SP: Crosoft's Confession (Part 17)
"Oy bagong notebook!" inagaw ko mula kay Cam ang pink notebook niya. Aalisin ko sana ang naka taling pink garter string na naging lock ng notebook niya nang subukan niyang agawin mula sa akin ang notebook. Madaling itinaas ko ang notebook sa ere. "Ops!"
"Crosoft!" maktol ni Cam sabay busangot ng mukha.
"Oy Cam, ano nanaman 'to, ha?" lumayo ako nang konti sa kanya para 'di niya maagaw mula sa akin ang notebook. Napansin kong wala pang laman ang mga pages nun. Kumunot ang noo ko pero nang mapunta na ako sa huling page ay natawa ako nang mabasa ang naka bold na title na isinulat ni Cam sa likod ng notebook niya. "Cambrias's Secret Bucket List," natatawang basa ko nang malakas.
Pumiksi sa kinauupan si Cam at lalo pang sumimangot. Babasahin ko na sa na ang mga nakalista doon nang bigla niya akong itinulak. Langya! Nahulog ako sa bench at napasalampak ng upo sa semento. Naagaw ni Cam ang notebook mula sa akin.
"Pack juice ka talaga!" napapangiwing singhal ko sa kanya.
Ngiting aso lang ang ibinigay niya saken. "Buti nga sayo! 'Di na ako papatalo sayong bakla ka! Bahala ka na nga diyan."Nilayasan ako ng bruha! Kaasar 'yon ah!
"Matapilok ka sana!"
Natawa ako nang bigla na lang natapilok si Cam. Asar na nilingon niya ako. Binelatan ko lang siya. Buti nga sayo! Mababasa ko rin 'yang bucket list mo, ha!
. . .
Nag-CR si Cam. Ako naman nangangati nang buksan ang bag na iniwan niya. Magkatabi kami ng seat ni Cam sa Lit class namin. Kahapon pa talaga ako naku-curious sa kung anong meron doon sa bucket list niya. Iginala ko ang tingin sa buong paligid. Halos lahat busy sa pango-ngopya ng assignment.
Ah ewan! Mabilis na binuksan ko ang bag ni Cam at kinuha ang pink notebook niya. Paminsan-minsan ay napapasulyap sa may pintuan. Mabilis ang mga kilos na binuklat ko agad ang notebook diretso sa last page.
Cambria's Secret Bucket List
1. Be a Romance Writer (T_T)
2. Be a Horror Writer/Director!
3. Direct my own movie!
4. Have 3 boyfriends haha!
5. Marry the guy I love so much <3
6. Have a simple church wedding!
7. Have 4 beautiful children!
8. Move on with him (T_T)
9. Tell him what I really feel for him (T_T) (T_T)
10. M . . .
Yong pang-sampu lapis lang ang gamit na pansulat at mukhang kabubura lang nun. Kinailangan ko pang i-squint ang mga mata ko para mabasa 'yon. Langya naman! Bakit binura ang huli.
M-M-Marry the . . . Marry the guy . . . Marry the guy named Crosoft
Natigilan ako. Gusto akong pakasalan ni Cam kahit na ganito ako?
"Bria!"
Mabilis na napalingon ako sa may pintuan at mula sa maliit na bintana ng pinto ay nakita ko si Cam na papasok na sa loob. Mabilis na ibinalik ko ang notebook sa bag ni Cam. Umaktong natural kahit na deep inside pinagpapawisan na ang utak at puso ko. Hindi ko alam. Pero napangiti ako nang maalala ko ulit ang binurang isinulat ni Cam sa notebook niya. Kahit na binura niya 'yon ay hindi ko parin mapigilan ang mapangiti. Leche! Gusto akong pakasalanan ni Cam!
Kinikilig ba ako?Peste! Oo, yata!
"Hoy!"
Napakurap-kurap ako nang ilang beses. Ibanaling ko ang tingin kay Cam.
"Huh?"
"Anyaree sayo?Ngiting-ngiti ka diyan?"
"Nakangiti ba ako?H-Hindi ah." Hinawi ko ang buhok sa likod ng isang tainga. Natawa naman si Cam sa akin kaya kumunot ang noo ko. "Oh, nakatawa ka diyan?"
"Wala, yong pag-hawi mo ng buhok sa likod ng tainga mo kasi." Natatawang sagot ni Cam. "I mean, you're gay pero natatawa parin ako kasi wala ka namang buhok na hinahawi."
"Huh?"
"Sabi ko ang cute mo! Para ka lang kinikilig na babae."
Hindi ko maalis ang tingin kay Cam. Naaliw ako sa tunog ng tawa niya. Pati ang kislap ng mga mata niya. Parang in-slow mo ang lahat. Alam kong baliw na ako noon pa. Pero mukhang lumalala na yata ang nararamdaman ko para sa babaeng 'to.
"Mcdo tayo later, treat mo."
"Okay –"
"Yes!"
"W-wait! Treat ko?"
"Oo, pumayag ka na, diba? Wala nang bawian!"
"Ay ang daya! Ginulang mo na naman ako!"
"Ganoon talaga hihi! Lutang ka kasi!"
"Ses!" kasalanan mo naman!
. . .
Sinundo ko si Cam sa coffee shop kanina at papauwi na kami. Hawak-hawak ng isang kamay ni Cam ang isang box ng Dunkin Donut na may lamang munchkins at paminsan-minsan ay kumukuha ng isang munchkin at sinusubuan ako ng isa.
"Alam mo Crosoft," simula niya.
"Hmm?" tanging sagot ko dahil 'di ko pa nalulunon ang munchkin na isinubo niya kanina saken.
"May sasabihin ako sayo."
Nalunon ko nang wala sa oras ang munchkin. Ewan ko lang kung bakit pero bigla na lang pumasok saken ang naka lista doon sa bucket list niya. Relaks Crosoft huwag kang shunga masyado! Bucket list lang 'yon! Langya! Bakit ako affected masyado?!
Pagbaling ko nang tingin kay Cam bigla na lang niyang isinubo ang isang buong munchkin sa bibig ko. Tumawa si Cam nang malakas. Sa asar ko ay kumuha rin ako ng isang munchkin mula sa box na hawak niya. Hinawakan ko ang leeg niya at ipinasak ang isang munchkin sa bibig ni Cam.
"Oh akala mo, ikaw lang, ha?!" tatawang ginulo ko pa ang buhok niya.
Nilunon muna ni Cam ang kinakain bago ulit nagsalita. "Hooy!"
Hinila ko siya palapit at inakbayan. Naglakad ulit kami.
"Tama na 'yan. May sasabihin ka pa, diba?"
"Oo, may sasabihin ako. Kaso ko huminto muna tayo." Kumunot ang noo ko nang hawakan niya ako bigla sa mga braso at pilit na pinihit paharap sa kanya. Inangat niya ang tingin saken. May naglalarong ngiti sa mukha ni Cam. Natigilan ako. Parang biglang gusto kong haplosin ang mukha niya at yakapin. "Crosoft!"
"Huh?" natauhan ako bigla.
"Itatanong ko lang naman. Paano kung may isang babae ang mag-confess sayo. Anong gagawin mo?"
"Tigilan mo ko Cambria." Hinila ko na siya pero pinigilan niya ako.
"Ay ang OA mo! Sagutin mo na kasi ako."
"Sasagutin kita?"
"Ay mali! Sagutin mo na kasi ang tanong ko. Huwag ka ngang KJ, Crosoft."
"Hoy bruha ka! Kung may plano kang mag-confess saken." Which is nasa bucket list mo. "Huwag mo ng ituloy. Asahan mong hindi kita papansinin ng isang taon kaya magtigil ka diyan."
"Pero 'di nga... like, sabihin natin may gusto ako sayo. Tapos magtatapat na ako ngayon. Anong magiging-reaksyon mo?" Umisang hakbang pa siya palapit saken. Hindi ko alam pero bigla ko na lang siyang tinalikuran lalo nang titigan niya ako sa mga mata kasabay nun ang pagtibok nang malakas ng puso ko. "Oy huwag mo kong talikuran!"
"Umuwi na tayo Cambria!" Akmang hahawakan ko na ang kamay niya para hilahin nang mag-salita ulit si Cam.
"Ang sama nito! Tumingin ka muna kasi saken. Bakit ayaw mo akong tignan?"
Inaasar talaga ako ng babaeng 'to! Halikan kita diyan pag 'di ako nakapagtimping babae ka! Busit! Nai-stress ako ng bongga! Leche!
"Tsk, feeling ko may SSS ka na saken."
"SSS?"
"May Something-Something-Saken. Ayaw mo akong tignan eh." Napasinghap ako nang bigla na lang siyang nag-appear sa harap ko. "Hoy!"
"Cambria baliw ka na!"
"Ikaw ang nababaliw! Bakit ka naiilang saken?"
"Hindi ako naiilang sayo. Natatakot ako sa kapangitan mo."
"Wee? Bakit 'di ka makatingin saken nang diretso?" Sinilip-silip pa niya ang mukha ko pero lagi ko 'yong iniiwas. "Oi, may SSS si Crosoft saken."
"Asa ka pa!" lakas loob na tinignan ko sa mga mata si Cam. Kahit na iba talaga ang naidudulot nun saken. Swear nati-tempt akong halikan siya. Langyang buhay 'to ah! Ang weird naman kasing isipin: Bakla nagnakaw ng halik sa isang girl. De naloka pa ang buong sambayanan. Come to think of it, nahalikan ko naman na talaga si Cam. Leche na talaga!
"Tsk, minsan na nga lang umasa." Nagulat ako nang bigla na lang niya akong niyakap. "Crosoft! Crosoft! Crosoft!" nakangiting ulit niya sa pangalan ko habang nakatingala sa mukha ko.
"Hoy Cambria sobra-sobra na 'yang tsansing mo saken. Kakasohan na kita ng sexual harassment. Sige ka."
"Okay lang, pananagutan kita, swear." Humagikhik si Cam.
Natawa naman ako. "Pa obvious ka na saken masyadong babae ka!"
"Wala akong crush sayo. Ikaw kaya ang may SSS saken."
"Member karin kaya ng mga taong may SSS saken."
"Hmp!" akmang lalayo siya saken nang gantihan ko siya ng yakap. "Crosoft!" daing ni Cam dahil hinigpitan ko talaga ang pagyakap sa kanya. "Pack juice ka!"
"Cambria! Cambria! Cambria!" idinuyan-duyan ko siya ng yakap.
"H-Hindi ako makahinga gago ka! Magtatapat na lang ako para pakawalan mo na ako."
"Huwag!" niluwagan ko ang pagkakayakap sa kanya.
"Bakit?" kunot ang noo ni Cam.
"'Diba sabi ko sayo lalayo ako. Huwag kang magtapat kahit joke lang 'yon. Huwag mo kong pakawalan Cam. Huwag muna..."
PRESENT
Nakailang katok na ako sa pinto ng editing room sa ibaba pero hindi parin sumasagot si Cam. Paghawak ko sa knob hindi 'yon naka lock kaya madali ko lang 'yon na nabuksan. Nakita ko si Cam na nakayupyop ang ulo sa harap ng computer. Mukhang nakatulog na. Alas dos na ng madaling araw nang magising ako na wala parin sa tabi ko si Cam.
Pinatay ko muna ang computer bago maingat na kinarga si Cam. Lagi na lang nagpapagod 'tong si Cam. Kung hindi ko lang alam kung gaano niya kamahal ang trabaho niya matagal ko nang itinali si Cam sa kama. Teka, parang iba ang naiisip ko sa mga taling ganoon, ah. Natawa na lang ako sa isip.
Umungol ito nang paakyat na kami sa hagdan.
"Crosoft..."
"Shsh, matulog ka lang."
"Anong oras na ba?" nakapikit niyang tanong.
"Alas dos pa lang,"
"Hmm..."
Nang makarating sa kwarto namin ni Cam ay maingat na ibinaba ko siya sa kama at kinumutan bago naupo sa gilid ng kama sa tabi niya. Nakangiting tinitigan ko ang mukha ni Cam. Hindi na yata ako magsasawang titigan ang mukha niya.
Hinaplos ko ang mukha niya.
"Crosoft,"
"Hmm?"
"Madaling araw tsumatsansing ka na saken."
Natawa ako. "Baliw, asa ka naman!"
Ngumiti si Cam. Iminulat niya ang mga mata. "Oo naman, may SSS ka kaya saken. Kaya nga lagi kang nanggigil saken kapag gabi. Bumabawi ka sa mga taon na nagtitimpi kang manyakan ako."
Napamaang ako pero natawa lang din. "Wow! Tayog ng imagination ng misis ko ah."
Itinaas ni Cam ang isang kamay para hawakan ang mukha ko. "Ang gwapo talaga ng mister ko."
Napangiti ako. "Bakit ba sobrang mahal kita?"
"Bakit nga ba?"
"Kasi mahal kita."
"Mas mahal kita. Marami akong iyak sayo."
"Hindi, pareho nating mahal ang isa't isa. Isang balde ang iyak natin."
Natawa kaming pareho ni Cam. Ay ang OA naming dalawa. Pero iba talaga. Alam mo 'yong kahit na tumanda pa kayo lagi paring bago ang lahat. Parang kapag nagmahal ka hindi nagiging luma ang lahat. Hindi nawawala ang saya kahit dumaan man ang ilang taon.
"Ang aga-aga lumalandi na naman tayo."
Mabilis na lumipat na ako ng higa sa tabi ni Cam. Niyakap ko siya. She snuggled closer to me.
"Cam, naalala mo pa 'yong bucket list mo noon?"
"Hmm? Bakit mo na tanong?"
"Gusto ko lang malaman ilan doon ang natupad."
Nakangiting inangat ni Cam ang mukha saken. "Halos lahat."
"Really?"
She nodded. "Maliban sa tatlong boyfriend na isinulat ko." Natatawang itinakip ni Cam ang mga palad sa mukha. "Nakakahiya! Wala pala akong naging boyfriend."
"Anong wala? Anong tingin mo saken?"
Ibinaba niya ang mga kamay. "Naging mag-on ba tayo?"
"Baliw! Ahitan ko 'yang kilay mo. Ano sa tingin mo ang tawag doon sa relasyon natin bago tayo ikinasal. Nakakasama ka ng intestine."
Napangiwi si Cam. "Ay sorry! Oo nga, 'no."
"Oo nga, 'no." Gaya ko pa. "Ewan ko sayo."
"Ay, ito naman tampo agad ang asawa ko. Sorry na, ikaw pala ang una at huling lalaki sa buhay ko na maganda." Cam buried her face on my neck. "Sorry na mahal ko."
Pinigilan kong matawa. Nakikiliti ako. "Huwag na nasaktan na ako."
"Ito naman, sorry na nga eh."
"Cam, ano yong pag-sampu sa bucket list mo noon?" pag-iiba ko.
"Hey!" akmang babangon si Cam nang higpitan ko ang pagkakayakap sa kanya. "Not fair! Paano mo nalaman na sampu 'yong isinulat ko noon?!"
"Actually, na curious na talaga ako nang bongga kaya ninakaw ko ang notebook mo nang minsang mag-CR ka." I chuckled. "Murahin mo na ako, okay lang."
"Pwede bang Mahalin na lang kita kesa Murahin."
"Ay! Ay! Iba talaga ang hugot ng misis ko kapag madaling araw ah. Kinikilig ako."
"Naiihi ka lang," she chuckled.
"Pero hindi nga, bakit binura mo 'yong pansampu?"
"Hmm," natawa bigla si Cam. "Hindi ko naman talaga binura lahat. Nakakahiya! Papalitan ko nang ballpen ang lapis para magkatotoo. Eey! Nakakahiya talaga."
"Ba't ka pa mahihiya eh kasal naman na tayo."
"Kasi nga baliw na baliw ako noon sayo. Sabi ko sa sarili noon. Kapag isinulat ko ang mga bucket list ko kailangan ballpen lahat para mahirap burahin. Na gagawin ko talaga kung ano ang nakasulat doon. Doon sa pang-ten 'di ko pa alam kung mangyayari talaga 'yon pero dahil nga malaki ang hugot ko sa pagiging-positive isinulat ko ulit 'yon gamit ng ballpen."
"What's your number ten, then?"
"Ang maging misis ng isang Crosoft D'cruze. Eeei! Nahihiya ako." Itinakip ulit niya ang mga palad sa mukha. "Nakakahiya! Feeling ko pinagtatawanan mo ang bucket list ko noon."
"Oy 'di ah. Dinibdib ko ang mga 'yon."
"Talaga?" sumilip siya mula sa mga palad niya.
"Oo, nag-alala ako kung alin doon ang magkakatotoo."
"Ay ang sama! May SSS ka kaya saken kahit noon pa! Pabebe ka lang kaya pa hard to get masyado. Kita mo nga 'di ka nagpakita saken nang halos pitong taon na gago ka!"
"Mahal naman, huwag mo nang ipaalala saken 'yon, please."
"Tama, kalimutan na natin 'yon."
"Wait, may naalala ako. Diba, sinulat mo na gusto mo apat ang anak?"
"Yata, bakit?"
"Gawin natin para ma complete natin ang bucket list mo."
"Baliw! Kahit maging apat pa anak natin 'di parin 'yon mako-kompleto. Ikaw lang ang boyfriend ko."
"Hoy! Take note! MU tayo noong college. Counted 'yon. After 7 years bumalik ako at niligawan ka. Naging mag-on tayo. Naghiwalay tayo pero nagbalikan ulit. So kung i-add natin 'yon ako ang first, second, and third boyfriend mo. Huwag kang ano diyan."
"Push mo 'yan,"
"Counted 'yon!"
"Oo na! Oo na!"
"Payag ka nang dagdagan na natin sila Danah at Font."
"Kung magsalita ka parang ang daling manganak."
"Masarap naman gumawa eh – awts!" napangiwi ako nang kurotin ako sa tagiliran ni Cam. Ang sakeet! Langya!
"Crosoft, ha! Manyak ka talaga eh."
"Ah basta! Gusto ko apat anak natin."
"De ikaw ang magbuntis!"
"Ayoko, dapat tayong dalawa. Tig-isa tayo. Akin 'yong isa. Sayo 'yong isa." Natawa ako sa iniisip. Saan ko naman 'yon ilalabas? Langya!
"Baliw!" natawa si Cam. "Sana kambal para isang buwanan lang."
"Pwede rin," I chuckled. Sinimulan ko namang padaanan ng halik ang naka expose na balat sa balikat ni Cam. "Ano, simulan na natin ngayon na?"
"Alam mo napaka ano mo talaga Crosoft," natatawang palo saken ni Cam. "Nahahawa na ako sa pagka-ano mong bakla ka."
"Shut up Cam! Let's do this."
"Haha, ewan ko sayo! Inaantok na ako."
"Mamaya na, sabay na tayong matulog."
"Hindi na nga lang ako papasok bukas."
"Yes! Magdamagan 'to!"
"Crosoft!"
"Hanggang 5 am lang naman."
Woah! Matagal akong hindi nakapag-update ng SP. Grabeh ngayon lang ulit haha. As promise hanggang SP 20 na lang ang CamSoft kaya 3 SP's more to go! Nagpapasalamat parin ako sa mga taong walang sawang inuulit ang kwento nila Cam at Crosoft. Sa mga taong naghihintay ng mga SP's kahit laging wala si otor. Sa mga nag-vo-vote, comment, at nagsi-share ng CamSoft. Salamat po sa inyo! 'Yon lang, hope you like this chap. Comments?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro