Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

11: Mira

Mukha nga yatang espesyal ang Angels' Cradle para sa mga taga-Medialink dahil complete attendance kami sa araw ng pagpunta namin sa nasabing orphanage, para sa aming CSR project.

Matapos siguraduhing nasa designated transportation na ang lahat ng mga taga-Accounting Department ay dali-dali akong pumunta sa aking place of honor — walang iba kundi ang passenger seat ng kotse ni Mr. Montevilla.

"Are you excited?" nakangiting tanong sa akin ng boyfriend ko.

"Siyempre," sagot ko naman sa kanya. "I can see how much you guys are anticipating this. Nahawa na rin tuloy ako."

We made our way out of Medialink's parking lot. Sinundan namin ang huling bus na, kung hindi ako nagkakamali, ay sakay ang mga taga-Marketing Department. I bet Hannah was there, hissing at her subordinates to keep quiet dahil balak niyang matulog sa buong biyahe.

"Hey, did you prepare something for the kids?" Vren asked with an expectant smile. "You know, for the short program? It's tradition."

"Yup. Merong magda-dance number na mga taga-AD. Meron ding kakanta. Pero siyempre, hindi ako kasama sa kanila."

Vren let out a theatrical groan. "Damn it. I was really looking forward to seeing you dance."

"Asa ka. Alam mo namang hindi ako pang-performing arts. Bakit, kayo bang executives, may part sa program?"

Vren chuckled. "You bet. I'll sing while Leimar does a matching interpretative dance. The rest can either be backup singers or dancers."

I laughed, trying to picture Medialink's top management in that situation. "Now that's a performance worth watching."

****

"Kuya Vren!" Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa gate ng Angels' Cradle ay dali-daling nagsitakbuhan ang ilang mga bata upang salubungin kami. The way they ran straight toward my boyfriend, akala mo ay si Santa Claus ang dumating.

Vren got down on one knee and patted each child on the head. "Hey, kids. It's been a while. You all grew taller." Halata mong aliw na aliw siya habang pinagkukumpulan ng mga bata.

Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako. First time kong makita si Vren na pinaliligiran ng mga bata! The look of delight on his face as the children hugged and kissed him was priceless. The image was so sweet that I felt the sudden urge to hug my boyfriend.

After the kids calmed down, one of them noticed me. "Kuya, sino po siya?" tanong ng isang batang lalaki na sa tingin ko ay lima o anim na taong gulang na.

"Oh." Vren rose from his half-kneel and took my hand. "This is Ate Mira," he explained to them. "Girlfriend ko siya."

Nanlaki ang mga mata nila sa salitang girlfriend. They exchanged looks, curious and excited and accompanied with giggles. Nagkatinginan naman kami ni Vren at sabay na tumawa.

"Mira, I want you to meet Luella, Myka, Jerome, Celine..." Isa-isang ipinakilala sa akin ni Vren ang mga bata. "And, last but not the least, meet my mini-me, Vren Andrei." Inakbayan niya ang batang lalaki na nagtanong kanina kung sino ako.

"Vren Andrei rin ang pangalan niya?" gulat na tanong ko.

"Opo!" sagot naman ng bata bago pa makapagsalita si Vren. "Si Kuya Vren po ang nagpangalan sa akin noong baby pa ako. Sabi ni Sister Amy, nandito si Kuya Vren noong dalhin ako rito, at siya ang nagsabi na isunod sa kanya ang pangalan ko."

I gave Vren a warm smile. Imagine giving a piece of yourself — your own name — to a helpless baby? I felt like a proud girlfriend, witnessing this side of him.

"Ate Mira, ang ganda-ganda mo naman! Bagay po kayo ni Kuya Vren!"

"Oo nga! Ate, kailan po kayo ikakasal?"

"May anak na po ba kayo?"

Muli kaming natawa ni Vren dahil sa kakulitan ng mga bata na dinaig pa ang mga sikat na talk show host dahil sa dami ng mga tanong sa amin.

"Come on, we better go inside. Marami kaming pasalubong para sa inyo." Kinarga ni Vren si Luella at inakay niya naman with his free hand ang kanyang mini-me na papasang si Kupido dahil sa kanyang kulot na buhok at mabibilog na mga pisngi. Nagsisunuran ang ibang mga bata sa amin.

"Ate Mira, pakarga!" Nakakailang hakbang na kami nang sabihin 'yan ng isang batang babaeng ipinakilala ni Vren bilang si Ayra.

"Halika!" kinikilig na pagyaya ko naman sa kanya. Patakbong niyapos ako ni Ayra bago tuluyang nagpakarga sa akin.

Nalingunan ko si Vren na noon ay tumigil pala sa paglalakad at pinanood kami ni Ayra.

"You'll make a good mother," he said with a smile.

Sinagot ko siya ng isang kindat. Tumawa naman siya.

With that, we made our way to the orphanage's main building. Surrounded by these kids, we could have been easily mistaken as one big, happy family. And of course, I didn't mind.

****

"Kaya naman pala nagsitakbuhan ang mga bata. Dumating na ang Kuya Vren nila," nakangiting bungad sa amin ng isang madre nang tuluyan na kaming makapasok sa main building ng Angels' Cradle.

"Sister Amy." Nakangiting lumapit si Vren sa madre at nagmano rito. "Kumusta po? Sorry, it's been a while since I visited."

"Mabuti naman kami rito, hijo," sagot naman ni Sister Amy. Kita ang pagkagiliw nito kay Vren. "Nami-miss ka na nga ng mga bata. Tuwang-tuwa sila nang ibalita ko na dadalaw kayo. Teka, sino itong kasama mo?"

I felt real proud when Vren beckoned me forward, took my hand, and said, "Sister, this is Mira. She's my girlfriend."

"Hello po, Sister." Gaya ng ginawa ni Vren ay nagmano rin ako sa madre. The headmistress surveyed me with a satisfied smile on her face.

"Nice to meet you, hija." Sister Amy gave me an affectionate pat on the arm. "Bagay na bagay kayo ni Vren."

"Salamat po," nakangiting sagot ko.

After a minute of comfortable silence, Vren spoke again. "Shall we go and
watch the program?"

****

"Okay, kids! Upo na kayo para masimulan natin ang program." Pagdating namin nina Vren at Sister Amy ay hawak na ni Angie Victorino, head of Medialink's Human Resources Department, ang mic habang nagbibigay ng instructions sa mga bata.

Iginala ko ang aking paningin sa kabuuan ng open area. It was spacious, despite a huge portion of it already dedicated to several playground attractions — slides, swing sets, monkey bars, and the like. May isang makeshift stage na sinet-up para sa gaganaping talent show. Sa isa namang gilid ay naroroon ang isang buffet table. Hindi kalayuan dito ay isa pang mahabang mesa kung saan naman nakasalansan ang sangkatutak na regalo na ipapamigay namin mamaya sa mga bata. And, of course, occupying most of the area in front of the stage were the kiddie chairs, where the children were already obediently seated.

Niyaya ako ni Vren na umupo sa isang bench na nasa hindi kalayuang gilid ng makeshift stage. Mula rito ay tanaw namin ang mga bata, ang mga madre na nagbabantay sa kanila, at siyempre, ang mga empleyado ng Medialink na nakikihalubilo at nakikipagkulitan sa mga bata. I spotted Alexia, with glittery makeup, talking to Mavi. A few paces away from them ay naroon naman si Hannah, in matching clothes with other people from her department, readying for their dance number.

Vren was smiling contentedly. "I wish we could do this for them everyday."

"I know." I reached for his hand and gave it a squeeze. "Hopefully, paglaki ng mga batang 'yan ay maalala nila na marami ang nagmamalasakit sa kanila. Lalo ka na. Sana paglaki nila ay tularan nila ang Kuya Vren nila."

"I'm not much of a role model, to be honest." Vren shrugged. "All I want is to help."

Ngumiti ako. "'Yon naman ang importante."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro