Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SP: Crosoft's Confession (Part 26)

"Crosoft!"

Hindi ko nilingon si Cambria. Asar ako sa kanya. Sagad hanggang outerspace ang pagkamuhi ko sa kanya.

Chos!

Basta inis ako sa kanya.

"Crosoft hintay naman oy!"

"Bahala ka sa buhay mo," I murmured to myself.

"Hoy bakla hintay!"

Tumigil ako sa paglalakad. Hinarap si Cam. Seryoso ang mukha. Tumigil din siya sa pagtakbo. May ilang pagitang layo sa aming dalawa. Nakangiti siya saken. Ako naman asar.

"Huwag mo akong susundan."

Tumawa siya. "Ay ang OA talaga."

"Tatlong araw kang nawala! 3 days Cam! Ni hindi ka man lang nag-text saken! Pina-loadan pa kita pero langya ka 'di mo parin pinapansin ang mga text at tawag ko sayo!"Humakbang siya nang pigilan ko siya. "Diyan ka lang!"

"Crosoft, ha? Paano naman tayo magkakausap ng matino kung ang layo-layo natin sa isa't isa."

"Sana naisip mo 'yan bago mo ako deadmahin ng tatlong araw."

"Sorry na po," lumapad ang ngiti niya. "Pwede na akong lumapit?"

"Hindi pa, diyan ka lang muna."

"Hala, ha? Oo, sige na. Ano pa?"

"Habulin mo ko!" sabi ko sabay takbo.

Nang talikuran ko siya hindi ko maiwasang mapangiti. Bakit ba hindi ko magawang magalit ng matagal sa babaeng 'to?

"Crosoft!!"

Nang maramdaman kong malapit na siya saken binagalan ko ng konti ang pagtakbo para maunahan niya ako ng konti. Tumabi ako bigla kaya nakalagpas saken si Cam pero bago paman siya makalayo ay hinuli ko ang isang kamay niya at hinila siya pabalik para mayakap siya.

Napasinghap siya sa gulat. Humigpit naman ang pagkakayakap ko sa kanya.

"C-Crosoft?"

Silence

"May iku-kwento ako sayo."

"Huh?"

"May isang panda at baboy. Isang araw bigla na lang nawala si Baboy. Nalungkot ang Panda. Ilang araw niyang hinintay si Baboy sa pag-asang babalik ito. Isang umaga... narinig ng Panda na may tumawag sa kanya. Paglingon niya, nakita niya si Baboy, nakangiti sa kanya. Hindi naiwasan ni Panda na maiyak sa tuwa. Sa sobrang tuwa niya ay sinalubong niya ng yakap si Baboy."

"Bakit feeling ko ako ang baboy?"

"Shshs, 'di pa tapos ang kwento."

"Ay, sorry, sige ituloy mo na."

"Ang sabi ni Panda kay Baboy. Hoy Baboy! Saan ka galing, ha? Bakit mo ko iniwan?" Naramdaman ko naman ang mahinang pagtawa ni Cam sa dibdib ko. "Alam mo ba ang lungkot-lungkot ko nang mawala ka? Nag-alala ako ng sobra kasi baka ano na ang nangyari sayo? Tinakot mo ako, alam mo ba? Akala ko 'di mo na ako babalikan?"

"Hindi ba masyadong OA si Panda?"

"Huwag kang hard, gustong mag-moment ni Panda huwag kang basag trip."Natawa lang si Cam. Napangiti ako. "Pero alam mo ang huling sinabi ni Panda kay Baboy?"

"Ano?"

Kumalas ako sa pagkakayakap ko kay Cam. Hinuli ang tingin niya sabay haplos ng pisngi niya. Akmang lalayo sana si Cam pero hinapit ko siya sa palapit saken at mabilis na ibinaba ko ang labi sa mga labi niya... at sa pagkakataon na 'yon hinila ko ang buhok niya. 'Yong average sabunot sa buhok dahil sa asar ako sa kanya.

"Crosoft!" tili ni Cam.

"Gaga ka! Sinong may sabing deadmahin mo ako ng tatlong araw, ha?"

Mangiyak-ngiyak pa ang mukha ni Cam. "Pack juice ka Crosoft! Ang sakit ng anit kong gago ka!"

Pinag-krus ko ang mga braso. "Sinasabi ko sayo Cambria Velasco. Hindi ko nagustuhan ang inasal mo. Hindi porket wala kang ka-date noong Valentines Days mag a-AWOL ka na lang bigla. Bwesit ka! Bwesit na bwesit ako sayo."

"Eh bakit ba bwesit na bwesit ka saken? 'Di lang nagpakita ng tatlong araw, galit ka na agad? 'Di lang nakapag-text, akala mo nag-abroad ako?"

"Eh kasi nga!"

"Eh ano nga?!"

"Eh kasi nga!"

"Ano nga kasi?!"

"Na miss kita," halos pabulong ko ng sagot.

Lechee! Bakit ang awkward? At bakit parang nag-iinit ang mga pisngi ko? Langya! Kinikilig ba ako?

"Ayses! Pabebe mo masyado Crosoft!" tinawanan lang ako ni Cam.

TBH, bakit nakakainis ang naging reaction niya?

"Tumawa ka lang?!"

"Oo, alangan namang halikan pa kita sa lips sa sobrang saya?"

"Grabeh ka! Kahit naman lang, Oo, Crosoft, na miss din kita. Wow! Ang bato mo oy!" Tawa lang nang tawa si Cam. Nakakainis na sobra! "Ewan ko sayo!"

Walk out ako.

"Crosoft hintay naman! Nang iiwan ka na naman eh."

"Hintayin mo ang kamatayan mo diyan. Wala akong friend na baboy!"

"Ay ang harsh! Libre na lang kita!"


... 


Gaya ng sinabi ni Cam kanina, inilibre talaga niya ako... ng kwek-kwek, fish ball at buko juice. Kaya napaghahalataang poor kasi ang kuripot ng gaga. Pero may napapansin ako sa 'sang 'to ngayon. Ang saya niya ngayon, ha? Inferness ang ngiti niya abot langit. Nakakahiya kay San Pedro.

Inakbayan ko si Cam habang hawak-hawak ko parin ang plastic cup ng buko juice at sa isang kamay naman ang fish ball.

"Hoy Cam!" I nudged at her.

"Ano?" nag-glance lang siya saglit sabay subo ng kwek-kwek sa plastic cup niyang hawak.

"Ang saya mo ngayon, ah? Mamatay ka na ba?"

"Baliw!" she tried to push me away pero 'di ko siya hinayaan. I ended up laughing at her while she glared at me. "Ikaw, kapag namatay ako 'di kita papatulugan." Banta niya.

"Bakit hahalayin mo ko buong gabi?"

"Putulin ko kaya ang dila mo Crosoft?"

"'To naman, joke lang. Syempre, ayoko namang mamatay ka."

"Ma-miss mo ako?"

"Na miss nga kita tatlong araw ka lang nawala. Habang buhay pa kaya?"

"Ayiee! Ikaw, ha? 'Yong totoo?"

"'Yong totoo, ano?"

"Wala, sabi ko ang pangit mo."

"Maganda ako. Gwapo ako. Ikaw lang ang pinagkaitan ng yaman sa mukha. Kasi nang magpa-ulan ng kagandahan si Lord kinandado kita sa bahay."

"Gahaman mo eh!" natawa lang kami pareho.

"Anyway, maiba ako, saan ka nga ba galing? Lahat na tinanong ko maliban sa nanay mong taas kilay at insecure sa akin kung na saan ka pero wala man lang ang may alam kung saan ka inilagay ng nuno sa punso."

"Ay, syempre, si Mama lang naman may alam kung na saan ako. Wala si Papa dahil nasa Cebu siya. At saka, wala rin akong sinabi kay Essera dahil dumiretso na ako sa manager namin. At saka, spur of the moment lang naman 'yon."

"Ano nga?"

"Sumama ako sa isang Retreat na in-organize doon sa school. Mga dalawang araw lang naman 'yon."

"Nag-balik loob ka na?"

"Wow naman! So ano ako, demonyo, ganun?"

"Baliw! Nag-retreat ka mag-isa para kang walang kaibigan na demonyo. Sinama mo sana ako. Magbabalik-loob na rin sana ako. Selfish mo masyado, eh, 'noh?"

"Eh, sa ayaw kong may kasama."

"Bakit ikaw lang ba mag-isa na nag-retreat?"

"At least, 'di ko sila kilala. At kaya 'di mo ako ma-contact dahil in-off ko ang phone ko dahil kinuha nila 'yon."

"Eh kung dalawang araw ka lang palang nag-retreat bakit missing in action ka pa din sa ikatlong araw?"

"Pinadala kami ni Essera sa isang seminar ni Boss. Naiwan ko 'yong phone ko sa bahay ng araw na 'yon dahil may inutos si Mama. Hayun, 'di ako nakapag-text."

"Dami mong rason, noh?"

"Oy, totoo ang mga 'yon. Kaka-retreat ko lang magsisinungaling na naman ako."

"Bakit lagi ka bang nagsisinungaling saken?"

"Hindi ah!" itinulak niya ko.

"Hoy! Bakit feeling ko nagsisinungaling ka na naman?"

Dinuro niya ko ng stick. "Gago! Huwag ka ngang feeling masyado. Hindi kita gusto noh!"

I playfully eyed her. Hindi ko naman mapigilan ang ngitian siya ng nakakaloko. "Oy, sinabi ko bang gusto mo ako?"

"Eh, a-ano, eh kasi alam ko 'yon ang sasabihin mo?!"

"Sige, ganito na lang."

"Ano?"

"Maglaro tayo."

"Anong laro?"

"Taguan."

"Taguan?"

"Oo, magtaguan tayo ng feelings."

"Hoy Crosoft! Sinasabi ko sayo wala akong gusto sayo."

"Mamatay man?"

"Sino mamatay?"

"Ikaw,"

"Grabeh ka naman."

"Sige iba na lang, prove mo saken na wala kang gusto saken."

"Wala nga akong gusto sayo."

"Gawin mo 'to dito ta's maniniwala akong wala kang gusto saken."

Kumunot ang noo niya. "Ano na naman 'yan?"

"Basta, ito, ha? Alam mo 'yong HAPPY CLAP?"

"Ano 'yan?"

"Ganito 'yon, Gaga! Tumingin ka." Discreet lang ang pagkaka-demonstrate ko sa kanya. "Itaas mo ang dalawang kamay mo at mag-clap ka ng tatlong beses. Stomp one feet three times. Tapos, i-form mo ng heart shape ang kamay mo sabay sabi MAHAL at ituro mo 'yong dalawang thumb at index finger mo saken sabay sabi KITA."

"Baliw ka! Nasa daan tayo paggaganyanin mo ko?"

"Oh, 'di may gusto ka nga saken?"

"Bakit ba ang sama-sama mo saken?"

"Hurting is loving nga," I chuckled. "Ano gagawin mo ba? Videohan kita."

"Kaasar ka! Pinapahiya mo talaga ako lagi." Parang batang ipinadyak ni Cam ang mga paa. "Kakainis ka!"

"Gawin mo na nga kasi. Ang simple lang nun eh."

"Eh ang daming tao!"

"Gagawin mo o iisipin kung mahal mo ko."

"Sige na nga, mahal na kita!"

"Hindi pwede, doon ka. Gawin mo 'yon."

"Pack juice mo!"

"Tang na juice ka rin doon ka na!" tawa parin ako nang tawa. Tumalima naman si Cam na sobrang bigat ang mga paa. "Lakasan mo, ha?!"

Pero sa halip na sagutin ako ay itinaas niya ang kamay at binigyan ako ng dirty pinky finger niya na lagi niyang ibinibigay kapag asar na asar na siya saken. Natawa lang ako. Ayaw talagang gamitin ang middle finger eh. Anyway, which is cute.

Hinanda ko naman ang cell phone ko. Syempre, para may remembrance.

Pag-angat ko ng tingin naka-pwesto na siya sa gitna ng daan. Medyo malayo sa pwesto ko pero nasa harap ko lang naman siya. Huminga siya ng malalim saka nag-exhale. Pinukol niya pa ako ng masamang tingin bago siya ngumiti.

Naintriga naman ang mga tao kaya lahat ng nadadaan ay tinitignan siya. Napansin ko 'yong dalawang babae na papalapit saken at panay rin ang tingin kay Cam.

"Ano kayang gagawin ng girl na 'yan?" tanong nung isa sa kasama nito.

"Baka sasayaw?"

"Hindi," singit ko sa dalawa. "Sasabihin niyang mahal niya ako. Baby ko 'yan eh. Ang sweet 'noh?" I playfully winked at them.

Natulala naman ang dalawa pero who cares. Sadyang pinagpala talaga ako para mang-akit at magpaasa ng tao. Chos! Joke lang Lord! Haha!

"Crosoft!" sigaw ni Cam.

"Bakit Babe?!" sagot ko naman na may kasamang tawa.

Hayun na nga ginawa na ni Cam ang happy clap na itinuro ko sa kanya. She raised both hands in the air and clapped three times. She stomped one feet three times and did the heart and finger sign sabay sigaw ng...

"MAHAL KITA!"

Tawang-tawa ako pero na-excite ako bigla. May naisip ako. Mabilis na ibinulsa ko ang cell phone at ginaya ang ginawa niya. Itinaas ko ang dalawang kamay sa ere, clapped 3 times, stomped one feet 3 times, heart shaped hand and point at her my thumbs and index fingers.

Sabay sigaw.

"MAHAL DIN KITA!"

Haha, nagulat siya sa ginawa ko pero natawa rin. Pareho kaming tawa nang tawa sa daan. Kebs lang sa nakatingin samen. Basta magkasama kami ni Cam lahat ng mga kababuyang bagay gagawin namin. Chos! Syempre 'yong wholesome lang.


... 


Kinagabihan ako naman ang nanlibre sa kanya ng dinner. Sa isang burger restaurant lang na nadaanan namin kanina. Pinapilahan 'yon kanina na curious lang ako kaya nakipila narin kami ni Cam kanina.

Habang hinihintay ang order namin ay busy na busy naman 'tong si Cambria sa pagbabasa sa news paper na napulot niya kanina sa isang bench. Kinuha ko mula sa kanya ang news paper.

"Aish!" she hissed.

"Ano bang binabasa mo?" tanong ko sabay tingin sa dyaryo. Tinaasan ko siya ng kilay pagkatapos. "Bukod sa horoscope wala na akong mabasang maganda dito."

"'Yong horoscope lang ang binasa ko."

"Ay talaga? Teka lang, hanapin ko 'yong akin, Aries." Inayos ko ang pagkakahawak sa dyaryo. "Magkakasundo kayo ng bestfriend mo ngayon dahilan para lalong lumalim ang relasyon n'yo sa isa't isa, na sa kalaunan magdadala sayo ng isang kakaibang damdamin na hindi mo agad maintindihan." Kumunot ang noo ko. 'Yong totoo? "Swerteng numero 1, 4,3. Lucky color, red, yellow, blue. Ano 'to watawat ng Pilipinas? Totoo ba 'to?"

"Hindi, pero minsan oo." She shrugged.

I tilted my head. Bakit parang affected ako sa nabasa ko? Maliban sa lucky numbers and colors dahil ini-echos ako nun. I shook my head. Nah, wala 'yon. "Sabagay," inayos ko ulit ang pagkakahawak ko sa dyaryo. "Basahin naman natin ang sayo. Capricorn –"

"Huwag na! Nabasa ko na."

"Nabasa ko ba?"

"Hindi,"

"'Di basahin ko muna. Chill ka lang." I cleared my throat. "Capricorn, gusto mo siyang makalimutan pero 'di mo kaya dahil sa tuwing umiiwas at lumalayo ka lalo mo lang siyang na mi-miss." Natigilan ako.

Ako ba ang tinutukoy nito?

Naingat ko ang tingin kay Cam. Sa labas siya nakatingin. Mukhang malalim ang iniisip. Napangiti ako ng mapait. Pesteng horoscope 'to oh. Nami-mersonal ka eh. Huwag na nga lang. Itapon kita mamaya.

Itinabi ko na ang dyaryo.

"Cam,"

Mabilis na naibaling ni Cam ang tingin saken. "Hmm?"

"Kumusta ang relasyon mo sa Panginoon?"

"Huh?"

Natawa ako. "Ikaw talaga, lalim agad ng iniisip mo."

Napangiti siya. "Baliw, may naisip lang ako bigla."

"Ano 'yon?"

"'Di naman importante." She shook her hands infront of me. "Basta."

"Pwedeng magtanong?"

"Ano?"

"Bakit nawala ka na lang bigla noong Valentines Day? Nakita kita sa ibaba ng stage nun ah."

"Ah... 'yon? Ano, pinauwi agad ako ni Mama eh. Alam mo naman 'yon. Oy, narinig ko 'yong letter ni Jeymes sayo. Ang sweet niya. Ang swerte mo."

Pero kahit na nakangiti si Cam ramdam na ramdam ko parin ang lungkot sa mga mata niya. Ano bang pwede kong gawin para mawala ang kalungkutan na 'yon sa mga mata niya? Hindi ko naman kasi alam kung bakit minahal ako ni Cam nang sobra-sobra. Eh 'di ko naman deserved 'yon.

"Cam, kumusta Valentines mo?"

"At talagang tinatanong mo talaga 'yan saken, ano?"

Natawa lang ako. "Oh bakit? Ano bang masama?"

"Baliw ka talaga! Pero sige, sasabihin ko parin sayo. Masaya ang Valentines ko." Echos mo mukha mo Cam. "Kahit na walang nagbigay saken ng gifts, ng chocolates at saka mga flowers okay lang. Kasi alam mo, natutunan ko sa Retreat hindi naman 'yan importante, hindi din yan basehan para maging masaya ako. Kasi, kapag feeling mo mag-isa ka lang, pwede mo namang kausapin ang Diyos para samahan ka sa pag-iisa mo. Kasi kay God, everyday Valentines Day."

"Naks! Mukhang may calling ah."

Binato niya ako ng tissue. "Inggit ka lang."

Tinawanan ko lang siya. "Mamaya,"

"Anong mamaya?"

"Basta mamaya," sakto namang dumating na ang mga pagkain namin. I clasped my hand. "Wow! Kainan na."


...


Tahimik kami pareho habang naglalakad ni Cam pauwi.

"Sa tingin mo Cam," basag ko. "Kapag kumanta ako ngayon uulan?"

"Malamang, sa sama ba naman ng boses mo."

"Alam mo," I glared at her.

"Ano?"

"Honest ka," natawa kaming pareho. "Pero 'di nga, kapag ba kinantahan kita makikinig ka?"

"Oo,"

Lumapad ang ngiti ko. "Talaga?"

"Wala akong choice eh," natawa siya.

I made a face. "Kantahan na lang kita."

"Ayoko,"

"Sige na,"

"Huwag na kasi. Ang kulit mo. Maawa ka naman, wala tayong dalang payong."

"Basta, gusto kong kumanta."

"Ay ang kulit! Sige na nga. Sige kumanta ka. Basta kapag umulan iiwanan talaga kita."

"Yes!" inakbayan ko siya. Humawak naman siya sa beywang ko. "Hmm... ano bang magandang kantahin?"

"Aba'y 'di ko alam. Kung ano na lang."

"Sige, sige..." may naisip na ako. I cleared my throat. Akala mo may ikagaganda pa ang boses ko eh. Paki ba nila. Tinira ko na ang unang linya... na sentonado. "Sa tuwing tayo'y magkakalayo. Hindi matahimik ang puso ko."

"Pangit talaga ng boses mo haha."

"Shsh," tumira ulit ako ng linya. "Bawat sandali hanap kita... 'Di mapakali hanggang muling kapiling ka. Dahil kung ika'y makita na... Labis labis ang tuwang nadarama. Magisnan lamang ang kislap ng iyong mata. Kahit ano pa ay kakayanin ko na."

Basta't kasama kita
Lahat magagawa
Lahat ay maiaalay sa'yo
Basta't kasama kita
Walang kailangan pa
Wala nang hahanapin pa
Basta't kasama kita

"Haha," tawa na lang ako nang tawa pagkatapos ng chorus. Wala eh, ang pangit talaga ng boses ko kahit hinaan ko pa at bagalan. Langya! Naiiyak ako. "Nakakasawang pakinggan ang boses ko. Ang pangit talaga."

"Buti alam mo," pagtingin ko kay Cam nakangiti lang siya.

"But anyway, kahit na pangit ang boses ko. Maganda naman ang lyrics. Tagos sa puso. Hanggang bunbunan at sa isa pang bunbunan."

"Baliw!"

Kumalas ako sa pagkakaakbay sa kanya. Nagulat siya pero bago paman siya makapag-react ay hinawakan ko ang kamay niya. Itinaas ko 'yon para makita naming dalawa.

"Giniginaw ka na naman ba?" natatawang tanong niya saken.

I just winked at her.

Lagi ko kasing hinahawakan ang kamay ni Cam kapag nanlalamig ang mga kamay ko. Ang hindi niya alam nakasanayan ko ng hawakan ang kamay niya. 'Di ko alam. Basta hawak ko kamay niya masaya ako. Masayang-masaya.

Naglakad ulit kami.

"Hoy Crosoft, ano 'yong mamaya mo?"

"Mamaya,"

"Ano ba 'yang mamaya mo ang tagal, ha?"

"Oh sige na nga, ang totoo niyan. Hinanap talaga kita noong Valentines Day. Kaya lang bigla kang nawala at nag-AWOL pa ng ilang araw."

"Sorry na nga, diba?"

"Kaya nga, sus! Kung 'di lang kita mahal na bruha ka. Oh ito na,"

"Anong ito na?" niyakap ko siya. "Hoy!"

"Yakap gift ko para sayo."

"Ay baliw! Lagi mo naman akong niyayakap na gago ka ah."

Natawa lang ako. "Pero iba 'yong yakap ko. Pumapanahon. Ito ang tinatawag na seasonal hug."

"Pauso ka na naman diyan."

"'Di joke lang, ito talaga gift ko." Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. Inangat niya ang mukha sa mukha ko. "Pasensiya na talaga kung ito lang ang maibibigay ko sayo. Naawa kasi ako sayo dahil walang nagbigay sayo ng gifts noong Valentines."

"Kapal mo!"

"'Di nga seryoso," kinuha ko 'yong nakatiklop na papel sa bulsa ng jeans ko sa likod. "Pinaghirapan ko talaga 'to. Grabeh, sana huwag mong pagtawanan. Ayoko kasing bumili ng regalo. Gusto ko 'yong gawa ko talaga. Kaya sana ma appreciate mo man lang 'tong gawa ko."

"Bakit feeling ko iba na naman 'yan?" natatawang sabi ni Cam.

"Iba talaga 'to, with my heart 'to eh." Inabot ko sa kamay ni Cam ang papel. "Cam, happy Valentines Day."

Cam unfolded the paper.

Pagkakita agad ni Cam sa ginawa ko tawang-tawa siya. Nahiya tuloy ako bigla na natatawa sa sariling gawa.

"Baliw ka! In-effortan mo ba talaga 'to?" tawang-tawa talaga siya.

"Oo naman! Pinagpawisan kaya akong i-drawing 'yan."

"Crosoft grabeh! Hindi ko alam ang sasabihin haha. Ang sakit sa tiyan."

"Ito naman, nakakasama ka naman ng kalooban."

"Ang cute nga eh! Salamat! Ang ganda natin dito."

"Oh kita mo nga, kagagaling mo lang sa retreat nagsisinungaling ka na naman."

"Oy hindi ah! Nagustuhan ko talaga, promise! Salamat."

Napangiti ako. Ang sarap sa pakiramdam. "Nga pala, may signature ko na 'yan. In case sumikat ako at least ikaw ang unang nakapag-autograph saken."

"Ipapa-laminate ko 'to. Ganda talaga!"

"Hoy Cambria hinay-hinay lang sa pag-appreciate ng drawing ko. Nakakaba ka na, ha?"

"Haha, ang ganda eh! Pang-kinder! Stick figure!"

"Umuwi na nga lang tayo. Nahahamugan na 'yang utak mo." Inakay ko na siya. "Nakakabahala ka na Cam."

"Salamat talaga Crosoft!"

"Ikaw pa," nginitian ko siya. "Sobrang lakas mo kaya saken."

"Naks!"

"Halika na, iuuwi na kita sa bahay Babe." I chuckled.

"Sa bahay mo?"

"Hindi, sa bahay ng nanay mo."

"Baliw! Haha!"

"Hays! Ang saya ng araw na 'to."

"Agree!"

"Pakiss nga Babe!" akmang hahalikan ko siya nang takpan ng mga kamay niya ang mukha ko.

"Huwag nga Crosoft! Kadiri ka!"

"Anong kadiri?! Nag-toothbrush kaya ako ng Colgate 'yong Close Up." Inipit ko ang leeg ni Cam sa isang braso ko at idinikat ang ulo niya sa may dibdib ko para lang guluhin ang buhok niya. "Ang OA mo. Pasalamat ka nga minamanyakan pa kita."

"Salamat!"

"At nagpasalamat ka pa talaga?"

"Mahal kita eh! Ay, gawin ulit natin 'yong Happy Clap ng sabay."

"Sige, sige,"

Humarap kami sa isa't isa at sabay na ginawa ang HAPPY CLAP.

"MAHAL KITA!" sabay naming sigaw sa isa't isa.

Pagkatapos ay nagtawanan kaming dalawa.

Mga baliw talaga!




So I tried to use the new multimedia of Watty and I don't know if you like it haha. Nagkataon lang talaga na when I tried to search a picture of them meron silang ganyan na picture. Nakakatuwa! And so yeah, it took me hundred years to update. Sorry po talaga! Busy lang masyado. But I do hope nagustuhan n'yo ang Special Chap na 'to. Just so you know, the timeline of this chapter is way back sa hindi pa alam talaga ni Crosoft ang true feelings niya for Cam. This is the continuation of the Valentines Day Letter Contest na sinalihan ni Cam. Isinulat ko 'yon sa POV ni Cam. I think nasa chapter 20 pataas na 'yon. I forgot! Basta after that scene of Jeymes and Crosoft that Valentines Day bigla na lang nawala si Cam. Hayon, nag-retreat para maka move on haha. 

Ps: Parang ang cute ng mga pics! Oh ito, pa, last picture ni Crosoft!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro