Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

15. Is it the time?

Liam...

"Siguro ito na ang halik na pinakahihintay ko, sa iyo ko naramdaman ang dampi'y ng halik at tama ako sa nararamdaman ko para sa iyo."

Sa bawat halik ay siya namang pagtugon, hindi ko alam kung ito na ang magbubukas sa aking pagkatao, at siya na ang taong para sa akin?, ito na ba ang panahon para subukan kong umibig sa isang ka-kasarian ko? Siguro wala namang masama, naramdaman ko naman ito kay kurt ngunit hindi niya kayang ibigay sa akin iyon, kaya si nathan ang pupuno niyon para sa akin, at ako ang pupuno sa lahat ng pagkukulang ni kurt kay nathan.

"S-Sorry, nathan... i did not mean it," hinging paumanhin ko.

"Liam, uMh." Di siya makaimik,

"HMm, di ko rin alam Nathan, but sigurado ako sa nararamdaman ko para sa iyo". Sambit ko na may halong pagkaseryoso.

"S-sorry liam but I can't open my Heart again to somebody, I-I'am not ready for th-is... " habang pautal-utal nitong tugon..

"That's O-okay nathan, di ko ipipilit sa iyo ang sarili ko, and I willing to wait if you will.." desperado kong pagkakasabi.

"S-sige l-liam mauuna n-na a-ako.."
At tuluyan na itong lumayo sa akin.

Hindi ko na siya sinundan dahil naiintindihan ko siya, "sorry nathan kung pinangunahan kita"
Hindi ko inaasahan ang ganitong pangyayari, di ko alam kung dapat pa ba akong mag pakita sa kanya, at dapat ko pa bang ituloy ang nararamdaman ko para sa kanya. Bahala na ang tadhana na magpasya.

Nathan..

"Nathan Come on!. Go back to your senses!"

Bigla akong natauhan at pilit kong tinatatak sa isipan ko na walang nangyari sa amin ni liam. "nathan! Ano ka ba huwag ka ngang magpaapekto sa nangyari, wala iyon!" Mariing bulong ng isang panig ng aking isip. "Nathan! Sarap na sarap ka nga sa pagkakahalik sa kanya ea." Malanding bulong ng isa pang panig ng aking utak.

Hayy!! Di ko alam kung mababaliw ako! Pero tama nga nasarapan ako sa halik ni liam at naramdaman ko ulit kung paano mag-mahal ulit. What a Damn but sweet day!.

Matawagan nga si Nina, kamustahin ko nga siya.

Hinanap ko agad ang number ni Nina at kinontact ko agad siya.

Ring... ring.....

Ring.... ring....

Ring.... ring...

"Tagal namang sumagot ng babaeng ito!"

At ayun sumagot din siya sa wakas!.

"Ow nathan! May kailangan ka ba!"

"Tagal mo sumagot!"

"Oh Sorey  nathen, mareming kasi akes na ginegewe." Pabebeng tonong sambit nito.

"Arti mo magsalita!" Kakamustahin lang sana kita, at pwede ka ba mamaya??" Mariing tanong ko.

"Hey, huwag mong sabihing may ikekwento ka nanaman sa akin? Hihi!. Sige basta Go ako diyan txt mo na lang ako, 6pm out ko dito sa Company ea. Sige bye you!" And she hanging up.

Oo nga pala! May pasok siya sa office ng sunday. Hay. Sayang nasira kasi talaga ang moment namin ni liam kanina. Time check! 4:39pm mag hihintay pa ako ng isang oras at ilang minuto. Hayy. Makapaglibot na nga muna.

Iniisip ko pa din ang halik ni liam kanina, shocks!!  What the! Heck!  Hindi ko pa rin maalis sa isip ko awtss! Nakakahiya talaga kanina, iniwan ko pa siya kanina doon sa park! nathan! what have you done?!, this is your day dapat masaya ka.
😭

Biglang may tumulak sa akin sa likod, dalihan para mapabulyaw ako at konti na lang ay lumagapak na ako sa damuhan, buti na lang naagapan ko, napatukod ang aking mga kamay.

"Ano ba?!! Are you Crazy?" Bulyaw ko sa tumulak,

"Oh nathan kahit kailan talaga! Haha!" Natatawang sambit nito.

"Teka? Sabi ko na ikaw yan e! NINA! LAGOT KA SA AKIN!" Tsaka ko siya hinabol. Para kaming mga bata doon, tumigil lang kami noong napansin namin na pinagtitinginan na kami ng nga tao. Awtss.

Hingal na hingal si Nina, at naupo kami sa isang Bench at nag simula na kaming mag usap.

"UHm hiningal ako doon nathan," habang tawang tawa pa ito.

"Sira ka talaga Nina! You're always teasing me!" Habang nakangisi pa ako

"Oh sige sige settle down, kwentuhan mo na ako alam kong may Hot issue ka," habang ngumiti pa ito.

"Uhm" napabuntong-hininga muna ako bago ako nagsalita.

"Mukhang ang bigat niyan, okay ka lang nathan?" Nagaala-la pa ito.

"Oo, k-ka-se.. he K-ki-ssed me!," nauutal kong sambit.

"Oh? Who?!!" Nanlaki bigla ang mga mata nito.

"L-Li-am.." sa mababang tono kong sambit.

"WHAT?! NATHAN? ARE YOU SURE?!!" Di pa rin ito makapaniwala.

"Ea oo nga Nina! Ulit ulit ka diyan! Paano niyan? He confess to me his true feelings, and yet I'am not ready to open again my heart."
Sambit ko, di ko namalayan na lumuluha na ako.

"Oh nathan, it's okay, am ko na masakit pa sa part mo ang nakaraan and i know you are not yet ready for a new relationship. Kaya tahan na".

"Hindi ko rin alam nathan, pero isa lang ang pwede kong sabihin sa iyo at iyon ay kung may nararamdaman ka rin sa halik ni liam at sa mismong kay liam."

Tumango ako,. "UHmm"

"What? Nathan meron ba talaga? Kung sabagay naka move on ka na rin you have to learn how to love again".

"Di pa kasi ako sure sa nararamdaman ko pero parang may iba akong naramdaman mula sa mga halik niya, kusa pa ring bumabalik ang mga ala-ala ni kurt sa akin".

"Nathan si liam yun hindi sa kurt, you have to learn na hindi sa lahat ng pagkakataon ay laging nandiyan si kurt para sa iyo, diba nga iniwan ka na niya?, kaya wala ka na dapat isipin pa ng may kinalalaman sa kanya. You have to start again,. Atska nathan ang pagmamahal naman laging may kasamang sakit at kirot pero panandalian lang dapat, you have to learn it."

"Makapag advice ka naman parang sawing sawi ako sa pag-ibig!."

"Nako! Basta yon lang ang masasabi ko sa iyo," sundin mo ang puso mo, learn to follow your heart's desire." Mariing sambit nito.

"Thank you best!" Sabay niyakap ko siya ng mahigpit, and di ko namalayan na lumuluha na ulit ako.

"Okay lang yan nathan, tara magpunta nga muna tayo ng cafe."

"okay tara go ako diyan!"

At nag lakad na kami papunta sa cafe, nagkwentuhan pa kami ng marami ni  Nina napakadalang na lang kasi naming magkita, buti nga Ngayon may time siya. Nagtatawanan pa kami sa loob, tila naalis sa aking kalooban ang kalungkutan ng mga sandaling iyon. Panandaliang nawala ang stress naming dalawa.

Pagka-uwe ko agad na sumalubong sa akin si Nicol, 6pm na rin ako nakauwe, at buti na lang tapos na mga gawain ko, I lied to liam para matakasan lang ang sitwasyon na iyon.

"Kuya! Pasalubong ko!" Habang nagmamadaling lumapit at yumakap sa akin ang kapatid kong makulit.

"Ow Eto na, bitawan mo na ako di ako makagalaw sa iyo ea. Tara na, nasaan si papa?"

"Nandoon sa kusina, nagluluto."

Bigla namang nagsalita si papa, at patungo din sa paroroonan namin ni nikol.

"Oh Nathan andyan ka na pala. Kamusta ang pag-pasyal mo?"

"Napakaraming nangyari pa! I will tell you all mamaya," habang nangingiti pa ako sa kanya.

"Oh kuya ano nanaman niyan? Ah basta yung pasalubong ko." Saka niya pinalad ang kamay niya ay hinihingi na niya ito.

"Oh oh, ang kulit mong bata ka. OH ETO Binilhan kita ng Paborito mong Donut." Sabay kinuha niya ito,

"Nako nikol." Nagtawanan kami ni papa.
Napakakulit kasi ng batang ito, Mas lalong kumulit. Pero mahal ko iyan. Ako ang best teacher ng kapatid ko, lagi din itong nasa top at laging may award, manang mana sa akin haha! Charot lang.

Itutuloy.....


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro