Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

39: Mira

Hindi por que binati ko na si Vren, ibig sabihin ay thumbs-up na rin ako sa presence ng ex-girlfriend niya sa aming buhay.

May tiwala ako kay Vren. Pero kay Isabella? Isang tumataginting na, "Wala!"

Pero dahil nangako ako sa aking jowa na susubukan kong maging civilized sa maysakit niyang ex, wala akong choice kundi ngumiti na lang at pigilan ang sarili ko na tuktukan ng stethoscope si Isabella sa tuwing maglalapit sila ni Vren.

Nandito ulit kami ng boyfriend ko sa AMMC para muling kumustahin si Isabella, na ayon kay Vince ay bumaba nang todo ang blood pressure kagabi. Ayoko namang hayaan si Vren na mag-isang dumalaw sa ospital — mahirap na at baka kung saan humantong ang pag-reminisce nila ni Isabella sa nakaraan nila.

I was watching, deadpan, as Vren comforted his ex-girlfriend, who was expressing her worry for her business, of all things.

"Bella, relax. I'm sure your staff can handle the café operations on their own," Vren told her in a reassuring tone. "You need to focus on getting better."

"But, Andrei..." Isabella's face was full of sadness. "I cannot just set Café Isabella aside. It's too special. It's our first baby, remember?"

First baby?!

Pinigilan ko ang sarili ko na ihampas ang oxygen tank kay Ms. Leukemia.

Sakto namang nagkatinginan kami ni Vren. My sour expression must have been enough to clue him in on how I felt about what his ex-girlfriend said. He gave me a tiny, almost imperceptible nod as if to say, "Remember what we talked about? Isabella and I are history."

For the sake of peace between me and my boyfriend, huminga ako nang malalim at pinilit na pakalmahin ang sarili ko.

"Bella, now is not the time to be stubborn," muling paalala sa kanya ni Vren. "You'll only make things worse if you keep on overexerting yourself."

Tumikhim ako. "Tama si Vren, Bella. Dapat ay nagpapahinga ka na lang at nagpapalakas. Hindi tama na pilitin mo pa ang sarili mo na magtrabaho."

'Yon ay kung ayaw mo pang mamatay, ha? sa loob-loob ko, pero mabuti na lang at nagawa ko pang pigilan ang sarili ko.

"Thanks for the concern, Mira. I appreciate it." Isabella gave me a tight-lipped smile. "But I don't want to stop overseeing the café. Just because I'm sick, it doesn't mean I'm letting myself go useless."

"Hey. No one is saying you are useless. Stop thinking that way," sabi sa kanya ni Vren.

"But that is how I'd feel if I would just stay at home, doing nothing. I'm worthless," maluha-luhang sagot ni Isabella.

"You're not. Stop degrading yourself." Marahang hinagod ni Vren ang buhok ng kanyang ex.

Muli akong nakaramdam ng pagnanasang buhatin ang oxygen tank. This time, sabay ko nang hahatawin sina Isabella at Vren.

"Ehem!" Pasimple kong pinandilatan si Vren. He, in turn, raised his brows innocently, clearly implying that as far as he's concerned, he's not doing anything wrong.

I sighed, letting the matter rest. Pero hindi ko pa rin nilubayan ng tingin si Vren hanggang sa ilayo niya ang kamay niya mula sa buhok ni Isabella, na noon naman ay namumungay na ang mga mata dahil sa antok. Hindi rin nagtagal ay tuluyan na itong nakatulog.

****

"Ate, nabalitaan ko ang tungkol sa ex-girlfriend ni Kuya Vren, ah." Nasa opisina ko ngayon si Myron para muling mambulabog. "Mabuti at pumayag kang dalaw-dalawin 'yon ng boyfriend mo? At talagang sumasama ka pa, ha?"

"Hindi ko naman kasi pwedeng away-awayin 'yong tao. Malapit na 'yong mamaalam sa mundo," nakasimangot kong sagot sa kapatid ko. "Ayaw ko namang multuhin ako no'n kapag nagkataon. Isa pa, nag-usap na kami nang masinsinan ni Vren. Naniniwala naman ako sa sinabi niyang nagmamagandang-loob lang talaga siya."

"Gano'n?" Umismid si Myron. "Teka, ano nga ulit ang pangalan ng ex ni Kuya?"

"Isabella."

"Ah. Tunog-kontrabida, ah!" side comment naman ng loko.

"Sira." I chuckled. "Akala mo lang 'yon. Pero kapag nakita mo siya sa personal, naku... Baka mapanganga ka dahil sa ganda. Mukhang diyosa 'yong si Isabella. Walang-wala ako."

"Bakit parang may nalasahan akong mapait?" Tumawa si Myron. "Kahit gaano pa kaganda ang babaeng 'yon, Ate, hindi ka naman dapat ma-insecure kung wala na talagang nararamdaman para sa kanya si Kuya Vren."

Tumango ako bilang pagsang-ayon. "Alam ko."

"At saka hello? Hindi ba, ikaw ang self-proclaimed na pinakamaganda sa Custodio Clan?" Another chuckle from my brother. "Pagdating naman sa face value, hindi ka rin magpapahuli. Kaya cheer up na! Sigurado naman akong hindi lang sa ganda tumitingin si Kuya."

"Sabagay." Ngumiti ako. "Thanks, Bunso. Halika nga rito, i-hug mo si Ate."

Sumunod naman ang mokong at niyapos nga ako.

"Nga pala, Ate," Myron began after withdrawing from our hug, "nakalimutan kong banggitin sa'yo... Kinukumusta ka ni Kuya Chase."

"Chase, as in 'yong college classmate ko?" gulat ko namang tanong.

"Tumpak. Nagkita kami kahapon sa Pierceson. Kumuha raw siya ng kopya ng TOR niya. Hindi ba, nanligaw 'yon sa'yo dati?" My brother grinned. "Grabe, hindi lang pala si Kuya Vren ang may past na umeeksena. Ikaw rin pala, meron."

"Baliw. Trip-trip lang 'yong sa amin ni Chase," I answered, my cheeks burning. "Alam mo, kesa mang-intriga ka riyan, mabuti pang tulungan mo na lang ako sa pag-aayos ng files na 'to."

Myron snickered, but otherwise obediently assisted me in organizing the miscellaneous papers on my office desk. Once we're done, I sent him to the Marketing Department — Hannah requested for copies of some financial reports as she needed to prepare a presentation for Medialink's upper management.

Nang mag-isa na lamang ako sa opisina ay hindi ko naiwasang balikan ang nabanggit sa akin ni Myron kanina.

Kinukumusta raw ako ni Chase?

Before I knew it, I was already reminiscing about Chase Constantino — my college crush, my almost-first-kiss, and my almost-first-love.

****

"Good morning, Mira. Ang ganda natin ngayon, ah," nakangiting bati sa akin ni Chase pagdating ko sa aming classroom. He and I were seatmates, thanks to our surnames — Constantino and Custodio.

Tumawa ako. "Chase, tigil-tigilan mo muna ang pambobola sa akin. Napakaaga pa."

"Hindi naman kita binobola." He chuckled, too. "I've always found you beautiful."

I rolled my eyes, curbing a smile. Sa totoo lang ay kinikilig din naman ako sa tuwing lilinyahan ako ng ganyan ni Chase. I didn't want to admit it, but I was crushing on him, too.

"Pwede bang sumabay ulit ako sa inyo nina Alison at Cherry mamayang lunch?" pagkaraan ay tanong sa akin ng mokong. Sina Alison at Cherry ang mga katropa ko noong college.

But before I could answer him, our professor in Cost Accounting, Sir Costales, entered the room. Not one to waste a moment, he greeted the class and started discussing about joint cost allocation right away.

I risked a glance at Chase, and I had to stifle a laugh when I saw that he was still staring at me expectantly. Hinihintay pa rin pala niya ang sagot ko sa tanong niya kanina.

"Sigurado ka bang sa amin ka ulit sasabay mag-lunch?" pabulong na sabi ko sa kanya. "Puro mga babae ang kasama mo lately, Chase. Baka mamaya ay paghinalaan ka nang bading ng mga kaklase natin."

"Paano mangyayari 'yon, e alam naman nilang kaya lang ako laging nakabuntot sa tropa niyo ay dahil gusto kitang makasama?" he whispered back at me, grinning. "Kailan ka ba kasi papayag na ligawan kita?"

I glared at him. "Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na ayaw ko munang magpaligaw? Hirap na hirap na nga ang utak ko sa course natin, tapos sasamahan ko pa ng love life? E 'di nanganib ang grades ko?"

"Hindi naman ako magiging demanding na boyfriend, Mira," sagot niya na lalong lumapad ang ngiti.

"Mr. Constantino!" Chase and I both jumped in our seats when our professor yelled his name. "Quiet down or else, I will send you out of this room."

"Sorry po, sir!" kakamot-kamot ng ulo na paghingi ng pasensya ni Chase. Pasimple namang nagtawanan ang mga kaklase namin.

"Ayan kasi, ang daldal mo," I whispered to him in a teasing tone when our professor turned his back on us to write on the whiteboard.

"Inasar mo pa ako," kunwari ay offended na sagot niya, pero nagpipigil naman ng ngiti ang kumag. "Halikan kita riyan, e."

"Subukan mo at dadapo ito sa panga mo." Inilapit ko ang kamao ko sa mukha niya. Chase snickered, careful not to let Sir Costales hear him.

****

"Kaya nga ako nag-Accountancy e, para wala masyadong paperwork!" reklamo ni Chase habang binubuklat ang isang makapal na libro. "Pambihira naman itong Production and Operations Management. Ang daming kailangang i-research!"

"Imbes na magreklamo ka, magsulat ka na lang diyan para makauwi na tayo," I reprimanded him, smirking. Our classes for the day were over, at nandito kaming dalawa ngayon sa library para pagtulungang tapusin ang isang project. Thanks again to our surnames, Chase and I were assigned to be partners for the said schoolwork.

Not that I mind, though. Gusto ko nga na laging kasama si Chase.

"Bukas na natin 'to tapusin, Mira," he appealed after glancing at his watch. "7 PM na. Tarang mag-dinner, tapos ihahatid na kita sa inyo."

"Sure ka, bukas na natin 'to itutuloy?" tanong ko naman.

Chase nodded. "Sa Friday pa naman ang deadline nito, 'di ba? Marami pa tayong oras."

"Okay," pagsang-ayon ko sa kanya. Sa totoo lang ay uwing-uwi na rin ako.

We returned our borrowed books to their respective bookshelves, wrote our 'time out' on the library's logbook, and headed out of the place.

"Akin na 'yang bag mo, Mira. Ako na ang magdadala," Chase, ever the gentleman, volunteered once we're nearly out of the library building.

"Thank you, pero 'wag na," nakangiting pagtanggi ko. "Magaan lang naman ito."

"Kahit na. Hayaan mo na akong tulungan ka, please?"

Chase's pleading look was so hard to resist that I just found myself removing the strap of my pink messenger bag from my shoulder.

"O, ayan na. Mapilit ka, e." Marahan akong tumawa habang iniaabot sa kanya ang bag. "Trip mo yata talagang pahirapan ang sarili mo," pahabol ko pang biro.

"Okay lang, kesa naman ikaw ang mahirapan." He smiled, so dazzling that I felt my knees weaken. Mabuti na lang at madilim na kaya hindi halata ang pamumula ng mukha ko.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nakatayo lang at nakatingin sa isa't isa, pero namalayan ko na lang na papalapit na ang mukha ni Chase sa akin. When I realized what was about to happen, both my heartbeat and my breathing quickened.

Oh, my God. Chase is going to kiss me! went the frantic thought in my head.

Just as I was about to close my eyes, anticipating the feel of Chase's lips on mine, somebody behind me cleared his throat. Parehas naman kaming nagitla ni Chase, at dali-dali kaming humakbang papalayo sa isa't isa.

Lumingon ako para tingnan kung sino ang kasumpa-sumpang nilalang na naging dahilan para maudlot ang dapat sana ay first kiss ko, with no other than my college crush. I cursed inwardly when I realized it was Sir Costales.

"Mr. Constantino, Ms. Custodio... Gabi na. Bakit hindi pa kayo umuuwi?" tanong ng aming propesor.

Tumikhim si Chase. "May ginawa lang pong project sa library, sir. Mauna na po kami ni Mira."

Thank the heavens that Chase had recovered well enough to formulate a reply to our professor. Ako kasi, nakatitig lang kay Sir Costales habang paulit-ulit na sinasabi sa isip ko ang, Bwisit ka, sir, bwisit ka

"Ate?" I gave a start as Myron's voice brought me out of my reverie. I was so deep in thought that I didn't notice him reenter my office. "Huy, Ate! Bakit tulala ka riyan? May problema ba?"

"H-ha? Wala naman," I stammered in response. "May naalala lang ako. Naibigay mo ba kay Ate Hannah mo ang hinihingi niyang reports?"

Tumango ang kapatid ko. "Pinapatanong niya kung busy ka ba. Nag-aaya siyang magkape sa Serendipity in ten minutes. Libre niya raw."

"Sure, wala naman akong urgent na gagawin. Sina Mavi at Alexia, pwede raw ba?"

Myron nodded again. "Kitakits na lang daw tayo sa labas. Tara?"

I rose from my seat, grateful for the distraction. I couldn't believe that I just had a series of flashbacks concerning my halted romance with Chase. Pakiramdam ko tuloy ay nagtaksil ako kay Vren — if there ever was a thing such as cheating mentally.

"Tara," I told my brother, who wrapped an arm around my shoulders as soon as I reached the spot where he stood. Good timing ang pag-aaya ni Hannah na pumunta sa paborito naming tambayan.

This is good, I thought as Myron and I exited my office. I need to get out. I need some fresh air.

And most importantly, I need to get Chase out of my mind.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro