Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SP: Crosoft's Confession (Part 2)

Home View Resort

"Waaa!" manghang sigaw ni Cam habang nakaharap sa dagat. "Ang ganda!" natawa ako sa reaksyon niya. Parang bata. Ngayon lang yata nakakita ng dagat. Hindi ko alam kong matatawa ako o maawa sa kanya. Okay, tatawa na lang ako. Nakakaawa eh. 'De joke!

Mula sa likod niyakap ko siya. I felt her stiffen. That made me smile more. Hanggang ngayon hindi parin talaga nasasanay 'tong si Cam. Kaya ang sarap asarin eh. Nagsimula na naman siyang mag-panic. Lalo ko lang hinigpitan ang pagkayakap sa kanya. I rested my head on her shoulder.

"C-Crosoft!" sita niya saken. "Bitiwan mo nga ako!"

"Ang OA mo talaga." Sinilip ko ang mukha niya. "Akala ko ba 'di mo ko crush?"

"H-Hindi! Never! Kaya tigilan mo ako."

"'Yon naman pala –" natigil ako nang may dumaang lalaki. Gwapo eh. Nagkatinginan kami ni Cam. Both of us squinted our eyes. I'm pretty sure she got her eyes on that guy. "I know what you're thinking." Inunahan ko na siya.

"Ang gwapo nun!" tili ni Cam. "Humaygash!" Pumihit paharap saken si Cam. "I swear Crosoft. Magpapakilala ako dun."

"Landi mo! Umayos ka nga."

Cam made a face. "Eh bakit ba?!"

"Bakit ka pa ba maghahanap eh nandito na nga ako. Gupitan ko 'yang buhok mo!" Chos. Pero, gwapo talaga ang 'sang 'yon. Type ko sana pero ang 'sang 'to mukhang baliw. Hindi ko na type 'yon. Mang-aagaw ng bestfriend. "Umayos ka Cambria!"

"Crosoft naman eh! Pagbigyan mo naman ako. Kahit once lang." She made a puppy face. "Magka-boyfriend man lang ako." I let go of her. Wala, 'di ko alam. Naiinis na ako. "Ay ang hard ah."

"Gusto mo boyfriend? 'De umalis ka. Iwan mo ko dito." Itinulak ko pa siya. "Umalis ka. Pinasama-sama mo pa ako. Sige unahin mo na 'yon."

"Crosoft ang OA mo. Aish. 'Di kita maintindihan." She thought for a second. Tapos bigla na lang ngumisi. Baliw talaga ang 'sang 'to. Bangag! "Ah, alam ko na. Type mo 'yon, 'no?"

"Oo, type ko may problema ka?" ngayon 'di na.

Uunahin mo pa kasi siya kaysa saken.

"Aish, huwag na nga. Selfie nalang tayo." Mabilis na lumapit ulit si Cam saken. "Ayokong makipag-away sayo. Kaka-stress ng kilay." Itinaas niya ang cell phone niya na may camera. "Smile!"

Before she could even click the capture I immediately chained my arms on her neck. Usapang brutalan pero gusto kong makaganti sa babaeng 'to. I smiled mischievously habang nahihirapan naman si Cam.

"Smile!"

Click.

Mabilis naman na itinulak ako ni Cam. Her cute face was full of annoyance. Tinawanan ko lang siya. Sige unahin mo pa 'yon kaysa saken. Hinilot-hilot ni Cam ang namumulang leeg.

"Baliw ka talaga!" sinipa niya naman ang binti ko. And damn sh*t ang sakit!

"Bukas na bukas kalbo ka na!" singhal ko sa kanya.

"Subukan mo! Lalagyan ko 'yan ng bubble gum 'yang buhok mong gago ka!" Cam stormed away.

"Sige walk-out-tan mo ako. Gusto mo ng red carpet?!"

"Pack Juice!"

"'Tang na apple mo!"



Walking on the beach


Almost five. Pero mukhang wala pa sa plano naming magpalit ng tuyong damit. Our clothes got dry themselves. Hiyang-hiya na daw sila sa maghapong pagbabad namin sa dagat ni Cam. Sila na lang ang mag-a-adjust. Oh, diba?

The sky is almost orange. Sa mga ganitong oras masayang panoorin ang pagbaba ng araw. My most favorite time of day. Patalikod na naglakad si Cam 'cause she was facing me. I kind of like seeing her with that big white shirt on her. Ewan, bagay lang sa kanya. Pulang-pula pa ang mukha. Mukha ng kamatis.

"Sana laging ganito, 'no?" she said.

"Sabihin mo sa boss mo bigyan ka niya lagi ng bunos."

"Tsk, mukha mo! If I know, magpapalibre ka lang lagi."

"Syempre, sino pa bang ibang sasama sayo? Ako lang naman."

"Marami kaya, pwedeng si Essera o si Blank. Kaso busy si Essera saka 'di na ako nire-replyan ni Blank. Ang weird nga eh." Napaisip si Cam. I suppressed a smile. Malamang natakot na 'yong si B sa akin. "Akala ko pa naman gusto ako nun. Oh well," she shrugged. "'Di na 'yon importante."

Cam was about to turn her back at me.

I grabbed her wrist. Nilingon niya ako. I smiled at her. Tinaasan lang niya ako ng kilay. Ang babaeng 'tong talaga. Lahat nalang ng ginagawa ko para sa kanya may malisya.

"Bakit?!" mataray na tanong niya.

"Ang taray mo ah. Mapagod ka naman. Maupo na muna tayo." Marahas na hinila ko siya palapit. Naupo kami sa puting buhangin. "'Di ka ba napagod? Tignan mo nga 'yang mukha at balat mo. Para kang may allergy. Ginawa mo yatang lotion ang kamatis."

"Eh, ikaw naligo ka ba? Ang ginawa mo lang naman mag-hapon ay dumisplay. Sightseeing sa mga lalaki. Isumbong kita kay Jeymes eh. Tsk,"

"Hindi ako nag-sa-sightseeing. Binabantayan kita. Baka ko may mainlove sayong shokoy at lunurin ka na lang. Ako pa ang masisi ng taas –kilay mong nanay. You should thank me instead."

"Blah... blah... blah... ayoko ng makinig sayo."

Natawa ako. "Baliw ka talaga."

Ngumisi si Cam. "Leader ako, secretary kita." I chuckled. "Hay!" Nag-unat si Cam. "This is the second best day of my life."

"Second?"

May ngiting tumang-tango siya. This time, nasa dagat at sa papalubog na araw na ang tingin niya. Kung may gustong-gusto man akong makita kay Cam. 'Yon ay ang ngiti niya. It would always give me the warmth feeling and contentment. Para bang, sa isang ngiti, magiging okay ang lahat. Kahit na bumaba pa man ang ekonomiya ng bansa magiging okay parin ang takbo ng buhay. As long as Cam smile.

Itinuon ko na lang ang tingin sa papalubog na araw. Kasi medyo nakakasuka ang sinabi ko kanina. Para akong straight na lalaki na baliw na baliw sa crush niya. I shook my head to dismissed the idea.

Nah, It's okay. It's my Cam, anyway.

"So," simula ko. "Anong first best day mo?"

"My first best day... was..."

"Was?"Natatawang binalingan ako ni Cam. Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Was?" ulit ko.

"You." Shocked. Hindi agad ako nakapag-salita. Iniwas agad niya ang tingin sa akin. "Akala ko, habang buhay na akong malulungkot. Na habang buhay na akong iiyak mag-isa sa tuwing birthday ko." I saw her smile. "But I was wrong... because you came..." It touched me. Lalo lang makita ko ang luha sa mga mata niya nang tignan niya ako.

"C-Cam?"

"Thanks Crosoft..." natawa naman siya sa sarili. "Ano ba naman 'to ang OA ko na. Baka isipin pa ng mga tao dito na inaaway mo ako."

"Gaga, ang swerte mo na nga. Akala nila asawa mo ako. Ganda mo rin, eh, 'no?" Lalo lang siyang natawa. Magda-drama na din sana ako pero natawa lang din ako. Marahas na niyakap ko si Cam. "Halika nga."

"'No ba naman Crosoft... yayakapin mo na nga lang ako doon pa talaga sa pinaka-brutal na paraan." Puro reklamo pero niyakap rin ako. "Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka sa buhay ko."

"Hindi ako mawawala sa buhay mo. Walang gay marriage sa Pilipinas."Both of us laughed. "Baka ikaw pa 'tong layasan ako kapag nagka-boyfriend ka na." Naisip ko pa lang 'yon parang ayokong mangyari 'yon.

Kumalas siya ng pagkakayakap saken. "Baliw! Matagal pa 'yon."

"Pero mangyayari parin 'yon."

"Ano ka ba, huwag na nga nating pag-usapan 'yan." Cam stood up. Akmang hihilahin niya ako patayo nang magpabigat ako. Hindi ako mapakali sa nararamdaman ko. Ngayong naiisip ko 'yon para akong baklang nagka-identity crisis bigla. Kahit na matagal ko ng alam na iba ako. Na sereyna ako. Bakit umaakto ako ngayong shokoy na gwapo? "C-Crosoft?"

"Cam..."

"Ano?!"

"Paki-send ang mga resume ng mga manliligaw mo saken sa susunod."

"Bakit?"

"'Yong iba gagawin kong janitor."

"Baliw ka talaga! Tayo na nga diyan!"

Lutang isip ko. Swear!

Napadaan ako sa inside souvenir shop sa resort na 'yon. Katabi nun may rentahan ng mga DVD movies. Wow! Resort nila parang mall. Maraming negosyo. May nadaanan din kasi ako kaninang kainan sa isang malaking cottage inspired resto. May 7/11 din sa loob. Kapag nakita 'to ni Henry Sy gagawin niyang resort ang lahat ng SM. In the future.

Pumasok ako sa Rent A Movie shop. Pagpasok ko pa lang halos lahat nakatingin na sa akin. Ang hirap talagang maging gwapo and at the same time maganda. Buti na lang humble ako. Dumiretso ako sa counter in charge. Okay na rin. Papasa na ring gwapo.

"Pare," langya ang awkward pakinggan. Ahem, umayos ka Crosoft. "Ano bang pinakanakakatakot n'yong palabas dito?"

"Nakakatakot?" hindi, 'yong nakakatawa. May kung ano siyang kinuha sa likod. Pagkatapos ay ipinakita sa akin ang dvd case ng isang thai horror movie. "Long Weekend. Nakakatakot 'to."

"Halata naman sa cover. Magkano ang rent n'yo?"

"30 lang,"

"Okay,"

"Iwan n'yo na lang sa room n'yo ang case. Kami na ang kukuha."

Paglabas ko ng shop na 'yon. Napangiti ako. Naii-imagine ko na ang mukha ni Cam. "Okay, balik na tayo." Natigilan ako. "Mamaya na, bili muna ako ng pagkain." Tinignan kong muli ang cover ng DVD. "Masaya 'to!"


Midnight



Bakit ba ang tahimik ng buong paligid? Nakakabingi. Nakaka-busit! Kailangan ba talagang patayin buong ilaw. Ilang beses na ba akong pabaling-baling sa higaan ko. Itinaas ko ang kumot hanggang sa ilong ko. Pinakiramdaman ko ang buong paligid nang biglang kumulog.

I cursed. Peste! Bakit ko ba kasi pinanonood ang palabas na 'yon. 'De tuloy ako makatulog. Napapa-paranoid na ako. Ganitong-ganito din ang eksena doon sa palabas. Uulan ng malakas. Pagkatapos mangyayari na 'yong mga kababalaghan.

Naalala ko ulit ang mukha nung isang kaibigan doon na nasapian. Busit! Ayoko na. Bumaling ako sa direksyon ni Cam. Bumuhos naman ang malakas na ulan. Buti pa ang 'sang 'to nakatulog agad. Tsk, bakit 'di ko naisip na baliw sa horror 'tong si Cam. Ako tuloy lugi sa aming dalawa.

Pina-ilaw ko ang lamp sa bedside table. Pag-tingin ko sa oras sa cell phone ko inilapag ko lang din doon ay alas dos na. Nak ng ukoy! Mag-a-alas-tres na! 'De nato maganda.

"Cam?" tawag ko. She didn't respond. "Cam tulog ka na ba?" Hindi parin ako sinagot. Bumaba na ako sa kama ko at lumapit sa kama niya. Mahimbing pa siyang natutulog. "Cam..." inalog-alog ko ang balikat niya. "Cam... Cam gising."

"Hmmm..." umungol lang siya.

"Gising ka naman diyan oh. Cam!"

"A-Ano ba..." ungol niya. "Crosoft..." mayamaya nagmulat na siya ng mga mata. Relief. Nagulat naman si Cam kaya napabangon siya. "Crosoft?!" Naupo ako sa gilid ng kama niya.

"'Di ako makatulog."

"Huh?" napakamot siya sa buhok. "Crosoft naman."

"Di nga ako makatulog. Busit naman 'yong pinanonood natin." Maktol ko. "Cam tabi na lang tayo." Nanlaki lang mata niya saken. "Cam sige na. 'Di ako matatahimik kapag wala akong katabing buhay."

"Tsk, may movie marathon ka pa kanina 'di ka din pala makakatulog. Hala sige, sa tabi na kita matulog." Mabilis na tumabi ako kay Cam. Sumiksik pa. "Ano ba Crosoft masyado kang malapit. Distance din pag-may time."

Niyakap ko siya. "Payakap."

"Crosoft!"

"Kapag namatay ako dito 'di talaga kita patatahimikin."

"Oo na! Oo na! Sa susunod kung 'di ka din naman ganoon ka tapang manood ng horror huwag na, ha. Tsk. Istorbo ka sa tulog."

"Cam huwag ka munang matulog..."

To be continued...




Ano tuloy ko pa ba 'to? Haha XD Thanks for the votes. Madami pa din naman pala ang nag-aabang sa CamSoft /le nag-walling/ haha naiyak ako. Sana this time, maraming mag-comment. Thanks for the comments last update. Mwaah! #CamSoftIsAliveAgain

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro