SP: Crosoft's Confession (Part 28)
HINDI ko mapigilan ang galit ko habang kaharap ang anak kong si Font. Dapat ay nasa shooting ako pero kinailangan kong umuwi dahil nga pinatawag si Font sa discipline's office dahil binugbog daw nito ang isang kaklase nito.
Ilang araw na akong walang tulog at ngayon binibigyan pa ako ng sakit sa ulo ng anak ko. Hindi lang iisang beses na naipatawag ito for disciplinary action at hindi ko maintindihan kung bakit hindi parin ito nakikinig sa akin.
Matalim ang tingin nito kahit na hindi ito nakatingin sa akin at nakakuyom pa ang mga kamay.
"Ano bang sinabi ko sayo tungkol sa pakikipag-away Font?!" galit na tanong ko sa anak. Pero nanatili lamang na tikom ang bibig nito. "Kailangan ko pa bang paulit-ulit na sabihin sayo na masama ang makipag-away, ha? Hindi kami nagpapakahirap ng Mommy n'yo na magtrabaho para suklian n'yo kami ng pagbabasag-ulo."
"Crosoft tama na 'yan," awat sa akin ni Cam.
"Hindi Cam, dapat sa batang 'to pagsabihan dahil namimihasa na."
"Daddy hindi naman po sinasadya 'yon ni Font –" singit ni Danah.
"Hindi ikaw ang kinakausap ko Danah."
"Ganyan naman kayo eh!" nagulat ako nang bigla akong sigawan ni Font. "You are always at work! Kayo ni Mommy! Ni hindi na nga namin napapansin na nandito kayo ni Mommy, Daddy. Lagi kayong wala! Lagi kayong busy! Lagi kayong pagod! Wala kayong oras samen."
Natigilan ako.
Para akong binuhusan ng isang nagyi-yelong balde ng malamig na tubig.
"Ngayon, ayaw n'yo naman makinig saken." Nagsimula itong umiyak. "Wala na nga kayong oras samen pati rin ang pakinggan kami ay wala parin." Biglang tumakbo si Font paakyat sa taas.
"Font!" tawag ko.
Hahabulin ko sana siya kaya lang pinigilan ako ni Cam. Malungkot na umiling siya sa akin. "Hayaan mo muna si Font." Binalingan naman ni Cam ang naiiyak na ring anak nila na si Danah. "Sige na Danah, magpahinga ka na rin. Pakitignan na rin sila Print at Paper sa kwarto nila."
Tumango lang ang anak nila saka mabilis na pumanhik sa taas.
Bagsak ang mga balikat na naupo ako sa sofa. Nahilot ko ang noo. Para akong nawalan ng lakas na 'di ko maipaliwanag.
"Crosoft," tinapik ako ni Cam sa balikat nang maupo ito sa tabi ko.
Malungkot na tinignan ko siya sa mga mata. Hindi ko alam pero sobra akong nasaktan. Hindi dahil nagawa akong sigawan ng anak ko kung hindi dahil isinampal niya saken ang mga pagkukulang ko bilang ama. Hinawakan ni Cam ang isang kamay ko at masuyong pinisil 'yon.
"Ang sama kong ama."
"Naging busy tayo pareho na hindi na natin napapansin na lumalayo na pala tayo sa mga anak natin."
"I feel awful. Sa isip ko isinisi ko pa ang pagkasira ng schedule ko kay Font, not even thinking of Font's feelings. God, Cam, oras lang pero 'di ko maibigay. Anong pinagka-iba namin ng tatay ko? Pareho kaming walang kwenta."
"Crosoft huwag ka ngang mag-salita ng ganyan. Mabuti kang ama sa mga anak natin. Nakikita ko 'yon. Siguro... nagkulang lang talaga tayo. Kaya, naisip ko na, dapat isa lang ang magtrabaho sa ating dalawa."
Marahas na napatingin ako kay Cam.
She smiled. "I'm fixing my resignation letter to MS. Matagal ko na ring pinag-iisipan 'yon. Hindi ko pa nga lang nasasabi sayo dahil noong una hindi pa naman ako sigurado pero ngayon, alam ko ito na ang tamang panahon para ilaan ko naman ang oras ko para sa mga anak natin."
"Cam?"
"Kita mo nga oh, napapabayaan na natin sila. Inaasa na natin lahat sa mga yaya nila. Minsan nga, 'di ko na alam kung anong gusto nila o kung anong ayaw nila. At ngayon, hindi ko maiwasang ma guilty dahil alam ko na 'yon ang totoo. Maiintindihan naman nila kung magta-trabaho ka dahil ikaw naman ang padre-de-pamilya. Mas mabuti na rin na kahit isa sa atin nandiyan para sa kanila para naman magabayan natin sila ng mabuti."
"Pero paano ang trabaho mo?"
"Crosoft, aanhin ko ang trabaho ko kung mawawalan naman ako ng mga anak. Importante ang pamilya. Importante kayo." Ikinulong ni Cam ang mukha ko sa mga kamay nito saka masuyong ngumiti. "Let's take it slow, okay? Magpahinga ka na." Tumayo siya at hinila ako patayo saka ako niyakap ng mahigpit. "Everything will be alright. Chill ka lang."
Napabuntong-hininga ako.
"I should talk to Font."
"Bukas," kumalas ito sa pagkakayakap saken. Tinapik nito ang pisngi ko. "Sa ngayon magpahinga ka muna. Tignan mo 'yang eyebags mo ang bigat-bigat na. Ako na ang kakausap kay Font. Mauna ka na sa taas."
Napangiti na rin ako.
"Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala ka."
"Pagod ka lang,"
"Siguro nga."
MAAGA akong nagising kaya naisipan kong mag-jogging para makapag-isip-isip. Pinawisan na ako't napagod pero hindi ko parin makalma ang sariling isip. Kaya tinawagan ko si Alt at nagkita kami sa malapit na Starbucks.
"Ang hirap palang maging ama," basag ko.
Kalmadong ibinaba ni Alt ang mug nito sa mesa. "Mag-anak ka ba naman ng marami."
"Blessings ang mga anak."
"Malandi ka lang."
Sipain ko kaya 'to sa labas? Kung hindi lang ako naghahanap ng makakausap. Hay naku! Mababaliw na nga ako sa kakaisip sa anak ko dumagdag pa 'tong pagiging-supportive nitong si Alt.
"Whatever, but the thing is, I really feel awful inside." I leaned on my seat. "I'm not even sure if I can face my children or even look at them straight in the eye. Naiisip ko pa lang 'yon parang ri-rape-in ako ng sampung penguin."
"Kita mo pati penguin dinadamay mo sa kahalayan ng isip mo, tsk. And besides it's normal, lalo pa't lumalaki na sila Danah. Hindi naman mga bato 'yang mga anak n'yo. Syempre, kailangan din nila ng kalinga ng mga magulang."
"'Yon nga rin ang sinabi saken ni Cam. Kaya nga aalis na siya sa MS."
"Yup, that's what I've heard."
I sighed. "Payohan mo naman ako oh."
Tumaas ang isang kilay niya saken sabay halukipkip
"Alam mo ba kung ilang taon pa ang bunso namin ni Scroll? Two years old pa si Marjyn pero ang batang 'yon mas maldita pa sa nanay niya. Isa pa 'yong si Zoom na hindi yata kilala ang salitang tao kaya nandoon lang sa loob ng mini laboratory niya sa bahay. Huwag mo kong asahan diyan at pareho lang din tayo ng problema."
"May balak ka pang dagdagan?"
"Didisiplinahin ko ang sarili na huwag lumandi sa gabi para 'di magaya sayo."
"Grabeh siya oh."
"Crosoft, communication lang naman ang kulang mo sa mga anak mo. Alam kong busy ka pero jus ko naman huwag mo namang kalimutan na maglaaan ng oras para sa pamilya mo. Tama lang din ang desisyon ni Bria na mag-resign na sa MS para matutukon ang mga anak n'yo. Lagi akong busy sa trabaho pero nandiyan naman si Scroll para alagaan sila Zoom at Marjyn kaya kampante rin ako. And I always make sure na may araw kami para sa isa't isa."
Napaisip ako.
"Actually, wala na nga rin kaming family bonding."
"Then find time, don't be such an asshole. Hindi ka na dalaga na naging binata." Ngumisi ito. Humirit ka pa eh. "Ama ka na Crosoft. May pamilya ka nang dapat alagaan."
Oh well, taman naman talaga si Alt.
"Thanks, I badly need that one."
"Anyway, nakaka-proud 'yong si Font, ha?"
"Proud ka pa eh nanuntok 'yon."
"Nakipag-away lang naman 'yon dahil pinagtanggol niya 'yong kaklase niyang tinutukso." Kumunot ang noo ko. Bigla namang nag-iba ang expression ni Alt na parang ibubuhos pa sa kanya ang umuusok nitong chocolate drink. "Huwag mong sabihing 'di mo pinakinggan si Font?"
"Ah, eh, parang?"
"What a jerk!"
"You know what,"
"Ano?!"
"Let's have more time like this. Actually, magaling kang magpayo. Sige bye."
Linayasan ko na si Alt at baka mapatay pa ako nun nang wala sa oras.
PAGBALIK ko sa bahay naabutan ko si Cam na tulalang nakaupo sa sofa sa sala. Mukhang malalim ang iniisip. Nilapitan ko siya at naupo sa tabi niya. I waved one hand infront of her pero hindi niya napansin kaya hinalikan ko na lang siya sa pisngi.
"Oh," react niya. "Crosoft?" kunot-noong hinarap niya ako.
"Sinukat mo ba ang balon ni Sadaku?"
"Huh?"
"Lalim ng iniisip mo eh." Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat bago pinihit paharap saken. Malungkot na nakakatitig siya saken. Sinimulan ko namang itali ang buhok niya sa likod. "Pumasok na ba ang mga bata?"
"Tumawag si Misty."
"Hmm?"
Napabuga siya ng hangin at mapait na ngumiti. "Nasa ospital daw si Mama at malubha daw ang kalagayan."
"Oh bakit 'di mo puntahan?"
"Puntahan? Paano kung ayaw niya akong makita?"
"Cam, kahit balik-baliktarin pa ng nanay mo ang mundo anak ka parin niya. At sa ayaw at gusto niya mag-aalala ka parin sa kanya. Puntahan mo ang nanay mo. Mag-usap kayo. Ilang taon narin kayong hindi nagkikita."
"Pero hindi ko parin maiwasang mag-alala. Baka lumala lang ang kondisyon niya kapag nagpakita ako."
"Kapag pinalayas ka sabihin mo sa nanay mo." I cleared my throat and tried to mimick Cam's voice. "Ma, magpasalama't ka at pinuntahan kita dito. Hindi natin alam baka huling araw mo na dito sa planet earth. I'm just doing you a favor. C'mon! Say sorry to me! Aw!" Napaigik naman ako nang paluin ako ni Cam sa balikat.
"Baliw! 'Di lalo lang kami mag-aaway."
Natawa ako. "Ano ka ba, pinapatawa lang kita." Inakbayan ko siya at hinalikan sa sentido. "Stop worrying, just do what your heart wants. And I know how much you wanted to see your mother."
"I missed her,"
"Hmm, let's just pretend that she feels the same way too."
"I hope so," bigla-bigla ay marahas na tinignan ako ni Cam. "Teka nga, wala ka bang shooting ngayon?"
"Uunahin ko pa ba 'yon? Babawi muna ako sa mga babies ko. Ayoko ngang mawalan ng mga anak. Pinaghirapan ko pa naman 'yang buuin."
"Baliw!" natatawang pinalo ni Cam ang balikat ko. Natawa lang din ako. "Susunduin mo ba sila sa school mamaya?"
"May lakad ka ba mamaya?"
"Wala, bakit?"
"'Di sunduin natin." Niyakap ko siya. "Sunduin natin pagkatapos nating mag-exercise sa kwarto –" bigla naman akong itinulak ni Cam. "Hoy!"
"Busy ako, magsusulat ako."
"Uunahin mo pa ang pagsusulat mo kaysa saken?"
"Oo dahil ikayayaman ko 'yon."
"Hindi pa ba sapat ang yaman ko para sayo?"
Natawa si Cam. "Tayo ka na diyan." Hinila niya ako patayo. Sumilay naman ang magpaglarong ngiti ko. "Maglinis ka."
"Huh?!"
"Bumawi ka sa mga anak mo. Linisin mo mga kwarto nila. Day off nila Manang ngayon kaya habang naglilinis ka maglalaba ako sa likod bahay."
Bumagsak naman ang mga balikat ko. "Sana nag-shooting na lang ako." Bulong ko sa sarili.
"Sige umalis ka, at pagbalik mo 'di mo na kami maabutan na mga anak mo."
Lumapad naman ang ngiti ko at pinasigla ang mukha. "Linis lang ba? Kaya ko 'yan kahit 'tong buong bahay pa."
She pointed a finger at me. "Sinabi mo 'yan."
"Pack juice naman eh!"
"Maglinis ka na!"
"Pwede bang sayawan na lang kita ng Barney Dance."
"Maglinis ka."
"Grabeh siya oh,"
NAGULAT ako nang pagpasok ko palang sa bahay ay hinila na ni Cam ang buhok ko. Walangya! Ano namang ginawa ko? Kasalanan bang mag-grocery bago maghaponan?
"C-Cam?" daing ko. "Sakit, ha?"
I groaned in pain when she pushed me on the wall. Okay sana kung aatakahin niya ko ng halik kaso sa tingin pa lang niya saken parang nahahati na katawan ko. Ang brutal ng asawa ko. Gusto kong maglayas bigla.
"A-Ano na naman kasalanan ko?"
I feel so hopeless, you know?
"Anong sinabi mo sa mga anak mo?"
"Huh? A-Anong sinabi ko? Bakit na touch ba sila?"
"Crosoft!"
"Teka nga, teka lang. Nalilito ako. Ano bang nangyari sa mga bata?"
"Ayaw nila akong kausapin. Umiiyak sila nang abutan ko sa kawarto ni Danah. Ayaw nilang sabihin saken ang nangyayari. Ano ba kasi 'yong sulat na iniwan mo sa kanila?"
Natawa naman ako. "Ano ka ba, pamaalalam 'yon."
"Crosoft, ha? Ayoko niyang biro mo. Kausapin mo ako ng matino. Anong nakalagay sa sulat?"
"Cam," lumapit ako sa kanya at kinulong sa mga kamay ko ang mukha niya. Dahil mukhang bibigay na yata siya. "Hey baby, look at me." Hinuli ko ang tingin niya.
"Sorry, ayaw kasi nila sabihin."
Ako na mismo ang nagpunas ng mga tumulong luha sa mga mata niya. Niyakap ko siya at hinagod ang likod niya.
"Relax, aakyatin ko na lang muna ang mga bata." Kumalas ako ng yakap pero mabilis namang nahawakan ni Cam ang kamay ko.
"Sasama ako, hindi ko tatapusin 'tong niluluto hanggang 'di ko nalalaman ang laman ng sulat na 'yon."
"Cam naman, gutom na ako."
"Bahala ka sa buhay mo."
Bago pa ulit ako makapagsalita ay nahila na ako ni Cam paakyat sa taas. Pagbukas na pagbukas ko sa pinto ng kwarto ni Danah ay nagulat na lang ako nang dumugin ako ng yakap ng mga anak ko.
"Daddy!" iyak nilang lahat.
Ilang segundo pa ang lumipas bago nag-sink in saken ang lahat.
Hindi ko naman mapigilan ang mga luha ko. Tinalo ko pa ang nanalo sa Oscars. Napaupo ako sa sahig dahil nawalan na ako ng panimbang. Nakayakap din kasi ang dalawang kambal sa baywang ko.
"Crosoft!" may pag-aalalang sigaw ni Cam.
Pero hindi ko ininda 'yon. Para nga lang wala. "Sorry mga anak,"
"Sorry Daddy," sisinok-sinok pang sabi ni Font. "S-Sorry po talaga Daddy."
"Ano ba kayo, hindi n'yo kailangang mag-sorry. Wala kayong kasalanan. Ako nga dapat mag-sorry sa inyo dahil ako itong maraming pagkukulang sa inyo bilang ama. Dinaan ko pa sa init ng ulo ang lahat."
"Naiintindihan naman namin 'yon Daddy," ni Danah. "Alam naman namin na busy kayo ni Mommy." Hinaplos ko ang buhok ni Danah. "Kaya lang, na mi-miss din namin kayo ni Mommy."
Lumapit ang kambal kay Cam. "Anak, pasensiya na talaga. Hayaan n'yo at babawi kami ng Daddy n'yo."
"Tama ang Mommy n'yo. Babawi kami."
"Talaga?!" sigaw ng apat.
"Daddy take us to school," pakiusap ng kambal. "We miss you."
"Oo naman, hatid lang ba? Gusto n'yo lakarin pa natin ang school n'yo simula dito sa bahay hanggang doon?"
"Daddy naman eh!" reklamo ni Danah. "Mali-late na tayo nun."
"Di joke lang, mayaman tayo, gamitin natin ang car." Natawa ang lahat. "Isang yakap pa nga. This time isali n'yo na ang mommy nyo."
"Ay sus!"
"Family hug!"
Tawa lang kami ng tawa habang magkayakap lahat. Ginulo ko isa-isa ang mga buhok nila maliban kay Cam at baka masapak pa ako nun.
"Cam, magluto ka na." Utos ko.
"Mamaya na, gusto kong malaman ang sinabi mo sa sulat."
"Huwag na kasi, for their eyes only lang 'yon nila, diba mga anak?"
Tumango silang lahat. "Opo, mommy! Bawal po."
"Hay naku, nagkakampihan na naman kayo." Tumayo na si Cam. "Oh siya sige na, magluluto na ako."
"Yeheey!"
"Who wants spaghetti and fried chicken?!" masiglang tanong ni Cam.
"Kami!!" sigaw naming lahat sabay taas kamay.
"Okay," sabi niya kapagkuwan ay tinignan ako. "Ikaw Crosoft magpa-deliver ka."
"Cam naman eh! Baby mo parin ako." Nakasimangot kong reklamo. "Hustisya naman oh."
"Ayusin mo 'yang buhay mo."
Napangiti lang ako. "Okay," sabay kindat. "Mahal kita eh. Kahit magutom ako 'di 'yon magbabago."
"Eww!" sabay-sabay na sabi ng mga anak nila.
"Kung maka-eww kayo diyan."
"Hahaha!"
Ito 'yong masarap uwian pagkatapos ng trabaho. Oh well, marami pa yata akong bigas na kakainin. Pero kaya 'yan. Looking at their smiles, deym! I just love my children and wife so much.
"Okay! O-order ako ng pizza." Anunsyo ko bigla. "Hindi ako magbibigay."
"Daddy!" reklamo ng lahat.
"Jowk lang, sige ilang box ba? Mayaman tayo bilhin natin ang buong pizza house."
"ANG gaan na ng pakiramdam ko. Para akong nakalutang." Tumagilid ako ng higa para makita ni Cam ang ngiti ko. "Ang saya ko, diba?"
Tumagilid din siya para magkaharap kami. "Pansin ko nga,"
Itinukod ko ang isang siko sa unan para saluhin ang kalahati ng mukha ko. "Bakit 'di ka naman yata masaya?"
"Masaya ako, kaso naiinis ako kasi 'di mo pinaalam saken ang laman ng sulat mo."
"'Yon lang?"
"'Di mo ba talaga sasabihin sakin 'yong laman ng sulat mo?"
"Pilitin mo muna ako."
"Heto nga pinipilit na kita."
"Ang effort mo masyado ah." Pabalang na sagot ko. "Inferness damang-dama ko."
"Sige na kasi, sabihin muna."
"Hmm, ano, kailan mo bibisitahin ang nanay mo?"
Napasimangot si Cam. "Iniiba mo naman ang topic eh."
"Aish, ikaw ang kulit mo talaga. Hindi mo talaga kilala si privacy, ano?"
"Huwag na nga lang," tinalikuran niya ako bigla. Oh tignan mo 'to nagtatampo agad. "Matulog na lang tayo."
Umisod ako palapit sa kanya at niyakap siya sa likod. I buried my face on her neck. Hinigpitan ko naman ang pagyakap ko sa kanya.
Ilang segundo ang lumipas bago ako nagsalita.
"Dear Danah, Font, Print and Paper," simula ko.
"Crosoft?"
Mga anak, mukha ko lang ang perpekto pero ako mismo nagkukulang din. Pasensiya na at nabibilang na lang sa daliri ang mga araw na nagkakasama tayo. Sorry dahil pinagkait ko sa inyo ang oras ko. Pero huwag n'yong isipin na hindi namin kayo mahal ng Mommy n'yo. Minsan lang talaga mukha akong pera haha, jowk! Pero sa totoo lang mga anak, ginagawa namin 'to para maibigay lahat ng mga pangangailangan n'yo. Pero sa kabila nun, nakalimot kami ng Mommy n'yo, isa na nga doon ang oras naming dalawa. Patawarin n'yo kami mga anak. Hindi mabibili ng kung ano pamang yaman sa mundo ang pamilya kaya babawi kami ng Mommy n'yo sa inyo. Pasensiya na kung busy si Daddy, ha? Trabaho lang walang personalan haha. Hays! Alam n'yo naman kung gaano ko kayo kamahal. Kung sana namumunga ng ginto ang puno natin sa likod bahay why not naman na tumigil na ako sa pagtatrabaho, diba? Pero huwag na muna ngayon. Magluluksa ang mga fans. Baka saging na kainin natin kahit saging lang may puso pero mangangayayat padin tayo. Tiis-tiis muna mga anak. Aamponin rin ako ni Henry Sy.
Ps: Font anak, usap tayo mamaya. Solve mo muna 'to (1+2+5) + (1+4+3) =
Love,
Daddy
"'Yan na naman tayo sa mga mathematical formula eh."
I chuckled. "Matalino si Font, kaya n'ya 'yon."
"Ano nga meaning nun?"
"Secret,"
"ATE, ate,"
"Font?" pinailaw ni Danah ang lampshade. Kinusot niya ang mga mata. "Oh, bakit gising ka pa?"
Ipinakita ni Font ang sulat ng Daddy niya at itinuro 'yong math problem na sinagutan niya kanina. "Ate, tama ba 'tong sagot ko?"
Kumunot ang noo ni Danah sa kapatid. "Font naman, gabing-gabi na 'yan lang pala ang itatanong mo."
Napakamot sa ulo si Font. "Kailangan ko kasi sagutan bago ako kausapin ni Daddy. Tama ba?"
"Ballpen?" inabot ni Font ang ballpen sa ate niya. "Tandaan mo 'to Font. Kapag binigyan ka nito ni Daddy huwag mong sagutan ng numero. Kita mo 'tong mga numero na 'to? May hidden meaning 'yan. Bukas, bibigyan kita ng copy sa mga meaning ng bawat mathematical formula ni Daddy. Sa ngayon, ito na muna ang ituturo ko sayo."
"Sige ate,"
(1+2+5) + (1+4+3) = I am sorry, I love you
INIHATID ko sa ospital si Cam kung saan naka-confine ang mama niya. Inihinto ko na ang sasakyan sa harap ng ospital. Hinawakan ko ang mga kamay niya dahil kanina pa siya hindi mapakali.
"Cam, it'll be okay."
"Pero Crosoft –"
"No buts, kung ayaw ka niyang makita 'di hayaan mo." Hinaplos ko ang mukha niya. "Relaks, 'di ka na nun makakain ng buhay."
"Crosoft naman eh, puro ka biro."
"Pinapatawa lang kita," inalis ko ang seatbelt niya saka mabalis na hinalikan siya sa mga labi. "Hindi na kita masusundo dahil may taping ako. Call me when you get home. Napa-praning ako kapag 'di ka nagti-text."
Ngumiti naman siya. "Oo na, salamat."
"I love you."
"I love you too."
Hi! Hello ako ay nagbabalik. May pangako ako na tatapusin ko 'to hanggang part 30 kaya tutuparin ko 'yon. Natagalan nga lang dahil ewan ko na lang din. Sana 'di parin kayo nagsasawa sa OSC kahit sobrang haba na haha. Ito na ang iso-solve kong problema. May dalawa pa kaya kapit lang. Sana nagustuhan n'yo ang family goals chapter na 'to ng CamSoft. Lovelots! Hope to see your comments again. Thank you!
At sana mabasa nyo ang story ni Danah - Sweet Accident
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro