Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SP: Crosoft's Confession (Part 27)


Cam's P.O.V

"HINDI ko naman talaga alam kung bakit 'di na lang siya sumama kanina sa OB kung may balak din naman pala siyang makipagkita saken."

"Chill lang, Ate Cam." Alo ni Scroll sa akin.

Nakaka-highblood talaga ang lalaking 'yon. Hindi na nga ako sinamahan sa OB kinalimutan pa ng bongga ang wedding anniversary namin. Kesho nga busy siya at may biglaan siyang stint doon sa Modeling Reality Show niya sa MS na siya ang host. Inuuna pa niya 'yang trabaho niya.

"Hindi naman talaga ako magagalit Scroll kaya lang paasa din 'yon eh. Sabi niya kasi sasamahan niya ako. Sabi niya naka-clear ang schedule niya ngayong araw. Tapos bigla sasabihin niya busy siya. Ngayon, uutusan niya akong makipagkita sa kanya sa mall dahil nadala ko daw ang lecheng cell phone niya."

Natotoo naman talaga. Nagkapalit kami ng cell phone dahil kasalanan din naman n'ya. Gawin bang couple's phone so magkamukha talaga 'yon. Malay ko ba 'yong kanya ang nakuha ko, diba?

"Eh Ate, baka naman kasi may importanteng trabaho si kuya Crosoft?"

"Eh ang akin lang naman 'di sana siya nangako saken, diba?" Hindi sana ako madidismaya nang sobra.

"Huwag ka na kasing malungkot Ate, makakasama 'yan sa baby mo. Sige ka, baka pumangit ang mga 'yan dahil pinaglihi mo 'yan sa sama ng loob."

"Hindi sila papangit gwapo ang ama nila,"

"Oy ate, may chance pa rin."

"Scroll tigilan mo ko kung 'di ipapatanan kita kay Alt."

"Hay naku ate! Don't me! Ang puchang lalaking 'yon? Don't me ate! Don't me! Aykanaat!"

Natawa lang ako sa reaction ni Scroll. "Aykanaten mo ako. Pag ikaw na inlove kay Alt ewan ko na lang talaga."

Scroll made a face. "Sa pangit ng ugali nun. Ipasok ba naman ako biodegradable na basurahan? Kabwesit! Buti na lang talaga wala pang laman 'yong garbage can."

"Eh ikaw naman kasi sinugod-sugod mo pa si Chrome." I chuckled.

"Ay sympre naman! Sa pangit ng ugali ng Chrome na 'yon. At saka malay ko bang nanapon ng tao sa basurahan ang direktor? 'Di sana sinako ko na lang ang sarili ko ng maaga, diba?"

"Baliw,"

Natigilan naman kami nang mapansin namin ang nagkukumpulang mga tao sa harap. Ano kayang meron?

"Anong kayang meron doon?" tanong ni Scroll.

I shrugged. "Di ko alam, baka may –" hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil hinila na ako ni Scroll. Naku naman! Kung makahila ang 'sang 'to parang 'di buntis ang kasama.

"Tignan natin, ate!"

Isiniksik talaga ako ni Scroll sa gitna ng maraming tao. Ingat na ingat naman ako sa sarili ko. Pagdating namin sa harap may apat na lalaking nakasuot ng itim na polo ang nakatayo sa gitna. Sakto naman na biglang pumaalingaw-ngaw sa buong paligid ang kantang "Lay Me Down" ni Sam Smith. Mas mabilis lang ng konti ang beat.

Nagsimulang magsayaw ang mga lalaki.

Pero nagulat talaga ako nang sa chorus na biglang may pumasok na lalaki na nakasuot ng puting damit. Hindi ko makita ang mukha niya sa suot niyang cap na halos tumabon sa mukha niya. Pero pamilyar na pamilyar sa akin ang katawan niya. Lalo na ang pagsasayaw niya. Kaparehong-kapareho ng kay ... Crosoft.

Can I lay by your side?
Next to you, you
And make sure you're alright
I'll take care of you
I don't want to be here if I can't be with you tonight

Nagulat pa ako nang lapitan ako nung naka puti. Inabot niya saken ang isang tangkay ng red rose. Nang inaangat niya ng bahagya ang mukha ganoon na lang ang gulat ko nang makitang si Crosoft nga siya. Kinindatan niya ako bago tuluyang bumalik sa gitna para tapusin ang sayaw.

Si Crosoft? Pero ano namang ginagawa ng 'sang 'yon dito? Pauso na naman?

Nang matapos ang kanta nagpalakpakan ang lahat. Pagtingin ko sa kay Scroll wala na siya. Na saan na 'yon? Kanina pa ba wala si Scroll? Inilipat ko ang tingin sa pwesto ni Crosoft wala na din siya. Bigla naman akong nakaramdam ng panic. Leche! Anong nangyayari?

Iginala ko ang tingin sa buong paligid. Hinanap ko siya sa gitna ng maraming tao. Nagsimula na rin akong maglakad. Na saan ba 'yon?

Pagtingin ko sa kaliwa nakita ko si Crosoft na papasok sa sinehan. Mabilis na sinundan ko siya doon. Hindi ko naman siya pwedeng tawagin at baka makatawag pa ako ng pansin. Mukha kasing wala ring nakapansin sa kanya kanina.

Nagtaka naman ako nang mabilis lang na nakapasok si Crosoft sa isa sa mga cinema room. Napahinto ako. Paano naman ako makakapasok doon eh wala naman akong ticket. Hmmp! Talaga naman.

Akmang aalis na ako nang biglang may tumawag saken na babae. Paglingon ko sininyasan niya ako na pumasok sa loob. Nagtaka naman ako. Sure? Sininyasan ko naman siya kung pwede ba talaga akong pumasok. Nakangiting tumango siya saken.

Aba'y kung ganoon naman pala 'di na ako magpa-pabebe. Mabilis na pumasok ako. Pero natigilan talaga ako. Iba kasi talaga ang ngiti niya saken. Parang may something. I shook my head. Napa-praning lang siguro talaga ako.

Pagkapasok na pagkapasok ko naramdaman ko agad ang lamig. Pero sa gulat ko ba naman. Kahit madilim ang paligid wala namang taong nanonood. Sa malaking screen nagpi-play ang isang commercial. Napansin ko naman ang isang sign na may ilaw kaya nabasa ko agad ang nakasulat doon.

CROSOFT'S SECRET CONFESSION

Basa ko.

Bigla namang nag-play ang isang video. Mukha ni Crosoft. Kahit takang-taka na ay pinili kong maupo na lang sa isa mga seats na nandoon.

"Hi, Cam... ano... Happy Anniversary. Ang OA ko, 'no? Okay lang 'yan gwapo naman ako. Ang swerte mo." Simula niya.

"Wala kasi akong maisip na gift sa Anniversary natin. Well, naisip ko lang na marami pa din pala akong hindi nasasabi sayo. Bukod sa kagwapohan ko at kakisigan na kahit lalaki pagnanasaan ako... not to brag, ha. Sabi kasi ng mga righteous people kailangan daw nating mag-salita ng totoo. Kaya, Cam, mahal, ang gwapo ko, no?"

Natatawang tinaasan ko lang ng kilay ang sinabi ni Crosoft. Talaga naman!

"Alam mo kasi, may mga sekreto akong hindi pa nasasabi sayo. Mangungumpisal na ako sayo. Ang sakit sa utak na itago eh. Nandiri pa ako sa sarili ko noong ginawa ko 'to. Swear!" Itinaas niya ang isang kamay. "Mamatay man ang pusa ng kapitbahay natin. Akala ko talaga, abnormal ako nang ginawa ko 'yon."

Sa mga sumunod na video ay mga pictures at old videos na naming 'yon ni Crosoft. Hindi ko mapigilan ang maiyak kasi nga naalala ko lahat ng mga pinagdaanan naming dalawa. Lalo na ang mga panahon na asang-asa ako sa pagmamahal niya. Nakakabwesit din 'yon eh.

"I'm sure 'di mo pa nakita 'to haha. Pack juice ka! Dahil dito nag-away kami ni Jeymes. Pero kebs lang. Buti na lang na save ko pa."

Napasinghap ako sa nakita. Natutop ko ang bibig. Bakit 'di ko alam 'yang video na 'yan. Tandang-tanda ko pa ang araw na 'yon. Nakatulog ako sa condo ni Crosoft sa isang project namin sa theatre. Oh my God! Hindi nga? Hinalikan niya talaga ako? Oh my God! Ang daya niya!

Naiyak ako sa kakatawa. My God! Napakadaya mo talaga kahit kailan Crosoft!

"At hindi lang 'yan, hindi iisang beses kitang hinalikan. Naalala mo 'yong nagpakalasing ka dahil niloko ka nung unggoy na si Draft na 'yon. 'Yon talaga ang first real kiss natin. 'Yon din ang unang nasabi ko sa sarili na... Mahal na yata talaga kita." 'Yong araw na 'yon?

I was left dumbfounded.

Kung ganoon hindi talaga paniginip 'yong hinalikan ako ni Crosoft? Pero sabi niya? Langya! Paasa talaga ang baliw! Nagsinungaling pa talaga!

"Ang daya mo talaga!" naiiyak kong sabi. "Ang daya-daya mo."

Pero ang iyak na 'yon ay dahil sa saya at hindi dahil sa kalungkutan. Lagi mo na lang talaga akong sinu-surprise.

"Grabeh ka," panay na pagpunas ko ng mga luha.

"Lagi akong nagsi-selos kasi nga ayokong mawala ka. Lagi ko silang sinisiraan para 'di mo na sila pansinin. Akala ko noon, protective bestfriend lang ako 'yon pala iba na... protective future boyfriend na pala ako... na pagmamahal na pala 'yon."

"Crosoft," grabeh na 'yong iyak ko - iyak-tawa.

Lahat ng mga old pictures namin nandoon. May pa quotes pa siya. Talaga naman! Ang ganda. Sobra! Lalo pa't pinaghirapan talaga niya. God, pinapaiyak niya na lang talaga niya ako lagi... ngayon naman sa sobrang saya.

"To my Cambria, my only Cam. It only takes One plus Three plus Four for me to say this, Happy Anniversary Mahal Ko. These are my love confessions for you. Sana 'di ka magsawang mahalin ako. Mahal na mahal kita, alam mo 'yan. Gabi-gabi ko 'yang pinaparamdam sayo."

"Baliw ka talaga!"

"Haha, joke!"

He paused. Pati ako. Hindi ko masabi kung naiiyak ba siya sa video pero mukhang malapit na. Nagpipigil lang.

"Naalala mo 'yong sinabi ko kay Graphie"

At 'yon na nga, naiyak na si Crosoft sa video. Natutop ko ang bibig. Iyakin talaga 'yon. And watching him right now, hearing him saying those beautiful words... hindi ko alam kung anong mararamdaman. It's just too much. Too much love. Too much happiness. Naghalo-halo na 'di ko na alam kung gaano ako kasaya.

"Sabi ko, love is funny and weird. Funny how love can turn a person. Weird how love can make beautiful stories. Ours is kind of weird and different yet... it always feels right."

"Love defies," I added.

"It always feels right."

Ang huling ipinakita ay ang family picture namin. Talagang major throwback ang ginawa ni Crosoft bago dumating sa present. Which is so sweet of him.

Namatay ang screen.

Pagtingin ko nakatayo si Crosoft sa ibaba ng screen. Nakatalikod saken. Mabilis na tumayo ako.

"Crosoft!" sigaw ko.

Pero sa halip na lingunin ako ay nilayasan ako ng gago! Talaga naman oh! Hanggang kailan ba ako maghahabol sa kanya?

Wala rin akong nagawa. Sinundan ko siya sa exit. Pagdating ko naman doon hinarang ako nung babae kanina. Nagulat ako nang iabot niya saken ang apat na tangkay na mga red roses. Magsasalita sana ako pero 'di ko na itinuloy. Ngumiti lang ako sa kanya.

Agad ko namang nakita si Crosoft na papunta sa parking lot ng mall. May daan kasi doon na papunta sa 4th floor parking lot kaso nang papalabas na ako ay hinarang naman ako ng guard.

"Ma'am, sa baba ko po kayo."

"Anong sa baba?"

"Doon na lang po kayo bumaba."

Nabanas naman talaga ako. "Kuya, buntis ako 'di pa lang halata kasi isang buwan pa. May heartbeat na. Ready na for 2 months. Pero gusto mong bumaba pa ako?" strong na ako. "Grabeh ka."

"Ma'am, ihahatid ko na lang kayo sa elevator."

Napamaang ako. "Wow, ha? Paano kung diyan ko ini-park ang sasakyan ko?"

"Wala po diyan ang sasakyan n'yo, ma'am."

"At mas alam mo pa –"

"Ate Cam!" paglingon ko nahila na ako ni Scroll. "Huwag mo ng awayin 'yan. Nasa ibaba naman talaga natin ini-park ang sasakyan. Boss, sorry. Buntis eh." Mahigpit na hinawakan ni Scroll ang mga balikat ko habang iginigiya ako sa elevator.

"Ate naman, nakikipag-away ka doon sa guard."

"Teka nga muna," pumasok na kami sa elevator. "Saan ka ba galing?"

"Ah, eh, hinanap kita kaya Ate."

"'Yong totoo? May alam ka sa mga nangyayari, noh?"

"Anong nangyayari?" kumunot ang noo niya. "At saka, ate, saan ka ba galing? 'di kita mahanap kanina."

"Mamatay ka man?"

"Ate naman, huwag mo namang i-predict ang kamatayan ko. I-inform mo muna ako sa mga happenings ngayon." Sakto namang bumukas ang elevator. Nasa ground floor parking lot na kami. "Ay nga pala, ate, kailangan ko munang mag-cr. Kanina pa talaga ako cr na cr eh."

"Ngayon ka pa talaga mag-si-cr?"

"Hinanap nga kita, basta ate, wait mo ako sa sasakyan."

"Oh sige na," iniwan ko na siya at nauna na sasakyan.

Naisip ko, baka naman surprise talaga 'yon ni Crosoft kanina. Baka nauna lang siyang umuwi saken. Pero bakit naman 'di ako pinayagan ng guard doon sa taas na habulin 'yon? Ano ba naman 'yan!

Hindi muna ako pumasok sa sasakyan. I dialed Crosoft's number. Pero naka ilang tawag na ako 'di parin niya sinasagot. Ano ba naman 'yan.

Akmang iaangat ko na ang ulo nang magulat ako sa bulto ng lalaki sa harap ko.

"Ma'am," aniya sa pamilyar na boses.

Inangat ko ang mukha sa lalaki. Nagulat ako nang makita si Alt. Anong ginagawa niya dito? "Alt?"

Ngumiti si Alt. "Pauwi ka na?" tanong niya saken.

"Ah, eh, oo, teka, a-anong ginagawa mo dito?"

"May binili lang ako. Nakita ko kayo kanina nung baliw na make-up artist ni Crosoft." Umasim ang mukha ni Alt nang banggitin si Scroll. Natawa naman ako. Sumeryoso ang mukha niya. "Anyway, ihahatid na kita."

"Huh? Naku, huwag na. Kasama ko naman si Scroll."

"'Di hayaan mo na 'yon. Alam na nun umuwi."

"Hindi na talaga, Alt –" hinawakan ni Alt ang kamay ko at hinila ako. "Hoy Alt! Huwag na kasi. Nasa loob pa si Scroll."

"Nasa kanya naman ang susi, diba?"

"Ah, eh, oo" Kasi siya ang nag-drive kanina. Pero bakit niya alam? "Pero –"

"Ihahatid na kita. Wala akong tiwala sa baliw na 'yon."

"Alt,"

Wala na rin akong nagawa. Pagkapasok na pagkapasok ko sa sasakyan ni Alt ikinabit agad saken ang seatbelt. Aalisin ko sana kasi nga kasama ko si Scroll pero sakto namang naikabit na rin niya ang seatbelt. Nakita ko naman si Scroll na kakalabas lang sa exit pero pinaandar na ni Alt ang sasakyan.

Ibinaba ko ang salamin na bintana.

"Scroll!"

"OMG! Ate! Ate! Huwag mo 'kong iwan!" sigaw ni Scroll sabay habol sa sasakyan.

"Alt, teka lang naman. Si Scroll." I glanced at Alt.

"Hayaan mo 'yon."

"Ate! Hintayin mo ako!"

"Scroll, hintayin kita sa bahay!" sigaw ko. "Sorry!"

Napangiwi pa ako nang madapa si Scroll. Sakto pagtingin ko pasimple din palang sumilip si Alt sa likod. Kumunot ang noo ni Alt. Pero 'di rin napigilan ang mapangiti. Kahit halatang pinipigilan.

"Alt, 'yong totoo?"

"Hmm?"

"Anong issue n'yo ni Scroll?"

Casual na binalingan ako ni Alt bago ibinalik ang tingin sa daan. "Nothing," he shrugged. "She has nothing to do with my life."

"Maniwala ako," pinag-krus ko ang mga kamay. "Baka iba na 'yan, ha?" I teased.

"Shut up Bria, wala kaming relasyon ng baliw na 'yon."

"Sa ngayon," I mischievously smile. "Pero in the future meron."

"I'll be dead by that time."

"Oo, mamatay ka sa kilig."

"Anyway, gusto mo?" may kung anong inabot si Alt sa likod. Pagtingin ko cup cake 'yon na nakasilid sa isang maliit na box. "Binili ko 'yan kanina."

Inferness mukha talaga siyang masarap. Bigla akong nagutom. Ang sarap kasi talaga tignan eh.

"Akin na?"

"Oo naman, kaya nga inalok kita."

Tinanggap ko na rin. "Salamat, medyo gutom na rin ako." Inalabas ko ang cup cake sa box nun. "Si Crosoft kasi ... ay ewan ko doon."

Nasamyo ko agad ang matamis na amoy ng cup cake. Nakapagtataka nga eh, masyado yatang malakas ang amoy ng cup cake na 'to. Pero hindi naman masakit sa ilong. Ang tamis nga eh.

"Ang bango, ha? Saan mo nabili?" tinikman ko na.

"Special 'yan,"

"Hmm," I nodded.

Tumunog naman ang cell phone ni Alt. May pinindot lang siya at iniayos ang wireless earbud niya sa isang isang tainga.

"Huwag mo akong tawagan nagdi-drive ako." Yon lang at inalis agad ni Alt ang earbud sa tainga. "Kahit kailan talaga pasaway."

Pero habang tumatagal parang inaantok naman ako.

"Sino 'yon?" Itinakip ko ang isang kamay sa bibig as I yawned.

Parang kasing ano mang oras pipikit na ang mga mata ko.

"Si Scroll,"

I smiled teasingly, "Bakit may number kayo sa isa't isa, ha?"

"Huwag ka ngang echosera Bria,"

"Saan mo 'yan natutunan 'yang echosera word, ha?" I chuckled.

"Sa gago mong asawa."

Natawa ako. Sabi na eh! Natahimik na ako pagkatapos. Inaantok talaga ako. Namimigat na ang mata ko. Ewan ko ba. Pagka-amoy ko doon sa cupcake inaantok na ako. Lalo na nang kinain ko 'yong cupcake.

Mayamaya hindi ko na talaga namalayan, tuluyan ko na ngang naipikit ang mga mata.


...


NAGISING ako na may kung sinong tumutugtog ng gitara na sinabayan pa ng kanta. Mahina lang ang pagkakanta.

Hindi paman malinaw sa paningin ko alam kung si Crosoft ang kasama ko.

"'Di mo siguro nalalaman na ikaw ang aking mahal... di mo siguro nakikita sa puso ang nararamdaman... kapag tumitingin ka sa akin... di ko malaman ang damdamin... gusto kong humimlay at yakap mo sayong piling."

Inangat ko ang katawan nang biglang umihip ang malakas na ihip ng hangin. Hindi ko napigilan ang lumikha ng tunog. Napansin agad ako ni Crosoft.

Tumigil si Crosoft sa pagkanta. Ibinaba niya ang gitara at mabilis na ibinalabal saken ang kumot.

"Gising ka na pala,"

Naigala ko ang paningin sa buong paligid. Na saan kami? Pagtingin ko nasa itaas pala kami ng isang pick up na punong-puno ng mga kumot at unan. Pag-angat ko ng tingin may nakasabit na maliit na bombilya na parang mga fireflies sa gabi. Sobrang dami ng mga glow in the dark sticks and glass sa ibaba ng pick up. Para akong pumasok sa isang fairytale book. Sobrang ganda.

Pati ang mga puno may mga maliit na ilaw. Nadagdagan lang ang pagkamangha ko nang mapansin ko ang magandang view ng city lights sa pwesto namin. Pinaandar naman ni Crosoft ang lumang radio na hindi niya in-on kanina.

Mas lalong gumanda ang lugar nang pumaalingaw-ngaw sa buong paligid ang isang instrumental song.

"Ang ganda," halos pabulong ko ng nasabi.

"Glad you like it."

Binaling ko ang tingin kay Crosoft kahit na nakatingin siya sa harap. Hindi pa pala tapos ang surprise niya. God, bakit ba ang swerte-swerte ko sa baliw na 'to? Hindi ko na naman mapigilan ang maiyak sa tuwa.

"Nga pala –" pagtingin ni Crosoft saken mabilis na pinunasan ko ang mga mata. Mabilis naman na ikinulong niya ang mukha ko sa mga kamay niya. Inilapit niya ang mukha saken. "Bakit ka umiiyak?" malungkot na tanong niya saken.

Pinalis ko ang mga kamay niya. "Ikaw kasi! Pinapaiiyak mo na lang ako lagi."

"Hoy! Anong pinapaiyak? Nag-camping lang tayo ng biglaan iiyak ka na?"

"Eh, kasi nga, akala ko nakalimutan mo 'yong –"

"Cambria, hindi ko makakalimutang asawa kita."

"Hindi 'yon –"

"Pareho lang 'yon," tumawa siya. "Anyway, 'yon nga. Naalala ko. Wait lang." Bumaba si Crosoft sa pickup at may kung anong kinuha sa driver's seat. Nagtaka pa ako nang bigla siyang mawala. Mayamaya narinig ko na lang siyang kumanta. "Happy Anniversary to us!" sa tuno ng happy birthday. Natawa ako kasi pinipilit niya talagang tumugma ang anniversary sa birthday na word. Lumitaw din ang ulo niya sa gilid ng pick up. 'Yon pala nagtago lang doon. "Happy Anniversary to us! Happy anniversary! Happy anniversary! Happy Anniversary to us!"

Umakyat ulit siya sa pick up at naupo sa tabi ko.

He paused for awhile.

"Alam kung pangit talaga ang boses ko. Pero huwag mo ng laitin dahil alam kung isa din 'yon sa mga bagay na minahal mo saken. Chos!" natawa lang ako. "Naalala mo, noong unang beses mong narinig ang maganda kong boses?" Pinigilan kong matawa. Syempre! Naalala ko 'yon. "Kinantahan kita ng happy birthday kasi ako lang naman ang nakakaalala na birthday mo nang araw na 'yon kahit hindi pa tayo gaanong close."

Tumango-tango ako.

"I gave you 'till 12 midnight para manyakan ako. Ngayon, dahil anniversary natin ako naman ang bigyan mo ng wish. Huwag kang selfish – aw!" Napalo ko siya sa balikat. Tawang-tawa naman siya.

"Baliw! Ano naman?"

"'Di joke," sumeryoso si Crosoft. Hinuli niya ang tingin ko. "Cam, sa anniversary natin. Hindi lang hanggang 12 midnight ang ibibigay ko sayo... this time, i-extend ko na habang buhay."

"Sinabi mo na 'yan sa akin noong kinasal tayo." Bara ko sa kanya.

"Iba 'yon, sabi ko doon habang buhay kitang mamahalin at habang buhay tayong magsasama sa hirap at ginhawa."

"Eh anong, kaibahan nun sa ngayon?"

"'Yong ngayon, habang buhay mo ako pwedeng manyakan." Pinalo ko sa braso si Crosoft. Tawa lang siya nang tawa. "Ray naman! Brutal mo talaga kahit kailan."

Natawa na lang rin ako. "'Yong sayaw mo kanina. 'Yong video mo. 'Yong pandi-deadma mo saken. Plano mo lahat ng 'yon, no? Sinadya mo 'yon lahat."

Ngumisi siya. "Hmm, directed by Alt Flores 'yon." Pero nang magsasalita sana ako madali niya akong napigilan. "Oh, huwag munang magri-react. Gusto ko lang munang sabihin sayo na ako ang utak ng paandar kong ito. Humingi lang ako ng konting tulong... konti lang naman kay Alt."

"Sabi ko na nga ba eh! Kasi may mali talaga sa nangyayari. Pinagdududahan ko na nga 'yon si Scroll."

"Si Scroll?" napakunot-noo si Crosoft.

"Oo, si Scroll. Diba, kasabwat mo rin 'yon?"

"Alam kong may alam si Scroll sa plano pero wala akong alam na kasama mo siya kanina. Hindi ko rin siya nakita sa mall. Ang sabi lang saken ni Alt sasamahan ka ni Mer sa mall at siya na ang maghahatid sayo dito. Anong ginagawa ni Scroll doon?"

"Hmm, 'di ko alam." Sabi na nga ba may nililihim saken si Alt!

"Pero huwag na muna natin silang pag-usapan. Anniversary natin ngayon."

"Tama," pero may bigla akong naalala. "Crosoft! Paano sila Danah at Font?"

"Huwag ka ng mag-alala, nandoon naman ang mga yaya nila saka pinakiusapan ko si Scroll na doon matulog sa bahay."

"Pero hindi naman nag-yaya 'yong si Scroll. Maliit pasensiya nun sa mga bata."

"Alam ko, kaya nga pinamudmuran ko ng pera para tumaas pasensiya nun." Natawa si Crosoft. "Huwag ka ng mag-alala. Tinawagan ko si Scroll sa bahay kanina. Ok lang naman sila. Oh, sige, hipan na natin 'tong cake nangangawit na ako eh."

"Hindi ka man lang nagsabi,"

"Sige, sabay ha, one, two, three," Sabay naming hinapan ang apoy sa kandila. Pagkatapos nun ay itinabi na ni Crosoft ang cake. "Mamaya na natin kainin 'yan. May ibibigay ako sayo." May inabot siyang malaking box. Inilapag niya 'yon sa kandungan niya.

"Ano naman 'yan?"

"Ito? Ito ang mga ibibigay ko sayo." He tapped the cover of the box. "Nandito lahat ang puso ko."

"Ang dami mo palang puso?" I chuckled.

"Nag-joke ka?" tinaasan niya ako ng isang kilay.

"Natawa ka ba?"

"Hindi, na inlove lang."

Hinilamos ko ang isang kamay sa mukha niya. "Mukha mo Crosoft. Sige nga, ano ang mga 'yan."

"Sige, basta ipangako mong 'di ka iiyak." Itinaas niya saken ang kamay for a pinky promise. Tinitigan ko lang siya. "Promise mo muna."

"Ano ba kasi laman niyan? Bakit naman ako iiyak?"

"Malay mo naman, diba? Umiyak ka nga doon sa video na ginawa ko eh."

"Hay naku! Ang dami mong ek-ek, ha? Oh, sige na," umayos ako ng upo at mahigpit na ibinalabal ang kumot sa sarili. Inilabas ko ang isang kamay. "Mag-pinky promise na tayo." Itinaas ko ang pinky finger sa kanya.

"Deal?"

"Deal!"

At nag pinky promise kami.

"Sus! Ang dami mo talagang ka-oahan sa katawan Crosoft."

"Isa rin 'yan sa mga minahal mo saken. Huwag kang puro reklamo. Ginusto mo 'yan" Sabay kindat saken.

"Bakit ba sobra kitang mahal?" nakangiti kong tanong sa kanya.

"Hmm, kaibig-ibig naman talaga ako." Sinimulan niyang buksan ang box.

Napansin kong puro envelope ng sulat ang nasa loob. Naibaling ko ang tingin kay Crosoft.

"Sulat?"

"Uh-huh," kumuha siya ng isa at inabot 'yon saken. "Buksan mo."

Pagbukas ko ng envelope walang laman. "Pero bakit wala namang nakasulat sa papel?"

Natahimik saglit si Crosoft. Malayo ang tingin. Ako naman nakatitig lang sa kanya. Sumabay din sa tugtog ng radio ang emosyon na pinapakita ni Crosoft ngayon.

"Dear Cambria," simula niya. "Natanggap ko ang sulat mo." Nanlaki ang mga mata ko nang tignan niya ako. Anong sulat? Wala naman akong ibinigay na sulat sa kanya. "At dahil diyan hindi ka ini-echos ng website na 'yon. Natanggap ni 10 years after Crosoft ang sulat ni 10 years before Cambria." Natutop ko ang bibig.

"Hindi nga?" I mouthed in disbelief.

Nagpatuloy si Crosoft. "Cam na baliw na baliw sa akin. Huwag kang mag-alala, nagkatuluyan tayo." Hindi ko mapigilan ang matawa. "Iba ka eh, ang lakas mo yata kay Destiny. Narindi yata si Destiny sa iyak mo kaya sinapak niya ako sa katotohanan na mahal pala talaga kita. Okay lang na isipin mong mamahalin kita. Sabi nga nila, sundan mo lagi ang pangarap mo at huwag na huwag mong susukuan. Chos!"

Lalo lang akong natawa. Naalala ko pa 'yong isinulat ko nun, 'di ko lang expect na matatanggap niya talaga.

"Cam masaya ka ba na naging asawa mo ako?" tanong niya bigla.

"Oo naman! Sobra."

"Oh, 'yan Cam na baliw na baliw saken noon. Tama ka, masayang-masaya ang Cam ngayon kaya huwag ka ng umiyak diyan sa panahon mo. Masaya tayong dalawa after 10 years. Hintay ka lang."

"Baliw ka Crosoft!"

"At saka Cam na baliw na baliw saken noon, ayokong isipin na hindi tayo nagkatuluyan. Para kasing ang sakit. Same tayo ng feelings. Kaya I feel you. Ang sakit isipin na paano kung na realized kong mahal pala kita at nakapag-decide ako na hanapin ka. Pero huli na ang lahat. Masaya ka na pala kasama ang pamilya mo. Hindi ko yata kayang makipag-beso-beso sayo nun."

"Oy Crosoft! Naluluha ka!" I teased him para lang 'di maluha.

Ang hirap kasing 'di umiyak.

"Huwag ka ngang ano diyan Cambria!" sita saken ni Crosoft. "Pwede akong umiyak. Ikaw lang ang hindi pwede. Kalbohin kita diyan eh. Umayos ka. Ito pa, may kasunod pa ang sulat ko." He cleared his throat. "Cam na baliw na baliw saken noon, tinanong mo saken kung bakit kailangan mo paring kalimutang ang nararamdaman mo saken. Itatanong ko rin 'to sayo ngayon. Bakit nga ba? Siguro naman alam mo na ang sagot?"

"Ang hirap hindi maiyak, baliw ka! Pero hindi nga, hmm... sa totoo lang, sa nakalipas na sampung taon tinatanong ko rin 'yon lagi sa sarili ko. Ang lagi kong sagot sa sarili noon. Na dapat lang, para 'di na ako masaktan. Dahil 'yon ang katotohanan na dapat tanggapin ko. Pero sa tuwing ginagawa kong kalimutan ka hindi ko laging nagagawa. Siguro dahil 'di naman talaga nawawala 'yong pagmamahal kahit na sa tingin mo naka move ka na. Nandoon lang 'yon, nagtatago, naghihintay ng dahilan para lumabas ulit. At nang magkita ulit tayo, sakabila ng mga kabiguan at maraming masasakit na alaala nagawa mo paring palabasin ang itinago kong pagmamahal sayo."

"Gusto ko ng mag-blindfold," natatawang sabi ni Crosoft.

"Bakit na naman?" natatawang pinalo ko ang balikat niya.

"Ay huwag na nga," kumuha ulit siya ng isa pang envelope at ibinigay 'yon saken. "Pangalawang letter."

"Ilang letter ba na received mo?"

"Pito,"

"Bakit ang dami?"

"Malay ko sayo?! Oh ito na, Dear Cambria, oy sumali ka pala doon sa Valentines Love Letter Contest? Wow! Congrats! Naalala ko pa 'yon dahil pagkatapos ng araw na 'yon tatlong araw kang nawalang bruha ka! Doon nabuo sila Panda at Baboy. At hoy ka rin! Napansin kita. Nakita kitang tumakbo. Hindi ko alam kung bakit. Pero alam ko na ngayon kung bakit ka nag-retreat. Sorry," titig na titig si Crosoft sa mga mata ko. "Sorry dahil lagi kitang nasasaktan noon. Sorry kung naiinggit ka sa lovelife ko noon." Tumawa si Crosoft.

"Hindi ako naiinggit! Nag-seselos ako!"

"Ang dami mo yatang hugot sa akin noon. Ngayon ko lang na realized ng sobra na napaka-swerte ko pala talaga sayo. Ang dami mo pa lang dahilan para kalimutan ako pero 'di mo ginawa. Paulit-ulit mo akong binibigyan ng pagkakataon para mahalin ka. Huwag kang mag-alala, hindi katangahan ang mainlove sa isang bakla. Kung katangahan 'yon sa iba, para sa akin, isa 'yong regalo sa akin sa itaas. Kaya hayaan mo sila. Mahalin mo lang ako. At ako rin, mamahalin rin kita. Kung noon gusto mong tigilan ko na ang paggawa ng mga bagay na mamahalin mo ng sobra pero sorry, hindi ko 'yon pwedeng itigil dahil 'yon ang gusto, 'yon ang nasa puso ko, at araw-araw kitang mamahalin. Araw-araw hanggang sa magsawa ka."

"Gusto ko ng maiyak,"

"Hindi pwede, marami pa 'to, makinig ka." Inabot niya saken ang ikatlong sulat. "Dear Cambria, isa ito sa mga masakit na sulat mo saken. Sa tuwing naalala ko ang araw na 'yon hindi ko mapigilan na magalit sa sarili ko. Alam ko kasi noon na mahal na kita pero naging duwag akong tanggapin 'yon. Sa bawat araw ng nakaraan kung saan paulit-ulit kong tinatanong ang sarili kung bakit ba kita minahal? Kung bakit ako ganito? Kung bakit hindi ko kayang lumayo sayo? Kung bakit nagsi-selos ako kapag binibigyan mo ng pagkakataon ang ibang manliligaw mo na ligawan ka o kung bakit nasasaktan ako sa tuwing sinasabi mo saken na masayang-masaya ka sa piling ng iba. Pero kahit na alam ko na sa puso ko na may pagmamahal na ako sayo hindi parin kita sineryoso..." tumigil siya sa pagsasalita.

Napayuko si Crosoft, kasabay nun ang pagyugyog ng mga balikat niya.

"Hindi ako naging tapat sa nararamdaman ko sayo."

"Crosoft," tawag ko sa kanya.

Pero nagpatuloy parin siya. Ngumiti siya saken. "Pasensiya na talaga Cam. Pasensiya talaga kung sobra kitang nasaktan noon. Natakot lang talaga ako. Kasi sino ba naman ang 'di maloloka kung ang isang katulad kong bakla ang maiinlove sa isang babae." Tumawa siya. Natawa na rin ako. Baliw talaga! "Pinagsisihan ko naman talagang iniwan kita pagkatapos ng may mangyari sa atin. At mali ka, hindi ang pagmamahal mo ang sumira sa atin. Ako, ako ang sumira dahil hinayaan kong kainin ako ng takot ko kaysa ang tanggapin ang bagong damdamin ko dito sa puso ko. Alam ko, napatawad mo na ako pero gusto ko paring humingi ng patawad sayo." Humugot ito nang malalim na hininga bago ulit nagsalita. "Cam, patawad."

Kusa na lang tumulo ang mga luha ko.

Nakangiting tumango ako.

"Sabing huwag iiyak eh," mabilis na pinunasan niya ang mga luha ko.

"Eh kasi ikaw, eh." Iyak parin ako nang iyak. "Ang daya mo! Hindi ako na informed!" Ikinulong niya sa mga kamay niya ang mukha ko saka ako hinalikan sa noo. "Next time mag-announce ka – ray! Baliw!" napahawak ako sa mukha ko nang pisilin ni Crosoft ang dalawang pisngi ko bigla. Sinipa ko siya. Tinawanan lang niya ako.

"At Cam, nang gabing 'yon minahal talaga kita."

Inabot niya saken ang pang apat na envelope.

"Nakuha ko na ang sulat mo saken. Salamat doon sa waiter na naalala parin ang pangalan ko nang hingin niya ang pangalan ko para sa resibo. Natawa pa ako nang tanongin niya ako kung bakla ba daw ako at sa nakakabanas niya ngiti nang iabot niya saken ang sulat mo." Ang galing! Napaka-obedient ng waiter na 'yon. "Huwag kang mag-alala, hindi ko tinupad ang banta mong huwag magpakitang muli."

Inabot niya saken ang pang limang envelope.

"Dahil tulad mo, hindi ko rin kayang mawala ka sa buhay ko."

Inabot niya saken ang pang anim na envelope.

"Dahil miss na miss na rin kita. Sabi nga nila, kapag mahal mo huwag mo ng pakawalan pa."

Ang ika pitong envelope.

"Kaya bumalik ako para huwag ka ng pakawalan pa..."

"Crosoft?"

"Nagmamahal, Crosoft."

Bumaba si Crosoft sa pick up. "Halika," inilahad niya saken ang kamay.

"Bakit?" tanong ko sabay hawak sa kamay niya. Inilalayan niya akong makababa mula sa pick up.

Kinuha niya ang radio at pinalitan ng bagong cassette tape. Natawa naman ako. "Meron pa ba niyan ngayon?" Bumalik siya sa harap ko nang mag-play na ang kanta.

"Oo naman," niyakap niya ako.

♪♪ Di mo siguro nalalaman na ikaw ang aking mahal
Di mo siguro nakikita sa puso ang nararamdaman
Kapag tumitingin ka sa akin
Di ko malaman ang damdamin
Gusto kong humimlay at yakap mo sayong piling ♪♪

"Pamilyar? 'Yon 'yong kinanta mo kanina, diba?"

Hindi ko alam kung nagsasayaw ba kami o hindi panay lang kasi siya paikot saken. Buti na lang hindi mabilis kaya 'di gaanong nakakahilo.

"Oo, ganda, diba? Pakinggan mo ang lyrics."

"Hmm... sinong theme song 'yan? Sayo o akin?" natatawang tanong ko.

"Akin 'yan, huwag mong agawin."

♪♪ Kung bakit ikaw ang pag-ibig ko
Ay di ko masasabing
Itanong mo sa puso ko
Kung bakit ikaw ang hinahanap ko
Damdamin ko ang sasagot sayo ♪♪

This time sinabayan na ni Crosoft ang kanta. Niyakap niya ulit ako at payakap na isinayaw.

"Hindi ko sukat akalain ikaw ang pintig ng puso ko." Ibinaba niya ang tingin saken. Hindi ko naman mapagilan ang mapangiti. Ginulo ko na lang ang buhok niya. "At di ko kaya na pigilan ang alab na nadarama ko. Kapag tumitingin ka sa akin... Di ko malaman ang damdamin... Gusto kong humimlay at yakap mo sayong piling."

♪♪ Kung bakit ikaw ang pag-ibig ko
Ay di ko masasabing
Itanong mo sa puso ko
Kung bakit ikaw ang hinahanap ko
Damdamin ko ang sasagot sayo ♪♪

"Three," mayamaya ay bulong ni Crosoft saken.

"Huh?" bahagya kong inilayo ang katawan sa kanya. "Anong three?"

"Ilang rose ang natanggap mo noong una?"

"Isa,"

"Yong pangalawa, ilan?"

"Apat,"

"'Yong panghuli, ilan?"

"Huh? 'Yon ang las –" natigilan ako nang mula sa kung saan may hawak na siyang tatlong rosas.

"Isa, Apat, Tatlo. Magkano lahat?"

"Pauso ka na naman eh," akusa ko.

"Ilan nga, ang kulit, ha?"

"English ang sagot niyan. I love you."

"I-add mo lahat 'yon, diba nine ang sagot?"

"Oo," I nodded.

"Bilangin mo letters ng MAHAL KITA!"

"8 letters,"

"Isama mo ang exclamation point para 9."

"Baliw! 'Di naman kasama 'yon eh."

"Kailangan 'yon, sa I LOVE YOU kasi may impact na kahit walang exclamation point, sa tagalog kailangan 'yon kasi sa mga drama, kapag nagtapat ang mga nagmamahal isinisigaw kasi proud. 'Yon 'yon, haha."

"Talaga naman, para lang ma i-push mo."

"Dapat proud!" mabilis na hinalikan niya ako sa mga labi. "Mahal kita!"

Tawang-tawa naman ako at talagang pinanindigan ang exclamation point. "Mahal din kita! Kaya may sasabihin ako sayo."

"Ano?" nakangiti niyang tanong.

"Diba nga, pumunta ako sa OB kanina."

"Naku! Naku! Sorry talaga mahal. Ikaw kasi, ngayon mo pa kasi naisipang magpa-check up."

"At talagang sinisi mo pa talaga ako?"

"Ay hindi, Mahal! Sinisi ka? Oy 'di ah. Sinisi ko sarili ko. Ang SAMA ko talaga! Wagas! Push, ganoin!"

Natawa ako. "Mabalik nga ako doon sa OB," iniharap ako ni Crosoft sa view ng city lights. Niyakap niya naman ako sa likod.

"Anong sabi ng OB?" isinandal niya ng ulo sa isang balikat ko. "Ok lang ba ang baby natin?"

"Oo, malusog naman sila,"

"Mabuti naman kung ganoon pero feeling ko wrong grammar ka Mahal. Andami naman ng sila kasi, 'di ka naman pusa o aso."

"Baliw!" tinapik ko ang pisngi niya ng hindi siya hinaharap. "Hindi naman bago ang magkaroon ng kambal na anak, noh?"

"Sabagay, marami namang nagkakaroon ng kambal na an –" natigilan bigla si Crosoft. "Teka nga," pinihit niya ako paharap sa kanya. "Isa ba tayo doon sa magkakaroon ng kambal na anak?!"

Natatawang tumango ako.

"God, Cam, anong magandang reaction?" parang baliw naman 'tong si Crosoft. Dinidibdib talaga ang reaction. "Teka lang, wait," bigla namang umulan. "Woooo!!"

Napasinghap ako sa gulat. "Crosoft!"

"Woo! Magiging Daddy na ulit ako!! At kambal pa!!!"

"Crosoft! Ano na naman 'to? Magkakasakit ako nito eh! Bawal saken 'to"

Nanlaki naman ang mga mata ni Crosoft. "Naku Mahal, sorry! Wait lang, ha? Papatayin ko muna ang sprinkler." Mabilis na hinanap ni Crosoft ang off ng sprinkler. Umiwas naman ako para 'di gaanong mabasa. Tawang-tawa naman ako kasi basang-basa na siya. "Peste naman oh! Saan mo kasi inilagay ang off ng sprinkler na 'to ALT FLORES!!"

At mukhang alam ko na kung bakit may sprinkler. Ito 'yong moment na nabasa kami doon sa school sa pagsayaw namin ng rain dance.

Ang hindi din alam ni Crosoft kanina ko pa nakita ang off ng sprinkler. Nakakaawa na ang asawa ko kaya papatayin ko na lang.

Tumigil na ang sprinkler.

"Hala tumigil? Bakit?" parang tanga si Crosoft sa kakalinga sa paligid.

Lumapit ako sa pick up at kumuha ng mga kumot. "Hoy!" Ibinalabal ko sa kanya ang kumot. "Basang-basa ka na." Ngiting-ngiti pa ako.

He made a face. "Kanina mo pa nakita 'yon, noh?"

"Ang cute mo kasi tignan eh. Kulang na lang mag-dive ka sa damuhan." Inilagay ko naman ang isa pang kumot sa ulo niya at gamit nun tinuyo ko ang buhok niya. "Hay naku! Kahit kailan."

"Gumaganti ka na saken ngayon." Nakanguso niyang akusa.

"Kailan ba ako gumanti sayo, ha?"

"Kapag hinahalikan kita gumaganti ka ng halik." Mapanuksong ngumiti siya saken. Hinuli niya ang mga kamay ko at ikinawit 'yon sa mga balikat niya. "Gusto mo ng prove?"

"Ikaw talaga, pasimple ka na naman."

"Talaga," Dahan-dahan namang bumaba ang mga labi niya sa mga labi ko. "Mas matinik pa ako sa tunay na lalaki." Pero bago paman niya maibaba ang mukha ng tuluyan hinila ko ang magkabilang dulo ng kumot sa mukha niya para mahalikan siya.

Nagulat siya pero pakialam niya gaganti din naman 'yan mamaya.

Naramdaman ko ang pagngiti niya bago gumanti ng halik. Hinapit niya ako palapit sa katawan niya to deepened the kiss.

Kumalas kami sa isa't isa. Tawa naman nang tawa 'to si Crosoft.

"Kita mo na, ikaw talaga ang mas nang-aakit sa ating dalawa." Pinisil niya ang ilong ko. "Ang cute mo talaga!"

"Ikaw, ha! Ikaw pala ang unang nanghalik sa ating dalawa. Madaya ka Crosoft! Minamanyakan mo na pala ako ng 'di ko alam. May video ka pa!" Dinuro ko siya. "Dapat pala noon pa lang pinakasalan mo na ako."

"Mahal," inakbayan niya ako. "Pinakasalan naman kita. Na delayed lang ng ilang taon. Kasi lahat ng bagay may tamang panahon. Para tayong Matador, pinagtibay na ng panahon." Hinalikan niya ako bigla sa sentido. "At sana, sa marami pang taon, mag-away man tayo, magmurahan, magsabunutan, at maglayas, sana, hindi natin malimutan ang magmahalan."

"Kakayanin natin Crosoft, para sa mga anak natin."

"Para sa ating dalawa rin Mahal." Ginulo niya ang buhok ko. "Kayo ang pamilya na hiniling ko simula pagkabata. I could not wish for more. Kayo lang ng mga anak ko."

"Ako rin,"

"Huwag ka ngang gaya-gaya, Cambria."

"Eh 'yon ang totoo kaya! Sobrang saya ko nga lagi. Kahit na minsan nag-aaway tayo pero masaya parin ako kasi alam ko na kahit magkagalit tayo hindi parin natin matitiis ang isa't isa. Gaya nila Panda at Baboy."

"Tama, mahal na mahal ni Panda ang Baboy niya."

"Pero minsan nakaka insulto ka rin eh. Talagang ako pa ang Baboy." I glared at him. Tinawanan lang ako ni Crosoft. "Brutal mo rin eh!"

"Hayaan mo na, special lechon ka naman."

"Kainis! Tataba na naman ako nito. Tatlo pa naman kaming kakain."

"Ok lang 'yan Mahal. Hindi ka naman mauubusan ng pagkain. Ibibili kita ng bagong ref."

"Baliw!"

"Baliw sayo," sabay kindat.

Natawa lang ako. "Hay naku!"

"Ang ganda ng view, noh?"

"Oo,"

"Kaso ang pangit mo,"

"Ah ganoon? Oh sige, dito ka lang, uuwi ako." Pero bago ko paman malayasan si Crosoft ay nayakap niya na ako. "Huwag mo akong subukan na gago ka!" Pero 'di naman ako galit. Binibiro ko lang siya.

"'To naman 'di na mabiro. Ikaw lang kaya ang pinakamaganda sa paningin ko."

"Bola mo,"

"Ok lang 'yan, Mahal. Ang importante tanggap tayo at mahal tayo ng Diyos."

"Amen,"

Nagtawanan lang kaming dalawa.

Mayamaya, pareho kaming natahimik.

"Happy Anniversary Crosoft," basag ko.

"And more years for us my Cam."

"More years,"




Nagulat ako! Naka 6K word count ako sa chapter na 'to! Grabeh! Bumabawi lang sa ilang araw na wala ako. Anyway, ito na ang update ko. Sana mapakinggan n'yo ang song. Nasa itaas lang. Theme Song ng CamSoft. Yiieee!! Ito na yata talaga ang pinakamahaba na naisulat ko for CamSoft! Hope you enjoy!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro