Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

m i s c h i e v o u s

Sa pangalawang gabi ni Maine sa bago nyang tirahan, ay dinalaw siyang muli ng lalaking malabo ang mukha sa panaginip niya. Magkahawak kamay sila ng lalaki, habang tila may hinihintay. Kung ano o sino?, yun ang hindi maaninag ni Maine sa lugar. Sa lugar na pamilyar sa kanya, pero hindi niya matanto kung saan.

Wala silang pakialam kung gaano man kahaba o katagal ang paghihintay, kontento na sila sa higpit ng pagkakahawak nila sa isa’t-isa, habang nagtatagisan ang kanilang mga hinlalaki at masayang nilalaro at pinagkikiskisan ang mga iyon, na para bang sa bawat haplos ng mga kamay nila ay binubuo nito ang pagkatao ng bawat isa.


Pilit inaaninag ni Maine ang mukha ng lalaking ito sa likod ng kanyang mga matang nakapikit, ngunit wala syang ibang makuhang palatandaan kundi ang matatamis nitong ngiti at ang malalim nitong beloy sa pisngi.

Habang kinakabisado ni Maine ang mukha ng lalaki sa panaginip niya, bigla siyang nakaramdam ng malamig na pagpatak ng tubig sa kanyang balat. Sanhi upang siya ay maalimpungatan. At sa pagbukas ng mga mata niya, ang nakangising si Alden ang nakita niya.

"What the hell are you doing in my room!" sigaw niya rito na halos makarating na sa kabilang kanto.

"Aruy ginoo, tutuli ko! Grabe ka naman makasigaw, daig mo pa si Manang ah?! Jusmiyo! Tsaka, hell agad? Hindi ba pwedeng good morning kras muna?”

“Urgh! Whatever! Ano na naman ba kasi kailangan mo at ang aga-aga mong mambwesit?!” galit na sabi nito.

“Grabe siya. Ang gwapo ko kaya para maging bwesit. Tsaka, iisa lang miss ang banyo natin. Kaya maning-mani lang makapasok dito sa kwarto mo.”

Napailing-iling si Maine, napaisip na hindi pala sya safe sa kwarto niyang yun. Maari siyang mapagsamantalahan ng mayabang na taong labanos anytime.

Pero aminin mo girl, gusto mo rin. At h’wag kang magdeny, kokonyatan kita. Attracted ka sa mokong na yan, kahit pa asar na asar ka sa kanya.

Sabi ng boses sa likod ng isipan ni Maine. Napabuntong hininga na lang siya dahil totoo.

“Miss, pwede magpatulong? Wala kasing tumutulong tubig.. Ligong ligo na ako e..” pakiusap ni Alden kay Maine na nakatapis lang. Pinilit naman ng dalaga na ’wag mapadako ang tingin sa parteng dun. Dahil delikado sa nag-ma-matigas nyang puso ang naaaninag niyang masarap sanang agahan sa umagang ‘yun. Kaya sinungitan na lang niya ito.

"Save your ass."

Padaskol niyang kinuha ang unan sa tabi at itinakip ito sa mukha niya, ngunit naaninag pa rin ng dalaga ang mga paa nito na nakatayo sa harapan niya na para bang si Lotus feet ang nakatitig sa kanya.

Oh god, that feet! Kahit ba naman paa niya bes, gwapo? Her thoughts.

"Huy Miss, nangangati na yung kili-kili ko, may kainan pa akong pupuntahan.. Sige na. Plith." Pagmamaka-awa ni Alden sa dalaga, sabay kalabit.

Kahit anong gawing pagtatago o pag-deadma ni Maine sa ilalim ng kumot, hindi pa rin sya tinigilan ni Alden. Kaya wala siyang nagawa kundi pagbigyan ito at matahimik na ang dapat sana’y tulog niya pang mundo.

Urrrgggh!! Damuho!

Singhal niya sa sariling isip, at binigyan niya ang binata ng dead glare pagkalabas niya ng kumot. Padabog siyang bumangon sa higaan at humagibis patungong banyo para buksan ang shower. Nakasunod naman si Alden sa likod niya, na grinning ear to ear.

"Uy! Ayus. Automatic!" Manghang-mangha na sambit ni Alden dahil first time niyang makagamit nito, sanay kasi itong maligo na gamit lang ang kanyang tabo.

"Thank you for waking me up!" sarkastikong sabi ni Maine sabay inirapan ito, tumalilis siya patalikod ngunit nang pag-apak niya sa sahig palabas ng banyo ay nawalan siya ng balance at nadulas. At syempre to the rescue naman si Alden na naka ironman brip at nasalo siya.

"Woops kiri woops kiri woops everytime I see you.." pang-asar ulit ni Alden sa nakasandal na dalaga sa hubad na niyang katawan, habang malagkit ang mga titig nito sa mga labi niya.

Napahigpit ang kapit ni Maine sa mga kamay ni Alden, sobrang higpit hanggang sa bumaon ang mahahaba niyang kuko dito, kaya namilipit ito sa sakit.

“A-aaray!”

"You. Don’t. Have. The. Right. to. Touch. Meee!” Paisa-isa at gigil na gigil na sabi ni Maine, bago siya umayos ng tayo at bitiwan ang mga kamay ng binata.

“Bakit inaano ka ba?! Anak ng tinapang bulag sa katarata naman oo! Ikaw na nga ‘tong sinalo, ikaw pa ‘tong nanakit! Imbes na magpasalamat, jusko ka talaga!”

“Whatever! That’s the pay for my supposed to be wonderful sleep that you ruined.”

"Maryosep ka! Tagtuyot na uy! H’wag mo ng isama pati utak ko. Hindi ka ba masaya na 2 in 1 pa tumulong sa’yo? Ang kakisigan ko.. (sabay pakita ng kanyang biceps) at si IronMan na laging sumisilip sa’yo.”

Inirapan lang siya ni Maine at tuluyan ng iniwanan ito sa banyo. Isinara niya ang lahat ng kurtina upang makapagtago kay Alden at tsaka siya bumalik sa higaan. Balak pa sana niyang matulog muli, kaso nag-alarm na ang cellphone niya. Kaya wala na siyang nagawa kundi, bumalik ulit sa may labas ng banyo upang makaligo na rin pagkatapos ng mokong.

Pero mahigit sampung minuto na si Maine na nag-aabang sa labas pero wala pa ring lalaking labanos na lumalabas.

"May maliligo po! Pakibilisan." Parinig na niya rito, dahil kailangan na niya talagang maligo at malelate na siya sa pupuntahan.

Ngunit ang akala niyang pagbukas ng pinto, ay syang hudyat ng paglabas nito, pero hindi. Dinungaw lang siya nito ng ulo niyang may mga sabon pa, at nagsabi.

“Sabay ka? Para makatipid tayo sa tubig.”

“Mukha mo, sabay!” Asar na sagot ni Maine dito sabay hampas ng tuwalya sa mukha nito. Tinawanan lang siya ng mokong at muling isinara ang pinto. Kapagkuwan ay bumukas ulit at iniluwa ang anak ni Adonis ng Mt. Olympus na nakaboxers na. Hindi mapigilan ni Maine na pakatitigan ang magandang hubog ng katawan nito.

Sinusundan ng tingin ang naguunahang tubig na pumapatak mula sa basa nitong buhok, na umaagos pababa sa leeg hanggang sa broad chest nito. Napalagok si Maine ng sarili niyang laway ng madako ang tingin sa mamula-mula nitong nipples. Isang lagok ulit, nang magawi sa payb packs abs nito. Pero nang mas bumaba pa ang tingin niya, siya namang pagsalita ni Alden.

“Dahan-dahan sa titig kras, baka matunaw ako.”

Biglang natauhan si Maine mula sa malalim na pagpapantasya dahil sa narinig.

“Tse! Masyado ka--”

“Masarap? Oo, alam ko. Actually since birth pa..” Pabulong nitong sabi sa tenga ni Meng, sabay ihip dito na nagpatayo sa balahibo niya sa buong katawan. Sanhi upang bigla siyang mapapitlag. Pero bago pa man niya masapok ang binata, mabilis na itong tumakbo papasok sa kwarto nito habang tumatawa.

“Aaaargh! Asar! May araw ka rin sa’kin lalaki ka!”

***

Pagkatapos niyang mag-shower may naisip siyang plano kung paano siya makakaganti sa pang-iinis ng binata.

“Harot ang gusto mo ah? Sige, pagbibigyan kita.” bulong ni Maine sa sarili.

At hinintay ang paglabas ni Alden sa sarili nitong kwarto upang gumanti dito. Tumayo siya sa gilid ng pader na para bang inaakit ang binata.

"Huy, Kras...watdapak!” Reklamo ni Alden habang nakatakip ang mga mata. Ngunit nakakasilip pa rin ito sa pagitan ng mga daliri niya.

Ngumiti si Maine, at kapagkuwan ay nag-lipbite, inaakit niya ang binata na para bang may gustong mangyari sa pagitan nila. Hindi mapakali si Alden, maging si Ironman ramdam nitong balisa.

“Huy, Baka nakakalimutan mo lalaki ako kras! Baka hin--”

“Baka ano ah? Go for it..say it..” she said sexily, followed by a naughty smirk on her lips.

Huminga ng malalim si Alden. Ramdam ang panlalamig ng mga kamay at paa, kasabay ng gabilog na pawis sa noo. At namumuong mainit na pakiramdam sa puson nito. Pero he have to control it, or else...baka bumigay na ng tuluyan ang nakagapos niyang puso, kasabay ng paglipad ni Ironman.

“Isumbong kita sa Nanay ko...” yun na lang ang nasabi ng binata na parang payb years old na bata, at sinubukang lumayo sa dalaga kahit halatang nag-aalangan.

Hindi nagsalita si Maine, bagkus binigyan niya lang ito ng malalagkit na tingin at matatamis na ngiti. Na lalong nagpatunaw sa naka kadinang puso nito, na halos isang taon nitong iningatang ‘wag pasukin ng iba pagkatapos ng relasyon nila ni Janet. Ang ex-girlfriend nitong iniwanan siya, dahil sa isang rason. Wala daw silang future sa pagiging traysikel driver ng binata.

Bumuga si Alden ng marahas na hangin. At bahagyang pumikit. Pero sa pagdilat nito, ay ibang Alden ang nakita ni Maine sa mga mata nito.

Si Alden na seryoso at hindi pilyo. Si Alden na nagniningas ng pagnanasa ang mga mata, para sa kanya. Dahan-dahan itong naglakad palapit sa kinaruruunan niya.

Ganyan nga...crave for me. Her thoughts, then smirked.

Ikinulong ni Alden si Maine sa magkabilang bisig niya at one inch na lang ang pagitan nila.. Nagtatama na ang kanilang matatangos na ilong sa sobrang lapit sa isa’t-isa. Maging ang dibdib ni Maine, kumikiskis na sa broad chest nito. And it tickles her.

Shit!

Namumungay ang mga mata ni Alden, at takam na takam na itong hagkan siya. Hindi na niya matake ang kaseksihan ng dalaga, maging ang nararamdamang sensasyon na bumabalot dito.

Nang ramdam na ni Maine, na nagtatagumpay na siya sa planong i-seduce ito. Ang mga ngiti kanina sa mukha niya ay napalitan ng inis at tuluyan pang pinagsalubong ang kilay sa isa’t-isa. Biglang nadesmaya si Alden sa nakita.

“O, bakit nanaman?”

“Lagi mo na lang akong pinaghihintay. Kanina sa banyo, tapos ngayon...ngayon--ugh!”

“Ano ba kasi ang hinihintay mo ngayon? Halik ba? Huh?”

“Ugh!” Buong lakas at gigil na pinipingot ni Maine ang binata sa tenga nito.

“Anak ng tinolang tuyot ka! Aray ko Miss! Tama na...-” Maluha-luhang pagmamakaawa ng binata sa kanya, pero hinila ni Maine si Alden palabas ng kanyang kwarto at pinagsarhan ito ng pinto.

“Paasa ka bes! Lumabas ka diyan.. Pagbayaran mo ‘to!” sigaw ni Alden mula sa kabilang pinto.

“Aba? Ako pa magbabayad ngayon? Ikaw tong nang gigising para lang sa shower!”

“Bakit ako lang ba?! Ikaw nga din dyan, ginising mo rin naman si...si--😭” Pagmamaktol ni Alden sa sarili dahil sa naramdamang pagkabitin.

Nakanguso na lang itong naupo sa edge ng kama niya, ngunit agad din napalitan ang pagmamaktol niya ng isang matamis na ngiti nang maalala ang naganap sa pagitan nilang dalawa ng dalaga. Hindi maalis sa isipan nito kung gaano tinangay ng dalaga ang takot sa puso niya, at ipasok dito ang pag-asa upang magmahal muli. Mas lalo pa nitong naramdaman ang paglalaro ni Ironman underneath, nang maalala ang mabangong samyo ng hininga ng dalaga. It intoxicate him

Haruy! Mapapalaban ata si Ironman kay maria ngayon. Si kras kasi. Pafall na paasa pa.

📖

A book collaboration with mchay101

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro