13: Mira
"Ready ka na?" I asked Vren for the last time, bago ako kumatok sa pintuan ng aming bahay.
"Yeah, I think so," sagot naman ng boyfriend ko. Seeing his expression made me suppress a laugh. Vren was trying so hard to look confident, pero halata rin namang kinakabahan siya. Ang cute niyang tingnan, actually.
Just as I was about to knock on the door again, I heard Vren huff. "Ugh, this is crazy! Do you think they'll like me?" Obviously, he wasn't able to hide his anxiousness any longer.
Tuluyan na akong tumawa. "Oo naman. Kung may mga taong napakadaling i-please, sina Mama at Papa 'yon. Si Myron lang ang problema mo," I added with a grin, referring to my eighteen-year-old younger brother. "Kailangan mong huliin ang loob ng isang 'yon."
"Alright. I can do that," Vren said in a resolute tone, more to himself than to me. "Let's have lunch with your family, then."
****
"Mira, anak... sigurado ka bang 'yan ang boyfriend mo? Napakagwapo naman niyan! Baka naman binayaran mo lang 'yan, ha? Alam kong lagi ka naming binibiro ng Papa mo, pero ayos lang naman talaga kahit wala ka pang maipakilala sa amin. Hindi ka naman namin minamadaling bigyan ng apo."
Gusto kong manliit at maglaho na lamang dahil sa sinabing 'yan ng aking dakilang ina, nang unang beses niyang masilayan si Vren. Literal na napanganga ang aking kawawang mudra na para bang hindi siya makapaniwalang may nilalang na kasinggwapo ni Freak na nag-e-exist sa balat ng lupa. It took a couple of moments before my mother could recover, at heto nga't kinukwestiyon na niya kung talaga bang si Vren ang boyfriend na binanggit ko sa kanila ni Papa.
"Ma!" Pasimple ko siyang pinandilatan. "Siyempre naman, 'yan po talaga ang ikinuwento ko sa inyo na boyfriend ko. Saka ano ba kayo, walang bayarang naganap. Kung alam niyo lang kung ilang milyong dolyar ang halaga ng lalaking 'yan. Kayang-kaya niyang bilhin ang buong angkan natin." This time, I threw an exasperated look at Vren, who was trying so hard not to laugh, before facing my mother again. "Ganoon na po ba ako kapangit para hindi kayo maniwalang boyfriend ko ang ugok na 'yan?"
"Hindi naman sa gano'n, 'nak. Naninigurado lang ako." Mama beamed at me before returning her focus to Vren. "Naku, Mirathea, 'wag mo nang pakawalan itong si Pogi! Ang gaganda at ang gagwapo ng mga apo ko kapag nagkataon!"
"Ma!" Tuluyan na akong napatakip ng mukha dahil sa huling sinabi ni Mama. Nakakahiya!
Ignoring my embarrassment, she then asked, "Nakakaintindi ba ng Tagalog itong boyfriend mo, 'nak? Mukhang foreigner, e."
Vren chuckled before answering the question himself. "Opo, nakakaintindi po ako ng Tagalog, ma'am."
I couldn't help but smile as I noted how my boyfriend was indeed trying to impress my mother. Nabanggit kasi sa akin ni Vren na mas sanay siyang mag-English dahil ito ang kinalakihan niyang lenggwahe, at medyo awkward sa pakiramdam niya ang pagta-Tagalog (I know, mega-rich kid problems). So, the fact that he's doing so could only mean that he's set on adjusting for me and my family.
Mama, for her part, looked relieved at Vren's response. "Hay, salamat naman. Akala ko, mapapalaban ako sa English-an ngayon, e. Naku hijo, 'wag mo na pala akong tawaging ma'am. Masyado ka namang pormal. Tita Monica na lang."
"Okay po, Tita Monica," nakangiting tugon ng boyfriend ko.
"Halika na sa loob, para matikman mo na ang aking specialty dish." Before I could even protest, Mama already pulled Vren closer by the arm to lead him inside the house. Wala na akong nagawa kundi umiling-iling.
Once we're in the living area, my mother let me and Vren settle on the couch facing the television, on which a noontime entertainment program was being shown. Pagkaraan ay pumwesto si Mama sa ibaba ng hagdan na daan patungo sa ikalawang palapag ng aming bahay, sabay sigaw ng, "Myron, anak, bumaba ka na rito! Nandito na ang ate mo, kasama ang boyfriend niya. Manananghalian na tayo!"
"Mamaya na, Ma!" My younger brother's harried voice was unmistakable. "Nagdo-DOTA pa ako!"
"Hoy, Myron Theo Custodio!" I shouted, which caused Vren to look at me with a surprised expression. "Baka gusto mong ipa-cut ko ang internet connection dito sa bahay? Tigil-tigilan mo muna ang DOTA na 'yan dahil malapit ka nang magmukhang computer! Halika na rito at manananghalian na!"
Ako na mismo ang nagbanta sa makulit kong kapatid dahil alam kong mapapaos lang si Mama sa kakasigaw pero hinding-hindi niya iiwan ang pinakamamahal niyang DOTA. Takot lang ng mokong na mawalan ng internet connection dito sa bahay.
And just as I expected, the threat worked. Mabilis pa sa alas-kwatro ang naging takbo pababa ng hagdan ni Myron. In my peripheral vision, I saw Vren watching my brother with an amused grin.
"Hi, Ate! Ikaw naman, hindi na mabiro. Ang ganda natin ngayon, ah," nakakalokong bati sa akin ni Myron.
Nilapitan ko siya at pabirong tinuktukan. "Ikaw talaga, puro ka DOTA!"
"Pero 'di bale, Ate. Kahit ipa-cut mo ang internet dito sa bahay, may internet shop naman diyan sa kanto," dagdag ng kapatid ko na nakangiting-aso.
"Ha! Good luck na lang sa'yo. Ibibilin ko kay Mama na isakto lang sa pamasahe at pagkain ang baon mo araw-araw para wala nang matira, at sisiguraduhin kong kahit umiyak ka man ng dugo at lumuhod nang bente-kwatro oras ay hinding-hindi ka nila bibigyan ng kinse pesos para ipang-DOTA!" Kulang na lang ay mag-evil laugh ako matapos kong sabihin 'yan.
"Joke lang, Ate! Napakadali mo talagang ma-high blood." Tatawa-tawang inakbayan ako ni Myron. Then, as if noticing Vren for the first time, he narrowed his eyes. "Hey, you!" pagtawag niya sa boyfriend ko, na sinabayan pa ng unti-unting paglapit sa bagong kausap niya. "Ikaw ba ang boyfriend ng ate ko?"
"Yeah." Vren gave him a lopsided smile, then stood and extended his hand. "I'm Vren."
"Tss. Wala munang handshake. Hindi pa tayo close." Aba, at ano itong pag-iinarte na ginagawa ng kapatid ko?
With a snicker, Vren shook his head and lowered his proferred hand.
"Psst!" pagkuha ko sa atensyon ni Myron. "Anong kalokohan 'yan, ha? Nagpapakilala nang matino sa'yo ang tao —" Naputol ang pagsaway ko sa kanya nang muli na namang magsalita ang loko.
"May ilan lang akong mga bilin sa'yo, Mister..." pormal na pormal na linya ng baliw kong kapatid na animo'y Chief Justice siya ng Korte Suprema. Kung alam lang ni Myron na isang CPA-lawyer ang kaharap niya ngayon.
"Montevilla," nagpipigil naman ng ngiti na sagot ni Vren. Props to him for humoring my silly younger brother.
Tumango naman si Myron. "Mr. Montevilla," he repeated, his face still dead-serious. "Gaya ng sabi ko, may mga ibibilin ako sa'yo. Unang-una, 'wag mong gugutumin ang ate ko. Bawal mabawasan ang mga layers ng bilbil niyan na bilang na bilang ko dahil kapag nangyari 'yon, ibig sabihin, iresponsable kang boyfriend."
Dahil sa sinabi niyang iyon ay walang pag-aalinlangang ipinadapo ko ang kamay ko sa kanyang batok.
"Aray naman, Ate!" Hinimas-himas ni Myron ang pinag-landing-an ng aking hampas.
"O, kayong dalawa! 'Wag nga kayong magsakitan!" sigaw ni Mama na hindi ko namalayang pumunta pala sa kusina.
"Si Myron po kasi, Ma!" sumbong ko naman. "Kung anu-ano ang sinasabi rito kay Vren!"
"Ikaw Myron, magtigil ka nga! Kararating lang ng ate at kuya mo, binibwisit mo na!"
I stuck my tongue out at my younger brother, who made a face at me in return.
"'Wag ka ngang istorbo, Ate!" saway sa akin ni Myron. "Kinakausap ko nang lalaki sa lalaki itong boyfriend mo."
Binalingan niya ulit si Vren na noon ay halatang hirap na hirap itago ang kagustuhang tumawa dahil sa kabaliwang nasasaksihan niya. "Ikalawa, Mr. Montevilla... 'Wag na 'wag mong paiiyakin ang ate ko. Nakikita mo ito?" Bahagyang itinaas ni Myron ang kanyang kamao. "Dadapo ito sa panga mo kapag nalaman kong sinaktan mo ang ate ko."
Aww. I had to smile at my brother's overprotectiveness. Kahit may kakulitan ang isang 'to ay hindi matatawaran ang pagmamahal niya sa kanyang nag-iisang ate.
Kahit si Vren, napangiti bago sinagot si Myron ng, "That will never happen, Mr. Custodio."
"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo," tatango-tangong sabi ng kapatid ko. "Ayan, pwede na tayong mag-shake hands." He finally extended his hand to Vren, which the latter graciously accepted.
"Pssh. Kayo talagang mga lalaki, ang dami niyong alam," natatawang komento ko sa dalawa. "Tara na ngang mananghalian!"
****
"Hijo, ano nga ulit ang pangalan mo?" tanong ni Papa kay Vren na noon ay nakapwesto sa tabi ko. The five of us were finally seated around our dining table, feasting on the sumptuous lunch that my mother prepared for us.
"Vren po. Vren Andrei Montevilla," my boyfriend replied, still in that super-polite tone I rarely hear him use.
"Ah, Vren," my father echoed. I was sure he was contemplating how unusual Vren's name is. "Bueno, nabanggit sa amin ni Mira na ikaw pala ang boss niya, tama ba?"
"Yes, sir," pagkumpirma naman ni Vren.
"Bale sa company mo kayo nagkita ni Mira?"
Nagkatinginan kami ni Vren, and judging by his amused expression, he was considering telling the truth about our first meeting – nabangga lang naman ako ni Mr. Montevilla sakay ng kanyang sosyal na Audi, while on my way to the final interview for my dream job as accounting department head of Medialink Marketing, Inc. Turns out, siya pala ang may-ari nito and, though he might not admit it to me, he decided to hire me for the job as a way of saying sorry because his haughty self couldn't say it directly. The rest is history – or, rather, a story of how my strict boss and I fell for each other, despite being total opposites.
Pero sabihin na lang natin na hindi ko sinabi sa pamilya ko ang lahat ng detalye ng una naming pagkikita ni Vren because I'm pretty embarrassed of how I made a scene that day. Kaya bago pa man ako maibuking ni Vren ay inunahan ko na siya.
"Opo, Pa. 'Di ba nga, naikwento ko na 'yan sa inyo?" sabi ko kay Papa with matching plastik na ngiti.
I saw Vren pressing his lips together to curb a smile but decided to ignore it.
"Napakamalilimutin mo na talaga, Theodore!" sabi naman ni Mama kay Papa. "Hindi ba, kwento nga ni Mira ay na-love at first sight sila ni Vren sa isa't isa nang una silang magkita?" Kilig na kilig ang aking ina habang sinasabi 'yan.
This time, Vren let out a barely-audible chuckle. Alam ko ang iniisip ng isang 'to – something like, "Love at first sight? More like, hate at first sight!"
"Ma! 'Wag na po nating i-relay ang mga pangyayari," saway ko kay Mama.
"Sus, ang cute naman ng baby girl namin! Pa-demure kapag kasama ang boyfriend niya!"
Dahil sa matinding kahihiyan ay nainom ko sa isang lagukan ang isang basong iced tea na nasa aking harapan.
"Ganyan naman po talaga si Mira, since we first met. Such a fine lady," pagsakay ni Vren sa kantyaw ng nanay ko. Muli kong sinalinan ng iced tea ang aking baso at nilagok ang lahat ng laman nito, para pagtakpan ang pamumula ng aking mukha. Tapos ay pasimple kong sinipa ang paa ng mokong sa ilalim ng mesa.
"Siya nga?" gulat namang sabi ni Papa. "Mabuti naman kung ganoon. Alam mo ba itong si Mira dati, hijo? Siga sa kanto 'yan! Mas maton pa nga dati sa akin kung kumilos. Hindi mo akalaing nagdadalaga," natatawang kwento ng aking tatay.
"Talaga po? That's news to me. Mira's nothing but finesse all this time we're together," nakangising sagot ni Vren.
"Si Ate, finesse?" Humagalpak naman ng tawa si Myron. "Naku, Kuya Vren. Naalala ko noong inaway ako ng kaklase ko. Sinumbong ko kay Ate, at alam mo ang ginawa niya? Binigyan niya lang naman ng black eye ang bully kong classmate. Simula noon ay wala nang umaway sa akin. Takot lang nila kay Ate."
Tuluyan na ring tumawa si Vren sabay tingin sa akin nang nakakaloko. "I never knew that I should be afraid of you, Mira. Nakakatakot pala ang kamao mo." Sinabayan din siya nina Mama at Papa sa pagtawa, habang ako, 'tila unti-unting lumulubog ang pagkatao sa lupa.
"Kaya nga akala namin dati ay tomboy itong panganay namin," dugtong ni Mama. "Paano naman kasi, kapag may nanliligaw, kung hindi niya tinatakbuhan ay binibigwasan! Mabuti nga at napasagot mo itong si Mira, Vren." Binalingan ako ni Mama. "First boyfriend mo itong si Pogi, 'di ba, 'nak?"
Tumango naman ako habang pulang-pula ang mukha. Kung alam ko lang na pagkakaisahan ako ng mga ito, sana ay hindi ko na lang dinala rito sa bahay namin si Vren. Mga mapang-api!
"Actually, may naalala po ako. Nakaranas din po pala akong mabigwasan ni Mira bago niya ako sagutin," kwento ni Vren habang nakangisi.
"Ano, Mirathea?" high-pitched na reaksyon ni Mama. "Pati pala itong si Pogi, hindi mo pinalagpas?"
"Hoy, aba! Kailan kita binigwasan, ha, Vren Andrei Montevilla?" dinuro ko siya gamit ang aking tinidor.
"Like you'll admit it," he teased.
"Naku, Mira, tigil-tigilan mo ang kabayolentehan mo ha? Paano na lang ang gwapong mukha ni Vren kapag nagkataon?" naaalarmang bilin sa akin ng nanay ko.
"O, Monica, hinay-hinay lang. Baka naman malaglag na ang puso mo," natatawang saway sa kanya ni Papa.
"Kasi naman itong anak natin, pati pala ang boyfriend niya ay inaaryahan ng pagiging amazona niya!" Nilingon ni Mama si Vren while wearing a concerned expression. "Mukhang ang bait-bait pa naman nito."
Haha, tama ba ang dinig ko kay Mama? Akala ko ba, magaling kumilatis ng ugali ang mga nakatatanda? Kung alam lang nila kung gaano "kabait" itong si Vren. Mas malala pa nga ang topak nito sa akin!
"Oo nga, Ate," pagsingit naman ni Myron na noon ay puno ng pagkain ang bibig. "Palagpasin mo naman si Kuya Vren!"
"Che! Bago mo ako pangaralan, Myron Theo, lunukin mo muna ang laman ng bibig mo. Para kang timawa, nakakahiya!" pagtataray ko sa kanya.
"Sungit!" mapang-asar na sagot sa akin ni Myron matapos lumunok at lumagok ng iced tea.
"Sungit pala, ha?" Tinaasan ko siya ng kilay bago lumingon kay Mama. "Ma, nakalimutan ko nga po palang sabihin sa inyo na ipapa-cut ko na talaga ang internet connection dito sa bahay. Kailangan po nating magtipid." Tiningnan ko nang nakakaloko ang kapatid ko.
But to my holy horror, my boyfriend grinned at Myron and said, "Don't worry, lil' bro. Just tell me when that happens. Sagot ni Kuya Vren ang internet connection mo."
"Yes! Apir, Kuya!" Myron reached over and high-fived with Vren.
Pinandilatan ko si Vren na noon ay kasabay na tumatawa nina Mama, Papa, at Myron. "At nagpapalakas ka talaga, ha?"
"Of course," he replied, winking conspiratorially at my brother. "I got your back, lil' bro."
Siyempre pa ay hindi ko na napigilan ang ngumiti. There's nothing like seeing your boyfriend give his best efforts to win your family's approval and affection. It gave me a warm and fuzzy feeling inside.
I love you, he mouthed, catching me staring at him, eyes glinting with happiness.
I love you too, Freak, I replied in a whisper. The last word was an attempt to get even with his teasing. Kailangan kong makabawi man lang kahit kaunti sa mga pangti-trip niya sa akin.
"Ehem! Mamaya na ang lambingan. Ubusin niyo muna ang pagkain niyo." Vren and I turned to see my father, smiling at the sight of us. My mother and brother were doing the same.
"Opo, Pa," sagot ko kay Papa, sabay naman sa pag-"Yes, sir," ni Vren. Muli namang tumawa ang tatlo. Of course, this made me and Vren laugh along – my face was flushed pink from my family's teasing, while my boyfriend, unfairly, looked cool and at ease as always.
Ganitong-ganito ko na-imagine kung paano ko ipapakilala sa aking pamilya ang first boyfriend ko – the five of us sharing a meal, joking and teasing around, him perfectly comfortable around my parents and my brother.
Needless to say, I'm glad it was Vren who made that a reality.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro