Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

p r e d e s t i n a t i o n

Maine wearing a white half shoulder long sleeves and a denim skirt. Tamang tama lang sa naka schedule niyang lakad ngayon. To Veron's house para sa inihanda nitong hepa-B party. At first kumulot talaga ang straight na bangs ni Maine nang imbitahin sya ng kaibigan dahil sa weird nitong theme para sa birthday niya, pero since matalik na kaibigan niya 'to and almost a year na silang hindi nagkikita e wala siyang karapatang tumanggi.

"Hi. Japorms ah? 'San lakad?" bati ni Alden sa dalaga na kalalabas lang sa lungga nito.

"At sino ka para tanungin kung saan ako pupunta?" taas kilay niyang tanong.

"Kras mo. At least, may label na tayo, diba?" sabi nito kasabay ng pagtaas baba ng kanyang perpektong kilay.

"Crush your face!" sigaw nito.

"Kras, ano name mo?" he asked.

Lumapit si Maine kay Alden at hinawakan ang batok nito saka bumulong sa tenga ng binata.

"Teka Kras, may kiliti ako diyan.. Yiee." kinikilig na sabi ni Alden.

"Kung gusto mo, paghirapan mo.." she teased. Ngumiti ito at nag-abang na ng tricycle sa kanto.

Lumapit si Alden sa kanya at hinawakan ang kamay ng dalaga. Nanlaki ang mata ni Maine dahil para bang nangyari na ito. Sa lugar kung saan niya kasama ang lalaki sa panaginip habang naghihintay ng tricycle sa kanto. 

Unti-unti siyang tumingin kay Alden at tinitigan ito mula ulo hanggang paa. Hindi siya maaring magkamali, ganito ang pormang naaaninag niya sa kanyang panaginip.

Agad siyang kumawala sa pagkakalingkis ng kamay ni Alden at napa-atras ito.

"Bakit mo hinawakan yung kamay ko!?"

"Bakit, kinilig ka ba?" sagot nito.

Hinampas ni Maine si Alden gamit ang kamay nito kaya bahagyang lumayo ang binata.

"How. Dare. You. Hold. My. Hand.! Pwede ba Alden. Sinisira mo ang araw ko!"

"Dapat sa isang relasyon, nagkakaintindihan tayo. Kaya ko lang naman hinawakan yung kamay mo kras, kasi kanina ka pa pinagtitinginan ng mga tambay sa kanto," sabi ni Alden sabay turo sa mga lalaking naka topless at nagyoyosi.

"Concerned lang kras. Ngayon mamili ka? Pagpyestahan nila yang off shoulder mo, o hawakan mo ang mga kamay ko?" pang-aaasar ni Alden.

Napatingin si Maine sa mga tambay sa kanto at nandiri ito. Maliban sa yosi sa mga kamay nila ay naglalabasan pa ang mga dila na parang palaka.

Lumapit si Maine kay Alden at unti-unti niyang ikinulong ang mga palad niya sa kamay ni Alden na ikinagulat ng binata.

"Ang clingy mo kras.." bulong nito na may ngiti sa mga labi.

Magsasalita na sana si Maine ngunit bumitaw si Alden at nagpaalam.

"Kunin ko lang yung tricycle ko, ihahatid na kita. Diyan ka lang kras.." bilin nito habang tumatakbo palayo.

Habang pinagmamasdan ni Maine si Alden na preskong presko na nagpapatakbo ng tricycle ay nakita niya ang kagwapuhan ng binata.

Hindi niya namamalayan na kanina pa pala siya tinatawag ni Alden.

"Kras, sakay ka na sa'kin.."

"..."

"Huy!"

"..."

"Kras ko!"

Bumalik sa katinuan si Maine nang hawakan muli ni Alden ang kamay niya at hinila ito patungo sa likod ng trike.

Binuhat niya ito at isinakay sa likod ng tricycle.

"Kras, hawak ka sa bewang ko dali!" kinikilig na sabi ni Alden,

"Bakit?"

"Sige ka, kapag napansin nila na magka-away tayo, lagi ka nilang aabangan sa labas. Gusto mo bang binabastos ka nila? Ayoko syempre."

"Sige na.. Tara na please, kasi malelate na ako."

"Isang ngiti muna.."

Napasulyap muli si Maine sa mga tambay at hindi ito mapakali. Tingin niya ay rapist ang mga ito at walang maidudulot na maganda sa lipunan.

"Kras, pasensya na kung hindi naging maganda ang simula natin. Magkatabing kwarto lang tayo, sino pa bang magtutulungan?" bulong ni Alden habang nagdadrive.

Humawak si Maine sa bewang ni Alden at pasimpleng ngumiti ito sa likod ng binata.

"Aray ko po. Nakukuryente ako sa kilig, Kras." kinikilig na sabi ni Alden. Namumula pa ang mga tenga nito at hindi masukat ang mga ngiti sa mga labi.

"Ako nga pala si Maine.." bulong ng dalaga.

"Sa wakas, may pangalan ka na kras ko.. Ikinagagalak kong makilala ka Maine.." bati ni Alden. Sumulyap ito sa likod at nginitian si Maine.

Napatingin ang dalaga sa malalim na beloy ng binata na humaplos sa puso niya.

"Sandali lang Alden, baka may magalit.."

"Tinatanong mo ba kung may syota ako?"

"Parang ganun na nga. So, may magagalit nga ba?"

"Kung gusto mo, paghirapan mo.." panggagaya ni Alden sal inya ni Maine kanina. Nagtawanan na lang ang dalawa at kita sa mga mata nila ang kakaibang saya sa piling ng isa't isa.

Hindi tinigilan ni Alden ng mga pick up lines si Maine habang nasa byahe sila. Nagkamali ang dalaga ng impression sa binata dahil kabaliktaran ang lahat ng ito. Hindi siya mayabang at ugali pala talaga nito ang pumik up lines. Dito niya napatunayan na halos lahat ng driver ay sweet lover.

"Maine, sigurado ka bang dito ka pupunta? Kasi makikikain ako dito.." tanong ni Alden habang pinagmamasdan ang lugar na itinuro ni Maine. Pareho ito sa lugar kung saan siya pupunta ngayon.

Nagpark si Alden sa gilid ng puno at sinalubong naman sila ni Veron.

"Glad that you both came together. Hindi ko na kayo kailangan i-introduce pa sa isa't isa dahil mukhang close na kayo.."

"Magkakilala kayo?" sabay na tanong nina Maine at Alden sa isa't isa.

"See. Close na talaga kayo. Anyways, serve yourself na lang guys kasi maraming bisita. It's a street food party so eat all you can.." paalam ni Veron.

Hindi na sinayang ni Alden ang pagkakataon dahil kanina pa ito gutom at gusto na niyang chumibog.

Hinila niya ang kamay ni Maine at nagtungo sila sa isawan upang ipatikim sa dalaga ang sikat na isaw ng Pilipinas.

"Ano yan?"

"Ito ang isaw, laman loob ito ng manok. Siguradong makakalimutan mo pangalan mo kapag kumain ka nito." pagbibida ni Alden,

Pasimple niyang inakbayan si Maine habang nag-iihaw. Naramdaman ito ni Maine ngunit hindi niya pinigilan ang binata dahil ayaw man niya aminin, gusto niya rin ang pag-akbay sa kanya. 

"Maine, isaw ka ba?" tanong ni Alden.

"Bakit?"

"Kasi, nag-iISAW ka sa puso ko.. Syet baduy." bulong ng binata.

"Alam mo ikaw, kumain ka na nga, gutom lang yan Alden.." natatawang sabi ni Maine. Sinubuan niya ng isaw si Alden upang manahimik ito.

"Hindi ko alam na ganito pala kasarap ang isaw, kapag kasama ka.." seryosong sabi nito.

"Hindi bagay sa'yo magseryoso. Kain ka pa.." Sinubuan uli ni Maine si Alden hanggang sa mabilaukan ito.

Habang pinagmamasdan ni Maine ang mga ngiti ni Alden ay tila ba pumasok sa kanyang isipan ang lalaking nasa panaginip niya. Kinikilabutan siya. Dahil para bang nangyayari ang lahat sa panaginip niya. Ang pag-abang ng tricycle at nag pagkain nila ng isaw.

Hindi rin niya masabi kung nagkataon nga lang ba ito o sadyang pinaglapit lang sila ng tadhana.

"Bakit? May dumi ba ako sa mukha?"

"Wala naman. Kain na tayo." tinikman ni Maine ang isaw. Hind siya makapaniwala na masarap pala ito.

Habang masayang kumakain ang dalawa ay dumating ang photographer upang kuhanan sila ng litrato.

Iniharap ni Maine at Alden ang isaw at saka lang napagtanto ni Maine na ganoon din ang nasa panaginip niya.

Biglang nag-walk out si Maine na ipinagtaka ni Alden kaya hinabol niya ito.

“Maine, may problema ba?”

“Just leave me alone for now.. Naguguluhan kasi ako..”

“Bakit? Pwede mong sabihin sa akin, baka makatulong ako..”

“Iwan mo muna ako please..”

“Ano kasi yun?” Hinawakan ni Alden ang kamay ni Maine upang pigilan ito.

“Kasi pakiramdam ko, nangyayari na lahat ng nasa panaginip ko. Itong lahat ng ito. Ikaw. Ako. Yung isaw. Yung tricycle..Tss! Never mind na nga lang.” nalilitong sabi ni Maine habang pabalik balik sa kinaroroonan nila.

“Baka kasi, sign na pala yun na ikaw at ako, magiging tayo..” seryosong sabi ng binata.

“Hindi ako nagbibiro Alden..”

“Eh, hindi rin naman ako nagbibiro, naririnig mo ba yung mga tunog ng tambol sa paligid?”

Inikot ni Maine ang mga mata niya ngunit wala naman siyang nakikita at lalong wala siyang naririnig.

“Bugtong-bugtong.. Hindi mo siya nakikita. Pero naririnig mo siya at nararamdaman..”

“Ano naman ‘yun?”

Ipinatong ni Alden ang kamay ni Maine sa dibdib niya.

“Ito..” he whispered.

Kung kanina ay tambol lang sa puso ni Alden ang naririnig, ngayon ay daig pa ang ibong nagliliparan sa langit, mga bulaklak na umuusbong sa paligid at mga pusong kumakanta sa parehong himig.



📖

A book collaboration with mchay101

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro