Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SP: Crosoft's Confession (Part 21)


BIGLA na lang sumulpot sa unit ko si Cam. Hindi ko na maalala kung anong oras siya dumating. My mind seems to shut down everything. Siguro dahil na rin medyo lasing na ako. I'm still aware of her presence or when she talks 'di ko lang nabibigyan ng masyadong atensyon ang mga sinasabi niya saken.

Gulong-gulo ang isip ko. Gusto kong umiyak. Gusto kong magtapat. Gusto kong magpakatotoo. Pero lecheng buhay 'to bakit ba laging may pumipigil saken? F@ck this! Why can't you straighten your mind Crosoft?!

Naalala ko na naman ang pinag-usapan namin ni Jeymes kahapon.


"What do you want?!"

"Please, just listen to me."

"You already said you love her. Ano pang dapat nating pag-usapan? Sinaktan mo na ako Crosoft! You chose her over me!"

"I didn't chose her okay. Sorry, nabigla lang ako sa sinabi ko sayo. I'm just confused. It's not that easy for me. I just want to clarify my feelings for her. Ayokong pagsisihan ang mga desisyon ko."

"Then what do you want me to do?!Hindi ako Diyos, Crosoft! You know what? You're just making it complicated. You obviously don't love her! C'mon! Huwag ka ngang magbiro."

"Jeymes!"

"You're gay."

"I know! Alam ko 'yon, kaya nga gusto kong malaman ang totoong nararamdaman ko sa kanya. I just need a little time. Mahal kita pero mahal ko rin siya."

"Oh my God, Crosoft!"

"Jeymes please, just give me this chance."

"Oh God! Are you asking me to take you back after you broke up with me so you can just check if you really love her?! What am I to you?! Hindi ako laruan Crosoft na pwede mong balikan kapag nagsawa ka na sa bago. Hindi ako isang bagay na babalikan mo lang kapag 'di ka naging masaya sa bago. Damn you for that!"

"I'm sorry..."

"Sorry? Crosoft sobrang sakit na nang ginagawa mo saken! Iniintindi kita dahil mahal kita! Pinagsasabihan kita dahil ayokong pagsisihan mo lahat pagkatapos. I don't deserved this! You better decide for yourself! At ito lang ang sasabihin ko sayo.Hindi mo ako pwedeng iwan nang basta-basta lang! Naintindihan mo! You better change your mind. Hindi kita basta-basta ibibigay sa kahit sino lang. Lalo na sa Cambria na 'yon!"


"Alam mo ba kung anong masakit kapag nagmahal?" basag ko mayamaya. "Ang pinakamasakit ay 'yong alam mong marami kang masasaktan. Kaya mas gugustuhin mong pigilan ang sarili mong maging masaya." Sobrang nahihirapan ako Cam. Sobra, kung alam mo lang Cam.

"Crosoft?" halos pabulong na niyang tawag saken.

"Bakla ako Cam," binalingan ko siya. "Pero 'di ibig sabihin nun hanggang landi lang ang kaya kong gawin. Hindi ibig sabihin nun 'di na ako marunong magmahal."

"I know,"

"You don't know anything Cam. Hindi mo alam kung gaano naghihirap ang kalooban ko ngayon. May mga bagay ako na 'di ko masabi sayo. Naguguluhan ako. Isang pagkakamali ko lang... alam kong, marami akong masasaktan."

"Bakit 'di mo kayang sabihin sa akin? Akala ko ba magkaibigan tayo?"

"'Cause it will change everything."

Parang dinaganan ng libo-libong bato ang puso ko nang biglang umiyak si Cam. She buried her face on her palms and cried her heart out. Ito ang isang bagay na hindi-hindi ko gustong mangyari. Sobra-sobra na ang sakit na ibinibigay ko kay Cam. Ayaw ko na siyang paasahin o dagdagan pa ang mga bagay na magdadala lang ng kalungkutan sa kanya.

"Cam," niyakap ko siya. "Shsh, don't cry. Bakit ka ba umiiyak?" Hinaplos ko ang buhok niya.

"H-Hindi ko lang maiwasang... mainis sa sarili ko..." Hikbi niya. "Kasi wala akong magawa para pagaanin ang kalooban mo."

"Ang OA mo talaga," pinilit kong matawa kahit sobrang bigat na sa loob. "Pero alam mo ba... gustong-gusto ko ang buhok mo na mahaba." Pag-iiba ko.

"Lagi... lagi mo naman 'yang sinasabi sa akin." Inangat niya ang mukha saken. She was sitting between my legs. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. I can already smell her sweet scent na gustong-gusto ko. "Kaya ka... kaya ka nagpaghahalataang bakla kasi lagi mong tinitirintas at sinusuklay ang buhok ko."

I wiped the tears on her face with my thumb.

"Huwag kang magpagupit, ha. Ayokong makitang maikli ang buhok mo."

"Kapag ginawa ko 'yon. Anong gagawin mo sa akin?"

"Kakalbohin kita," ngiti ko. "Saka kita bibilhan ng pink na wig."

She chuckled. "Baliw!"

"Cam?"

"Hmm?"

Our eyes met, and for a moment I saw in her eyes the emotions she's been hiding from me for a long time. Bumaba ang tingin ko sa mga labi niya. Napansin ko ang unti-unting paglapit ng mga labi niya saken but she stopped. She was about to look away but I held her closer and without hesitations I captured her mouth. Kissed her hard on the lips. Passionately and with longing. I threw every fears I have in my heart and put all my feelings to that kiss.

Naramdaman ko ang pagkabigla niya but I didn't let her go. I just want to feel her in my arms... kahit ngayon lang. Kahit konting oras lang. Kahit ilang segundo gusto kong isipin na walang Jeymes sa buhay ko. Na si Cam lang. Na kaming dalawa lang. Kahit ngayon lang.

She moaned when I deepened the kiss.

Itinaas ko ang dalawang kamay niya sa batok ko as I held her closer. It was supposed to be just a kissed but I couldn't stop. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. I wanted her. God! I wanted her so bad.

"Crosoft..." bulong niya saken habang unti-unting bumababa ang mga halik ko sa panga niya.

"God, Cam, you don't know how much I want you tonight." Bulong ko sa tainga niya. I kissed her there. Giving her butterfly kisses on her face. God, I can't control myself anymore. I really love her! "You're beautiful Cam." I kissed her again. I just couldn't get enough of her. This time she kissed me back.

Niyakap niya ako nang mahigpit.

"Crosoft..."

Just this night.

Kahit ngayon lang maamin ko sa sarili ko na mas mahal ko si Cam.

"Please tell me to stop," naghihirap kong anas habang hinahalikan siya sa mga labi. "Tell me to stop Cam,"

"No, don't stop."

Oh Cam . . .




SUNOD-sunod ang pagsuntok ko sa pader.

"Bwesit! Walangya ka Crosoft! Mamatay ka na!" paulit-ulit kong sigaw. Hindi ko na inalintana ang dumudugong kamao at butil-butil na pawis. Galit ako sa sarili ko. Galit na galit! "Si Cam 'yon! Crosoft si Cam 'yon! Gago ka talaga!!" Naiyak na lang ako. "Sobrang gago mo! Ang gago mong bakla ka!!"

Naisandal ko ang likod sa pader at napaupo. Hindi ko na napigilan ang mga luha na kusang bumabagsak sa mga mata ko. Asar na asar ako sa sarili ko. Pagkatapos nang nangyari sa amin ni Cam noong isang gabi hindi ko man lang magawang harapin siya. Hindi ko kayang kausapin siya. Hindi ko kayang sabihing mahal ko siya. Bakit ba hindi ko kaya?!

Bakit ba hindi ko kayang pumili? Bakit?! Gago ka talaga!

I don't deserved you Cam.

Hindi ko kaya. Bwesit!

Nahilamos ko ang mga kamay sa mukha. "I'm sorry Cam." I sobbed. "Sorry talaga. I'm sorry."





"MABUTI naman at natauhan ka na." Simula ni Jeymes. "I told you before hindi mo mapapanindigan 'yang nararamdaman mo kay Cambria. You're different Crosoft. You're not the typical man."

"Siguro nga," walang buhay kong sagot. I was just staring at the food on the plate infront of me. Not eating anything. "Siguro tama ka."

"Just forget her. Mas mabuti na rin sigurong magkalayo kayo. In that way, mas madaling makaka-move on si Cambria." Naingat ko ang mukha kay Jeymes. Trying to see the spark, the love, the happiness. Pero wala akong makita.

It's not the same anymore.

I'm not happy.

"Crosoft?"

But it's for the better right?

Cam didn't deserved me, right?

I sighed. "Should I just forget her like that?"

"Yes, kalimutan mo na siya."

"Forget her?" mahinang tanong ko sa sarili.

"Kalimutan mo na siya Crosoft. Maawa ka naman sa kanya. Hindi mo siya kayang panindigan. You can't even stand your feelings for her! Nangangahulugan lang 'yon na attracted ka lang sa lalim ng attachment mo sa kanya. You may have thought it as love but it's not. Hindi mo siya mahal Crosoft. You just pitied her. Awa lang. Awa lang ang nararamdaman mo para sa kanya."

I stared at him.

Pagmamahal ba ang nararamdaman ko kay Jeymes? But why does it felt wrong? Bakit iba na? Bakit wala na 'yong dating saya na nararamadaman ko kapag kasama ko siya? Pagmamahal parin ba 'to?

Naramdaman ko ang paghawak ni Jeymes sa kamay ko.

"I love you Crosoft. Kailanman hindi 'yon magbabago."

"I know, thank you. Salamat dahil hindi mo parin ako iniwan. You didn't give up on me Jeymes." I smiled at him.

"Cheer up Crosoft. It's not your fault. Take it as a new start for all of us. Cambria is a strong woman. She can move on."

"You're right, it's for the better."

I should just let her go.

It's time to let you go Cam.





ISANG buwan na ang lumipas. Isang buwan na rin simula nang huli kaming nagkausap ni Cam. Hindi na rin kami nagkikita dahil madalas akong wala sa klase. I'm planning to drop all my subjects and quit school. Hindi dahil kay Cam kung hindi sa Dad ko. He wanted me to continue my study in London and take another degree program. Noong una nagdadalawang isip ako. I don't want to take another course na hindi ko gusto pero naisip ko si Cam. Kailangan kong lumayo.

Pero, bakit? Bakit kailangan kong takbuhan si Cam? Sa bawat araw na magkalayo kami lalo ko lang siya na mi-miss. Lagi ko siyang hanahanap. Naalala ko siya lagi. Hindi ko siya maalis sa isipan ko.

Lagi ko ngang kasama si Jeymes. Bumalik nga kami sa dati pero parang wala namang nagbago. Hindi parin ako masaya.

Naipikit ko ang mga mata.

I suddenly wished I could see Cam today. Kahit sa malayo lang. Kahit saglit lang.

I missed her so much.

"Diba, si Cambria 'yon?"

Mabilis na naimulat ko ang mga mata nang marinig ang pangalan ni Cam. Napansin ko agad ang dalawang babae sa cashier.

"Bibili ba siya ng pregnancy test?"

"Parang,"

"Buntis kaya siya?"

"Huh? Eh wala naman siyang boyfriend ah."

"Hala, okay ka lang? Malay mo naman na nakipag-ahmm siya sa iba, diba?"

"Ewan ko sayo. Ate magkano lahat?"

Pregnancy Test? Hindi ko alam kung bakit biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Pero hindi ko na 'yon pinansin pa. Mabilis na hinahanap ko si Cam at lalo lang tumibok ng mabilis ang puso ko nang makita ko siyang nakatayo sa harap ng estante ng PT kit.

Bumalik 'yong sabik sa puso ko. Kahit na nakatalikod siya ay gusto ko siyang yakapin. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Alam kong galit si Cam. Alam kong masama ang loob niya saken. But I just wanted to know if she's okay.

I took a deep breath before walking closer to her.

Gusto ko rin talagang malaman kung anong gagawin niya sa Pregnancy Test. It's killing me inside. What if she's pregnant? God! Hindi ko alam ang gagawin.

Nang makalapit ako ay akmang kukunin na niya ang napiling PT. Mabilis na nahawakan ko ang kamay niya. Marahas na naibaling niya ang tingin saken at ganoon na lang ang gulat na rumihistro sa mukha niya.

"Why are you buying those?" seryoso kong tanong.

Napatingin siya sa kamay ko na nakahawak sa kanya. I immediately let go of her hand. I inserted my hands in my pocket. I was shaking. Nanginginig ako. Hindi ko alam kung bakit. Excited ako na natatakot.

"Pinabibili ni Mama," maikling sagot niya.

"Buntis si Tita?!" gulat kong sagot.

"Hindi, props daw ni Misty para sa audition nito bukas."

I was relieved. Alam kong nagsasabi ng totoo si Cam. I know when she's lying or not. Mukhang inutusan lang talaga siya ng nanay niya.

"I thought ikaw ang gagamit?" pagbibiro ko pa.

"Hindi ko kailangan 'yan." I was caught of guard by her serious answer. Mabilis na kumuha ito ng mga PTs'. "Huwag kang mag-alala." Akmang aalis na si Cam nang pagilin ko siya. Syet! Huwag ka munang umalis Cam. Pack juice!

Mabilis na kumuha siya ng PT at inabot 'yon kay Cam. Damn it Crosoft! It's totally a bad idea but sh*t naiabot ko na. I could only strangle myself inside my head for embarrassing Cam.

"Idagdag mo 'yan," sh*t na talaga! "Mas effective daw 'yan sabi ni Mommy."

Gulat na gulat si Cam. Pero madali ring nawala 'yon. "Thanks," aniya sabay alis.

Nakatitig lang ako sa kanya sa malayo habang binabayaran niya ang pinamili sa cashier. I was torn between going to her or just take my distance away from her. Hindi ako mapakali. It feels like I really need to talk to her. Parang may mali. Damn it Crosoft! Malapit na birthday niya!

Nang tuluyan nang lumabas ng pharmacy si Cam ay mabilis na sinundan ko siya. Mabilis ang bawat hakbang niya kaya kailangan ko pa siyang takbuhin.

"Cam, malapit na ang birthday mo!" sigaw ko. Bigla naman akong pinanghinaan ng loob nang hindi man lang niya ako nilingon. "Cam! Can I celebrate it with you?!"

At tuluyan na akong nanlumo. I didn't get a respond from her. I sighed. I deserved it anyway. I'm a bastard for pete's sake!

Just go to hell Crosoft!

Bigla namang nag-vibrate ang phone ko.

Wer r u? Ive ben caling for hours Crosoft! – Jeymes

Anser d phone Crosoft! – Jeymes

20 missed calls from Jeymes.

Natutop ko ang noo. This is crazy! I don't think I want this to go on.





And so here I am again! But first I want to greet all of you a Belated Merry Christmas! It's better late than never, diba? Matagal din akong hindi nakapag-update. Busy lang talaga, at school, at my OJT, and even at my house. Kaiyak ng river! But yes! Finally nakapag-UD na ulit. So, ito na nga. I only have to SP's more. Yup, hanggang 23 na lang talaga ang Crosoft Confession dahil feeling ko hanggang SP 23 lang talaga siya haha. Hays naku! Mag-move on na daw ako haha! But before that, I would like to thank all of you for always supporting CamSoft even at Danah's story. Maraming salamat po! Sobrang saya ko lang po talaga! 1+4+3 po sa inyo!! At dahil diyan alam n'yo ba na isang taon na ang CamSoft? Grabeh, diba? HAHA, kung naging teleserye 'to grabeh na ang isang taon. Going strong parin ang Camsoft! To all my readers and followers thank you din po sa walangsawang comments nyo. Sana humaba pa haha. Love lots!

Ps: You'll probably hate Jeymes after this! XD

Add or join my weirdygurl community group na gawa ng mga readers ko. If you want, let's chat and be friends. Mwaaah!! 

Link: https://www.facebook.com/groups/462830857198548/

Enjoy!!






Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro