Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

21: Mira

"Myron Theo!" tawag ko sa kapatid ko na agad namang pumasok sa aking opisina. "Paki-photocopy nga ng mga 'to, tapos idaan mo sa HR."

"Ang dami mo namang iniuutos sa akin, Ate," he grumbled, taking the thin stack of papers from me. "Akala ko pa naman, magiging madali lang ang buhay ko rito bilang student intern dahil ikaw ang boss ko."

I sighed. "Mamili ka – susundin mo ang mga utos ko sa'yo, o kay Alexia kita papatulungin?"

Nanlaki naman ang mga mata ni Myron nang marinig ang pangalan ni Baklita. "Sabi ko nga, gagawin ko na ang lahat ng ipag-uutos mo sa akin. Wait lang 'te, ha? Idadaan ko lang 'to sa HR. Bye, love you!"

I watched, chuckling, as my brother exited my office. Sabi na nga ba at magiging effective na panakot sa mokong si Alexia.

Not a minute after Myron had left, siya namang pasok ng dalawang bata sa loob ng opisina ko. One was a pretty young girl of about six or seven, and the other was a chubby little boy of about four or five.

"¡Hola!" nakangising bati sa akin ng batang lalaki. "¿Eres la novia de nuestro tío?"

"Excuse me?" Napasapo naman ako sa dibdib. Bukod sa nagtataka ako kung paano nakapasok ang dalawang batang ito sa company premises — children are strictly not allowed here, except when we hold events such as Family Day — hindi naman ako informed na kailangan ko palang kumontrata ng interpreter ngayong araw.

Kinalabit naman ng batang babae ang kasama niya. "¡El Tío Vren tiene razón! ¡Es hermosa!" she exclaimed, clapping her hands. Then she turned to me again and said, "Hi, Aunt Mira! I'm Juli, and this is my brother, Miggie."

Bago pa man ako makapagsalita ay bumukas muli ang pinto ng opisina ko, and this time, it was Vren who came in. "There you are," he said, his eyes on the kids. "Didn't I tell you to wait for me?"

"Sorry, Uncle," replied the little girl – Juli. "Estábamos muy emocionados por ver a tu novia. Please don't be mad."

"Lo entiendo, angelita." My boyfriend, smiling, ruffled her hair. "I'm not mad."

Tumikhim naman ako. "Uhm, Vren... baka pwedeng sumama sa usapan niyo? Alam mo na, dahil nandito na rin lang naman kayo sa opisina ko."

"Sorry." Vren turned to me with a chuckle. "Ms. Custodio, meet Juli and Miggie. They're Vira's kids."

"Oh. Kaya pala parang nakikipag-usap ako kina Dora at Boots kanina." Tumawa rin ako bago muling bumaling sa mga bata. "Hello there, Juli and Miggie! It's nice to meet you."

Patakbong lumapit sa akin ang mga pamangkin ni Vren, and soon, I was engulfed in their hugs. Strangely, I felt giddy with relief as I hugged them back. Mabuti na lang at kahit maldita ang nanay nila, mukhang hindi ito namana nina Juli at Miggie.

When his niece and nephew finally let go of me, nalingunan ko si Vren na nakangiting pinapanood kami.

"Grabe, kamukhang-kamukha ng ate mo si Juli noong bata siya," I remarked, remembering the photo of a young Vira that I saw at my boyfriend's place. "Teka, mabuti at pumayag siyang dalhin mo rito ang mga anak niya?"

Vren flashed a devilish grin at my words. "Actually, Vira had no idea I took her kids. As far as she knows, they're just out in the garden, playing hide-and-seek."

"Ano? Siraulo ka talaga, Vren Andrei!" gulat kong sambit. "Siguradong mabaliw-baliw na ang ate mo kakahanap sa mga anak niya."

"Don't worry about her," he replied in an unconcerned tone. "She's already crazy since God knows when."

"Ssh! Naririnig ka ng mga bata!" saway ko sa kanya. Nang nagpatuloy lang sa pagngisi ang mokong ay napailing na lang ako dahil sa lakas ng trip niya.

As Juli and Miggie watched our exchange with increased confusion – I gathered that the kids don't understand Tagalog, kaya ang mga sinabi lang ng tito nila ang naintindihan nila – bigla na namang bumukas ang pinto ng office ko.

In came my brother, who I almost forgot about, due to the unexpected arrival of my little guests. Nang makita ni Myron ang mga bata na kasama namin ni Vren, napanganga siya.

"Sino ang mga batang 'yan?" Nagpalipat-lipat ang tingin ng kapatid ko sa pagitan nina Juli at Miggie. Then, without waiting for an actual answer, he gasped dramatically. "Susmaryosep! Kailan pa kayo nag-ampon ni Kuya Vren, Ate? Alam ba ito nina Mama at Papa, ha?"

"Anong pinagsasabi mo riyan, Myron Theo?" nakasimangot na tanong ko naman sa kanya.

"Napakabilis niyo namang magdesisyon na bumuo ng pamilya!" Myron exclaimed, still in that dramatic tone. "Wala man lang pasabi! Teka nga pala, bakit may pag-ampon na naganap?" He gasped again, eyes as round as saucers. "Baog ka ba, ate?"

Lumapit ako sa kanya at binatukan siya. "Napaka-OA mo! Hindi namin inampon ni Vren ang mga batang 'yan!"

"Aray naman, Ate! Nagtanong lang naman ako," pag-angal ni Myron sabay himas sa batok niya. "E kung hindi niyo ampon ang mga 'yan, sino sila?"

"Myron, meet Juli and Miggie. They're my sister's kids." Si Vren na ang sumagot sa tanong ng kapatid ko. Tapos ay tiningnan niya ako sabay sabi ng, "You didn't have to hit your brother, Mira."

Aba! At kinampihan pa ni Freak ang dramatic actor na si Myron Theo?

Pinandilatan ko ang dalawa. "Narinig mo namang sinabihan akong 'baog' ng lukutoy na 'yan, 'di ba?" pag-alma ko sa sita ni Vren.

"It's just a joke, for heaven's sake," sagot naman ng traydor kong boyfriend.

Hindi ba dapat ako ang kinakampihan ng isang 'to dahil ako ang jowa niya?

Magsasalita pa sana ako nang bumalik ang nakakalokong ngiti ni Vren. "Although we'll see about your ability to bear children in the future," he remarked with a wink directed at me.

Namula naman ako. Humagalpak ng tawa sina Myron at Vren.

"Puro talaga kayo kalokohan!" singhal ko sa kanilang dalawa. "Baka nakakalimutan niyong may mga bata tayong kasama rito?" Itinuro ko sina Juli at Miggie na noon ay halatang litung-lito na sa mga nangyayari.

"¿Qué pasa, tío?" Miggie tugged at the cuff of his uncle's suit.

"Nada, Miggie. We were just teasing Aunt Mira," nakangiting paliwanag ni Vren sa pamangkin niya. "By the way, kids, this is your Uncle Myron. Es el hermano menor de su tía. Why don't you talk to him?"

"¿En castellano?" tanong ni Juli. The young girl's eyes twinkled mischievously.

Vren chuckled. "Try it. Veremos si lo entiende."

"¡Hola! Soy Juli." Juli smiled at Myron, who looked gobsmacked. "Y este es mi hermano, Miggie."

Silencio. Walang nasabi ang madaldal kong kapatid. Nagkatinginan kami ni Vren at sabay na nagpigil ng tawa.

"¿Por qué no hablas?" tanong naman ni Miggie kay Myron. "¿Ha perdido la capacidad de hablar?"

"Pwede bang mag-call a friend? Punyemas naman. Wala akong naintindihan!" kakamot-kamot sa ulo na reklamo ng kapatid ko. "Kuya Vren, bakit naman ganito magsalita ang mga pamangkin mo?"

Tuluyan nang tumawa si Vren. "Juli and Miggie grew up in Spain. But they are fluent in English, too. They're just messing with you."

Juli giggled. "Sorry about that, Uncle Myron."

"You look funny when confused, though," saad naman ni Miggie.

Myron, who was evidently relieved to have finally understood the kids, snickered. "Nice to meet you, Juli and Miggie. Please don't speak in Spanish again when I'm around. Have mercy on me."

Nagkatinginan ang mga pamangkin ni Vren at impit na tumawa.

"I'm taking these two out for sundae," Vren declared. "You should come as well," pag-aya niya sa akin at kay Myron.

"Libre mo, Kuya?" excited na tanong ng patay-gutom kong kapatid. "Wala akong pera, e."

"Of course," nakangising sagot ni Mr. Montevilla, sabay karga kay Miggie. "Mira, will you hold Juli's hand while we walk to the ice cream parlor?"

"Sure." Nilapitan ko ang bata at kinuha ang kamay niya upang akayin. "Let's go, Juli?"

"Aunt Mira," Vren's niece nudged me as we walked out of my office, "can I ask you a question?"

"Of course, you can," nakangiti kong sagot sa kanya. "What is it, sweetie?"

"Are you and Uncle Vren getting married?"

Agad naman akong namula. Thankful that my boyfriend, who was walking with Miggie and Myron a few steps ahead of us, didn't appear to hear the question, I answered, "Well... your uncle and I haven't been together long enough to get married."

"Is that so..." Saglit na nag-isip si Juli. "But when you do, could I be your flower girl?"

Bahagya naman akong tumawa. "Sure. And Miggie could be our ringbearer."

"That's settled, then." Juli beamed. "I can't wait for that day. I really like you for Uncle Vren."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro