SP: Crosoft's Confession (Part 20)
"Hindi ko naman alam kung bakit kailangan pang mag-overnight tayo para lang tapusin 'tong assignment natin sa Efcom eh pwede naman 'tong gawin kahit magka-chat tayo."
"Kaya nga partners kasi sabay gagawin at sa iisang lugar lang din gagawin. Ikaw, ang bobo mo talaga minsan, eh!"
"Blah, blah, 'di sana ginawa na lang natin 'to sa school."
Tinignan ko lang si Cam habang padabog na tinitignan ang mga papel na nakakalat sa sahig since pareho kaming nakasalampak sa carpeted kong sahig. Nakakunot parin ang noo niya. Minsan talaga 'di ko alam kung patay na patay saken ang 'sang 'to o sadyang manggagamit lang talaga ang bruha!
You know, dahil nga sikat ako. Ahem, jowk! Hindi naman ganoon si Cam. Alam mo na, may mga times talaga na parang wala siyang gusto saken. May mga times na halata siya masyado. Nakaka-stress lang sa anit.
Isinuot ko na lang ulit ang salamin sa mata at nagpaka-busy sa paglalaro ng candy crush. Actually, simple lang naman ang assignment namin. Gumawa lang ng story dialogue bilang talong at sibuyas. TBH, na tapos ko naman na 'yon kanina.
"Crosoft, ano bang makukuha ko sa mga script na 'to?"
"Basahin mo, baka ma inspired kang gawan ng horror story ang isang talong at sibuyas." 'Yan level up na ako!
"Eh, diba, sabi ko naman ako na lang gagawa nun?"
"Tayong dalawa,"
"Di gumawa na tayo."
Nilingon ko si Cam. "Anong gagawin natin?"
Cam made a face. "Crosoft ha!"
I smiled. Ibinaba ko ang phone at humilata ng higa sa sahig. "Ikaw na lang gumawa, inaatok na ako." I yawned. "Paggising ko tapos ka na, ha."
"Wow, ha! Di sana 'di na lang ako pumunta kung ako lang din naman ang pagagawain mo. Hay naku! 'Yang utak mo talaga minsan."
"Boring kasi kapag walang kasama."
"Okay lang saken,"
"Kaya lang 'di okay saken." I tilted my head so I can look at her. Hindi ko mapigilan ang bigyan siya ng ngiti. "Mas maganda parin kapag kasama ka."
Natawa ako nang mahina nang makita kong namula ang mga pisngi niya.
"Ewan ko sayo Crosoft! Tamad mo talaga!"
"Uy kinilig ka naman."
"'Di ah, tsk," natawa lang ako sa pag-ismid niya saken.
Makalipas nun nagpaka-busy na si Cam sa harap ng laptop ko. Ako naman umayos ng higa. I lay on sides sabay abot nung pillow sa taas ng couch para maging komportable sa posisyon ko. I crossed my arms over my chest and stared at her... let's just say... mga ilang segundo rin akong nakatitig sa kanya.
"Crosoft 'yong mata mo."
"What?" patay malisya kong sagot.
Iniangat niya ang mukha para matignan ako. She narrowed her face at me.
"What?" I shrugged. "Ano na naman bang ginawa ko?"
"Huwag mo kong tignan ng ganyan."
"Paano ba kita tignan?" panunukso ko pa.
"Ay kainis ka!" inabot niya ang isang throw pillow sa malapit at ibinato 'yon saken. Sapol ako sa dibdib pero natawa lang ako. "Nagsisimula ka na namang bakla ka!"
"Hindi ah, malayo lang talaga ang tingin ko."
"Bakit 'di tumatagos saken ang tingin mo?" nakataas kilay niyang sagot.
Niyakap ko ang pillow na ibinato niya saken. "Baka natigilan."
"Natigilan?"
"Natigilan nang makita ka," madali ko namang tinalikuran si Cam. Pigil ang ngiti na humigpit ang pagkakayakap ko sa unan. Pack juice! Just what the heck did I say? Nababaliw na talaga ako.
Napaigik ako nang may kung anong tumama sa likod ko but I didn't bother looking at her.
"Huwag mo kong tulugan huy!"
"Tulog na ako..." I fake a snore.
"May natutulog bang sumasagot, tsk."
Napangiti lang ako.
...
Bigla akong nagising. Napangiwi ako nang maramdamang biglang namanhid ang leeg at braso ko. Aish, nakatulog pala talaga ako. I pulled myself up and stretched a bit. Pagtingin ko sa gawi ni Cam ay mahimbing na siyang natutulog. Nakasandal ang likod niya sa sofa pero hindi parin nakapatay ang laptop sa gilid niya. Sa itsura niya ngayon milagro na lang na 'di magka-stiff neck ang babaeng 'yan bukas.
Naisuklay ko ang kamay sa buhok bago tumayo nang tuluyan. Kukuha muna ako ng kumot at unan sa kwarto. Pagbalik ko tumabi ako sa kanya at matamang tinitigan lang siya. Para nga akong bata na inaalis ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha niya. I smiled.
"Hindi ka naman kagandahan pero grabeh ka. Asan ang hustisya Cam?" ibinabal ko ang kumot sa katawan niya. "Iba karin eh. Alam mo ba, kahit na nagagandahan ako sa ibang mga babae sayo lang ako nagkamalisya. Ang gulo lang, diba? Imaginen mo na lang ang sitwasyon ng utak at puso ko ngayon?"
"Alam mo, kahit na naguguluhan ako may bahagi parin sa sarili ko na mas gustong piliin ka. Pero minsan pumapasok sa isip ko na mali ang piliin ka... kasi nga diba, may Jeymes na ako, na bakla ako, na ang weird ng nararamdaman ko sayo. Kaya nga minsan, hindi ko na alam kung paano ka pakikitunguhan. Medyo naguguluhan na rin ako sa mga kilos ko. Nakaka-stress na siya sa kuko promise."
Natawa ako nang mahina.
"Basta –" natigilan ako bigla nang maramdaman ko ang ulo ni Cam na humilig sa balikat ko. Relief natawa na lang ako nang mahina. Akala ko naman nagising ko na si Cam. "Hay naku, ewan ko na lang talaga."
"Hmm.." ungol niya.
Pinilit kong tignan ang mukha ni Cam. Tulog na tulog parin naman. Kinapa ko ang cell phone sa itaas ng sofa. Nang mahawakan ay mabilis na tinignan ko ang oras sa screen. Ala una na pala ng madaling araw.
"Hmm... Crosoft..." ungol ulit niya.
"Hmm – eh!" nagulat na lang ako bigla nang yakapin niya ako.
"Hoy Cam..." tinapik-tapik ko ang balikat niya pero 'di naman nagigising.
Nagsawa rin ako kaya hinayaan ko na. Inayos ko ang cell phone at kinuhaan ko ng mga picture si Cam. First batch of pictures puro wacky ang pinagagawa ko sa mukha niya. Pinagbabanat ko ang mukha niya. Tawa lang ako ng tawa nang mahina.
Pero may naisip ako bigla. Umisod ako palapit lalo kay Cam. Itinaas ang phone at tinignan kung kasya kami sa screen. Umayos ako ng konti para 'di ako mahirapan sa gagawin ko. Nakayakap na ang isang braso ko sa kanya.
I set the camera in video mode at itinaas 'yong muli. This time, may lunok pang kasama na tinitigan ko muna ang mukha ni Cam. Syempre kabado rin ako. Magising pa ang 'sang 'to. Patay tayo diyan!
Dahan-dahang hinaplos ko ang mukha niya. Titig na titig ako sa mga mapupula niyang mga labi. God, sorry talaga sa gagawin ko. Don't worry 'di po kami gagawa ng scandal. Magnanakaw lang po ng sandali.
Slowly, ibinaba ko ang mukha sa mukha niya. I stop and look at her face for awhile at nang mapansing tulog parin si Cam may ngiting hinalikan ko siya sa labi pero wala pa ngang limang segundo ay bigla na lang gumalaw si Cam at nadaganan ako. Syet! Ang sakit ng likod ko. Nabitawan ko pa ang cell phone ko.
"Langya naman Cam, para halik lang dadaganan mo pa ako." Nahihirapan kong reklamo sabay abot nung cell phone ko.
"Hmm..." naramdaman ko naman ang kamay niya sa dibdib ko. "Ba't ang ... tigas... ng kama?" paos niyang tanong pero nakapikit.
"Malamang dibdib ko 'yan," bulong ko sa hangin. In-off ko na ang video mode ng camera ko.
"Hmm..." napangiwi si Cam. "Bwesit ka talaga... Crosoft..."
"Tulog ka ba o hindi?" asar na tanong ko.
Pero sinagutan lang ako ng hilik ng bruha. Sa huli natawa lang ako. Hay naku! Kahit kailan talaga Cambria.
Itinabi ko ang cell phone at niyakap si Cam. Matutulog na nga lang ako bahala na siyang ma-eskandalo paggising niya.
...
"Ano 'to?" nagulat na lang ako bigla kay Jeymes. "Crosoft!" mabilis na naibaling ko ang tingin sa cell phone na hawak niya. "What the heck is this Crosoft?!"
Kinabahan naman ako.
"A-Ano bang meron?"
"The question is, what the hell is happening to you?" marahas na ibinigay niya saken ang cell phone. Mabilis na tinignan ko kung anong meron at lalo lang akong nagulat sa nakita. It was the video that night I kissed Cam in my unit.
Naiangat ko ang tingin ulit kay Jeymes. Galit na galit na siya. "Alam mo Crosoft, I would never make a fuss out of it if alam kong laro-laro n'yo lang 'yan ni Cam but from the looks of it mukhang may itinatago ka na saken."
"It's not what you think –"
"Oh c'mon, hindi ako tanga Crosoft! Aminin mo nga saken, ha? Ano ba talaga ang nararamdaman mo kay Cambria?"
"Look, Jeymes, wala lang 'yan, napagkatuwaan ko lang nam –"
"Really? Do you think I'll buy that? Crosoft alam ko na hindi mo kayang humalik ng babae. Kapag meron mang nag-dare para kang pusang nabuhusan ng tubig na lumalayo agad. You don't joke around kissing girls like it's a casual thing you do everyday."
"Bakit ba big deal sayo 'yan?!" hindi ko maiwasang pagtaasan ng boses si Jeymes. "Iba si Cam! I'm comfortable with her."
"Comfortable lang ba o may iba ka ng nararamdaman sa kanya?!"
"Jeymes, let's stop this okay. This is not a big deal. It's just a video."
"It's not just a video Crosoft! Hindi lang 'yan ang concern ko! Alam mo ba ang napapansin ko? It seems like everything had change about us. You seem to be distant na minsan hindi na kita kilala. You have never been like that before! Noon, hindi ka puro Cambria, Cambria. Ngayon, alam mo si Cam. Nakakamiss si Cam. Kumusta na kaya si Cam. Naiinis ako kasi may kasamang iba si Cam. F*ck it Crosoft!"
"Ano ba Jeymes!"
"Bakit? Totoo, diba? You love her!"
"Jeymes!" naikuyom ko ang mga kamay sa galit. "Stop it!"
"You love her! God! I can't believe this. Seriously, Crosoft? Ano bang nakita mo sa babaeng 'yon?! You can't love a girl! Hindi mo kayang magmahal ng babae dahil bakla ka! Bakla ka!"
"Stop it Jeymes!"
"Bakla ka Crosoft!"
"I said stop it!"
"Hindi mo kayang magmahal ng babae!"
"I can love her!" sigaw ko.
Nagulat at natigilan si Jeymes sa sinabi ko. Marahas na naisuklay ko ang kamay sa buhok.
"Bwesit!" 'yon lang at tinalikuran ko na si Jeymes.
I can't handle him right now. Lalo na't hindi ko alam ang susunod na sasabihin ko sa kanya pagkatapos ng sinabi ko. Bwesit talaga!
"Trust me Crosoft, you will never stand for that love you're talking. I know you!"
And that was it, I don't know what to do anymore.
...
"Nga pala, bakit 'di mo kasama si Jeymes ngayon?" tanong ni Cam.
"Sige kain ka pa," ipinasak ko ang kalahati ng burger na kinakain sa bibig niya. "Pakabusog ka."
Huwag mong itanong saken ang taong 'yan.
"Hoy!" mabilis na nginuya niya ang pagkain. "Baliw ka ba?! Huwag mo kong idamay sa LQ n'yo ni Jaymes. Tao ako, 'di alagang baboy. Kabanas 'to."
"Bakit mo ba pinoproblema ang lovelife ko? Pinapakialaman ko ba ang sayo? Ay oo nga pala, wala ka pala nun." I chuckled, though 'di naman talaga ako okay.
Nanlaki naman ang butas ng ilong niya.
"Naku! Kapag ako napuno sayo magpapabuntis talaga ako sayo para wala ka ng masabi sa akin."
Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi ni Cam. Wee? 'di nga?!
I tilted my head. "Hay naku! Pinapahalata mo na naman na patay na patay ka sa akin. Natatakot na tuloy ako sayo." With a mischievous smile.
She gulped. Oh ano ka ngayon?!
"Ay huwag na! Ayokong maging-single mother." Bawi niya. "At saka ayokong ma inlove sa kagaya mo. Walang assurance na mamahalin mo ako ng gaya ng pagmamahal ko sayo."
Bigla naman akong natahimik. Heto na naman 'tong pakiramdam ko na para bang wala akong kwentang tao. Pati si Cam hindi rin naniniwala na kaya kong magmahal. Bakit ang sakit? Bakit masyado akong affected?
"You can't love a girl! Hindi mo kayang magmahal ng babae dahil bakla ka! Bakla ka!" bumalik sa isipan ko ang sinabi ni Jeymes saken. Mabilis na pinalis ko 'yon sa isipan.
"Marunong din kaming magmahal," diretso at seryoso kong sagot sa kanya. Mabilis na ibinaling ko ang tingin sa ibang direksyon. "Tapusin mo na 'yan."
Heto na po ako nagbabaliw sa walang kataposang love story ng CamSoft! Ang haba na po nito mukhang napahaba ang kwento ni Crosoft ah. 'Yong totoo may balak gawing MMK? Haha, jowk! 'Yon na nga po! Sasabihin ko lang na basta... haha malalaman nyo rin ang ending nito soon. Anyway, highway hope you enjoy this update and I hope to read all your comments below. Thanks! Na miss ko rin ang mga comments nyo about Crosoft. I wonder how you think of Crosoft now? Malandi parin ba o sadyang confuse na nagmamahal lang? Push nyo na ang answer nyo! Thankie ulit! Happy Camsoft guys! Mwaah!
Ps: remember the last scene? sinong nakaalala anong chapter 'yan kay Cam's POV?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro