65: Mira
"Mira, anak... may bisita ka," sabi ni Papa na noon ay nakadungaw sa bahagyang bukas na pinto ng aking kwarto.
"Pa, kung si Vren po 'yan, alam niyo na po ang sasabihin," walang gana kong sagot. Halos isang linggo na kaming hindi nagkikita ni Vren, pero hindi pa rin ako handang humarap sa kanya. "Pakisabi po, tulog ako, o kaya ay lumipad papuntang Pluto. Kayo na po ang bahalang mag-alibi."
Marahang tumawa si Papa. "Mali pala 'nak... may mga bisita ka. 'Wag kang mag-alala, wala si Vren dito."
"Mga bisita? Sinu-sino po, Pa?"
"Kami!" Sa gulat ko ay tuluyan nang bumukas ang pinto ng aking kwarto, at tumambad sa akin ang pagmumukha ni Alexia. He went inside, closely followed by Mavi and Hannah.
"Anong ginagawa niyo rito? Paano niyo nalamang nandito ako?" nagtatakang tanong ko sa kanila. I didn't tell them I would be staying in my parents' house.
"Sinabi sa amin ng kapatid mo na nandito ka," pagpapaliwanag ni Mavi. "Nag-aalala nga kami sa'yo dahil ilang araw ka nang hindi pumapasok, at hindi ka rin sumasagot sa mga tawag at text namin."
"So girl, kumusta ka na? Ang chaka-chaka mo na!" Alexia's tone was teasing, but his face was sad and sympathetic. So were Mavi's and Hannah's.
"Alam niyo na yata ang nangyari..." I remarked with a humorless smile. "Si Myron din ba ang nagkwento sa inyo?"
Hannah shook her head. "Nope. Kay Alexia namin nalaman. Ang daming alam ng impaktang 'yan, e."
"Maka-'impakta' ka naman, Hannah Marvilla!" Pinandilatan siya ni Baklita bago ako binalingan. "Nagkita kami ng jowa mo sa isang abandonadong building, sis. Nabanggit niya sa akin na may anak pala sila ng ex niya na nagkataong half-sister mo."
Nagtataka man kung papaano nagkadaupang-palad sina Vren at Alexia sa isang abandonang building ay pinalagpas ko na lang ito. I just sighed and said, "Grabe, 'no? Ang gulo-gulo ng buhay ko ngayon."
"Wala ka pa rin bang balak na kausapin si Sir Vren, friend?" Mavi, who looked even sadder, asked.
Umiling ako. "Hindi ko pa kaya. Ang hirap ng sitwasyon, e. Mas madali para sa akin na iwasan na lang muna siya. Tutal, nandiyan naman ang anak niya. 'Yon na lang muna ang intindihin niya."
"Ay! Nangangamoy jealousy ang kwarto mo, Mirathea," nakaismid na linya ni Alexia. "Pati ba naman 'yong bata, pinagseselosan mo?"
"Hindi naman sa nagseselos ako sa bata..." I trailed off when I saw my friends' identically skeptic expressions. "Oo na, nagseselos na ako! Ang sakit-sakit kasing isipin na may anak si Vren sa ex niyang ate ko pala. Kahit anong pilit ko na intindihin ang lahat, hindi pa rin mawala ang disappointment ko, ang frustration ko... kasi, alam kong never nang mabubura sa buhay ni Vren si Bella — si Ate Bella. Kahit wala na siya, nandiyan pa rin ang anak nila... Wala akong laban."
Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. I could feel the tears threatening to escape from my eyes. Akala ko pa naman ay naiiyak ko na ang lahat ng lungkot at sakit na nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw. But it turned out na may natitira pa pala akong supply ng mga luha.
"Mira..." Mavi enveloped me in a hug. "Sige lang, iiyak mo lang 'yan."
"Wala na nga akong ginawa kundi umiyak, e. Nakakapagod na rin," I replied, my voice muffled by her blouse. A few tears did spill down my cheeks, but thankfully, that was it. Ayaw ko rin namang pumalahaw ng iyak sa harap ng mga kaibigan ko.
"Alam ko na kung ano ang isasagot sa pangungumusta ni Vince sa'yo," Hannah said, her tone lacking its usual bravado. "Sasabihin kong ginawa mo nang full-time job ang pag-iyak."
"Uy, speaking of Papa Vince... sa kanya ka na lang kaya ulit, Mira?" Alexia quipped. "Tutal, ayaw mo na yata sa jowa mo dahil may sabit na siya."
"Sus, sinasabi mo lang 'yan dahil gusto mong masolo si Sir Vren." Mavi chuckled as we broke apart. "At saka baka gusto mong samain kay Hannah? Ibinubuyo mo pa si Mira kay Doc Vince kahit may something na rin between him and Han."
"Kaunti na lang talaga at bibingo na ang bruhang ito sa akin," linya naman ni Hannah na noon ay nakatingin nang masama kay Alexia.
"Don't worry, Han." I had to smile slightly as I witnessed their banter, which I missed. "Never naman akong nagkaroon ng romantic feelings for Vince. Crush, oo. But that's nothing compared to how I feel for Vren. Mahal na mahal ko ang supladitong 'yon."
"There you have it!" Napapalakpak pa si Alexia. "Sa'yo na mismo nanggaling kung gaano mo kamahal ang jowa mo. So, bakit parang sinusukuan mo na siya ngayon? Igi-give up mo na ba siya nang dahil lang sa nalaman mong may anak sila ng half-sister mong tegi na?"
Tinaasan siya ng kilay ni Hannah. "Por que side ni Sir Vren ang una mong narinig, sa kanya ka na kakampi? Mira could take some time off from their relationship for as long as she wants. She was hurt, and she needs distance from him to nurse her heart. 'Wag kang biased doon sa isa!"
"Gaga! Anong biased ang sinasabi mo riyan? Parehas akong concerned kina Mira at Papa Vren," agad na sagot sa kanya ni Alexia. "Pero kailangang mamulat sa katotohanan ng sisterette natin. Ano ba ang magagawa ng pag-cry me a river niya, aber? Kahit anong pag-iyak ang gawin niya, hindi na mababago no'n na meron na palang anak si Papa Vren. And at the end of the day, it all boils down to whether or not she loves him well enough to accept everything about him, including his son."
Tinanggal niya ang tingin niya mula kay Hannah at inilipat ito sa akin.
"Kung mahal mo talaga si Papa Vren, walang rason para patagalin niyo pa ang misunderstanding niyo. Pero kung hindi... better tell him now, sis, so you can both move on with your lives. Walang magagawa ang pag-iwas mo sa kanya."
"Wow naman. What makes you think na pwede mong diktahan si Mira, ha?" Hannah placed her hands on her hips. "Desisyon ka, Pinpin?"
"'Wag na nga kayong magtalo," saway ni Mavi sa dalawa naming kaibigan. "Lalo niyo lang pinalulungkot si Mira, e."
"Tama naman si Alexia," I said with yet another sigh. "Nasa akin ang problema dahil hirap na hirap akong tanggapin na meron nang anak si Vren. Does that make me selfish?"
"Hindi ka selfish, Mira. Your feelings are valid — and quite normal, if you ask me. Kahit sino naman siguro, kapag nalamang may anak ang boyfriend niya sa ibang babae, ganyan din ang magiging reaksyon," sabi ni Mavi.
"Hay, naku. Bahala na nga kayo sa buhay niyo, girls. Ang hirap sa inyo, e. Masyado kayong emotional," Alexia commented, his smirk back in place.
"At ang hirap sa'yo dahil pusong-bato ka," ganti naman ni Hannah sa kanya. "Hindi ka ba naaawa kay Mira?"
"Kakasabi ko lang na parehas akong concerned sa kaibigan natin at kay Papa Vren, 'di ba? Naaawa ako sa kanilang dalawa dahil pareho lang naman silang biktima ng pagkakataon." Talagang hindi magpapatalo si Baklita. "Kung merong dapat sisihin dito, Mira, iyon ay ang ate mong pumanaw na. Mamamatay na nga lang, nag-iwan pa ng problema. Ang sakit sa bangs!"
"Kapag ikaw, minulto mamayang gabi ng ate ko..." pananakot ko habang nagpipigil ng ngiti.
"Gora lang! Hindi ako natatakot diyan kay Isabella. Baka gusto niya pang talakan ko siya dahil pinapasakit niya ang ulo ng MiRen!"
"MiRen?" Mavi echoed with a frown.
"Mira plus Vren, duh!" Alexia rolled his eyes. "Naiwan mo yata sa Medialink ang utak mo, Mary Eve?"
"Ang dami mo talaga alam." Umiling-iling si Mavi.
Napangiti ako nang marinig ko ang bansag ni Alexia sa amin ni Vren.
MiRen... I like the sound of it. Siguradong mapapangiti rin si Vren kapag sinabi ko sa kanya ang tungkol sa couple nickname namin.
Thinking of my boyfriend made me realize just how much I missed him at the moment.
"I'm going to talk to Vren tomorrow," I declared, which caused my friends to look at me in surprise. "Alexia's right. Walang magagawa ang pag-iyak ko, at wala ring magagawa ang pag-iwas ko. Kailangan naming harapin ito nang magkasama."
"That's my sister!" Nakipag-high five sa akin si Baklita. "Mabuti naman at naliwanagan ka na."
"Fine, if that's what you want..." Hannah shrugged. "But if I were you, Mira, I'd really need more time to think things over. Hindi mo kailangang magmadali."
"Basta ako, kung ano man ang desisyon ni Mira ay suportado ko siya." Mavi reached for my hand and gave it a gentle squeeze. "Trust your instincts, friend."
"Thank you, Mavz. At salamat din sa inyo, Alexia, Han... Sobrang swerte ko dahil naging kaibigan ko kayo."
"Sus, nagdrama pa ang isang 'to... Maswerte tayo sa isa't isa, 'no? PPGnG forever!" irit ng pinakamaarte sa aming apat. "Tara ngang mag-group hug!"
I smiled as I got enveloped in my friends' arms. No matter what problem life throws at me, it's a comfort to know that I'll have Alexia, Mavi, and Hannah by my side. Magkakaiba man sila ng pananaw minsan, alam kong iisa lang ang gusto nila — ang mapabuti ako.
It's true that guardian angels exist, I thought. They do... in the form of friends.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro