|° PROLOGUE°|
**********
Abot langit ang ngiti ko dahil makakasama ko ngayon sa bakasyon ang matalik kong kaibigan kaya naman maaga kaming umalis para daw hindi kami abutan ng traffic at habang nasa byahe kamei ay natatanaw ko ang mga sasakyan na kasabayan din namin, katabi ko ngayon si tita at katabi naman nya si cam na katabi ni mommy at si dad naman ay nasa passenger seat .
Sa palagay ko medyo malayo-layo narin ang narating ng van na sinasakyan namin pero bigla itong nagpreno kaya tuloy napangiwi ako at kamuntikan pang mahulog sa kinauupuan ko mabuti nalamang at nahawakan ako ni tita , nakitang kong bumabaa si dad at pati narin yung driver at sa di maipaliwanag na dahilan ay kinabahan ako dahil sa palagay ko may hindi magandang mangyayare.
Ang kanina'y kasiyahan na nararamdaman ko ay nawala at napalitan ng pagkabahala at pagaalala , ilang oras pa kaming naghintay sa pagbalik ni dad pero hindi na sya nakabalik pa kaya nagpasya si mom na lumabas narin pero nung bubuksan nya na yung pinto may nauna nang nagbukas nito at tumambad samin ang isang lalaki na nakaitim na t-shirt , natatakpan ang buong mukha nito dahil sa bonet . Nauna nang lumabas si mom at yung kaibigan ko na anak ni tita pasunod na sana kami ni tita pero di ko inaasahan na aagawin pala ni tita yung baril dun sa lalaki nung maagaw nya ito ay agad nya itong itinutok dun sa lalaki at sinenyasan ako nito na magtago lang muna sa likod nya . Nung mga oras na yon ay nanginginig na ako sa takot at nabablanko na ang utak ko , sa ngayon ay hawak hawak ako ni tita habang palabas kami ng van at nakatutok padin yung baril dun sa lalaki , akala ko ay tuluyan na kaming makakapunta dun sa kabilang side ng kalsada pero di ko inakala na susugod pala yung lalaki samin at bago pa ito makalapit ay ibinulong sakin ni tita na tumakbo na at sya na ang bahala dun sa lalake
Nanginginig ang mga paa kong napatakbo sa kabilang kalsada at nung makarating ako ay napaupo ako sa semento dahil hindi na kinaya pa ng mga paa ko dali dali naman akong nilapitan ni mom at tinulungan ng bigla ay Isang putok ng baril ang umalingawngaw at dahan dahan akong napalingon sa direksyon ni tita na ngayon ay nakahandusay na at napupuno ng dugo ang parte ng katawan nito na binaril , malamig akong pinagpawisan at nanginginig na hinawakan ang kamay ni mom kasabay din ng unti unting pagpatak ng aking mga luha akmang lalapit samin yung lalaki ng bigla ay barilin naman ito ni dad .
Masyadong mabilis ang mga pangyayare kaya naman hindi ako agad nakagalaw sa pwesto ko pero makalipas ang ilang minuto ay naging maayos na ako at nabawasan nadin ang panginginig ng katawan ko agad kong inilinga ang paningin ko nang maalala ko si cam , nakatayo lang ito malapit sakin habang tulalaa at tuloy tuloy ang pagagos ng luha nya agad akong napatayo at nilapitan ito atsaka niyakap
" Don't worry everything is going to be fine" , bulong ko dito upang gumaan ang pakiramdam nito
Habang nakayap ako kay cam ay narinig ko ang tunog ng sasakyan ng mga pulis kaya naman nabuhayan ako ng pagasa at nakahinga ako ng maluwag pero agad din itong napawi nung makarinig nanaman kami ng putok mula sa kanilang kalsada kaya agad akong napalingon duon , nakita ko na nakikipagagawan parin ng baril si dad kaya naman tinawag ko ito at nagpunta sakin ang atensyon nya kaya tuloy nagkaroon ng pagkakataon yung lalaki na maagaw kay dad yung baril at sa Isang iglap lang ay binaril sya nito atsaka tumakbo nung mga oras na yun ay muling nablangko ang isip ko at wala na akong ibang inisiip kundi ang makatwid para mapuntahan si dad ngunit nung nasa kalagitnaan na ako ay tila ba bumigat ang binti ko dahil hindi ko na ito maigalaw pa idagdag pa ang
Palapit na palapit na sasakyan sakin at sa isang iglap ay nakahiga narin ako ngayon sa malamig na semento ngunit bago ko pa man maipikit ang aking mga mata ay nagawa ko pang lumingon sa kinaroroonan ni dad at kahit na di nito sabihin ay nababasa ko sa kanyang mga mata ang nais nyang ipahayag sakin at yun ay ang mga kataga na....
Mabuhay ka
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro