-Chapter 9-
"Magre-resign? Seryoso ka, Jackie?" tanong sa akin ni Mr. de Vera, medyo gulat matapos kong sabihin na magre-resign na ako.
"Opo, Sir. Alam ko pong nakakagulat po at biglaan ang aking pagre-resign, lalo na po at halos magmakaawa po ako para makuha itong trabahong ito pero, kailangan ko po eh." sabi ko sa kanya.
Tumango siya "Eh ano naman ang dahilan mo at magre-resign ka? Nakahanap ka ba ng mas magandang trabaho o talagang ayaw mo lang sa trabaho mo ngayon?" tanong niya naman sa akin.
"Uhm... hindi naman po sa ayaw ko, pero-"
"Matapos ba to ng mangyare kahapon?" pagputol niya naman sa sasabihin ko.
"P-Parang ganun na nga po. Pero hindi naman sa masamang paraan. Basta, mahirap pong ipaliwanag eh." sagot ko.
Medyo tumagal pa ang pag-uusap namin ni Mr. De Vera bago ako nakalabas ng opisina niya. Nakita ko naman si Seth na nakaupo sa isang coffee table sa cafe tapos may kalandian, este, kakwentuhang babae.
"Oh? Siguro nagwo-work out ka, noh, kung ganyan kalakas ang katawan mo." sabi nung babae.
"Hindi. Sadya na siguro akong ganto." sabi naman ni Seth, walang kapaki-pakialam sa pinag-uusapan nila ng babae.
"Hi." bati ko sa kanila nang makalapit na ako sa lamesa nila.
"Oh, hi, babe. Ano? Tapos ka nang magresign?" sabi naman ni Seth sabay balot ng braso niya sa bewang ko. Okay?
"Yes...?" sabi ko naman, medyo naaawkward sa ginawa niya at sa tinawag niya sa 'kin.
"O sige. Alis na tayo." tapos tumayo si Seth.
"Alis ka na?" tanong naman ng babae, kasasabi lang? Bingi-bingihan pa tayo, girl?
"Yeah. May date pa kami ng girlfriend ko. Tara." hinawakan ni Seth ang kamay ko at hinila niya ako palabas ng cafe.
Nang makasakay na kami ng kotse, saka lang ako nagtanong sa kanya "Anong meron kanina?" sabi ko habang nagsusuot ng seatbelt.
"Wala. Nilalandi kasi ako nung babae eh. Kung ano-anong pinagsasabi kaya ayun, para matahimik, ikaw na lang ang ginawa kong excuse." paliwanag niya habang binubuhay ang makina.
"Ah, kay." na lang ang sinabi ko "Punta na tayo sa mansyon?" tanong ko.
Ngumisi si Seth "If that is what you wish, Ms. Jackie." sabi niya naman, tinapik ko siya sa balikat at tumawa lang siya tapos nagmaneho na siya palabas ng parking ng cafe.
Tahimik lang naman ang naging byahe namin papuntang mansyon tapos nang makarating na kami naninibago pa rin ako. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Ako pala ay anak ng bise presidente ng aming bansa. I mean, who wouldn't be surprised?
Pinark ni Seth ang kotse sa garahe ng mansyon at pagkalabas ko ay agad akong sinalubong nila Jan-jan, Shawn at yung isa pang light-brown haired na di ko maalala yung pangalan. Yes! Naalala ko pa pangalan nung isa! Haha! Syempre, crush ko na kaya yan si Shawn! Cute niya eh. ^______^
"Welcome home, Miss Jackie." bati nila ng sabay with kasamang bow.
"Uh, hi." awkward kong sabi with a wave of the hand.
"Mabuti at napabisita po kayo agad, Miss Jackie. Siguradong magagalak si Sir Harford pag nalaman niyang nandito ka." sabi ni light-haired guy na di ko maalala yung name.
"Uh... sige. Pasok na tayo?" sabi ko at nag-gesture sila sa pinto. Naunang lumakad si Seth at pinagbuksan niya ako ng pinto. Medyo awkward naman akong pumasok sa loob tapos sumunod sa akin yung apat na bodyguards.
"Kamusta naman po ang araw nyo, Miss Jackie?" tanong naman ni Shawn habang naglalakd kami.
"Okay lang. May naging bagong kaibigan ako. Well, kami, ni Seth." sagot ko sabay gesture sa amin ni Seth.
"Mabuti naman po kung ganun." sabi naman ni Jan-jan. Parang lalo akong naa-awkward. Di ako sanay na kinakausap ako ng ganto.
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ko silang apat "Okay. Let's make one thing clear, guys" sabi ko "pwede bang wag niyo akong kausapin ng ganyan? Medyo awkward eh. Di ako sanay na kinakausap ako ng ganyan. Yung may 'po' at 'opo' chu chu. Okay sana kung mas matanda ako pero mas matanda kayo eh. Ilang taon na ba kayo?" bigla kong tanong sa kanila.
"22 years old." sagot ni Jan-jan.
"21 years old." sagot ni Shawn.
"24 years old." sagot ni light-brown haired.
"21 years old." sagot ni Seth.
"Oh diba? Ako 19 pa lang. Turning 20 sa November pa. Which is next month na pala. Uy, malapit na rin ang sem break. Ayos. So, can we all agree na kausapin niyo ako naturally? Not formally?" tanong ko sabay tingin sa kanila.
"Pero ang sabi po sa 'min ni Sir Harford ay kailangan ka po naming kausapin ng may galang dahil kayo po ang anak niya at kami po ay mga bodyguards mo." paliwanag ni light-brown haired.
Bumuntong-hininga ako "Sige na, guys. Di bale nang anak ako ng bise presidente, like you said, bodyguards ko kayo. And I say, treat me more as your friend. Friends na lang tayo, okay? Or pwede rin little sis niyo na lang ako tapos mga kuya ko kayo. Pwede rin."
Nagtinginan ang tatlo habang si Seth ay napangiti na lang "Sige na, boys. Pagbigyan na natin ang Mistress natin. Baka umiyak pa yan." nakangiting sabi ni Seth, hinampas ko siya sa balikat.
"So, okay na?" tanong ko sa tatlo with matching thumbs-up.
"Sige po." sabay-sabay na sagot ng tatlo.
"Ayos. So, san ba si Papa?"
"Miss Jackie." nag-yukuan ng mga ulo ang apat na bodyguards ko habang ako naman napalingon ako sa lalaking tunawag sa akin. Nakita kong papalapit sa amin yung chief na black-haired guy. Yung isa sa mga nagligtas sa akin. Ano ba pangalan nun? Jerome! Ayun!
"Hello po." bati ko sa kanya.
"Napabisita po pala kayo. Dapat po tumawag po kayo. Nasa conference pa po ang Sir Harford kasama ang Presidente." sabi ni Jerome.
"Ah, ganun ba?" malungkot kong sabi "Eh, mga anong oras po siya makakauwi?" tanong ko.
"Siguro po ay nasa alas siyete pa po ng gabi. Pero sakto po ang dating niyo."
"Huh? Bakit?"
"Next week, magkakaroon po ng isang family reunion po dito sa mansyon at gusto po ni Sir Harford na dalhin kayo doon at ipakilala kayo sa buong pamilya niya."
"Wait, what?" Nagulat ako sa sinabi ni Jerome. Ipapakilala ako? Sa pamilya ni Papa? As in, sa Mama at Papa niya? Mga kapatid? Pamangkin? "Seryoso? P-Pero... hindi pa ko handa. At okay lang ba na ipakilala na ko? Hindi ba dapat mahuli muna yung nagtatangkang pabagsakin si Papa bago niyo sabihin sa kung sino na ako ang anak ni Papa?"
"Okay lang naman pong ipakilala ka sa pamilya ng Sir Harford. Makakatiyak ka po na wala po silang masamang gagawin sa iyo. Ang totoo'y matagal ka nang gustong makita ng pamilya mo, Miss Jackie."
Huminga aki ng malalim "Oh my G. Nakakagulat ka naman, Sir Jerome. Gosh. Hindi ba pwedeng... next time na lang? Next year?" tanong ko.
"Paghihintayin mo pa po ba ng ganun katagal ang mga taong nagmamahal sa 'yo upang makita ka? Hindi po ba't masasaktan mo lang sila?"
Nadali ako dun ah. Tama nga naman siya. Kung ako nga di ko kakayaning maghintay pa ng ilang taon upang makita muli ang mga mahal ko sa buhay. Eh kaso di talaga ako ready. Hayyss... A R G H exclamation point!
"Sige na nga. Pupunta na ko." pagbuntong-hininga ko. Wala eh. Natamaan ako sa sinabi niya.
Napangiti si Jerome "Wag po kayong mag-alala. Sasamahan ka naman po ni Seth. Bilang personal bodyguard mo ay dapat ka niyang samahan at bantayan saan ka man magpunta." dagdag niya sabay turo kay Seth.
I sighed in relief. Buti na lang! May makaka-vibes pa naman ako doon. Natatakot kasi ako na baka ma-bored lang ako doon kasi alam ko naman na ang mga reunions ng mga asendo tulad ni Papa yung mga formal parties tulad sa mga royal families. At baka magmukha lang akong tambay doon, walang kausap, kakwentuhan eh di pa naman ako magaling maki-usyoso o makipag-usap sa mga taong ang tataas ng standard.
Oo, alam kong anak ako ng bise presidente pero iba ang kinalakihan ko eh.
"Ayos. Sige. Vote ako dun." pagsang-ayon ko with matching nod.
"Sige. Una na po ako at aasikasuhin ko pa po ang insidente kahapon." tapos umalis na si Jerome.
"So, anong plano mo ngayon, Jackie? Aantayin mo pa ba si Sir Harford o uuwi na tayo?" biglang tanong ni Seth nang makalayo na si Jerome.
"Uwi na tayo. Bukas na lang tayo ulet bumisita. Tawagan mo na si Papa bukas ah. Sabihin mo sa kanya na bibisita tayo." sagot ko sabay lingon sa kanya, tumango lang siya "Pero bago tayo umuwi, pwede bang kumain muna tayo? Di pa tayo nagmemerienda, noh." bigla ko naman sabi.
"Kung iyon ang gusto mo. Michael, punta ka sa kusina, sabihin mo kay Manang na maghanda ng meryenda para kay Jackie." utos ni Seth dun sa light-brown haired guy. Ah, Michael nga pala pangalan niya, naalala ko na.
Tumango si Michael tapos dumeretso na siya sa kusina "Tara na't magpunta sa dining room." yaya naman ni Shawn tapos tinungo na namin ang dining room, syempre una si Seth, di ko alam kung saan eh.
Bilang meryenda, hinandaan ako ng ginataang mais tapos may kasama pang monay at gatas. Habang nakain ako ay nagkwentuhan kami sa hapag-kainan. Napag-usapan namin ang tungkol sa reunion, kung ano ba ang dapat kong gawin habang nandoon.
"Well, personally, di pa kasi kami nakakapunta sa kahit isang reunion nila Sir Harford. Lagi kaming nasa mga kwarto na namin o sa opisina. Yung ibang bodyguards pa lang ang nakakasama sa ganoon. Di naman namin matanong kung kamusta kasi di namin iyon pwedeng pag-usapan. Kaya sa aming apat na bodyguards mo, si Seth pa lang ang pinaka-unang makakapunta." paliwanag ni Jan-jan.
"Ah. Wawa naman kayo. Gusto niyo sabihin ko kay Papa na hindi lang si Seth ang bodyguard ko doon." suhestiyon ko sabay subo ng isang kutsarang may ginataang mais.
"Hindi na. Okay lang naman sa amin eh." nakangiting sabi ni Shawn.
"Pero gusto ko eh. The more the merrier."
"Hindi na, Jackie. Wag ka nang masyadong insistent sa lahat. Bayaan mo na." sabi naman ni Seth.
Bumuntong-hininga ako "Sige na nga. Ay, nga pala, kain din kayo oh. Ako lang ang lumalamon dito, nakakahiya na." bigla kong alok sa kanila sabay kagat ng tinapay.
"Sige lang. Okay na kami." Sabi ni Michael.
"Mukha niyo. Sige na. Nahihiya pa kayo, tayo lang naman ang nandito eh. Sige na. Kahit tinapay lang." pag-alok ko pa rin sabay turo sa plato na puno ng monay.
Nauna nang kumuha si Seth "Kuha na kayo, boys. Once in a lifetime opportunity to. Baka sa susunod na mga araw, malaman na lang natin, mataray na tong si Jackie at ipagkait na niya ang lahat ng mayroon siya." tukso pa niya, hinampas ko siya.
"Asar ka ah. Kahit kailan hindi ko pinagkait ang mga bagay na mayroon ako. Mabait na bata kaya ako." sabi ko with matching mataray na look, nagtawanan sila.
"Ibig sabihin kahit boyfriend mo isha-share mo na rin sa iba?" patuksong tanong naman ni Shawn.
"Oy. Hindi noh. Boyfriend ko, boyfriend ko. Siya lang ang isang bagay na kahit kailan ay ipagkakait ko. Ay, pati na rin pala asawa ko." tapos tawanan kami.
"O sya. Tapos ka na ba? Para di tayo abutan ng trapik sa highway." sabi naman ni Seth.
"Sige. Tara na." tapos tumayo na kami at magkakasama kaming dumeretso sa garahe.
Mga alas-syete na kami nakauwi ni Seth sa apartment dahil inabot pa kami ng trapik sa may highway, rush hour na kasi nang pauwi na kami. Nang makapasok kami ay agad kong binagsak ang sarili ko sa higaan "Hay! Ba yan!" reklamo ko.
"Wag mong sabihin na nagrereklamo ka pa rin dun sa reunion niyo?" tanong ni Seth nang ilapag niya ang bag niya sa gilid ng higaan.
"Oo. Eh kasi naman eh. Kinakabahan talaga ako. Paano kung hindi ako magfit-in o hindi ako matanggap ng pamilya ni Papa?" sabi ko habang nakatitig sa kisame.
"Bakit ka naman hindi tatanggapin ng pamilya mo? Pamilya mo sill, Jackie. No family would hate their own family member."
"Mayroon kaya. Hayyss... tulungan mo nga ako, Seth. Ano ba ang dapat kong gawin sa mga reunions tulad nun?" tanong ko sabay upo at pagkatingin na pagkatingin ko kay Seth ay sakto namang naghuhubad na siya ng T-shirt. And dang! He just looks so hot! Sensya naman, guys, di pa ko sanay makakita ng lalaking nakahubad. Kahit topless lang! >////////
"Anong dapat mongg gawin? Hmm, I think all you have to do is be yourself. Alam naman nil na kakakita pa lang ng Papa mo sa iyo at kakaalam mo pa lang na anak ka ng bise president. So it's quite understandable kung hindi pa nil makita ang expectations nila sa iyo." paliwanag ni Seth sabay lingon sa kin habang tulala naman ako sa kanya.
"Uh... eh... kasi... ano? Ay, teka, ano? Ha?" na-utal bigla ako! Bat kasi ang hot ng bodyguard kong ito? Gosh! Heaven masyado, di ko na kaya!
"Sabi ko, it's alright na hindi mo maabot ng expectations nil sa iyo dahil kakakilala mo pa lang sa Papa mo. There's no harm in being true to them." pag-rephrase niya.
Yumuko ako, iniiwas na ang tumingin sa kanya. Totoo naman si Seth. There is no harm in being true. Kasi, kahit anak ako ng bise presidente, may pinag-aralan naman ako kaya okay lang kahit hindi ko pa maabot yung standards nila. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang isang tuhod ni Seth na pumatong sa kama habang yung isa niyang kamay ay nasa gilid ko.
Tumingin ako sa kanya at laking-gulat ko nang makita kong malapit sa mukha ko ang mukha niya. Yung tipong konti na lang, maghahalikan na kami. Dang it, Seth Calossas! Quit seducing me, you hot bodyguard!
"Don't worry too much, Jackie. Alalahanin mo, nandun naman ako sa tabi mo. Kaya kung may mangyari man, di ka nag'iisa, may karma ka." nakangsi niyang sabi habang nakatitig sa mga mata ko. Pakiramdam ko matutunaw ako sa titig niya. His chocolate brown eyes were so fierce. Para bang, he's reeling me into them, swooping me off my feet. Naramdaman ko nag pag-init ng mga pisngi ko. Baka kasing pula ko na nag kamatis!
Dahan-dahan na lumapit si Seth sa akin kaya napapikit na lang ako. Naramdaman ko naman siyang humalik sa noo ko tapos tumayo na siya. Minulat ko ang mga mata ko at tinignan ko siya "Bihis ka na. Bibili lang ako ng makakakain natin."
Tumango ako, halatang wala pa rin sa sarili. Tumayo na ko at, unconciously, nagsimula na kong maghubad ng damit ko. Napansin ko na lang nang biglang sabihin ni Seth "Jackie. Please don't do that here." napatingin muna ako sa kanya at nakita ko siyang nagtatakip ng mata. Saka ko lang napansin ang ginagawa ko at namumula akong tumakbo sa CR habang hawak-hawak ang mga pamalit ko.
Narinig ko siyang tumawa habang nasa CR ako, pero yung tawa niya hindi yung tawa na natatawa talaga. Yun bang, mababa lang na tawa. Basta! Yung ganun! Hirap i-explain eh. Pero parang ng sexy nung tawa niya. Kasing sexy niya.
Ay, pambihira! Tumigil ka na nga, Jackie! Nawawala ka na sa sarili mo! Enough is enough!
SETH POV
Nakangiti akong lumabas ng apartment. Wala eh, natawa lang ako kay Jackie kanina. Ang cute niya habang namumula siya. Hindi ko naintindihan, pero parang bumilis ang tibok ng puso ko habang magkalapit kami ng ganun. Ibang-iba yung pakiramdam ko nun. Para bang... para bang...
...gusto ko siyang halikan.
Mamuntikan na nga yung kanina eh! Hahalikan ko na sana, buti napigilan ko ang sarili ko at nahalikan ko siya sa noo na lang. Kundi, patay ako! Kabilin-bilinan pa naman ni Sir Harford sa akin. Hayyss...
At the same time naman sa oars na makita ko saying nagbibihis sa harapan ko, biglang nagwala yung puso ko. Kung wala lang akong kontrol sa sarili ko tulad ng sa bang lalake sa oras n makakita sila ng babaeng nakahubad, ay baka napapatay na ko ng Papa niya.
Damn it, Seth! Get a hold of yourself! You're her bodyguard! Stop thinking of nonsense things! Nandito ka pan bantayan at protektahan siya, hindi para landing siya! Asar! Nakakaasar ka na! Parang nag lab naman kasing magustuhan ko siya kaagad eh kakakilala pa lang naming kahapon! Agh!
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro