Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SP: Crosoft's Confession (Part 24)


"HAHA! Baliw talaga 'tong si Scroll!" ang sakit na ng tiyan ko sa kakatawa habang inisa-isa ang mga instagram post ni Scroll. Baliw talaga 'tong make up artist-cum-fashion assistant ko. Nakikiuso sa mga beauty transformation. Wala talagang originality, inferness at kabog na kabog niya naman.

"Pwede ba Crosoft kung wala ka din naman palang gagawin dito lumayas ka sa studio ko."

"Alt, tignan mo 'to. Promise nakakatawa." Hindi ko siya pinansin. Instead, tumayo ako para ipakita kay Alt ang pictures ni Scroll kahit busy na busy siya sa pagtingin sa mga screen sa harap niya. "Baliw siya, diba?" tawang-tawa parin ako.

"Oo, kagaya mo." Pabalang na sagot niya saken without looking at the photos. "Crosoft, bukod sa paglulungga mo dito wala ka bang balak magtrabaho o puntahan si Bria?"

"Nah, okay lang 'yon. Nag-usap naman kami kanina. Busy daw siya."

"Busy?" kumunot ang noo ni Alt. "So wala ka lang gagawin? Tutunga-nga ka lang?"

"Busy nga, diba? Kapag pinuntahan ko 'yon tutunga parin ako. Baka magalit pa 'yon. Anyway, may photoshoot naman ako mamaya kaya magiging busy parin ako."

"So, you're back?"

"What do you mean?"

"You're back. Busy ka na ulit. Tumatanggap ka na ulit ng trabaho."

"Ah," I chuckled. "Yup, Crosoft's back."

"Anyway, I'm done with your video. To be honest, muntik na akong masuka sa kao-ehan mong gago ka."

"Ganun ba? Sige, itago mo muna. Medyo nagkaproblema din ako sa venue. Mag-iisip muna ako."

"So 'di mo na gagamitin?"

"Hmm, parang oo, parang hindi, I don't know." I shrugged. "As of now, medyo tinatamad na rin akong ituloy ang nauna kong plano. Baka simpleng dinner na lang ang ihanda ko. Okay na 'yon."

"You serious?!" hindi makapaniwalang baling niya saken.

Inangat ko ang tingin kay Alt. "May masama ba? At saka, busy si Cam. Busy rin ako. A simple dinner would do."

"Ewan ko sayo, bahala ka sa buhay mo."



BINUHOS ko ang oras sa pagtatrabaho pero hindi ko parin kinakalimutan ang oras ng pagsundo ko kay Danah. Mapapatay ako ng anak kong 'yon sa sermon. Nasa school na niya ako at hinihintay ko na lang siya sa parking lot ng school nila.

Habang naghihintay kay Danah hindi ko naman mapigilan na i-stalk ang IG post ni Chrome. May bagong post pa ang walangya. Kasama na naman niya si Cam sa post niya. Nakakaasar! Lahat na lang ng post niya kasama si Cam. May pabebe pang caption. Lechee! Magsama kayo.

Marahas na ibinato ko ang cell phone sa back seat.

"Masama na naman ang mood mo, Daddy."

Nagulantang ako sa nag-salita. Pagtingin ko sa tabi ay nakaupo na si Danah sa passenger seat at isinasarado na ang seatbelt niya.

"Anak naman, nakakagulat ka naman."

"Malamang, busy ka po."

Hinalikan ko muna sa noo ang anak bago pinaandar ang sasakyan.

"How's school?" masiglang tanong ko.

"As usual," she sighed.

Kumunot naman ang noo ko as I glance at her. "Drive thru tayo?"

"I just wanna go home, Daddy." Sinipat ko ang noo niya. "Wala akong lagnat Daddy."

"Pero bakit mukha kang nalantang okra diyan."

"Daddy?"

"Hmm?"

"'Yong surprise natin kay Mommy, tuloy pa po ba?"

"Ah, 'yon? We'll have a simple dinner na lang baby."

"So hindi na po tuloy 'yon? Sayang naman po, pinaghirapan po natin 'yon eh." Nalungkot ang mukha ni Danah.

Mapait na ngumiti siya sa anak. "Pasensiya na, anak, busy kasi si Daddy."

"Pero kahit na, hindi naman dahilan 'yon." Mahinang bulong niya. "Busy din naman ako sa school eh. Bakit kaya ko naman?"

"Anak, iba ang school sa work namin ng Mommy mo."

"It's all the same lang naman eh. Ayaw n'yo lang talaga."

Napatingin ako kay Danah. Diretso ang tingin niya sa labas. Nakasimangot. Napabuntong-hininga ako habang ibinabalik ang atensyon sa daan.




KINAGABIHAN tahimik lang akong nakaupo sa mesa sa kusina. Ni hindi ko ginagalaw ang ice cream na kinuha ko sa ref. Nakatulala lang ako sa kawalan. Ni wala akong mahapuhap na emosyon sa sarili. Alam kong galit ako at disappointed sa mga nangyayari pero wala akong makapang emosyon sa sarili ko. Gusto ko lang maging tahimik at hayaan na lang ang dapat mangyari.

Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ang tunog ng kotse sa labas. Hindi ako tumayo, nanatili lang ako sa kinauupuan ko hanggang sa marinig ko ang pagbukas ng gate at ng pinto ng bahay.

Seryoso lang ang mukha ko.

Bumukas ang ilaw sa kusina. Marahas na ibinagsak ni Cam ang dala niyang bag sa harap ko. Naingat ko ang tingin sa mukha niya. Bakas ang inis sa mukha ni Cam.

"Ano bang nangyayari sayo Crosoft?!" diretso niyang tanong. "Hindi na kita maintindihan?" Marahas na naisuklay niya ang mga daliri sa buhok.

"Nandito ka na pala?" casual ko lang na sagot.

"'Yan lang ba ang itatanong mo saken? Crosoft, paulit-ulit akong tumatawag sayo kanina pero hindi mo sinasagot. Naman, Crosoft!"

"Lowbat ako, at saka lumabas kami ng mga bata kanina. 'Di ko na pansin."

"Crosoft ano ba?! Hindi mo ba talaga ako kakausapin ng matino? Ano ba kasing problema mo? Si Chrome na naman ba? Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na -"

Tumayo ako. "Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na hindi ko na pansin? Hindi mo ba magawang umuwi mag-isa? Cambria naman, hindi lang ikaw ang may trabaho sa mundong 'to. Matutulog na ako." Tinalikuran ko na siya at umaykat sa taas.

Mabilis na nasundan niya ako sa kwarto.

"Crosoft!" hinawakan niya ang isang braso ko. "Ano ba? Huwag ka namang ganito oh. Mag-usap tayo." Inalis ko ang kamay niya sa braso ko.

"Pagod ako Cambria."

"Fine! Pagod ka! Sige! Ganyan ka naman lagi eh! Laging ang sarili mo lang ang iniisip mo! Hindi mo iniisip ang mararamdaman ko! Nakapaka-unfair mo lagi!"

Marahas na isinarado niya ang pinto pagkalabas. Mabilis nahilamos ko ang kamay sa mukha. Damn it! Why won't you let this pass, Crosoft?!




NATAGPUAN ko ang sarili na palakad-lakad sa isang park malapit lang sa bahay. Wala ng tao sa park dahil hating gabi na rin. Kinana sinilip ko si Cam sa kwarto nila Danah at Font na tahimik na umiiyak. Gusto ko siyang lapitan at yakapin pero hindi ko magawa. Pesteng pride naman talaga! Hindi ko alam kung bakit 'di ko magawang palagpasin ang ginawang pagsisinungaling saken ni Cam. Alam kung mali 'tong pagtitiis ko sa kanya pero ang hirap. Ang hirap talaga!

Ibinuka ko ang kamay at mula doon tinignan ko ang sing-sing. Napabuntong-hininga ako. Ibinalik ko ang sing-sing sa bulsa. I need time. I need to clear my mind. Iniisip ko na kapag binigyan ko muna si Cam ng space of her own magiging madali saken na tanggapin ang lahat. Ganito ako, the more I pretended I'm okay, the more I get mad. It sucks! Kung tutuosin pwede ko naman siyang prangkahin pero 'di ko din magawa dahil alam kong lala lang ang lahat.

Simpleng bagay pinapalaki ko. Tama si Cam, lagi na lang ang sarili ko ang iniisip ko. Lagi kong iniisip na ako ang nasasaktan... na ako ang biktima pero 'di ko naisip kung nasasaktan ko na rin ba siya o nagiging unfair na ako sa kanya.

Shet naman oh! Bakit ba sobrang gago ko?




TAHIMIK ang mga sumunod na araw. Walang pansinan. Walang ngitian. Parang hindi magkakilala. Simpleng tango lang. Habang palapit nang palapit ang anniversary namin ni Cam, palabo nang palabo naman ang sa amin ni Cam.

"'Ray!" mabilis na nilingon ko si Cam. Hawak niya ang isang diliri na dumudugo. Mabilis na nilapitan ko siya at iginiya sa lababo para hugasan ang sugat niya.

"Hindi ka talaga nag-iingat," sabi ko.

"Ako na," binawi niya ang kamay mula saken. "Hindi ko naman kailangan ang tulong mo." Ilang segundo ko siyang tinignan. Pero mabilis naman niyang iniwas ang tingin at tinalikuran ako. "Tatlong araw akong mawawala. Sa Sagada ang location ng shooting namin. Pwede mong iwan sila Danah at Font kina Papa muna kung busy ka."

Kinapa ko ang sing-sing sa pantalon ko.

Ilang beses ko rin pinag-isipan na ibaba ang pride ko. Mahirap, peste ang hirap talaga. Pero alam ko 'to ang tama. Hindi makakatulong ang pride sa pag-aayos namin ni Cam. Madami na kaming pinagdanaan na dalawa. Minsan na akong muntik na sumuko pero ni minsan 'di ako sinukuan ni Cam.

I should do the same.

Peste naman talaga! Mura ako ng mura dito pero walangya talaga! Mahal na mahal ko talaga ang gagang 'to!

"Baka nakakaabala sila sa trabaho mo."

"Kailan pa naging abala saken ang mga anak natin?"

Humarang ako sa harap ni Cam. Hinuli ko ang tingin niya.

"Oo nga pala, muntik ko ng makalimutan." Kinuha ko ang sing-sing sa bulsa at pilit na pinahawak kay Cam ang sing-sing. Gulat na naingat niya ang tingin saken. "Hindi mo naman kailangang magsinungaling saken. Suotin mo 'yan. Ayaw kung isipin ng ibang tao na may problema tayo." Ako na mismo ang nagsuot ng sing-sing sa daliri niya. "Asawa parin kita. At akin ka lang."

"Crosoft?"

"Mag-iingat ka doon."

'Yon lang at tinalikuran ko na si Cam. God knows how much I wanted to kiss her pero pinigilan ko ang sarili. Saka na kapag naka move on na ako sa selos ko.

"Crosoft! P-Paano – Sinong nagbigay nito sayo?"

"Just someone,"




"I-DIRECT mo ang gagawin kong anniversary."

"Nababaliw ka na ba? Akala ko ba 'di mo na itutuloy?"

"Nagbago isip ko. Mahal ko ang asawa ko at wala akong pakialam sa letseng Chrome na 'yan. Hindi ako ipagpapalit ng Cam ko sa panis na kanin. Ako ang bagong saing niya at mas masarap ako dun sa NFA na 'yon."

"Haha," natawa si Alt sa kabilang linya. "Gago! May trabaho ako. Hindi teleserye ang anniversary n'yo. Busy ako."

"Hindi ka busy, alam ko dahil may balak kang mag leave."

"Paano mo nalaman?!"

"Hindi na importante 'yon. Basta, gawin mo 'yong plano ko bago ka umalis. Tsika mo saken kapag nagkita tayo ang rason ng pag-leave mo. Hindi ako papayag na umalis ka ng 'di tsumisika."

"Baliw! Akin na lang 'yon."

"Sige, tsika mo kay Scroll."

"Alam ba ni Scroll na binubugaw mo siya saken?"

"Hindi, pero mamaya sasabihin ko. Tulala kasi eh." I glanced at Scroll. "Mukhang 'di ako naririnig. Sarado ang tainga."

"Aish, whatever. I'll call you later. May prescon pa ako. Bye!"

"Bye!"

End Call.

"Hoy Scroll!" tawag niya sa make up artist niyang tulala na naman sa isang tabi. "Tanggalin mo na 'tong nilagay mo sa mukha ko at aalis na ako."

"Mamaya na kuya, wala pa ako sa mood."

"Wala akong paki. Aalis na ako."

Scroll glared at me. "Kuya Crosoft naman, sandali lang. Masakit pa ang puso ko."

"Pa doctor ka, papalitan mo puso mo."

"Hmp! Para namang, 'di mo rin 'to pinagdaanan."

"Ang alin?" I posted my latest tweet. Saying, I love my wife so much! And in instant ang dami agad nag-like at nag-retweet. I posted another picture of us – kaming pamilya sa IG ko. It was taken before the Chrome thing, 'di ko lang na post dahil 'di naman ako laging nagpo-post.

"'Yong ex ko, na sinabing hihintayin ako hanggang sa kaya ko na ulit siyang mahalin ulit hayun at may girlfriend na. Hmmp! May pahintay-hintay pa siya tapos susuko rin pala."

"Oh ba't naiinis ka pa? Kasalanan mo naman dahil 'di mo pinapansin 'yon."

"Ewan ko, 'di ko alam. Nasasaktan lang ako. Hindi ko alam kung bakit affected much ako. Tapos 'yong si Hift naman na crush na crush ko mukhang may gusto doon sa sikat na author sa kabilang pub. Nasasaktan ako ng sobra kasi alam mo naman na gusto ko siya, diba?"

"Gusto mo nga, pero 'di ka naman nagpapakilala. Lagi mo 'yong nasasalubong dito pero 'di ka rin nagha-hi. Ewan ko sayo Scroll. Mas pabebe ka pa saken."

"Mukhang tatanda ka na yatang dalaga, Scroll." Segunda naman ng manager ko na kinatawa namin. "Okay lang 'yan, baka wala pang tamang panahon."

"Eh naman kasi, ano namang sasabihin ko kay Hift? Eh ni isa sa mga libro niya 'di ko pa nababasa? I'm not even a fan pero gustong-gusto ko siya. Parang ang weird lang, diba?"

"Mag-move on ka na, may ipapakilala ako sayo."

Kumunot noo ni Scroll. "Sino?"

"Kaibigan ko," I chuckled.

"Gwapo ba?"

"Mayaman."

"Gwapo ba?"

"Matangkad."

"Gwapo ba?"

"Director!"

"Eh, kuya naman, gwapo ba?"

"Masarap," I winked at her.

"Eh! Ano ba 'yan. Baka hopia na naman ako diyan. At saka, wala pa akong nakikitang gwapong director dito, noh!"

"Meron, 'di nga lang lumalabas."

"Saan nga?"

"Nasa lungga niya. Mamaya, ibubugaw kita."

Inirapan lang ako ni Scroll habang tawa naman ng tawa ang manager ko. Natawa rin ako. Bumalik na sigla ko. Ayaw ko ng isipin ang mga negatibong bagay. Simula ngayon, hindi na ako magri-react agad-agad.

Kumain ka na ba? – Crosoft

Hndi pa, kaw? – Cam

I miss you already, uwi ka na mahal – Crosoft

OA nto! Uuwi aq bukas – Cam

I missed you too – Cam

Napangiti ako.

Sundiin na kta dyan, bukas. –Crosoft

Hwag na, mhrap ang daan. Nkktakot prmis! Hntyin mo nlng aq sa bhay. Ang mga bata, kmusta? – Cam

They're ok, lalabas kami mmya. Ok, hntyin nlng kta. Hwag kang mgphatid ky Chrome uupakan ko yan hahaha joowk! – Crosoft

Haha, baliw! Oo, I love you. –Cam

3+5+4+4 –Crosoft

Ano nnman yan oy! –Cam

Mas Mahal Kita Gaga! –Crosoft

Haha, Gago ka talaga! –Cam




"BABY naman, kausapin mo na si Daddy," pakiusap ko kay Danah habang karga-karga si Font. Papasok na kami sa isang mall kung saan gusto nilang pasyalan. May isang playhouse doon na gusto nilang subukan.

"Ayaw ko, kasi bad ka."

"Baby alam ko naman 'yon pero okay na kami ng Mommy mo. Pag-uwi niya, hahalikan ko siya hanggang umaga. Mahal ko ang Mommy mo."

"Di ako naniniwala," she pouted her lips.

Hay naku ang batang 'to, manang-mana talaga saken.

"Maniwala ka, kung gusto mo tawagan mo pa Mommy mo. Okay na kami, nag-sorry na ako sa kanya." Natigilan naman ako. Langya! Hindi pa pala ako nakakapag-sorry sa kanya. Okay lang 'yon, di naman 'yon malalaman ni Danah. "Promise!"

"Hmp! Maniwala ako."

"Sorry na nga, 'di ko na aawayin ang Mommy mo. Promise 'yan ni Daddy."

"Promise?"

I nodded. "Promise," I bent down and did a pinky promise with her. Niyakap niya ako pagkatapos. "Promise mo 'yan ha! Ayaw ko kasi nag-aaway kayo. Nakakainis!"

"Me too, baby."

"Mommy loves you so much Daddy."

"I know,"

Alam kong mahal na mahal ako ng Mommy n'yo and I should love her the same. It's the right thing to do and because she deserved it.

"We love you so much too, Daddy. Libre mo kami Jollibee mamaya, ha?" she giggled. Natawa naman ako.

"Aysus! Sabi ko na nga ba." I messed her hair.




Nakakaiyak 'yong isang araw lang ang weekend tapos ang dami pang gagawin. Nakakaloka talaga! But I do hope you like this chapter! I've read all your comments and I'll update soon. I'll read your comments later. Ito lang muna sa ngayon, medyo OA din 'tong si Crosoft, but it's how he is and its the Crosoft we know. Thank you for always supporting Crosoft's side and for loving him more. For all the CamSofters here! Kaway-kaway!! I love you guys! You are the best! Let us all spread Camsoft! Mwaaah! Uber-uber ang suporta nyo sa kanila. <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro