Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SP: Crosoft's Confession (Part 23)


"BABE, your ring."

Nagpanting agad ang tainga ko sa narinig. Anak ng baka! Sa lahat ng maabutan ko 'to pang nilalandi ang asawa ko ng kung sinong lalaki. At hindi lang kung sinong lalaki dahil kilalang-kilala ko ang walangya. Si Chrome! Ang bidang lalaki sa love story na dini-direct ni Cam.

Hindi ko personal na kilala ang lalaki pero alam ko na ang likaw ng bituka niya at ang maabutan pang nilalandi ang asawa ko ay nakaka-bad vibes lang talaga sa bunbunan. Langya! I was supposed to surprised Cam pero ako pa na ang surprise. Peste!

Humigpit ang pagkakahawak ko sa paper bag na dala at taas noong lumapit sa kanila.

"Baliw! Tigilan mo ko Chrome. Ang dami mong take ngayon!" natatawang duro ni Cam sa lalaki. "Lutang ka ngayon ah."

"Eh, ang ganda kasi ngayon ni Direk."

Langya! Ano daw? Ulitin mo pa 'yan at uupakan ko na 'to!

"Bola mo masyado! Ang sabihin mo ayaw mo lang mapagalitan ko."

"Oy, 'di ah. Totoo 'yon." He held his hand up. "Promise," sabay ngiti.

"Ahem," I cleared my throat.

Sabay silang napatingin saken.

"Crosoft?!" gulat na sigaw ni Cam. Lahat tuloy napako ang tingin samen. "B-Bakit nandito ka?"

"Oy si Crosoft!"

"Hala! Si Crosoft nga!"

"Ayiee! Ang swerte naman ni Direk! Ang gwapo-gwapo ng asawa."

"Kaiinggit!"

Naka disguise ako kanina para lang 'di mahalata. Kaya nga surprise kasi effort din. Pero kung kanina ay excited pa ako ngayon gusto ko na lang magdabog sa asar. Bakit ganito reaction ni Cam? Parang 'di pa masaya?

Nalipat ko ang tingin kay Chrome. Wala akong paki kahit gwapo pa siya. Lahat ng mga alien na nilalandi ang Cam ko nilalata ko para mawala na sa paningin ko. At asar na asar ako ngayon. Makakapatay ako ng siomai dahil e-overheat ko siya sa steamer!

Kunwari 'di ako apektado.

Inalis ko ang suot na cup at inilipat 'yon sa ulo ni Cam.

"Hi," ang tingin na kay Chrome. "Did I disturbed something?"

"Ah, no, we're just talking." Nakangiting sagot niya. "Anyway, mukhang may surprise visit sayo si Crosoft." Baling niya kay Cam. "Well, mauna na muna ako. Medyo gutom na rin ako."

"Mabuti pa, magpahinga ka muna."

"Like what I said. Be back later, Cam –" ano daw?! "I mean, direk." Masasakal ko na 'to! Pigilan n'yo ko! Sa akin naman ito tumingin. Huwag mo akong tignan ng ganyan at 'di ako nasisiyahan sayo! "Oh, and nice to finally meet you Crosoft. I've heard a lot of things about you."

Wala akong paki!

Tango lang ibinigay ko sa kanya. 'Yon lang at umalis na siya papunta sa sariling tent niya. Pagtingin ko kay Cam hindi parin mawala ang ngiti niya. Seryoso ang mukha ko. Sa totoo lang, gusto ko na lang mag-walk out at maglasing pero masyado 'yong OA.

"What was that for?" basag ko.

"Wala, nag-uusap lang kami ni Chrome."

"Bakit tinawag ka niyang Babe?"

"Wala 'yon, that was just a scene from earlier –"

"Bakit ikaw ba ang ka love team niya?"

"Crosoft!" matalim ang tingin saken ni Cam.

"Tinawag ka pa niyang Cam." Kabwesit!

"Oh, ano naman? People call me Cam."

"FYI, ako lang ang tumatawag sayo ng Cam."

Natahimik si Cam bigla. Bwesit! Huwag mong sabihing kinalimutan niya rin 'yon. Kaasar!

"Cro-"

"Anyway, ito," inabot ko sa kanya ang paper bag. "Inihatid ko lang 'to." Nalipat ang tingin ni Cam sa paper pag kong dala at sa mukha ko. "'Yong omurice na hinihingi mo pa saken noong isang linggo. Pasensiya na, ngayon ko lang nagawa dahil sa sobrang hectic ng schedule ko."

"Crosoft?"

"Mainit pa 'yan, kaya kainin mo na." Hinalikan ko siya sa noo. "Mauuna na ako. Susunduin ko pa si Danah." Tinalikuran ko na si Cam.

"Crosoft, ala una pa lang, alas kuatro pa lalabas si Danah."

"Okay lang, sanay naman akong maghintay mag-isa."

Bagsak ang mga balikat na bumalik ako sa parking lot. Sobrang bigat lang talaga ng nararamdaman ko. Kilala ko naman si Cam. Alam ko naman na hindi niya ako lolokohin pero hindi ko parin maiwasang matakot. Oo, nagsi-selos ako. Nagagalit ako dahil masyado silang sweet sa isa't isa. Tinatawag pa siyang Cam. At nakakapag-kulitan sila ng ganoon.

Akmang bubuksan ko na ang pinto ng sasakyan nang may tumapik sa likod ko. Paglingon ko ganoon na lang ang gulat ko nang halikan ako ni Cam sa mga labi. Sa sobrang bilis 'di agad ako nakapag-react.

"Gago ka talaga! Alam kong masama na naman ang timpla mo."

"Hindi ako kape, huwag kang mag-assume."

Natawa siya. "Alam mo Crosoft, masyado ka talagang pabebe." Inabot ni Cam ang pisngi ko at hinaplos 'yon. "Salamat sa lunch box mo. Na miss ko din 'to."

Napangiti na ako. "Ikaw ang nami-miss ko –aww!" napangiwi ako nang marahas niyang tampalin ang pisngi ko. Kahit kailan talaga brutal ang 'sang 'to. "Cambria Velasco!"

"Cambria D'cruze!" pagtatama niya. Lalo lang tuloy lumapad ang ngiti ko. Kilig ako haha! "Crosoft, huwag kang OA. Kaibigan ko lang si Chrome. Ka-trabaho. Alam mo naman na 'yon, diba?"

"Eh, ang dami ng girlfriend nun sa kabilang network." Napasimangot ako. "Kaya nga siguro lumipat 'yan dito para takasan ang mga ex niya doon sa kabila."

"Aysus! Kita mo 'to?" ipinakita niya saken ang isang kamay niya. Kumunot naman ang noo ko dahil iba ang suot niyang sing-sing.

"Asaan ang sing-sing mo?"

"Huh?" kunot-noong tinignan niya ang suot na sing-sing. "Oh God!" singhap niya. "Shuks! Shuks! Ang sing-sing ko!" Bigla na lang akong iniwan ni Cam.

Sabi ko na nga ba!





"KUNG wala ka naman palang balak na kausapin ako bakit gusto mo pang makipag-kape saken." Basag ni Alt.

Napatingin ako sa kanya. Medyo nadi-distract din talaga ako sa mga screens sa harap ko. Pinuntahan ko si Alt sa studio ng noon time show niya para kausapin."Nag-iisip pa ako."

"Sinasayang mo oras ko Crosoft," kalmado niyang sagot habang kalmado ring iniinum ang chocolate drink niya sa tasa. "Nagtatrabaho ako dito pero ginugulo mo ako at para sabihin na maghihiwalay na kayo ni Cam."

"Joke lang 'yon."

"Gago ka parin talaga."

"Minsan lang, anyway."

"Ano nga?"

"'Yong si Chrome, kilala mo ba siya?"

"Wala akong paki sa mga bagong salta. Bakit ba?"

"Naasar ako sa kanya. Nilalandi niya ang asawa ko. Tinatawag niyang Cam at kanina narinig ko pang tawagin niyang babe. Ang sarap pumatay kanina! Tapos, mali pa ang sing-sing na suot ni Cam. 'Yon pang sing-sing na ibinigay ng Chrome na 'yon."

"So nagsi-selos ka?"

"Aba'y oo naman! Asawa ko nilalandi, anong gusto mong gawin ko magpa-OSCARS?"

Natawa si Alt. "This is weird,"

"Ang ano?"

"You used to hate me dahil gusto ko si Cam, now you're telling me all your frustrations to that guy." Napailing-iling si Alt. "I can't believe this." He chuckled.

"Eh wala akong makausap, at saka, alam kong makikinig ka. Pareho naman tayong lalaki. Mas straight ka lang saken ng konti."

"Gago!"

"Pero, 'di nga," I sighed. "Ano bang dapat kung gawin?" Ngayon pa't malapit na ang anniversary namin.

"Crosoft, mahal na mahal ka ni Cam. Aba'y kung tutuosin mas ako pa ang karapatdapat na piliin ni Cam." I glared at him. He just laughed. "Anyway, just trust Bria. At saka, kapag mahal mo ang isang tao dapat mo siyang pagkatiwalaan. Madami na ring bagay ang sumubok sa inyong dalawa. Ngayon ka lang ba magpapa-apekto? Isang tao lang ang kalaban mo huwag mong hayaang sirain nun ang relasyon ninyo ni Cam."

Tama naman si Alt.

Baka masyado lang akong OA.

"At pwede ba," napatingin siya rito. "Huwag kang OA."

Natawa lang ako. Sabi ko nga!





SA mga sumunod na araw mas naging busy pa ako. Inaasikaso ko ang big surprise ko para sa anniversary namin ni Cam. Lagi akong wala sa bahay. Lagi akong puyat at minsan tulog na kapag nauuwi si Cam.

Hindi ko sinabi kay Cam na marami akong pina-clear na schedule sa manager ko. Katulong ko rin naman sa pagbabantay si Danah. Siya ang taga balita kung may nahahalata ang mommy niya sa surprise kong gagawin. At dahil doon nababawasan ang oras ko para kay Cam.

Pero iniisip ko na lang na worth it naman 'to pagkatapos kaya tiis-tiis muna.

At ngayon, na stuck pa ako sa trapik. Naman talaga! Nagka-problema pa kasi doon sa kinausap ko para sa venue ng surprise ko para sa kanya. Medyo na bad trip din talaga ako kaya hinayaan ko na lang ang manager ko na kumausap. May usapan din kasi kami ni Cam na susunduin ko siya sa set.

Panay ang tingin ko sa magkabilang rear view mirror pero pack juice talaga ang hirap sumingit. Asar na nahampas ko ang manibila. Napansin ko rin ang biglang pagdilim ng kalangitan. Mukhang uulan pa yata.

Bigla namang tumunog ang cell phone ko. Mabilis na sinagot ko ang tawag nang makita ang pangalan ni Cam sa screen.

"Cam,"

"Asaan ka na ba?"

"Papunta na ako, medyo traffic lang. Swear, hintayin mo lang ako."

"Uulan na, dalian mo, ha?"

"Oo, dadating ako diyan. I love you."

"I love you too, sige na, hihintayin kita dito. Bye."

End Call.

Marahas na naiyuko ko ang ulo. Na lechee na! Ang layo ko pa.







Dmrtso k nlng s bhay! Ihhtid nlng ako n Chrome –Cam

'Yon ang huling text saken ni Cam kanina. Inabot ako ng halos dalawang oras sa traffic na sinabayan pa ng malakas na ulan. Nang mabasa ko ang text niya hindi ko naman maiwasang mainis. Ang idea palang na magkasama sa iisang sasakyan sila Cam at Chrome ay iba na ang dating sa akin.

Kaya mabilis na pinaharurot ko ang sasakyan pauwi sa bahay.

Pagdating ko sa bahay wala pa si Cam. Lalo lang tuloy nag-init ang ulo ko. Akala ko ba didiretso na sila sa bahay ? Bakit mas nauna pa ako sa kanila? Palakad-lakad ako sa kwarto, panay ang tingin sa orasan na nakasabit sa ding-ding. Bawat lagpas ng oras ay isang taon na para sa akin.

Pack juice asaan na ba kasi sila?

Bigla namang narinig ko ang tunog ng kotse sa labas. Mabilis pa sa kidlat na sumilip ako sa bintana at nakita ko nga sila Cam at Chrome na mukhang masayang-masaya pa.

Mabigat ang paa na bumaba ako ng kwarto at nilabas ang dalawa. Seryoso ang mukha ko nang buksan ko ng gate si Cam. Natahimik naman ang dalawa.

"Sige na Chrome, umuwi ka na. Salamat."

"No worries," binalingan ako ni Chrome. "Mauuna na ako Crosoft. Pasensiya na kung medyo matagal kaming nakauwi ni Cam."

Pero hindi ko siya pinansin. Tinalikuran ko rin silang dalawa at naunang pumasok sa loob. Mainit ang ulo ko kanina pa at dinagdagan pa ng lalaking 'yon.

"Crosoft!"

Hinarap ko si Cam. "Bakit ngayon ka lang?!"

"Niyaya lang ako ni Chrome na kumakain kasama naman namin sila Mer –"

"Kumain kayo sa labas? Ano na lang ang iisipin ng mga tao kapag nakita nila kayo? Cam naman nag-iisip ka ba?!" Hindi ko maiwasang pagtaasan siya ng boses.

Bakas sa mukha ni Cam ang pagkagulat. "Ganoon ba kababa ang tingin mo saken?"

Marahas na napabuntong-hininga ako. "Cam, hindi naman sa ganoon –"

"Crosoft, hindi kami lang dalawa ang kumain. Kasama namin sila Mer at iba pang staffs. Hindi naman sana talaga ako sasama sa kanila pero nakita ako ni Chrome na mag-iisa habang naghihintay sayo. Kaya imbes na magmukhang tanga doon sumama na lang ako. Masaya ka na?"

"Cam," I sighed frustratingly. Sinubukan kong hawakan ang kamay niya pero umiwas siya. Pack juice naman oh!

"Crosoft naman, konting respeto naman." Tinalikuran na ako ni Cam.

Marahas na naisuklay ko ang kamay sa buhok. "Damn it!" I cursed.







KINABUKASAN saktong naabutan ko si Cam sa kusina na naghuhugas. Mula sa likod ay niyakap ko siya. Napasinghap siya sa gulat. Natawa naman ako ng bahagya sabay hilig ng ulo sa balikat niya.

"Tigilan mo ko Crosoft."

"Sorry na," malambing kong bulong. "Sorry na Cam. Medyo mainit lang talaga ang ulo ko kahapon."

Umikot siya paharap saken. Nakasandal na ang likod niya sa sink counter. Annoyed parin ang ekpresyon ng mukha niya. Ako naman, medyo bahagyang napayuko.

"Sorry," ulit ko.

"Crosoft, simula pa lang noong una alam mo naman na mahal na mahal kita. Alam mo 'yan. Ilang beses akong nasaktan. Ilang beses mo akong ginago pero ikaw parin ang pinili ko. Kaya ayokong iniisip mo na ipagpapalit kita kay Chrome. Kasi naiinis din ako."

"Alam ko," inangat ko ang mukha sa kanya.

Hinaplos niya ang mukha ko. "Maligo ka na, ihahatid mo pa kami ni Danah."

Napangiti ako. "Pahalik mo na,"

"Maligo ka muna."

Natawa ako sabay abot ng isang kamay niya para sana halikan pero natigilan ako nang mapansin kong hindi niya suot ang sing-sing niya.

"Nasaan ang sing-sing mo?" kunot-noong tanong ko.

"Ah, eh, hinubad ko muna. Nasa kwarto pa. Muntik na kasing mahulog sa sink ang sing-sing ko nang dumulas 'yon sa kamay ko noong isang araw habang naghuhugas ako." Bigla naman niyang kinuha ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko.

Ayokong magduda. Sabi nga ni Alt, mahal na mahal ako ni Cam. Pati nga si Cam lagi niya 'yong sinasabi saken. At alam ko din sa puso ko na hindi magsisinungaling saken si Cam.

I smiled and gave her a quick kiss on the lips.

"Sige, maliligo na ako." Akmang tatalikuran ko na si Cam nang mag-salita ulit siya.

"Crosoft,"

"Hmm?"

"Pwede bang iwan ko muna ang sing-sing sa bahay?"

"Bakit naman?"

"Medyo complicated kasi ang eksena namin ngayong araw. Baka kung saan ko na naman maitago. Wala pa naman kaming iksaktong lugar ngayon."

"Sige, okay lang."

"Salamat," bigla niya akong niyakap.

Natawa naman ako kaya gumanti ako ng yakap. "Ayokong nag-aaway tayo Cam." Bulong ko sa kanya.

"Ako din, kaya sana," inangat niya ang mukha saken. Niyuko ko naman siya. "Di na tayo mag-away. Nawawalan ako ng gana sa trabaho."

"Ako din,"

Unti-unti ko namang ibinaba ang mukha sa mukha niya hanggang sa maglapat ang mga labi namin. Noong una ay medyo mabagal lang ang paggalaw ng mga labi namin hanggang sa sumuko rin ako sa pabebe kong effect. I kissed her hungrily this time. Hinawakan ko ang mukha niya para pailalimin ang halik hanggang sa mapaungol siya.

Hindi ko mapigilan ang matawa sa gitna ng halik. Pinalo naman ako sa braso ni Cam dahil sa biglaang pagtawa ko. Oh, how I missed this kind of moments. 'Yan tuloy naging mas mapusok ang paghalik namin sa isa't isa. Bahagyang naitulak ko pa siya sa may ref. Napasinghap si Cam.

"Sorry," I said between kisses.

Patuloy parin kami sa paghalik sa isa't isa. Hindi naman halatang uhaw na uhaw sa isa't isa, diba? Ikinuwit ni Cam ang mga braso sa leeg ko at lalo pa akong hinila palapit sa kanya.

Kung ganito ba naman ang lahat ng umaga aba'y magpapa-alarm na ako ng mas maaga.

Natatawang itinulak ako palayo ni Cam. "Hoy Mister, maligo ka na."

"Sabay na lang tayo Misis, mukhang 'di ka pa ligo eh."

Cam raised one eyebrow. "Ikaw, ha?"

"Halika na," bago paman humindi si Cam ay hinila ko na siya paakyat. "May isang oras pa tayo."

"Ikaw talaga,"







KASAMA ko na naman si Alt. Aside sa new found friendship naming dalawa ay katulong ko din siya sa big surprise ko para kay Cam sa anniversary namin. Lagi naman kaming nagsi-celebrate pero simple lang. Pero this time, gusto ko namang maging memorable ang anniversary namin.

Ps, ako lang naman ang nag-declare ng friendship namin.

"Oy Alt, kumusta 'yong pinapagawa ko sayo?"

"Gago ka, sa dami ng pwedeng gamitin 'yong movie maker pa ang pinatulan mo. Imagine me reviewing your videos full of heart and stars transitions? Nakakahiya ka."

Natawa lang ako. "Grabeh ka naman, kaya nga nag-artista ako, diba? Pero, ano, naayos mo na ba?"

"Malapit na, sumasakit ang ulo ko sa edit mo."

"Oy, pero huwag mong kalimutan 'yong video mo, ha? Importante 'yon."

Alt glared at me. "Oo na, hindi mo naman kailangang isampal ng paulit-ulit ang pagkasawi ko sa pag-ibig."

Natawa ako. "Maasahan ka talaga bestfriend."

"Mukha mo Crosoft, lumalapit ka lang kapag may kailangan."

"'Di bale, ipapakilala na lang kita sa kaibigan kong si Scroll."

"Anong sa tingin mo saken, bakla?"

"Hoy, grabeh ka! Hindi bakla si Scroll. Make up artist ko 'yon."

"Eh bakla nga,"

"Hindi nga sabi! Lahat ba ng make up artist, bakla? Babae si Scroll. Full name niya Emari Scroll Catapang. Huwag ka ngang judgmental." Pero ang hudyo ayaw maniwala. Papatayin pa yata ako sa tingin."Gusto mo ng picture?"

"Tumahimik ka na lang,"

"Single pa si Scroll,"

"Shut up!"

"At ready to mingle,"

"Crosoft!"

"Hahaha,"

"Masaya ka yatang gago ka?" pag-iiba niya.

"Wow! Ang hilig mong murahin ako ah. Pero, okay lang 'yan bestfriend. Masaya talaga ako dahil ang sarap ng umaga ko."

"Huwag mo ng i-kwento," tinalikuran na naman niya ako.

Natawa ako. "Ang pait mo talaga minsan eh."

"Tumahimik ka. Ikaw ang may kasalanan ng lahat."

"Kaya nga ibibigay ko na lang ang make up artist ko."

"Umalis ka na nga,"

"Ligawan mo na lang si Scroll para masarap din umaga mo."

"Ipasipa kaya kita sa labas?"

I held my hands up. "Chill lang, 'di na kita tutuksuhin."







NGITING-NGITI pa ako habang naglalakad sa hallway ng BS. Wala lang, feel na feel ko lang ang wallpaper ng cell phone ko. Iba talaga kapag inspired tatay at asawa.

"Crosoft,"

Naiangat ko ang tingin sa tumawag saken. Si Chrome. Nawala ang ngiti ko at ibinalik ko ang cell phone sa bulsa.

"Chrome,"

"Buti nakita kita, I was looking for Direk Cambria pero 'di ko siya makita." Nasundan ko ng tingin ang pagsilid ng kamay niya sa bulsa ng pantalon niya. "Nangako pa naman ako na ibibigay ko 'to sa kanya ngayon. Here," nagulat ako nang iabot niya saken ang sing-sing ni Cambria.

Hindi ako makapaniwala. Paanong napunta kay Chrome ang sing-sing? Mabilis na kinuha ko mula sa kanya ang sing-sing.

"Bakit na sayo 'to?"

"Nagkapalit doon sa set. Magkamukha kasi doon sa sing-sing na props ko. Ngayon ko lang nakita, na misplaced kasi sa bahay. But, anyway, just tell Cam – I mean, Direk na ibinigay ko na lang sayo kasi may lakad pa ako. Okay lang ba?"

"Thanks," 'yon lang ang sagot ko.

I walked past him pagkatapos kong sabihin 'yon. Naikuyom ko ang kamay na may hawak ng sing-sing. Bakit kailangan pang mag-sinungaling saken ni Cam? Hindi ko alam pero hindi ko maiwasang makaramdam ng galit at pagkadismaya. Hindi naman kailangang itago 'yon saken ni Cam. Hindi naman ako magagalit.

Bwesit talaga! Simula nang dumating 'yang Chrome na 'yan nagkandagulo-gulo na ang buhay namin ni Cam.







"TAHIMIK mo naman masyado Crosoft," basag ni Cam.

"May iniisip lang ako." Tipid kong sagot.

"Ganoon ba,"

Nakatalikod ako ng higa sa kanya. Hanggang ngayon, ginugulo parin ako doon sa pagkikita namin ni Chrome. Kung tutuosin maliit na bagay lang naman 'yon. Pwede ko naman 'yon palagpasin. Pero may napapansin talaga akong kakaiba sa Chrome na 'yon. 'Yon talaga ang rason kung bakit 'di ako mapalagay.

Tumagilid ako paharap kay Cam.

"Masama ba pakiramdam mo?" hinaplos niya ang noo ko.

"Cam,"

"Hmm?"

Tinignan ko ang kamay niya. "Bakit 'di mo parin suot ang sing-sing?"

Napansin ko agad ang panic sa mga mata niya. Please lang Cam, huwag ka ng magsinungaling saken.

"Ahm, ano kasi, pinaliitan ko muna. Medyo maluwag na kasi. Natatakot akong mawala. Alam mo naman na importante saken ang sing-sing na 'yon, diba? Kaya, medyo matatagalan pa siguro bago ko ulit 'yon makuha."

That's it!

"Okay,"

You don't need to lie Cam.







So, I'm going to extend for 2 more chapters haha, 'yan na muna for now. I hope you enjoy this chapter, pasensiya na kung masyado ng delayed kasi busy lang talaga ako. But as I said, two more chapters na lang talaga. Abangan na lang natin ang gagawin ni Crosoft kay Chrome at sa future sa namumuong friendship nila Alt at Crosoft! Haha, thank you! Comments? I missed your comments! Mwaah!





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro