Chapter 3:Meet Cameron Nixon
Nang makapasok ako sa kuwarto ay isinandal ako nito sa likod ng pinto , napapikit pa nga ako dahil sa kirot na naramdaman ko ngunit agad ko ring iminulat ang mga mata ko at bumungad sakin ang isang madilim na silid at bukod don ay ang mas nakakuha pa ng atensyon ko ay ang Isang pigura na nakatayo mismo sa harapan ko , hindi ko ito mamukhaan dahil narin madilim nga ang silid ngunit alam ko na lalaki ito dahil narin sa liwanag na nangagaling sa bintana
"Anong ginagawa mo dito? "
maya maya'y tanong nito sakin sa malamig na tono na para bang kasing lamig pa ng yelo
"Na-napadaan lang naman ako dito," Utal utal na sambit ko. "I'm sorry di ko sinasad.... " kusa naman akong napatigil dahil sa pagyakap nito saakin na animo'y matagal na kaming di nagkita
"I miss you sweetie, don't you miss me? " biglang sambit nito at ang kanina'y malamig na tono nito ay napalitan ng lungkot at pangungulila
"I'm sorry but I don't even know you " sambit ko sa pabulong na tono dahil ayoko na marinig ako nito , bigla tuloy ay nakaramdam ako ng pagkaawa dito kaya pati tuloy puso ko ay biglang nakaramdam ng bigat at hinagpis
"It's ok I understand, let's go downstairs baka kanina pa nila tayo hinihintay and BTW I'm Cameron Nixon " ang kanina'y malungkot na tono nito ay napalitan ng malamig at walang buhay at kasabay ng pagsabi nito ng kanyang pangalan ay ang pagbitaw nito mula sa pagkakayakap sakin , matapos nyon ay lumabas na kami mula sa madilim na kuwarto at hinarap nya muna ako pagkalabas namin bago muling hawakan ang kamay ko at sabay na kaming nagtungo sa may hagdan kaya dun ko nasilayan ang buong mukha nito at bumalik sa aking mga alaala ang nangyare kanina, sya siguro yung lalaking bigla bigla nalang akong hinila . Kaya pala pamilyar ang pamamaraan nito tsss .
Nung sa wakas ay makababa na kami ng hagdan ay binitawan na nito ang kamay ko at sinenyasan ako nito na sumunod sakanya papunta sa hapag kainan kung saan naghihintay yung dalawang lalaki na sina Scot at Kaspar , pagkaupo ko ay halos manlaki ang mga mata ko dahil sa dami ng mga pagkain na nakahain sa mesa. Imagine apat lang kami dito sa hapag pero mga nasa anim ata na putahe ang nakahanda sa mesa .
Napailing iling nalamang ako at nagsimula nalang kumuha ng makakain bakit pa nga ba ako magtataka na maraming pagkain eh mayaman naman daw kame diba ,
matapos ang ilang oras ay sa wakas natapos din kame kumain mabuti nga at naubos namin eh kundi baka mapanis pa iyon sayang naman . Ang daya nga eh kase ako may pinakamaraming nakain saaming apat kahit na gabi pa naman
Matapos nyon ay nagpresinta ako na maghugas ng plato ngunit pinigilan ako nung tatlo at sinabi na yung mga kasambahay nalang yung bahala don at matulog na daw ako pero syempre dahil di pa naman ako inaantok ay tumanggi ako dahil baka mabangungot ako nohh , kaya ayun ang ending eh kami nalang ni Cameron yung naiwan dito ni hindi man lang ito namamansin ngunit . Ilang saglit pa ay nagsalita narin ito upang magpaalam na kukuha muna ng maiinom nya at may kukunin lang sa sasakyan nila kaya tumanggo ako upang ipaalam na ok lang naman sakin at para makapagpalipas ng oras ay ipinasya ko na tumayo at maglibot saglit sa living room dahil kanina ay di ko ito nalibot ng tingin .
Habang naglalakad ako ng dahan dahan ay nakakita ako ng Isang picture frame dun sa taas ng lamesang maliit na katabi ng couch kaya naman napaupo muna ako ulit
bago ko kinuha yung picture dahil
nakuha nito ang atensyon ko at para makita ng maayos yung nasa picture ay inilapit ko ito sa aking mukha ngunit di naman sobrang lapit at duon nga ay nakita ko ang dalawang bata na magkatabi sa swing at nakapaligid dito ang mga bulaklak na santan ang batang lalaki ay nakasuot ng t-shirt na blue at maong short pinaresan din nya ito ng black na sapatos , habang ang batang babae naman ay nakapink dress at pink sandals at ang buhok nito ay nakalugay lamang . Masasabi ko rin na umaga ito kinuhanan ng picture dahil ang liwanag nung naging background nilang dalawa .
maya maya'y napansin kong medyo kahawig pala ni Cameron yung batang lalaki kaya 't mas tinitigan ko pa ito ngunit nakaramdam ako ng pagkirot sa ulo ko na para bang binibiyak ito kaya tuloy nabitiwan ko yung hawak hawak ko na picture frame at napahawak ako sa aking ulo , kasabay din nyon ang mga nagpop out na alaala sa isip ko at duon nga'y nakita ko Isang batang lake at babae na naguusap
"Zephyrine pangako ko sayo na sa paglaki natin papakasalan kita pero dapat mangako ka rin na sasagutin mo ko, pramis?" nakangiting ani ng batang lalaki habang nakangiti at nakaluhod sa harap ng batang babae
"Oo pramis cam" tugon naman ng batang babae habang nakangiti den at nakatayo
Kung titingnan ang mga bata ay para bang ang saya nila at walang iniintindi na problema kaya naman napangiti ako dahil sa kakyutan nilang dalawa pero agad ding napawi ito nang makaramdam muli ako ng kirot sa aking puso at di maipaliwanag na mga emosyon kaya muli ay napaupo ako habang tuloy tuloy ang pagtulo ng aking mga luha .
Dahil sa sobra sobrang emosyon na aking nadarama ay di ko mapigilan na mapasigaw at ang unang taong naalala ko ay si Cameron kaya ito ang naisigaw kong pangalan
"Caaaaaammmm!! " napapaiyak na sigaw ko sa garalgal na boses , una sa lahat ay hindi ko alam kung bakit sya ang unang taong naisip ko na hingian ng tulong ngunit pakiramdam ko ay sya lang ang taong makakatulong sakin sangayon
"Keira sweetie, what happened?" nakakunot noo na ani nito sa nagaalalang tono at bago ako mawalan ng malay ay nakita ko pa na may namumuong luha sa gilid ng mga mata nito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro