Chapter 27: Break up
Apat na araw na ang lumipas pero hanggang ngayon ay hindi parin ako makaget over sa sinabi ni Scot at hanggang ngayon ay masakit parin, mabuti nalang at wala kaming pasok ngayong week nato kaya naman nandito lang ako at nagkukulong sa kuwarto dahil wala akong lakas ng loob para harapin ngayon si cameron at magsorry dito dahil hindi ko sya hinayaang magpaliwanag muna.
Nasa may sulok ako ng kama ngayon habang hawak hawak ang paa ko at nakatitig lang sa phone ko, umaasang makakatanggap man lang ako ng text o di kaya'y tawag mula kay cam ngunit ni isa ay wala. Umagang umaga ngunit nababalutan ng dilim ang buong kuwarto dahil sa nakasara ang kurtina nito, Ilang saglit pa'y nakarinig ako ng tatlong magkakasunod na katok sa labas ng pintuan ng kuwarto ko na sinundan ng pagtawag sa pangalan ko.
"Couz, can I come in? zephrine pleasee"
"You know naman na you can always talk to me diba. Please open the door "
At dahil alam kong hindi titigil si nicole hanggat di ko ito pinapapasok napagdesisyonan kong pagbuksan nalang ito kaya naman humawak ako sa gilid ng kama upang sumuporta sa pagtayo ko at mapagbuksan si nicole , nung pagbuksan ko ito ay tuloy tuloy itong pumasok sa kuwarto ko at dumiretso dun sa mini table upang ilagay yung mga pagkain na dala dala nito matapos nyon ay saka nito ako hinarap at ngumiti muna bago humakbang papalapit sakin pagkatapos ay saka ako nito niyakap.
"kamusta," aniya nito sa nagtatanong na tono matapos ako nitong yakapin
"heto,di parin ok " matamlay na aniya ko
"Ano ba kaseng nangyari nung nagkausap kayo ni scot?" nakakunoot na aniya nito habang nakacross arms
"Inamin niya sakin na .........."
"na?"
"Pinlano nila ni ashleianne yung nangyari kay cameron"
"What?!, Panong pinlano ?" nanlalaki ang mga matang aniya nito
"Sinet up nila si cam"
"Pero bakit yon nagawa ni Scot?,akala ko ba mahal ka nya tapos nagawa ka nyang saktan ?" nakakunot ang noo nito na sinabayan pa ng pagtaas ng boses nito
"Yun nga eh nagawa nya akong saktan dahil sa mahal nya padin ako at hindi padin sya nakakamove on kaya bumigay sya sa plano ni ashlieanne, kahit nga ako hindi makapaniwala na magagawa nya yon" mapait na aniya ko
"I knew it , alam ko na hindi na talaga sya magbabago pa....pero tao lang din naman si scot and alam ko na hindi nya naman yon sinasadya . Alam mo naman na nagawa nya lang yon kase sobrang mahal ka nya diba" ang kaninang pagtaas ng tono ng boses nito ay napalitan ng malumanay na tono.
"Ang akala ko ba sobrang galit ka sakanya ?, pero ngayon pinagtatanggol mo sya ?" kunot ang noong aniya ko
"Couz,hindi ko sya pinagtatanggol,binabase ko lang sa obserbasyon ko yung sinabi ko "
"Then, tell me your observation"
"Nung nagsimula syang manligaw sayo nakita ko yung ibang side nya na hindi ko pa nakikita,aaminin ko na nung una nagdududa pa ako sakanya dahil nga kilala sya sa pagiging playboy kaya bihasa na sya sa mga pagpapakilig na yan pero kalauna'y narealize ko din na seryoso nga talaga sya sayo lalo na nung nakita ko syang umiyak nung debut mo . kaya please can you give him another chance ?"
"I think ....pwede ko pa syang bigyan ng chance pero hindi pa sa ngayon "
"Ano palang balak mo ngayon na alam mo nang sinet up lang pala si cam?"
"I need to talk to him ,besides may kasalanan din naman ako kase hindi ko sya pinakinggan muna"
"Kumain ka muna bago ka umalis baka kase bigla kang himatayin dyan sa daan ihh" pagpipilit nito
at kagaya nga ng sinabi ni nicole tumayo na muna ako at lumapit dun sa lamesa kung saan nakalagay yung mga pagkain na dala dala nya kanina,mabilisan ko itong kinain bago maligo at magbihis para makipagkita kay cameron.
Habang kumakain si zephyrine nakangiting nakatitig dito ang pinsan nito na si nicole habang nakaupo padin duon sa kaninang pwesto nito , masaya ito dahil nagawa nitong makumbinsi si zephyrine na mapatawad si scot ngunit sa kabilang banda ay nagtataka din ito kung bakit nga ba nya ipinagtanggol ang binata . Siguro nga 'y dahil nakita nito na sincere ang panliligaw ng binata o kaya'y may kung anong naramdaman na ito para sa binata .
Nang matapos ng kumain si zephyrine nagpaalam muna ito kay nicole na maliligo na matapos nyon ay tumayo na ito at tumungo sa walk in closet nito upang makapaghanda na ng susuotin , matapos ang ilang minuto ay natapos na itong maligo at nakapagbihis narin at habang nagaayos ito ng sarili naisipan nito na tawagan si cameron ngunit bago pa nito ito matawagan ay naunang nagring ang phone nito na agad din nitong sinagot .
"Zephyrine.... how are you?, know na baka hindi mo pa ako napapatawad hanggang ngayon but can we meet?"
"Cam....I 'm sorry, sorry kase hindi ko pinakinggang yung side mo and don't worry I'm fine . tatawagan na nga sana kita kanina bago ka tumawag para makipagkita sayo cause I want our relationship to be fix"
"I-I fetch you there , just w-wait for me "
"I'll wait don't worry" zephyrine said before she hang up
Nang ibaba na nito ang telepono mabilis ang naging galaw nito, lumapit ito sa salamin na katabi ng walk in closet na kasing laki nito at mabilis na tiningnan nito ang repleksyon bago tumungo palabas ng kuwarto. Nang makababa ito ay agad na sinalubong ito ng mahigpit na yakap na kanyang ina .
"How are you?"
"I'm fine mom what about you?, and I'm sorry kung napagalala kita"
"Its ok as long as you're fine"
"Mom ok lang po ba na umalis muna ako ?"
"Why?"
"Kailangan ko lang po makipagkita kay cameron, kaya po magpapaalam po sana ako kung pwede?"
"Of course darling,and don't worry naipaliwanag na sakin ni nicole lahat"
"Thank you for understanding me mom"
"Ofcourse I understand you because you're my daughter,right"
"Right mom"
"Uhm excuse me, sorry to disturb you two but nandito na kase yung sundo mo couz"
"Thank you for telling me couz,I have to go mom" sabay bitaw ko dito at halik sa pingi nito
"Magiingat kayo ahh"
"Ofcourse, we will"
Pagbukas ko ng gate ay tumambad sakin ang itim na kotse ni cam kaya agad na lumapit ako dito,pagkapasok ko sa loob ay naging akward para sakin ang atmosphere dahil narin siguro seryosong nakatingin lang sa harap si cam at hindi man lang nagsasalita. Naging tahimik ang byahe at ang tanging naririnig ko lang ay yung aircon, tunog ng sasakyan at syempre pati paghinga ko. Gusto ko sanang magsalita para naman maging magaan na ang atmosphere sa pagitan naming dalawa pero wala akong lakas ng loob para gawin iyon .
"You can turn on the radio if you want," aniya nito sa gitna ng katahimikan na sinunod ko naman para iwas awkward narin
Habang nasa byahe padin ay mas pinili kong tingnan ang bawat nadadaanan namin at napansin ko din ang biglaang pagkulimlim ng kalangitan na kanina'y tirik naman ang araw.
"So...how are you?" basag nito sa katahimikan na ikinabigla ko naman
"I'm f-fine"
"I heard ilang araw kang nagkulong sa kuwarto mo?"
"Yeah" mapait na aniya ko
"Is something happened?" he ask worriedly
"Yeah...and also yun din yung dahilan kaya ako nakipagkita ngayon"
Matapos nyon ay wala ng nagsalita pa saming dalawa at makalipas din ang ilan pang oras ay nakarating nadin kami sa Isang cafe na napapalibutan ng mga Puno kaya nagmistula itong probinsya , agad akong bumaba ng kotse nang maipark na ni Cameron yung sasakyan at sabay kaming naglakad papasok sa cafe at pagkapasok namin ay agad kaming sinalubong nung waiter at iginayak kami nito sa pwesto namin.
"Do you want to order first?" He ask pagkaupong pagkaupo namin
"Sure, ok lang ba na ikaw nalang yung umorder para sakin?" nahihiyang aniya ko dahil ngayon lang ako nakapunta sa cofee shop na ito kaya di ko alam kung anong oordiren ko atsaka tutal sya naman yung nagdala sakin dito ay paniguradong alam nito kung ano yung best seller nila dito.
" Of course," he said then smile a little bit bago nya kunin yung menu na nakalapag sa mesa
Nang makaalis yung waiter na kumuha nung order namin ay naging tahimik ulit kaming dalawa ng ilang oras kaya nabaling tuloy ang atensyon ko sa paligid, iilan lang kaming nandito ngayon sa cafe may babaeng nagbabasa ng libro sa katabing lamesa namin, may couple na nagdadate dun sa may bandang likod ni cam at may mga nakatambay na magkakaibigan sa bandang unahan namin. Kung tutuusin ay aakalin mong isang simpleng paguusap lang ang paguusapan namin dahil wala naman kami sa isang private place pero mas mabuti narin siguro yung ganito dahil mas nakakakalma.
"Here's your order ma'am and sir" aniya nung waiter kaya nalipat ang atensyon ko dito
"Thank you" aniya ni Cameron dito
"Ano pala yung gusto mong sabihin" maya maya'y aniya nito
"Ayaw mo bang mauna muna?, baka kase mas importante yung sayo"
"No, it's fine. You go first"
"Ok, first I just want to say sorry...kase hindi ko pinakinggan yung side mo it just that a-ang sakit lang talaga"
"Don't worry, I understand" he smiled na animo'y inaassured ako na ok lang at hindi ko na kailangan pang magalalaa pa dahil ayos na
"Nung nakaraan pala... pumunta sa bahay si Scot at ipinaliwanag nya sakin yung nangyare sayo, nalaman ko din na wala ka pala talagang kasalanan at lahat ng iyon ay plano lang nila nung ashlieanne. Sorry kase pinag- dudahan kita agad at ni hindi man lang kita pina-kinggan,"
"I know, dahil nauna akong sabihan ni Scot but please I hope you forgive him" nakangiti ito ng matipid ngunit bakas naman sa mga mata nito ang lungkot
"I know naman na nadala lang din sya ng emosyon nya pero hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung kailan ko sya mapapatawad, oo nga pala ano yung gusto mong sabihin?"
"I just want to say that I 'm happy na nalaman mo na yung totoo and I'm grateful na kahit papaano ay marami tayong nabuong memories together, I promise that I always treasure those memories... it's not your fault and it's not mine but it's time for us to go on. You know that I love you and I treasure you, sorry mahal I'll go ahead I-I'm sorry kung hindi na kita maihahatid "
Medyo natagalan sa pagrehistro sa utak ko ang mga sinabi nito kaya ilang minuto bago ko narealize yung ipinahihiwatig nito sa mga salitang sinabi nito. Agad akong napatayo at hinabol ito ngunit huli na.... dahil nakaalis na pala ang sasakyan nito.
Minahal ko sya ng sobra kaya sobrang sakit nung nakita ko yung video na kasama nya si ashleianne at ang akala ko yun na yon pero, akala ko lang pala.
mas masakit pala pag akala mo ok na
pag akala mo pwede ulit na maibalik yung dati
yung handa kang kalimutan yung sakit para lang magkabalikan kayo, pero hindi na pala puwede
akala ko okay na, akala ko pwede pa .
pero hanggang akala lang pala.
Nung mga oras na ito ay napatanong ako sa sarili ko.
worth ba ako?
may mali ba sakin?
do i need to change myself?
di ko alam eh, DI KO NA ALAM .
He's the only guy that I love, the guy who can make me feel butterflies .
Sya yung tao na napakasungit pero grabe kung magalalaa, yung akala mo walang pakialam sayo pero yung totoo apaka clingy nito.
A cold guy outside but a softie inside.
Sobrang nanginginig ang tuhod ko ngayon na sinabayan pa ng sobrang bigat na pakiramdam, na napakabigat na tila ba dinaganan ng napakabigat na bato. Halo halong emosyong ang nararamdaman ko ngayon may lungkot, panghihinayang at pagsisisi ni hindi ko nga alam kung bakit hanggang ngayon ay nakakayanan ko pang tumayo kahit na ramadam kong anumang oras ay bibigay na ito.
Ramdam ko ang titig ng mga taong nakapaligid sakin ngunit wala akong pakialam doon dahil ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay si Cameron.
Ito na ba talaga?
wala na ba talaga?
huli na ba?
Masakit. Oo, ngunit kung yan ang gusto mo ay tatanggapin ko at kakayanin ko. Sana maging masaya ka dahil yun lang naman yung gusto ko, sana sa susunod na pagkikita natin ay pwede pa at pwede na.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro