Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SP: Crosoft's Confession (Part 15)

Napapansin kong masyadong tahimik ngayon si Cam. May pagkakataon talaga na masyado siyang iwas saken. Bigla na lang natatahimik at lalayo. Parang praning! Snob kung minsan. Sanay naman na ako. Hindi ko lang alam kung bakit may pagkakataon na ganun siya. Moody lang siguro. Ganoon din naman ako minsan. Hindi ko lang alam kung naiinis rin siya kapag moody ako.

Tulad ngayon, habang nagdi-discuss ang prof namin sa theatre ay tahimik lang siya sa tabi ko. Nagdo-doddle ng kung ano-ano sa likod ng binder niya. I wonder kung iniisip niya ako? Naloloka na ako sa mga pinag-iisip ko. Asar na saken si Jeymes. Wala parin akong masabi sa kanya. Gusto ko na ngang magpakalbo sa sobrang pag-iisip. Pero naisip ko ang pangit ko tignan. Pagkamalan pa akong siopao.

"For today's activity, I want you to find your own partner."

Automatic na tumingin ako kay Cam. Tumingin rin siya saken. Poker face pa.

"Partner mo 'ko?" walang buhay na tanong niya.

Na asar ako! "Malamang, ikaw ang tinignan ko, diba?"

"Okay," she just shrugged.

Tsk, ano bang problema ng 'sang 'to?

"You have to act infront. Each partner will pick the scene inside this fish bowl. Kung ano man ang mabubunot n'yo 'yon ang gagawan n'yong adlib. But first pass your ¼ piece of paper. Write your name and your partner's name."

Nagsimulang umungol ang iba naming mga kaklase. Pero itong si Cam wala paring pakialam. Kahit siguro magunaw ang mundo nandito parin 'yang si Cam. Si Cam na ang nag-sulat sa mga pangalan namin. Pinasa niya 'yon sa harap.

"For example," nagpatuloy si sir. "Cheating scene, syempre ang i-act n'yo ay all about those stories na ang hero or heroine nag-cheat sa kanilang mga partners. I'll give you a max of 5 minutes and minimum of 3 minutes to act the scene. Understand?"

"Yes sir!"

"Good! But before we start, I want you to all listen and focus to the ones who are acting infront. Are we clear?"

"Yes sir!"

"Good, then, let's start."

"Psst," ko kay Cam.

Tumingin siya saken. "What?"

"Okay ka lang?"

"Hmm?"

"Sabi ko, kung okay ka lang?"

Pilit ang ngiti niya. "Oo naman, bakit mo naman na tanong?"

"You're acting weird."

"Ilusyon mo lang 'yan. Huwag ka ngang praning. Anyway, pagkatapos nito aalis ako."

Kumunot noo ko. "Saan ka pupunta? Hindi ka kakain ng lunch?"

"May pupuntahan ako."

"Sama ako,"

"Hindi ba pwedeng maghiwalay din tayo minsan?"

Hindi ko pinansin ang ngiti niya. Nasaktan ako. Kahit na may himig 'yon ng pagbibiro hindi ko parin gusto ang pagkakasabi niya saken nun. Inalis ko ang tingin sa kanya. Hindi ko na napansin ang mga umaarte sa harap. Sira na ang mood ko.

"Bahala ka," sagot ko.

Everyone claps.

"D'cruze and Velasco!"

"Sir?" ni Cam.

"Infront please,"

"Crosoft," tawag ni Cam saken.

Nauna na siya sa harap. Sumunod ako. Si Cam na ang bumunot para sa aming dalawa.

"Confession: Friendship Secret Love." Basa ni Cam. "The heroine tries to tell her feelings by telling the hero that she's tired of everything. She's moving on. She's leaving. She's going to start anew. The hero will get angry and confessed his feelings for the heroine. Sad to say, the hero only treated the heroine as a friend."

"Let's start?"

"O-Okay sir," alanganing tumango si Cam.

Wala sa mood na hinarap ko siya. She did the same. She mouthed something. Pero masyadong pikon 'tong pride ko na 'di ko siya pinakinggan. Tumayo ako ng maayos at pinablangko ang expression ng mukha. Namulsa ako.

"Ahm –"

"Ano bang problema mo?" basag ko.

"Huh?"

"Hindi kita maintidihan, alam mo ba? Minsan okay tayo. Minsan hindi. Cam, hindi ko na alam kung anong meron tayo. Minsan iniisip ko na unti-unti ka nang lumalayo saken. Pero wala akong idea kung bakit! If you don't want me anymore you can just f*kn tell me!"

Cam's expression shifted. Hinuli niya ang tingin ko.

"Oo, I want you out of my life!" Napaatras ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung arte lang 'yon o totoo. Pero ang bigat at ang sakit sa loob. "I don't want to be in your life! Alam mo ba kung bakit? Dahil ang sakit-sakit na maging bahagi ng buhay mo. Ang hirap maging parte ng buhay mo lalo na't hindi ko man lang masabi sayo ang totoo kong nararamdaman para sayo. I hate feeling like this! I hate always being with you! Dahil sa bawat oras, segundo, at minuto na magkasama tayo lalo lang lumalalim ang nararamdaman ko sayo!"

"Cam?"

"Tama ka! Mahal kita! Masaya ka na?" Tears feel down on her eyes. "Pagod na pagod na ako sa kakatago nang totoong nararamdaman ko sayo. Minsan hinihiling ko na sana hindi na lang tayo nagkakilala. Na sana hindi na lang ako ang kaibigan mo. Na sana hindi ako naging parte ng buhay mo. Naisip ko na, kung sana hindi kita nakilala hindi mahuhulog ng sobra-sobra ang puso ko sayo. At hindi ako nasasaktan ng sobra ngayon."

"Ganun na lang ba 'yon?! Itatapon mo na lahat ang mga pinagsamahan natin? Aalis ka sa buhay ko dahil lang sa mahal mo ko?"

"Sa tingin mo ganoon lang kadali saken ang lahat ng 'to? Mahalaga ka saken. Pero hindi ko kayang maging kaibigan mo lang! Naiitindihan mo ba ako?! Sasaktan ko lang ang sarili ko. Ayokong kaawaan mo ako. Hindi ko kailangan nun Crosoft. Gusto kong umalis. Gusto kong kalimutan ka. Gusto kong mawala sa buhay mo!"

"Cambria!" lumapit ako at hinawakan siya sa magkabilang braso. "Look at me, please listen. Pag-usapan natin 'to."

"Hindi Crosoft! Tama na. Pwede ba, kahit ito lang? Kahit ito lang ang ibigay mo saken. Huwag mo na akong pahirapan pa." She sobbed.

"Hindi ka ba pwedeng manatili na lang sa tabi ko?"

"Mamahalin mo ba ako kapag ginawa ko 'yon?"

Napayuko ako. "I'm sorry, but I can't. May mahal na akong iba."

"At ikaw lang ang mahal ko. At ayokong maging makasarili. Gusto kong maging masaya ka. Huwag mong isipin ang nararamdaman ko. Masasanay rin ako. Masasanay ka rin na wala ako."

"Cambria please, don't do this."

"I have to, dahil kapag nanatili pa ako sa tabi mo. Baka 'di ko na kayanin pa." Lumayo siya saken. "Paalam Crosoft."

"Cambria!" sigaw ko.

But Cam walked out from the room.

I sighed.

Bigla namang nagpalakpakan ang mga kaklase ko. Humarap ako at ngumiti. Pumasok ulit si Cam sa loob. This time nakatawa pa. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. I wonder kung alin doon ang hindi totoo?

"Excellent!" lumapit samen si Sir. "Perfect emotions! Perfect lines! Akala ko totoo na talaga. You two are really great in pair. Good job! Kaya kayo gayahin n'yo sila Crosoft at Cam."

"Hugot!" sigaw ng mga kaklase nila.

Umugong ang tawanan sa buong silid.

"Yieee Cam! May gusto ka yata kay Crosoft bebe eh! LGBT!"

"Ngeeks! Kay Crosoft? Hindi kaya." Natawa ito. "Kayo talaga."

"Oh, anong masama doon?" react ko.

"Bakla ka kaya," sagot niya.

"Anong issue mo sa pagiging bakla ko?"

"Ah –"

"Magsi-CR lang ako."

'Yon lang at lumabas na ako ng silid. Narinig ko pang inaasar nila si Cam. Pero ano bang paki ko. Quotang-quota na saken ang babaeng 'yon.


....


"Tahimik ka naman yata masyado?" tanong saken ni Jeymes.

Si Jeymes ang niyaya kung kumain. Aalis daw kasi si lola Cam. Ayaw sabihin kung saan. Nasa canteen kami. Pero kahit lunch time na wala akong ganang kumain.

"May iniisip lang,"

"You know you can tell me."

"Jeymes, kapag ba sinabihan ka ng isang babae na crush ka niya kaso na turn off siya nang malamang bakla ka. Anong mararamdaman mo?"

"Wala, hindi naman ako nagkakagusto sa mga babae. Though, if they told me they like me I will feel overwhelm pero hanggang doon lang."

"Hindi ka naiinis?"

"Hindi,"

"Hindi ka naasar na sinasabihang eh kasi bakla 'yan –"

"Anong meron? It's true that I'm gay. What's the big deal? Teka, ano bang meron? Bakit mo naman na tanong?"

"N-Nothing, naitanong ko lang naman."

"Okay, anong oras labas mo mamaya?"

"8 pm pa, huwag mo na lang akong hintayin may dadaanan pa ako."

"Okay,"


....


Tinignan ko ang relo sa bisig. Malapit ng mag-nine. Binilisan ko na ang paglalakad. Ano mang oras lalabas na si Cam sa coffee shop. Lagi ko namang sinusundo si Cam pero nitong nakaraang araw tumatanggi na siya. Pero ngayon, gusto kong puntahan siya. I missed her. Nami-miss ko na siya lagi. Kahit na lagi kaming magkasama.

Alam ko sa sarili ko na nagkakagusto na rin ako sa kanya. Pero hindi ko maimin sa sarili 'yon. Alam ko lang pero itinatanggi ko parin. Mahirap. Hindi ko alam kung tama 'tong nararamdaman ko. I'm gay, pero bakit iba na ang nararamdaman ko para kay Cam. The feeling is new to me. It's hard to conclude things.

Natatakot akong baka mawala rin 'yon. At pagsisihan ko rin lahat. Masasaktan ko pa rin si Cam. Natatakot akong mawala siya saken dahil doon.

May nadaanan akong stall sa sidewalk na nagbi-benta ng mga pantali. Tumigil ako para tignan ang mga naka-display. Napangiti ako nang maalala si Cam. Mahaba na ang buhok niya. Bilhan ko kaya siya ng clip?

"Manang magkano 'to?" turo ko sa isang pink clip na may desinyong star.

"Bente-singko lang, hijo."

"Bilhin ko po," may ngiting inabot ko sa kanya ang bayad.

"Salamat,"

"Sige po,"

Nagmadali na ako papunta sa coffee shop. Pagdating ko doon natigilan ako nang makitang may kasamang lalaki si Cam. Mabilis na napatago ako sa poste na malapit. Hindi ko alam pero nakaramdam ako nang matinding kirot sa puso ko. Masaya si Cam habang kausap ang lalaki. 'Yong ngiti na alam kung galing sa puso.

Naisandal ko ang likod sa poste at napabuntong-hininga.

Siguro nga nagsawa na siya saken. Tama lang din 'yon. Hindi ko din naman maibabalik ang pagmamahal niya saken. Pero bakit ako ganito? Bakit gusto kong umiyak? Bakit gusto kong maglasing?

Bumaba ang tingin ko sa clip sa kamay ko.

"Aanhin niya ang clip na 'to kung may magbibigay naman sa kanya ng mga bulaklak." Usal ko sa kawalan. Tumingala ako sa langit. "Gusto kong mamundok at mag-soul searching." Asar na inipit ko sa buhok ang clip. Namulsa at naglakad palayo.

"Dadaan ako sa 7Eleven. Bibili ako ng tissue."



Anong gagawin ni Crosoft sa tissue? Haha! Anyway, muli po nagpapasalamat po ako sa suporta nyo sa CamSoft hanggang ngayon. Dadating din po ang panahon na matatapos ang SP at kapag nag-end na mami-miss nanaman natin ang CamSoft. For now, samahan na muna natin si Crosoft sa pag-e-emote niya. Mukhang kailangan din niya ng makakausap. Comment lang kayo. Mwaaah! <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro