SP: Crosoft's Confession (Part 10)
Present
I yawned and stretched my arms out a bit. Ang sakit na ng mga balikat at braso ko sa kaka-edit ng anniversary video namin ni Cam. Buti na lang talaga hindi ako gaanong busy ngayon. Hmm... na sinadya ko naman talaga. In-adjust ko ang salamin sa mata. Hindi naman ako mamumulubi dahil lang sa hindi ko pang-tanggap ng mga project these days. Mabubuhay naman ako ni Cam. De joke.
I save the video. Wait to load.
Got a glimpse of the time on my wrist watch. Pasado alas dos na pala ng madaling araw. Duyan na naman 'tong eyebags ko. Langya naman kasi at ang hirap palang mag-edit ng video na parang movie. Si Cam lang magaling sa mga gan'to. 'Yong powers ko pang-movie maker lang. Kaka-stress ng great.Buhis buhay maging ulirang asawa. Nakaka-ingrown!
Save complete.
"Hay salamat!" pinatay ko na ang computer pagkatapos masigurong naka-save na 'yon sa flash drive ko. I-deleted all the files in the computer. Praning din kasi 'yang si Cam at baka isiping nangingialam na naman ako sa kabit niyang computer. Litse! Nagseselos ako sa computer na 'to.
At dahil nga baliw ako. Binatukan ko pa ang pobreng computer.
"Brad, wala kang forever. Mamatay ka rin. Kapag nag-brown out."
I yawned again. Inalis ko ang salamin at iniwan na lang 'yon doon. Pinatay ko ang ilaw sa editing room ni Cam bago umalis. Madilim na ang buong bahay. Malamang ako na lang ang buhay. Umakyat na ako taas at dumiretso sa silid namin ni Cam. Maingat ang pagbukas ko ng pinto at baka magising ko pa siya.
Pupungas-pungas na ang lakad ko. Lakad zombie na. Patay-sindi na rin ang mga mata ko. Inaantok na talaga ako. May nasasagi pa akong kung ano. 'Di ko na pinansin. Bukas ko na lang – este mamaya paggising ko na lang aalamin. Kinapa-kapa ko ang mga kamay sa kadiliman hanggang sa makapa ko ang malambot na kama.
Mabilis na nahiga ako. Yayakap sana ako kay Cam nang wala akong makapang katawan. Nagising naman ako bigla nang biglang tumunog ang kung anong creepy instrumental song na karaniwang pinapatugtog sa mga horror movies. Langya! Pati utak ko nagising. Napabalikwas ako ng bangon. Pagtingin ko sa kaliwa naka-on ang music player na patay naman kanina.
"C-Cam?" tawag ko. Palinga-linga sa paligid. Peste! "Cam?"
Alam mo 'yong mga moment na feeling mo may nakatingin sayo pero wala kang makita. 'Yong sa mga movies na pa-suspense at may pabagsak pa na sound effects na parang may naglalakad palapit sayo. Syetes! Magkaka-uban ako ng pink nito sa takot.
Nagpatuloy lang ang nakakatakot na tugtog na 'yon. At habang tumatagal gusto ko nang tumalon mula sa palapag na 'to hanggang sa ibaba. Kaya ayoko ng mga nakakatakot na palabas eh. Langya! Ano bang kasalanan ko at tinatakot n'yo ko ng ganito?
"Cam..."
"Crosoft!" biglang may humawak sa braso ko kaya napamura ako.
"Pack juice!" sigaw ko ng paulit-ulit. Nagtalukbong ako ng kumot. Nanginginig pa ako niyan ah. Peste talaga eh! Kung kailan ako sinipag maging ulirang asawa saka naman ako pinak-juice ng ganito. "Tang na juice! Layuaaan mo koo!" sigaw ko na naman. "Hail Mary full of grace.... Hail Mary full of grace..." naka-ilang sambit ako ng dasal.
"Haha," narinig ko naman ang pagtawa ng isang babae.
Itinakip ko ang dalawang palad sa tainga. Langya! "Umalis ka na! Mabait ako! Naman! Pack juice naman eh!"
"Crosoft," biglang may yumakap saken. Tawa parin ng tawa. Oo na! Oo na! Takot na ako. Langya! Teka, parang pamilyar saken ang boses na 'yon. "Ano ba naman yan Crosoft... haha... nakakatawa ka naman... haha..." humigpit ang pagkakayakip saken na may kasamang yugyog ng pang-aasar. "Hoy! Bangon ka diyan bakla!"
Mabilis na inilas ko ang kumot sa mukha. Tawa parin ng tawa si Cam. Inabot ko naman ang switch ng lamp shade sa bedside table para magka-ilaw.
"Kahit kailan talaga matatakutin ka parin." She chuckled.
"Cambria Velasco D'cruze!" seryoso at pabagsak kong tawag sa kanya.
Natahimik si Cam. Pero halata namang nagpipigil lang ng tawa. Aish. Nai-stress na naman ako. Bubwit sa kanal. Naisahan na naman ako ng babaeng 'to! Inis na nahiga ulit ako at nagtakip ng unan sa mukha.
"Oy Crosoft," inalog ulit ako ni Cam. "Ay ang OA ng asawa ko, ha. Galit ka naman agad, diyan." She keep on poking my back since nakatalikod ako sa kanya. "Crosoft..." this time naging malambing na ang boses niya. Deadma. "Crosoft... mahal ko... kapwa ko..." pinigilan kong matawa. Busit! Joke ba 'yon?
Huwag kang matawa Crosoft. Hayaan mo 'yang asawa mo. Magdusa siya.
"Ay ang OA, talaga. Tsk."
Bumangon ako. "Kainis ka kasi. Alam mo namang matatakutin ako tapos gagawin mo pa 'yon saken."
"Eh kasi naman!" she pouted her lips. "Lagi ka nalang madaling araw umaakyat sa taas. At ewan ko kung anong ginagawa mo nitong mga nakaraang araw at sobrang busy mo. Halos wala namang laman ang work schedule mo. Nagdududa na talaga ako sayo." Matalim ang tingin ni Cam saken. "Anong ginagawa mo pa'g gabi, ha?"
"Naglalaro lang,"
"Ng clash of clans?"
"Ng dress up."
"Crosoft!"
"Oo nga, kahit tignan mo pa ang Ipad ni Danah. Ako lang ang nagli-level up ng mga dina-download niyang laro."
"You're lying." Pinaningkitan niya ako ng mga mata.
"Bahala ka sa buhay mo." Nahiga ulit ako. Pero dahil nga mahal ko siya. Bumangon ako at payakap na pinahiga ko siya sa kama.
"Crosoft!" tili niya.
I laughed. "Sorry na," I buried my face on her neck. Tawa parin ako ng tawa.
"Hmp! Guilty ka lang."
"Hindi, mahal lang talaga kita kaya kahit na wala akong kasalanan iniisip ko na lang na meron. Ang sweet ko, diba?" inangat ko ang tingin sa kanya. Our gaze met and we both laughed. Kinurot niya ang pisngi ko. "Aww!" daing ko.
"Ang cute mo!" pa-cute na sabi niya. "Matulog ka na nga diyan." Akmang aalisin niya ang mga braso ko na nakayakap sa kanya nang yakapin ko pa siya ng sobrang higpit. "Crosoft!" tinampal niya ang braso ko.
"Total naman gising tayong dalawa. Baka pwedeng –"
"Mukha mo Crosoft. Tigilan mo 'ko." Mabilis na pumaibabaw ako sa kanya. Giving her my most seductive smile. Matalim naman ang tingin niya saken. "Crosoft, ihahatid mo pa si Danah ng maaga bukas."
"Isang round lang,"
"Hindi!"
"Isa lang talaga, please?"
"Hindi. Magtigil ka diyan."
"Isang kiss,"
"Huh –" mabilis na bumaba ang labi ko sa mga labi niya.
Maalab at may pag-iingat ang bawat halik na ibinibigay ko sa kanya. It was gentle at first pero hindi ko mapigilang pailaliman ang halik. Hinawakan ko ang panga niya para mas pailalimin ang halik. She gasped when I bit her lower lip. She opened her mouth for me. God! Hinding-hindi na yata talaga ako magsasawa sa mga labing 'to. I moaned when she kissed me back with the same excitement and passion.
She wrapped her arms around my neck. Lalo ko lang ibinaba ang sarili palapit sa kanya. We were almost out of breathe but neither of us didn't care about that. Who cares about that when you're kissing your wife.
De joke!
We parted. Both panting. Natawa ako. Syempre kailangan parin naming huminga. Ang sama naman kung bukas may banner headline na. Mag-asawang D'cruze namatay dahil sa torrid kiss. Oh, diba? Ang sagwa lang pakinggan.
"Fine," she held a sighed.
"What?"
"Isang beses lang. Pagkatapos matutulog na tayo."
Lalo lang lumapad ang ngiti ko. "Game! Pero bago 'yan, pwedeng patayin muna natin ang music? Medyo creepy lang ang dating. Feeling ko ano mang oras dadating na si Chuckie."
Cam laughed. "Sorry," may kung ano siyang kinapa sa kama. Mayamaya ay napalitan ang music ng malanding instrumental song na hindi ko alam kung saan na nakuha ni Cam. I swear, mas malandi pa sa Careless Whisper. This time, itinapon niya ang remote ng music player na kinapa niya kanina. "How about now?"
Tumaas-baba ang dalawang kilay ko. "More like it."
Patay na naman ako nito mamaya.
Hello teabags of eyebags.
....
Lutang pa ang utak ko nang makababa ako sa kusina. Naabutan ko naman ang anak na si Danah na kumakain katabi si Font na nakaupo sa baby chair niya. Nagtaka naman ako. Bakit ang tahimik ng bahay?
"Mukha kang zombie, Daddy."
"Hi anak," walang buhay na bati ko kay Dannah. "Wala ka bang pasok ngayon?" naupo ako sa tabi ni Danah.
"Daddy, Independence day ngayon. Araw ng kalayaan... sa eskwelahan."
Pinaningkitan ko ng mga mata ang anak. "Joke ba 'yon?"
"Hindi, love quotes."
Napangiti ako. Nag-apir kaming dalawa. "Naks! Manang-mana ka talaga saken. Lakas ng genes ko. Pang-world class."
Natawa si Danah. "Syempre naman Daddy."
Tumayo ako para lapitan ang nakangising si Font. Isa pa 'tong anak ko na pinagpala ng genes ko. Isang taong gulang na si Font. Gwapo. Syempre, kamukha ko. Saan pa ba magmamana ang mga anak ko kung 'di sa akin rin. Kinarga ko ang anak.
"Hi, baby."
"Dada... Dada..." aliw na aliw na sagot ng anak.
"Ang gwapo talaga ng kapatid mo Danah."
"Daddy pang-isang milyon mo na 'yang sinasabi saken. Mag-move on ka na please."
I chuckled. "Tsk, ikaw talaga. Teka, saan ba ang Mommy mo? At bakit wala ang yaya ni Font at ang Manang Concetta mo?"
"Manang Concetta went to grocery. Si Yaya Georgia naman ay naglalaba sa mga clothes ni Font sa likod. Si Mommy, maaga siyang umalis sabi ni Yaya may biglaang meeting daw. May tanong ka pa po?"
Tumaas naman ang kilay ko sa huling tanong ng anak. Masamang mag-tanong, ganun? Mai-stress ka?
"Wala, wala na po. Pasensiya na po."
Danah giggled. "I love you Daddy!"
"I love you din anak."
Hanggang ngayon. Hindi parin ako makapaniwala na mag-asawa na kami ni Cam. Heto at may dalawa pang anak. Parang ang imposible ng idea na ganito noon para sa akin. Muntik ko pa 'yong ikaloka ng bongga. But seeing my kids and Cam now. It was all worth it.
"Dada..."
"Yes, Font, alam kong gwapo ako."
"Nononono..." sagot naman ni Font.
Danah laugh out loud.
"Danah!"
"Sorry, Daddy. Hindi ka daw gwapo. Siya lang. Diba, baby Font?"
"Yesh! Yesh!"
Wala akong magawa kung 'di ang matawa. The perks of being a handsome father. Naks! De joke, humble ako. Actually, 'di ko nafi-feel ang kagwapohan ko. Ahem. Hello, kagwapohan? Nandiyan ka ba? Haha. K. Fine.
"Anak,"
"Yes, Daddy?"
"May secret akong sasabihin sayo."
Namilog sa excitement ang mga mata ni Danah. "Ano 'yon Daddy?"
"Tsika ko sa'yo later. Kakain muna ako."
"Daddy naman eh!"
Natawa lang ako.
Flashback
Our Coffee Shop
Tumaas talaga ang kilay ko nang makita ang wallpaper sa screen ng bagong cell phone ni Cam. Sinong gwapo naman 'tong naka wallpaper sa cell phone niya? Tamang-tama naman na bumalik si Cam para i-serve saken ang in-order kong iced coffee.
"Hoy, sino 'to?" tanong ko agad.
"Bago kong prince charming." Mataray na sagot niya saken habang inilalapag ang order ko sa table. "May order ka pa?"
"Paano magkakaroon ng prince charming ang chakang mambabarang na katulad mo?"
Hinablot niya saken ang cell phone. "Magmo-move on na ako!"
Move on? Saken? Wait. Napatuwid ako ng upo. "Kanino ka magmo-move on? NJSB ka naman."
"Huh? Anong NJSB?"
"No Jowa Since Birth?"
"Ewan ko sayo." Akmang iiwanan na niya ako nang hilahin ko siya paupa sa bakanteng upuan sa harap ko. "Ano ba Crosoft?" mahinang sita niya saken. "May trabaho pa ako."
Sininyasan ko ang manager na nakatingin. Sinyas na ngiti galing sa gwapong katulad ko. May kasama pa 'yong kindat. Nag-thumbs up naman agad saken ang manager na kamukha ni Winnie The Pooh. Wala lang, kamukha niya eh.
"Oy, ano 'yong kindat na kindat mo na 'yon kay Boss?"
"Kalahi ko 'yon. Huwag kang ano diyan. Behave."
Cam made a face. "Oh, ano na naman ba?"
Seryoso ang mukha na inabot ko ang kamay niya. "Cam, hindi pa ba ako sapat?"
Pause.
"Hindi naman sa –"
"Hindi pa ba sapat ang mga mukha ko sa gallery ng cell phone mo at kailangan mo pang-mag-download ng mga gwapo sa google?" napapikit ako sabay timpi nang kurotin niya ng sobrang pino ang kamay ko. Langya. "Ouch."
"Ang Oa mo. Totoo siya."
"Wey?"
"Oo, kaklase ko siya noong high school."
I leaned on my seat. "Bakit mas marami ka pang lalaki saken?"
"Dahil mas maganda ako sayo."
"May ganun?"
"Oo, kaya kapag nagka-boyfriend ako. Who you ka saken."
"Ay ang taray. Eh NJSB ka nga."
"Ngayon, pero malapit ng hindi. At maiinggit ka dahil 'tong nasa wallpaper ko ngayon ay nanliligaw saken ngayon." Ipinamukha niya pa saken ang screen ng cell phone niya.
"Tsk, nanliligaw, sure?" tinawanan ko pa siya. Ito talagang si Cam ang hilig mag-ilusyon. Inagaw ko sa kanya ang cell phone. "'To? 'Tong kamukha ni Go Jun Pyo? Wow! Goodluck."
"Hmmp!"
Cam's cellphone vibrated on my hand. Akmang aagawin saken ni Cam ang cell phone nang palisin ko ang kamay niya. Matalim ng tingin ang pinukol niya saken. Binuksan ko naman ang inbox at binasa ang message.
What tym out mo Cammy?
Pagkabasa ko pa lang. Wow! Cammy?
Sunduin kita, ok lang? – Draft
"Wait," inangat ko ang tingin kay Cam. "Anong pangalan nitong lalaki sa screen mo?"
"Draftzon Aliviano. Draft for short."
Pasimpleng idi-nelete ko ang message. "Okay,"
"Teka, nga. Akin na nga 'yang cell phone ko Crosoft. May message 'yan eh."
"Wala, networking lang." Ibinigay ko na sa kanya ang cell phone. "'Yan, wala na."
Naghihinala ang tingin ni Cam. "Kapag nalaman kong may nawala dito. Patay ka talaga saken."
"Wala nga, ay ang kulit."
"Ewan ko sayo."
"Anyway, ipakilala mo ko sa kanya, ha."
"Bakit?"
"Bakit ba laging may malisya sayo ang mga sinasabi ko?"
"Kasi magaling kang artista. Lahat naloloko mo."
I chuckled. "Hindi naman masyado. Basta, ipakilala mo ko sa Draft na 'yan para makilatis ko ng mabuti. Alam mo na..."
"Whatever."
Bakit ba lagi n'yong nababasa utak ko about the present and kids moments request? Haha. Ang galing n'yo! Anyway, sorry ngayon lang ulit ako nakapag-update. Busy sa school. Knock out agad pagkauwi. Kaloka! Feeling ko ito na ang pinakamahabang special chapters sa wattpad. Ansay n'yo? Oh, diba? Ganoon ko kayo ka mahal na pinipiga ko araw-araw ang utak ko. Haha, salamat sa mga long comments nyo sa last chapter. Na inspire ako lalong buhayin si Crosoft. Sana 'di kayo mag-sawa sa mga long comments nyo. Long Live Crosoft!
PS: Anyway, ano kaya 'tong secret na naman ni Crosoft? At anong plano nitong si Crosoft sa manliligaw ni Cam? Abangan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro