nahilot ko ang noo. "I don't know."
NIYAKAP ko agad si Cam. Para bang bigla na lang akong nanghina at gusto ko na lang na kumuha ng lakas sa mga yakap niya. Buong araw kong inisip ang sinabi sa akin ni Hanzel pero may bahagi parin sa akin na pumipigil na puntahan si Dad. I just wanna forget about that even just for a little while. Sa tuwing sumasagi 'yon sa isip ko nagagalit lang ako dahil naalala ko 'yong mga panahon na sinayang niya at binawala lang niya.
"Oh mukhang pagod na pagod ka, ah?" ikinulong niya ang mukha ko sa mga palad niya. "May problema ka ba?"
Hindi ko nabanggit kay Cam ang tungkol sa kondisyon ni Dad. Masyado na siyang nai-stress dahil hanggang ngayon pinagtatabuyan parin siya ng nanay niya. Ito lang talagang asawa niya ang hindi sumusuko. Hindi ko nga rin alam kung saan niya nahuhugot ang malalim na pagmamahal niya sa nanay niyang itinutalak lang siya palayo.
Heto naman ako, 'yong tatay ko na ang lumalapit at nakikiusap sa akin pero 'di ko naman magawa. Hindi naman ako katulad ni Cam. Mahirap talagang magpatawad lalo na sa taong nasaktan ka nang sobra. Kung sana ganoon lang kadali 'yon para sa akin. Kaso, hindi eh.
Ibinaba ko ang mga kamay niya at niyakap ulit siya.
"Crosoft?"
"Saglit lang," humigpit ang yakap ko sa kanya.
"Nag-aalala na ako sayo. Nitong mga nakaraang araw ay masyado ka nang nagiging tahimik."
"Pagod lang ako, saka gusto ko lang maramdaman ang init ng yakap ng asawa ko."
"Iniiba mo ang usapan."
Bahagya kong inilayo ang ulo para matignan siya. "Hindi ko iniiba. Nagsasabi lang ako ng totoo." Napangiti ko si Cam. Nawala naman lahat ng mga pinoproblema ko nang makita ko ang ngiti niya. Si Cam lang talaga ang kailangan ko.
Kumalas siya sa pagkakayakap ko sa kanya at sinimulang tanggalin ang butones ng suot kong polo.
"Ini-echos mo na naman ako. Hay naku! Kung 'di kita mahal iisipin kong pinagti-tripan mo na naman ako." Sinimulan ko namang halikan ang leeg niya. Natawa ako nang mag-react siya. "Crosoft!" sita niya saken.
"Hmm?" but I didn't mind.
Patuloy parin ako sa paghalik sa leeg niya.
"Akala ko ba pagod ka?"
"Hindi naman ako napapagod pagdating sayo."
Tumaas ang kamay ko sa panga niya saka ko hinuli ang mga labi niya. Napaungol siya nang kagatin ko ang ibabang labi niya. Naramdaman ko naman ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa polo ko. Hinapit ko ang baywang niya palapit saken saka ko pinailaliman ang halik.
Bahagyang itinulak niya ako, habol ang hininga. "Teka lang mag-usap muna tayo."
"Mamaya na," hinalikan ko siyang muli.
Itinulak niya na naman ako. "Crosoft,"
"Mamaya na, taposin muna natin 'to, huwag mo kong bitinin." Pagbibiro ko pa sa kanya bago ko ulit siya hinalikan sa mga labi.
This time hindi na niya ako pinigilan. Napangiti naman ako. Good, ang obedient talaga ng asawa kong 'to. Inihiga ko siya sa kama at doon sinimulan ang ritual pero 'di ko pa nga lang nahuhubaran si Cam natigil naman kaming dalawa dahil sa pagkatok ng kung sino sa pinto.
"Daddy?" tawag sa kanya mula sa labas. Boses 'yon ni Font.
Napabuga ako ng hangin. Natatawang itinulak naman ako ni Cam palayo. Sinimulan kong ibalik ang butones sa polo ko.
"Gawin ko na kayang soundproof 'tong kwarto natin next time."
"Baliw! Mas importante parin ang mga anak kaysa 'yang mga kamanyakan mo." Nilagpasan na niya ako para pagbuksan ng pinto ang anak nila. "Oh, anak, bakit?"
Sinilip ako ng anak ko. "Mommy, pahiram muna kay Daddy."
Nilingon naman ako ni Cam. "Oh, Daddy, kailangan ka ng anak mo."
Napangiti naman ako. Lumapit na ako sa kanila. Tumingkayad ako ng upo para magka-eye level na kami ng anak ko.
"Oh, anong problema?"
"Mommy," inangat ni Font ang tingin kay Cam. Natawa naman si Cam nang ma gets ang gusto ng anak nila.
"Oh siya sige, maiwan ko muna kayo." Binalingan ako ni Cam. "Sa baba lang ako, patulugin mo muna si Font tapos sumunod ka sa baba. Ipaghahanda kita ng pagkain dahil alam kong gutom ka."
Tumango lang ako.
"C'mon, ihahatid na kita sa kwarto mo." Kinarga ko si Font habang papunta sa kwarto niya. "Ang bigat mo ng bata ka."
"Daddy, hindi ako makatulog." Malungkot na sabi niya.
"Hmm? Bakit naman?" Binuksan ko ang pinto ng kwarto niya at idineretso na siya sa kama niya. Naupo ako sa gilid ng kama niya. "Ano na naman ba ang mga pinapanood mo at 'di ka na naman makatulog, ha?" pinisil ko ang ilong niya.
"Eh kasi, si ate, lagi niya akong tini-tease na bakla daw ako kasi hindi ako nanonood ng horror movies."
"Oh, 'di sana sinabi mo sa ate mo na bakla ka. Wala namang masama doon ah."
"Pero 'di naman ako gay, Daddy."
Hindi ko mapigilan ang matawa. 'Tong batang 'to talaga. "Anak, mas mabuti nang isipin ng ate mo 'yon kaysa na mamatay ka sa takot tuwing matutulog ka. And besides, 'di naman 'yon totoo." Itinaas ko ang kumot hanggang sa dibdib niya at inabot ang malaking mickey mouse stuff toy na paboritong-paborito niya. Niyakap naman agad 'yong ng anak ko. "Hayaan mo't pagsasabihan ko ang ate mo na huwag ka na niyang aasarin."
"Ang daya niya lagi Daddy, lagi lang niyang hawak ang remote ng tv." Inaantok pero nakasimangot na sumbong niya saken.
"Hayaan mo at bukas ako na ang nakahawak nun."
"Daddy naman eh!"
Natawa lang ako. "'To naman, 'di na mabiro. Pinapatawa lang kita."
"Salamat Daddy," ngumiti na rin ang anak ko.
"Matanong ko lang anak, bakit saken mo 'to sinasabi? Bakit hindi sa Mommy mo?" nagtaka lang naman ako.
At saka napapansin ko rin talagang sa akin nagsusumbong ang mga anak nila. Sabagay, minsan din kasi 'tong si Cam highblood na lang lagi.
"Eh kasi, si Mommy sasabihin niya lang saken na 'di totoo ang mga ghost at monsters. Palibhasa kasi same sila ni ate na hindi takot sa mga monsters."
"Sabagay anak, bully din 'yang Mommy mo eh."
"Sabi din saken ni ate, Daddy na takot ka rin daw sa monsters and ghost, totoo ba 'yon Daddy?"
Naku! Ang bibig talaga ng batang 'yon. Binalingan ko ang anak. "Medyo lang naman." Medyo mabaliw-baliw din kapag nakakapanood.
"Pero paano po kayo nakakatulog Daddy?"
"Hmm, nandiyan kasi ang Mommy mo. Gangster 'yon kaya kahit ilang multo pa ang magpakita mapapatay niya 'yon." I chuckled. "Pero anak, dapat 'di ka na natatakot sa mga multo at mga monsters dahil 'di naman talaga sila totoo. Pero kung 'di mo keree huwag ka na lang manood para may world peace sa gabi, ha?"
Tumango si Font. "Sige po, Daddy." Kapagkuwan ay ngumiti. "Salamat po Daddy. 'Di na po ako takot." Niyakap niya ako.
"I love you, anak." Bulong ko sa kanya.
"I love you din po Daddy."
Inihaga ko na siya ulit. "Sige na matulog ka na. Dito lang ang Daddy. 'Di kita iiwan."
Tumango si Font pagkatapos ay ipinikit na rin niya ang mga mata. Hinaplos ko ang buhok niya. Napangiti ako. Nakakapagod ang maging ama pero kahit ganoon na realized ko na masaya din ang maging ama lalo na kapag nakikita mong masaya ang mga anak mo. 'Yong nararamdaman mo sa kanila na ikaw lang sapat na para huwag ng matakot.
Ang sarap nun sa feeling.
Ang gaan sa pakiramdam at nakakawala ng pagod kapag alam mong may uuwian kang pamilya na masayang naghihintay sayo.
Hindi ko naman maiwasang alalahanin ang panahon ng kabataan ko. 'Yong panahon na akala ko 'di na magbabago. 'Yong panahon na damang-dama ko pa ang pagmamahal ng tatay ko.
Hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha ko. Napayuko ako at tahimik na umiyak. Kung bakit kasi ang hirap kalimutan ng ginawa niya samen ni Mommy. Kung bakit kasi hindi na lang siya naging mabuting ama.
INAYOS ko muna ang sarili bago bumaba ng kusina. Naabutan kong tulala si Cam sa dining area. Nakahanda na ang pagkain pero ang asawa ko ang lalim ng iniisip. Hindi nga ako napansin.
Tahimik na naupo ako sa harap niya.
"Oh tulala ka na naman," basag ko.
"Crosoft," natigilan siya saglit pagkatapos ay umayos ng upo. "Sorry, may iniisip lang ako."
Nagsimula akong kumain. "Ano 'yon?" tanong ko pagkatapos kong nguyain ang kinakain. "'Yong nanay mo?"
She nodded. "Nag-alala lang naman ako para kay Mama. Hindi niya kasi sinusunod ang payo ng doctor. Ayaw niya ring kumain. At saka, nag-aalala din ako para kay Misty. Buntis pa naman siya. Next month pa makakauwi si Ash from his business trip. Baka kung ma paano pa si Misty."
Hindi ko naman mapigilang matawa. Lagi na lang talaga. Kapag kasi naiisip kong Ash ang pangalan ng asawa ni Misty 'di ko maiwasang isipin na baka pokemon monster ang ipangalan ni Ash sa magiging anak nila. Ash is a graphic artist at sikat na sikat siya sa Japan dahil sa mga pinasikat niyang manga.
Pag-angat ko ng tingin nakakunot ang noo ni Cam. Natigilan naman ako at madaling pinaseryoso ang mukha. Sa ekspresyon ng mukha ni Cam parang makakapatay siya ng baklang gutom. Yikes!
"May nakakatawa ba sa sinabi ko Crosoft?!"
"Naku, wala naman, may naalala lang ako."
"Bakit ba sa tuwing nababanggit ko sila Misty at Ash natatawa ka?"
Pigilan kong matawa o mapangiti man lang. "Wala kasi, medyo... alam mo na, hindi ko lang maisip na ang pangalan ng mapapangaswa ni Misty ay Ash."
"Pero sa pangalan nating dalawa 'di ka natatawa?"
"Iba namang usapan 'yon, Mahal. Ah nga pala, may naisip na ba sila Misty na pangalan sa anak nila? Kung wala pa isa-suggest ko sana sila Pikachu, Balbasaur, Charmander, Caterpie, Jigglypuff – aw!" natatawang nahimas ko naman ang braso nang batohin ako ni Cam ng plastic na baso.
"Tumahimik ka Crosoft!"
Hindi parin maalis ang ngiti ko. "Para nagsa-suggest lang eh."
"Sige, at sa susunod gagawin kitang legendary pokemon."
"Hindi ako pwedeng maging legendary pokemon, Cam. Nai-uninstall lang ako at naa-update. Ikaw talaga, nagsalita ang fontsyle."
"Tumahimik ka MS Word!"
"Haha, tama na nga. Huwag na tayong mag-asaran." Sumubo muna ako bago ulit nagsalita. "Nga pala, pupuntahin mo 'yong nanay mo bukas?" pag-iiba ko.
"Oo, 'di ko susukuan ang nanay ko kahit na ipatapon niya pa ako sa North Korea."
"Maganda 'yan, uunlad ang bayan natin niyan, Mahal."
"Eh ikaw, kailan mo pupuntahan ang tatay mo?" natigilan ako. Hindi agad ako nag-angat ng tingin. "Nabanggit saken ni Hanzel ang tungkol sa Daddy mo." Pang-angat ko ng tingin sa kanya nakapanglumbaba na siya habang seryosong nakakatitig saken. "Huwag mong sabihing wala kang planong makipagbati sa Daddy mo."
"Aish, tatahiin ko talaga ang bibig ng Hanzel na 'yon." Ibinaba ko ang hawak na kutsara at ginaya ang posisyon ni Cam. "Mahal, iba 'yong sayo. Iba 'yong akin."
"Hindi 'yon magkaiba. Pareho din tayong nasaktan."
Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain. "Huwag na nga lang natin pag-usapan ang tatay ko. Baka hindi ako tunawan."
"Crosoft,"
"Cam," itinigil ko ang pagkain at tinignan siya sa mga mata. "Ayokong mag-away tayo dahil lang sa walang kwenta kong ama. Kung kaya mong patawarin ang nanay mo. Ako hindi. Pasensiya na."
Pareho kaming natahimik ng ilang segundo. Nawalan na rin ako ng ganang kumain. Kung bakit kasi hindi ko naisip na pwedeng sabihin 'yon ni Hanzel kay Cam.
"Hanggang kailan mo tatakasan ang bahaging 'yan ng buhay mo Crosoft?" basag niya. Hindi ako umimik. "Don't you think, ito na ang panahon para magkausap kayo ng Daddy mo. Siguro naman, hindi naman lahat ng mga alaala mo sa kanya ay malungkot."
"Hindi 'yon ganoon ka simple, Cam."
"Alam ko, kahit ako. Hindi naman ako perpektong tao Crosoft. Hindi ako santo na madaling magpatawad. Pero sa tuwing naiisip ko ang mga alaala namin ni Mama noon hindi naman lahat ng mga 'yon ay malungkot. May mga alaala ding masasaya, kaya lang natatabunan 'yon ng galit at pride na itinayo ko sa sarili."
Marahas na bumuntong-hininga ako.
"Anyway, dalawin natin sila Mama ngayong linggo."
"Hmm?"
"Tumawag si Mama Dristina kanina. Nami-miss niya daw ang mga bata. Summer naman na, bumisita na lang din tayo."
"Oh sige, ipapa-clear ko ang schedule ko."
Tumayo si Cam at lumipat sa likod ko. Niyakap niya ako sa leeg. Naramdaman ko naman ang pagsandal ng ulo niya sa isang balikat ko.
"Ikaw na maghugas niyan, ha?"
Marahas naman na tinignan ko siya. "Grabeh siya oh."
Nagulat ako nang mabilis na hinalikan niya ako sa mga labi. "Ayokong mag-away tayo. Salamat sa pakikinig."
Nakangiting bumuntong-hininga ako saka ko tinapik ang pisngi niya. "Alam ko, pero huwag mo paring kalimutan ang suggestion kong pangalan para sa magiging pamangkin natin. Bet ko 'yong Pikachu."
"Sige, at ipapa-uninstall ko 'yang utak mo."
Natawa naman ako. "Grabeh ka talaga!"
"Kumain ka na diyan."
"Cam?"
"Hmm?"
"Puntahan ko na lang kaya nanay mo tapos sampalin ko siya ng diamonds para matauhan?"
"Sige subukan mo at doon ka matutulog sa basement."
"Hindi mo ko hihiwalayan?"
"Magagalit lang ako pero 'di ako makikipaghiwalay." Humigpit ang pagkakayakap niya sa leeg ko. "Ang laki ng hirap ko sayo tapos pakakawalan lang kita. Magdusa ka, saken ka lang. Sa basement ka nga lang."
"Aww, naiiyak ako ng diamonds."
"Dapat 10 carat, ha?"
"Choosy mo masyado. Pero sige, try natin." I fake an exaggerating cry. 'Yong may tunog na parang iniihaw. Tumigil lang din agad ako. Mukha akong tanga eh. "Ay wala namang lumubas." I laughed.
"Baliw," tawang-tawa naman siya. "Puro ka talaga kalokohan."
"Pinapatawa lang kita."
Pareho kaming natahimik ulit.
"Crosoft?" basag niya.
"Hmm?"
"Kapag ba nawala ako, magmamahal ka ulit?"
Kumunot naman ang noo ko. Gamit ang isang kamay hinila ko siya pagkatapos kong tumagilid ng upo. Pinaupo ko si Cam sa kandungan ko.
"Ayoko ng tanong mo, Cambria."
Ngumiti siya saken. "Baliw, naitanong ko lang naman. At saka, 'di naman natin alam ang panahon."
"Hindi,"
"Huh?"
"Hindi ko na kayang magmahal ng ibang babae. Ikaw lang ang tanging babae sa buhay ko. Maliban sa mga anak natin at sa nanay ko."
"So manlalaki ka?"
"Hindi, aalagaan ko ang mga anak natin." Niyakap ko siya sa baywang. "Ayoko ng topic na 'yan Cam. Ayokong isipin 'yon."
"Ako rin," bumuntong-hininga siya. "Ayoko nun."
GULAT ang unang naramdaman ko pagkatapak na pagkatapak ko sa bahay. Hindi ko alam kung anong mararamdaman. Naikuyom ko ang mga kamay sa pagpipigil ng galit ko.
"Anak," tawag saken ni Mommy. Nakahawak siya sa wheelchair kung saan nakaupo ang walang kwenta kong ama. "Anak," ulit niya.
"Crosoft anak," halos pabulong na tawag sa kanya ng ama.
Marahas na tinignan ko si Cam. "May alam ka ba dito Cambria?" seryoso kong tanong sa kanya.
"Mga anak," binalingan muna niya ang mga anak nila. "Umakyat muna kayo at ayusin ang mga gamit n'yo." Mabilis naman na tumalima ang mga anak nila.
"Cam?!" ulit ko.
"Crosoft –"
"Langya naman oh!" hindi ko mapigilang sigawan siya sa sobrang galit. Napaatras siya. "Akala ko ba nag-usap na tayo? Ano 'to Cam?"
"Crosoft, tatay mo siya. Ayoko namang tumahimik lang sa isang tabi. You need to talk with your Dad. Alam kong marami kang tanong sa kanya pero pinangungunahan ka ng galit mo... ng pride mo! Ayokong dumating ka sa punto na pagsisihan mong 'di mo binigyan ng panahon ang Daddy mo! Crosoft naman!"
"May magbabago ba, ha?!"
"Anak, huwag mo namang awayin ang asawa mo." Awat ng nanay ko. "Ako naman ang humingi ng tulong sa kan –"
"Huwag kayong makialam dito Mom!"
"Crosoft, ano ba?! Hindi mo ba talaga ibaba 'yang pride mo."
"Bakit Cam? Binaba mo naman ang pisteng pride mo para sa nanay mo pero ano bang napala mo? Wala! Wala, diba? Ganoon din 'yon saken. Tangna naman oh!" Marahas na naisuklay ang kamay sa buhok ko. I pointed a finger at my Dad. "He doesn't deserved any forgiveness! Wala siyang kwentang ama! Pinabayaan niya kami ni Mommy! Pinaasa! Niloko! At ngayon, uuwi-uwi siya sa pamamahay na 'to na parang wala lang? Wow! Hindi porket mamamatay na siya ok na kami. Hindi 'yon ganoon ka dali."
Natutop ko ang noo.
"Dapat kasi... dapat kasi naiintindihan mo ako Cam. Higit sa lahat ikaw lang ang mas nakakaintindi sa akin o sa kung anong nararamdaman ko. Alam mo 'yon! Pero bakit ganito? Bakit Cam?!" Marahas na napabuga ako ng hangin. "'Di ka naman tanga pero bakit nagpapaloko ka sa lalaking 'yan?! Cambria, hindi 'to isa sa mga nobela mo na kaya mong gawan ng solusyon. Pwede ba, magising ka sa katotohanan!"
"Crosoft tama na!" sigaw ng ama ko.
"Oh, ano, gusto mo akong tumigil? Diba ito naman ang gusto mo? Oh, hayan nandito na ako?"
"Tama na Crosoft!" sigaw ni Cam. Naibaling ko ang atensyon sa kanya. Mabilis naman na pinunasan niya ang mga luha sa mukha. "Mali ka, tanga ako! Tanga ako kasi kahit na paulit-ulit na akong pinagtatabuyan ng Mama ko pinupuntahan ko parin siya. Oo, tanga ako," she started crying again. At bigla-bigla parang binuhusan ako ng isang balde ng nagyi-yelong tubig. Damn it! "Tanga ako kasi, inuuna ko lagi 'yong puso ko. Tanga ako kasi iniisip ko na magsasawa rin si Mama sa kakataboy saken at bukas o sa makalawa tatanggapin niya na ako at yayakapin nang mahigpit. Oo, tanga ako kasi iniisip ko na ito ang solusyon para mapatawad mo ang papa mo."
"Cam?"
"Sorry," hinuli niya ang tingin ko. "Pero sana naman Crosoft ma realized mo kung gaano ka kaswerte..." she sobbed. "Kasi andiyan 'yong Daddy mo. Na handang gawin ang lahat mapatawad mo lang. Eh ako nga, kahit na lumuhod ako sa harap ni Mama 'di niya parin ako matanggap. Sana naman ma-realized mo 'yon. Maikli lang ang buhay Crosoft. Sana huwag mong sayangin."
"Anak," iyak ng ina ko. "Tama na."
"Pasensiya na po," bigla na lang tumakbo si Cam palabas ng bahay.
I cursed under my breath. Mariing naipikit ko ang mga mata bago napabuga ng hangin saka ko hinabol si Cam palabas ng bahay.
"Cam!" sigaw ko. "Cambria!"
Mula sa patio ng bahay nakita ko siyang pumasok sa sasakyan. Mabilis na bumaba ako para pigilan siya. Naman! Tang'na ka Crosoft! Did you even realized what the hell did you said to her?!
"Cam!" kinatok ko ang salamin ng sasakyan. "Cam buksan mo 'to! Please, I'm sorry! Hindi ko sinasadya ang sinabi ko." Pero 'di niya ako pinakinggan. Pinaandar parin niya ang sasakyan. Hinabol ko siya. "Cam! Cam!"
Hindi ko pwedeng pabayaang umalis lang si Cam. Baka ano pang mangyari sa kanya. Mabilis na bumalik ako ng bahay para kunin ang susi ng isa pang sasakyan. Hindi ko alam pero bigla na lang akong kinabahan na 'di ko maipaliwanag. Sh*t! Kinakabahan talaga ako.
Mabilis na pinaandar ko ang sasakyan. Kabisado ko ang lugar pero sana hindi pa nakalayo si Cam. "Letse!" Humigpit ang hawak ko sa manibela. Panay ang tingin ko sa magkabila ko. "Ang tanga mo talaga Crosoft! Tanga! Tanga!" Nasuntok ko ang manibela sa sobrang asar sa sarili.
Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili kapag may mangyaring masama kay Cam.
Nagsimula namang umulan ng malakas.
"Tsk! Bakit ngayon pa umulan?!" Binilisan ko na lang ang pagmamaneho. "Cam, asaan ka na ba?" Sinubukan ko siyang tawagan kaso 'di ko ma-contact ang cell phone niya. "God, Cam na saan ka na ba? Please, sagutin mo tawag ko."
Natigilan ako nang mapansin ko ang kotseng gamit ni Cam. At bigla-bigla ay nanghina na lang ako nang makitang sumalpok ang sasakyan niya sa gilid ng daan.
"Cam?" halos pabulong ko ng tawag. "Cambria!"
Mabilis na lumabas ako ng sasakyan at sumugod sa malakas na buhos ng ulan. Dios ko!
"Oh God, Cam!" sigaw ko. Halos hindi ko na maramdaman ang lamig dahil sa sobrang takot. Lalong-lalo na ng makita ko ang duguan na anyo ni Cam sa loob ng kotse. "Cambria!" marahas na sinira ko ang salamin ng bintana ng kotse at in-unlock ang pinto nun. "Cam, please wake up." Iyak ko habang tinatapik-tapik ang mukha niya. Oh God! Please don't take her away from me. "Gumising ka, please huwag mo kong iwan. I'm sorry."
"C-Crosoft," ungol niya.
"Hindi, dadalhin kita sa ospital. 'Di mo ako pwedeng iwan."
"I-I'm... s-sorry..."
"Cambria D'Cruze hindi mo ako pwedeng iwan. Ikamamatay ko 'yon!"
"S-Sorry..."
UPDATED! Chapter 30 na lang, at pinag-iisipan ko parin kung lalagyan ko ng epilogue. But anyway, may announcement ako. I'm planning to SELF PUB OSC this year. I'm working with the book cover na with a friend of mine at sabi niya sinisimulan na niya and after Crosoft's Confession ay sisimulan ko na ang editing ng OSC. Full details about the Book will be after the SP's na lang. But if you are very interested to buy the SELF PUB book ng CamSoft pag-usapan natin 'yan soon. 'Yon nabanggit ko lang para mapag-isipan n'yo. At saka pa anniversary ko sa sarili ko dahil malapit ng mag 1 millions reads. Konting kembot na lang! 'Yon! Thanks for reading! <3
COMMENT NA KAYO DALI!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro