Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1


KULANG na lang ay tumalbog ang puso ni Cambria nang salubungin siya ng isang bugkos ng mga bulaklak pagkalabas na pagkalabas niya sa PERD class niya. Naiangat niya ang mukha sa taong may hawak ng mga bulaklak. Si Tekton, ang isa sa mga tinitiliang lalaki sa University of St. Benedict (USB). Literal na napanga-nga siya at natigilan. Eh kasi crush ko nang slight!

Gwapo talaga ito na walang halong echos. Varsity ng volleyball team nila. Matangkad, matipuno, at matangos ang ilong. Dumagdag sa kakisigan nito ang makinis na kayumangging balat nito.

Hindi siya agad nakapagsalita.

Pati ang mga kaklase niya sa likod ay na tahimik. Tumigil din ang mga dumadaang estudyante na animo'y nanonood ng taping ng isang teleserye. Lahat ay naghihintay sa kasunod na mangyayari. Pati siya ay hindi maiwasang ma-excite sa susunod na sasabihin ni Tekton.

"Ahm, Bria..." sa wakas ay salita nito.

Lalo lang kumabog nang malakas ang puso niya. Pasimple niyang inilagay sa likod ng tainga ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa mukha niya. Kung bakit kasi ngayon pa siya tinamad na magsuklay. 'Di nagmukha pa siyang chaka.

Pigil ang hininga na hinintay niya ang susunod na sasabihin ni Tekton.

"Can you give this to Crosoft?"

"Eh?"

Kasabay nang pagsinghap ng mga tao sa paligid ay ang paglag-lag ng panga ni Cambria. Huwag mong sabihing bakla rin ang 'sang 'to? Napangiwi siya. Naku, ang dami n'yo na dugmagdag ka pa! Kawawa naman silang mga walang lovelife. Mukhang mga jejemon na lang ang natitira sa mundo. Lahat yata nagsi-aklas na. Bakeet?



NAIINIS na si Cambria sa malanding tawa ni Crosoft. Kanina pa ito tawa nang tawa. 'Yong malanding tawa na sobrang GGSS. Kabanas!

Ikinuwento niya rito ang nangyaring eksena sa pagitan nila ni Tekton kaninang umaga. Ang walangyang lalaking 'yon. Pinahiya siya nang bongga sa harap ng madla. Akala pa naman niya ay liligawan siya nito. 'Yon pala gusto lang siyang gawing messenger ng mga bulaklak nito para kay Crosoft. Busit!

"Really? May gusto pala sa akin si Tekton?" ulit nito na may himig ng kalandian.

Itinirik niya ang mga mata kay Crosoft.

"Paulit-ulit lang 'te? Gusto mo i-rewind ko ulit sayo? Gusto ka nga niya. Oo na! Ikaw na ang maganda! Ikaw na ang mahaba ang buhok. Please lang, pakipalitan na si Rapunzel sa kastilyo niya. Hiyang-hiya na siya sa'yo."

Natatawang inakbayan siya ni Crosoft at hinapit palapit sa katawan nito. Gumuhit agad ang elektrisidad sa buong katawan niya. Hindi niya alam kung epekto ng pagiging bokya niya sa pag-ibig ang pagkagusto niya kay Crosoft. 'Langya naman kasi sa nararamdaman niya sa lalaking 'to – este sa baklang 'to.

Okay na sana eh. Kaso bakla 'tong si Crosoft. Hindi man ito halatang bakla sa mata ng ibang tao ay bakla pa rin ito. 'Yon ang masaklap. Hindi lang babae ang nagkakagusto kay Crosoft. Pati mga bakla at kalalakihan. Hayon nga at bumigay rin si Tekton. Paabot ng tissue. Ngawa.

Matangkad, gwapo, maputi, at parang nangungusap ang mga mata ni Crosoft. Sakto lang ang pangangatawan nito. Hindi 'yon maskulado na parang macho dancer. In fact ay papasa itong clothing line model ng Bench at Penshoppe with his lean figure and almost toned muscles na mukhang win-o-workout nito ngayon. He has this Chinese-Spanish look since half Chinese ang nanay nito samantalang pure Spanish naman ang ama nito na laking Pilipinas. His chinky eyes are his most admirable traits dahil tila ngumingiti 'yon every time he smiles. Iyon din ang nagbibigay cute sa gwapo nitong mukha.

Crosoft has a thing for fashion. Kahit nga simpleng kupas na T-shirt at pants ay nadadala pa rin nito sa pinaka-sosyal at elegante na paraan. Naku! Kahit simpleng organization meeting lang naman ang dadaluhan nila ay naka pustora ang loko. Nagmumukha tuloy siyang PA ni Crosoft. Kung vanity lang naman ang pag-uusapan ay wala na ngang tatalo sa pagiging vain at narcissistic nito. Ang malala, masyado rin itong perfectionist. He hates mess! Nakaka-imbyerna minsan pero wala eh. Mahal kasi ni Cambria ang loko-loko niyang baklang kaibigan. Nakaka-bad vibes lang talaga at nagkagusto siya sa isang lalaking kapareho niya ng goal.

Ang manlalaki!

Gusto na ngang kaawaan ni Cambria ang sarili. Masama talaga ang tama niya sa kaibigan. Kaso 'di sila talo. Kawawa lang ang fragile heart niyang bugbog na bugbog na sa kakaasa na magmimilagro ang langit at maging lalaki ulit si Crosoft kaso malabo 'yong mangyari. Nakaka-bitter ang pag-ibig niya rito.

College sila nang makilala niya si Crosoft. Magkaklase sila sa tatlong subject noong unang taon niya sa college. Pareho sila ng kursong kinuha ni Crosoft na Communication and Multimedia. Noong una ay din-i-deadma pa niya ang lalaki pero nang magkasama sila sa iisang project ay doon niya lubusang nakilala si Crosoft. Hindi pa bakla ang loko noong time na 'yon. At least 'di pa umaamin.

Naalala pa niya ang unang feeling close moment nito sa kanya.

"PANGIT ka kaya walang magkakagusto sayo Bria! Tanggapin mo na lang ang katotohanan na kahit jejemon ay 'di mangingiming ligawan ka."

Nasaktan si Cambria sa sinabi ni Essera sa kanya. Alam niyang 'di siya maganda. Tanggap niya 'yon. Ma-i-explain 'yon ng punnet square. Bokya talaga siya sa gandang kasing dyosa na genes kaya bumagsak siya sa dihybrid cross. Hindi man siya 'yong tipo na may gandang artista, cute rin naman siya. At least naman, noh?!

Pero hindi niya alam kung bakit 'di pa rin tumutulo ang mga luha niya.

"Kahit mukhang pokemon 'di rin magkaka-crush sayo! Hindi ka nga napapansin ni Crosoft eh, mga lahi pa kaya ni Boy Pick-up?"

"Ang sama mo talaga!" sigaw niya. "Hindi ko naman kailangan ng lalaki para mabuhay."

"Kailangan natin 'yon, 'di ka lang nila masikmura dahil sa kapangitan mo."

"Eh ano nam –" she stop midsentence nang maramdaman niyang may humawak sa isang braso niya. Nanlaki ang mga mata niya nang pihitin siya ng kung sino at nakulong siya sa mga bisig nito.

Naramdaman niya ang isang kamay nito sa likod ng ulo niya at pilit na pinasandal siya sa dibdib nito. She breathed his scent. Kilalang-kilala niya ang amoy na 'yon. 'Yon ang pabango na laging gamit ni Crosoft na hinanap niya pa talaga sa department store noong isang araw. Mabango kasi eh. Kaso ang mahal pala. Branded masyado! Yayamanin si Kuya.

"Don't listen," bulong nito sa isang tainga niya.

Randam na randam niya ang init ng hininga ni Crosoft sa tainga niya. May kung anong kakaibang hatid 'yon sa buong sistema niya na nagpapabaliw sa mga paru-paru niya sa tiyan. Basta 'di niya ma-explain.

"Hoy ikaw!" narinig niyang sigaw ni Crosoft. "Sino ang nagbigay sayo ng karapatang lait laitin si Cambria?"

"Ah eh..."

"Don't talk to her like that. Maganda si Cambria 'di nga lang halata." Napangiwi siya. Talaga naman eh. Maganda na eh! "But if you get to know her better you'll see the real beauty inside her. Hindi ang pisikal na katangian ang basehan ng kagandahan kung hindi ang ugali ng 'sang tao. At bagsak na bagsak ka na roon. Kaya ikaw ang pangit at hindi si Cambria."

Na touch siya sa sinabi nito. Hindi niya inakalang masasabi 'yon ni Crosoft. Lalo na't 'di naman sila ganoon ka close.

"Wait, let me explain –"

"No," inilayo ni Crosoft ang katawan sa kanya at hinawakan siya sa kamay. "Halika na," hinila siya nito palabas ng classroom.

Napatingin siya kay Essera. Napangiwi siya nang makitang mukhang bibigay na ito sa pinipigilang ngawa nito. Dios ko!

Pagkalabas na pagkalabas nila ay binawi niya agad ang kamay na hawak nito.

Kunot ang noo na nilingon siya nito. "What's the problem?"

"Crosoft," eksaheradang tawag niya sa pangalan nito. "Bakit ginawa mo 'yon?!" tanong niya pagkatapos.

Kumunot lang lalo ang noo nito.

"Huwag mong sabihing may balak kang palitan si San Cai? Huwag kang martyr 'di naman bagay sa'yo. Dapat pa nga magpasalamat ka sa akin dahil pinagtanggol kita sa babaeng 'yon. And that's how you thank me?"

"Eh 'di naman kasi tama ang iniisip mo." Frustrated na napakamot siya sa ulo. "Naka-record 'yon eh. 'Di mo na pansin si Note na kinukunan kami? Drama lang namin 'yon kanina."

"Drama lang 'yon?"

"Oo, drama lang 'yon." Tumango siya. "OA mo naman kasi maka-react."

Malutong na tumawa si Crosoft. Kumunot lang tuloy ang noo niya. Oh ano namang pauso ng lalaking 'to?

"Now that makes sense," nangingislap ang mga mata nito sa amusement.

"Ang ano?"

"Your acting sucks! Kaya pala wala akong napansin na luha sa mga mata mo." Yumuko ito sa harap niya. Crosoft cupped her face. "You know how to make someone cry Cam?"

Bibigay na yata ang tuhod niya sa sobrang lapit ng mukha ni Crosoft sa kanya. Idagdag pang sa kanya lang talaga ito nakatingin. And the way he said his nickname for her? Dayum! Pwedeng kiligin nang sagad to the bones?

Napalunok siya.

Lalo lang kumabog nang mabilis ang puso niya nang bumaba ang tingin nito sa mga labi niya. Sheet! Hahalikan ba siya nito? As in now na? Gad! 'Di siya prepared.

Ibinalik nito ang tingin sa mga mata niya.

"You know how?" he asked teasingly.

"H-Hindi..." she stuttered in response. "Paano ba?"

"Ganito," bigla nitong inumpog ang noo nito sa noo niya.

Napasinghap siya sa sakit at napasigaw. 'Langya! Natutop niya ang noo. Narinig niya naman ang malakas na pagtawa ni Crosoft. Sa sobrang lakas ng pagkakaumpog nito sa noo niya ay napaluha talaga siya.

"Crosoft!" tili niya. "Baliw ka! Baliw!"

Madali naman itong nakalayo sa kanya.



NAG-AAWAY na naman ang mga magulang ni Cambria nang makauwi siya. Lagi na lang nag-aaway ang mga ito dahil sa pagiging konsintidor ng kanyang ina sa nakababata niyang kapatid na si Misty. Matagal na niyang tanggap na may pagka-bias talaga ang Mama niya pagdating sa kanilang dalawang magkapatid.

Maganda at artistahin ang dating ni Misty. Samantalang siya ay mukhang pang-commercial lang ng dilata sa sardinas. Siya pa ang gaganap na lata. Ganoon ka saklap ang pagtingin ng ina sa kanya. Kulang na lang ay ipagsigawan nito sa buong mundo kung gaano siya kapangit.

"Saan ka naman kukuha ng pambayad mo sa Iphone na 'yan, ha, Lucida? Kulang pa nga ang sahod ko sa pang-araw-araw natin pero umutang ka pa rin niyang 'langyang cell phone na 'yan para lang maging sosyal sa mata ng mga tao si Misty!" sigaw ng kanyang ama.

"Eh bakit ba Roman? Ikaw ba ang magbabayad nito? Huwag kang mag-alalang lalaki ka. Bubuhayin ka ng anak mo. Hindi na siya hihingi ng kung ano man sa'yo dahil kayang-kaya ka na niyang buhayin!"

"Nang ano? Ng pagiging artista? Tang'na! Sa halip na pag-aralin mo 'yang si Misty ay ini-enroll mo pa sa kung anu-anong acting workshop? Bakit? Yayaman ba tayo sa pagsali niyang si Misty sa mga workshop na 'yan?! Ewan ko sayo Lucida." Natutop ng ama ang noo nito at marahas na napabuntong-hininga. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sa inyo. Baon na baon na tayo sa utang dahil sa mga luho niyang si Misty pero konsintadora ka pa rin."

Tahimik na pumanhik si Cambria sa itaas. Napahinto siya nang makitang naka upo lang si Misty sa isa sa mga baitang ng hagdan habang busy na busy sa pagsi-selfie sa sarili gamit ang bagong cell phone nito. Tumaas naman talaga ang kilay niya sa kapatid. Sarap talagang kurutin ng singit ng babaeng 'to!

Sixteen lang ito at hanggang high school lamang ang na tapos. Hindi na ito nag-aral dahil naisip nitong may future ito sa pag-a-artista. Pero ang loka-loka niyang kapatid hindi pa nga ito ganoon kasikat at kakilala ay panay na ang luho sa katawan. At ngayon, may gana pa itong mag-selfie habang nag-aaway ang mga magulang nila. Wow!

"Hoy, ikaw," huminto siya sa harap nito. "Mababayaran mo ba 'yan?" pigil ang inis at mahinahon niyang tanong sa kapatid.

Asar na inangat nito ang tingin sa kanya. "Oo naman, hindi naman ako kagaya mo na walang pera." Ibinaba nito ulit ang tingin at pinagpatuloy ang pagkuha ng litrato sa sarili.

Sanay na siya sa bastos na pakikitungo ng kapatid sa kanya. Spoiled kasi ito sa Mama niya kaya walang kinatatakutan dahil alam nitong to-the-rescue agad ang kanilang ina. Hindi na rin niya ito mapangaralan dahil sa katigasan ng ulo nito.

Bumuntong-hininga siya.

"Oh may pera ka naman pala, bakit ka pa umutang?" Misty glared at her. Matapang na sinalubong niya ang masamang tingin ng kapatid. "Masyado kang pretentious. Bawasan mo 'yan."

"I hate you!"

Iniwan niya na ito ay dumiretso sa kwarto niya. Ini-lock niya ang pinto bago ibinagsak ang katawan sa malambot niyang kama. She sighed. Naipikit niya ang mga mata. Kailan ba magkakaroon ng peace ang bahay na 'to?

Pagod at hampong-hapo ang katawan niya. Buong araw siyang naging busy sa thesis at sa trabaho niya sa isang Coffee Shop na malapit sa university nila. Ayaw niyang maging pabigat sa papa niya. Kahit na masasabing may regular itong trabaho sa isang kompanya ay 'di naman 'yon sumasapat sa gastusin nila sa bahay.

Baon sila sa utang dahil sa mga luho ng ina at kapatid. Kahit pa iginigiit ng ina na ito ang magbabayad ng lahat ay nauuwi lang ang mga pangako nito sa wala. Sa huli ay si Papa rin ang magbabayad ng mga inutang nito. Naawa siya sa kanyang ama dahil 'di naman kalakihan ang sahud nito. Kaya siya na mismo ang gumawa ng paraan para matulungan ito.

Kahit sa pag-aaral niya ay ini-insist niyang kumuha siya ng scholarship para 'di gaanong mabigatan ang ama. Ayaw kasi nitong pag-aralin siya sa isang simpleng unibersidad. Mas gugustuhin nitong magtrabaho buong araw mapag-aral lamang siya sa isang magandang eskwelahan.

Noong una ay tutol din ito sa pagpa-part time job niya. Pero pumayag din ito nang ipinangako niyang iipunin niya ang lahat ng sweldo niya para sa sarili. Hayaan niya na lang daw na ito ang gumastos sa ibang bayarin sa pag-aaral niya. Ma swerte siya dahil may mapagmahal siyang ama. Kaya nga lang wala ito lagi sa bahay dahil sa trabaho nito.

Naramdaman ni Cambria ang pag-vibrate ng cell phone sa bulsa ng pantalon niya. She grudgingly slid her hand in her pocket so she can get the phone. Pinindot niya ang phone kahit na 'di tinitignan ang caller. Inilapit niya 'yon sa tainga.

"Hello?" walang buhay na sagot niya.

"Hi," narinig niya mula sa kabilang linya ang boses ni Crosoft. "Nakauwi ka na?"

"Oo, sa wakas."

"Sige, magpahinga ka na. Alam kong pagod na pagod ka na after we made love."

Naiangat niya ang ulo bigla sa narinig. "Anong made love ang pinagsasabi mo riyan bakla ka?!" napakunot-noo siya. Narinig niya namang tumawa ito sa kabilang linya.

"Ito naman, masyadong green. Made love, means gumagawa ng love through wholesome actions like being together, enjoying every moment, and filling each emptiness just being with each other. Naks! Oh, diba bongga?"

"OA nito!" pero lihim siyang napangiti.

'Yan! Kaya ka na iinlove sa baklang 'yan. Nakakainis ang pagiging sweet mo Crosoft! Bakit kasi 'di ka na lang true blooded man? Hay naku!

"Oh sige na, tulog ka na Cam. Tandaan, huwag mo ako masyadong isipin. Alam kong may pagnanasa ka sa akin pero huwag mong sagarin at baka mabuntis ka sa panaginip mo." Malakas na tumawa ito. "Aw!"

Napasimangot naman siya.

"Baliw! Hindi kaya kita iniisip. Saka napaka-ew mong bakla ka. Kilos lalaki ka lang pero bakla ka pa rin."

"Wow! Hiyang-hiya naman ako doon."

Natawa siya. "Dapat lang, sige na. Kailangan ko ng matulog."

"Okay, goodnight My Cam."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro