45: Mira
"Alam mo, Alexia, kung hindi ka lang naging bakla ay baka nilandi na kita," Hannah, who was applying electric pink nail polish to her fingernails, said. "Ang gwapo mo pa naman sana. Sayang!"
"Kilabutan ka nga sa sinasabi mong lalandiin mo ako, Hannah Marvilla!" Pinandilatan siya ni Alexia. "At saka anong sayang ang sinasabi mo riyan? Hindi sayang ang pag-e-express ng tunay nating pagkatao. And this is the real me – gay and proud!"
"Hmm, sabagay." Hannah beamed at him. "I stand corrected. You do you, girl!"
"Thanks, girl." Alexia returned her smile. "Hindi ko naman kasi kasalanan na pusong-babae ako. Kung pwede nga lang na magpalit ng katawang-lupa, matagal ko nang ginawa. Pipiliin ko ang katawan ni Mira para maangkin ko na si Papa Vren."
"Bruha ka talaga, Alessandro Pinpin." Tumawa si Mavi.
"Pasensyahan na lang tayo dahil hanggang pangarap na lang ang pag-angkin mo kay Vren," I told Alexia with a smirk. "Mr. Montevilla is mine."
"Mr. Montevilla is mine, e hindi nga kayo bati?" mapang-asar na tanong naman niya.
"Che! Magbabati rin kami. You just wait," confident na sagot ko. "Lalo pa ngayon na nakaisip na ako ng paraan para suyuin siya?"
Tumaas ang kilay ni Alexia. "Gano'n? At ano naman 'yang naisip mong paraan, aber?"
"I'm going to give him a peace offering. Sakto dahil birthday na ni Freak bukas." I grinned. "And by the way, girls, I'll be needing your help."
****
Madaling-araw pa lang pero heto ako't gising na gising na.
Alright, slash that. I wasn't really that awake. In fact, groggy ako dala ng kawalan ng tulog dahil pinagpuyatan ko ang paggawa ng ipangreregalo kay Vren Andrei. But despite that, itinuloy ko pa rin ang plano namin ng PPGNG.
Nandito kami ngayon nina Hannah, Mavi, at Alexia, mistulang mga miyembro ng Akyat Bahay Gang na nagkatipon sa labas ng condo unit ni Vren. Mabuti na lang at walang kahirap-hirap kaming nakapasok sa building dahil kilala ako ng naka-assign na security guard bilang ang magandang girlfriend ni Mr. Montevilla.
"Pakihawakan nga ito saglit, friend," bulong ko kay Alexia sabay abot sa kanya ng regalo ko para sa aking jowa. Earlier, I carefully covered it with a cotton cloth – mahirap na at baka masira pa ang magdamag kong pinagpuyatan. "Ingatan mo 'yan, ha? Hindi pa fully dried 'yan kaya please, please handle it with care. Yari ka sa akin kapag nag-smudge ang kulay niyan!"
"Ang dami mo pang sinasabi, Mirathea!" Alexia glared at me. "Just open the door to Papa Vren's condo unit! Hindi na ako makapaghintay na makita kung gaano siya kagwapo habang natutulog!"
"'Wag ka ngang hitad!" saway sa kanya ni Mavi. "Nandito tayo para tulungan si Mira na sorpresahin si Sir Vren, hindi para pagpantasyahan mo ang boss natin!"
"KJ ka talaga kahit kailan, Maria Eva!" nakasimangot na linya ni Alexia. "Palibhasa, manang."
"Ah, manang pala ha?" Isang malakas na batok ang iginanti ni Mavi sa kanya.
"OMG. Napakalikot niyo namang dalawa!" Hannah whispered in a panic. "Akin na nga 'yan, Alexia! Ako na ang maghahawak niyan." She carefully pried my peace offering slash birthday gift to Vren from our friend's hand.
I, meanwhile, keyed in the passcode to Vren's unit's smart door lock – our anniversary date. When the door opened, I glanced at my friends.
"Tara nang pumasok, girls. Dahan-dahan lang ang paglalakad, okay?" I reminded them. "Kapag nagising si Vren, sira na ang surprise. At kapag nangyari 'yon, may tig-iisa kayong flying kick galing sa akin. So, be quiet. Understand?"
"Yes, ma'am!" sabay-sabay na sagot ng tatlo.
****
"Oh. My. God. I knew it! Papa Vren looks so gorgeous while sleeping!" excited pero mahinang sambit ni Alexia na ilang pulgada lang ang layo sa mukha ng natutulog kong boyfriend.
"Anak ka ng kalandian, Alexia! Halika nga rito!" Mavi angrily whispered as she grabbed our friend's arm. "Kapag nagising 'yang si Sir Vren... naku!"
"Wait lang! Ita-try ko lang na i-lift ang sando ni Papa Vren! I need to see his gorgeous abs!" Itinulak ni Baklita si Mavi palayo at nag-akmang hahawakan ang pang-itaas ng boyfriend ko.
"Talagang naghahanap ka ng sakit ng katawan, ha? Alis! Chupi! Vren's abs are for my eyes only!" Ako na ang humatak sa braso ni Alexia, at wala itong nagawa dahil sadyang pang-Amazona ang lakas ko.
"Aray naman! Ang damot mo talaga, Mirathea," nakangusong pag-angal ng bruha. "Parang titingin lang sa abs, e."
"I said no! Tulungan mo na lang akong isabit 'to." I pointed to my birthday present for Vren. "Tutal, ikaw naman ang pinakamatangkad sa atin."
"Paano ko isasabit 'yan?" nakapamewang na tanong ni Alexia. "Wala naman tayong pako at martilyong dala, 'di ba?"
"Okay ka lang ba? Bakit naman tayo maglalagay ng pako sa dingding ni Vren? E 'di nagising 'yan kapag nagmartilyo tayo dito?" I glared at him. "And besides, I doubt it that Vren would appreciate it kapag nagbaon tayo ng pako sa dingding ng sosyal na condo unit niya."
"So, ano ang gagawin natin? Lalawayan ko ang likod niyan hanggang dumikit sa dingding?" nakaismid na tanong ni Baklita.
"Baliw." I giggled. "May binili akong hook na may adhesive sa likod. Now get to work, Mr. Pinpin."
****
"Iusod mo pa nang kaunti sa side na 'to!" bulong ni Hannah sabay muwestra sa kaliwa. "Duling ka ba, Alessandro? Hindi ka marunong tumingin kung pantay o hindi!"
"Eto na nga! May kasama pang panlalait ang utos, e." Sinunod ni Alexia si Chinita at muling inayos ang pagkakasabit niya ng frame. "O, ayan. Okay na ba? Pwede na akong bumaba?"
"Yes, that's better," Hannah replied with a thumbs-up. "Halika na ulit dito. I'm starting to get nervous na baka magising si Sir Vren at mahuli tayo." She turned to me. "Light sleeper ba 'yang boyfriend mo, Mira?"
I nodded. "Usually. Mabuti nga at tulog-mantika ang loko ngayon." Nilingon ko si Vren na noon at himbing na himbing pa rin sa kanyang kama.
Kung tabihan ko kaya siya? Charot!
"Shocks. So baka anytime nga ay magising na si Sir Vren?" Mavi's eyes were round with apprehension. "Tara nang umalis, girls! Alexia, bumaba ka na riyan!"
"Ito na nga! Kung makautos talaga kayo sa beauty ko..." Nagsimula nang bumaba si Alexia mula sa pagkakatuntong niya sa drawer ni Vren, at muntik na kaming mapasigaw nina Mavi at Hannah nang sumala ang paa nito at nanganib na malaglag.
"Holy shit. Kinabahan ako do'n! Mag-ingat ka naman, Alexia!" Nandidilat ang mga singkit na mata ni Hannah nang tuluyan nang makalapit sa pwesto namin ang aming gay BFF.
"Let's get out of here!" I hissed. "Uwi na tayo para naman makatulog pa tayo nang kahit kaunti bago pumasok."
"Bye, Papa Vren!" Nagpahabol pa ng flying kiss si Alexia, sent towards Vren's direction, bago kami tuluyang makalabas mula sa condo unit ng aking Sleeping Prince Charming.
****
"Good job, girls! Papasa na tayo bilang mga magnanakaw, ah," natatawang linya ni Mavi nang nasa labas na ulit kami ng condo ni Vren.
"Sa true lang! Ang bongga natin, ha? Walang kamalay-malay si Papa Vren na nasa loob tayo ng kwarto niya!" irit naman ni Alexia.
"Sana lang ay magustuhan ni Vren ang surprise ko," sabi ko habang may tipid na ngiti sa aking mukha.
"Relax, Mira. I'm sure Sir Vren will like your surprise," Hannah assured me as she placed a hand on my shoulder.
"Girls, salamat sa tulong niyo, ha?" I told my three friends. "Love na love niyo talaga ako."
"Of course! Group hug nga tayo!" pag-aya ni Alexia.
Sumunod naman kami nina Mavi at Hannah.
"Eew! Bakit parang amoy-laway ka, Alexia?" Hannah, who was closest to Alexia, wrinkled her nose in disgust.
Humagalpak ng tawa si Mavi. "'Wag na kayong magtaka. Naglalaway kasi kapag tulog 'yang si Alessandro Pinpin."
"Kadiri ka, friend!" I jokingly hit Alexia's arm, chuckling. "Nag-toothbrush ka man lang ba bago tayo magkita-kita rito?"
"Oo naman! Grabe kayo sa akin!" Isa-isa kaming tiningnan ni Baklita habang sambakol ang mukha. "Muntik na nga akong mabalian ng buto kanina kung natuloy ang pagkahulog ko mula sa drawer ni Papa Vren, tapos inaalipusta niyo pa ako?"
"Joke lang, eto naman. 'Wag ka nang mag-drama." Natatawa pa rin ako pero pinigilan ko ito, for the sake of my emotional friend. "Let's go, girls. We'll know later kung effective ba ang ginawa natin para mawala ang galit sa akin ni Vren. For now, rumampa na muna tayo pauwi. Let's try to catch at least a couple more hours of sleep."
Hannah, Mavi, and Alexia all nodded assent. By their droopy eyes, I could tell they're just as sleepy as I was, maybe even more. I gave each of them a grateful smile, happy that I'm blessed with these two girls and one girl-at-heart who are the epitome of the words "true friends".
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro