12. Sadness turns to Happiness
Sananthachat as Nina Gonzales. Isa sa mga naging matalik na kaibigan ni Nathan noong panahon na nawala si Kurt sakanya.
.
..............
...........
Nathan...
"Araw, Gabi, si kurt ang nasa isip ko lahat na yata ng emosyon na sa akin.
Hindi ko matanggap na umalis siya sa buhay ko at iwan ako ng ganon ganon lang I'm very weak to face that kind of challenge in my life, ni hindi niya sinabi kung anong nangyari at bakit kailangan naming tapusin ang lahat"
Isang buwan na ang nakakalipas noong magdrop-out si Kurt sa University of the Philippines. Wala na akong balita sa kanya at hindi man lang siya nagpaalam sa akin, at unang pagkakataon na nakita ko ang kanyang ina, but she did not entertain me, sinubukan kong kausapin siya but she refuse. Wala akong nagawa kundi umiyak na lang, Nina was on my side that time.
Nahati din ang aming section this 2nd Semester na nag start ngayong January, masyado kasi kaming marami kaya nagdecide ang Dean na hatiin ang section namin in to two section, at ayun nga, kami lang ni Nina ang magkasama sa Section F, at yung iba kong tropa na si Krizzy, Carl, Fern at Allan nasa Section L.
Nakakalungkot man pero it is okay.
Nagbabonding pa naman kaming magbabarkada kaso napakadalang na lang. At may Thesis na rin kami this sem, kaya mahirap. Hindi ko alam saan ako huhugot ng lakas ko, ngayong wala na si kurt sa Buhay ko, he is the one i love so much, pero ipinagkait ng tadhana iyon para sa aming dalawa.
........
"Nathan nag-aalala na ako sa iyo anak!, don't make yourself turn to mess!, hindi lang naman si kurt ang pwedeng magmahal sayo at nagmamahal sa iyo, isipin mo naman ang mga taong nakapaligid sa iyo, kami ni nikol, hindi ba kami mahalaga sa iyo?! Its time to Move on and let go nathan." Sermon ni daddy sa akin habang patuloy ang aking pag iyak.
Nagaalala na kasi si daddy sa akin bukod sa bumababa na ang mga grades ko sa academics, bumabagsak na rin ang health ko, at pati sarili ko napabayaan ko na. Pati si nikol napapabayaan ko na at hindi ko na natu_tutor.
Patuloy lang ang aking pag-iyak, at bigla nalang akong niyakap ni daddy ng napaka higpit, pati siya lumuha na rin.
"Nathan Tahan na anak, 1 month ka ng ganyan, you have to start in your own way ng wala si Kurt sa buhay mo. You have to accept everything.
Sabi niya diba you make your own path diba? So ipakita mo sakanya na mali siya at kaya mo kahit wala siya sa buhay mo okay anak?? Tahan na.. paliwanag pa ni daddy habang napapaluha pa siya.
"Okay dad. I'm so sorry for everthing, hindi ako nakikinig sa inyo at lagi niyo na lang pinapaintindi sa akin ang mga bagay na ito, I'm so sorry because Im selfish man." Namamaga na ang aking mga mata ng tumahan ako, dahil kahit isang patak ay wala ng gustong iluha ang mga mata ko. Napakasakit!
"It's okay anak basta ayusin mo lang ang sarili mo ibalik mo yung nathan na masayahin at mapagmahal. That's enough for us."
"Yes daddy, I'll be back without him"! Matigas na pagbigkas ko.
"Ayan anak! That's good! Oh bukas may pasok ka ah kumain kana then matulog ka na agad ako ng bahala muna sa kusina ah." At lumabas na si papa kasama ako, and nikol still eating kaya sinabayan na namin siya.
----Alarm----
....... ring ..... ring .......
Okay this is the day that I will start. I will reset things and start on my own!
It's already 5am ng magising ako, babawi ako ngayong week na ito marami na akong nasayang na araw kaya kailangan kong bawiin lahat ng pinaghirapan ko.
"That's Good nathan matuto kang tumayo at lumaban ng wala si kurt sa buhay mo. He is no longer with you"
Dali-dali na akong Pumunta ng kusina para makapg handa ng Breakfast, laking gulat ni Daddy na gising na ako hindi niya inakala na nakarecover na ako, pero sa totoo lang hindi pa, ramdam ko pa rin ang pait at kirot sa aking dibdib, pero matututunan ko rin itong makalimutan balang araw.
"Wow, it's nice to see you na Maganda ang gising mo anak," habang pumapalakpak pa ito, " tulungan na kita anak ah" dagdag nito,
" nako pa, don't worry i will going to make bawe bawe to you umupo ka na lang diyan at ipag- aahin kita ng makakain. Wait gisingin ko lang din si Nikol", nakangiti lang ako pero pinipilit ko.
"Okay anak, basta sana tuloy tuloy na ang paggaling mo sa heartbreak mo" 😁😚
Sabay sabay na kaming kumain nila dad, at nikol, nanumbalik sa aking mukha ang kasiyahan na isang buwan ding nawala. Pero now I realized na bakit ako papaapekto, kung mayroon namang handang magmahal sa akin at yun ang family ko. 😇 I'm so blessed. Thank you god!
------Sa School-----
Nina......
Rampa lang! Habang naglalakad sa Hall way.
Hello I'm Nina Gonzales, baka ngayon pa lang ako magpapakilala ng lubusan sa inyo, I'm nathan's Bestfriend, Im 20 years old, and single pa. Close kami ni nathan pero hindi katulad ng closeness nila ni krizzy, pero kami lang ni nathan ang magkasama sa Section F. so kami ang palaging magkasama for almost One month this sem. Mataray ako at pranka at lagi kong pinagsasabihan si nathan tungkol kay kurt that he is no longer with him, diba? Nakakalungkot lang ang nangyari kay nathan, ako lahat ang nag-aajust nagyong di siya makapokus sa pag-aaral and hindi ko siya pinababayaan kahit anong mangyari, at doon naging mas matibay pa ang pagkakaibigan namin.
"Huy nina!" Sigaw mula sa likuran ko.
"what? Nathan? With a big smile? What happen? There's a miracle!" Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang dating nathan na masayahin!.
"Bakit gulat na gulat ka? Miss Nina?? Haha! Ako to si Nathan! Huy!" Bigla pa niya akong niyugyog para matauhan ako, Di kasi ako makapaniwala.
"What the," then I hug him tight!"
"Huy, Nina nakakahiya nasa hallway tayo!" Sabay bumitaw naman ako. Nawala sa isip ko eh!.
"Tara na nga nathan marami ka ikekwento sa akin bilisan mo, may himala talaga ea ano? Tumalab siguro ang mga sermon ko sa iyo at ngayon narealize mo noh? Okaya dininig na ni god mga panalangin ko?!. Habang naglalakad kami sa hallway panay ang talak ko.
At nakarating na kami sa room namin, I'm so excited na magkwento itong Bisexual kong kaibigan. Haha!
"O ano na bakit bigla ka atang nagtransform?" Habang seryosong nakatitig ako sa kanya..
" hUMm. Wala I realized na dapat di lang ako magpabulag sa isang bahagi ng puso ko. Yun lang!" Matipid niyang sagot.
"Kakainis ka Nathan dinadaan mo ko sa mga ganyang lines ah, but i really happy for you, tama yan wag ka na ulit papaloko ah?! Para di ka nasasaktan at iniiwan" pranka kong sagot.
"...." di umimik si nathan. Natahimik lang siya bigla.
"Ow sorry my dear nathan, basta andito lang kaming nagmamahal sa iyo. Hanggat may nagmamahal sa iyo huwag na huwag kang panghihinaan ng loob okay? I love you my Bestfriend! Sabay inakap ko siya ulit para gumaan na ulit ang pakiramdam nito.
Bumalik na ulit ang sigla nito at sakto dumating na ang prof. namin at bumalik na nga ang dating nathan na kilala ko.
After the class.
"Nathan, may pupuntahan lang ako kita tayo sa may blichers sa may activity center mamayang 1pm ah, sige mukhang kaya mo na rin naman ang sarili mo. Pasensya na ah i have important sched. Today ea. Sige ingat ka nathan."
"Ah it's okay Nina, kaya ko na ang sarili ko sige kita tayo doon ah hintayin kita dapat on time ka kundi aalis agad ako haha!."
"Sige sabay nag wave na ako sa kanya at umalis na."
Pupuntahan ko si mommy at daddy ngayon ea may lunch bonding kami di ko pwedeng palampasin iyon. Mamaya ko nalang sabihin kay nathan okay?. Bye muna.
Nathan..
"Umalis na si Nina, hay.. makapaglibot muna nga."
Habang naglilibot ako may biglang tumapik sa balikat ko.
"Hey! Liam ikaw pala iyan!" Sambit ko.
"Oh how are you nathan? You look fine now ah, you look so good and Fresh" pambobola nito.
"Haha! Nambola ka pa! Kumain ka na ba?? If you want sabay na tayong kumain." Pag -aaya ko
" yes of course dapat nga aayain kita talaga kaya pinuntahan kita." Sambit nitong nakangiti.
Napaka charming talagang ngumiti nitong si liam. Awww! Sabi ng malanding isip ko.
"Let's go?"
"Tara"
Nagtungo na kami sa may canteen and we looks like very handsome together, halos pinagtitinginan kami ng mga ibang students habang papunta ng canteen at pagpasok namin ng canteen.
.......
After naming kumain ay nagkwentuhan muna kami habang nasa blichers kami sa Activity center.
Masaya ang kwentuhan namin, we talk about books. Mahilig din kasi sa mga books itong si liam kaya ganoon na lang ang sarap ng usapan namin. He read books like romances at mystery idol din niya si nicholas sparks, si Anne stuart at ilang sikat na author si pilipinas. Daming alam nito syempre di naman ako papahuli, mga paborito ko ay pocket books at syempre history books, fantasy at fiction stories.
Sa sarap ng aming kwentuhan di maiwasan na maisingit ang pangalan ni kurt na siyang ikinalulungkot ko, para bang bumabalik lahat ng sakit at kirot. Awww. !😣😢😭
Itutuloy.....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro