SP: Crosoft's Confession (Part 16)
"I miss you Cam! Send. I miss you Cam! Send. I miss you Cam! Send! Send! Send! Pack juice ka Cam mag-reply ka saken! Busit!" asar na napatingin ako sa kisame.
Langya! Kanina pa ako asar na asar. Ay hindi, ilang araw na pala. Mauubos na ang load ko sa kaka-text kay Cam pero hindi parin nagri-reply. I look at our past conversations. Last week pa 'yon. Hindi na nasundan. Pinagpalit na talaga ako ng gaga sa ibang hipon. I mean, hindi ako hipon. Ah ewan!
At least naman sana sabihin niya naman saken na wala na siyang oras saken. Hindi 'yong magugulat nalang ako na wala na pala kami. Langya! Para namang naging kami. Bestfriend lang naman kami. Pero kahit na! Bwesit! Naiinis na ako!
"De okay! Kung ayaw niya na saken. Ayoko na rin sa kanya!"
Bahala siya sa buhay niya.
I keep scrolling my inbox. Wala pa ring text mula kay Cam. Talagang tinitiis ako ng walangya. Ganito ka pala mag-move on, ha?
"Ano bang tinitignan mo diyan?" basag ni Jeymes.
"Ah-huh?" mabilis na in-off ko ang cell phone. "W-Wala," napakamot ako sa kilay. "Hindi naman importante."
"Napapansin kong panay ang tingin mo sa cell phone mo nitong nakaraang araw. May hinihintay ka bang text?"
"Wala, medyo nawiwili lang ako sa bagong app na dinawnload ko." I chuckled. "Ang ganda nga eh. Nakakatuwa, alam mo 'yong Panda Run? Nakakatuwa. Naaliw ako sa Panda. Mukha siyang anak ni Barney bet na bet ko violet na kulay niya haha."
"Okay,"
"Eh?"
Kung maka-reply naman ang 'sang 'to parang okay lang din ang sinabi ko. Kahit kailan minsan ang 'sang 'to hindi tao. Walang emosyon. Loading pa. Bakit ngayon ko lang napansin 'yon? Compared to Cam, kahit na lagi akong binabara ay hindi naman slow ang pick-up. Medyo shunga lang talaga minsan.
"Himala, 'di mo na yata laging kasama si Cambria?" pag-iiba niya.
Kaya nga ako naiinis. Busit na babae! Nang-iiwan sa ere! Ipasagasa ko 'yon sa airplane eh. Kabanas! Sarap mag-luto ng lugaw. Pampalubag ng kalam ng tiyan. Anong konek?
"Ayaw mo 'yon, lagi na tayong magkasama? Jowwk!"
"So hindi mo talaga ako gustong makasama." Langya ka Cam! Anong ginawa mo saken!
"Oo- este hindi! Iba ang ibig kong sabihin doon. I mean, busy lang si Cam. At napag-isip-isip ko na wala na gaano akong naibibigay na oras sayo. Kaya heto ako, bumabawi...?" napangiwi ako sa isip.
"Bakit parang may question mark sa huli?"
"Meron, ba? Wala naman ah. Imagination mo lang 'yon."
"Siguro nga," he shrugged.
"Ah ito, may joke ako."
"Ano?"
"Wala, jowk lang din na may joke ako haha."
"Okay,"
Hindi ko naman maiwasang taasan ng gilid ng bibig si Jeymes. Ah ewan ko sa 'sang 'to. Suko na ako. Hindi ka tao. Bigla namang nag-vibrate ang cell phone ko. Pasimpleng tinignan ko ang screen ng cell phone ko. Langya! 7210 wala na akong load.
Wala na bang mas sasaklap sa buhay ko?
....
Sabado. Isang linggo na naman ang lumipas. Puro hi, hello, okay lang, busy, pasensiya na lang ang naririnig ko mula kay Cam. Kung hindi ko pa kakausapin wala pa yatang balak na kausapin ako. Hindi ba nakakaasar 'yon?
Biglang kumirot ang ulo ko. Ilang araw na rin akong walang tulog. Loaded ang schedule ko at gawain. Gabundok na ang dapat kong gagawin. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin. Dumagdag pa sa isipan ko ang pandi-deadma saken ni Cam.
Kaya pinapakita ko sa kanya na masaya ako kahit wala siya. Ang inis ko dinadaan ko sa pagbanat ng jokes at pagtawa sa harap niya. Pinapakita kong hindi ako apektado kahit na sobra na talaga akong apektado.
Wala din akong naririnig na kahit ano tungkol sa mga text ko sa kanya. Para bang hindi niya 'yon nabasa. Parang wala lang. Naiinis ako sa poker face niya. Sa pagiging tahimik niya. Sa palaging pagtango at simpleng ngiti na walang buhay. Gusto ko siyang sipain at nang matauhan.
Mula sa kusina ay kumuha ako ng tubig sa ref para makainom ng gamot. Masama talaga ang pakiramdam ko simula pa kahapon. Sobrang kalat na ng condo dahil wala akong lakas na maglinis. Hindi ko magawang magluto. Buong araw na akong nakahilata sa kama. Mukhang nakikisabay pa ang panahon sa labas sa nararamdaman ko dahil sobrang lakas ng ulan.
Hindi ko din naman matawagan si Jeymes dahil nasa emmirsion siya at wala sa Maynila. Ano pa bang mapapala ko kay Cam na laging missing in action. Bumalik na lang ulit ako sa kwarto. Itutulog ko na lang 'to. Baka bukas okay na ulit ako.
Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulog. Namalayan ko na lang na may kung anong ingay sa labas ng kwarto ko. Parang may kung sinong naglilinis sa labas. Sinubukan kong hilahin ang sarili kong bumangon pero nahihilo ako kaya nahiga ulit ako.
"Pack juice! Mamatay na yata ako." Naipikit ko ang mga mata nang parang umikot ang buong paligid. Natutop ko ang noo. Nakapatay man ang aircon ay hindi parin ako pinagpapawisan.
Bumukas naman bigla ang pinto. Madilim ang buong kwarto ko dahil nakababa lahat ng kurtina. Sinubukan kong imulat ang mga mata ng paunti-unti.
"Crosoft!" boses ni Cam.
Mabilis na nakalapit siya saken. Ibinaba niya ang hawak na basin na may bimpo sa bedside table at tumabi ng upo sa akin. Bago pa naging malinaw saken ang mukha niya ay nasalat na niya ang noo ko.
Hinawakan ko ang kamay niya.
"Cam..." halos pabulong ko ng tawag.
"Crosoft," ibinaba niya ang kamay ko. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Napangiti ako. "Oh, bakit nakangiti ka pa diyan?"
"Wala lang, nakakatuwa, kung hindi pa ako nagkasakit, hindi mo pa ako pupuntahan."
"Tsk, nag-alala lang naman ako. Tumawag saken si Tita sabi niya may sakit ka daw. Eh, nalaman kong wala pala si Jeymes. Bakit 'di ka man lang nag-text saken, ha?"
"Hindi ka nga nag-ri-reply saken,"
"Hindi ko ba nasabi sayo ang new number ko?"
"New number?"
"Pack juice! Akala ko nasabi ko na sayo na na P.U.K ang sim ko. Noong isang linggo pa. Eh, ano ba 'yan. Akala ko talaga nasabi ko na."
"Masasabi mo pa kaya 'yon saken eh 'di mo nga ako gaanong pinapansin – aw," biglang kumirot ang sentido ko.
"Nakainom ka na ba ng gamot mo?" Tumango ako. "Nilalamig ka ba? Nagugutom? May masakit ba sayo? Sabihin mo lang sak –" hinawakan ko ang kamay niya at dinala 'yon sa may puso ko. Hinuli ko ang tingin niya. "Crosoft?"
"I missed you..."
Hindi ko maiwasang maging emosyonal nang sabihin 'yon. Oo, iyakin talaga ako. Lalo na kapag sobra na. Sobrang importante lang talaga saken si Cam. Na para bang ang hirap kapag wala siya sa tabi ko. Hindi ko alam kung simpleng gusto lang 'tong nararamdaman ko para sa kanya o iba na... na kung pwedeng pagmamahal na... natatakot akong saktan siya... pero gusto kong lagi siyang kasama. Masyado ba 'yong mahirap na hilingin?
Napayuko ako nang maramdaman ang mga luhang pumapatak mula sa mga mata ko.
"C-Crosoft..."
"Sobrang miss na miss na talaga kita Cam. Naiinis ako dahil 'di mo man lang ako magawang kausapin tulad ng dati. Para bang lumalayo ka na saken. Okay lang naman 'yon," inangat ko ang mukha. "Pero sana... huwag 'yong malayong-malayo... baka 'di na kita maabot." Isinandal ko ang ulo sa balikat niya.
"I'm sorry..."
Mahal na yata kita Cam.
Pero hindi ko alam kung makakaya ko bang panindigan ang nararamdaman ko para sayo. Pasensiya na. Hindi ko pa kayang sabihin sayo ang kung anong nandito sa puso ko. Natatakot akong masaktan ka... at tuluyang mawala sa buhay ko.
Sa ngayon, pwede bang... dito ka lang sa tabi ko?
Naramdaman ko ang paghagod ni Cam sa likod ko. Napasinghap siya nang yakapin ko siya bigla.
"Crosoft..."
"Can we stay like this for awhile?"
She nodded.
"Thanks,"
....
Naalimpungatan ako kaya nagising ako bigla. Medyo gumaan na rin ang pakiramdam ko. Bumangon ako. Napansin kong madilim parin at napalitan na ang damit ko. Sinalat ko ang noo. Hindi na rin ako ganoon ka init. Sunod ko naman na hinanap si Cam. Pero wala siya. Nagdesisyon akong bumaba ng kama.
Lumabas ako ng kwarto. Patay na rin ang mga ilaw. Maliban na lang sa lamp shade sa sala. Naabutan kong mahimbing na natutulog si Cam sa sofa. Yakap-yakap niya ang sarili. Lumapit ako at naupo sa ibaba ng sofa.
Ilang segundo kong pinakatitigan ang mukha niya. Hindi rin ako nakatiis at hinaplos ko ang mukha niya. Napangiti ako ng mapait. Wala na, iba na talaga ang tama ko kay Cam. At sa tuwing inaamin ko 'yon sa sarili ko lalo lang akong kinakabahan at natatakot para sa aming dalawa. Natatakot akong dumating ang oras na hindi ko na siya kayang ibigay sa iba. And it would be a selfish thing for me to do. I know, it would be wrong.
"Cam..."
Isinandal ko ang likod ibaba ng sofa at napabuntong-hininga. Ang hirap pala... naipikit ko ang mga mata. Anong gagawin ko Cam?
....
I put my hands on my waist habang masayamang tinitignan ang lahat ng hinanda ko sa umagang 'yon. Maganda ang gising ko kaya naisip kong magluto. Oh, diba?
"Hoy Crosoft!" napalingon ako sa sumigaw.
Lumapad lang ang ngiti ko. "Cam!" mabilis na lumapit ako sa kanya at pumwesto sa likod niya. Itinulak ko siya palapit sa dining table. "Kumain ka na." Pinaghila ko siya ng upuan saka siya pinaupo. Inilapit ko ang mukha malapit sa tainga niya saka bumulong. "Alam kong napuyat kita kagabi."
Napatingin siya saken. Lalo lang lumapad ang ngiti ko nang gahibla nalang ang layo ng mga mukha namin sa isa't isa. Nanlaki naman ang mga mata ni Cam nang mapansin 'yon. Nahuli ko pang namula siya bago niya iniwas ang mukha. Natawa ako.
"Kumain ka na,"
"A-Ang dami naman nito..." nalito pa siya sa kung anong gagamiting kubyertos. Napapangiti naman ako sa likod habang pinagmamasdan ang bawat kilos niya. "A-Ano... sana hindi ka na nag-abala. Baka mabinat ka."
"Nah, I'm already okay."
"Sure ka?"
"Oo nga sabi, ang kulet."
"Sorry naman po, pasensiya, ha?!"
Natawa lang ako. Iniwan ko muna si Cam at pumunta sa sala para i-on ang mp3 player na nakakabit sa sound system dahil masyadong tahimik. Ang boring! Haha, chos. Truth, gusto ko lang ng background music.
Nag-play naman agad kaya bumalik na ako sa dining area. Pumwesto ako sa katapat na upuan ni Cam. Habang kumukuha ng pagkain ay sinabayan ko naman ang kanta. Hindi halatang good mood, diba?
Can't blame you for thinking
That you never really knew me at all
I tried to deny you
But nothing ever made me feel so wrong
I thought I was protecting you
From everything that I go through
But I know that we got lost along the way
Pag-angat ko ng tingin ay nakatingin saken si Cam. Ngumiti ako kahit na nakasubo sa bibig ko ang kutsara. Natawa lang siya saken. Patuloy parin ako sa pagsabay sa kanta.
Here I am with all my heart
I hope you understand
I know I let you down
But I'm never gonna make
That mistake again
You brought me closer
To who I really am
Come take my hand
I want the world to see
What you mean to me
"What you mean to me-" kanta ko.
"Ang ganda ng kanta," komento ni Cam.
"Yup, kaka-download ko lang 'yan noong isang araw. Nang marinig ko ang kantang 'yan biglang naisip ko siya."
"Si Jeymes?"
Umiling ako. "Hindi,"
"Eh sino?"
"Isa sa mga font style sa MS Word," I chuckled.
"Huh?"
"Wala, sabi ko, kumain ka. Ihahatid kita pauwi sa inyo mamaya."
"Tsk," napasimangot siya. Pa cute talaga ang 'sang 'to eh. "Huwag na, mag-iinit na naman ang anit ni Mama kapag nakita ka. Saka nagsinungaling din naman ako sa kanya kagabi." She chuckled.
Nangulambaba ako habang nakatitig kay Cam.
"Pakasalan nalang kaya kita?"
Natawa si Cam. "Mabuti pa, ang dami mo ng pananagutan saken na loko ka!"
I chuckled. "Wow! Lumalaban ka na sa mga banat ko sayo."
"Syempre!"
"Oh ito, Can you imagine yourself with me forever?"
"Can you?"
"Can you?" balik ko.
"Ewan ko sayo Crosoft. Ang OA mo, 'yan yata ang side effect ng lagnat mo kahapon. Ang mabuti pa ikain mo na 'yan. Promise, gutom lang 'yan."
Natawa lang ako. "Kapag hindi mo 'yon nasagot iisipin kong gusto mo ako."
"Patawa ka? De kapag tinanong kita kung mahal mo ko hindi bilang isang kaibigan lang at hindi ka makasagot iisipin kong mahal mo nga ako."
"Try mo, itanong mo saken."
Tinitigan niya ako. "Nababaliw ka na, noh?"
"Sige na, sabihin mo na, try mo."
"Fine," she trailed off. "Crosoft, mahal mo ba ako?"
Nakangiting tinitigan ko lang siya. I didn't answer her. Nakatitig lang talaga ako.
"Oh, bakit 'di ka sumagot? Diba, mahal mo lang naman ako bilang isang kaibigan?"
"Baliw! May pakialam ka kung ayaw kong sumagot. Buhay mo 'to? Huwag kang shunga! Kumain ka na nga. Eh sa ayaw kong sumagot."
"Eh 'di huwag kang sumagot. Tsk!"
"Hindi talaga!"
Shunga talaga ng 'sang 'to eh! Nakaka-stress ng anit!
After 6 days nakapag-update na ako ulit! Woah! Umabot na ng SP 16 ang CamSoft! Wow naman! Ang haba na haha! Pero bago 'yon magpapasalamat muna ako sa mga supportive CamSofters na laging nagbabasa, nagvo-vote, at nagko-comment. Sobrang nakakataba po ng puso na kahit tapos na ang original story ng OSC ay tinatangkilik nyo parin ang SP's ni Crosoft. Na curious din siguro kayo sa POV niya haha. Pero sad to say, malapit ko na pong tapusin ang SP. Promise, nalulungkot rin akong tapusin finally ang OSC ay masaya parin ako dahil sobra nyo pong na appreciate ang kakaibang love story nila Cam at Crosoft! Mwaah! Mwah! Salamat po ulit! Comments? Sana mahaba, chos! de joke lang! love lots! <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro