Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SP: Crosoft's Confession (Part 14)

Ganoon na lang talaga ang panlalaki ng mga mata ko nang pagbuksan ko ng pinto si Cam ay napansin kong naka high waist shorts na sobrang ikli siya at damit na may mababang cut. Perfect na sana ang get up pero naka-tsinelas lang. Antrip ng 'sang 'to?

Naisandal ko ang ulo sa hamba ng pinto.

"Kailan ka pa nagbagong buhay?"

Cam rolled her eyes. "Shut up!"

Itinulak ako ni Cam papasok at dumiritso na ito sa loob ng unit ko. Pabirong nag-whistle ako sa kanya.

"Witwew..." sabay tawa.

"Tigilan mo ko Crosoft! Wala ako sa mood." Sumalampak siya sa sofa at nag-indian position. "Pinagtitinginan ako kanina. Naloka ako!" She pouted her lips. Natawa naman ako at tinabahan siya sa sofa.

Pabagsak na naupo ako sa sofa.

"Aba'y sa puti ng legs mo ba naman –" hinawakan ko pa naman 'yon para lang mapangiwi when she twisted my arm. "Pack juice ka Cam!" I jerked away from her grasp. "Tang na juice ka ah!" Singhal ko sa kanya.

"Hindi porket bakla ka ay hahayaan na kitang hawak-hawakan 'yang legs ko na gago ka!"

"Langya gutom ka ba? Ang sama ng timpla ng ugali mo ah." Kapag kasi gutom ang 'sang 'to ang sama ng ugali. "Kumain ka nga sa kusina. Baka makain mo ako sa galit."

"Eh ayoko lang kasi na pinagtitinginan ng tao ng ganoon."

"Eh bakit ganyan ayos mo?"

"Kasi naman... tinawagan ako ni Misty kanina. Eh nasa malapit lang ako sa studio na pinag-o-audition niya ngayon. Malay ko ba naman na wala silang dalang pamalit. Ayoko namang mainis si Mama saken kaya pumunta na lang ako at nakipag-palit kay Misty ng damit. Kaya heto, mukha akong ewan."

"Hindi ka mukhang ewan. Mukha kang hot."

"Huh?"

"Wala! Sabi ko mukha kang tao."

"Ewan ko sayo. Tapos 'yon nga, dapat magbo-book store ako ngayon kaso nga hindi ko feel ang suot ko kaya dumiretso na lang ako dito." She glanced at me. "Manghihiram ako ng damit."

"Dae, mapapahiram kita ng shirt pero I doubt it kung may kakasyang jeans sayo."

"Pajama mo na lang."

"Sige mamaya, kumain ka muna."

"Busog pa ako. Gusto ko lang tumambay sa bahay mo."

"Tsk, tambay? Gusto mo lang akong makasama eh."

"Hindi, huwag kang assume diyan. Saka, hindi kita crush."

"Hindi daw? Pfft."

"Hoy Crosoft mag-kinect tayo. Meron ka nun, diba?"

"Oo, huwag mong sabihing gusto mong sumayaw ngayon?"

"Hmm... oo eh. Ayaw mo?"

"Di okay lang, i-on mo na lang 'yan diyan." Tumayo ako. "Sa kusina lang ako gagawa ako ng popcorn at magtitimpla ng iced tea."

"Okay,"

Nagpatuloy na ako sa kusina. Actually, babalikan ko lang ang ginagawa ko kanina bago pa dumating si Cam. Tapos ko na 'yong popcorn ko isasalin ko na lang sa malaking bowl. Ibinuhos ko na rin ang sachet ng iced tea sa pitsel. Kumuha ng dalawang baso at inilagay ang lahat sa isang tray.

Umalingaw-ngaw naman ang kanta sa buong bahay. Hindi ko mapigilan ang matawa sa kantang pinili ni Cam.

"Don't cha pa talaga, ha?" Sumilip ako sa sala. "Langya!" Hindi ko maiwasang mapalunok habang nakatingin kay Cam.

Lalo pa't sobrang sensual ng mga dance step na gagayahin. Magaling din kasi talagang mag-sayaw yang si Cam kaya hindi ko maintindihan ang sarili kong bakit iba ang epekto sa akin ng bawat galaw niya. Ang bawat galaw ng baywang niya. Nakatuon talaga ang atensyon ko sa pwetan niya. Langya! Kakaiba na talaga 'to.

Isinandal ko ang likod sa pader. "Bakit ngayon ko lang nakita na ganoon kalandi magsayaw si Cam? Na saan ang hustisya?" Naipadyak ko ang mga paa sa inis. Nababaliw na talaga ako. Pesteng feelings 'to! Di ko maintindihan ang sarili. Eh kasi nga... ah ewan!

Sinilip ko ulit si Cam.

Feel na feel talaga nito ang pagsayaw. With feelings kasi eh. Parang nasapian ni Maja Salvador. Ano bang nakain ng 'sang 'to? Epekto ba 'yang shorts niya? Napalunok ako nang medyo tumuwad siya. Kasi nga 'yon ang nasa screen. Di may nakita ako. Naloka din ako. Pati si jun-jun biglang nabuhay. Langya!

Tumakbo ako sa kusina. Kasi nga si jun-jun na buhay! Nagtatakbo-takbo ako doon. Inumpog ko pa ang ulo ko sa katawan ng ref. Kailangan ko ng cold shower. I swear, ito ang unang beses na nabuhay si jun-jun sa isang babae.

"Tama! Tama! Kailangan kong maligo!" tumakbo ako sa loob ng kwarto ko. Patutulugin ko muna si jun-jun. "Nababaliw na akoooo!"


...


"Saan ka galing?" tanong agad ni Cam nang makabalik ako. Halos paubos na niya ang isang bowl ng popcorn at nasa kalahati na ang iced tea.

"Naligo ako. Ang init eh. Wow! Hindi halatang gutom ka ah." Naupo ako sa tabi niya.

"Napagod ako eh sa kakasayaw. Wala din akong ka-showdown kaya tumigil na ako."

Kumuha ako ng popcorn at isinubo 'yon sa bibig. "Alam mo naisip ko,"

"Ano?"

"Alam ko na ang feeling nung mga taong nakakakita sayo."

"Wee?"

"Oo, ang pangit. Ang laswa. Para kang pokpok."

"Baliw ka!" sinapok niya ulo ko. "Hindi kaya!"

"Joke lang! Ikaw naman."

"Ayusin mo kasi!"

"Eh ikaw naman kasi bakit ang HB mo ngayon?"

"Eh kasi nga nahihirapan ako sa practical exam sa theatre. Alam mo namang hindi ako ganoong marunong umarte. Tapos hindi pa bagay saken ang nabunot kong eksena."

"Pack juice! I almost forgot! May practical nga pala si theatre."

"Naks! Kinalimutan. Sa bagay marunong ka namang umarte kaya effortless na 'yan. Anyway, kilala mo na ba partner mo?"

"Hmm... may partner ba 'yon?"

"Oo naman! Tsk, 'di ka kasi nakikinig. Sabi ni sir, kapag ang eksena ay for couple you have to find the person who picked the same scene. Siya ang magiging partner mo. Eh kaso, noong hinanap ko wala namang nakabunot ng same saken. Baka mag-solo pa ako."

"Hmm, wait," tinakbo ko ang kwarto ko at mabilis na kinuha ang naka rolyo na maliit na papel sa bag. Mabilis rin na bumalik ako. Hiningal pa ako. "Found it!"

"Huwag mong sabihing hindi mo pa 'yan nabubuksan?"

Ngumisi ako. "Hindi nga! Haha."

"Baliw ka!" inagawa niya saken ang papel. "Lagi kang lutang. Tsk." Nanlaki naman bigla ang mga mata ni Cam. "Woah!"

"Oh bakit?"

"Titanic ka rin!"

"Huh?" inagaw ko sa kanya ang papel. "Hala! Oo nga 'no? Titanic nga."

"Crosoft pareho tayo!"

"Really?"

"Oo, gago ka! Ikaw pala ang partner ko pinahirapan mo pa ako."

Natawa lang ako. "Sorry naman dae, medyo lutang lang. So ano, ako ba si Rose diyan?"

"Dream on! Magiging lalaki ka dito."

"Ano bang eksena?" sumubo ulit ako ng popcorn.

Napasimangot naman si Cam. "Alam mo 'yong love scene nila?"

Naibuga ko ang kinakain. "What?!"

"'Yong sa scene sa storage sa ibaba ng barko. Pero hindi naman daw talaga kailangan maghalikan. Pwede namang pekein sabi ni sir."

"Search natin sa youtube," inilabas ko ang phone.

"Hoy Crosoft... wala talaga akong alam sa mga ganyan."

"Kaya nga i-se-search natin. Wait lang."

Seryoso naming pinanood ang video. Sa sobrang seryoso ni isa sa aming walang nag-salita. Pagkatapos ng video bigla na lang tumili si Cam. Ako naman, napapalunok. Kaloka! Natatakot akong mabuhay ulit si jun-jun.

"Ehhh!! Hindi ko kaya!" tili ni Cam.

"At least naman wala gaanong script."

"Pero kasi... naman eh! Bakit ang sensual ng eksena?"

"Kaya nga love scene eh? May love scene ba na nagtatakutan?"

"Pero hindi ko kaya!"

"Kaya mo!"

"Huhu, ayoko!"

"Kapag 'di mo nagawa iisipin kong gusto mo ako."

"May ganun?"

"Oo, may ganun kaya mag-practice na tayo."

"Diyan ka sa sofa ako dito muna sa arm rest ng sofa. Kunwari ito 'yong sasakyan. Ano game?"

"S-Sige na nga –"

"Naalala mo ba?"

Tumango si Cam. "Medyo."

"No worries, kaya naman 'yang i-adlib. Basta 'yong mga kamay hindi lang malimutan." Ngumisi ako. "Huwag kang mag-alala nag-hugas ako kanina. Lasang popcorn lang 'tong kamay ko."

"Ang eww mo!"

"Haha, oh sige, game na, ha."

"Oo na sige na! GAME!"

"Ahem, where to Miss?!" nakangiti kong tanong. Bigla namang lumapit saken sa likod si Cam at ibinulong saken ang linya niya.

"To the stars," bigla niya akong hinawakan sa mga braso at hinila kunwari paloob ng sasakyan. I was smiling when she fixed my invisible jacket.

Our gaze met and in an instant parehong naging seryoso ang mukha namin. Pinagdikit naming dalawa ang mga kamay habang titig na titig sa isa't isa. Pero ilang segundo na yata ang lumipas hindi parin ginagawa ni Cam ang susunod na eksena.

"Hoy!" I snapped.

"Huh?"

"Halikan mo mga daliri ko isa-isa... tapos sabihin mo put your hands on me Jack tapos hahalikan kita tapos mag-chuk-chak na tayo."

"Ehhh! Hindi ko talaga kaya eh!"

"Ang mag-chuk-chak?"

"Ang lahat! Palitan na lang natin! 'Yong part na lang na mamatay na si Jack."

"Gaga ka! Gusto mo pa akong ma-frozen."

"Mas madali 'yon eh."

"Ang dami mong ek-ek. Ewan ko sayo! Ako na lang kakain niyang mga daliri mo." Kinuha ko ang kamay niya at isinubo ang isang daliri sa bibig ko. Nang gawin ko 'yon napatitig kami sa isa't isa ni Cam.

"Crosoft!" tili ni Cam. Binawi nito ang kamay at pinagpapalo niya ako ng throw pillow. Panay naman ang sangga ko. Langya ang brutal! "Baliw ka! Baliw ka! Hindi mo ba alam na kapag ginawa 'yon ng isang tao nangunguhulugan lang na he or she wants to make love with that person."

"Huh?!" Inagaw ko sa kanya ang hawak niyang throw pillow. "Hindi ko knowing 'yan! Ganun pala 'yon?"

"Baliw ka! Kadiri ka!"

Natawa ako. "Ang OA mo masyado."

Huminahon si Cam. "Huwag ka nga kasing magbiro ng mga ganun. Naloloka ako sayo eh."

"Eh malay ko ba naman?" I shrugged. Ganun pala 'yon? May naisip ulit ako. Ibinaling ko ulit ang tingin kay Cam. "How about this?" I look at her seductively and bit my lower lip.

"Crosoft!" tili ulit ni Cam. "Crosoft I swear! Mukha kang lalaki."

"Talaga?" I leaned closer to Cam. "Gwapo ba ako?"

"Oo, kung lalaki ka." She chuckled. "Kaso bakla ka eh. So Pogay."

"Ha-Ha," I rolled my eyes at her. Bakit ba naiinis ako?Bigla namang bumuntong-hininga si Cam. "Oh anong problema mo?"

"Wala naman, minsan kasi gusto ko na ring magka-boyfriend."

"Ang landi mo ah."

Napasimangot si Cam. "Hindi naman! Pumapasok lang sa utak ko. Pero alam ko namang imposible at ayoko ring madaliin ang sarili ko. Baka pagsisihan ko lang sa huli."

"Bakit ba gusto mong magka-boyfriend?"

"Gusto kong malaman kung ano 'yong feeling na may nagmamahal sayong lalaki o 'yong may gustong makasama ka. Alam mo 'yon?"Pinitik ko ang noo niya. Natutop niya ang noo. "Ray naman!"

"Huwag kang magmadali."

"Sabi ko nga eh."

"Hintayin mo kasi."

"Alam ko naman eh, kaso hindi ko naman alam kung may tao bang may gusto saken? Saka... masyadong complicated ang buhay ko. Iniisip ko na baka kapag nagka-bf ako baka mabawasan ang..."

"Mabawasan ang ano?"

"Basta!"

"Hoy Cambria! Kung magbo-boyfriend ka lang para makalimutan ang taong gusto mo na hindi pwede dahil maraming issue, ito ang sasabihin ko sayong gaga ka. Huwag kang kumuha ng batong ipampupukpok mo lang sa bungo mo."

"Kaya nga..." inihilig niya ang ulo sa balikat ko. "Ang hirap din."

"Alam ko..." kahit man ako nahihirapan rin. Isinandal ko ang ulo sa ulo niya. "Cam?"

"Hmm?"

"Kapag sinabihan ka ng I love you anong isasagot mo?"

"I love you too."

"Ang sweet mo naman," napangiti ako.

"Oh, 'diba 'yon naman talaga ang isasagot sa –"

"I love you...?"

"I love you too!" bigla siyang natigilan. "Tama naman ako, diba?"

"Oo, sino ba may sabi na mali?"

"Kaya nga!"

Hay naku Cambria... haha XD




Hiyyeerrs! Pasensiya na ito lang nakayanan ng utak ko ngayon. Salamat po sa sa pagsuporta sa OSC kahit tapos na at puro SP's na lang 'to! Sana masuportuha nyo rin ang When Destiny Plays. Tsar! Sana mag-comment ang mga CamSoft ngayon! i miss my readers! Ang kulit ni Crosoft! Thankie! Aabangan ko mga comments nyo. Mwaah! <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro