Chapter 5
BUMUKAS agad ang elevator nang pindutin ni Cambria ang up button. Mabilis na pumasok at isinara niya ang pinto ng elevator. Inip na nakagat niya ang ibabang labi. Nasa 11th floor pa ang unit ni Crosoft sa condo building na 'yon.
Naramdaman niya ang pag-vibrate ng cell phone niya. She slid one hand in her pocket to get it. Pagtingin niya sa screen ay pangalan ng mama ni Crosoft ang rumihistro. Mabilis na sinagot niya ang tawag. Pagtingin niya sa floor indicator sign ay nasa 5th floor pa lang siya.
"Tita Dris," sagot niya.
"Hija, magkasama ba kayo ng anak ko ngayon?"
Napansin niya ang pag-aalala sa boses nito. Lalo lang tuloy siyang nag-alala para kay Crosoft.
"Hindi ho Tita, pero nandito po ako sa condo niya ngayon." Pagtingin niya ulit ay nasa 8th floor na siya. "Papunta na ho ako sa unit niya."
"Mabuti naman, eh kasi ang batang 'yan mag-iisang linggo nang 'di nagpaparamdam sa akin. Baka ko may problema siya." Napabuntong-hininga ito sa kabilang linya. "Hindi kasi naging maganda ang pag-uusap ni Cros sa kanyang daddy noong nakaraang linggo. Nag-aalala lang naman ako."
Kaya pala, pero what about Jeymes? Tumunog ang bell at bumukas ang pinto ng elevator. Lumabas siya at tinungo ang pasilyo papunta sa unit ni Crosoft.
"Don't worry Tita, kakausapin ko ho ngayon si Crosoft. Tatawag na lang ho ulit ako."
"Salamat, Hija."
"Sige po," nag-paalam siya bago pinatay ang linya.
Humugot siya nang malalim na hininga nang nasa harap na siya ng pintuan ng unit ni Crosoft. She stepped forward before she knocked. Dalawang beses pa siyang kumatok pero wala pa ring nagbukas ng pinto. She tapped the digits on the password access door control on the right side of the door.
Bumukas ang pinto.
Maingat na pumasok siya. Madilim ang kabuuan ng loob ng unit nito. Kung 'di pa sa tunog at ilaw na nagmumula sa TV ay 'di na niya mapapansin si Crosoft. Nakasandal sa sofa ang likod nito habang nakasalampak ng upo sa carpeted na sahig. Maraming mga bote ng beer at supot ng mga sitsirya ang nakakalat sa sahig. Hindi niya alam kung tulog ito o 'di lang talaga siya nito napansin.
Imbes na maawa ay nainis pa siya. Nag-martsa siya palapit dito at walang pasabing binatukan ito sa ulo. Sa sobrang lakas ng pagkakabatok niya kay Crosoft ay napahiga ito sa sahig.
"F-ck! Do you seriously need to do that?!" asar na sigaw nito nang makahuma. Humalukipkip siya sa harap nito. Masama ang tingin niya rito habang asar na hinaplos nito ang nasaktang ulo. "Shit, Cambria naman."
"Hoy babaeng na trap sa katawan ng lalaki paki-explain nga sa akin kung anong drama mo? Dalawang araw ka nang hindi pumapasok. Hindi ka na raw tumatawag kay Tita Dristina. Kung may problema kayo ni Jeymes pwede mo naman akong kausapin. Baka naman may maitulong ako. Nakaka hurt ka rin ng feelings eh."
"Wala kaming problema," kaila nito. "Imagination mo kung saan-saan na naman lumilipad."
Sumalampak siya ng upo sa tabi nito. Isinandal nito ang ulo sa cushion ng sofa bago ipinikit ang mga mata. Itinutok niya ang mga mata sa telebisyon. Wala siyang maintindihan sa palabas dahil wala naman siyang alam tungkol sa soccer. Hula nga niya ay 'di naman talaga nanonood si Crosoft. Mas type nitong panoorin ang mga fashion shows at America's Top Model na mga shows.
"Ano bang problema mo?" basag niya ulit. " I-share mo na sa akin 'yan bago ka mabaliw."
"Wala akong problema."
"Hindi ka naman magda-drama kung wala kang problema. Sige na, sabihin mo na sa akin. Nakaka-hurt ka na talaga. Noon, sinasabi mo sa akin kung sino ang mga crushes mo at mga heartbreaks mo. Bakit ngayon ayaw mo na?"
"I don't understand..." halos pa bulong na niyang sagot.
"Ang ano?"
Crosoft's eyes were still close when she glanced at him.
"Hindi ko maintindihan ang sarili ko..."
"Huwag mo na kasing dibdibin ang sinabi sayo ng daddy mo. Parang 'di ka na nasanay sa kanya. Akala ko ba move on be happy ang motto mo sa buhay?"
"Ang lakas mo maka-comment 'di mo nga alam kung anong pinag-usapan namin ni Daddy." Napasimangot naman siya. Eh malay ko ba? "It's not about Dad, Cam. It's about me. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko."
"Bakit? Huwag mong sabihing nagiging-clingy ka nang boyfriend kay Jeymes? OA mo naman kapag ganoon. At saka kung may LQ kayo ni Jeymes lilipas din 'yon. Sayang naman ang pinagsamahan n'yo, diba?"
Kahit naman sulsolan niya 'tong si Crosoft wala namang magbabago sa pusong babae nito. Mag-break man ito at si Jeymes makakahanap pa rin ito ng bagong lalaki sa buhay. At kung siya lang naman. Mas gugustuhin niyang si Jeymes na lang ang makatuluyan nito at baka mapunta pa si Crosoft sa ibang lalaki na paglalaruan lang ito.
"Hayan," dagdag niya. "Naglasing ka pa. Sa tingin mo ba maso-solve ang mga problema mo sa pag-inom?" inabot niya ang isang bote ng beer at sinipat ang laman nun. "Ilang bote ng beer na ba ang naubos mo ngayon?"
Tinungga niya ang natitirang laman ng bote. Gumuhit ang init at pait sa lalamunan niya. Muntik pa siyang masuka sa sobrang pait nun. Hindi siya sanay uminom pero ewan kung anong pumasok sa isip niya at inubos niya ang laman ng bote ng beer.
"Hoy! 'Di ka ba talaga magsasalita?" inabot niya ang canned beer na nakita niya.
Binuksan niya ang takip at lumikha 'yon ng tunog. Napansin niyang naubos na halos ni Crosoft ang bottled beer kaya puro canned beer na lang ang natira. Tinungga niya ang laman ng can. Napapikit siya nang gumuhit ulit ang init at pait sa lalamunan niya.
Ayaw mo magsalita, ha? Sige, uubusin ko 'tong mga canned beers mo.
Naka pito yata ng canned beer si Cambria. Nagsimula na ring mamigat ang talukap ng mga mata niya. Nararamdaman na rin niya ang pag-iinit ng mga pisngi niya. Nakakaramdam na rin siya ng kakaibang kulo sa tiyan na hindi niya magawang maipaliwanag. Akmang iinumin na niya ang pang walong canned beer nang hawakan ni Crosoft ang kamay niya. Napatingin siya rito.
Blanko na naman ang expression ng mukha nito. Pero halatang lasing na rin ito. Kinuha nito ang canned beer sa kamay niya. Wala siyang nagawa kundi ang tignan ito habang inuubos nito ang laman ng can. Pabagsak na inilapag ni Crosoft ang walang laman ng canned beer saka siya nito binalingan ng tingin.
"Sino may sabing pwede kang maglasing?" seryosong tanong nito.
"Wala," asar na sagot niya. "Ayaw mo kasi akong kausapin. 'Di iinumin ko na lang 'tong tira mo." Umiikot na ang paningin niya kapag gumagalaw siya kaya naitukod niya ang isang kamay sa sahig para maibalanse ang sarili. "Bakit ba ayaw mo magsalita Crosoft?"
Nanatiling tahimik si Crosoft. Inabot nito ang isang canned beer at binuksan 'yon. Tahimik na sinaid nito ang laman ng can.
"Alam mo ba kung gaano kahirap magtago ng nararamdaman?" basag niya mayamaya. "Hindi madali. Mahirap. Masakit. Parang ano mang oras pwede ka ng sumabog. Pero kailangan mong itago ang nararamdaman mo. Kasi kapag inilabas mo 'yon. Malaki ang mawawala sayo. At maaring maging dahilan para mawala sa'yo ang lahat ng mayroon kaayo." Nakagat niya ang ibabang labi para pigilan ang maiyak sa harap nito.
Naiiyak siya. Pochang alak naman 'yan eh!
"Bakit nagmahal ka na ba Cam?"
"Hindi!"
"Eh kaninong drama 'yang ikinukwento mo?"
"Sa kapitbahay namin. Masamang mag-share?"
"Alam mo ba kung anong masakit kapag nagmahal?" napatingin siya kay Crosoft. Hindi ito nakatingin sa kanya pero ramdam na ramdam niya ang lungkot sa boses nito. "Ang pinakamasakit ay 'yong alam mong madami kang masasaktan. Kaya mas gugustuhin mong pigilan ang sarili mong maging masaya."
"Crosoft?"
"Bakla ako Cam," sinulyapan siya nito. "Pero 'di ibig sabihin nun hanggang landi lang ang kaya kong gawin. Hindi ibig sabihin nun 'di na ako marunong magmahal."
"I know,"
"You don't know anything Cam." Puno ng pait na sabi nito. "Hindi mo alam kung gaano naghihirap ang kalooban ko ngayon. May mga bagay ako na 'di ko masabi sa'yo. Naguguluhan ako. Isang pagkakamali ko lang... alam kong... marami akong masasaktan."
"Bakit 'di mo kayang sabihin sa akin? Akala ko ba mag-kaibigan tayo?"
"'Cause it will change everything."
Silence.
Naipikit niya ang mga mata. Unti-unting yumugyog ang mga balikat niya. She buried her face on her palms as soon as she felt tears on her eyes. Nasasaktan siya nang sobra. Hindi niya maintindihan kung bakit nakaramdam siya nang sobrang sakit. Natakot siya. Baka alam nito na mahal niya ito. Na baka natatakot lang itong saktan ang kalooban niya kaya nanatili itong tikom ang bibig.
Ayokong nahihirapan si Crosoft dahil sa akin.
"Cam," naramdaman niya ang pagyakap nito sa kanya. "Shsh, don't cry. Bakit ka ba umiiyak?" hinaplos nito ang buhok niya.
"H-Hindi ko lang maiwasang... mainis sa sarili ko..." hikbi niya. "Kasi wala akong magawa para pagaanin ang kalooban mo."
"Ang OA mo talaga," narinig niya ang mahinang pagtawa nito. "Pero alam mo ba... gustong-gusto ko ang buhok mo na mahaba."
"L-Lagi... lagi mo naman 'yang sinasabi sa akin." Inangat niya ang mukha kay Crosoft. She noticed she was sitting between his legs. Sobrang lapit ng mukha nito sa kanya. Titig na titig ito sa kanya."K-Kaya ka... kaya ka nagpaghahalataang bakla kasi lagi mong tinitirintas at sinusuklay ang buhok ko."
"Baliw! Bakla naman talaga ako." He wiped the tears on her face with his thumb. "Huwag kang magpagupit, ha? Ayokong makitang maikli ang buhok mo."
"Kapag ginawa ko 'yon. Anong gagawin mo sa akin?"
"Kakalbohin kita," gumuhit ang inis sa mukha nito. "Saka kita bibilhan ng pink na wig."
She chuckled. "Baliw!"
"Cam?"
"Hmm?"
Their eyes met. She suddenly felt the urge to lean forward so she could kiss him. Pero pinigilan niya ang sarili. Akmang ibaba na niya ang tingin nang naramdaman niya ang paghawak ni Crosoft sa baba niya. Iningat muli nito ang mukha niya then suddenly his lips found hers. Nagulat siya sa ginawa nito. Nanlaki ang mga mata niya. Mariing napahawak siya sa mga balikat nito.
Naramdaman niya ang paggalaw ng mga labi nito sa labi niya. Hindi niya alam kung paano ito tutugunin. Hindi pa siya nahahalikan noon. Si Crosoft pa lang ang una. But why is he kissing her? Anong nangyayari? Hindi niya maintindihan, bakit niya ako hinahalikan? Hindi lang ang katawan niya ang natigilan sa ginawa ni Crosoft. Pati na rin utak niya dahil hindi na nito kayang mag-isip nang mga oras na iyon.
Napasinghap siya nang kagatin nito ang ibabang labi niya dahilan para maibuka niya nang bahagya ang bibig.
Nang pailalaliman nito ang halik ay naipikit niya na ang mga mata. At sa pagkakataon na 'yon she kissed him back without hesitation. Bahala na. Ginaya niya lang ang ginagawa ni Crosoft. He hungrily kissed her more. Passionately and with gentleness. Ingat na ingat ito na baka masaktan siya nito.
Hindi ko alam kung bakit ako hinahalikan ni Crosoft. Aaminin ko... gusto ko ang pakiramdam na ibinibigay niya.
Naramdaman niya ang paglapat ng likod niya sa carpeted na sahig. She felt his mouth on her earlobe creating something inside her system. She felt hot inside. Lalo nang padaanan nito ng mumunting halik ang gilid ng mukha niya pababa ng leeg niya. She gasped when Crosoft sucked a sensitive skin on her neck. Naba-blanko ang utak niya. Hindi na siya makapag-isip ng tama.
Muli siya nitong hinalikan sa mga labi. Naramdaman niya ang pagtaas nito sa kanyang suot na damit habang 'di pinuputol ang halik. Tinulungan niya itong itaas ang damit niya. He kissed her hard on the lips as she tried to take his shirt off. She gasps everytime their body touch. Hindi na niya maipaliwanag ang matinding nararamdaman sa mga oras na 'yon. Parang may kung anong apoy na unti-unting tumutupok sa kanyang buong katawan.
She like the feeling of being with his arms. Feeling his warm touch on her body. Caressing every part of her skin. She found bliss with his kisses. Ang tanging rumihistro sa utak niya ay ang kagustuhang makasama si Crosoft.
Kalimutan ang lahat.
Kahit isang gabi lang.
She wanted to be his tonight.
Even just for a little while.
NAAALIMPUNGATAN na nagising si Cambria.
Napangiwi siya nang maramdaman ang kakaibang sakit sa pagitan ng mga hita niya. Parang nagising ang buong diwa niya nang maigala ang buong tingin sa buong paligid. Wala siya sa sariling kwarto. Napatingin siya sa sarili. Wala siyang suot na kung ano sa ilalim ng kumot. Napangiwi siya. God! Anong nangyari?
Naipilig niya ang ulo saka marahang hinilot ang sentindo nang bahagyang kumirot 'yon. Naagaw naman ng atensiyon niya ang isang maliit na sticky note na nakadikit sa isang libro na nakapatong sa itaas ng bedside table.
Inabot niya 'yon.
Bigla-bigla ay nanikip ang dibdib niya sa nabasa.
I couldn't take responsibility of what we've done. I'm sorry. – Crosoft
Kusang lumaglag ang mga balikat niya. Nabitiwan niya ang sulat nito. Tili binuhusan siya ng isang balde ng nagyi-yelong tubig.
Nang ipikit niya ang mga mata kumawala ang lahat ng mga pinipigilan niyang luha. Yumugyog ang mga balikat niya at tahimik na napahikbi.
Ang sakit pala.
"HOY Cambria font sytle gising!" pukaw ni Essera kay Cambria.
Nagulantang si Cambria at napakurap-kurap ng ilang beses. Ilang segundo siyang napatitig sa mukha ni Essera bago napansin kung na saan siya. Iginala niya ang tingin sa buong paligid. Nasa coffee shop pala siya. Kanina pa ba siya lutang?
"Hoy Cambria, kanina pa kita tinatawag pero ang hirap mong pababain sa planet Earth." Palatak ni Essera. Nakapamayway ito sa harap niya. "Okay ka lang ba?" lumambot ang expression ng mukha nito nang tanongin siya. "Napapansin kong lutang ang isip mo nitong nakaraang linggo."
Tipid na ngumiti siya. "Okay lang ako, marami lang akong iniisip."
"Nag-aalala lang naman ako sayo, girl. Kung 'di ko pa tinakpan kay Boss ang paglalayas mo bigla sa trabaho noong isang linggo sure ball akong nasisante ka na."
Mapait na ngumiti siya. "Salamat nga pala roon."
"Basta, kung ano pa 'yan. I'm just here. Willing akong makinig sa mga problema mo. Oh siya, maiwan na kita at maaga ang off ko ngayon. Birthday kasi ni Mama. Buti pinayagan ako ni Boss." She chuckled before leaning forward na tila may ibubulong ito sa kanya. "May crush yata sa akin si Boss kaya kahit anong sabihin ko tango lang ang ibinibigay." Dagdag nito sa mahinang boses.
"Baliw," natawa siya. Pwede rin namang tama ang napansin ni Essera. "Sige, pakisabi na lang kay Tita, happy birthday."
"Sure ikaw pa," nag-thumbs up ito na may kasamang kindat. Natawa naman siya sa ginawa ng kaibigan. "Malakas ka sa akin eh. Anyway, 'di ka ba susunduin mamaya ni Crosoft?" pag-iiba nito.
"Huh?" natigilan siya.
Naalala niya si Crosoft. Isang linggo na itong 'di nagpapakita sa kanya. Kahit sa ibang subjects na classmate niya ito ay 'di na rin ito pumapasok. Sinubukan niyang tawagan at i-text ito ay 'di siya sinasagot. Kaya sumuko na rin siya sa huli.
Gusto lang naman niyang maka-usap ito. Kahit sa huling pagkakataon.
"Naisip ko lang naman, kasi lagi ka naman nun sinusundo kapag over time ka sa trabaho. But anway, huwag mo na lang sagutin ang tanong ko." Natawa ito sa sarili. Napangiti na lang din siya. "Sige bayers. Oh, may customer ka."
"Oo na," nakangiting hinarap niya ang customer nang makaalis na si Essera.
Habang pina-punch-in ang order nito ay napansin niya si Crosoft sa labas na dumaan. Kasama nito si Jeymes. Hindi niya mapigilan ang sarili na sundan ito ng tingin habang masaya itong kasama si Jeymes. Hinintay niya itong tumingin sa direksiyon niya.
Napangiti siya nang mapait nang 'di 'yon mangyari.
Inabot niya sa customer ang resibo at sukli. "Isusunod na lang po namin ang order n'yo. Thank you."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro