-Chapter 15-
Nang magkainan na, kanya-kanyang kuha sila ng plato, kutsara't tinidor. Ang handa spaghetti, pancit, biko, menudo, kanin, carbonara at afritada. Umupo muna ako sa gilid at inantay na lang na medyo kumonti and mga tao na nakapaligid sa lamesa. Lumapit sa akin si Papa na may kargang plato na puno ng pancit, biko, kanin at menudo.
"Oh anak, bat di ka pa kumuha ng pagkain mo?" Tanong niya sa akin habang naupo siya sa tabi ko.
"Mamaya na lang po. Ayoko munang makipagsiksikan sa kanila." Nakangiti kong sagot kay Papa, tumango siya sabay kain ng kanin na may menudo.
"Seth!" Biglang tawag ni Papa kay Seth, agad siyang lumapit kay Papa "Yes, Sir." Sabi niya nang makalapit na siya.
"Kuhanan mo ng pagkain 'tong si Jackie. Pati na rin ng kakainin mo. Hindi yung nakatayo ka lang syan sa isang sulok." Utos ni Papa kay Seth.
"Opo. Anong gusto mo, Miss Jackie?" Tanong niya naman sa akin.
"Ha? Uhm, carbonara at biko na lang. Solve na ko dun." Sagot ko naman.
"Sure ka, 'nak? Di ka magkakanin? Alam ko paborito mo and menudo ah." Tanong ni Papa sa akin.
"Hindi na po. Carbonara na lang." Sabi ko.
Tumango si Seth sabay punta sa lamesa upang kumuha ng pagkain namin. Habang inaantay, kinausap ako ni Papa "Nag-enjoy ka ba sa reunion?" Tanong niya sa 'kin.
"Opo. Di ko aasahang ganto po pala ang reunion. Mali pala ang inakala ko." Nakangiti kong sabi habang pinapanuod ang mga pinsan kong nagtatawanan at nagkukwentuhan.
"Hmm, ano bang akala mo?" Tanong ni Papa.
"Honestly, akala ko po isang formal occassion ang reunion na 'to. Yung tipong may fancy music, fancy clothes and fancy food. Tapos ang only entertainment lang ay yung mga formal dances like waltzing. Yun pala, tulad din siya ng ibang reunions. Masaya." Pagpapakatotoo ko.
Narinig kong tumawa ng mahina si Papa tapos inakbay niya sa akin ang isang braso niya sabay yakap sa akin "Mabuti at nag-enjoy ka." Nakangiti niyang sabi. Medyo nag-alinlangan pa ko pero sumandal pa rin ako sa balikat niya na matagal ko nang gustong gawin sa Papa ko. Sa wakas at naramdaman ko din.
"Ay, Pa, may sasabihin pala ako sa 'yo." Bigla kong sabat matapos ang ilang segundong katahimikan sa pagitan namin "Magkakaroon po kami ng musical play sa school as part of our course curriculum, tentative pa yung date and time pero I'm planning to audition for lead actress. I was wondering kung makakapanood ka ba?" Tanong ko sabay alis ang pagkakasandal ko sa kanya.
"Ah, hmm... hindi ko alam, anak, eh. As you know, we are keeping your identity a secret so I think it'd be really crucial if I went to your school to watch your play." Paliwanag naman ni Papa na medyo ikinalungkot ko, oo nga pala. Masyadong delikado kung papapuntahin ko si Papa dun "Wag ka nang malungkot, anak. If you want, magdidisguise na lang ako para di ako makilala ng iba." Suhestyon niya naman nang mapansin niyang malungkot ako.
Iniling ko ang ulo ko sabay tingin kay Papa na may ngiti sa mukha ko "Hindi na po, Pa. Masyadong delikado po, di lang para sa kin, para rin po sa iyo." Pagtanggi ko sa suhestiyon ni Papa.
"Sigurado ka, anak? It's okay, I can manage. Gusto ko rin namang makitang magperforn ang anak ko eh." Aniya sabay pisil sa pisngi ko, natawa na lang ako.
"Hindi na po. Hayaan niyo, pare-record ko na lang sa kaibigan ko ung performance namin. O kaya sa isa sa mga bodyguards ko. Pwede naman silang magpunta dun eh." Suhestiyon ko naman tsaka dumating si Seth na may hawak na 2 platong puno ng carbonara at 2 piraso ng biko.
"O sige." Tumango si Papa sa sinabi ko at nagpatuloy na siya sa pagkain.
Inabot sa akin ni Seth ang isang platong puno ng pagkain ko tapos kumain na kaming dalawa. Habang nakain kami, nagkwentuhan lang kami ni Papa about sa buhay ko noong bata pa ako at nang lumipas ang ilang minuto at natapos na kami sa aming mga pagkain ay exchange gift na daw!
"Hala, pa'no yan? Wala akong pang-exchange gift." Bulong ko kay Seth nang nagkukuhanan na sila ng mga regalo nila na ibibigay sa exchange gift.
Kumibit-balikat si Seth tas nakita kong palapit sa amin si Papa na may hawak na dalawang regalo "Heto, anak. Sa 'yo to." Sabi ni Papa nang iabot niya sa akin ang isang regalong nakabalot sa pink na gift wrapper.
"Ay, thank you po, Pa. Kinabahan po ako, kala ko po wala akong pang-exchange gift. Di ko naman po kasi alam na may exchange gift palang magaganap." Sabi ko kay Papa nang kunin ko sa kaniya ang regalo.
"Di ko na talaga sinabi para di ka na mag-isip pa na gumastos para sa exchange gift. Tsaka baka mas lalo mo kasing tanggihang pumunta dito kapag alam mong kailangan mo pang gumastos." Pag-amin ni Papa, natawa na lang ako sa sinabi ni Papa. Ang totoo, ganun nga ang gagawin ko kung sakali. Wala me pera eh. :D
So nangyari ang exchange gift. Una yung mga kids, tapos sunod kamig mga teens then mga parents or adults. Sayang lang, di kasali si Seth kasi wala siyang pang-exhange gift. Ang nakuha ko mula kay Kuya Arjay, isang black na jansport backpack. Yes! May bago na kong bag! Halos tatlong taon na sa 'kin yung bag na gamit ko sa school kaya medyo sira na rin siya. Haha! XD
Matapos ang ilang oras ng kwentuhan at kulitan, nag-uwian na ang lahat. Nagpaalam ako kay Papa na mauuna na ko sa kwarto ko dahil may pasok pa ko bukas.
"Grabe. Napagod ako dun ah!" Sabi ko sabay higa ng pabagsak sa kama ko, hay buhay, ngayon ko lang napagtantong ganito pala kalambot ang kama ko. Dahil siguro sa pagod. Haha!
"Yeah. Pero, aminin mo, masaya din siya." Banggit naman ni Seth nakatayo lang sa gilid ng kama ko.
"Mm-hm. Aminado ako, masaya pala siya." Pag-amin ko habang nakatitig sa kisame.
"Sige. Punta na ko sa kwarto ko at maaga pa tayo bukas." Pagpapaalam ni Seth at akmang aalis na nang tawagin ko siya.
"Eh? Dito ka na matulog para makatulog ako. Dipa rin ako sanay sa kwarto kong 'to, noh." Anyaya ko sa kaniya.
"Hindi na. Kaya mo na 'yan. Ayokong magilitan ng Papa mo at ni Sir Jerome pag nalaman nilang dito nanaman ako natulog sa kwarto mo." Pagtanggi naman ni Seth.
"Hmp. Killjoy. Sige na nga. Lumayas ka na. Uy, bukas ha? Magau-audition ka as Dimitri! Upakan kita pag di ka nag-audition!" Babala ko sa kaniya, natawa lang siya. Uy, seryoso ako. Upakan ko talaga to pag di siya nag-audition.
"Oo na. Magau-audition na po. Kulit mo talaga. Tulog ka na nga." Nginitian ko siya tas nahiga na ko habang nakataklob sa kumot kong napakakapal. Pinikit ko na ang mga mata ko at dahil siguro sa pagod ay nakatulog agad ako.
Kinabukasan, umalis na agad kami ni Seth ng mansyon at dumeretso na kami sa school. Wala namang masyadong nangyari sa klase pero nang dumating ang alas diyes, nagpuntahan na kami sa CoC Building para sa auditions sa Production namin. Kamalas-malasan naman at ako ang pinauna nila. Si Anastasia daw muna, eh dalawa naman kaming magau-audition, bat ako una? Cri. T______T
Di ko na sasabihin yung mga nangyari sa auditions. Basta nagkantahan kami, yun lang, haha! Grabe yung tilian ng mga babae nung si Seth na yung nag-audition. Bwiset kasi, galing pala umarte ng mokong na 'to! Daig niya pa yung actual na Dimitri. Lol.
After auditions, nag-lunch kami tas tinipon kami ng Direktor namin sa classroom para i-announce yung mga natanggap na casts.
"Okay, unahin na natin si Dimitri kasi mas nadalian sila Sir na pumili. Si Dimitri ay si, none other than, Seth Calossas!" Pag-announce ni Direk at nagtilian ang mga babae. Tinignan ko si Seth na nakasandal sa upuan niya at tulog. Bastos.
"Seth. Huy, napili kang Dimitri." Pagtabig ko sa kaniya at nagising naman siya.
"H-Ha? Ohs? Edi wow." Sarkastikong sabi niya tas sumandal siya sa balikat ko at akmang matutulog ulit nang galawin ko yung balikat ko.
"Bastos ka ring bata ka. Makinig ka naman." Pagsuway ko sa kaniya. Kumurap siya ng ilang beses tas umayos na siya ng upo.
"Oo na, oo na. Tapos, si Anastasia naman natin ay si... Aileen Reguerra!" Nadisappoint naman ako nang banggitin ito ni Direk. Ayy, di ako napiling Anastasia. Cri. </3
Nagtinginan silang lahat sa amin ni Seth nang magtaas ng kamay di Seth para makuha ang atensyon ni Direk "Direk, pwede magback-out? Parang ayoko nang mag-lead." Biglang tanong naman ni Seth na kinalungkot at kinagukat din ng iba.
"Ha? Bakit naman?" Tanong ni Jerome, isa sa mga kaklase namin na bakla.
"Ayaw niya ata kay Aileen eh. Oh, Aileen, ayaw niya sa 'yo, wawa." Tukso naman ni Coleen, best friend ni Aileen, hinampas naman siya ni Aileen sa balikat.
"Tama ka. Ayoko kasi kay Aileen eh. Tsaka um-agree akong mag-audition ng lead basta si Jackie yung kasama ko." Paliwanag ni Seth, hinampas ko siya sa balikat.
"Huy, wag mo kong idamay diyan." Sabi ko sa kaniya.
"Ano ba, Seth, wag ka nang maarte. Tsaka di naman kasi kami anh pumili ng cast, sila Sir Erson naman. Anyway, kasali pa naman sa cast si Jackie eh. Siya ang back-up Anastasia natin sakalinh biglang magkasakit o madisgrasya 'tong Aileen na 'to." Paliwanag naman ni Direk sabay turo kay Aileen.
"Oo nga. Kaya 'wag kang magkakasakit, beh! Para may moment naman kayo ni Seth. Ayiiee..!" Kinikilig na tukso ni Coleen tad parang napansin kong namula nh konti si Aileen. Hayyss, bakita ba ang gwapo netong bodyguard kong 'to at laging pinapantasyahan ng lahat? Takte. -____-
"Okay lang 'yan, Seth. Kasama mo pa rin naman ako ah." Sabi ko kay Seth nang mapansin kong medyo naaasar pa rin siya. Nasa kotse na kami at pabalik na kami sa mansion para bisitahin si Papa. Ayos, diba? Kakagaling lang naming mansion tas balik agad kami. Haha. XD
"Asar naman kasi eh. Kaya ayokong mag-audition kasi baka di rin naman ikaw ang makasama ko." Medyo naasar pang sabi ni Seth habang nakatingin sa daan.
"Bakit ba ayaw mo? Si Aileen lang naman yun ah. Kaklase natin. Mabait naman siya, maganda." Sabi ko habang nakatingin sa kaniya.
"Ehh, di ako sanay sa babae." Napataad ako ng isang kilay ko habang nakatingin sa kaniya.
"Upakan kita. Di sanay sa babae, eh kung makalapit ka nga sa 'kin nung tinuturuan mo kong sumayaw." Banggit ko naman.
"Ikaw 'yun. Sanay na 'ko sa 'yo. Lalo na, mistress kita kaya natural lang na masanay ako sa presensya mo. Pero pag ibang babae, I'm an alien to society, Jackie. Never akong nagkaroon ng mga kaibigan maliban sa mga kapwa ko bodyguards." Pag-amin naman ni Seth sa akin.
Bununtong-hininga na lang ako, wala, mahirap pakiusapan 'tong mokong na 'to. Masyado siyang pabebe, di porket gwapo. Nakarating na kami sa mansion at binati nanaman kami nila Michael, Jan-jan at Shawn sa may garahe tapos sabay-sabay kaming pumasok sa loob.
"Kamusta auditions? Balita ko, nag-audition for lead actor 'tong si Seth ah." Pangangamusta naman ni Shawn, bununtong-hininga si Seth.
"Yeah. Nakuha nga siya eh. Kaso ako, hindi. Back-uplang ako ng lead namin sakaling madisgrasya o magkasakit." Sagot ko.
"Ayy, bakit di ka napili? Sayang,I was looking forward to watching you." Pagrereklamo ni Jan-jan "Eh sino naman yung lead? Magaling ba siya? Maganda ba siya? Baka naman napili lanh dahil supot sa klase at sa professors."
"Uy, grabe ka naman. Mabait naman yung si Aileen. Maganda rin siya at magaling kumanta. Kaso, ayaw naman netong si Seth. Gusto niya ako ang maglead." Kwento ko sa kanila.
"Eh dapat lang naman na ikaw yung nag-lead. Manonood pa naman kami tas papavideo pa ng Papa mo." Reklamo nanaman ni Jan-jan.
"Hindi. Guys, ganto, alamin natin kung san nakatira 'tong Aileen na 'to tas siguraduhin natin na di na siya makapag-lead. Pwede na siguro yung mabalian siya ng braso, noh?" Biglang suhestiyon naman ni Michael. Wow, ha, Michael! Ang alam ko pa naman tahimik at mabait 'to. Anyare overnight?
"Tama, tama! Mabuti kung ipasagasa na lang natin ng kotse sa kalsada. Tawagan natin siya tas palabasin natin, siguraduhin natin na masaktuhang may sasakyan sa kalsada." Dagdag naman ni Shawn.
"Hindi. Ako na lang, volunteer, ako sasagasa sa kaniya." Pag-volunteer naman ni Seth tad nag-high five sila ni Jan-jan.
"Ano ba kayo? Ang sasama niyo naman. Kinawawa niyo na 'yung bata, or worse, pinatay niyo na." Pagsita ko sa kanila, nagtawanan ang apat kong bodyguards.
"Hindi, joke lang, Jackie. Nagbibiro lang naman." Sabi ni Michael.
"Ay, biro lang ba? Kala ko totoo na." Tanong naman ni Seth kaya hinampas ko siya sa balikat "Ah, kanina mopa ko hinahampas ah!" Reklamo niya sabay hawak sa balikat niya.
"Ano naman? Aangal ka?" Pagtataray ko.
"Hindi. Nagsasabi lang, 'to naman." Sabi ni Seth tas nagtawanan kaming lahat. Nang paliko na kami sa isang hallway papunta sa opisina ni Papa ay may nakasalubong ako at nagkauntugan kami.
"Ah! Aray!" Sabi ko habang hinihimas ang noo ko.
"Ow! I'm sorry." Paghingi ng tawad ng nakabangga ko. Pagtingin ko sa kaniya ay laking gulat ko na lang nang makilala ko ang nakabangga ko.
Si Kennedy Panganiban. Ang anak ng Presidente. Patay.
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro