Chapter 3
KULANG na lang ay pasakan ni Cambria ng pagkain ang bunga-nga ni Crosoft sa kakadaldal nito. Sabi na nga ba't ito na naman ang babanat ng kwento. Sa kanilang dalawa mas madaming ulat itong si Crosoft. 'Yong tipong pang showbiz balita.
Inisang kagat niya ang kalahati ng hamburger na kinakain. Hindi niya 'yon nilunon agad. Nginuya-ngoya niya muna habang ang tingin niya ay nakatuon kay Crosoft.
"Matagal ko na talagang napapansin na may pagka-tsismosa 'yang si Cutleen. Napansin mo?" tumango-tango siya. "Kahit na nasa harapan natin siya halatang nakikinig at kapag narinig niya tayong mag-usap sa likod bigla na lang." Ginaya nito ang boses ng kaklase. "Ay kilala ko 'yan. Ang landi nun. Madami 'yong lalaki. Baliw! 'Di siya na lang nag-kwento, diba? Langya!"
"NyaanMoNaKasheYon," komento niya.
"Kaibiganin mo muna kaya ang tubig," binuksan nito ang isang bottled water bago 'yon itinulak palapit sa kanya. "Uminom ka nga bago ka magsalita. Mabolunan ka pa riyan."
Ngiting aso lang ang ibinigay niya rito bago sinaid ang laman ng bottled water. Napa "woah" pa siya nang maramdaman niyang lumuwag ang lalamunan niya. Dapat yata one-third na lang ang kainin niya sa susunod.
"Nga pala," pag-iiba niya. "Bakit 'di mo kasama si Jeymes ngayon?"
"Sige kain ka pa," biglang isinubo ng buo ni Crosoft ang kinakain nitong burger sa bibig niya. "Pakabusog ka."
"H-Hoy!" nailuwa niya ang burger. "Baliw ka ba?! Huwag mo kong idamay sa LQ n'yo ni Jeymes. Tao ako, 'di alagang baboy. Kabanas 'to." Itinabi niya na lang 'yong na sayang.
"Bakit mo ba pinoproblema ang lovelife ko? Pinapakialaman ko ba ang sa'yo? Ay oo nga pala, wala ka pala nun." He chuckled.
Nanlaki naman talaga ang butas ng ilong niya. Nami-mersonal na ang 'sang 'to eh!
"Naku! Kapag ako napuno sayo magpapabuntis talaga ako sa'yo para wala ka ng masabi sa akin." Banta niya rito. Na pwede ring half meant kapag tinupak ako. Bwesit!
He tilted his head. "Hay naku! Pinapahalata mo na naman na patay na patay ka sa akin." He leaned his face forward. "Natatakot na tuloy ako sayo." A mischievous smile curved on his handsome almost perfect face. Ang expression ng mukha nito ay kabaliktaran ng sinabi nito.
She gulped. Bakit ba ang gwapo-gwapo ng nilalang na 'to? Apat na taon mo na 'yang tinatanong Cambria huwag kang paulit-ulit! Dapat, itanong mo sa sarili mo kung bakit 'yon ang nasabi mo.
"Ay huwag na! Ayokong maging single mother." Bawi niya. "At saka ayokong ma – in love sa kagaya mo. Walang assurance na mamahalin mo ako kagaya ng pagmamahal ko sa'yo kung sakali man." May hugot lang?
Bigla namang natahimik si Crosoft. Naingat niya ang tingin dito. Nandoon na naman ang blankong expression ng mukha nito. Wala na naman siyang mabasa.
"Marunong din naman kaming magmahal," wika nito bago ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. "Tapusin mo na 'yan."
Hindi na ulit siya nakaimik pa. Lihim siyang papangiwi. Tanga ko talaga eh! Na offend ko pa yata.
LUTANG ang isip ni Cambria habang kumukuha ng order. Hindi na nga umaabot sa mata ang ngiti niya. Buti na lang at 'di pa siya pumapalpask kung 'di patay siya sa boss niya. Hapon na at basta ganitong oras ay wala gaanong customers. She leaned her arms on the counter and sighed.
Hanggang ngayon ay bothered pa rin siya sa sinabi ni Crosoft. Tama naman ito. Hindi porket bakla ito ay 'di na nito kayang magmahal. Hay naku! Pinairal niya pa kasi ang pagka-bitter niya. Tiyak, sumama ang loob ng 'sang 'yon sa kanya. Kakabati pa nga lang nila. Para naman silang mag-on. Laging may LQ. Hay naku! Masakit sa utak.
Eh ano ba kasi?! Naiinggit lang naman ako kay Jeymes. Kasi buti pa siya mahal ni Crosoft. Eh siya, hanggang friendzone. Gwapo rin naman si Jeymes. Tinitilian din ng mga estudyante. Sa totoo lang, pareho silang gwapo. Maamo nga lang ang mukha ni Jeymes kaysa kay Crosoft. Bussiness Management ang kurso nito, matalino, at galing sa isang mayaman na pamilya kagaya ni Crosoft. Kung naging babae siguro si Jeymes wala na talaga siyang panama rito.
Hay naku Cambria! Lalaki nga si Jeymes pero wala ka pa ring panama. Tigilan mo 'yang ka praningan mo. Wala ka na pong pag-asa. Napabuntong-hininga ulit siya. 'Di wow!
"Miss? Miss?!"
Bigla siyang natauhan. Ilang beses siyang napakurap-kurap bago napaayos ng tayo. Umakto siyang walang nangyari at ngumiti sa customer.
"Can I take your order Sir?"
"Can I ask for your name, instead?"
Natigilan siya. Na hanginan siya nang kaunti sa sinabi nito. Gwapo nga ito pero nababakas sa ayos at mukha nito ang pagka-arogante nito. Napasimangot siya sa isip. Kahit gusto na niya itong itapon sa labas, customer pa rin ito.
"I'm Bria," turo niya sa pin name sa uniform niya. "So Sir, what's your order?"
"Do you have a boyfriend?"
"Huh?"
"Yes, she does."
Sabay na napatingin sila Cambria at ng lalaki sa likod. Nagulat siya nang makita si Crosoft. Mukha pa itong inaantok. His hair was fashionably messy. Tumabing ang ilang hiblang buhok nito sa noo na lalong nagpa-imphasize sa kagwapohan nito. Bumagay pa rito ang suot na black rimmed glasses matched with his usual lazy afternoon get up na white shirt, black jeans, and sneakers.
Pati mga customers nila ay napatingin kay Crosoft.
Lumapit sa counter si Crosoft na hindi tinatapunan ng tingin ang lalaking customer. Sa kanya lang ang tingin nito. Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya. Lalaking-lalaki talaga ang tingin niya rito – sa mga oras na 'yon to be exact. Walang bakas na kabaklaan.
"Ang alam ko," simula nito. "Coffee, beverages at sweet pastries lang ang binibenta nila rito. Hindi kasali roon ang landiin ang girlfriend ko."
"Dude, I'm sorry. I was just being friendly."
May ngiting ibinaling ni Crosoft ang tingin sa lalaki. Hindi 'yon ngiti ng naglalanding bakla. Ngiti 'yon ng isang lalaking medyo asar pero 'di halata.
He shrugged. "Okay, order ka na."
"O-Order na ako Miss."
Wala akong masabi.
TAHIMIK lang silang pareho ni Crosoft. Wala ni isa sa kanila ang nagsasalita. Ang awkward lang dahil madami ang nakatingin sa kanila habang magkahawak kamay silang naglalakad sa daan. Gustong-gusto na niyang bumitaw pero mahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Lord, holding hands na nga lang 'di ko na kinakaya. Paano pa kaya kung – eeh! Tama na Cambria, OA ka na eh!
Kung siya mamamatay na sa sobrang awkwardness ito namang kasama niya parang wala lang. Mababaliw na yata siya kapag 'di pa ito nagsalita.
"Gwapo sana ang 'sang 'yon kaso ang hangin." Basag nito sa wakas. Nakahinga naman siya nang maluwag. "Sa sobrang kahanginan niya na i-imagine ko pang hindi lang upuan ang buhat-buhat nun kung 'di pati lamesa at blackboard."
Natawa siya. Kahit papaano ay gumaan ang tensiyon sa pagitan nilang dalawa. Kanina kasi parang ang bigat. Sanay siyang umaakto bilang girlfriend nito kapag trip ni Crosoft. Pero ni minsan hindi pa nakakagawa nang ganoong eksena si Crosoft katulad noong kanina. Kaya nanibago siya. Para kasing totoo. Pero pinalis niya ang kilig dahil alam niya ang real score. But still, she was touched by his effort.
"Mukhang crush mo yata 'yon eh?" tukso niya.
"Pag-iisipan ko muna 'yan. Hindi ko rin naman kasi type ang mga lalaking puro gas ang laman ng utak. 'Di sila healthy sa katawan, girl." He chuckled. 'Yong girl talaga nagdala eh, noh?
"Right, kasi may Jeymes ka na."
"Tama," malapad ang ngiti nito nang ibaling nito ang tingin sa kanya. "Katulad na katulad ni Jeymes ang type ko." Ngumiti siya pero hindi 'yon umabot sa mata niya.
Hindi niya talaga maiwasang masaktan at mainggit. Hindi na nga yata siya masasanay sa ganitong sakit kapag napag-uusapan ang boyfriend nito na si Jeymes. Kaibigan niya rin si Jeymes kahit 'di naman masasabing close talaga. Nagi-guilty rin siya kapag naiisip niyang paghiwalayin ang dalawa. Hindi rin naman kasi naging madali sa dalawa ang lahat. Both of them have an image to protect in their families. Pero ganoon yata talaga 'yon kapag mahal n'yo ang isa't isa. Kaya n'yong ipaglaban ang pagmamahal n'yo hanggang sa huli.
Eh, ang sa kanya? Wala naman dapat ipaglaban pa. Dahil simula pa lang talo na siya.
"Oh, na tahimik ka na riyan?" pukaw nito.
"Wala, na isip ko lang. Paano kung may boyfriend ako? Ganoon din kaya ang gagawin niya?"
"Kapag nagka-boyfriend ka ba kakalimutan mo na ako?" balik tanong nito.
"Baliw! Hindi mo naman sinagot ang tanong ko eh."
"Sagutin mo muna ang tanong ko."
"Ewan ko sayo! Ako ang na unang magtanong. Pero 'di nga." She was silent for a moment. "Kapag ako nagka-boyfriend," inangat niya ang tingin kay Crosoft. "Deadma ako sayo! 'Di na kita kailangan."
Binitiwan ni Crosoft bigla ang kamay niya.
"Gaga! Bakit ko pa hihintayin na magka-boyfriend ka para iwan ako? Ako na ang mang-iiwan sayo rito." Pagkatapos nitong sabihin 'yon ay nilayasan na siya ni Crosoft. "Huwag mo akong susundan! Magpakalayo-layo ka ng bruha ka."
Natawa naman siya. Patakbong sinundan niya ito at ikinuwit ang isang braso sa braso nito. Sinubukan pa nitong alisin ang kamay niya pero nagmatigas siya.
"Huwag mo akong hawakan nakakadiri ka! Doon ka na sa future boyfriend mo."
"Ito naman, joke lang 'yon."
"There's a big difference between a joke and reality, idiot!"
"Ang harsh mo, ha?! At huwag kang gaya-gaya. Joke nga lang 'yon. Alam mo namang mahal na mahal kita eh. Kaya 'di kita iiwan." Kahit 'di niya ito tignan ay naramdaman niya ang pagngiti nito. "Alam kong nakangiti ka. Oy, kinikilig si girl." She beamed at him.
"Kulang ng baby," ungot nito. "Tandaan mo, boyfriend mo ako ngayon. Magpasalamat ka at may full access kang abusuhin ang pinagpalang anyong lalaki ko."
"Oo na, kahit 'di naman kailangan, tsk." Pinalambing niya ang boses at inihilig ang ulo sa braso nito. Mas mataas pa rin ito kaysa sa kanya. "Thanks kanina baby, ha."
Natawa ito.
"Oo naman, akin ka lang kaya."
Langya ka talaga kahit kailan Crosoft! Sige pakiligin mo pa ako. Bukas isang box ng tissue na naman kaulayaw ko buong gabi.
"Kung naging lalaki ka Cam, siguro tayo na." Komento nito bigla. Naingat niya ang tingin dito. "Type ko rin kasi ang mga gaya mo." He winked at her.
Iniwas niya agad ang tingin kay Crosoft dahil one hundred percent siyang sigurado na namumula na ang mga pisngi niya. Masasabing weird ang sinabi nito pero para sa kanya nakakakilig 'yon.
"B-Buti na lang talaga naging babae ako, 'no?!"
"Hindi rin, malay mo naman. Magbago isip ko at gustohin ko ring magkaroon ng isang normal na pamilya."
Kumalas ito sa pagkakahawak niya rito para akbayan siya. Hinapit pa siya nito palapit sa katawan nito. Huminto yata ang pagtibok ng puso niya sa ginawa nito. Nararamdaman pa lang niya ang init ng balat nito sa kanyang balat para na siyang mababaliw.
"I might," sinilip nito ang mukha niya. "Fall in love with you instead."
Napakurap-kurap siya. Ang puso ko! Shet!
"Ahm, excuse me," sabay silang napatingin sa nagsalita. "I'm Graphie," pakilala ng maliit na babae. May dala itong dslr camera na naka kwentas sa leeg nito. Mukha itong mas bata sa kanila. "I'm a student at may project po ako."
Nagkatinginan silang dalawa ni Crosoft. Ibinalik din nila ang tingin dito nang magsalita ulit ang babae.
"Actually, I got stolen pictures of both of you. Last week yata 'yon? I forgot." Lumapit ito at pinakita sa kanila ang kuha nito sa kanilang dalawa mula sa screen ng camera nito. Nagulat siya sa nakita. "I really, really love this picture kaya nagba-baka sakali akong makita kayo ulit dito."
Sa picture na 'yon ay nakayakap si Crosoft sa likod niya. Hindi lang 'yon ang ikinamangha niya. Maganda ang pagkakuha nito ng larawan. Nasa gitna silang dalawa habang yakap siya nito sa likod. Dumagdag sa ganda ang naglalarong ilaw ng string light bulbs sa itaas nila giving the picture the romantic kind of environment. Wala siyang ibang masabi kundi wow.
"Kung 'di man po nakakaabala, pwede ko po ba kayong ma-interview?" there was hope in the girl's eyes. "Okay lang po ba?"
"Sure," mabilis na sagot ni Crosoft. Napatingin siya rito. Binigyan lang siya nito ng isang nakakalokong ngiti. At talagang! "What's the question?"
Hinarap nito ang camera sa kanilang dalawa. Naramdaman naman niya ang mainit na hininga ni Crosoft sa kanyang tainga nang bumulong ito sa kanya.
"Huwag ka ngang magpahalata. Smile Cam, smile as if we are two people in love."
Sige! Pahirapan mo pa ako. Sagad na eh. Umayos siya ng tayo at ngumiti. 'Yong klase ng ngiti na abot sa mata at masaya. Kahit naman 'di siya magkunwari mahal niya pa rin ang loko. 'Yan tayo eh.
"What is love?"
Bumaba ang tingin ni Crosoft sa kanya. Their eyes met and in an instant she knew, she will never feel the same special kind of love towards other man again. Masama mang magsalita ng tapos pero alam niya sa puso niya na habang buhay nang magiging espesyal ang pagmamahal niya kay Crosoft.
Wala na bang mas kakaiba sa love story ko?
"Love is..." simula nito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro