SP: Crosoft's Confession (Part 25)
NAISIPAN kong buksan ang luma kong email. Matagal-tagal ko na ring hindi 'yon nabubuksan. Sa pagkakatanda ko, huling bukas ko nun ay noong umalis ako papuntang London. Hindi ko na kasi maalala ang password nun. Kanina habang nagliligpit ng mga lumang gamit sa attic nakita ko 'yong dating notebook ko.
Bumaba ang tingin ko sa notebook na nasa harap ko. I'm not sure if this is the right password for my old email pero malakas ang feeling ko na ito nga 'yon. Ewan ko ba, hindi ko ma explain ang nararamdaman ko. Something inside me has this feeling na dapat subukan ko, na may dapat akong basahin. Ewan! Wala naman sigurong masama kung susubukan, diba?
Inabot ko muna ang salamin sa bedside table at isinuot 'yon. Inayos ang laptop sa itaas ng unan na ipinatong ko sa mga hita. Wala pa si Cam, pero sure ako mayamaya dadating na 'yon. Kaya habang naghihintay pakikialaman ko muna 'tong lumang email ko.
Malay ko bang pinadalhan pala ako ng sulat ni Ma'am Charo? Haha, funny Crosoft! Okay, titigil na. I started typing my email at saka 'yong password na nasa papel. Medyo loading lang nang i-sign in ko na.
Naibaling ko ang atensyon sa cell phone ko nang mag-vibrate 'yon sa tabi ko. Pero syempre bago tignan kung sino nag-text abot muna nung Piatos na hindi ko pa nakakain. Inabot ng isang kamay ko ang cell phone at tinignan ang pangalan ng nag-message. Nalamon ko naman bigla ang kinakain nang mabasa ang pangalan ni Cam. Nak ng pating naman sa palengke oh!
Mabilis na pinagpag ko ang cheese sa damit at binasa ang text ni Cam saken.
Ppuwi na ko :D Ngtxi nlng aq. C u! –Cam
Napangiti naman ako. May sabay pang-subo nung isang daliri ko na may cheese bago ako nag-text back.
Ok, 2lug na cla Danah at Font. Alms na! HAHA XD –Crosoft
Baliw! D p q nkkligo! 2lug ka na lng haha! –Cam
Ses! Di pliliguan kta haha XP –Crosoft
Mukha mo! –Cam
Hindi na ako nag-reply pero nakangiti parin ako habang itinatabi ulit ang cell phone. Akmang susubo ulit ako ng piatos nang mapansin kong nabuksan pala ang email ko. Isinubo ko na rin lang total nailabas ko na rin. Kumunot naman ang noo ko nang i-scroll ko ang screen. Ang dami kong message ah. At lahat galing sa lumang email ni Cam. Tinignan ko isa-isa ang mga unread messages ko. Nagtataka lang ako ng slight. Kasi mukhang bago ko lang 'yon na received dahil sa date received. Actually, ngayon taon lang talaga pumasok ang mga messages na 'yon. Pero ang weird, bakit naman magmi-message saken si Cam sa luma kong email eh lagi naman kaming nagkikita?
Naiintriga ako dito. Inayos ko ang pagkakasalampak sa itaas ng kama. I sorted Cam's letter before reading it all. Hindi ko alam kung anong uunahin pero bahala na.
Letter #1
Hoy! Ako 'to! The Cam 10 years ago! Hindi ko alam kung matatanggap mo ba 'to o pinupucho-pucho lang ako ng site na 'to! Sabi doon sa site, pwede daw ako mag-send ng future letter sayo. Kaya sabi ko, wow! Iba 'to haha. Kaya 'yon, naisip kong padalhan ka ng letter na ini-set kong matatanggap mo after 10 years. Natanggap mo ba? Kung hindi ok lang. Kung oo, 'di maganda haha!
So 'yon, hindi ko alam kung magkasama parin ba tayo o magkalayo na tayo sa isa't isa kaya sige, gagawa na lang ako ng letter for both haha!
Dear Crosoft, kung nagkatuluyan nga tayo bwahaha! Kaloka! Iniisip ko talaga na nagkatuluyan tayo, diba? Nakakatawa! Pero hindi nga, malay mo naman, diba? Actually, ang hirap 'di umasa. Gaga ka kasi! Pa fall ka masyado! Pero kung nahumaling karin saken di maganda kung hindi 'di ang saklap. Pero ganun paman, alam mo naman na mahal na mahal kita. Hindi lang bilang kaibigan pero higit pa doon. Sobrang mahal kitang gago ka! Lechee ka talaga eh! Aksaya ka sa luha. Aksaya ka sa sakit! Araw-araw pinipilit kong makontento sa kung ano tayo. Kasi akala ko kapag na master ko 'yon 'di na gaanong masakit. Pero langya mas lumala pa! Pero kung nagkatuluyan nga tayo at na realized mong kaya mo rin akong mahalin alam ko sa 10 years after Cam masayang-masaya siya at walang paglagyan ang saya niya. Kasi isipin mo, ilang taon siyang hopia sayo pero kita mo naman, diba? Minahal mo rin siya – na ako!
Ang sayang isipin pero alam kong malabo. Kaya huwag kang tumawa diyan na gago ka!
Paano ako tatawa e naiiyak nga ako sa sulat mong 'to!
Dear Crosoft part II, kung hindi man tayo nagkatuluyan at nagkalayo. Iniisip ko na, nakahanap na siguro ako ng bagong mamahalin at mahal rin ako. Pero sa tuwing iniisip ko 'yon naiiyak lang ako. Kasi ang hirap imaginen na may iba na tayong buhay pero hindi ko nga lang sigurado kung masaya nga ba ako ngayon o ikaw parin ang laman ng puso ko sa Cam sa panahon mo. Kasi, ako, mahal na mahal parin kita eh. Hindi ko talaga magawang mag-move on ng ganun na lang. Kasi ang hirap! Ang hirap-hirap Crosoft. Kung alam mo lang. Kung alam mo lang kung gaano ako naiinggit sa sweetness nyo ni Jeymes. Kung paano n'yo ipinapakita sa isa't isa ang pagmamahal nyo. Iniisip ko minsan, na sana, ako na lang, na sana ako na lang siya, pero masyado yatang OA. Gaya-gaya kay Basya kaya 'di bale na lang. Nakakaiyak na natatawa ako sa sarili. Nakakabaliw pala ang mainlove sa bakla. Litseng buhay 'to oh!
Kaya, kung hindi man tayo magkasama ngayon. Gusto kong sabihin sayo na sobra kitang minamahal. Sa sobrang pagmamahal ko sayo tiniis ko ang maging kaibigan mo lang. Pero hoy! Hanapin mo naman ako kung 'di tayo magkasama ngayon. Huwag kang limot-kaibigan! Ganito, kapag single pa ako meaning nun 'di ako naka move on sayo pero kung may asawa na ako at may mga anak na baka nakaya kong kalimutan ka *sighs*. Bakit kasi kailangan ko pang kalimutan ang pagmamahal ko sayo? Pero siguro, malalaman ko rin ang dahilan nun kapag nagkita tayo.
Letter #2
Valentines day, sumali ako sa pa contest na love letter sa school. Hindi ko alam kung napansin mo ako sa sobrang dami ng tao. Oo nga pala, ako pala 'yong first prize na hindi na nagpakita. Kasi, para ano pa? Hindi mo na siguro kailangang marinig 'yong sulat ko para sayo... kasi sulat lang ni Jeymes sapat na. Nakakahiya! Saka nakita ko sa mga mata mo ang saya. Nasa malayo ako pero randam ko parin 'yong pagmamahal n'yo sa isa't isa. Oo, masakit. Umiyak nga ako eh. Kaya hayun, umalis na lang ako bago ko pa ipahiya ang sarili ko sa lahat ng tao. Kaya, kung matanggap mo rin ang sulat na 'to. Dito ko na lang ipapabasa ang sulat na ginawa ko para sayo.
Dear bestfriend,
Hi, it's me! 'Di ko alam kung saan ako magsisimula pero heto na. Sasabihin ko na sayo ang totoong nararamdaman ko para sayo. Bestfriend mahal kita. Mahal kita kahit na lalaki ang gusto mo. Saklap, diba? Just imagine my life being with the person I secretly love. Embracing jelousy, pain, and heart aches whenever I see you and your love. Ang saket, grabeh. Pero wala akong magawa kasi 'yan ka eh.
Iniisip nila na nababaliw na ako. Bakla ka. Tapos na inlove ako sayo. Katangahan daw 'yon. Anong problema nila. Ako naman ang nagpapakatanga hindi naman sila, diba? Baliw ka kasi! Tama na kasi.... Tama na.... ayoko na. Mahal na mahal na kita. Masakit na. Sobrang sakit na. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko maitatago ang nararamdaman ko para sayo. Gago ka! Ang sarap mong murahin na 'langya ka. Nakakainis ka na eh.
Will you stop doing things that would make me love you more? Maawa ka na sa puso ko. Tanggap ko naman na eh. Kaya huwag ka ng hard saken, okay? Baka kapag nagloko isip ko gapangin na kita para makasal tayo. Seryoso ako! 'Di joke lang haha. Ganda ng design ng letter ko diba? *Cries*
Crosoft mahal kita! And because of that love I have learned to make pain as my bestfriend. I have learned to make lie as my soul. I have learned to get used of the pain and everyday I lie about what I feel for you. It sucks! Masakit na. Pero kinakaya ko lahat ng 'yon dahil ayokong mawala ka.
Mahal na mahal kita. Please, magpakalalaki ka naman. Kahit para saken lang. Pwede ba? O kahit isang araw, isang buwan, isang taon, o habang buhay. Alam kong imposible pero ganito talaga kapag nagmamahal.
Kahit gusto mo ng sumuko hindi mo magawa.
Especially if it's because of you.
One + Four + Three
Forever
Love,
Cam
Ps: kung masyadong jeje, pasensiya na haha! <3
Hindi ko maiwasang mapaluha sa mga nababasa ko. Randam na randam ko ang lungkot at sakit na nararamdaman ni Cam sa mga sulat niya saken. Bigla kong naisip na kahit asawa ko na siya hindi parin ako tumitigil sa pagpapa-iyak sa kanya. Pabebe ko kasi masyado. Grabeh! Alam ko namang nasasaktan ko siya noon pero hindi ko inasahan na ganito pala kasakit ang nararamdan ni Cam noon.
Letter #3
Gusto kong isipin na paniginip lang ang lahat. Na walang nangyari sa atin pero hindi ko magawa. Nasaktan ako nang mabasa ko ang sulat mo. Gusto kitang tanongin kung bakit hindi mo nasabi 'yon sa akin ng personal? Siguro, pinagsisihan mo ang gabing 'yon. Lasing ka lang kaya nangyari 'yon. Alam ko naman na malaki ang posibilidad na layuan mo ako pagkatapos pero hindi ko inasahan na ganoon pala kasakit ang tuluyang paglayo mo sa akin. Nakita kita sa labas ng coffee shop kanina pero 'di ka lumingon. Masayang-masaya kayo ni Jeymes. Siguro nga, hindi ako ganoon ka importante sa buhay mo. Ang sakit pala nun, noh? Sa ilang taong pagiging magkaibigan natin sinira tayo ng pagmamahal ko sayo. Sana pala 'di na lang. Pero 'di ko naman pwedeng i-reset 'tong puso ko at kalimutan ka na rin gaya ng ginagawa mo ngayon. Galit ako, oo, pero hindi ko magawang magalit sayo ng lubusan. Kung 'yon ang huling beses na magkasama tayo at piliin mo na ngang lumayo ng tuluyan mas mabuti na rin siguro 'yon. Masakit, pero ayokong pagsisihin ang gabing 'yon. Malaki man ang nawala pero hindi ko rin 'yon pagsisihan dahil sayo ko naman ibinigay... sa taong mahal na mahal ako.
Hindi mo man masuklian 'yon, sapat na sa akin na minsan naramdaman kong kaya mo ring tugunan ang pagmamahal ko.
Letter #4
Hindi ka na naman nagpakitang gago ka! Bahala ka na nga sa buhay mo! Huwag ka ng magpakita lechee ka! May iniwan akong sulat doon sa isang waiter pakikuha na lang kung 'di mo pa nababasa. GOODBYE!
Hindi ko naman napigilan ang matawa. Alam na alam ko 'tong eksenang 'to. Baliw talaga ang 'sang 'yon. Hindi na lang ako tinext ng diretsa. I was about to close the screen nang mabalik ako sa home at may mga messages pa na kaka-received lang din. Pagtingin ko, the letter was written 3 years ago. Noong hindi parin kami nagkikita ni Cam.
Letter #5
I missed you.
Letter #6
I missed you.
Letter #7
Gago!
Ilang segundo akong natulala, napangiti, natawa at hayun na nga naiyak na naman. Parang ngayon lang lahat nag-register sa utak ko ang lahat ng mga pinagdaanan naming dalawa. Most especially those times na hindi ko pa ma-admit sa sarili ko na mahal ko si Cam. God! Sobrang nasaktan ko pala talaga siya noon. At lahat tiniis ni Cam para saken.
I always tell her that she don't deserved me but she would always tell me that I'm wrong, na deserved ko siya at ang pagmamahal niya. And this letters were made by her – the young Cam I've known. Ang baliw na Cam na una kong nakilala. My Cam!
Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ang ingay ng sasakyan sa labas. Alam ko si Cam 'yon. Mabilis na iniligpit ko ang mga kalat at pinatay ang laptop. Lumabas ako ng kwarto para salubungin ang asawa ko.
Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay niyakap agad ako ni Cam. Nagulat ako. I was about to hug her first pero naunahan niya ako. Naramdaman ko ang higpit ng yakap niya saken. Magsasalita sana ako nang maramdaman ko ang pagyugyog ng mga balikat niya. The next thing I know... she was already crying.
"Cam?" bulong ko.
"S-Sorry," she sobbed. "Sorry talaga..."
"Wala ka namang kasalanan bakit ka nagso-sorry saken." I hugged her tight. "Dapat pa nga ako ang mag-sorry sayo dahil lagi kitang inaaway."
"A-Alam ko... pero may kasalanan din naman ako... nainis rin ako sayo dahil sa pagseselos mo kaya hinahayaan ko lang si Chrome."
"Baliw," I chuckled and kissed the top of her head. "Huwag na nating isipin 'yon."
Inangat niya ang mukha sa akin. I bowed down. Pulang-pula ang mga mata niya. Hindi ko naman maiwasang matawa. Baliw ka talaga Crosoft! Ang cute-cute talaga ng asawa ko kapag umiiyak. Para talagang bata. Nakakagigil!
"Anong nakakatawa?" sita niya.
"Wala," sabay halik sa mga labi niya.
Naramdaman ko pa ang pagkabigla niya but tang na juice miss na miss ko na talaga ang asawa ko. Napahawak siya sa mga balikat ko as I deepened the kiss. God, how I missed this girl. Bahagyang naitulak ko pa siya sa katawan ng pinto as I hungrily kissed her. We both moaned at the pleasure.
"Crosoft," anas niya.
"Sorry Babe, i-lock muna natin... ang pinto..." I said between kisses. "Mahirap ng... manakawan." I chuckled.
"Baliw," pabirong pinalo ako ni Cam sa dibdib bago ikinuwit ang mga kamay sa likod ng leeg ko. "Nasa bulsa ang susi..."
With a smile, kinapa ko ang jeans ni Cam, suddenly I thought of something mischievous in mind. Instead of finding the right pocket I tried to feel her thighs on her jeans. Hindi ko mapigilan ang matawa as I teased her.
"Crosoft!" mahinang sita niya saken sabay huli ng kamay ko. She pulled away but not too far. Natawa ako nang mahina nang ilagay niya ang kamay ko sa tamang bulsa. "Nandito ang bulsa ko, hindi sa kung saan."
"Thanks," I winked at her.
I slid one hand on her pocket, and started kissing her again. Kahit nahihirapan sa pag-lock ng pinto kebs lang din.
"Done," sabay tapon ng susi sa kung saan.
Bumaba ang mga halik ko sa panga niya.
"Crosoft, 'yong susi."
"Hayaan mo na 'yon, ipahanap natin 'yan bukas. I missed you."
Napasinghap si Cam nang bigla ko siyang pasanin. Magkahinang parin ang mga labi. Hindi naman masyadong obvious na miss na miss namin ang isa't isa. Damn, all I want to do is to kissed her all night and make love with her hanggang sa 'di na namin kaya. I always find comfort and contentment in her arms. Kahit noon pa. Hindi ko alam na iba na pala ang sayang 'yon. Pack juice! Love na pala.
And to end the story short, we finally made it to our bed. And this time, na i-lock ko na rin ang pinto. Aba'y mahirap na maunsiyami na naman. Natatawang ibinagsak ko sa kama si Cam. Tawa parin siya nang tawa.
"Crosoft, teka lang," iniharang niya ang kamay sa harap ko. "Hihinga muna ako."
"Naligo ka na ba?" nakangisi kong tanong.
"Baliw! Naligo naman ako bago umuwi 'noh!"
"Sabi mo kanina 'di pa,"
"Joke lang 'yon," ibinalabal niya ang kumot sa katawan. "At saka –" pero hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. Talaga namang ang daldal ng 'sang 'to. Mabilis na pumaibabaw ako sa kanya at hinalikan siya sa mga labi.
Tasting the same sweetness na tanging kay Cam ko lang natitikman. I'm always addicted with her lips. Even before, my lips are only for her. Syempre, siya lang naman ang hinalikan kong babae – at minanyakan.
"Baliw ka talaga," she said between kisses.
I only chuckled. "Kaya nga mahal mo eh."
"Right," she wrapped her arms around my neck and pulled me closer. "Ang pinto i-lock mo," bulong niya sa tainga ko habang hinahalikan siya sa leeg.
"Tapos na po, ako pa."
Natawa lang siya.
Darn, mukhang mahaba-haba 'tong gabi.
I played with Cam's hair habang yakap-yakap ko siya. Nakaunan siya dibdib ko. Hindi ko alam kung tulog na ba siya o hindi pa. Iniisip ko 'yong mga sulat. Hindi ako maka move on. Bumabalik sa isip ko ang mga idea na kung paano kung hindi ulit kami nagkita ni Cam? Paano kung hindi nagbunga ang gabing 'yon? Paano kung tuluyan na nga akong nakalimutan ni Cam.
Sa tuwing iniisip ko 'yon hindi ko maiwasang malungkot. Kung wala si Cam sa buhay ko hindi ko alam kung magiging masaya parin ba ako ngayon. Humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya.
"Hmm.." ungol niya.
"Sorry," mahina kong bulong. "Nagising ba kita?"
"Malamang," inaantok niyang sagot.
Natawa lang ako. Kahit kailan talaga! Umayos siya ng pagkakahiga sa tabi ko. Inangat niya nang bahagya ang ulo.
"Bakit 'di ka pa tulog?"
"Naisip ko lang,"
"Ang alin?"
"Sa tingin mo, makakaya ko kayang mabuhay na wala kayo ng mga anak ko?" malungkot kong tanong.
"Hmm, 'di ko alam. Malamang."
"Hindi ko kayang isipin na walang Danah at Font sa buhay ko. Na wala ka. Minsan, iniisip ko na buti na lang walang nasayang na sperm cell dahil kung lahat nagsi-aklas naku patay tayo diyan." Natawa ako.
"Baliw!" natawa si Cam.
I hugged her tight. "Kaya, pinagpapasalamat ko na nabuntis kita. At least, may isang bagay na nagpapaalala sayo na may Crosoft sa buhay mo."
"Parang ang weird isipin. Masaya ka pa talagang nakabuntis ka."
Natawa ako. "Oo naman,"
"Eh nilayasan mo nga ako. Mahigit sa limang taon akong naghirap sa pagpapalaki sa makulit mong anak na manang-mana sayo. Nakaka-stress ng utak."
"Pero dumating naman ako, late nga lang. Ilang taon na delayed ang flight."
"Na pinahirapan mo ring gago ka. Ang hard mo saken talaga eh!"
"Lagi naman talaga akong hard sayo," I teased. Iba ang iniisip ko. "Ray!" napaigik ako nang kurotin niya ako sa tagiliran. Na gets niya talaga eh. "Naman! Ano bang sinabi ko?"
"'Yang bibig mo Crosoft, ha?" natatawa niyang duro saken.
"Eh ano," hinawakan ko ang kamay niya. "May sinabi ba ako? Ikaw, ha? Iba ang iniisip mo. Anong hard 'yan, ha? 'Yong kanina ba?"
"Eii! Baliw! Di kaya! Ikaw, ha?!"
"Kunwari ka pa eh, 'yong kanina nga 'yon."
"Hindi nga sabi! Ay ang kulit!"
Tawanan na lang kami ng tawanan. Harutan nang harutan. Hay! Nakaka-miss din 'tong mga moments namin na ganito ni Cam.
Nang mapagod pareho kaming natahimik. Hawak ko parin ang kamay niya habang nakaunan siya sa dibdib ko.
"May sasabihin ako," basag niya.
"Ano?"
"Pasalamat ka't 'di kita pinigilan nang gabing 'yon. Dahil kung pinigilan kita tiyak wala tayong Danah ngayon."
Natawa ako. "Gusto mo rin eh."
She chuckled. "Aba'y may balak akong pikutin ka talaga kaso 'di kaya ng konsensiya ko kaya hayun nanahimik ako habang nagpapakasaya ka sa buhay mo." She suddenly sighed. "Pero, aaminin ko sayo. Nasaktan talaga ako noon sa ginawa mo."
Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya. "I'm sorry,"
"Pero, nagpapasalamat ako dahil sa huli. Binigay ka parin saken ng Diyos kahit suntok sa buwan ang hinihiling ko sa kanya."
"MTB talaga tayo,"
"Huh?" inangat niya ang tingin saken.
Natawa ako sabay halik sa nakakunot niyang noo. "Sabi ko MTB tayo. Mean To Be."
Natawa siya. "Baliw! Ikaw talaga, ang dami-dami mong alam na kachurbahan."
"Ako pa! 143 kaya kita. At saka nakahiga tayong otso."
"Nakahigang otso?"
"Infinite," tawa ko.
"Ewan ko sayo! Haha!"
"Hay naku! Mahal na mahal talaga kita Cambria Velasco D'cruze. Kaya nga nagsi-selos agad ako. Haba kasi ng buhok mo. Habulin ka ng mga lalaking may masasamang balak lagi."
"Baliw! Maganda ako. Kaya nga nainlove ka saken eh."
"Oo na! Oo na! Maganda ka na aking reyna."
"Salamat, 143 din kita mahal ko. OTP tayo."
"Ano naman 'yang OTP?"
"One True Pair!"
"Ay baliw! Korney mo Cam, ha!" natawa ako. Pinupog ko naman siya ng halik sa mukha. Pinanggigilan lang. "Ikaw talaga!"
"Ay Crosoft! Tama na 'yan haha!"
"Bahala ka! Di kita patutulugin ngayon."
"Oy! Inaantok na ako."
"Ako hindi, magdusa ka haha!"
"Gago!"
"HINDI mo naman ako kailangang samahan Crosoft. Hahanapin ko lang si Alt. Hintayin mo na lang ako sa lobby."
"Ano namang gagawin ko sa lobby? Ok na ako. Samahan na kita. May kailangan din akong sabihin kay bestfriend."
Kumunot-noo ni Cam. "Bestfriend? Wow! Kailan pa kayo naging BFFs?"
"Hmm, since birth?" inakbayan ko siya at nagsimula na kaming maglakad sa hallway. "Close kami ni Alt. Ngayon lang namin na realized 'yon."
"Tsk, nahuhuli na talaga ako sa mga balita."
I chuckled. "Anyway, na saan na ba si Alt?" pag-iiba ko.
"Nasa Hugot Serye Studio."
"Hugot Serye? Teka nga, 'diba kasali sa cast ng TV series na 'yon si Chrome?"
"Kaya nga! Eh baka, ano namang gawin mo doon –"
"Hey, 'di ako palengkero. Civilized human being ako. I can handle him." Ngumisi ako. Pero sa isip ko. Pigilan n'yo ko at masusuntok ko ang gagong 'yon. "Hawakan mo lang ako mamamaya. Karey na 'yon."
"Crosoft!"
"Joke! Mahal kita Cam."
"Baliw," natawa lang siya saken sabay kurot ng pisngi ko. "Cute mo talaga mahal!"
I winked at her.
Pagdating namin sa studio kung saan naka set up ang isang mini barangay ay mukhang nagkakagulo pa. Rinig na rinig namin ang boses ni Alt. Mukhang highblood ang lolo ngayon.
Nag-excuse kami ni Cam hanggang sa makapunta sa harap. Hayon at ka face to face ni Alt si Chrome.
"Huwag kang gago!" nagulat ako sa binitiwang linya ni Alt kay Chrome. Napangsinghap naman ang lahat ng dagdagan 'yon ni Alt ng suntok sa panga. Awts! Mukhang malakas yata dahil halata sa mukha ni Chrome. "Hindi ako nagparaya para lang sirain mo ang relasyon nilang dalawa! Kabanas ka rin eh! Di ikaw na lang maging martyr? Sige nga! Sige nga! Magparaya ka?! Masakit sa puso ang maging martyr. Mahirap maghanap ng bagong love life!"
"A-Anong nangyayari? Bakit may ganyan?" nagpa-panic na tanong saken ni Cam.
Speechless ako. Humuhugot si Alt? Wow!
"Crosoft!"
Natawa ako. Baliw! Proud bestfriend!
"Bakit walang nagri-react?" tanong ulit ni Cam.
Kasi he deserved it? HAHA, evil laugh.
"Okay Cut!" sigaw ni Alt. "Break muna tayo! Chrome," itinuro ni Alt si Chrome. "Ayusin mo ang acting mo. Dapat ganoon! Balikan kita mamaya. Mag-practice ka!"
"O-Opo, Direk, pasensiya na."
"Mag-break ka muna,"
"Salamat Direk,"
Ay acting lang pala? Sayang, akala ko totohanan na.
Mabilis naman na nakita kami ni Alt at lumapit siya samen ni Cam. Nakangiti na ang loko. Halatang sinadya ang eksena kanina. Mabilis na inakbayan ko si Alt.
"Hoy, ano 'yon?"
"Gago!" inalis niya ang kamay ko. Pabalya pa 'yon ha. Yumakap na lang ako kay Cam. "Bagay lang 'yon sa kanya. Sinadya ko talagang isulat na ganoon ang episode para sa Sabado para effortless ang acting. Gago role para sa isang gago."
"Alt," sita ni Cam. "Masyado kang –"
"Oh, ano? Ipagtatanggol mo pa 'yon? Eh sinisira niya kayo ni Crosoft?"
"Nah, hayaan mo na 'yon. Okay na ako sa suntok mo na 'yon." Nag-thumbs up si Cam sabay ngisi. "Maasahan ka talaga lagi."
"Ikaw pa,"
"Nagsi-selos ako," sabi ko.
"Kanino? Saken o kay Bria?" ni Alt.
"Ay hindi, naiiyak ako dahip OTP mo pala kami bestfriend." Niyakap ko si Alt para lang ulit balyahin. Kay Cam na lang ulit ako yumakap. "Ay ang evil mo saken, ha!"
"Tumahimik ka Crosoft!" Alt glared at me.
"Peace!" nag-peace sign ako sabay ayos ng tayo.
"Anyway, okay na 'yong isang TV series mo Bria. Okay lang saken mag-collab tayo doon. Mukhang masaya ang horror-comedy-romance story na naisip mo para sa Linggo."
"Talaga?"
"Oo naman! Ang tibay talaga ng utak mo kapag horror."
"Ako nag-suggest nun," singit ko.
"Thanks, excited na ako." Cam clasped her hands in excitement. "Next month na 'yon, diba?"
"Yup, pero pwede pa 'yong ma change. It depends."
Okay, back to you Crosoft!
"Okay lang din, I still have to finish a lot of things."
"HELLO! I exist!" singit ko ulit.
"I agree, and besides naghahanap pa sila ng bagong faces for the series. Pero mukhang may idea na ako kung sino."
"Ako rin,"
"Ay ewan ko sa inyo!"
Walk out ako – sana! Pero nakita ko si Scroll. Anong ginagawa ng 'sang 'yan dito? Naintriga ako kaya sinundan ko lang siya ng tingin. Naka all black pa siya. Papunta siya sa side nila Chrome.
Pinag-krus ko ang mga kamay. Hindi ko alam na ninja pala 'tong make-up artist ko. At nang iwan ng mga kasamahan si Chrome ay bigla na lang itong sinugod ni Scroll. Natawa ako. May dala pa talagang walis si Scroll. Tama ako, baliw talaga si Scroll. Nakakaaliw! Nagkakagulo na sa set.
"Pigilan nyo ang babaeng yan!" sigaw ni Alt.
"Buset ka! Palakero! Shokoy! Feeling gwapo! Sinaktan mo sila Etherna! Zea! Opra! OTP ko pa naman kayo ni Zea pero walangya ka pinagpalit mo kay Opra! Ang kulot na 'yon!!!"
Tawa lang ako nang tawa.
"Hey! Stop it! Ano ba?! Sino ka ba?"
"Sino ako?! Ako ang babae sa balete drive!!"
"Hoy baliw!" inisang hila lang ni Alt si Scroll na para bang ang gaan-gaan ng babae. Pinipigilan si Scroll na manakit pa. "Umalis ka dito!"
"Hindi ako aalis hanggat hindi ko naipaghihiganti si Zea!!"
"Sa ibang istasyon 'yong Zea mo!"
"Wala akong paki! Papatayin ko 'yang gagong 'yan! Isinusumpa ko sa puntod ng mga ninuno ni Kokey na 'di na kailanman tatayo ang okra ng lalaking 'yan!!"
Tama na nga, natatawa na talaga ako. Binalikan ko na si Cam at iginiya palabas ng studio. Pigil ang ngiti.
"Crosoft, si Scroll ba 'yon?"
I shrugged. "Baka,"
"Anong ginagawa niya? Bakit niya winawalis si Chrome?"
"Aba'y malay ko? Baka sweeper siya?"
"Baliw!" pinalo ako sa balikat ni Cam. Natawa lang din siya. "Iba din trip niya, ha? Tiyak akong wawalisin din 'yon ni Alt mamaya."
"Okay lang 'yon," inakbayan ko si Cam. "Para magka-moments din sila."
"Wait! Huwag mong sabihing –"
"Yup, binubugaw ko silang dalawa sa isa't isa."
"Baliw ka! Haha!"
"I know,"
Bigla namang tumigil si Cam. Mabilis na natutop niya ang bibig. Napahawak naman ako sa magkabilang balikat niya.
"Cam? Are you okay, honey?"
Pero mukhang maduduwal yata siya. Napahawak siya sa tiyan niya habang pinipigilan ang maduwal. Tinignan ako ni Cam sa mga mata. Parang alam ko na ang ibig sabihin nito.
"Kagabi pa nga 'yon, nagbunga agad?"
"Crosoft!"
And so finally CamSoft happened to me at heto nga nakapa-UD! Haha! Grabeh, kahit inaantok ako sige, pinush ko talaga na makapag-update. All for the love of Camsoft! But don't worry Camsofters, may isa pa akong chap for Crosoft's biggest surprise. I'm not sure kung kailan ko siya mai-po-post 'cause I will be busy for the coming days at gahaman ako sa tulog these days. I'm excited to read all your comments. I missed the long comments you have before but it's okay. Love! Love! Love! Tawa lang ako nang tawa habang sinusulat 'to! Hope yah enjoy! Thankie!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro