Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SP: Crosoft's Confession (Part 13)

PRESENT


"Pack juice!" I cursed when Cam threw a pillow on my face. Ano na naman bang problema ng 'sang 'to? "Ano na namang ginawa ko?" Kakaligo ko nga lang. Ano 'yon? Mortal sin ang maglugod?

"Sino 'to ah!" nagmartsa siya palapit saken at ipinakita ang isang bagong print na picture. "Bakit ang sweet-sweet n'yo ng lalaking 'to?!"

"Wow! Talagang nag-effort kang i-print 'yan." Natawa lang ako.

"Huwag mo kong tawanan Crosoft! Seryoso ako!"

"Ito naman masyadong HB –" akmang yayakapin ko siya pero itinulak lang ako. De wow! Nagse-selos ang asawa ko. Bakit kinikilig ako? "Ito naman, relaks ka nga lang diyan. 'Yang noo mo pwede ng sampayan ng mamahalin kong damit."

"Tigilan mo ko Crosoft dahil masusuntok talaga kita. Babangasan ko 'yang mukha mo para 'di kana makapag-landi."

"Pwede ba, makinig ka nga saken –"

"At ito pa... 'yong convo n'yo –"

"Pati 'yan in-effortan mong i-print?!"

Pero hindi ako pinakinggan ni Cam. "Bae, miss na kita." Basa niya na may galit. Napakamot na lang ako sa ulo. "Can I stay with you for awhile? Kung 'di sagabal? Wala na akong pera. Pinutol lahat ni Mama ang atm ko. HUHUBELLS?" Inangat ni Cam ang mukha saken. "Langya ka Crosoft! May balak ka pang ibahay ang lalaking 'to?!"

"Wait, ituloy mo... 'di ko pa 'yan nababasa." Which is true by the way. "Anong kasunod?"

"Ewan ko sayo!" Cam slapped the papers on my chest before walking out. Kumunot lang ang noo ko. Anyare sa isang 'yon? Natawa lang ako. Binasa ko na lang ulit ang print out convo.

Hanzel: Bae! Bakit 'di ka nagri-reply?! Ok lang ba sa asawa mo?

Seen

Hanzel: Di mo ba ako nami-miss? HAHA. Pahiramin mo nalang ako ng pera. Babayaran rin kita kapag nagkapera ako. *don't know when* haha... papunta na ako Manila. Sunduin mo ko I'm broke. Love you! Mwaah! Chup! Chup! HAHAHA XD

Hanzel: Hanzel sent you a photo

Langya! Kahit kailan talaga. 'Yon pa talagang picture nila noon sa states ang sin-send niya. 'Yon pang malaki ang ngiti ko habang nakahalik siya sa pisngi ko. Natawa lang ako. Peste ang sakit sa tiyan. Kaya pala nagse-selos ang bebe ko eh. May caption pa kasing kasama. Forever CroZel <3

Naghanap ako ng ballpen sa working table ni Cam at sinulatan ng reply ang bond paper.

Crosoft: Ok bae!

Teka, paano niya naman mababasa 'tong reply ko? Kumunot ang noo ko.

"Ay tanga!" 'di ko mapigilan ang matawa sa sarili. "Dapat doon ako sa fb mag-reply. Pack juice! Nabobo ako."


...


"Hoy! Sigurado ka bang ok lang kay Cam na dito muna ako? Baka sipain ako nun ah."

"Ano ka ba, ok lang 'yon." Natatawang tinapik-tapik ko sa balikat si Hanzel. "Rational human being lang 'yon pero 'di 'yon Kanggaroo."

Hanzel chuckled. "Teka, alam na ba ni Cam kung sino ako sa buhay mo?"

"Hmm... 'di pa. Nalimutan ko eh."

Hanzel made a face. "Ouch! Ilang taon lang na 'di tayo nagkita kinalimutan mo na ang nakaraan natin."

"Oo! Dahil nakaraan lang kita."

"De wow!"

"Pasok ka na," tinulungan ko na siya sa mga dalang gamit niya. "Oh nga pala, kapag in-interview ka ng panganay ko huwag mo munang sabihin kung sino ka kung ayaw mong ahitan kita ng buhok sa kili-kili."

Natawa si Hanzel. "Si Danah? Diba kaugali mo 'yon?"

"Oo, kasing ganda ko."

"Teka, nandiyan ba si Cam?"

"Wala, nasa MS pa. Si Danah walang pasok kaya tiyak akong ginawa na naman ng batang 'yong bag si Font. Hindi ko maipaghiwalay. Pero okay na rin, at least magkasundo ang dalawa." Binuksan ko ang pinto. "Tuloy ka."

"Pwede mo naman akong pahiramin ng pera –"

"Nagtitipid ako ngayon kaya dito ka lang."

"Aish, ang sabihin mo nami-miss mo lang ako."

"Ang gwapo mo!"

"Alam ko, kaya mo nga ko naging crush eh."


Past


"Saan mo ba talaga ako dadalhin Crosoft?!" hinila ko lang si Cam. "Hoy!"

"Basta, may nakita akong secret room sa isang classroom dito na 'di masyadong ginagamit."

"Secret room? Hoy bakla! Baka may multo doon at ako na naman ang gagawin mong pananggala diyan sa sobra mong matatakutin."

"Hindi! Kasi malinis naman. Noong isang vacant ko nga doon lang ako natulog. Malinis at may aircon ang kwarto na 'yon. Parang hotel room."

"Baka bawal tayo doon?"

Tumigil ako at hinarap si Cam. "Na check ko na 'yon. Sabi ng isang janitor guest room daw 'yon pero 'di na gaanong nagagamit kasi nga may bagong guest room na ang school. Mini-maintain na lang."

"Sure ka? Baka mapagalitan tayo kapag nakita tayo."

"Hindi, wala naman gaanong nagpupunta doon."

"Bahala ka, basta hindi tayo mahuli."

I smiled. "Akong bahala sayo. Sisiguraduhin kong 'di kita mabubuntis. Halika na!" Hinila ko na siya ulit.

"Hoy Crosoft! Ano 'yon, ha?!"

"Wala!" I chuckled.

Nasa old architecture building ang secret room na 'yon. Hindi naman mukhang haunted ang building. May mga klase pa naman doon ang ibang estudyante pero madalan lang lalo na kapag-hapon. Linipit na din kasi ang department sa bagong gawang building.

Huminto kami sa harap ng isang classroom.

"Nandito na tayo!" sabi ko.

"Dito 'yon?" turo ni Cam.

I glance at her. "Yup, pagpasok natin diyan may isa pang pinto. Halika na." Binuksan ko na ang pinto. "Hayun," turo ko sa isa pang pinto sa loob. Humakbang ako palapit doon. Sumunod naman si Cam.

Binuksan ko ang pinto. I turn on the lights. Napasinghap naman si Cam. May ngiting binalingan ko siya.

"I told you,"

"Ang ganda nga... parang hotel."

Isinarado ko ang pinto sa likod. Sinunod ko namang i-on ang aircon. Lumapit naman sa bintana si Cam at may pagmamanghang tinignan ang view mula sa labas. Lumapit ako sa kanya at mula sa likod niya ay tinignan ko ang buong campus na view nila sa lugar na 'yon.

"Ang ganda.... Ngayon ko lang nakita ang buong view ng campus." Naaliw akong pagmasdan siya. Kahit na medyo weird na may malisya na ang tingin ko sa kanya.

"Sabi ko naman sayo. Halika," hinawakan ko ang isang kamay niya at iginiya siya paupo sa kama. "Matulog ka na lang muna."

"Crosoft –"

"Nope, matulog ka. Alam kong ilang araw ka ng 'di natutulog." Pilit ko siyang pinahiga sa kama. "Huwag kang mag-alala 'di kita ri-rape-in. Ang swerte mo naman."

She made a face. "Ayoko rin kayang magpa-rape sayo."

"Wee?"

"Oo nga! Matutulog na lang ako. Basta ba gigising mo ko bago mag-4 at baka masarhan tayo."

"Oo na, oo na, gigisingin kita mamaya... ng halik ko."

"Eww mo! 'Di ka ba kinikilabutan sa sarili mo?"

"Minsan, kaso ikaw naman, kaya ok lang. Sige matulog ka na. Mamaya ganap ka ng babae."

"Crosoft, ha?!"

"Joke! Ikaw naman, lagi mo akong siniseryoso."

"Naman, kasi kapag 'di kita siniseryoso nagagalit ka naman saken. Ewan ko ba naman sayo at konting poker face at pabalang na sagot ko lang kulang nalang ay tirisin mo buong lahi ko."

"He-he, tulog ka na!" kumuha ako ng kumot at itinalukbong ko 'yon sa kanya. "Dream of me!"


Present


"Kain ka pa," asikasong-asikaso ko si Hanzel. "Ano pa bang gusto mo?"

"Daddy ang OA mo na," komento ni Danah.

"Naku, ok lang," natatawang balik ni Hanzel. "Nakakahiya na kay Cam."

"'Di okay lang sa kanya 'yon, diba bebe ko?" may ngiting baling ko kay Cam. "Minsan lang naman 'to."

Ngiting aso lang ang ibinigay niya saken. "Ikaw ang maghugas ng plato ngayon. Matutulog ng maaga si Manang."

"Okay, tutulungan naman ako ni Hanzel."

"Danah, bilisan mo na ang pagkain at matutulog ka ng maaga."

"Opo, Mommy." Danah giggled.

There is something fishy with Danah's smile. Pagtingin ko kay Hanzel may naglalarong ngiti sa mukha niya. When he saw me he shrugged. Talagang!

"So, hanggang kailan mo ililihim kay Cam ang lahat?" Hanzel asked. Tagapunas siya ng mga platong hinugusan ko.

"Anong sinabi mo kay Danah?"

"Gezz, that kid is incredible. Feeling ko siya na ang papalit kay Kris Aquino."

Natawa ako. "Sabi na eh."

"Pero, minsan, napapansin kong medyo slow din ang asawa mo. 'Di ba niya napapansin kung ano talaga tayo?"

"Oo, manhid din 'yon minsan. Lalo na kapag naiinis." I chuckled. "At saka, 'di talaga kita nababanggit sa kanya. Kaya wala 'yong idea. Na trauma na din yata 'yon sa past love ko na si Jeymes."

"Iba ka talaga! Dapat gawing movie ang kwento n'yo."

"Meron na, noong isang taon. Di mo na panood? Wow, ha! Ano ba talaga kita?"

"Chill! Malay ko ba naman? May amnesia ang tao eh."

"Sumukay ka ng bus at ibangga mo baka maalala mo na ang lahat."

"I wish its that easy. Ang sakit na nga sa utak."

"Nagpa-check up ka na ba ulit?"

"Yup, kaso wala paring masabi ang doctor kung kailan ko maalala ang lahat. Tapos, dumadagdag pa 'tong si Mama sa mga problema ko. Wala na nga akong maalala sa nakaraan ko gusto niya naman akong magpakasal sa 'di ko kilala."

"Naks! Pang-precious hearts romances." I joked.

"Shut up! Okay na sana, kaso sa isang mayamang diborsida pa. Hindi naman sa nagja-judge ako pero wala pa talaga 'yon sa isip ko."

"Sa gurang ka nirereto ni Tita?"

"Hindi, actually kasing edad ko lang naman."

"Wow! Nagpakasal sa 4Ms na lalaki. Huwag 'yan. Maglayas ka nalang ulit."

"The last time I did that I lost all my memories. No thanks!"

"Maglayas ka lang 'di ko sinabing mag-bus ka. Mag-bangka ka para ma-asinan 'yang utak mo."

Hanzel laughed. "Ang swerte mo parin talaga."

"Alam ko," I smiled. "Kahit na baklang gago ako na medyo lalaki na ngayon ay napaka-swerte ko parin dahil may asawa akong mahal na mahal ako at mga anak na pinagpala ng langit."

"Hambog mo talaga kahit kailan," he chuckled.

"Syempre naman! May ipagyayabang naman."

"Basta, sabihin mo na rin kay Cam. Baka magalit na 'yon ng tuluyan sayo. Ma loadan pa ng combo ng guilt 'tong utak ko."

"Sige, sa tamang panahon."

"Baliw!"

"Haha!"


Past


"Knaaa! Bakit 'di mo ko ginising!" pinagpapalo ako ni Cam ng unan. Papalubog na ang araw sa labas. Nakatulog rin kasi ako kanina. Di ako nakapag-alarm. "Crosoooft!"

"Sorry! Sorry na kasi! Aish! Nakatulog ako."

"Paano na 'yan? Alam mo namang maagang sinasarado ang lumang building na 'to!"

"Eh problema ba 'yon? Bukas na lang tayo umuwi."

"Mapapatay ako ng nanay ko!"

"I-text mo na lang. Sabihin mo na trapped ka sa puso ko."

"Baliw! Puro ka biro." Marahas na kinuha niya ang cell phone sa bulsa.

"Bakit magti-text ka pa doon eh wala naman 'yong pakialam sayo."

"Kasi nanay ko pa din siya. At baka mag-alala rin si Papa."

Isinandal ko ang likod sa headboard ng kama at inilagay sa kandungan ang isang unan. "Alam mo, belib rin ako sayo. Kasi kahit na hindi ka pinapahalagaan ng nanay mo nandoon parin ang respesto mo sa kanya. Not everyone can do the same."

Naramdaman ko ang pagtingin ni Cam saken.

"Alam mo, 'di din naman madali ang ginagawa ko. Kahit na alam kong medyo malabo na bigyan rin ako ng pansin ni Mama. Pero siguro, dahil sa puso ko... hindi ako tumitigil sa paniniwala na darating din ang araw na matutunan din akong mahalin at pahalagahan ni Mama."

I glance at her. "Paano kung hindi?"

"At least, I did my part. Kahit papaano alam ko na 'di ko siya sinukuan. Hindi naman kasi lahat ng bagay nakukuha natin. Hindi lahat ng bagay maganda ang ending. Minsan, hindi mo kailangang maghangad ng magandang ending sa buhay. Ang importante doon, alam mo sa puso na gumawa ka ng paraan at natuto kang sumugal at harapin ang katotohanan."

"Ang lalim..."

"Eh ikaw, hanggang ngayon ba hindi mo parin kinakausap ang Daddy mo?"

"Para ano pa? Wala naman 'yong pakialam samen ni Mommy. Dinadaan niya lahat sa pera. Hindi na rin ako umaasa na magbabago siya. Malay ko ba kung may ibang babae na siya sa states kaya 'di siya mauwi-uwi dito sa Pilipinas."

"Pero dapat siguro... kausapin mo siya. Para naman alam mo ang side niya."

"Hindi ko alam... hindi ko alam kung handa ako para doon."

"Naiintindihan ko."

"Kaya minsan, kung sakaling gustuhin kong magkapamilya ay gusto kong maging the best father sa mga anak ko. Gusto kong ipakita at iparamdam sa kanila kung gaano ko silang kamahal at kung gaano sila kahalaga sa buhay ko."

"Mga anak mo lang? Kawawa naman ang asawa mo."

I chuckled. "Syempre kasama na ang asawa ko! Magbabagong buhay ba ako kung 'di dahil sa kanya? Haba ng hair ng babaeng makakapag-pa-ibig sa akin."

"Sino naman kaya 'yon?"

"Malay mo naman –"

"Malay nino?"

"Malay mo... malay natin..."

"Hindi ko gets!"

"Ewan ko sayo!"


Present


"Tulog ka na ba Cam?" Hindi siya nag-salita pero alam kong 'di pa siya tulog. Nagtutulog-tulogan lang. I lay on side. "Galit ka pa ba saken? Dahil ba kay Hanzel?"

"Ang kapal naman talaga ng mukha mo." Hinirap niya ako. "Pinatira mo pa dito ang lalaki mo."

"Ikaw naman kasi... ayaw mong makinig saken."

"So ako pa ang may kasalanan, ganun?"

"Hindi..."

"Sabihin mo na lang saken na ayaw mo na."

"Ayokong sabihin."

"Bakit? Dahil wala ka nang mapaglalaruan?"

"Dahil hindi ako mabubuhay ng wala ka." Ilang segundong natahimik kaming pareho. "Sa tingin mo ba ipagpapalit kita kay Hanzel?  Kahit tumaba ka pa o pumayat ng sobra 'di parin mababawasan nun ang pagmamahal ko sayo. Diba, sinabi ko sayo noon. Kapag nagloko ang puso ko at mas piliin kong bumuo ng pamilya sisiguraduhin kong ipaparamdam ko sa kanila ang buong pagmamahal ko. At syempre..." hinaplos ko ang mukha niya. "At syempre sa asawa ko... dahil siya ang dahilan kung bakit ako sobrang masaya ngayon."

"C-Crosoft..."

I pulled her for a hug. "Kinikilig ako kapag nag-seselos ka pero ayoko namang magalit ka saken ng matagal. Sorry na..."

"What about Hanzel?"

"Hanzel?"

She nodded. Inangat niya ang mukha saken. Natawa naman ako nang makita ang expression ng mukha niya na ano mang oras iiyak na yata.

"Si Hanzel?" ulit ko.

"Oo nga sabi!"

"Baliw! Kapatid ko si Hanzel."

"Ah kapatid mo siya – Huh?!" napabalikwas ng bangon si Cam. Tawang-tawa naman ako. Bumangon na rin ako. "P-Paanong? Diba... diba wala ka namang kapatid? Anyaree?"

"Long story,"

"'Yong summary lang."

"Okay, I met Hanzel when I was in states. Bago ka naglayas di ko pa alam na may kapatid ako sa ibang babae ni Daddy. Hayon, na shock ako. Ikaw din, diba?"

"Halata naman diba," pabalang na sagot ni Cam na kinatawa ko.

"So 'yon nga," ikinuwento ko ang lahat sa kanya. "Dahil doon nagkasundo kami. Hindi ko nga lang alam kung inborn ang pagkabaliw nun at pagkamaloko. May amnesia 'yon eh. Kaya 'di ko alam kung ganun din ugali nun noon. Sa sobrang close namin idinadaan naming lahat sa biro."

"Eeh! Bakit 'di mo siya nabanggit saken? Nakakahiya."

"Nakalimutan ko, kasi nga nai-i-stress ako sa pagpapa-ibig sayo. Alangan namang i-tsika ko pa sayo 'yon."

"Nakakahiya sa kapatid mo."

"Hay naku! 'Di niya 'yon dinidibdib. Marami na 'yong problema sa buhay."

"Mas lalo lang tuloy akong nakonsensiya. Tulog na ba siya?"

"Siguro hindi pa, nahihirapan 'yon matulog lagi."

Bumaba bigla sa kama si Cam. "Pupuntahan ko. Hindi ako makakatulog kapag 'di ako nakapag-sorry sa kanya ngayon."

"Hoy!" sinundan ko si Cam hanggang sa guest room.

Cam knocked on the door. "Hanzel? Gising ka pa ba?"

"Ano ba, bukas na lang 'yan."

"Wait lang," akmang kakatok ulit sana si Cam nang bumukas na ang pinto.

"Oh, Cam, Crosoft?!"

"Shut up Hanzel! Sinabi ko na. Igalang mo na ulit ako."

Hanzel laughed. "Yes Kuya,"

"Ang awkward talaga ng kuya." I murmur.

"Oh, ate Cam, bakit?"

"Ilang taon ka na – este sorry nga pala Hanzel."

Hanzel chuckled. "It's okay Ate, 27 pa naman ako. Ahm, is it okay to call you ate?"

"Ah oo naman! Pasensiya na talaga. 'Di ko naman alam na kapatid ka pala ng gagong 'to!"

"No problem, malaki na nga rin utang ko kay Kuya."

"Buti alam mo!"

"Basta, okay sa akin na mag-stay ng matagal dito."

"Salamat ate, pero mukhang 'di rin ako magtatagal. Sabi kasi ni kuya maglayas ulit ako para masaya ang buhay."

Tinignan naman ako ng masama ni Cam. "What?!" react ko.

"Huwag mong pansinin 'yang kuya mo. You can stay here."

"Thanks, that'll be great."

"You can pay the bills for us," I suggested.

"Crosoft!"

"What?! Mayaman 'yan."

"Noon," natatawang sagot ni Hanzel.

"Sabi ko nga!" I chuckled.



Isa sa mga biggest revelation ni Crosoft ang pagsulpot ni Hanzel na kapatid niya pala. Get to know him in WHEN DESTINY PLAYS magka-cameo doon ang CAMSOFT. Bago ko 'yong story na connected sa buhay ng CamSoft. Hindi ko lang sinabi dito ang detalye dahil si Hanzel na ang magku-kwento kung bakit close na close sila ni Crosoft kahit step-brothers sila. At kung bakit umaakto silang in relationship haha... Pa promote lang din eh! Haha, sana mabasa nyo rin ang bagong story ko. Mwaah! Sorry kong delayed ang mga updates ko. Busy lang ang lola nyo haha. 

Ps: Salamat sa support! Mwaaah! At sa mga superb comments! I love you all! Sana mahalin nyo rin ang kapatid ni Crosoft na si Hanzel! HAHA

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro