Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Extra Chapter

Tama na muna ang drama at tayo ay magbalik tanaw ng slight sa kung paano nagkakilala sila Crosoft at Cambria noon. Wala lang, trip ko lang i-share 'to bago matapos ang OSC. Hope yah like it! Take note, hindi pa bakla or nag-reveal si Crosoft na gay pala siya haha. Okay, basahin nyo na! 

Hindi mapigilan ni Cambria na pasimpleng titigan si Crosoft habang karga-karga ang manika na baby. Nakangisi ito habang kinukunan ng picture at video ng isang kaklase nila sa Biology. First Aid Training nila ngayon at nasa ikalawang station na sila kung saan dini-demonstrate ng facilitator sa kanila kung paano mag-alaga ng baby. Kaya may mga manika na babies. 

Hindi nga lang siya makapag-concentrate dahil nadi-distract siya kay Crosoft. Simula nang pinagtanggol siya nito sa practice drama nila Essera ay lalo lang siyang na baliw rito. Para na nga siyang tanga. Nagkakausap naman sila 'di nga lang madalas. Mahirap din kasing makipag-close sa kanya. 

Nakakapanlumo din minsan. Sino na ba naman siya para pansinin ng isang gwapong katulad ni Crosoft? Kaya heto siya at hanggang titig at sulyap nalang. Kung suswertehin ay makakasama niya ito sa ilang subjects at group projects. Bonus na 'yong ngiti niya kapag nagkakasalubong sila sa hallway. Friendly lang talaga siguro ito.

Siya naman, mukhang eng-eng. Tanga na nga halata naman masyado. Hindi niya mapigilan ang mapangiti at pamulahan ng pisngi. Ah ewan! Ang mabuti pa ang sersyosohin ko nalang 'tong pag-aaral ko. 

"Okay -" natigilan siya nang mag-angat siya ng ulo. "Eh?"

Lahat nakatingin sa kanya. Napalunok siya ng wala sa oras. Okay, ano na namang ginawa ko? Naigala niya ang tingin sa mga kaklase. Sa mukha palang nila ay mukhang katapusan na niya.

"Miss Velasco," tawag ng facilatator sa kanya.

Napatayo siya ng tuwid. "Yes po Ma'am!"

"Are you listening?"

"P-Po? Opo, nakikinig po ako." Ng slight.

Mula sa gilid ng mga mata niya ay nakita niyang nagpipigil ng tawa si Crosoft. Lihim siyang napangiwi. Naks Cambria! Ang galing mong magpahiya sa sarili.

Kulang nalang ay kalbohin niya ang sarili. Napahiya tuloy siya kanina sa harap ng mga classmates niya. Ngayon may extra work loads pa siyang pag-aaralan. Malay ba niya sa mga kaechusan sa pag-aalaga ng bata. Kainis! 

Siya pa talaga ang una sa assesment bukas. Paano niya naman maipapasa 'yon kung pinalabas siya ng prof niya nang mamali niya ang tamang pagtitimpla ng gatas. Minsan talaga nawawalan siya ng gana sa pag-aaral.

She sighed. Tumingala siya sa langit. Mukhang uulan pa yata dahil makulimlim ang langit. Wala pa naman siyang dalang payong. Kailangan na niyang magmadaling umuwi bago pa siya maabutan ng ulan.

Tumunog naman bigla ang cell phone niya. Madali niyang sinagot ang tumatawag.

"Hello?"

"Cambria, na saan ka na ba?" boses 'yon ng kanyang ina.

"Papauwi pa po, bakit po Ma?"

"Huwag ka munang umuwi at may ipapabili ako."

Mabilis na naikapa niya ang kamay sa bulsa ng pants niya. Sa pagkakaalam niya ang isang daan lang ang dala niya. Kung sosobra sa isang daan ang ipapabili ng Mama niya saan siya kukuha ng pera pambili.

"Eh... Ma, ano po bang ipapabili n'yo?" 

Safeguard na sabon nalang please, huwag na Belo.

"Naubusan na ng sabon ang kapatid mo. Bilhin mo 'yong sabon na pampaganda ng kapatid mo. 'Yong Belo. 'Yong mahal ha." Napalunok siya. "Magkano nga 'yon?"

'Di niya din maalala kung magkano 'yon pero feeling niya mahal 'yon kaya tatanggihan niya muna ang utos ng nanay niya. Kahit na sermon ang aabutin niya rito. 

"Ah Ma -"

Natigilan siya nang dumaan sa harap niya si Crosoft. Malakas ang tibok ng puso at parang napako sa kinatatayuan niya. Lalo pa siyang na praning nang patalikod na binalikan siya nito. Ngumiti ito sa kanya. Litse! Ang hirap makahinga.

"Hoy Cambria nandiyan ka pa ba?! Hoy!"

Nasa langit na yata siya.

"Hoy mag-salita ka!"

"Cam, right?" tanong ni Crosoft sa kanya.

"O-Oo," parang tangang isang libo yata siyang tumango-tango.

"Okay, goodbye Cam. Ingat ka sa pag-uwi mo." Kumaway ito sa kanya bago tuluyang umalis.

Syet! Hindi ako nagmumura pero langya talaga! Kinikilig ako. MygaaadPinigilan niya ang mapatili. Napatingin siya sa buong paligid may ilang taong nakatingin sa kanya. Inggit lang nila.

"Bibili ka ba o hindi?!"

"Opo!"Eh? Teka, may kausap ba siya sa cell phone. "Hello, sino 'to?"

"Hoy Cambria huwag kang umuwi dito sa bahay na 'di dala ang sabon na pinabibili ko sayo!"

End Call

"Ma? Ma?..." Napangiwi siya nang mawala sa linya ang Mama niya. "Ma, isang daan lang pera ko. Saan ako kukuha ng pambili ng Belo?" Gusto na niyang maiyak ngayon din mismo pero pinigilan lang niya. Tama na ang isang beses na pagpapahiya sa sarili niya ngayon. Huwag nang sagarin pa.

Ikaw kasi! Nag-goodbye lang sayo ang tao nawala ka na agad sa ikot ng mundo. Sige push mo 'yan Cambria!

 

Pagkalabas na pagkalabas niya sa mall ay nanlumo agad siya. Paano ba naman? Malakas na malakas ang buhos ng ulan. Idagdag pang wala na siyang pera. Gustuhin man niyang mag-taxi ay wala din siyang maipambayad. Ganoon siya ka poor. Hindi nga siya kinungalang sa pambayad ng sabon naubos naman ang pera niya. 

Pagtingin niya sa oras sa screen ng cell phone niya ay 5 pm na. Balak pa naman niyang umuwi ng maaga para makapag-aral sa assesment niya bukas. Aabutin pa siya ng ilang oras bago marating ang bahay nila dahil lalakarin lang niya. Bakit ang malas-malas niya?

"Oh -" nagulat siya nang may biglang bumangga ng isang balikat niya.

"Hey, sorry. Hindi ko sinasadya."

Napahawak siya sa nasaktang balikat bago naingat ang tingin sa taong bumangga sa kanya. "Ano ba - eh?" Ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata niya nang mapag-sino ito. "Crosoft?!"

"Cam! Oh, Cam, ikaw pala 'yan." Pasimpleng sinuklay nito ang basang-basang buhok.

Bumaba naman ang tingin niya sa kabuuan nito. Basang-basa ito. Pero kahit na mukha itong basang sisiw ay 'di man lang ito nakabawas sa kagwapohan nito. Mas lumi-level up pa. Hindi agad siya nakapag-salita.

"Hey, you okay?"

"Ah... eh... o-okay lang ako. Sige mauuna na ako." Tinalikuran niya na si Crosoft nang maalala niyang umuulan pa pala. Takteng utak 'tong meron siya hindi talaga nakakapag-isip kapag nandiyan si Crosoft. 

"Hey," natigilan siya nang maramdaman niya ang paghawak nito sa isang balikat niya.

Pinihit siya nito paharap sa kanya. Nakagat niya ang ibabang labi dahil 'di talaga siya makatingin ng diretso rito. Umayos ka Cambria kung ayaw mong ipasagasa kita sa daan. With all her super powers ay matapang na tinignan niya ito.

"Aalis ka na? May payong ka ba?"

"Ah eh -"

"No, ang mabuti pa ay samahan mo nalang muna ako."

"Huh?"

"Halika, sumama ka saken sa loob. May bibilhin tayo." 

Mabilis na napatingin siya sa kamay ni Crosoft nang hawakan nito ang kamay niya. Lalo lang siyang naloka dahil hindi lang 'yon isang simpleng hawak kamay lang na typical na nakikita niya sa mga drama sa TV. Ito 'yong klase na makahugpong talaga. 'Yong mga moment na nababasa niya sa libro na when he laced his fingers to hers. Puputok na yata ang puso niya sa kilig.

"Pasok na tayo," bago pa siya makahuma ay hinila na siya ni Crosoft pabalik sa loob ng Mall. Lihim naman siyang napangiti. 

Naiilang siya sa mga tingin ng ibang tao sa kanila ni Crosoft sa Mall. 'Yong iba ay nahuhuli pa niyang nagbubulungan. Hindi naman sa pag-a-assume pero hindi naman siya ganoon ka tanga para 'di ma gets na sila ang pinag-uusapan ng iba. Kinikilig dapat siya pero mas nangingibaw naman ang pagka-ilang niya. Ang gwapo naman kasi ng kasama niya. Samantalang siya, mapagkakamalang yaya o PA niya.

May dumaang dalawang babae sa gilid niya.

"Ang aga naman nilang nagka-baby."

"Oo nga eh, sayang din ang guy. Ang gwapo paman din."

"Ang swerte ni girl kahit 'di kagandahan."

Huh? Anong maagang nagka-baby? Masyado na bang malaki ang belbel ko para pagkamalang buntis? Napahawak siya sa tiyan niya. Hindi naman malaki ah. Binalingan niya si Crosoft. Kumunot naman ang noo niya nang mapansin ang mga ipinasok nito sa basket nito. Lahat puro baby clothes and baby stuffs. 

Ngayon lang din niya napansin na nasa Baby Department pala sila. Huwag mong sabihing batang ama itong si Crosoft? Nooo! Hindi pwede. Masakit sa heart. 

"C-Crosoft," tawag niya rito. 

"Alin ang mas maganda." Iniharap nito sa kanya ang dalawang feeding bottle na may magkaibang kulay. 'Yong isa may design na Barney at 'yong isa naman ay si Spongebob. "Ikaw Cam, anong mas pipiliin mo?"

"Ahm... 'yong walang design para mas matantiya ang sukat ng tubig."

"Oo nga, 'no?" Ibinalik nito sa estatante ang dalawang feeding bottle saka kumuha ng mas simpleng feeding bottle. Maingat na inilagay nito 'yon sa basket na dala. "Good choice." Hinawakan ulit nito ang kamay niya. At hindi talaga siya sanay huhu. 

Bigla namang nag-play  ang kanta ni Toni Gonzaga na "Naman Kasi". Lalo lang tuloy siyang kinilig at feeling girlfriend nitong si Crosoft. Ang kilo ng atay at utak niya lumalaki na sa sobrang dami na ng hangin. Alam mo 'yong kahit na nakakailang sa ibang tao nakaka-proud pa din.

"Ahm, anyway..." simula niya. "Kung 'di mo mamasaain Crosoft. Para saan ang mga 'yan?"

Nakangiting sinulyapan siya nito. "Para sa baby natin."

"Huh?"

Natawa si Crosoft. "Joke, pero pwede din namang totohanin natin." Kumunot lang ang noo niya. Itinaas nito ang isang kamay at nag-peace sign. "Joke lang, ito naman. Pinabibili lang saken 'to ni Ma'am. Gagamitin daw sa assesment bukas."

"Ikaw ang inutusan niya?"

"Nope, ako lang ang nag-volunteer. Ang bait ko, 'no?"

Napunta kami sa doll section ng mall. Ilang minuto na yata kaming nakatitig sa mga baby dolls na naka-display pero wala parin talagang napipili si Crosoft sa mga baby dolls na nandoon. 

May isang sales lady na lumapit na sa kanila.

"Excuse me Ma'am and Sir, may hinahanap po ba kayo?" tanong nito sa kanila.

"Hmm, Miss, wala na ba kayong baby dolls bukod diyan sa mga naka display?" balik na tanong ni Crosoft sa babae. Napatingin siya kay Crosoft.

"Wala na ho Sir eh. Ano po bang klase na baby doll ang hinahanap n'yo?"

"Actually, 'yong kamukha naming dalawa." Nakangiting sagot ni Crosoft. Sa gulat niya ay hinapit siya nito bigla palapit rito. "Meron ba kayo nun?"

"Pwede po kayong gumawa -"

"Pero bata pa kami eh." Putol ni Crosoft.

Na eskandalo naman ang tainga niya. Ano bang pinagsasabi nitong lalaking 'to? 

"I mean," natawa ang sales lady. "Pwede po kayong magpa-customized ng baby doll 'yon nga lang po mahal at aabot pa po 'yon ng isang linggo para makuha."

"Ah, ganoon ba." Tatango-tangong sagot ni Crosoft. "Anyway, wel'll just take this." Inabot nito ang isang brown eyed baby doll. "Medyo hawig na rin."

"Okay, Sir."

Ahm, Crosoft D'cruze baka 'di pa ganoon ka close? Bakit ganito? Tinalo pa namin ang mag-bestfriend. Over friendly lang, ganun?

Nang makalabas sila sa Mall ay umuulan parin. 'Yong totoo? Unlimited rain ba 'to? Naramdaman niya ang pag-vibrate ng phone niya. May text siyang natanggap mula sa Mama niya. Nasaan na ba daw siya? Maliligo na daw si Misty. Aish, ang lamig-lamig ng panahon feel parin niyang maligo? Akmang magta-type na siya nang mamatay bigla ang cell phone niya. Langya na lowbat! 

"May problema ba Cam?" tanong ni Crosoft.

"Lowbat," itinaas niya ang cell phone. 

"Lowbat na rin ako." Iginala nito ang tingin sa paligid. Sinubukan naman niyang paganahin ulit ang cell phone. As if magagawa naman niya 'yon. "Halika ka," hinawakan nito bigla ang kamay niya. 

Napasinghap siya nang maramdaman ang malamig na tubig sa mukha at balat niya. Patakbong tinawid nila ang daan sakabila ng malakas na buhos ng ulan. Muntik pa siyang masubsub sa dulas nang makatawid sila buti nalang at nahawakan agad siya ni Crosoft sa mga balikat.

Bumungad sa kanya ang signage na BUDGET MOTEL. Napatuwid siya ng tayo. Napatingin siya kay Crosoft na nakatitig sa isang poster na nakadikit sa salaming dingding nito. Huwag mong sabihing? 

Kuya naman ang aga ah. Hindi pa nga tayo. Puff! Tama na nga 'yan Cambria Velasco. Ang ganda mo naman para isipin na ikakama kana agad ng isang Crosoft D'cruze. Ansabe ng ikakama? STOP! AYOKO NG MAG-ISIP!

"Pasok tayo." Mayamaya ay wika nito. 

Nagpanting naman ang mga tainga niya. "Huh? P-Pasok tayo diyan?"

"Oo, okay lang sayo?"

"Ah, eh, ano..." kapag ba sumama ako sayo diyan pwede na kitang ligawan? Kaloka! Ang eww ko masyado. "O-Okay sige, wala naman siguro tayong gagawin diyan, ano?"

Crosoft chuckled. Ginulo nito ang buhok niya. "You're cute Cam."

Naiyakap niya ang mga braso sa katawan nang makapasok sila sa loob ng maliit na motel. Basang-basa pa siya at malakas din yata ang aircon nila. Nasa gilid lang siya ni Crosoft habang kinakausap nito ang receptionist ng motel.

"Ahm Sir, lahat po ng rooms namin dito ay isa lang po ang bed. The differences would only be with the size of the room and the bed. May room for one po kami pero good for one person lang ang bed. May room for two din po kami na good for two ang size ng bed. 'Yon lang po ang available namin dito."

"Ayos ah. Hotel na isang bed lang. Okay, I'll take the second one."

"Okay po Sir." Inabot nito ang susi kay Crosoft. Sinunod naman nito ang ilang pakete ng kung ano sa kamay nito. Nang mapagtuonan kung ano 'yon ay namula ang mga pisngi niya. "Enjoy po kayo." Sino ba naman ang hindi pamumulahan kung iba ang iniisip nito sa kanila. Abutan ba naman si Crosoft ng condoms. Kakahiya na talaga! 

Ibinulsa nito ang ibinigay ng babae saka ulit hinawakan ang kamay niya. Habang sakay sa elevator ay tahimik lang silang pareho ni Crosoft.

"Thanks Cam," mayamaya ay basag nito. 

"Huh?"

"Salamat dahil sinamahan mo parin ako kahit na hindi naman tayo ganoon ka close." 

Napangiti naman siya. "Wala 'yon, classmates naman tayo. At saka, nakikita kong mabuti ka namang tao. Pinagtanggol mo nga ako noong isang araw. Kahit na hindi naman totoong inaaway ako ni Essera, still, na touch ako sa ginawa mo. Thanks."

Bumukas ang elevator.

May nakasalubong pa silang dalawang lalaki na iba ang tingin sa kanya. Nailang tuloy siya bigla. Naramdaman naman niya ang pag-akbay ni Crosoft sa kanya. Mabilis na naingat niya ang tingin rito.

"Oh, anong tinitingin-tingin n'yo sa asawa ko?!"

"Crosoft?" mahinang bulong niya.

"Sorry Brad," hinging paumanhin ng isa.

Mabilis naman na pumasok sa elevator ang dalawa. Lihim siyang napangiti sa ginawa ni Crosoft para sa kanya. Lalo lang tuloy nahulog ang loob niya rito.

Dumiretso na sila sa room nila. Pagpasok na pagpasok nila ay bumungad sa kanya ang lamig na ibinubuga ng aircon. Mabilis na tinakbo niya ang kama at ibinalabal ang makapal na kumot sa katawan. Nakaramdam siya ng maginhawang init.

Natawa naman sa kanya si Crosoft. Naupo ito sa paanan ng kama. Hindi mawala ang ngiti nito sa mukha. Nahiya tuloy siya bigla. Bakit ba may ganito ka gwapo at ka bait sa mundo? Kaya ang hirap 'di mag-assume. 

"Gusto mong mag-charge?"

"Huh?"

"May dala akong charger baka gusto mong makigamit muna."

"Gagamitin mo din ba?"

"Well, sort of, pero you can use it first."

"No, ikaw na mauna. Hindi naman importante 'yong akin. Ikaw nalang."

"Okay," tumayo ito at kinuha ang bag nito. "Anyway, hindi ka ba hahanapin sa inyo?"

"Hahanapin, pero -"

"Baka nag-aalala na ang Mama mo sayo?"

Naalala niya naman ang ina. Sa utak niya lihim siyang napabuntong-hininga. Wala naman kasi talagang pakialam ang Mama niya sa kanya. Sinubukan niyang alisin ang malungkot na katotohanan na 'yon sa isip niya.

"May tiwala naman sila saken." Pagsisinungaling niya.

"Wow! Big word. Trust! Alam mo mahirap mag-trust. Good thing para sa parents mo. Ikaw din, pinagkakatiwalaan mo rin ako kahit na hindi pa tayo ganoon ka close."

"Actually, I don't trust you." He was taken aback. Natawa naman siya. "Nahihirapan ako pagdating sa trust thing. Pero hindi ko alam sayo... there is something in you na magaan sa pakiramdam kaya hindi din ako ganoon nag-aalala." 

"I'm speechless," napatingin ito sa kanya. "Really, wala akong masabi."

"It's okay."

"Anyway, I'm very touched Cam. It really means a lot to me. And to make it up to you today. Tutulungan kita para sa assesment mo bukas."

"Tutulungan mo ako?!" bulalas niya.

"Yup, anyway, kung hindi mo pa na itatanong minsan na din akong nag-volunteer noon sa isang orphanage kaya may knowlegde narin ako sa pag-aalalaga ng bata. I can teach you how."

Patalon na nayakap niya si Crosoft. "Thank you!"

"Oh!" He chuckled. "Woah! Ingat ka. Baka matumba tayo pareho. You're welcome anyway." Nang mapagtanto ang ginawa ay mabilis na kumalas siya sa pagkakayakap kay Crosoft. Uminit naman ang mga pisngi niya. 

"Sorry, about that."

"It's okay, Cam. No problem. I like hugging anyway."

Ngiti lang ang naibigay niya rito.

"Okay, shower na muna ako."

"Sige,"

"Ayaw mong sumabay?"

"Baliw! Mag-solo ka."

Natawa lang si Crosoft. "Ito naman, 'di na mabiro."

Nakapasa siya sa assesment at sobrang saya niya talaga. Utang niya lahat kay Crosoft. Ang tiyaga nitong turuan siya. At magaling talaga ito. Naabutan niya si Crosoft na naghihintay sa kanya sa labas ng assesment room. Niyakap niya agad ito.

"Salamat!"

"Sus, ikaw pa. Libre mo ako ng ice cream mamaya, okay nang pambayad 'yon."

Kumalas siya sa pagkakayakap rito. "Okay lang saken."

"It's nice meeting you Cam."

"Me too. Anyway, yong Cam? Bakit Cam ang tawag mo saken?"

"Dahil wala pang tumatawag sayo nun. Gusto ko ako lang ang tumatawag sayo nun."

"Ahh..."

"My Cam,"

"Huh?"

"Wala, sabi ko may utang ka pa saken." Hinawakan na nito ang isang kamay niya sabay hila sa kanya. "Halika na."

"Hey! Diba may assesment ka pa?"

"Nah, excuse na ako doon. Ako pa."

"Ay ang daya!" 

Natawa lang ito. "Ganyan talaga."

"Hmmp! Daya!"

"Cam ang ganda mo!"

"Sinungaling!"

"Ito naman minsan na nga lang ako mag-sinungaling 'di ka pa naniniwala."

"Syempre!" natawa na lang din siya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro