SP: Crosoft's Confession (Part 19)
"Pst," naiangat ko ang ulo. "Anong problema mo Crosoft?" tanong saken ng prof ko sa thesis. "Hindi ka na nakikinig saken. Oh, alam mo ba ang mga mali mo sa thesis mo?"
Napakamot ako sa ulo sabay hila ng upuan ko sa gilid ng table ni Prof. Actually, lutang ako masyadong nitong nakaraang araw. Pati sa thesis ko hindi rin ako makapag-concentrate.
"Sorry, sir, medyo ubos na rin ang talino ko diyan eh." I chuckled.
"Minor changes lang naman ang isinulat ko dito sa thesis mo."
"Ahm, sir,"
"Yes?"
"Ano kasi... " I trailed off.
Sa totoo lang close ako sa prof namin sa thesis. Halos lahat ng mga estudyante naman talaga since sobrang bait at maunawain niyang tao. Para lang siyang tatay sa amin.
"Sa tingin n'yo sir, kapag ba nagka-amnesia ang isang bakla malaki ang chance na magiging lalaki na siya?"
Kumunot ang noo nito. "Bakit mo naman na tanong?"
"Wala lang," I shrugged. "Curious lang naman ako."
Natawa ito sabay tapik sa balikat ko. "Bakit nagdadalawang isip ka na ba at gusto mo ng magbagong buhay?"
"Sir naman!" natawa lang ito. "Ewan ko sayo sir."
"Well, para sa akin lang naman 'no. Maaring maging lalaki na siya since wala naman siyang maalala. But I guess, if natural na talaga sa kanya ang pagiging binabae may pagkakataon siguro na lumalabas na lang 'yon sa kanya ng hindi niya napapansin. Pwede ring dumating siya sa punto na mag-iiba na rin ang nararamdaman niya. I think it's a choice, may mga tao talagang binabae na mas gugustuhin ang magmahal ng babae. May iba naman, na hindi. But no matter what the choice is as long as you're happy, doubts about things may not have a great impact in you, kasi 'yon ang pinili mo. 'Yon ang gusto mo... 'yon ang tinitibok ng puso mo."
"Sir ang lalim nun ah!"
"Ikaw na bata ka ayosin mo 'yang buhay mo."
"Maayos naman po, medyo magusot lang."
"Tsk, hay naku! Kayong mga kabataan talaga minsan hindi ko ma gets."
"But thanks sa advice sir, pag-iisipan ko po ang suggestion n'yong magka-amnesia ako." I chuckled, then laughed.
"Baliw kang bata ka, 'di ko 'yon sinabi. Ang mabuti mong gawin i-revise mo na 'tong thesis mo para maka-graduate ka na uy!"
"Yes sir!" tawa parin ako nang tawa.
Kinagabihan nun gaya ng lagi kong ginagawa sinundo ko si Cam sa coffee shop na pinagtatrabahuan niya. Habang naglalakad ay naisip ko ang sinabi ni sir saken. Ano kaya kung magpasagasa ako at magka-amnesia, may excuse na ba akong makipag-break kay Jeymes at ma focus ang sarili ko kay Cam?
Langya! Amnesia nga eh, diba? Di mai-erase din sa buhay ko si Cam. Aksaya ka sa bobo Crosoft! May selected amnesia kaya! Gaga, meron, kaso 'di 'yon manually, automatic 'yon. Ano ba ang amnesia kotse? Wow, ha?! Pack juice naman! Litse! Huwag na nga lang ang gulo kong kausap!
"Eh kung bakit ba naman kasi nagkamalisya kana sa kanya? Kasalanan ko, ganun? Malay ko bang magkakaroon ng change of heart 'tong litseng puso ko? 'Di confuse ako ngayon?" At nag monologue pa ako, di wow!
I sighed. Okay lang sana ang ganun kung wala na akong nararamdaman kay Jeymes kaso mahal ko parin siya. Hindi ko rin maisip na makipaghiwalay sa kanya... but here comes Cam, isa pang pabigat sa puso ko. Hindi na ako makontento sa pagiging kaibigan niya. Gusto ko na laging kasama siya at manyakan siya – este langya naman talaga oh! Kita mo? Kita mo? Iba na talaga ikot ng puso at isip ko. Peste!
"Ah ewan," hindi ko na muna 'yon iisipin.
Nasa exit na ako ng coffee shop. Maliit at makitid ang daan na 'yon. Usually, doon kasi talaga lumalabas si Cam. Idagdag pang nagpapatay-sindi ang ilaw doon. Yikes! Biglang may naisip ako bigla hihi. Maloko nga ang 'sang 'yon.
Mabilis na nagtago ako sa isang gilid. Got a glimpse of the time on my watch. Mayamaya niyan lalabas na rin si Cam. Ilang minuto nga ang dumaan at lumabas na si Cam.
"Hoy," anas ko.
Mabilis na inakbayan ko siya at pasimpleng iniyakap ang kamay sa leeg nito. Naramdaman ko pa ang pagpupumiglas niya. I tried my best not to laugh. Sayang naman ang effort ko, diba? Sisigaw sana si Cam nang takpan ko ang bibig niya.
"Huwag kang sisigaw." Syet talaga natatawa ako. Focus Crosoft! Ahem. Pinalalaki ko ang boses. I mean, my normal voice kapag di ako beke. Whatever! "Isa lang naman ang kailangan ko." Inilapit ko ang bibig ko sa tainga niya. "Sagutin mo lang ang tanong ko."
Gumalaw ulit siya na para bang may sasabihin. Kumunot noo ko but knowing Cam alam ko nang minumura na niya ako sa isip dahil paano ba naman siya makakasagot kung nakatakip ang bibig niya. Make sense!
Nang alisin ko ang kamay ay naramdaman ko agad ang balak niyang kumawala kaya inipit ko ang leeg niya. Hokage din ang 'sang 'to eh!
"One plus one?"
"Huh?"
"Sagutin mo na lang kung ayaw mong masaktan."
"T-two!" nauutal na sagot niya.
"One plus four plus three?"
Natawa naman ako sa isip. Halatang nagbibilang pa sa utak eh. "E-eight!"
Napasinghap siya nang dumiin ang pagkakaipit ng braso ko sa kanyang leeg. Nanunuksong pinadaanan ko ng mumunting halik ang leeg niya pataas sa tainga niya.
"Mali," may landing bulong ko sa kanya. "I love you."
Napaigik ako bigla nang pumihit siya paharap saken saka ako itinulak. Tumama pa ang likod ko sa pader. Nahuli ko pa ang inis at galit sa mukha niya. Bigla naman akong inatake ng konsensiya ko. Syet!
"Hoy Cam!" tawag ko sabay sunod sa kanya. "Joke lang naman 'yon. Ikaw naman 'di na mabiro."
"Joke?!" huminto siya at nilingon ako. "Crosoft 'di 'yon joke dahil tinakot mo ako. There is a big difference between a joke and a prank, you idiot!" sigaw niya.
Natahimik ako.
Na blanko. Wala akong maisip. Lalo na't nakikita ko ang sakit sa mga mata ni Cam. Sa puso ko alam kong hindi lang 'yong panloloko ko ang nakasakit sa kanya. Meron pang iba. Wala akong nagawa nang talikuran niya ako at naglakad palayo. Naisuklay ko ang buhok gamit ang isang kamay at napabuntong-hininga.
Pack juice ka talaga kahit kailan Crosoft! Mamatay ka na nga lang!
. . . .
Ilang araw kaming hindi nagpansinan ni Cam. Walang imikan parang baliw lang. Gustong-gusto ko na siyang lapitan kaso ang OA ko naman. Hindi ko pa magawang lapitan at mag-sorry. Instead, pinapakita kong masaya ako kasama ni Jeymes. Pinapakita ko sa kanya na hindi ako affected. Pack juice naman kasi eh! Alam ko namang akong ang may kasalanan kaso nasanay ako na si Cam ang nauunang lumapit saken... pero ngayon hindi na. Tinitiis rin ako ng gaga! Kabanas!
Ilang araw nang hindi ako makatulog sa kakaisip sa kanya. Mukha na akong pandang nag-diet. Parang lagi na lang 'di kompleto ang araw ko kapag di ko siya naasar at nalalambing. I missed her blushes and sarcastic retorts. Ang ka-loadingan din niya minsan. Langya! Ano bang pinakain mo saken Cambria Velasco!
Ayoko na sawa na ako! Hahanapin ko na siya.
Kaso sabi naman ng Mama niya umalis raw. Saan ko naman 'yon hahanapin. Paikot-ikot lang ako sa daan kung saan may night market. Napapagod na rin ako. Nakakahilo ang dami ng tao. I decided to just walked out from the crowd at lumiko ako sa may mga fruit stand.
Grabeh na talaga 'to! Lord, promise! Kapag nakita ko si Cam sasabihin ko sa kanya na mahal ko siya 'yong may malisya. Bigla naman nang lumingon ako ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita siyang nakatitig sa mga nakasabit na makukulay na ilaw. Mukhang aliw na aliw pa siya.
Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti. Oy Lord, ang bilis ah. Gusto mo talaga akong maging-straight ah. Pero dahil promise ko 'yon sayo, sige na nga. Sa tuwa ko hindi ko napigilan ang lapitan at yakapin siya mula sa likuran. Narinig ko pa ang pagsinghap niya.
TBH, naiyak ako. Seriously, sobrang na miss ko lang talaga siya. I buried my face on her neck. Humigpit rin ang pagkakayakap ko sa kanya. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. I just love this woman so much.
"Kaya kong magpakalalaki para sayo. Kaya kong baguhin ang sarili ko para sayo. Kaya kong talikuran ang lahat sayo. Pero ang hindi ko kaya ay ang magalit ka sa akin. Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko Cam."
Sinikap kong huwag pumiyok baka halata naman ako masyado. Pero pack juice talaga! Ang sarap sa pakiramdam na ganito kami.
"May nakita akong public cr kanina pwede mo ng isuka ang kakornihan mo." Panira naman 'to ng moment eh!
"Baliw! Seryoso ako." Natawa lang ako nang mahina."Bakla, alam kong nasusuka ka na sa mga pinagsasabi mo. Sige na, ilabas mo na 'yan."
Pasimpleng pinunasan ko ang mga mata at natawa. Pumihit siya paharap saken.
"Oh, bakit nandito ka?" pagtataray niya.
"Nandito ka nga eh, bakit ikaw lang ang tao sa mundo?"
"Naks ang taray! So ganito ka mag-sorry sa akin?" Humalakipkip siya. "Hoy bakla alam mong may atraso ka pa sa akin?"
"Alam ko, kaya nga hinanap kita. Pumunta ako sa bahay n'yo sabi ng Mama mong laging taas kilay na umalis ka raw. Ang init talaga ng ulo ng nanay mo sa akin. Inferness 'di halata." Sarcastic yong huli. "And..."
Hinuli ko ang tingin niya. Natatawa na napapangiti ako. Litse talaga! Kinikilig ako. Pero pinaseryoso ko ang mukha sabay sabing.
"I missed you."
"Walang echos?"
"Seryoso, na miss talaga kita." Kinabig ko ulit siya payakap. "Na miss ko ang kapangitan mo at lihim mong pagnanasa sa akin." I chuckled. Sabay gigil na yakap.
"Wow ha, na tats ako." Pabalang na sagot niya. Lihim akong napangiti. Itinaas niya ang dalawang braso para yakapin ako. "Na miss din kita. Akala ko 'di mo na ako kakausapin ulit."
"Matitiis ba kita? At saka ako naman ang dahilan kung bakit nagalit ka sa akin. You're right, that was not a joke. Huwag kang mag-alala, alam ko na kung anong kaibahan ng isang joke sa prank."
"Wey?"
"Oo nga, ito nga may baon ako. And take note, this is a joke."
"Sige nga, i-banat mo na."
"Malapit na ang pasko. Kung ikaw din naman pala ang ibibigay nila sa akin. Pwede bang... sa kwarto nalang kita buksan?" Haha, actually, totohanin ko 'to pag ako nabaliw.
Pinalo niya ang likod ko bago kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya. Natatawang pinaningkitan niya ako ng mga mata.
"That's a green joke!" akusa niya.
"No, it's a white joke."
"Meron ba nun?"
"Oo naman, huwag kang tanga. White joke 'yon dahil pa-inosente ko 'yong sinabi. I didn't sound seductive, right?" Umiling siya. "See? Ikaw lang ang masyadong maharot mag-isip."
"So ako pa ang may kasalanan?"
"'Di si nemo."
"Baliw!"
Gaga! Kung alam mo lang. Sarap mo ring rapen ng pagmamahal eh. Ang haba ng buhok ng 'sang 'to. Hay naku Cambria! Mai-flames nga ang pangalan natin mamaya pag-uwi.
That night I chatted her.
Crosoft: Cams, what do you think about sex?
Baliw! Bakit ko naman naisip 'yon?
Cambria: Eww! Made love dapat 'yan. Sex is not romantic!
Crosoft: Haha! Jooowwk! Anyway, gusto mong
Cambria: Tumahimik ka Crosoft! Mga kabaliwan mo sa buhay haha! At take note, sa kasal ko lang ibabagsak ang bataan kaya kay Mr. Right guy lang 'yon XD
Crosoft: Paano kung ito 'yong taong meant to be mo?
Mabilis na ina-attached ako na picture.
Cambria: Sino?!
Crosoft: Gaga! Maghintay ka loading pa!
Cambria: Haha! Baliw!
Photo sent
Cambria: Huy! Ikaw naman 'yan eh! Ngeee!
Crosoft: Dae, ang OA mo naman masyado. Ang gwapo ko nga diyan eh! Kabanas to!
Cambria: HHAHA! NA SHOCK LANG AKO UY! BAKEET KINIKILIG AKO?
Crosoft: Kasi malandi ka! HAHAHA jowk love you Cam!
Cambria: Funny Crosoft! HA-HA-Ha ('_o) boo!
Crosoft: OA mo! Mahal nga kita eh!
Cambria: Alam ko uy! Wow naman! Galit agad?
Crosoft: Sabihin mo na kasi na mahal mo rin ako!
Cambria: Bakit ang strong mo?! Pack juice!
Crosoft: Sabihin mo na dali! Matutulog na ako!
Cambria: Di matulog ka na! Gaga!
Crosoft: Hindi ako...
Cambria: Hindi ka?
Crosoft: Sabihin mo na kasi!
Cambria: Ayoko!
Crosoft: Bweset ka rin eh! (X__X)
Cambria: Hahaha! Goodnight!
Crosoft: ewan ko sayo!
Cambria: Crosoft
Seen 12:01
Cambria: Hoy Crosoft!
Seen 12:02
Cambria: Crosoft, tulog ka na, mahal
Crosoft: Mahal mo ko?
Cambria: Mahal ang bigas hahaha XD
Crosoft: Seen forever!
Cambria: I love you Crosoft, goodnight <3
Crosoft: Yieee, 5 + 3 +4 Cam!
Cambria: Ano yan?!
Crosoft: Goodnight mwaaah!
Crosoft: log out
Humilata ako sa kama sabay titig sa kisame – napangiti. Bumaling sa gilid sabay yakap ng unan at napangiti ulit. Hay naku! Kinikilig ang bakla. Nagpabaling-baling na ako sa kama. Rolled from left to right. Parang tanga! Pack juice iba na 'to!
Anyway, I've read a comment kung bakit may mga flashbacks, actually, these SP's are all Crosoft's point of view way back before. Kinukwento niya lang kaya minsan may mga present moments sila Cam just to remember those moments kung saan inisip ni Cam na wala talagang feelings for her si Crosoft. This SP is for you (my beloved readers) to understand Crosoft's side of the story before he left Cam. Chos! Charing! Haha <3 Mabawasan lang ang galit at inis nyo kay Crosoft before. Pasensiya na confused lang si Crosoft haha. Anyway, wow! Nakapag-update ako! Comments? Missed all your comments. Pasensiya na, ito lang nakayanan ko for now. Let's just wait for the twins to come soon!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro