SP: Crosoft's Confession (Part 12)
Maingat na ibinaba ko sa crib si Font pagkatapos kong isayaw para makatulog. Sinabayan ko pa 'yon ng kanta. Di ko na lang nilagyan ng lyrics at baka ma-amaze pa ang anak ko sa sobrang ganda ng boses ng daddy niya. Naks. I love myself.
Hinaplos ko ang ulo ng anak ko. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Hindi na yata talaga ako masasanay sa kakaiba at 'di matatawarang saya na nararamdaman ko kapag nakikita ko araw-araw ang mga anak ko. Sino bang mag-aakala?
Ibinaba ko ang mukha ko para mahalikan sa noo si Font pagkatapos ay itinaas ko na ang kumot hanggang sa balikat niya.
Matulog ka ng mahimbing anak para lumaki kang gwapo katulad ko. Lumipat naman ako sa kama ni Danah. Gising pa siya. Iisa lang ang kwarto nila Danah at Font dahil nga sa request ng anak. Mukhang magkakasundo talaga ang dalawang 'to paglaki. Or maybe not, depende sa climate change.
"Matulog ka na," itinaas ko ang kumot niya.
"Daddy, magpahinga ka na. I know you're tired from work tapos inaalagaan mo pa kami when you get home." Naupo ako sa tabi niya.
"Baby –"
"Daddy walang award sa pagiging ulirang ama."
I pinched her nose and chuckled. "Baliw kang bata ka. Hindi naman ako nag-i-expect ng award. Madami na akong award. Hindi ko na 'yon kailangan."
"Ay ang sweet," nakangiting niyakap ako ni Danah. I held her tight. "Alam mo Daddy, sobrang mahal talaga kita. As in from the moon and the back."
Napangiti ako. "Naks! May kailangan ka? Bagong nutella?"
Danah made a face. "Daddy naman eh! I'm serious kaya. Kaya kahit anong sinasabi nila sayo hindi ako naapektuhan kasi 'di ka naman nila kilala and they don't see how great my Daddy is. Kapag nakita nila kung gaano ako ka lucky na you're my daddy baka mainggit lang sila saken."
Touched by Danah's message parang gusto kong maiyak sa tuwa. Alam mo 'yong feeling na kahit hindi ka isang typical na ama ay buong pusong tanggap ka ng anak mo. Sobra... as in sobra ang saya sa puso ko. Niyakap ko ng mahigpit ang anak at ginawaran ng masuyong halik sa noo.
"Salamat anak,"
"Daddy, I'm sleepy na." Danah yawned. Tumayo na ako at muling inayos ang higaan niya. Antok na nginitian ako ng anak ko. "Goodnight Daddy..."
"Goodnight baby," ang lamp shade lang ang iniwan kong bukas. Pinatay ko ang ilaw saka maingat na isinarado ang pinto.
Itinaas ko ang manggas ng polo hanggang siko saka nag-inat. Minasahe ko ang mga balikat habang naglalakad papunta sa silid namin ni Cam. Buong araw akong naging-busy sa trabaho. Photoshoots and commercials... plus may event pa. Naubos yata lahat ng battery ko sa katawan.
Naabutan ko na may kung anong ginagawa si Cam. Nakasalampak siya sa itaas ng kama. May first aid box sa harap niya. Kumunot naman ang noo ko nang makitang nakabinda ang isang daliri niya.
"Hoy!" tawag ko.
Inangat niya ang tingin saken. "Hoy ka rin."
May ngiting bumaba siya sa kama at naglakad palapit saken. Magulo ang pagkaka-bun ng buhok ni Cam at suot na naman niya ang T-shirt ko na maluwag sa kanya. Hindi din naman ako nagri-reklamo dahil mayaman naman kami (ahem). At syempre masarap sa mata ang ayos niya kapag gabi (Ahem, ahem).
Nagpatuloy siya sa pagkalas ng natitirang butones sa polo ko.
"Nagbihis ka muna sana bago mo pinatulog si Font."
"Anong nangyari sa daliri mo?"
"Kanina 'to sa set. Konting aksidente lang naman. Pinalitan ko lang ng benda." Iniwan niya ako para kumuha ng pamalit sa walk in closet namin. "Kumain ka na ba?"
I followed her and hugged her from the back. I smelled her sweet addictive scent. Natigilan siya. Naramdaman ko ang pagtapik niya sa isang braso ko.
"Pagod ka na?"
"Okay lang," I rested my head on her shoulder. "Gutom lang."
"Anong gusto mo?" pumihit siya paharap saken. Hawak na niya ang shirt ko. "Ipagluluto kita." My shoulders dropped dahil na rin sa pagod. I gave her my sweetest smile kahit na paabos na ang lakas ko sa maghapong trabaho. "Huwag mo kasing masyadong pinapagod ang sarili mo. Sige ka, papangit ka niyan."
Cam stood on her toes to cupped my face. "Maawa ka naman sa eyebags mo. Baka 'di na yan kayanin ng Belo." She chuckled. Ngumuso ako sabay irap. "Ay ang OA!" tinampal niya ang isang balikat ko. Marahas na binigay niya saken ang damit ko. Napangiwi pa ako nang matamaan niya ang dibdib ko na alam kong sinadya pa niya. Aish! "Magpalit ka na. Sa baba lang ako."
'Yon lang at lumabas na siya ng kwarto. Napangiti ako. Napaka-brutal parin talaga ng babaeng 'yon. I shrugged. Hay naku Crosoft, parang 'di ka nasanay. Lalaki 'yang si Cam. Ayaw lang umamin.
"Makaligo na nga,"
....
Naabutan kong inilapag ni Cam ang umuusok na mangkok sa dinning table. As I was drying my hair with a towel napansin ko ang nakabukas na half a gallon na ice cream. Ibinalik ko ang tingin kay Cam na ngayon may pasak-pasak na kutsara sa bibig. Inalis niya ng kutsara sa bibig nang makita ako.
"Just in time," may ngiting sabi niya.
"Bakit isang mangkok lang 'yan?" tanong ko pagkakuan ay sabay hila ng upuan at naupo. "Hindi ka kakain?"
"Kumain na ako. At saka sa set laging may pagkain." Naupo siya sa tabi ko. Inabot niya naman 'yong lalagyanan ng ice cream. "Kapag pinagpatuloy ko pa 'tong katakawan ako magiging teletabies na ako kalaki."
"Oh, anong masama? Maganda nga 'yon para may unan ako." I chuckled.
"Eish!" she rolled her eyes at me. "Palibhasa kasi maganda ang katawan mo. Pinagnanasaan ng lahat." Litanya niya habang kumakain ng ice cream. "Kaya ang yabang mo."
"Point taken, pero dapat maging masaya ka rin kasi sayo lang naman 'tong katawan ko."Inihit siya ng ubo. Natawa naman ako. Mahinang tinapik ko ang likod niya. "Hinay-hinay lang. 'Di ka naman mauubusan."
Inis na pinalo niya ako sa braso. Lalo lang akong natawa. "Busit ka! Huwag ka ngang ano diyan. Puro ka kamunduhan."
"Eh sino ba sa atin ang nauna?"
"Tsk, lusot ka na naman."
I chuckled. May naalala ako. "Cam, naalala mo nung kumakain tayo ng noodles? 'Yong muntik ka nang mapahamak?"
"Oh bakit?"
"Naalala ko lang 'yong sinabi mo saken nang niyakap mo ko habang umuulan. 'Yong totoo? Bibigay ka na doon, 'no?"
"Anong bibigay? Inis nga ako sayo nun Gago ka! Inisip ko na ang laki ng galit mo saken at puro may saltik sa utak ang mga inire-reto mo saken. Sarap mong sakalin kaya. Kaso ikaw 'tong 'di ko naman mahagilap." Biglang natigilan si Cam. Parang may kung anong naalala bigla. "Akala ko... mawawala ka na saken."
"Ako rin,"
"Huh?"
"I thought I'm going to lose you that day..."
"Crosoft?"
"Pero hindi pa pala... mga ilang buwan pa pala bago kita layasan." I chuckled. 'Yon 'yong time na 'di ako nagpakita kay Cam sa birthday niya. Ang gago ko lang nung mga time na 'yon. Sarap magpa-kalbo.
"Oo, gago ka mo! Kung 'di mo ko in-indian malalaman mo sana buntis ako nun."
"Sorry na, alam ko naman mali ako nun. Pero kahit na ganoon ang nangyari nakatulong rin saken ang ilang taong pagkakaloka ko sayo para malinawan ako sa nararamdaman ko sayo."
"De wow!" pabalang naman na sagot niya.
Akmang babatukan ko siya sa reaction niya pero pinigilan ko na lang. Instead, hinigop ko ng sabaw. Langya! Ang init. "Peste!" pinaypayan ko ang dila.
"Oh anong nangyari sayo?"
"Ob-osManIba?Na-Aso-ako..."
Tinawanan lang ako ni Cam. "Hay naku! Kahit kailan." She scooped a spoon of ice cream. "Ito kainin mo para mawala ang hapdi." Isinubo niya saken ang ice cream. "Feeling better?"
Nilasahan ko ang ice cream. Inferness naman at medyo nawala ang hapdi dahil sa lamig ng kinakain ko. Napangiti ako. I nodded. Saka mabilis na hinalikan siya sa mga labi. Just a quick kiss.
"Crosoft!" gulat na reaksyon niya.
I chuckled. "Woah! That taste good."
"Baliw ka talaga." Natawa na rin si Cam. "Kahit kailan paraparaan ka."
I winked at her in response. Itinabi ko na lang ang mangkok at inagaw kay cam ang kutsara para kumain ng ice cream. "So, kumusta ang araw mo? Nagka-love life na ba si Alt?"
Inagaw niya saken ang kutsara. "Okay lang naman, at bakit pinapakialaman mo ang love life ni Alt? Anong issue mo?" She was about to dig in a spoon of ice cream nang agawin ko ulit sa kanya ang kutsara.
"Wala lang, hanggat 'di pa 'yan nagpapakasal si Alt hindi matatahimik ang kaluluwa ko. Aba'y may kasabihan kaya na 'ang lupa nga naaagaw' tao pa kaya?"
"Abnoy, may land reform. Hindi na 'yon basta-basta maagaw. Magbasa ka nga sa ng news." Inagaw niya saken ang kutsara.
"Aish, hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin."
"Alam ko oy," pinitik niya ang noo ko gamit ng kutsara. Mahina nga lang kaya 'di na ako nag-react. "At saka, huwag ka ngang praning. Kaibigan natin si Alt. Huwag mong pag-isipan ng masama."
"Palibhasa kasi sa mata ng lalaking 'yon ikaw lang ang pinakamaganda. Haba ng buhok mo. Pagupit ka minsan, samahan kita." Tsk.
Itinaas ni Cam ang isang kamay sa harap ko. "Nakita mo 'tong sing-sing na 'to?"
"Malamang, ibinendira mo sa harap ko."
"Halos sampung taon ko 'tong pinangarap."
"De sana nagpabili ka sana sa tatay mo –" tinampal niya noo ko. "Pack juice!" Natutop ko ang noo. "Ano bang problema mo sa noo ko?"
"'Yang utak mo tagilid na naman. Sampalin kita diyan eh. Tsk."
"Eh bakit ba? Pwede ka namang bumili ng sing-sing –"
"Eh ayoko nga!"
"Eh bakit nga?"
"Kasi gusto ko sayo! Gusto ko ikaw ang magbigay." Natigilan ako. Mukhang sa kapraningan ko ngayon ko lang nakuha ang ibig sabihin ng sinabi niya. Kaloka! Bakit ba minsan ang loading ko. Pa-update ka minsan Crosoft. "Tigilan mo na 'yan Crosoft. Hinintay kita ng ilang siglo at inalayan pa ng pansit at puto sa mga anito kaya huwag kang OA. Hindi ako maagaw ng kahit sino sayo."
Minsan iniisip ko na ang OA ko (Ahem). Hindi naman halata, diba? Pero sobrang natuwa ako sa sinabi ni Cam kaya nayakap ko siya.
"Kung 'di ko lang alam na horror director-slush-writer ka iisipin kong scripted 'tong mga sinasabi mo saken. Naiiyak ako Cam. Pagawa mo nga ako ng award bukas." Seriously, I got teary eyed.
Natawa siya. "Oo, pagagawan din kita ng rebolto sa tabi ni Rizal. Baliw ka talaga kahit kailan."
Paused.
"Cam..."
"Hmm?"
"Paano mo nagawang..." I trailed off. Isinandal ko ang ulo sa balikat niya. "Hintayin ako ng ilang taon?"
"Hmm... siguro dahil mahal lang talaga kita."
"Gaano ka mahal?"
"'Yong hindi nasusukat at natitimbang." She chuckled. Naingat ko ang tingin sa kanya. "Hindi naman kailangang bayaran at suklian ang pagmamahal. Mahal kita. Pero hindi ibig sabihin nun kailangan mo rin akong matutunang mahalin. Kasi... love is free. Everybody can love. But love is not mandatory. Hindi kailangang suklian at bayaran. Kasi kapag pinilit mo... it's not love anymore. It's already selfishness. Love should be selfless, regardless of the pain that you might gain."
"Naisip ko..."
"Na?"
"Ang swerte ko, dahil ako ang napili mong mahalin. Na kahit, imposible na mahalin kita ay nagawa mo paring hintayin ako." I cupped her face. "Alam mo, sobra-sobra na ang natatanggap kong pagmamahal sayo at sa mga anak natin. Never in my life did I imagine myself to be this happy." Pinagdikit ko ang mga noo namin. "Thank you Cam."
"Ang swerte mo talaga. Pinahirapan mo pa ako ng bongga bibigay ka rin pala." Mahinang itinulak niya ako. Natawa ako. "Aish, ang sakit mo sa balat Crosoft."
"Bumigay naman na talaga ako..."
"Wee?" tinaasan niya ako ng kilay.
"Oo nga, bumigay na ako ilang buwan bago pa may mangyari sa atin. Sa tingin mo magagawa kong manyakan ka ng extreme nang gabing 'yon kung 'di pa ako bumigay. Naloka lang talaga ako at natakot kaya umareba ang pagka-baliw ko at tinakbuhan kita. 'Yong ang tinatawag nating 'BAKLARAN" Baklang tumatakbo.'"
Natawa si Cam. "Baliw! Dapat yata gumawa ako ng indie film tapos ang title 'Finding Crosoft' with a tag line 'ang nawawalang bakla ng Pilipinas' haha. Hanep 'yon." Lumakas pa tawa ni Cam.
Napasimangot naman ako. "Sige, sige, gawin mo akong pambansang bakla. Tsk."
"De joke lang naman, anyway." Napangiti si Cam. "Crosoft,"
"Ano?"
"I-kwento mo nga saken kung paano ka nabaliw?" Parang excited pa na malaman niya ang kamiserablehan ko. Ay ang hard. "Kasi... naku-curious talaga ako."
"Aish, ang sabihin mo gusto mo lang magmaganda. Na may isang bakla na nabaliw sayo. Oy, alam ko na 'yang mga damobs mo. Sinswerte ka?"
"Ay! Ang pangit mo. Huwag na nga lang." Tumayo na si Cam at iniwan ako. "Matutulog na ako. Gago ka."
Mabilis na hinabol ko siya. Naabutan ko siya sa may hagdan. Mabilis na nahawakan ko ang isang kamay niya. Pero namali yata ako nang hila dahil nadulas si Cam sa ikadalawang baiting. Pack juice! Kapag minamalas ka nga naman.
Napangiwi ako nang sabay kaming bumagsak sa sahig. Langya! Ang sakit ng utak ko este ang ulo ko. Naramdaman ko ang bigat ni Cam sa itaas ko.
"Crosoft! Crosoft, okay ka lang?" sinampal-sampal ni Cam ang mukha ko.
"Langya naman Cambria." Daing ko. "Pwede mo naman... ouch... pwede mo namang tapikin ang mukha ko... sasampalin talaga? Aw." Sinubukan kong idilat ang mga mata. My face felt harassed.
"Sorry nam-" bago paman niya matapos ang sasabihin ay mabilis na siniil ko na ang labi niya. Mamaya na ako magri-reklamo.
Sinapo ko ang mukha niya. I kissed her gently... passionately... 'till she responed with my kiss. Napangiti ako. Most beautiful moments aren't always those you captured. It will always be with those people whom you can't live without.
When we parted we were out of breath.
"I-Ikaw talaga... wala kang... pinipiling oras... at lugar..." Cam chuckled while catching her breath. Natawa lang ako.
"That's an apology."
"Para saan?"
"Para kanina..."
"Hay naku! Okay na. Kahit dalhin mo pa 'yan forever 'yang secret feelings mo saken noon. Okay lang, 'di na ako magagalit."
"Malalaman mo rin naman 'yon..."
"Really? Kailan naman?"
"Sa takdang panahon." I winked at her and laugh.
"Baliw!"
"I love you Cam."
Sumilay ang isang ngiti sa mukha niya. "I love you from the moon and the back."
"I love you from south pole to north pole."
"De wow!"
"Santa Claus!"
Ay ang korney!
Note: If you're curious kung ano 'yang video. It's a 2015 thai movie "App Love" na hinihintay ko! Eeeii! Naalala ko ang CamSoft sa kanilang dalawa. 'Yong lalaki kasi diyan gay na parang si Crosoft... tapos si girl parang si Cam talaga. Kinikilig ako sa kahihintay ng clear copy kasi bago pa. Naloloka ako. Kaya isi-share ko nalang din sa inyo para ma-inspire kayo. Naaks! 'Yon lang. And yeah, nakapag-update na po ako. Chos! Special chapters will end on their wedding anniversary. Chos! Kapag natapos na ni Crosoft ang pagbabalik tanaw niya. Naks! Salamat. Keep supporting Our Secret Child and CamSoft! Sana mahaba ang mga comments. Juk! Tsar! Lovelots! XOXO
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro