SP: Crosoft's Confession (Part 1)
SPECIAL CHAPTER
CROSOFT'S SWEET CONFESSION
"Camera, set. Check. Gwapo na ba ako?" I took a quick glance of myself infront of the mirror. Medyo magulo ang buhok ko, but I still look hot. Naks! "Jeez, baka mahuli pa ako nito ni Cam. I need to check."
Lumabas ako ng kwarto. Sakto namang napadaan si Danah.
"Danah," I called.
"Daddy! Bakit?"
"Where's your Mom?"
"Grocery?" she shrugged. "Lumabas eh kasama ni Font. Why?"
"Wala naman, sige." Babalik na sana ako sa loob ng kwarto nang may maalala ako. "Hold on," binalingan ko ulit ang anak. "Kumatok ka kapag nandiyan na Mommy mo, ha?"
"Po?"
"Basta,"
Tinaasan naman ako ng kilay ng anak. "Daddy, anong kababalaghan na naman 'yang gagawin mo sa loob, ha?"
"Wala. Matutulog lang. Sige na, bumaba ka na. Magpataba ka sa kusina." I kissed her head before getting back inside the room. Pinagkis-kis ko ang dalawang palad. Naks, good timing.
I locked the door behind.
Pumwesto na agad ako sa harap ng camera. Okay, game. Pinindot ko na ang record. Pero hindi pa nga ako nakakapag-salita natawa naman ako. I can't believe I'm doing this. Tsk, swerte talaga ng babaeng 'yon.
"Crosoft umayos ka." I sat straight. "Go, game. I'll edit this part. Okay, totoo na talaga 'to." I cleared my throat first before speaking. "Hi, Cam... ano... Happy Anniversary. Ang OA ko, 'no? Okay lang 'yan gwapo naman ako. Ang swerte mo." I chuckled.
Ngayon ko lang talaga na realize ang hirap ng on the spot video recording. Napangiwi ako sa isip. You called yourself pro, ha? Ang hirap din palang mag-salita na walang script. Hindi. Kaya ko 'to! Ang totoong nagmamahal hindi kailangan ng script. Buhis buhay din 'to alang-alang sa pag-ibig.
"Cam, sana hindi mawala sa isip mo ang plano nating kambal pagkatapos ng videong 'to. Medyo SPG 'to at puro confession ko. Wala kasi akong maisip na gift sa Anniversary natin. Well, naisip ko lang na marami pa din pala akong hindi sinasabi sayo. Bukod sa kagwapohan ko at kakisigan na kahit lalaki pagnanasaan ako... not to brag, ha. Sabi kasi ng mga righteous people kailangan daw nating mag-salita ng totoo. Kaya, Cam, mahal, ang gwapo ko, no?"
Tama na nga 'yan Crosoft!
"Alam mo kasi, may mga sekreto akong hindi pa nasasabi sayo. Mangungumpisal na ako sayo. Ang sakit sa utak na itago eh. Nandiri pa ako sa sarili ko noong ginawa ko 'to. Swear!" I held my hands up. "Mamatay man ang pusa ng kapitbahay natin. Akala ko talaga, abnormal ako nang ginawa ko 'yon."
College Years
Outside Study Lounge.
"Cam, pahiram ng phone mo."
Inabot ni Cam agad saken ang cell phone niya. "Pa-selfie ka na naman diyan?" Hindi ko siya pinansin. Minsan talaga ang bitter ng babaeng 'to. "Crosoft, mag-outing kaya tayo?"
"Ako naman ang papagastuhin mo. Mag-isa ka." Sinilip ko ang inbox ng cell phone niya. I scroll down. Boring naman ng mga kausap nitong si Cambria. I scrolled up. Naningkit ang mga mata ko. Who's B? I opened the conversation.
Ur really funny C! :D I lyk u. -B
Haha, bliw ka! D nmn yon nkktawa ah -Cambria
Anyway, u free dis weekend, C? - B
Hmm, why? - Cambria
Well, yayain sna kitang lumbas... *blush* haha XD - B
Langya! Ansabe ng blush? Bakla yata 'to eh. Hindi ko alam kung bakit naasar ako sa mahabang conversation ni Cam kay B. 300 convo? Wait, did she said yes? I scrolled down. No answer. Yes! Wait. Bakit ako naasar?
Well, okay lang naman maasar. Syempre kaibigan ko si Cam. Normal lang na maging protective ako sa kanya. Baka gawan pa ng masama ng B na 'to si Cam. Aba'y makakapatay talaga ako ng member ng Alphabet!
Nagulat ako nang biglang hablutin ni Cam ang phone sa kamay ko.
Cam made a face. Giving me a suspicious look. "Nagbabasa ka!"
"Huh? Anong nagbabasa?" I leaned my elbow on the table. Hinayaan kong saluhin ng isang kamay ko ang gilid ng mukha ko. I gave her my mischievous boyish smile that always made her blush. I like teasing her. "Tinitignan ko lang ang mga pictures ko diyan. Hindi mo pa pala dine-delete."
And darn, I couldn't help but suppressed a smile when Cam started blushing. Ewan ko ba, naku-kyutan ako kapag nakikita siyang disoriented. Para lang nakakakita akong hot na lalaki sa dumaan. That's weird. Ang layo sa hot na lalaki ang pagba-blush ni Cam. I shook my head.
Cam looked away. Ibinaba nito ang phone sa table at pinagpatuloy ang pag-so-solve ng kung ano sa notebook niya. I tried to take a peek, but she wouldn't let me. I just gave up.
"Cam," I called.
"Bakit ba?!" mataray na balik niya.
"Sino si B? Kapatid ba 'yan na si A, C, D?"
Cam faced me. "So, binasa mo nga?"
"Sort of, sino siya? At may tawaga pa kayo. Wow! 'Di man lang ako na inform na ikaw nap ala si C at siya si B."
"Blank is just a friend. Nakasama ko siya sa dalawang subject. Seatmate ko siya. Naging-close. Tapos tawag niya saken C. I call him B. May problema ka doon?"
"And he's asking you out?"
"Pinag-iisipan ko pa." She pouted her lips. Napalunok naman ako. Darn, langya. Why am I acting like this? Napapadalas na talaga ang pagtitig ko sa mga labi niya. 'Di nato maganda. Parang ang sarap lang tikman ng cute niyang labi. "Gusto ko kasing mag-out-of town this weekend or mag-beach. Alam mo kasi Crosoft." Biglang nag-shift ang mood ni Cam. Mas naging excited. "May bunos ako sa sweldo ko ngayon. Kaya gusto kong gumala. Gusto kong maligo at magpa-itim." Napasimangot ulit si Cam. "Ang puti-puti ko na daw kasi. Magpapa-itim muna ako."
"Hah, pa-itim ka kung gusto mo."
"Pero kung wala naman akong kasama siguro I'll consider Blank's invitation. Anong say mo Crosoft?"
"Lalabas ka kasama nung alpabetong 'yon?"
She nodded. "Oo, alangan namang magkulong ako sa bahay buong araw. Sayang naman 'yong two days off na ibinigay saken ni Boss."
"Okay, gala tayo."
Nangislap ang mga mata ni Cam. That made me smile. "Really?! Sasamahan mo na ako?"
"Ikaw gagastos, diba?"
"Tsk," tumaas ang gilid ng labi ni Cam. Natawa naman ako. "Oo na, ang barat mo eh. Ikaw 'tong mayaman pero ako ang pinababayad mo."
"Eh sino bang nag-yaya?"
"Oo na! Ako na!"
"Anyway," inilahad ko ang isang kamay kay Cam. "Pahiram ulit ng phone."
"Bakit na naman?"
"Makiki-text lang oy. Ikaw talaga." Hinablot ko ang cell phone niya na nakapatong lang sa table. "Babayaran kita ng piso mamaya. Mayaman ako."
"Tsk,"
Hmm, let' see. Ano bang pamatay na reply sa alpabetong 'to.
Sorry, I can't. - Cambria
Nagulat naman ako nang mag-reply agad. Wow! Mayaman sa load.
Why? Busy ka ba? - B
Hindi naman.
'Cause I told so. May problema ka doon, pare?! - Cambria
Cnu kba? - B
Oo, C din ako - Cambria
Okay, tama na natatawa na ako. Napansin naman akong nagpipigil ng tawa ni Cam. Mabilis naman akong tumigilid.
Who are you?! - B
Hindi ako si Who... pero ako ang BF ni Cambria. So if you're sane enough, huwag kang ipal Pare! Hanap ka ng sayo. Akin 'to! - Cambria
Boyfriend ka ni C? - B
Hindi bestfriend lang.
Oo, may problema ka doon... PARE! - Cambria
I deleted all the latest conversation. Natatawa parin ako.
I glanced at her. "Cam, saan tayo na beach?"
"Mag-iisip pa ako."
"Okay, pagbutihin mo."Ano kaya itsura ni B? "Cam, gwapo ba 'tong si B?"
"Oo, kamukha ni Coco Martin. Tall version."
"May picture ka?"
"Oo, nasa album. Check mo na lang. May tissue diyan sa bag ko. Baka tulo laway ka naman diyan."
I checked the album and scanned the photos. May latest photos na naka-save doon. Naningkit naman talaga ang mga mata ko. I zoom out the pic na feeling ko si B. Sabi niya kamukha ni Coco. Damn! Kamukha nga.
True, gwapo nga 'tong si Alpabeto pero hindi ko alam kung bakit mas gusto ko pang i-delete ang picture na 'to kaysa pagnasaan ang walangyang kamukha ni Coco Martin. Masyadong sweet ang pagkakuha nun. Dikit na dikit ang mga mukha nila. May heart pa na sticker sa gilid. Wow!
"Cam puno na ang memory mo."
"Huh? Puno na?" she tilted her head. "Ang weird naman."
"Mag-delete tayo."
"Hmm... ako na." Akmang kukunin niya saken ang phone pero mabilis ko 'yong inilayo. "Crosoft!"
"Ako na! May nakita akong basura kanina. Delete na natin."
"Crosoft!"
"Cambria may basura nga. Behave ka diyan!"
"Tsk," she made a face. "Kapag may nawala diyan iha-hack ko facebook mo gago ka!"
To be continued...
I suddenly missed CamSoft and I can't help writing special chaps for them. Hope you enjoy... abangan natin ang part 2 ng confession ni Crosoft. I'll update everyday. Don't worry masipag ako ngayon. Comments?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro