Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

9: Mira

"Ano? Ginawa mo 'yon kay Samantha Love?" Two octaves yata na mas mataas ang boses ko ngayon, dala ng gulat matapos ikwento sa amin ni Vren ang pagbubunyag niya ng mga lihim ng ex-fiancée ng kuya niya. (Yes, I think the Vince-Samantha engagement was already off. Kung ako rin naman kay Vince, 'yan ang gagawin ko matapos kong malaman kung gaano ka-wild ang fiancée ko.)

"She deserves it for misleading my brother," sagot naman sa akin ng boyfriend ko.

Tanging si Vren lang ang kilala ko na walang sinasanto. Ang kuya niya, isang sikat na artista, mga estranghero — baka kahit si Shaider: Ang Pulis Pangkalawakan, kapag may ginawang hindi kanais-nais sa paningin ni Vren, malamang ay samain.

"OMG!" pakli naman ni Alexia. "Ibig sabihin, isang mapagpanggap na wild child pala si Samantha Love Banerjee? I'm so gonna tweet this!"

Akmang magta-type na si Alexia sa phone niya nang hablutin ito ni Vren mula sa kanya.

"Don't you dare, you idiot," pagbabanta ni Vren. "I didn't mean to destroy her career when I did a background check on her. I only intended to convince my brother that he doesn't know the woman he was about to marry."

"Oo nga naman. Atribidang bakla 'to! Tatanggalan mo pa ng kabuhayan si Samantha Love. E sa itsura niyang 'yon, mukhang pagpapa-cute lang sa camera ang alam niyang gawin," conceited na linya ni Hannah.

"But this is huge news! Pahingi nga ng kopya ng mga na-uncover mong pics, Papa Vren. Malaki ang kikitain ko kapag ibinenta ko ang mga 'yan sa tabloid — aray!"

"Hihirit ka pa talaga, e!" saway ni Mavi sabay batok kay Baklita. "Sabing walang siraan ng career na magaganap!"

"Oo na! Wala na! Hindi ko naman ipagpapalit ang buhay ko sa isang tweet lang!" Alexia glared at us. "Ikaw Maria Eva ha, namumuro ka na sa akin. Kung makabatok ka lagi, wagas! At ikaw naman Papa Vren, anong tinatawa-tawa mo riyan? Ipagtanggol mo ako! 'Di ba, knight in shining armor kita?"

"As far as I'm concerned, I am Mira's knight in shining armor," mapang-alaskang sagot ni Vren sa pag-e-emote ni Alexia.

"Che! May sugat na nga ang puso ko, lalo niyo pang binibiyak! Ano ba ang meron sa'yo, ha Mirathea Custodio? Inangkin mo na ang lahat ng sa akin! Wala kang puso!"

"Walang sa'yo, Alexia!" sagot ko sa pagdadrama ng bruha. Tumawa naman ang mga kasama namin.

"Hmp! Diyan na nga kayo! Hahanap na lang ako ng ibang lalandiin." Umirap si Alexia bago kami iwan para maghanap ng bagong bubwisitin.

"Maharot ka!" pahabol na sigaw ni Hannah na sinagot naman ni Alexia ng isa pang pamatay na irap.

"I can't believe how insane your gay friend is," iiling-iling na sabi ni Vren pagkaalis ni Baklita. The rest of us chuckled.

After a few minutes of silence, I decided to voice out the question that was nagging me. "Ah, Vren... Paano na ngayon ang kuya mo? E 'di hindi na tuloy ang kasal?" Siyempre ay worried din ako para kay Vince, dahil kaibigan ko rin 'yong tao.

"After what he learned about that woman? I doubt it," my boyfriend answered with a smirk.

Hannah giggled, which she quickly covered with a fake cough. Mavi and I exchanged meaningful glances before we both turned to Hannah with brows raised.

"What?" painosenteng tanong ni Chinita na noon ay biglang namula. Bago pa man kami makapagsalita ni Mavi ay bumaling na ang kaibigan namin kay Vren. Halatang-halata ang kagustuhan nitong ibahin ang usapan. "Hey, I just remembered... Bukas na ang CSR event natin, 'di ba Sir Vren?"

"Yeah," sagot ng aming boss sabay tango.

"Sa Angels' Cradle ulit tayo, 'no?" pakli naman ni Mavi.

Once again, Vren nodded assent. Bigla naman akong nakaramdam ng pagka-out of place.

"Saan 'yong Angels' Cradle?" inosenteng tanong ko.

"It's in the next town. Have you been to an orphanage before?" Vren inquired with a smile.

Umiling ako. Last year, during my first year here in Medialink, nag-sponsor ng medical mission ang company as part of our CSR — spearheaded by Vince, of course. Nagkataong nasa Canada na noong mga panahong 'yon si Vren.

"Then you shouldn't miss our event tomorrow. Angels' Cradle is a tradition to Medialink. Anyway, have you already oriented your departments?" He looked at me and Hannah expectantly.

"Tapos na ako." Nagkibit-balikat si Hannah. "Ewan ko lang diyan sa girlfriend mo, sir."

"Hindi pa. Kita mo ngang wala akong kamalay-malay kung saan tayo pupunta," defensive ko namang sagot.

"Geez. How often do you clear your inbox? A memo was sent out ages ago."

Sasagot pa sana ako nang magsalitang muli si Vren. "Never mind. I know just how excellent you are as a department head," he said with a grin.

"Aba!" pag-alma ko nang matunugan ko ang pagkasarkastiko niya. "Are you implying na wala akong kwentang AD head, Mr. Montevilla?"

"I didn't say that," mapang-asar pang sagot ng mokong.

Umirap ako. "Mukha mo! Diyan ka na nga." After giving him another deadly glare, I turned and marched away, out of my office.

"Hey, wait!" sigaw ni Vren. "Mira, I'm only teasing!"

"Teasing your face!"

"For Christ's sake. Parang 'yon lang, nagalit ka na?" Hinabol ako ni Vren, kaya naman gulat na napatingin sa amin ang mga taga-accounting department. Dinig ko ang bulungan ng ilan sa kanila — "May LQ sina Sir Vren at Ma'am Mira!"

I chose to ignore them, pero sadyang likas ang kasupladuhan sa katawan ng jowa ko. Iginala ni Vren ang tingin siya sa mga nagchichismisan naming katrabaho.

"Is there any problem?" he then asked in a haughty tone.

Sabay-sabay na nagsibalik ang tingin ng mga empleyado sa kani-kanilang computer screen. Every Medialink employee — except me, obviously — knows better than to cross our CEO.

Dahil na-distract ako sa pagsusuplado ni Vren ay nakalimutan kong nagpapahabol, este, lumalayo nga pala ako sa kanya. As expected, he took this as a chance to catch up with me. Tila kumurap lang ako ay nasa tabi ko na muli si Freak.

He gently took hold of my arm, his expression uncharacteristically solemn. Nagpigil naman ako ng ngiti.

This is it, pansit! Manunuyo na ang mokong!

"Are you on your monthly period? You seem to be in a pretty bad mood."

Mabilis pa sa alas-kwatro ang naging pag-akyat ng dugo sa ulo ko. Instead of the sweet apology I was expecting, ano ang ginawa ni Mr. Montevilla? Ipinarinig niya lang naman sa buong accounting department ang tungkol sa period ko!

Narinig ko ang mahinang pagtawa ng mga taga-AD. Sina Mavi at Hannah naman na sumunod pala sa amin, walang pag-aalinlangang humagalpak ng tawa.

"Baliw ka ba?" I hissed at Vren, my face burning with shame. "Bakit pati buwanang dalaw ko, idinamay mo sa usapan? Nakakahiya! Talagang in-announce mo pa sa madla!"

Si Vren naman ngayon ang namula. "What? I'm only trying to justify your mood swing. And besides, these people aren't kindergartners. I'm pretty sure the words 'monthly period' are not new to them."

"Kahit na! Private stuff ang monthly period!" inis kong sagot.

"Fine. Sorry." Vren sighed. "Just please stop being so grumpy, okay?"

"Hmp." I crossed my arms. "Hindi pa kita pinapatawad. Pag-iisipan ko pa."

Vren was obviously curbing a smile. "Do you like to think about it over a bowl of ice cream?"

"Ice cream?" I echoed.

"Yeah. I heard desserts can relieve PMS among women." Tuluyan nang ngumisi ang loko.

Hinampas ko ang braso niya. Muling tumawa ang mga kasama namin.

Bastos ang mokong! Trip na ipahiya ako!

Before I could think of a retort, Vren was already leading me away by the hand. "Come on, Ms. Custodio. Hannah and Mavi, you should come too. My treat."

"Yey!" Mavi exclaimed. "Teka, paano si Alexia? Tawagin ko muna ang bruha, Sir Vren!"

"Oh, please. I'm so sick of Temples. I'm pretty sure he can buy his own ice cream," Vren replied, waving off the suggestion.

Mavi, Hannah, and I exchanged glances, giggling.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro