Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

ITINAAS ni Cambria ang dalawang braso bago nag-unat. Ipinilig niya ang ulo sa kanan. Nakaramdam siya nang kaunting ginhawa sa ginawa. Inilabas niya ang bag sa locker at ipinasok ang hinubad niyang itim na apron bago isinara ulit ang locker. Katatapos lang ng oras ng trabaho niya at gusto na niyang matulog. Naisandal niya ang noo sa malamig na katawan ng locker at napabuntong-hininga.

"'Oy Bria, okay ka lang?" tumango siya nang 'di nililingon ang nagsalita.

Makalipas ang ilang segundo saka lang niya hinarap ang kaibigan at kasamahan niya sa trabaho na si Essera. Isinandal niya ang likod sa locker.

"Ang haggard mo na. Kaya 'di ka napapansin ni Cros eh." Sermon nito sa kanya habang nagsusuklay. Twenty four hours ang coffee shop. Nagkataong night shift si Essera ngayon. Napasimangot naman siya.

"Hay naku! Para namang mapapansin ako ng baklang 'yon."

Naiisip niya pa lang ang kislap ng mga mata ni Crosoft kapag may dumadaang lalaki gusto na niyang manapak ng tao. Kahit na masasabing kilos lalaki ito sa harap ng ibang tao ay kapansin-pansin pa rin ang kabaklaan ni Crosoft. 'Yon ay kung keen observer ka or bakla kang katulad niya. Hindi naman halata kapag 'di mo pinagtuonan ng pansin.

"Sabagay, 'diba may boyfriend na 'yon? Kaloka! Nagka-crush paman din ako sa kanya dati. Kita mo nga, mas nauna pa siyang magka-boyfriend kaysa sa'yo. Naku 'te, na pag-iiwanan ka na ng mundo."

Pinukol niya ang kaibigan nang masamang tingin. Palibhasa may ipagmamayabang na boyfriend. Oo na! Ako na ang walang love life. Tanggap na tanggap ko na. Tsk.

"Wow! Ang hard mo ah." Isinukbit niya na ang knapsack sa mga balikat at ready na siyang layasan ang kaibigan niyang masyadong bully pagdating sa pagiging single niya. "Mauuna na ako at inaantok na ako." Naghikab siya. Tinalikuran na niya ito tinungo ang pinto.

"Hindi ka ba susunduin ng bestfriend mo?"

"Hindi, magbu-beauty rest daw siya ngayon."

Natawa lang si Essera.

Tahimik na lumabas siya sa likod ng coffee shop ng pinagta-trabahuan niya. Alas otso pa lang naman ng gabi pero inaantok na siya nang bongga. Maaga ang pasok niya sa eskwela at natatapos siya ng alas dos ng hapon. Didiretso na siya sa trabaho niya. Kaya bagsak na bagsak na ang katawan niya pag-uwi. Kailangan pa niyang pag-aralan ang thesis niya at may oral defense na sila sa susunod na linggo.

Kaya pa ba?

Napabuntong-hininga siya.

Napasinghap si Cambria nang biglang may umakbay sa kanya at kabigin siya sa isang tabi. Sisigaw sana siya nang takpan ng isang kamay nito ang bibig niya. Nahirapan siyang makahinga dahil pati ilong niya natatakpan ng kamay nito.

"Huwag kang sisigaw." Babala nito. Pati ang malalim na boses nito ay nakakasindak. "Isa lang naman ang kailangan ko sa'yo."

Kinabahan siya. Anong gagawin nito sa kanya? Naisip niya ang wallet niya. Medyo malaki-laki rin ang dala niyang pera. Lumakas ang tibok ng puso niya sa kaba. Parang ano mang oras ay bibigay na ang katawan niya sa matinding takot.

"Sagutin mo lang ang mga tanong ko."

Langya! Paano ako makakasagot kung tinatakpan mo ang bibig ko? Parang narinig nito ang iniisip niya dahil inalis nito ang kamay sa pagkakatakip sa bibig niya. Iniisip pa lang niyang kumawala at tumakbo nang ipitin nito ang leeg niya ng isang braso nito. Naku naman ha!

"One plus one?" tanong nito.

Kumunot naman ang noo niya. "H-huh?"

"Sagutin mo na lang kung ayaw mong masaktan."

Napalunok siya. Prank ba 'to? Puwes 'di siya natutuwa.

"T-two!" kinakabahang sagot niya.

"One plus four plus three?"

Nagbilang siya sa utak kahit na wala na siyang naiintidihan sa nangyayari at kinakabahan pa siya. "E-Eight!"

Napasinghap siya nang dumiin ang pagkakaipit ng braso nito sa kanyang leeg. Tumayo lahat ng balahibo niya sa katawan nang maramdaman ang pagdaan ng mainit na hininga nito sa kanyang leeg. Mamanyakin pa yata siya ng loko! Kailangan na niyang sipain ang tanging yaman nito bago pa siya ma-rape ng wala sa oras.

"Mali," may landing bulong nito sa kanyang tainga. "I love you."

Nanlaki ang mga mata niya. Naipikit niya rin ang mga mata sa inis nang marinig niya ang malutong na tawa nito. Gusto niyang mag-mura at pumatay ng tao. Niluwagan nito ang pagkakaipit ng braso nito sa leeg niya. Ang walangya! Pinagtripan ako.

Madilim ang bahaging 'yon dahil maliit na eskinita lamang 'yon kaya kinabahan talaga siya nang matindi. Pero ang malaman na pinagloloko lang siya ni Crosoft ay ang pinaka nakakainis sa lahat. Iminulat niya ang mga mata at asar na iniwan ito.

"Hoy Cam!" tawag nito. Naramdaman niya ang pagsunod nito sa kanya. "Joke lang naman 'yon. Ikaw naman 'di na mabiro."

"Joke?!" huminto siya at hinarap ito. "Crosoft 'di 'yon joke dahil tinakot mo ako. There is a big difference between a joke and a prank, you idiot!" sigaw niya.

Natahimik ito. Mula sa naglalarong ilaw mula sa likod ay nakita niya ang blankong expression ng mukha ni Crosoft. Lalo siyang nainis. Lagi na lang nitong dinadaan sa biro ang lahat pagdating sa kanya. And she hated the fact that she's just an entertainment in his life. She sighed before turning her back at him. Hindi niya namalayan na tumulo na pala ang mga luha niya na kanina pa niya pinipigilan.

I hate myself for falling in love with you! Pero hindi ko kayang kalimutan ka kaya kontento na akong maging kaibigan mo lang. Pero masakit pa rin! Bwesit talaga.



NATAPOS ang linggo na hindi pa rin nagkakausap sila Cambria at Crosoft. Lalo lang sumama ang loob niya dahil mukha naman itong masaya kapag nakikita niya ito sa eskwelahan. Sabagay, ano ba naman siya kumpara sa boyfriend nitong si Jeymes at mga sikat na mga kaibigan nito?

Kaya heto siya ngayon. Emo mode na naman. Naisipan niyang lumabas at mamasyal sa night market. Wala siyang pasok bukas at day off niya rin kaya pwede siyang gabihin. Maaasar lang siya lalo kung nasa bahay siya. Para lang naman siyang non-existent bacteria doon. In short, 'di napapansin. Mapapansin man pero puro sermon naman ang nakukuha niya sa Mama niya.

Nagkakaroon ng night market kapag malapit nang mag-pasko o kapag ber months na. Usually ay last week of September nagsisimula ang night market. May malaking bahagi ng daan na isinasara para magkaroon ng puwesto ang mga taong gustong mag-benta. Yong iba ay nilalatag na sa daan ang mga tindang sapatos, dvd movies, at kung anu-ano pa. Ibinibenta nila ito sa murang halaga. May mga damit, stuffed toys, at stalls ng mga street foods sa dulo ng mga nagtitinda.

Siksikan nga lang dahil sa rami ng tao.

Habang kumakain ng apple ay malaya niyang iginala ang tingin sa buong paligid. Maluwag ang daan dahil wala gaanong tao sa dinadaanan niya. Naaliw siya sa mga outdoor string light bulbs na nakasabit sa mga poste ng mga stalls. It added a romantic atmosphere sa buong paligid. Parang same doon sa mga romantic settings ng mga romance movies.

She can't help but sighed. Bigla niya namang naalala si Crosoft. Ang walangyang 'yon. Kaya talaga siyang tiisin ng lalaking 'yon. Hay naku Cambria, para ka namang 'di na sanay sa mood swings nun. Mas moody pa 'yon sa babae. Doble pa!

Saktong pagbaba niya ng tingin ay may biglang yumakap sa kanya mula sa likod. Napasinghap siya sa gulat at 'di agad nakahuma. Ipinulupot ng kung sino ang braso nito sa baywang niya. Nang umihip ang hangin nasamyo niya ang isang pamilyar na bango.

"Kaya kong magpakalalaki para sa'yo. Kaya kong baguhin ang sarili ko para sa'yo. Kaya kong talikuran ang lahat para sa'yo. Pero ang hindi ko kaya ay ang magalit ka sa akin. Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko Cam."

Tumigil yata ang ikot ng mundo sa oras na 'yon. Para siyang napasok sa isang teleserye sa TV sa sobrang drama ng moment na 'yon. Hindi niya mapigilan ang mapangiti. Gusto niyang kiligin pero alam niya kung hanggang saan lang ang maibibigay ni Crosoft sa kanya. The rest will be ka-echosan na lang.

"May nakita akong public cr kanina pwede mo doong isuka ang kakornihan mo."

"Baliw! Seryoso ako." May himig na pagtatampong react nito.

Tumawa siya nang mahina.

"Bakla, alam kong nasusuka ka na sa mga pinagsasabi mo. Sige na, ilabas mo na 'yan."

Mag-sorry lang ito sa kanya ay napapalambot na talaga siya nito. Wala eh! In love talaga siya sa loko. Inalis niya ang mga kamay nito na nakapulupot sa baywang niya bago ito hinarap. May ngiti na sa mukha nito. 'Yong klase na ngiti na may landi. Gwapong-gwapo ito sa simpleng suot nito na V-neck white shirt, faded ripped jeans, and a black sneakers.

Ito na yata ang pinakagwapong bakla na nakilala ko.

"Oh, bakit nandito ka?" pagtataray na tanong niya.

"Nandito ka nga eh. Bakit ikaw lang ang tao sa mundo?"

"Taray! So ganito ka mag-sorry sa akin?" humalukipkip siya. "Hoy! Baka nakakalimutan mong may atraso ka pa sa akin."

"Alam ko, kaya nga hinanap kita. Pumunta ako sa bahay n'yo sabi ng Mama mong laging taas kilay na umalis ka raw. Ang init talaga ng ulo ng nanay mo sa akin. Infernes 'di halata." Natawa siya dahil halata namang sarcastic ang pagkakasabi nito. "And..." he trailed off. Napangiti naman siya when he gave her his signatured handsome boyish smile. Nagpapakalalaki na naman ang gaga!

"I missed you." Syet ka talaga Crosoft!

Natunaw na naman ang puso niya sa huling sinabi nito. Randam niya sa boses ni Crosoft ang sinsiredad sa sinabi nito. Nakikita niya sa mukha nito ang lungkot at pangungulila. 'Yon ang isa sa mga bagay na minahal niya rito. He's too honest with his feelings na kahit 'di niya gusto ang nararamdaman niya ay napipilitan siyang unawain at tanggapin 'yon ng buong puso. Langyang pag-ibig! Wagas!

"Walang echos?"

"Seryoso, na miss talaga kita." Kinabig siya nito bigla payakap. "Na miss ko ang kapangitan mo."

"Wow ha, na tats ako." Pabalang na sagot niya. Lihim siyang napangiti. Itinaas niya ang dalawang braso para yakapin ito. She heard him laughed. "Na miss din kita. Akala ko 'di mo na ako kakausapin ulit."

"Matitiis ba kita? At saka ako naman ang dahilan kung bakit nagalit ka sa akin. You're right, that was not a joke. Huwag kang mag-alala, alam ko na kung anong kaibahan ng isang joke sa prank."

"Wey?"

"Oo nga, ito nga may baon ako. And take note, this is a joke."

"Sige nga, i-banat mo na."

"Malapit na ang pasko. Kung ikaw rin naman pala ang ibibigay nila sa akin. Pwede bang..." he trailed off. "Sa kwarto na lang kita buksan?"

Pinalo niya ang likod nito bago kumalas sa pagkakayakap nito sa kanya. Tawang-tawa naman ito. Pinaningkitan niya ito ng mga mata.

"That's a green joke!" akusa niya.

"No, it's a white joke."

"Meron ba nun?"

"Oo naman, huwag kang tanga. White joke 'yon dahil pa-inosente ko 'yong sinabi. I didn't sound seducing, right?" umiling siya. "See? Ikaw lang ang masyadong maharot mag-isip. Landi mo 'te!"

"So ako pa ang may kasalanan?"

"Ay hindi, si Nemo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro